33: Exposed
A/N: Thank you sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinibigay niyo sa istorya na ito. I really appreciate each and everyone of you! Sobrang pinapasaya niyo ang puso ko! <3
CHAPTER THIRTY-THREE
Exposed
Tahimik na nakikinig lang ako sa usapan nila Isa, Kervin at Devyn. Inabot na kami ng gabi sa "bonding" daw namin. Gising na rin si Maxim at kasalukuyang nakaupo sa kandungan ng ama niya habang kumakain ng saging.
Katabi ni Kervin si Isa na may hawak na lata ng beer. Sa nakikita kong estado niya ngayon ay hindi malabong naapektuhan siya sa naging pag-usap namin kanina. Ako nga na wala naman sa sitwasyon nila, ako na hindi naman alam ang nararamdaman nila ay apektadong-apektado. Sila pa kaya? But she's really good in handling her emotions. Nagagawa niya pa rin kasing makipag-asaran kay Kervin na para bang wala siyang kinikimkim.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Devyn sa akin mula sa likod ko. Nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya habang prenteng nakasandal sa katawan niya. Siya naman ay nakayakap sa akin mula sa likod at nakasubsob ang mukha sa leeg ko.
Devyn had a few drinks pero alam ko na hindi pa siya lasing. "I love you, Bliss Audrey," he whispered and planted a kiss on that sensitive part of my neck.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Pinuno ng kakaibang pakiramdam ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko ngunit mas nangingibabaw ang kakaibang kiliti na idinulot no'n sa tiyan ko.
He never did that to me before, ngayon pa lang. We never even kissed on the lips. Hindi sa gusto ko. Hindi rin sa ayaw ko. It's just that, it never crossed my mind. I guess, gano'n din sa kaniya.
"As I love you, Devyn," I answered as I finally got my voice again.
"I think I love you more than you love me," he rebutted.
Napangiti ako dahil alam ko sa sarili ko na tama siya. He really does loves me more than the love I feel for him. But it doesn't mean my love for him is weak and shallow. It's just that, his love for me is greater and way more deeper than the love I have for him.
He should find it unfair on his side, pero hindi. Hindi siya naghangad ng mas higit pa sa ibinibigay ko. He is even more happy knowing that he loves me more.
Naputol ang sasabihin ko sana sa pag-vibrate ng cellphone niyang nasa bulsa ng pantalon niya. Without taking his one arm away from me, he freed his one hand to reach for his phone inside of his pocket. Inilagay niya iyon sa tainga niya at muli na namang sumubsob sa leeg ko. And that made me hear the voice coming out from the other line.
It was a woman.
"Devyn," the woman said as if she is spitting the word out of her mouth.
Naramdaman kong natigilan si Devyn. Kumilos siya at akmang aalisin niya ang mga braso niya na nakapulupot sa akin nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan sa gagawing pagkilos. Nakita kong napatingin sa amin sila Kervin at Isa. Marahil ay maging sila ay nararamdaman din ang pagbabago ng timpla ni Devyn.
"Mom," Devyn whispered.
"Unfortunately." I felt a sudden pain hit me that made my heart weakened as I heard the tone that Devyn's Mom used. It feels like her being his mother is a disgusting truth.
Ako naman ngayon ang natigilan. Tinangka muling kumalas ni Devyn ngunit sa pangawalang pagkakataon ay pinigilan ko siya. Kinuha ko ang isang kamay niya ay hinawakan ng mahigpit. Siguro sa ganitong paraan, kahit sa ganitong paraan lang, ay maiparamdam ko sa kaniya na hindi siya nagiisa.
Na may kasama siya. Na may katuwang siya. Na may handang sumalo sa kaniya kapag hindi na niya kaya. Na may taong puwede niyang pagkuhanan ng lakas ng loob at pagsabihan ng hinanakit at mga problema niya.
I want him to feel that he doesn't need to have a lonely fight anymore. Na nandito na ako. I can fight beside him. I can fight with him and for him.
"We need you here," Devyn's mom said.
Hate is still audible in her voice. Pero kahit pa gaano niya patigasin ang sarili niya, naririnig ko pa din ang sakit sa boses niya. Naririnig ko kung paano siya humingi ng tulong sa anak niya. Kahit na puno ng galit ang pakakasabi niya ng mga salitang binitawan niya ay nararamdaman kong kailangan niya ang anak niya.
Maybe she does hate Devyn, her son, for some reason only they knew. But she's a mother, too. A mother who needs every support that she can get through his son.
"I'm on my way."
Sa pagkakataon na ito ay hinayaan ko na siya na umalis sa pagkakayakap sa akin. Sinabayan ko siya nang tumayo siya, maging sila Isa at Kervin ay nagsitayo na rin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-aalala, pagkabalisa, at takot kay Isa. Her mind is probably pooled with the possibility of what the call was about.
"I-I n-need to g-go," mahina at balisang sabi ni Isa.
Mabilis na humawak ako sa braso niya para mapigilan siya sa akmang pag-alis niya. "You want to come?" tanong ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.
I know that I have no right to say those words. I don't have any right to take actions for them. I am not even a family member. I am just a girlfriend. But It's hard for me to see her like this. Like she wanted to do something but she's holding herself back because she thinks that she doesn't have the right to do it.
Hindi ito ang Isadora na kilala ko. The Isadora that I knew doesn't know how to hold back. Gagawin niya ang mga bagay na gusto niya. Isa is a strong woman.
But now, she looks fragile. Parang ilang sandali lang ay magbe-break down na siya. She's close to losing herself. Kita ko ang mga naglalarong emosyon sa mga mata niya, pinaghalong sakit at kaba. Nakikita ko rin kung paano dumaan ang pangamba sa kaniya. Pangamba na marahil ay para sa taong alam kong may kinalaman sa natanggap na tawag ni Devyn kanina.
"You can come," Devyn said.
Bumadha ang gulat sa mukha ng babae. Natitigilang nilingon niya sa Devyn na binigyan lang siya ng tipid na ngiti. Tumagos ang tingin ko papunta sa likod niya nang maaninag ko ang pagkilos ng taong nandoon. Kervin moved towards the back of Isa, leaving enough distance for him to make the woman feel his presence.
Alam ko, kahit hindi niya sabihin ay nag-aalala siya para kay Isa. Kaibigan niya rin ang babae. Kaya natural na sa kaniya na makaramdam ng pag-aalala rito katulad ng pag-aala niya sa akin. Mataman lang kaming nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang magiging sagot niya.
"You knew very well that I can't, Devyn," she said without even trying to hide her pain.
Napanood ko kung paano bumalatay ang sakit sa mukha niya. Naroon ang paghihirap sa sitwasyong kinasasadlakan niya, nila. Napabaling ako kay Devyn na repleksyon ng mga emosyong mayroon kay Isa. Nakatingin lang siya kay Isa ng ilang segundo bago pabuntong hininga na nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Ngunit huli na para maitago niya ang sakit na dumaan sa mga mata niya.
Alam kong nag-aalala siya para kay Isa. At walang kaso sa akin iyon. Isa is a friend of mine, too. At aware ako sa relasyong namagitan sa kanila noon. Hindi man totoo ang relasyong mayroon sila. Hindi man nila mahal ang isa't isa. Hindi man si Devyn ang lalaking mahal ni Isa. At gano'n din sa sitwasyon ni Devyn.
Pero alam ko, alam ko na may puwang si Isa sa buhay ni Devyn. Hindi man katulad ng kung ano ako sa kaniya. Malayo man sa uri ng pagpapahalaga na ibinibigay ni Devyn ang pagpapahalaga na mayroon siya kay Isa. Hindi ibig sabihin no'n na wala lang ang babae sa kaniya.
"Aalis na ako," sabi ni Isa.
Bumuka ang bibig ko upang kumontra ngunit nawala ang lahat ng pagkontra ko nang hapitin ako ni Devyn palapit sa kaniya. Sa ginawa niyang 'yon ay alam ko na pinipigilan niya akong magsalita pa.
Napalingon ako kay Kervin nang marinig ang nagmamadaling pagkilos niya. Mabilis na kinuha niya ang bag na may lamang mga gamit ni Maxim. Binuhat niya ang anak bago kami tiningnan.
"Babalikan ko na lang ang iba" he said with urgency. Ang mga mata ay nakapako sa direksyon na tinahak ni Isa.
"Go, Kervin,' I said silently that even I can't seem to hear my own words.
Hindi na siya nagsalita pa at tinanguhan na lang kami bago nagmamadaling sinundan si Isa. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nnakasunod ang paningin sa daang tinahak ng dalawa.
Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang magiging wakas ng gabing ito?
NAPATINGIN AKO KAY Devyn nang kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Pinisil ko pabalik ang kamay niya habang tahimik na pinagmamasdan siya. Mabilis na tiningnan niya ako at binigyan ng tipid na ngiti.
Behind his smile, I can feel his uncertainty. I can feel his sadness, his guilt, and his worry. Hindi man niya hayagang ipinapahayag, ang mga mata na niya mismo ang ang bubunyag.
Ibinaba niya ang kamay ko sa hita niya bago tinapik iyon ng dalawang beses na para bang sinasabi na huwag kong aalisin ang kamay ko doon. Umusog ako palapit sa gawi niya habang siya naman ay muling itinutok ang atensyon sa pagmamaneho.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. Hindi ganito ang inaasahan kong tagpo para sa unang pagkikita namin ng mga magulang niya. Masyadong mabilis sa totoo lang. Hindi nga rin ako sigurado kung handa na ba ako na makita sila. Ilang araw pa lang matapos ko siyang sagutin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang pagkikita namin.
Napakurap ako nang mabilis nang huminto ang sinasakyan namin sa parking space ng ospital. Mahigpit na napahawak ako sa laylayan ng shirt na suot ko nang sumigid ang kaba sa puso ko. Wala sa sariling napatingin ako sa suot ko. Of all days na maiisipan kong mag-tshirt, bakit ngayon pa?
Huminga ako ng malalim kasabay nang pagbukas ni Devyn ng pinto sa gawi ko. Ilang beses ko pa munang ginawa ang malalim na paghinga bago ko tuluyang naramdaman ang kakarampot na kaginhawaan sa puso ko bago tuluyang bumaba.
"Here. Put this on," sabi niya. Naramdaman ko ang pagbalot ng kung ano sa balikat ko. Devyn's jacket. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ito ang inaasahan kong unang pagkikita niyo ng magulang niyo." Marahang isinuot niya sa akin kulay itim na jacket niya sa akin. "Kinakabahan ka ba?"
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. "Okay ka lang ba?" tanong ko pabalik na hindi sinasagot ang naunang tanong niya.
"I don't know," he answered bowing his aiming to hide his emotions. Pero katulad kanina, huli na. Nakita ko ang takot na bumalatay sa mukha niya.
"Nandito lang ako, Devyn." Itinaas ko ang bakanteng kamay ko at marahang iniangat ang mukha niya para salubingin niya ang mga mata ko. Humigpit din ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "You know that, right?" I gave him a reassuring smile.
"You'll help me be okay, right?" basag ang boses na tanong niya.
Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko sa naging tono ng boses niya. He sounded like a lost child, seeking for help for him to find his way back into her parent's arms. Pakiramdam ko ay may kamay na mahigpit na pumiga sa puso ko habang pinanonood ang pagkabasag ng salamin na nagsisilbing protektor niya para maitago ang isang pagkatao niya na kailanman ay hinid niya hinayaang makita ng iba.
I felt a warm liquid cascade down my cheek. And that prompted the others to follow. Kagat ang ibabang labi na pinanood ko kung paano niya hinayaang tuluyang mabasag ang harang na iniharang niya sa sarili niya. I can now see him raw. Bared. There's nothing that can perfectly describe his vulnerability right at this moment. Nakikita ko kung gaano siya kabasag na tao sa likod ng tapang na ipinapakita niya.
Kulang ang salitang sakit para maisalarawan ko ang kasalukuyang estado niya. Puno siya ng paghihirap. Puno siya ng pagsisisi. Puno siya ng hinanakit. Pero sa kabila ng mga iyon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na nakikita ko sa kaniya.
Seeing him like this is breaking me. Masyado kong inakala na mababaw lang ang pagmamahal na nararmdaman ko sa kaniya. Masyado kong minaliit ang nararamdaman ko na hindi ko inaasahang magiging ganito kasakit na makita siyang basag, humihingi ng tulong, at puno ng sakit na dulot ng mga pagkakamali ng nakaraan.
"I love you," are the only words that I was able to utter.
He smiled upon hearing my word. But even that hurt me more. "Mahal na mahal din kita. Huwag mo akong iiwan, ha?"
Mas lalong lumuha ang mga mata ko. Napapikit ako nang bumaba ang mukha niya upang kantilan ako ng halik sa noo. Mahigpit na niyakap niya ako bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Kabado man habang tinatahak namin ang daan patungo sa lugar na si Devyn lang may alam. Hindi ko pwedeng ipakita ang iyon lalo na at alam kong mag-aalala lang sa akin si Devyn kapag nangyari iyon. Maging ang intindihin ang tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao ay hindi ko na din nagawang pagtuunan ng pansin.
For the first time in my life, I didn't care. I didn't glance back at the people around me to see the look they are giving me. Nawala sa utak ko ang kagustuhan na itago ang sarili dahil hindi na tungkol sa akin ito. Dahil may isang taong mas nangangailangan ng presensya ko. At kailangan kong ibigay sa kanya iyon ng buo.
The way I saw the broken man that he is, it scares me, it pained me big. Pakiramdam ko ay nablangko ako sa mga oras na 'yon. Hindi ko alam ang dapat kong gawin o sabihin man lang. Natatakot ako na baka magkamali ako ng sasabihin at mas masaktan lang siya.
He was so vulnerable, even more vulnerable than I was before.
Katok sa pinto ang gumising sa mga iniisip ko. Nandito na kami. Base sa pinto na nakikita ko ay alam kong private room ang kaharap namin.
Nahigit ko ang hininga ko nang bumukas ang pinto. Walang emosyong babae ang bumungad sa amin ngunit agad na nalapatan ng pagkagulat ang ekspresyon ng mukha niya nang dumapo ang paningin niya sa akin. Para siyang teenager na nakakita ng mamahalin at branded na bag sa uri ng pagkakatingin niya sa akin. It's as if I am a fascinating object and she is fascinated by me.
Bumaba ang tingin niya sa akin na nauna ng na kay Devyn. Kumunot ang noo niya sa magkahugpong naming mga kamay bago ako pinasadahan ng tingin sa kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Bawat pasada ng tingin niya sa akin ay mas nabubuhay ang pagkamangha sa mga mata niya. Hindi niya iisang beses na ginawa niya iyon na nahinto lang nang magsalita si Devyn.
"What happened, Mom?" Devyn asked.
Pinipilit ang sarili na nilubayan niya ako ng tingin bago muling binalingan si Devyn. Muling nanumbalik ang kawalan ng kspresyon sa mukha niya ngunit nahahaluan na iyon ngayon ng pangamba. Mabilis na namuo rin ang luha sa mga mata niya kasabay ng pagkabuhay ng takot doon. "Donovan had an arrest, again."
Mabilis na naalalayan ko si Devyn bago pa siya tuluyang matumba. Hawak ang braso gamit ang isang kamay na inalalayan ko siyang makatayo habang ang isang kamay ko naman ay nananatiling mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya.
"Devyn..." mahinang sabi ko, takot at kabado.
I watched how pain crossed his eyes that was later on buried with a great regret that overpowered even the pain he is feeling. Wala akong naibigay na salita para pagaanin ang loob niya.
Hindi katulad niya na palaging nagbibigay ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga salita niya. I didn't utter a single word, I couldn't rather. I just stood there, holding his hand. Letting him borrow the strength from me.
"Is he alright?" Devyn asked sounding so defeated.
."T-thankfully," pabuntong hininga na sagot ng mommy niya.
Natanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa balikat niya nang tumayo siya ng tuwid. Tinuyo niya ang luha sa mga mata ng ginang gamit ang bakanteng kamay. Then he gently pulled his mom towards his chest and caged her using his one arm.
Nangilid ang luha sa mga mata ko nang marinig ang mahinang paghikbi ng ina niya. She is now the total opposite of the woman I saw earlier. She's a woman in pain. A woman full of fears.
Pakiramdam ko ay nararamdaman ko kung ano man ang nararamdaman niya. She is so broken. Pakiramdam ko ay wala ng natitira pa sa kaniya. Puno na nang pagsuko ang mga mata niya.
Like there's no strength left in her. There's no fight anymore. Ngayon ko lang siya nakita pero hindi naging kakulangan iyon para hindi ko makita o maramdaman ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya. Nag-angat ako ng tingin sa taong alam kong sinasalamin ang mga nararamdaman ng ginang.
I felt a tear escape my eyes as I saw him, worse than what I have thought. Kung kanina ay pinipigilan niya pa ang mga luha niya, ngayon ay basang-basa na ang magkabilang pisngi niya ng luha na representasyon sa sakit na pinagdadaanan niya.
Mistula siyang hubad na mannequin na hindi nababalutan ng kahit na anong saplot. Hindi katulad noon na wala akong ibang makita sa kaniya maliban sa dalawang bagay, pagmamahal at katatagan. Ngayon ay hindi na niya nagawang maitago ang noong nasa pinakailalim ng pagkatao niya.
Sakit, galit, pagsisisi, at pagod. 'Yan ang Devyn na kaharap ko ngayon. Malayo sa taong nakilala ko sa mga nakalipas na buwan. Malayo sa taong inakala kong puro katatagan lang.
"Let me help you, Mom." Umalis ako sa pagkakahawak niya nang umalalay siya sa mama niya paupo sa sofa sa isang gilid ng private room ng kapatid niya. "Sit here."
Pinanood ko lang si Devyn na inaalo ang ina niya. "I'll grab some coffee," mahinang usual ko.
Nakuha ko ang atensyon ng mag-ina. Bumuka ang bibig ni Devyn para magsalita ngunit naunahan na siya ng ginang. "Who are you?"
Napayuko ako nang muli na naman niyang suyurin ang kabuuan ko. Hindi naman masama ang uri ng tingin na binibigay niya sa akin pero kinakabahan pa rin ako dahil siya ang ina ng lalaking mahal ko.
I want to leave a good first impression. Kahit na imposible 'yon dahil sa kondisyon ko. Gusto ko na kahit papaano ay matanggap nila ako sa kabila ng kaibahan ko.
"Who is she?" asked the voice of a man from my behind. Malalim ang boses ng taong 'yon at mababatid ang edad doon. I don't need to be a genius to know who the man is. Devyn's dad.
"Dad," sabi ni Devyn kasabay nang pagtayo niya.
"Is this young lady your girlfriend, son?"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa naging tanong na iyon ng ama ng lalaking ngayon ay matamang nakatingin sa akin. I gave him an awkward smile which obviously shows how nervous I am right now.
"Yes, Dad." Hinawakan ni Devyn ang kamay ko nang tuluyang makalapit sa akin. Bahagyang hinila niya ako palapit sa kaniya kasabay nang marahang pagharap niya sa akin para tuluyang makita ang lalaking nasa likuran ko. "Bliss Audrey Laure, my girlfriend."
Nahihiyang ngumiti ako bago mabilis na yumuko. Hindi ko ata kayang harapin siya. Nakakatakot na sa kanila mismo manggaling na hindi ako nararapat sa anak nila katulad ng mga kadalasang naririnig ko sa maraming tao. Hindi ko ata kakayanin ang bagay na iyon.
"Good evening, young lady," he said. Nakita kong huminto ang mga paa niya sa tapat ko. "Did my wife scare you?"
Natitigilang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "P-po?"
Mas lalo akong natigilan nang makita ko ang lalaki. Wala akong ibang makita kundi ang may-edad na bersyon ni Devyn. Bawat anggulo ng mukha niya ay si Devyn ang nakikita ko. Para silang pinagbiyak na bunga.
Natawa ang lalaki sa naging reaksyon ko. And just like his wife, I saw fascination glistening in his eyes when he saw my face. And just like his son, there was no judgement at all.
"Get us some coffee, Devyn," utos nito sa anak.
"Ako na lang po," mahinang usual ko.
"Na-ah." Nag-angat siya ng tingin sa lalaking katabi ko. "Go, son."
Naramdaman ko ang pagpisil ni Devyn sa kamay ko. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tiningnan ko siya na puno ng pagtutol sa mga mata. Ngumiti lang ulit siya bago unti-unting binitawan ang kamay ko para lumabas.
Napako ako sa kinatatayuan ko, ni ang paggalaw ay hindi ko magawa sa takot at kaba. Nararamdaman ko pa rin ang tingin ng ina ni Devyn sa likod ko. Nadgdudulot sa akin ng takot ang katotohanang simula pa kanina ay hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Hindi man masama ang pagkakatingin, pero hindi ko mawari kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko ay hindi niya gusto ang presensya ko sa kwartong 'to. Pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto para sa anak niya.
"What was your name again?" tanong ng ginang sa tono na hindi ko sigurado kung galit ba o hindi.
Natulos ako sa kinatatayuan ko. "Louise," may babala ang boses na sabi ng lalaki sa harapan ko.
"What? Masama na bang magtanong ng pangalan?" pagkontra niya sa lalaki. "Sweetie, name please?" Mas lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang mainit na palad ng ginang sa likod ko. "I'm waiting," sabi niya sa ngayon ay malumanay na paraan.
"Bliss Audrey po," mahinang sabi ko habang nakayuko.
"Thank you."
Gulat na napatingin ako sa kaniya. Puno ng kaguluhan ang mga mata na sinalubong ko ang kaniya na hindi katulad kanina na walang emosyon, ngayon ay puno na ng pasasalamat. "Po?"
"Thank you for bring us back our son," she said, somehow giving me enlightenment.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa sinabi niya. Wala man masyadong salita na binigkas. Kulang man sa impormsyon. Hindi ko man alam ang buong kuwento. Ngunit sapat na ang mga binitawan niyang mga salita at ang mga nasaksihan ko kanina.
Devyn has been through a lot. Nararamdaman ko. Kahit na gaano pa niya patatagin ang sarili niya ay kusang lumilitaw sa kaniya ang mga bagay na itinatago niya. Hindi iilang beses na nasaksihan ko ang pagkawala ng control niya sa mga nararamdaman niya, sa mga sakit na dinadamdam niya. Ngunit mas magaling siyang magtago dahilan para akalain ng maraming tao na wala siyang problemang pasan-pasan.
Nasabi ko na rin iyon sa sarili ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang mga nasaksihan ko kanina. Ang tuluyang pagkabasag ng pader na itinayo niya para itago ang sarili niya. Hindi ko napaghandaan ang sakit na idinulot sa akin ng mga nakita ko.
Napabaling ako sa kama kung saan kasalukuyang nakahiga ang isang taong na sobrang importante sa mahal ko at sa kaibigan ko. Kapayapaan. Sa kabila ng mga tubo na nakakabit sa kaniya ay tanging kapayapaan lang ang nakikita ko sa kaniya. Donovan Braun.
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ng ina ni Devyn ngunit nanatiling nakapako ang paningin ko sa lalaking payapang nakahiga sa kama. "Thank you. For saving my son."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top