31: ---

CHAPTER THIRTY-ONE

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako nagpakawala ng buntong hininga. E, sa kinakabahan ako, e. Nanlalamig na ang dalawang kamay at tainga ko. Butil-butil na rin ang pawis ko sa noo aa sobrang kaba na namamayani sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Devyn sa balikat ko upang patigilin ako sa pabalik-balik na paglalakad na kanina ko pa ginagawa para lang kumalma.

Natutulirong tiningnan ko siya. "What's happening to your eyes?" naguguluhan at nag-aalalang tanong niya.

"She's just nervous," si Kervin ang sumagot.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa whole body mirror na nandito sa waiting area na ginawa ng event's organizer para sa susunod na mga kalahok. Nakita ko kung paano mabilis na gumalaw pakaliwa at pakanan ang mga mata ko. And no, hindi ako ang gumagawa no'n dahil kusa lang iyong gumagalaw at hindi ko kontrolado.

Isa ito sa parte ng kondisyon ko na hindi pa nakikita ni Devyn. Si Kervin alam na since ilang beses na rin naman niyang nakita na nangyari sa akin ito. Madalas naman kasi na kalamado lang ako sa tuwing kaharap ko siya.

It's called nystagmus. It's the involuntary movement of the eye. Puwedeng pataas at pababa o puwede ring katulad ng sa case ko na side-to-side involuntary movement. As for me, noticeable lang siya tuwing nakararamdam ako ng sobrang pagod, galit, takot, balisa, o kapag kinakabahan ako. Katulad na lang ngayon. But on a normal day na payapa naman ang kalooban ko ay hindi mo siya mahahalata.

"Relax, babe. Baka pareho pa kayong himatayin diyan," pagpapakalma ni Kervin sa akin.

Nakangiwing naupo na lang ako sa upuan na katabi ng inuupuan ni Kervin. Agad na sumunod naman nang upo sa bakanteng upuan sa tabi ko si Devyn. Mukhang nahawa na rin siya sa kaba ko.

"Alis na lang kaya tayo?" nakangiwing suhestiyon ko. Agad naman akong nakatanggap ng masasamang tingin mula sa kanilang dalawa. Nagsama pa. "Sabi ko nga joke lang, e." Kamot-kamot ang ulong dagdag ko.

Ikinulong ni Devyn ang mukha ko sa pagitan ng mga kamay niya tsaka ako pinakatitigan sa mga mata. "Relax, Bliss Audrey. You got this, okay?" Animo nahihipnotismong napatango ako.

"Makalayas na nga. Mamaya putaktehin pa ako ng langgam dito," naaasiwang sabi ni Kervin.

Natatawang sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko. At least kahit papaano ay naibsan ang kaba ko.

Napatingin ako sa lalaking kasalukuyang nakatuntong sa entablado. Kahit likod lang niya ang nakikita ko mula sa kinauupuan ko, makikita sa kaniya na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito. Maganda rin ang bawat pagbigkas niya sa bawat mga salitang binibitiwan niya. Maging ang mga emosyon na gustong iparating ng tula niya ay ramdam na ramdam ko kahit na wala pa akong ekperyensya sa paksang tinatalakay niya. Maging ang kaba hindi mababakas sa kaniya.

Hindi katukad ng kaba na nararamdaman ko. Simula ata kanina sa bahay pa lang ay nararamdaman ko na ang kaba. Simula pa lang ata nang magising ako ang unang naramdaman ko na ay kaba. Ginawa ko na lahat para maibsan kahit papaano ang kaba ko pero walang umepekto maski isa.

"Masaya ka ba? Masaya ka ba na nasasaktan ako habang may kapiling kang iba? Masaya ba? Kasi mahal, hindi ko pala kaya."

Nakaramdam ako ng sakit habang pinapakinggan siya. Hindi ito ang unang beses na nakarinig ako ng mga ganitong piyesa. Pero kahit na magkakaiba man ng paksa, magkakaiba man ng kwento, at magkakaiba man ng sakit ay pare-pareho lang ang pakiramdam na dulot sa akin.

Minsan masaya. Minsan may kilig. Ngunit mas madalas na masakit. Siguro kaya nahihiligan ng mga tao, lalo na ng mga kabataang katulad ko, ang ganitong larangan dahil nagagawa niyang pasukin ang puso ng isang tao at iparamdam ang sakit sa pamamagitan lamang ng mga salita.

Marami mang hindi gusto na nakakarinig ng mga spoken word poetry dahil hindi iyon angkop sa panlasa nila. May mga tao naman na mas pinipili na pakinggan ang kapangyarihan ng mga salita na iparamdam sa isang tao ang nararamdaman niya.

Kadalasan din naman kasi sa mga paksa na nagiging sentro ng isang tula ay ang mga eksperyensiya ng mga tao. Kaya relatable sa marami lalo na sa mga kabataan. Lalo na kung sa usapin ng pag-ibig na mas madalas na gawing paksa ng mga manunula, hugot kung tawagin ng marami.

"You can do it, right?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Nilingon ko si Devyn at binigyan ng ngiti, bagaman alam kong nahalata niya ang kaba sa ngiting iyon. "I think so. Hindi na din naman ako pwedeng mag-back out dahil nandito na tayo."

Tumango-tango siya. May inilabas siya na kung ano mula sa backpack niya. Nangunot ang noo ko nang makita kung ano ang bagay na inilabas niya. Sunblock. At sa nakikita ko ay mukhang bagong bili lang 'yon.

"Saan mo galling 'yan?" kunot-noong tanong ko.

"Bumili ako," sabi niya.

Akala ko ay ibibigay niya sa akin ang sunblock pero halos lumuwa ang mga mata ko sa panlalaki no'n nang iangat niya ang sleeves ng manipis na long sleeves na suot ko. Naglagay siya ng kaunting sunblock sa palad niya at siya na mismo ang nagpahid sa akin no'n.

Naiilang na inilibot ko ang paningin ko sa maliit na espasyong kinaroroonan namin. Napangiwi ako ng makitang parang mga inasinan na bulate ang mga kababaihan na malapit sa amin, mga kalahok din sa patimpalak, na nakatingin sa amin. Nakita ko pa silang nagbulungan pero nasisiguro kong positibo ang pinaguusapan nila.

Dahil tama si Isa noong sinabi niya na sa mundo na ito, sa mundo ng pagtutula, ay walang kahit na isa ang tumingin sa akin na para bang kakaiba akong elemento. Wala akong narinig na kahit anong negatibong bagay na umalpas sa bibig ng kahit na sino. Ang tanging nakikita ko lang sa kanila ay paghanga. Paghanga para sa tapang na mayroon ako nang magdesisyon akong sumali rito.

Unang tapak ko pa lang kanina papunta sa registration area ay sinalubong na agad ako ng mga ngiti nila at mahihinang tapik sa balikat. May iilan pa na nag-thumbs up sa akin at kulang na nga lang ay palakpakan nila ako. Hindi ako sigurado kung kilala nila ako ngunit base sa mga nakikita ko mula pa kanina ay nasisiguro kong napapamilyaran ang iba sa akin.

Tama si Isa. Sa mundong ito ay walang mapanghusga. Sa mundong ito ay hindi ako kakaiba.

"Devyn ano... ako na," naiilang na sabi ko at sinalubong ko ang tingin niya. "Kaya ko na," nakangiwi pang dugtong ko.

Nangingiting inabot naman niya sa akin ang sunblock. Matapos ay inilagay na lang niya sa sariling braso ang mga ntitira pang sunblock sa kamay niya.

"Bakit ka nga pala bumili nito?" tanong ko nang matapos.

Ibinalik ko sa kaniya ang sunblock na agad naman niyang ipinasok sa bag niya. "Para kapag hindi ka nakapagdala may back-up tayo. Katulad ngayon. Iniwan mo sa kotse ang bag mo na may lamang sunblock."

Napangiti ako sa sinabi niya. Muli ko na namang naramdaman ang munting kiliti sa iba't ibang bahagi ng katawan ko dahil sa kilig na dulot niya. That's how Devyn affects me. Simpleng salita lang niya pero nakakaramdam na ako ng kilig. Ganito ba talaga kapag NBSB at deprive sa pakiramdam ng kilig? Nakakaloka.

"You're up, Bliss." Napatingin kami sa event's organizer na estudyante din. Nakangiting sumenyas siya sa akin bago tumalikod. Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang nagwawalang sistema ko.

Hinawakan ni Devyn ang magkabilang balikat ko para ipaharap ako sa kaniya. "Enjoy, Bliss Audrey. Just let it all out."

Napangiti ako. I just need to hear that and nothing else. "Thank you."

Tinitigan niya muna ako sa mga mata ng ilang segundo bago mariin na hinalikan sa noo. Hindi ko napigilan ang maliit na tawa na kumawala sa bibig ko. Pakiramdam ko kasi ay mas kinakabahan pa siya sa akin pero pilit lang niyang tinatago.

Pinisil ko ang kamay niya bago walang salita na tumungo sa maliit na entablado. Hindi katulad noong unang beses na ginawa ko 'to, hindi engrande ang ayos ng entablado. Hindi katulad noon na sinadya ang ayos para umangat ako, ngayon ay walang espesyal na pagtrato. Dahil sa pagkakataon na ito, katulad ng iba, kalahok lang din ako.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ng mga tao nang lumabas ako. At least, ang gulat ng mga tao ay nandoon pa rin at hindi nagbago.

Pasimpleng iginala ko ang paningin ko sa paligid ng malawak na field kung saan puno ng estudyanteng manonood. May mga ilan na nakaupo sa upuan. Ang ilan naman ay nakatayo at pawang may mga payong bilang proteksyon sa init ng araw.

Sa isang gilid, sa bandang kanan, ay namataan ko si Kervin na kababakasan ng pag-aalala sa mukha. Hindi dahil sa baka kinakabahan ako, kundi dahil sa katotohanan na naaarawan ako. May maliit naman na bubong na nagsisilbing harang sa maliit na stage pero hindi sapat para tuluyan akong maproteksyunan ng tuluyan sa sikat ng araw.

Nginitian ko lang silang dalawa bago muling huminga ng malalim bago magsimula.

"Kailan mo masasabing nasasaktan kana? Paano mo masasabing masakit na at ayaw mo na? Kapag may pilat na at may naiwang marka? Kapag may mga kulay ubeng pasa ka na dahil sa pisikal na pananakit ng iba?" Huminga akong muli ng malalim bago nagpatuloy. "Paano mo masusukat ang sakit na nararamdaman ng iyong kapwa? Kapag may mga latay na? Kapag may dugo na na naging mantsa? O kapag may peklat na na kailanman hindi na mabubura?"

Mariing ipinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang pagiinit ng sulok no'n. "Sugat, pasa, pilat, peklat. Mga bakas na sukatan ng karamihan para sa isang taong nasasaktan. Mga bakas na nagpapahiwatig na mahina ka at walang laban. Mga bakas na sumisigaw ng "tulong" "hindi ko na kaya" "tama na". Pero hindi lang yan ang basehan ng sakit. Na hindi lang sa mga sugat nasusukat ang pagiging bayolente ng tao sa iba. Nagiging bayolente din tayo gamit ng mga panlalait at masasakit na salita, pero bakit? Bakit patuloy at paulit-ulit pa ding sinasabi kahit hindi na tama."

Binuksan ko ang mga mata ko. Nagtagumpay ako na pigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko ngunit hindi ang mga taong nanonood. Naramdaman ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko nang mamataan ang grupo nila Charm na ngayon ay blangko ang mga matang nakatingin sa akin. Maging sina Bethany at Quennie ay hindi rin kababakasan ng emosyon. But they can't fool me. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagsisisi. They're whole being is shouting with guilt. But they are too hard to admit that.

Nginitian ko sila bago nagpatuloy. "Sa mga simpleng pang-iinsulto na ating binibitawan. Sa mga simpleng tingin at palihim na bulung-bulungan. Kung iisipin natin na pangkaraniwan lang ang mga ganitong klase ng tagpo. Pero ito pa madalas ang mas bayolenteng paraan para saktan ang isang tao. Dahil mas mahirap kalimutan ang mga masasakit na salita. Dahil mas mahirap kalimutan ang mga panlalait at panghuhusga mula sa mga taong hindi naman natin kadugo at hindi naman natin inargabyado.

"Huwag natin ikulong ang konsepto ng pananakit sa mga sugat at peklat sa ating katawa. Isipin natin na sa bawat kilos at salita na binibitiwan natin ay may nasasaktan. Sa bawat desisyon natin ay may naapektuhan at nahihirapan. Na ang mga salitang ito ay hindi mo na mababawi kailanman. Pagisipan mo upang sa dulo ay wala kang pagsisihan. Para wala ng taong maiinsulto, panghihinaan ng loob at masasaktan. Para wala ng taong mababastos ang pagkatao.

"Respeto. Isang salita na palagi nating nakakaligtaan. Salita na sa kabila ng bigat na kaakibat ay hindi nating lubusan na pinapahalagahan. Respeto para sa sarili. Respeto para sa kapwa."

Bahagya akong yumuko bilang hudyat nang pagtatapos ng aking piyesa. Kasabay ng pagyuko ko ay ang pasimpleng pagpunas ko sa mga luhang tuluyan ng pumatak sa mga mata ko.

Ilang sandali pa ay pumailanlang sa buong field ang masigabong palakpakan na nagmumula sa mga manonood at sa mga hurado. Nginitian ko sila at bahaggyang ibinaba ang sombrero na suot ko para maitago nang bahagya ang aking mukha.

Napigil ako sa ginagawa nang mapabaling ako sa puwesto ni Devyn. Nangingiting umiling siya na para bang katulad noong nangyari sa amusement park ay pinipigilan ako na itago ang sarili ko sa mga tao. At katulad nang araw na 'yon ay mabilis na itinigil ko ang ginagawa.

Sa tagal ba naman na sinamay ko ang sarili ko sa pagtatago hindi na talaga nakakagulat na hanggang ngayon ay dala ko pa rin iyon sa sarili ko. It will take time, for me to get myself out of the prison that I've imprisoned myself for the past years. But I know for sure that it won't take me that long for I am not by myself now. I have all the person who was there from the very start, I have Devyn, and most importantly, I have myself.



MAHIGPIT NA YAKAP ni Kervin ang sumalubong sa akin nang makabalik siya sa stand by area. Pinaliligiran ng mga luha ang mga mata na hinarap ko siya at malawak na nginitian. "I did it, Kervin!" puno ng galak na sabi ko.

"Yes, you did. I'm so proud of you, babe. Ang tapang mo," nanangiting aniya. Muli niya akong niyakap ng mahigpit na walang pagdadalawang isip na sinuklian ko. "Hiling ko lang na sana ay nakatulong ang ginawa mo ngayon para tuluyan ka nang makawala."

Humiwalay ako sa kaniya at ngumiti. Pero bago pa man ako makapagsalita ay nauna na ang lalaki sa likod niya. Nanlalaki ang mga mata na pinasadahan ko ng tingin ang hawak niya.

Agad na namula ang mukha ko nang mag-iritan ang mga babae sa paligid na hindi na pinagaksayahan pa ng oras na itago ang kilig na nararamdaman nila. Pero walang tutumbas sa kilig at saya na nararamdaman ko ngayon lalo na at nasa harapan ko na siya.

"For you, my love." May magandang ngiti sa mga labi na inabot niya sa akin ang kumpol ng mga bulaklak.

Pakiramdam ko ay inaapoy na ako ng lagnat sa sobrang pag-iinit na nararamdaman ko sa magkabilang pisngi ko ngayon. Buong mukha ko na nga ata ang namumula kung tutuusin.

Tinanggap ko ang malaking bouquet ng pinaghalong mapusyaw na pink at puting calla lily. Hindi katulad noong unang beses na binigyan niya ako ng kaparehong bulalaklak. Mas magarbo ang ayos nito ngayon kaysa sa simpleng kumpol lang ng bulaklak noon na tinalian lang ng ribbon. Ngayon ay bouquet na talaga siya na inayos sa simple ngunit eleganteng paraan.

"Hindi ka na dapat nag-abala," nahihiyang sabi ko habang pilit na tinatago ang sarili sa ilalim ng sombrero.

Hinuli niya ang baba ko upang marahang ipaharap sa kaniya. "I'm just proud of you."

"So, kapag proud kailangan may pabulaklak na?" singit ni Kervin, halata namang nag-aasar lang. "Tsaka wala namang okasyon. Daig mo pa ako o ang mga magulang niya."

Napangiti ako. "Ngayon, may'roon na."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Devyn. Maging si Kervin ay napakunot din ang noo.

Naputol ang akmang pagsagot ko sa tanong niya nang pabalikin kaming muli sa entablado para sa pag-anunsyo ng mga nanalo.

Nginitian ko lang sila bago tumalikod. Sa dulo ako tumayo dahil alam ko naman na hindi ako mananalo. Masyadong magagaling ang mga nakatunggali ko para makakuha pa ako ng puwesto. Nakayuko lang ako habang patuloy na nagsasalita ang emcee ng programa. Kung hindi pa siguro ako sisikuhin ng katabi ko ay hindi ko malalaman na tinatawag na pala ako.

"Ha?" naguguluhang tanong ko sa katabi ko habang nakaturo ang daliri sa sarili.

"Nanalo ka, Bliss. First runner up."

Napakunot ang noo ko, hindi makapaniwala sa narinig. Hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa reyalisasyon na sinundan ng hiyawan ng mga tao. Marahan akong tinulak ng mga katabi ko papunta sa gitna.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang kahoy na tropeyo na ngayon ay hawak ko na. "Seryoso?" tanong ko, walang partikular na taong pinagtatanungan.

"Congrats, Bliss. Pinaiyak mo kami sa piyesa mo," sabi ng babaeng judge.

Lutang ang pag-iisip na nakapako lang ang paningin ko sa tropeyo. Hindi ko na rin nagawa pang pagtuunan ng pansin ang mga tao sa paligid. Habang nagkukuhanan na ng litrato ang iba ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa kong makasungkit ng panalo.

Nagpasalamat ako sa lahat ng mga nakasama ko nang magsimula silang bumaba sa stage. Maging ang mga taong kanina ay nanonood ay nagsisimula na rin na magsialisan. Habang ako ay naiwan sa entablado habang walang kurap na tinititigan ang tropeyo.

"Congrats, mahal ko," masuyong bulong ni Devyn sa tainga ko nang makalapit sa puwesto ko.

Nag-angat ako ng tingin para tingnan si Devyn. Mabilis ang mga hakbang na tinawid ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya na agad naman niyang ginantihan.

"Nanalo ako, Devyn," puno ng galak na sabi ko.

"And we are proud of you for that. Naiintindihan ko na kung bakit maraming tao ang pumipili ng tula bilang instrumento upang mailabas nila ang mga nararamdaman nila. Nagagawang buksan ng mga salitang bumubuo sa isang tula ang mga bulag na kaisipan ng mga tao tungkol sa mga bagay-bagay. Minumulat mo, at lahat ng mga manunula, ang mga mata namin sa mga bagay na hindi namin nakikita." Bumaba ang tingin niya sa akin. "At iyon ang ginawa mo, Bliss Audrey. Minulat mo ang mga mata nila sa mga pinagdadaanan ng mga taong katulad mo. Katulad mo na may espesyal na kondisyon na madalas gawing katatawanan ng ibang tao."

Hindi ako nakapagsalita sa naging interpretasyon niya tungkol sa bagay na ito. Malalim at puno ng linaw. Mas lubos na naintindihan ko na ang sinabi niya kanina.

Just let it all out.

Lahat ng hinanakit ko, lahat ng mga lihim na sakit na pinagdaanan ko, at lahat ng mga paghihirap ko na sinarili ko. Nagawa kong mailabas sa pamamagitan ng tula. Sa pamamagitan ng mga salita.

"Picture!" Sabay na nilingon naming si Kervin na may hawak na camera. Ibinigay niya sa akin ang bouquet na bigay ni Devyn bago umatras para humahan kami ng magandang anggulo.

"Devyn," mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" sagot niya.

Batid kong nakangiti siya dahil kasalukuyan nang kumukuha ng litrato si Kervin na feel na feel magpaka-photographer. "Tungkol sa sinabi ko kanina."

"Alin do'n?"

"Tungkol sa okasyon ngayon." Kunot-noong nagbaba siya ng tingin sa akin. Halatang naguguluhan siya at nalilito sa tinatakbo ng mga sinasabi ko.

Nakangiting nag-iwas ako ng tingin. Ngumiti ako sa camera nang sumenyas na kukuha na ulit ng litrato si Kervin. "Yes," I whispered.

"What do you mean yes?" naguguluhan pa ring tanong niya.

Hindi ko napigilan ang mahinang mapatawa. Hindi ko alam na may paka-slow pala ang isang Devyn Braun sa mga ganitong bagay. Ang akala ko ang gets na niya isang sabi ko pa lang. Mali pala ako.

"I'm giving you the answer that I wasn't able to give, back at that ferris wheel ride," I said, clearly playing with my words.

"Don't tell m-me..." hindi makapaniwalang usal niya.

"Yes, Devyn. I'm saying yes to your question in that ferris wheel."

---
A/N: Thank you for reading! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top