32: Broken
CHAPTER THIRTY-TWO
Broken
"Ayusin mo naman ang trabaho mo Kervin! Ang usok!"
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang pagrereklamo ni Isa na kasalukuyang pinupukol ng masamang tingin si Kervin na hirap na hirap naman sa ginagawa. Nandito kami ngayon sa garden area ng bahay namin. At kanina pa nagrereklamo si Isa dahil sa pagpapausok na ginagawa ni Kervin na siyang sumalo nang trabaho sa pagba-barbeque.
Si Isa naman ay kasalukuyang nagse-set up ng blanket at maliit na lamesa kung saan kami pu-pwesto mamaya kapag tapos na sa pagluluto si Kervin. Na sa tingin ko ay malayo pang mangyari.
Si Devyn naman ay umalis sandali para bumili ng chips at soft drinks dahil naubusan na kami ng stock sa bahay. Habang ako naman ang nakatoka sa pagbabantay kay Maxim na kasalukuyang rumoronda sa garden sakay ng maliit na sasakyan niya.
Nagulat na lang ako kanina nang mabungaran ko silang tatlo sa pinto ng bahay namin kasama si Maxim. Bigla na lang nag-aya na mag "bonding" daw kaming lahat through barbeque party. Hindi na rin ako nagkaroon pa ng panahon na makipag-argumento sa kanila dahil inanyayahan na nila ang mga sarili nila papasok sa bahay, ng walang pahintulot ko.
"Isa, halika rito." Sinenyasan ko siya na lumapit.
Mabilis naman siyang naglakad papunta sa direksyon ko na bahagyang lukot ang mukha. Malayo kasi ako ng sa kanila para hindi makalanghap ng usok si Maxim dahil sa kagagawan ng ama rin niya.
Kinuha ko si Maxim mula sa sasakyan niya. Hindi naman siya nagreklamo at agad na kumapit sabalikat ko. Ngiting-ngiti na humarap ako kay Isa at walang babalang iniabot sa kaniya si Maxim.
Nanlaki ang mga mata niyang inabot pabaik sa akin si Maxim pero mabilis na nakaatras ako. "H-hoy! K-kunin mo 'to."
Ngumisi ako. "Practice na 'yan, Isa."
"Hoy Issadora, ingatan mo 'yang anak ko!" sigaw ni Kervin habang nakaturo pa kay Isa gamit ang tong.
Sinamaan niya ng tingin si Kervin. "Alam ko. Ang pangit mo!" asik niya.
Muli na naman akong napatingin kay Kervin nang eksaheradong suminghap siya. Saklot pa ang dibdib habang masama ang pagkakatingin kay Isa. Animo nayurakan ang pagkatao niya sa paraan nang pagkakaturo niya sa babae gamit ulit ang tong.
"Aba! Insulto na 'yan Issadora! Nakikita mo ba kung gaano ka-gwapo ang anak ko?" sabi niya sa naghahamong tono.
"Nakikita ko." Kumunot ang noo ng babae. "Anong kinalaman no'n sa'yo?"
"Siyempre ako ang tatay kaya malamang sa akin siya magmamana ng ka-gwapuhan," nagmamalaking ang boses na inilahad niya pa ang sarili niya sa aming dalawa. Nakadipa ang dalawang kamay niya animo inaalay ang sarili sa kung sino man.
"Assuming ka masyano, Kervin. Wala ngang nakuha maski isa sa iyo, e. Pangit!"
Napakagat ako sa ibabang labi ko sa hirit ni Isa. Nakatanggap ako ng masamang tingin mula kay Kervin dahil sa naging reaksyon ko. Natatawang nagtaas ako ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. Totoo naman kasi ang sinabi ni Isa. Walang kahit na anong nakuha si Maxim sa kaniya. Buhok siguro? May pagabrown kasi ang buhok ng nanay ni Maxim. Habang ang buhok naman ni Kervin ay itim na itim, na siyang namana ni Maxim.
"Palibhasa hindi ka marunong tumingin ng pangit sa hindi. Hindi ka naman kasi babae!"
Si Isa naman ngayon ang napasinghap. "Pinagdududahan mo ba ang pagkababae ko?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Muli na namang suminghap si Kervin, mas malakas sa nauna niyang ginawa. "Babae ka?!" eksaheradong tanong niya.
Nagtagisan silang dalawa ng tingin. Natatawang pinagmasdan ko lang silang dalawa at hindi na tinangka na makigulo pa. Baka madamay pa ako.
Nakaka-miss na makita silang dalawa na ganito. Minsan lang naman kasi nila pakitunguhan ng maayos ang isa't. Katulad noong mga panahon na halatang may pinagdadaanan si Isa dahil sa pagbabalik ni Devyn. Pero mas madalas na ganito silang dalawa noon pa man. Maingay at parang aso't pusa.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang may humalik sa pisngi ko kasabay nang paggapang ng dalawang braso paikot sa baywang ko. Nilingon ko ang taong 'yon para lamang muling mag-iwas ng tingin dahil sa taong nabungaran ko. Kagat ang ibabang labi na yumuko ako para itago ang nag-iinit kong mukha dahil sa ginawa niya.
"Hi, beautiful," he said in a low voice just a few inches away from my ear.
"H-hi." Oh great!
He let out a chuckle before pulling me closte to him, tightening his sturdy arms around my waist. "Anong problema ng dalawang 'yan?" tanong niya habang nawiwirduhang tinitingnan sila Isa at Kervin na nagsusukatan pa rin ng tingin.
"Nagmamahalan."
Napangisi ako nang wala pang isang segundo ay naghihilakbot na tumingin sila sa akin. Sabay na sinamaan nila akong dalawa ng tingin na tinawanan ko lang.
Hindi ko rin alam kung bakit lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. Never naman silang naging romantic sa isa't isa. One of the boys kasi talaga si Isa. Matagal na rin kaming magkakaibigan. Simula senior high school magkakakilala na kami. Masyado na nilang kilala ang isa't isa, lalo na kami ni Kervin. Kaya for the both of them, to fall in love with one another is never an option.
Pero anong malay natin. Bukas makalawa magugulat na lang ako gumana na ang paga-ala cupid ko sa dalawang ito?
"Mangilabot ka sa mga sinasabi mo, babe."
"Nakakadiri, Bliss," sabi ni Isa na umaktong naduduwal pa.
Inilingan ko na lang silang dalawa. Humawak ako sa laylayan ng shirt ni Devyn at hinila siya patungo sa direksyon ng blanket na siyang pinagkakaabalahan ni Isa kanina. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang mapahinto ako sa paghawak ni Devyn sa braso ko gamit ang libreng kamay.
Nagtatakang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit?"
He just smiled and removed my hand that is grasping the hem of his shirt. I felt a sudden rumbling feeling on both my heart and stomach. And I guess that it's not a bad feeling for I just found myself smiling like a fool when he, for I don't know how many times now, intertwined our hands.
Kahit na ilang beses na niyang nagagawang hawakan ang kamay ko ng ganito. Kahit noong mga panahon na wala pa kaming opisyal na relasyon. Hindi nagbabago ang pakiramdam. Palagi pa ring naroon ang kakaibang pakiramdam na hindi ko magawang mapangalanan ng lubusan.
Naroon ang kilig na nahahaluan ng pakiramdam ng kakuntentuhan. Pero sa kabila ng iyon ay may mga emosyon pa rin siyang dala sa akin na hindi ko magawang mapangalanan. Siguro kasi hindi ko naman hinangad ang ganitong bagay mula kanino. Siguro kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na aabot sa ganito.
Pero masaya ako. Masaya ako kasi sa kabila ng mga paulit-ulit kong pagtulak sa kaniya palayo ay hindi niya pa din pinili ang sumuko. Masaya ako kasi mas pinili niya ang manatili sa tabi ko.
Sinalubong ko ang tingin niya. I smiled at him the same time I tightened my grip on his hand. But at the back of my mind I was silently wishing for this moment to last for a very long time. A very long time.
MARAHANG ISINAYAW KO si Maxim na sakay ng baby carrier na suot ko habang pinapatulog siya. Isa, just like Devyn, failed to put him to sleep kaya ako na ang umako na magpatulog sa bata. Sa itsura kasi ni Isa kanina ay para na siyang maiiyak na lang bigla sa sobrang frustration sa pagpapatulog kay Maxim.
Busy pa kasi an dalawang lalaki sa pag-iihaw kaya hindi maharap ni Kervin ang anak niya. Inilipat din nila ang pwesto nila dahilan para mapalayo sila sa amin. Mas malilim kasi rito sa pwesto namin kaya sila na ang nag-adjust at lumipat para hindi malanghap ni Maxim ang usok. Nandoon na sila sa bukana ng garden habang kami ay nandito sa may likurang parte.
"So?" Tiningnan ko si Isa nang marinig ko siyang magsalita. Her eyes were dancing with playfulness as she repeatedly moves her eyebrows in an up and down pattern, obviously teasing me.
"So? What?" maang-maangang tanong ko pabalik kahit may ideya na ako sa gusto niyang iparating.
"How does it feel to graduate the NBSB title?" mapanuksong tanong niya.
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa mapanuksong tingin na ipinupukol niya sa akin. Kahit na wala naman na talaga akong bagay na kayang itago sa kaniya ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya at ilang sa ganitong klase ng usapin.
And ever since the play ended, we were never given a chance to sit down somewhere and have a talk. The last time that we talked was at the after party. After that, wala na. Hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataon na kumustahin siya. Hindi ko na rin magawang makapag-share sa kaniya ng mga kaganapan sa buhay ko. Pareho kasi kaming naging abala sa kani-kaniya naming mga term exams.
Mas busy nga lang siya kaysa sa aming dalawa si Kervin dahil mas madami ang load niya for this semester since third year na siya. Plus, the fact na major lahat ng subjects niya kaya for sure na mahihiya ang salitang "busy" para isalarawan ang mga kaganapan sa buhay niya. Mabuti na nga lang at nagkaroon siya ng time ngayon na makipag-bonding sa amin.
"Graduate ka d'yan," nahihiyang wika ko.
"Mali ba ako?" nakangising tanong niya. Halata naman kasi na alam na niya ang status namin ni Devyn base na din sa mga lumalabas sa bibig niya.
Status. Napangiwi ako. Hindi ko pa rin talaga magawang masanay na may boyfriend na ako. Boyfriend. Mariing napapikit ako. Four days ago, I lost the title of being a NBSB. Naghalo na ang kilig, tuwa, at pagkailang sa akin sa tuwing sumasagi na hindi na ako nabubuhay na katulad noon. Na hindi na lang ako mag-isa ngayon. Na may kasintahan na ako na puwedeng masabihan ng mga sama ng loob.
It feels great knowing that fact. It's making me feel special. The thought of having Devyn by my side makes me feel a bit braver than before. Before, I felt so small that I failed to see my worth. I feel so unloved and unworthy. Na ang tingin ko lang sa sarili ko ay isang tao na nage-exist para huminga at mabuhay. There was nothing special about my life except for the condition that I have.
But now, I feel like I have a purpose for living. Hindi ako sigurado kung ano ang purpose na 'yon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap at nalalaman. But there's something in me that feels like I need to do something to serve my still unknown purpose on life.
Napatingin ako sa gawi niya. Seryosong hinaharap niya ang mga iniihaw niya. At katulad ng dati ay hindi na naman nakalagpas sa akin ang angking kagwapuhan niya. Kahit sa simpleng pting t-shirt at cargo shorts ay angat na agad ang kakisigan niya.
Mabilis na pinamulahan ang mukha ko nang umangat ang tingin niya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kaniya. He smiled at me. And I smiled back.
"I love you," he mouthed.
Napuno ng galak ang puso ko. Kahit na walang boses niyang sinabi ang mga katagang iyon ay pakiramdam ko ay naririnig ko iyon sa tapat ng tainga ko.
"Mahal din kita."
Mas dumoble ang pamumula ng mukha ko nang kumindat siya. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya para lamang masalubong ang nakangising mukha ni Isa.
"Ang harot," komento niya.
"Did Kervin told you?" I asked, turning my back at her to face the toddler bed of Maxim that was placed right beside the huge blanket that was set-up for us to sit or lay down. May malaking beach umbrella rin na nakabukas para hindi kami maarawan. Inihiga ko si Maxim na ngayon ay tulog na tulog na sa toddler bed niya.
"Napanood kita sa contest na naganap last Tuesday," sagot niya.
Nangunot ang noo ko. "Bakit hindi a lumapit?"
"Masyadong crowded," kibit-balikat na sagot niya. "Tsaka napadaan lang naman talaga ako. I was supposed to go to the library but I just found myself standing far from where you were, watching you and silently supporting you until you received that trophy. Then I've watched your little scheme."
Namumula ang mukha na naupo ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay natagpuan ko na lang ang sarili king nakahiga sa blanket. Tinanggal ko na rin ang sumbrerong suot ko at ginamit 'yon bilang pantakip sa mukha ko na bahagyang nasisinagan ng araw.
I close my eyes before I speak. "Are you happy for me?" I asked softly.
"Of course! I more than happy for you." Naramdaman ko ang pag-ukit ng ngiti sa mga labi ko. She has always been like that. A strong support system to my every up and downs.
Ngunit unti-unti ring nabura ang ngiti ko nang pumasok sa isip ko ang isang bagay na may kinalaman sa kaniya. "Are you happy?" I asked.
Funny how we both want happiness for one another. The only difference is that she knew my pain. She knew what I am going through. She knew my battles. She knew the reason for my tears.
But I don't know hers.
Masyadong masikreto si Isa sa buhay niya. Lalo na sa buhay niya kung saaan may kinalaman ang estado ng puso niya. Just like me, she likes to hide her pain. She always keeps everything to herself for her not to affect other people. Not to be a burden. Siguro kaya rin kami nagkasundo. But the difference, again, is that she urged me to find my happiness. She urged me to fight the battles that I thought I would never win.
But I never did the same for her. I never encouraged her. Hindi ako naglaan ng oras para alamin ang mga pinagdadaanan niya. Hindi ko tiningnan ang mga sakit ka nararanasan niya. Kasi akala ko okay kang siya. Na hindi siya nasasaktan at wala siyang pinagdadaanan. I didn't took any initiative to know more about what she's going through.
I only know a few things about her sufferings, but that's the end of it. Like the tip of the mountain that is hiding beneath a wide ocean. Hindi ko alam kung ano ang nagtatago sa ilalim ng malawak ng karagatan na 'yon. Like her problems. I only knew a few things and that doesn't mean that I knew the whole story.
"I can't be happy," Isa whispered pulling me out of my reverie."Why?" tanong ko habang pilit na inaarok ang tumatakbo sa isip niya.
"You know why," makahulugang wika niya.
Stupid me. So stupid of me to even think of playing cupid between her and Kervin. Bakit ba hindi ko naalala na may ibang lalaki na pala sa buhay niya? Bakit nga ba nakalimutan ko na hanggang ngayon ay sa iisang tao pa rin umiikot ang mundo niya?
Iminulat ko ang mga mata kong natatakpan pa rin ng sumbrero. "Don't you think you're being unfair to yourself?"
Natahimik siya. Ang tangingn naririnig ko lang ay ang paghinga naming dalawa. Naging matunog ang pagbuntong hinibga niya bago siya muling nagsalita.
"I deserve it anyway," malungkot na turan niya. "Mabuti sana kung ako lang. Okay lang sana kung sa akin kang nagalit ang magulang nila. I can take all the blame because I know that I deserve. But he doesn't."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi naman mahirap hulaan ang bagay na 'yon. It was Devyn that she is talking about.
"It's not my story to tell, my friend." Rinig na rinig ko ang kalungkutan sa boses niya. But for some reason, pakiramdam ko ay hindi para sa sarili niya ang kalungkutang iyon. Pakiramdam ko ay para kay Devyn ang kalungkutang nararamdman niya. Pero bakit?
"Do something for me, Bliss." Inalis ko an sumbrerong tumatabing sa mukha ko para salubungin ang mga mata niya. Hindi naman niya ako pinahirapan pa nang magbaba na siya ng tingin para salubungn ang akin.
There's a strange emotion in her eyes that's wanting to come out. But Isa is stronger for she fought hard for it not to escape her eyes.
"Ano 'yon?"
"Make him happy. Do not break him more than he already is," she said in quiet voice. "You see, Devyn is a broken man. Much more broken than I do. Maybe even more than you were. Pinagdudusahan niya ang mga bagay na hindi naman niya kasalanan. Pinagbabayaran niya ang mga pagkakamali na ako naman ang nagsimula. Ako ang puno't dulo ng lahat. Nadamay lang siya dahil sa pagiging makasarili ko."
Akmang magsasalita na ako nang maunahan ako ni Kervin. "Food is here, everybody!" Kervin exclaimed.
Nanatili akong nakahiga habang pinanonood si Kervin na ilagay sa maliit na lamesa ang mga pagkain na produkto ng pagpapausok niya. Napabaling ako sa gilid ko ng maramdaman ang presensya ng isa pang tao roon, Devyn.
I tried my best to hide the confusion and pain that I am currently feeling because of the things that Isa and I talked about. Nginitian niya ako na agad ko namang sinuklian. Sana lang ay hindi nagmukhang pilit ang ngiti na 'yon.
"You okay?" he asked, gently touching my cheek using the back of his hand.
"I'm fine," I replied.
"Are you sure?" Gamit ang nga nanunuring mga mata ay sinuyo niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko.
forced a smile. "Very sure."
Pinagmasdan niya ako ng ilang minuto. Sinalubong ko ang mga mata niya ng may ngiti pa rin sa mga labi para ipakita na okay lang ako. We may not know each other for years like me and Kervin. But he knew me enough for him to know if there is something that's bothering me.
Hindi ko lang kasi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Isa. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay para bang napakaraming mga masasakit na bagay na pinagdaanan ng lalaki ito sa harapan ko. And it's hurting my heart, too, knowing that he's been in pain for too long. He's been alone all along, blaming himself for the things that he thought was his mistake.
Hindi ko man alam ang bawat detalye ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanilang tatlo. Sa pagitan niya, ni Isa, at ng nakatatandang kapatid niya. Nasisiguro kong hindi maganda ang mga bagay na iyon na nagresulta sa mga sakit na hindi pa rin nila nagagawang pawiin magpasahanggang ngayon.
Napatingin ako sa gawi ni Isa. Nakikipag-asaran siya kay Kervin na para bang hindi niya panandaliang tinanggal ang maskarang nagtatago ng mga sakit na nararamdaman niya. She's smiling, laughing rather, at Kervin who's currently shooting daggers at her using his eyes.
"Get up," sabi ni Devyn na nasa akin pa rin ang paningin.
Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo na ako sa tabi niya. Awtomatikong inakbayan niya ako gamit ang kaliwang braso niya kasabay nang paghapit niya sa akin palapit sa kaniya. Wala sa sariling napatingin ako sa palapulsuhan niya. May tattoo siya roon na ngayon ko lang napansin. Kumpara sa ibang tattoo niya ay maliit lang iyon at walang arteng nakamarka sa parting iyon ng kamay niya.
Hindi din iyon agad na mapapansin katulad ng ibang tattoo niya na malalaki at puno ng detalye. Maliit lang kasi ang apat na mga numerong iyon na hinati sa dalawa sa pamamagitan ng tuldok. Kahit hindi ko pag-isipan ay alam ko petsa ang sinisimbolo ng mga numerong iyon. Petsang eksaktong isang buwan mula ngayon.
08.18
Unconsciously, my hands went up to trace the pattern of that small tattoo. Feeling the emotion that was hidden behind those numbers as if I was there right at that time. Naramdaman kong natigilan si Devyn sa ginawang paghawak sa tattoo niya.
"What's the meaning of this tattoo?" I asked with the hope that I would be enlightened by the words that will come out from his mouth.
Hindi man ako sigurado pero malakas ang kutob ko na sa likod ng petsang naka-tattoo sa palapulsuhan niya ay ang mga kulang na detalye na pupuno sa mga kaalaman ko patungkol sa nakaraan niya. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naisip ko. Bigla na lang sumagi sa isip ko na posibleng tama ang hinala ko.
I want to know his past. I want to know the war that he is fighting by himself. I want to know the hurt he is feeling. Kasi baka may magawa ako. Kasi baka magawa kong pagaanin ang loob niya. Baka sakaling makuha kong ibigay sa kaniya ang kapayapaan na matagal na niyang ipinagkait sa sarili niya.
Akala ko hindi na siya magsasalita pa. But as he answers my question, I heard a glimpse of the pain he's hiding through his voice. I felt my heart being grip tightly as he let out a tiny bit of the emotional baggage that has piled up for over a year. And his words proved me that I was not wrong at all.
"October 18. The day that my brother almost lost his life because of my stupidity."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top