34: Answer
CHAPTER THIRTY-FOUR
Answer
Pagdampi ng mainit na bagay sa pisngi ko ang nagpamulat sa akin mula sa ilang minutong pagkakapikit. Nabungaran ko ang puno ng pagod at pag-aalala na mukha ni Devyn na ngayon ay nakatunghay sa akin para magawang makita ang mukha ko. Kinuha ko mula sa kaniya ang mainit na kapeng nasa lata na siyang idinampi niya sa pisngi ko kanina.
"May nangyari ba?" maingat na tanong niya.
I smiled weakly at him. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nasa kandungan ko. I played with the coffee and avoided his gaze as much as I can. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reksyon ko sa naging pakikitungo sa akin ng mom niya.
It was overwhelming at the same time painful. It was overwhelming because of the unexpected acceptance I felt in her. Kahit na hindi nanggaling sa kaniya mismo ay nararamdaman ko na tanggap niya ako sa kung ano ako. Na hindi niya ako hinuhusgahan sa kabila ng kung ano ang nakikita niya sa pisikal na kaibahan ko.
But it is also painful. It pained me despite the gratitude she's showing me. Even without knowing the whole story, I can pick up the pieces from them. Alam ko na katulad ni Isa ay sinisisi ni Devyn ang sarili niya dahil sa nangyari sa kapatid niya. Alam ko na nahihirapan din siya.
Nakikita ko rin kung paanong maging siya ay sinisisi ang anak niya. The way her face shows hatred towards Devyn. The way she spoke to him using a monotone voice. The way she looks at him emotionlessly made it clear to me that she is indeed blaming him. Nakalulungkot lang, na sa kabila ng lahat ng 'yon ay nakaya ni Devyn ng mag-isa. If I were in his situation I would just break down. Baka sa umpisa pa lang ay hindi ko na kinaya.
"My mom said something, didn't she?" tanong niya na hinihila ako pabalik sa reyalidad. Maagap na umiling ako bilang sagot. "Then why?"
Hindi ako nakaimik, bagkos ay tinitigan ko lang ang mukha niya. Tila kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha niya. My hands went up to caresses his face gently. Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para dampian ng magaan na halik.
"What is my baby thinking?" he asked.
His voice sounding so sweet and loving making my heartbeat tripled. Umiling lang ako sa naging tanong niya bago isiniksik ang sarili ko para pumaloob sa mga bisig niya. Awtomatikong pumalibot sa katawan ko ang mga kamay niya kasabay ng paghapit niya sa akin papalapit sa kaniya.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang marahang paghaplos niya sa may kahabaan kong buhok. Mas nagsumiksik pa ako sa kaniya. Inilapat ko ang tainga ko sa dibdib niya sa may parte kung saan maririnig ko ang kalmadong tibok ng puso niya.
I was surprised by the rapid beating of his heart. The way his heart beats is a reflection of how my heart was beating. It was wild. It was loud. It was hammering inside of our ribcage creating a musing that synchronizes with one another. It was beautiful.
"I really love your hair," he said while gently combing my hair using his warm hand.
"Really?" gulat na tanong ko.
"Hmm. Mas lalo siyang gumanda ngayon lalo na dahil sa mga kaunting pagbabago."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya ng wala sa oras, gulat sa kaalamang napansin niya ang mag pagbabago na 'yon. "Napansin mo?"
He smiled. "Of course."
Hindi ako nakaimik. Kinantilan lang niya ng magaang halik ang ulo ko bago niya muling inihilig iyon sa kaniyang dibdib.
Hindi ako makapaniwala na mapapansin niya ang ganoong kaliit na bagay. Noon kasi ay purong mapusyaw na dilaw lang ang kulay ng buhok ko. Ngayon ay nagkakaroon na siya ng ilang parte na nagkulay super light brown na. When I was young, the color of my hair is paler than what I have now. Halos kulay puti na talaga siya noon. Unti-unti lang na mas nagkaroon ng kulay habang lumalaki ako. That was also one of the causes of the nonstop taunting that I have received when I was younger.
Back then, I really look like a clean sheet of paper. Hindi sapat na pumasok ako sa private school para maiwasan ang pananakit ng iba sa akin. Kasi even in private schools, some students lack respect and understanding. Bilang lang sa darili ang mga pagkakataon na pumapasok ako na hindi ako nakakatanggap ng masasakit na salita at pisikal na sugat.
I always pity myself during those times. I even wanted to blame my parents. I wanted to just shut myself out. To just caged myself in my own shell so that no one would hurt me in any way. But I chose not to. Dahil sa isip ko, na baka pag ginawa ko 'yon ay hindi na talaga ako tuluyang matanggap ng tao.
So, even when I felt uncertainties. Even when I've got no confidence in me. I tried to live a normal life. Kung normal bang matatawag ang pagtatago ko sa ilalim ng hoodie. But now, I can survive the cruel world. I know that I can. Especially now that I just don't have my family to protect me. But also, Devyn who I know will shield me from anything that can hurt me.
"Why are you here outside?" tanong niya.
"Hinihintay kita." Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Nagtatakang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit?"
"You just made my heart go wild," he answered, almost absentmindedly. Kung hindi lang siguro siya nakatingin sa akin ay iisipin kong lutang na nga siya sa mga sandaling ito.
Nabitin ang kung ano mang sasabihin ko sa pagbukas ng pinto na nasa gilid ko. Mabilis na humiwalay ako sa kaniya sa takot na makita kami ng mga magulang niya. Ngunit maagap na nahawakan ako ng mahigpit ni Devyn sa kamay upang hindi lumaki ang distasya sa pagitan naming dalawa.
Nagtatanong ang mga mata na sinalubong ko ang sa kaniya na sa pagkagulat ko ay puno ng pagsusumamo. Tumingin siya sa akin sa paraan na nagagawa na niyang iparamdam sa akin ang takot na nararamdaman niya. Sa pamamagitan ng tingin niya ay nanagawa niya iparating sa akin ang paghingi niya ng tulong na hindi niya magawang maisalin sa mga salita.
"Stay," he mouthed, pleaded rather.
Pinisil ko ng isang beses ang kamay niya bago humarap sa mga magulang niya na saktong kalalabas lang ng pinto.
Saglit na dumaan sa akin ang tingin ng mom niya bago dumapo ang tingin niya kay Devyn. Nagbago ang kaninang may pag-intinding tingin niya sa akin nang mapako ang ngayong walang emosyon niyang mga mata kay Devyn.
"Take care of your brother, Devyn. Kukuha lang kami ng gamit ng Dad mo," she said in a monotone voice.
Kahit sa boses niya ay nararamdaman ko ang galit na pilit niyang tinatago. At alam kong maging si Devyn ay ramdam 'yon. "I will, Mom."
Hindi na siya umiyak at nagpatiuna na sa paglalakad habang ang Dad naman ni Devyn ay naiiling na lang sinundan ng tingin ang asawa.
"You understand your mom, right son?" tanong nito.
Ilang minutong nakayuko lang si Devyn bago malungkot na ngumiti sa ama. "Of course, Dad."
"Maiwan ko na kayo," pabuntong hininga na sagot nito.
Mahinang tinapik niya muna ako sa balikat bago tuluyang sumunod sa asawa niya. Walang imik na iginaya ako ni Devyn papasok sa kwarto ng kappatid niya. Ako na ang naunang humiwalay sa kaniya at naupo na lang sa sofa habang siya naman ay dumiretso sa tabi ng kapatid niya.
Pakiramdam ko ay isa akong manonood sa isang sinehan habang sinusundan ko ng tingin ang bawat pagkilos na ginagawa ni Devyn. Mula sa pag-upo niya sa upuan na nasa gilid ng kama ng kapatid niya hanggang sa paghawak niya sa kamay nito. Kahit na hindi ko nasubaybayan ang buhay nila ay alam ko kung gaano kamahal ni Devyn ang kapatid niya.
Hindi naman siya makakaramdam ng sobrang guilt kung hindi. Hindi niya paulit-ulit na sisisihin ang sarili niya kung hindi. Hindi niya paparusahan ang sarili niya sa durasyon ng mga masasakit na pangyayari sa buhay nila.
"Are you not in good terms with your mom?" I bit my lower lip hard with the question that escaped my mouth. Huli na para gustuhin ko pang bawiin ang tanong ko dahil alam kong narinig na niya 'yon base rin sa pagtigil niya sa paghaplos sa walang pagkilos na kamay ng kapatid niya. Me and my big mouth! "Forget that I asked."
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang tingin na ibinigay niya sa akin. Nagpakawala siya ng mahinang tawa na nagdulot ng sakit sa puso ko. 'Yon 'yong klase ng tawa na hindi dahil sa saya. Isang tawa na sakit at pait ang nakabalot.
At nagagawa niyang maipasa sa akin ng sakit na iyon. Muling sumigid ang sakit sa puso ko kasabay ng pagpawi ng sarkastikong tawa niya at napalitan ng mahinang paghagulgol. Mabilis na nagsituluan ang mga luha sa mga mata ko nang makitang parang batang pinupunasan niya ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay niya upang tuyuin ang luha niya.
"She's blaming me for what happened to Donovan," sabi niya sa basag na boses. "I can't blame her though." Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "K-kasi kahit ako naman ay sarili ko din ang s-sinisisi ko sa nangyari. If... if only I didn't concur to what she wants. If o-only I c-considered helping her in other way that I can. This wouldn't have happened."
'I used Devyn to make Donovan, his brother, jealous. You see, Bliss, I love him. I love Donovan but he keeps on pushing me to Devyn kahit na ramdam ko na mahal din niya ako. So, I did the most childish thing. I used Devyn hoping that Donovan would realize his feelings for me. Ang kaso, hindi namin inaasahan na dadating sa punto na pagsisisihan namin ng lubos ang mga desisyon namin. Masyado namin dinala ang mga pangyayari sa mga bagay na hindi na namin kayang kontrolin pa. Donovan almost died, Bliss. He almost died because of me. I almost killed him.'
Napapikit ako ng mga mata ko ng muling umalingawngaw sa utak ko ang naging pag-uusap namin ni Isa noon sa after party ng play. Pakiramdam ko ay nakikita ko si Isa sa harapan ko habang sinasariwa ang mga nangyari sa pagitan nilang tatlo.
Pakiramdam ko ay kahapon lang naganap ang pag-uusap na iyon. Pakiramdam ko ay naririnig ko sa tapat ng tainga ko ang mga basag na boses ni Isa na siya ring naririnig ko sa boses ni Devyn ngayon. Hindi ko kailangan na maging henyo para hindi maisip na pareho lang sila ng pinagdadaanan. Pareho lang silang puno ng pagsisisi. At pareho lang nilang sinisisi ang sarili nila sa mga kasalanang hindi na nila mababago kailanman.
"Devyn..."
"Alam mo ba kung ano ang bagay na pinakapinagsisisihan ko na ginawa ko?" Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatingin nakatingin sa kawalan habang hinihintay ang sagot niya.
Nararamdaman ko pa rin ang matiim na titig na ibinibigay niya sa akin pero sa kung anong dahilan ay natatakot akong salubungin ang titig niya. Natatakot ako sa kung ano ang makikita ko. Pakiramdam ko ay hindi magugustuhan ng puso ko kung ano man ang mga malalaman ko.
"Iyon ay ang pumayag ako sa pabor na hiningi ni Isa. Noong hinayaan ko ang sarili ko na magpalamon sa apoy na hindi ko alam na tutupukin pala ako ng ganito."
Mas lalo akong nawalan ng imik. Hindi ko na gustong marinig ang mga sasabihin niya. Gusto ko na lang takpan ang tainga ko para hindi na marinig pa ang mga sinasabi nila. Gusto kong magbingi-bingihan sa pag-asang hindi ako masasaktan. May mga nabubuo na na ideya sa utak ko kung ano man ang sinasabi niya. Ngunit hindi ko gusto ang kung ano mang imahe ang binubuo no'n.
Ayaw ko. Natatakot ako na baka totoo nga ang mga iyon dahil hindi kung ano ang magiging reksyon ko sa oras na kumpirmahin niya ang hinala ko.
Naramdaman ko ang presensya niya sa harapan ko ngunit nagpumilit akong umatras kahit na wala naman akong aatrasan pa. Inabot niya ang baba ko upang marahang ipaharap sa kaniya. At sa kabila ng pagtutol ng buong pagkatao ko ay sinalubong ko ang tingin niya.
I saw a great amount of fear in his eyes. Takot na siya lang ang alam kung ano ang dahilan. Punung-puno ng emosyon ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ko na tila kinakabisa ang bawat parte no'n. "Natatakot ako, Bliss Audrey."
Muling nabarahan ng luha ang mga paningin ko nang makita ko ang luha na muling namuo sa mga mata niya. "Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.
He brushed my tears away from my eyes the same time that his own tears flowed from his eyes. "Natatakot ako na dahil sa mga maling desisyon ko noon ay mawala ka din sa buhay ko. I can't lose you. Not now that you're the only one who's keeping me sane. Mababaliw ako kung mawawala ka sa buhay ko."
Parang paulit-ulit na may marahas na kamay na pumipiga sa puso ko sa bawat pagtulo ng luha mula sa nga nangungusap niyang mga mata. Walang pagsidlan ang sakit sa puso ko habang pinaamasdan ang sakit at takot na walang dudang nakabalatay sa mukha niya.
Rinig na rinig ko ang kaba at alinlangan sa bawat salitang binibigkas niya. Hindi ito ang Devyn na kilala ko. Ang tapang ay wala na roon sa kaniya bagkus ay napalitan ng matinding pangamba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman gayong hindi ko naman ang pinanggagalingan ng mga emosyong nakikita ko sa kaniya.
Gusto ko siya aluin. Gusto ko siyang kumbinsihin na anuman ang mangyari ay mananatili ako sa tabi niya. Gusto kong ipangako na kailaman ay hindi ako mawawala. Pero alin man sa mga kagustuhan ko ay hindi ko magawa dahil sa takot na pumupuno sa puso ko na hindi ko alam ang pinagmumulan.
Bakit kailangang subukin kami ng ganito kaaga gayong nagsisimula pa lang kaming dalawa?
"Ano bang nangyayari, ha? Ayos lang naman ang lahat, diba?" pigil ang sariling emosyon na tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin habang tangan ng mga mata niya ang paghingi ng kapatawaran na hindi ko alam ang pinagmumulan. Aligagang umalis siya sa harapan ko at muling bumalik sa kinauupuan sa tabi ng hospital bed.
"You are not answering my question, Devyn," I said quietly as fear sarted to creep into my whole being.
His avoidance is not helping me in any way. It's just making me feel worse. Pakiramdam ko ay may tinatago siya sa akin. It's just been week since I said yes to him, and yet we are already being tested.
"I intend not to answer, Bliss Audrey. I don't want you to leave me."
NAPAKUNOT ANG NOO ko sa malakas na pagtahol ng dalawang aso ko. Kinapa ko ang unan sa tabi ko at ipinantakip 'yon sa mukha ko para mabawasan ang ingay na naririnig ko. Pero mas makulit ang mga aso ko dahil naramdaman ko na lang na hinila ng kung sino man sa kanila ang unan.
Kunot ang noo na dumilat ako para lamang mabungaran si Cloud na kagat-kagat pa ang unan habang iwinawagayway ang buntot niya. Napabaling ako sa may pinto ng makita ko doon si Yogurt na katulad din ni Cloud ay mukha excited din na lumabas ng pinto.
"What's happening?" tanong ko sa kawalan.
Inayos ko muna ang higaan ko na nagulo hindi lang dahil sa akin kundi maging dahil na rin sa pagtabi sa akin ng mga aso ko sa pagtulog. Mabilis na naghilamos at nag-tooth brush ako bago pa maisipan ng mga aso ko na gibain ang pintuan. Not that they can do that.
Napakunot ang noo ko nang makita kong pareho na ngayon na nakaupo sa tapat ng pinto sila Cloud at Yogurt pagkalabas ko ng banyo. Nagtatakang tiningnan ko si Vanilla na prenteng nakahiga lang sa gitna ng kama at mukhang walang balak na makigulo sa dalawa. Kinuha ko siya bago nagtungo sa direksyon ng pinto.
Nag-unahan sa pagbaba ang dalawa pagkabukas ko pa lang no'n. Naguguluhang sinundan ko sila pababa at muntikan na akong mapaatras nang makita ko ang dahilan ng pagkaligalig nilang dalawa. Mali, sino pala ang dapat na sabihin ko.
Agad siyang sinugod at dinamba ni Cloud habang si Yogurt naman ay pinlit na nagpapakarga sa kaniya mula sa baba. At dahil malaking aso si Cloud ay natumba siya sa sofa dahil sa pagsugod na ginawa ni Cloud kanina.
"Ken..." I uttered in a soft voice. So soft that it sounded like a whisper to me. But it was loud enough for him to hear.
"Hi baby," he said smilling while ruffling Cloud's fur.
I smiled wildly at him. Mabilis na nakalapit ako sa kaniya nang makatayo siya at pumaloob sa mga bisig niya. Tumalon pababa si Vanilla mula sa pagkakahawak kaya nagawa ko ng yakapin ng buo si Ken.
I hugged him tight, letting him feel how I've missed him. It's been five months since he went away. Five months since I last saw him personally and four months since I last talked to him on the phone. Simula kasi nang gabi na nag-usap kami tungkol sa ginawang sorpresa sa akin si Devyn para magpaalam sa panliligaw niya ay hindi na rin nasundan iyon sa mga sumunod na araw hanggang sa umabot na ng buwan.
I don't want to conclude that he's keeping his distance away from me. Pero hindi ko maiwasang isipin na baka tama nga ako. Na baka nga dumidistansya siya sa akin sa kung anong dahilan na mayroon siya. I didn't bother asking neither. I didn't bother to bombard him with my messages. That's why I kept my distance with him. The same way he's keeping his.
Hindi na ako nagtangka na mag-initiate ng conversation. Hindi ko na rin sinubukan na mag-text o tumawag sa kaniya dahil wala rin naman akong makukuha pabalik. He is not replying to any of my messages. Kahit ang sagutin ang tawag ko ay hindi niya ginawa. Kaya nagdesisyon na lang ako na huwag na muna siyang guluhin at hayaan siyang mapag-isa.
"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.
Napapikit ako kasabay ng paglawak ng ngiti sa mga labi ko nang simulan niyang igalaw ang katawan naming dalawa sa isang mabagal na galaw hanggang sa para na kaming sumasayaw.
"Kagabi pa." Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "Pinuntahan kita rito pagkadating ko ang kaso wala ka daw."
Unti-unting nabura ang ngiting kanina ay nakapaskil sa mga labi ko nang manumbalik sa akin ang naging pag-uusap namin ni Devyn.
Hindi na nasundan ang huling pag-uusap na namagitan sa amin kagabi. Nanatiling tikom ang bibig ko at hindi na nagkomento pa. Gano'n din naman siya dahil nanatiling tahimik siya sa buong durasyon na magkasama kami hanggang sa maihatid niya ako pauwi.
Even bidding goodbyes and good nights to one another didn't happened. Masyado akong nabagabag sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay maraming magbabago sa oras na malaman ko ang pagkakamaling sinasabi niya. And I don't think I am ready for that. Nagsisimula pa lang kami. Ni hindi pa nga kami tumatagal ng buwan.
Natatakot ako na baka sa oras na malaman ko ang tiatago niya ay matuldukan ang kami na nagsisimula pa lang.
"Is everything alright, Bliss?" nag-aalalang tanong niya.
I forced a smile as I break our hug for me to face him. "Everything's fine." Hopefully.
Pabagsak na naupo ako sa sofa na nasa tabi ko lang. Sumunod naman siya agad ng upo pagkatapos ay isinampay ang isang braso sa balikat ko. We stayed silent. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya.
The silence wasn't awkward, but it didn't feel good either. Okupado ang isip ko sa pagbabalik tanaw sa mga kaganapan kagabi. Siya naman ay nananatiling tikom ang bibig at hindi nagsasalita habang nakatingin lang sa kung saan. Kung hindi lang siguro dahil sa tinig na nagmumula sa ikalawang palapag ng bahay namin ay patuloy lang kaming lalamunin ng katahimikan.
"Mabuti naman at nagkita na rin kayong dalawa," sabi ni Mommy na pababa ng hagdan.
Nasa tabi niya si Dad na nakaakbay kay Mom. Nakangiting nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Ken. "Tuloy ba ang lakad niyo, Ken?" tanong ni Dad na ikinalito ko.
"Yes, Tito. Kung papaya ho itong anak niyo."
Nangunot ang noo ko at napabaling sa katabi. "Anong lakad?"
Masuyong nginitian niya ako bago ginulo ang buhok ko. "Pasyal tayo."
Sasagot pa lang sana ako pero naunahan na ako ni Mommy na ngayon ay nakaupo na sa single sofa sa gilid namin. "Sige na anak. Na-miss ka ata niyang si Ken."
Muling napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa akin habang puno ng pag-asa ang mga mata. I sighed in defeat before giving him a smile. Hindi naman ako tatanggi in the first place lalo na at na-miss ko din naman siya at ang mga kakulitan niya.
"I'll just get ready," paalam ko.
He beamed at me and hug me tight in delight of my answer. "Thank you, baby!"
Matapos ang ilang minuto ay lulan na kami ng sasakyan niya. Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang si Ken ay tahimik na nagmamaneho lang ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi niya ipinagbigay alam sa akin at hindi na din ako nagtanong pa. Knowing Ken, I know he would bring me into a place where I can enjoy and so is he.
"Will you it be okay if I'll bring you to a public place?" he was d cautiously.
Napalingon ako sa kaniya. Inaasahan ko na na aatakihin ako ng kaba sa sinabi niya katulad ng kadalasan kong nararamdaman noon. Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman ngunit walang kahit ano mang bakas ng kaba o takot man lang na dati ay naglalagi roon. May kakaunting pagkailang ngunit ang takot ay wala na.
Napangiti ako sa reyalisasyon na iyon. Malayo na nga talaga ako sa dating ako na puno ng takot at pangamba sa kung ano ang pwedeng sumalubong sa akin sa tuwing haharap ako sa publiko. Hindi man buong buo ang kumpiyansa ko ay hindi na tulad noon na maisip pa lang ang paglabas ang natatakot na ako.
Hindi rin katulad noon na ang unang tatakbo sa isip ko sa mga ganitong sitwasyon ay ang tumakas, ngayon ay hindi na siya sumasagi pa sa isip ko. Escaping is something that I was so good at. Especially during those times that's that I was belittled and judged by the crowd. It was the easiest thing to do. Kasi by doing that napoprotektahan ko ang sarili ko sa mga sakit na maaaring maidulot nila sa akin.
But I don't think I would still consider that. Kasi alam ko na ngayon ay kaya ko na. Kaya ko nang paniwalaan ang sarili ko at kaya ko nang iharap ang sarili ko sa iba na hindi iniintindi ang posibleng sasabihin nila. Hindi ako sigurado kung dabil ba kay Devyn. O kung dahil ba sa unti-unting pagtitiwalang ibinibigay ko sa sarili ko. O dahil sa unti-unting pagtanggap sa kung ano ako, na kakaiba ako. O dahil sa unti-unting pagbibigay laya sa sarili ko.
"I'll be fine, Ken," malawak ang ngiti na sabi ko.
Sandaling tiningnan niya ako bago muling itinuon ang paningin sa kalsada. "You've change," komento niya.
"Isn't that a good thing?"
"I love every versions of you. The timid one, the scared one, the uncomfortable one. I just love you so," he said shrugging the rest of his words.
I just smiled at him. Pretending that I didn't heard what he intend to say. I turned my head to the window so I can avoid his gaze and closed my eyes to force myself to sleep which I successfully did. That's why I didn't hear it, the words that he whispered. The words that contain his wish to fight for his love that he never did.
"I love you, baby. And I wish I could do something to win your heart. But sadly, I've already lost the fight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top