30: Scared
CHAPTER THIRTY
Scared
Mabilis na ikinurap ko ang mga mata ko nang makaramdam ng pananakit doon dahil sa matagal na pagkakatitig sa cellphone ko. Sa hindi mabilang na pagkakataon simula nang magising ako ay napabuntong hininga na naman ako.
Lukot ang mukha na sumubsob ako sa unan ko para lamang mabilis na mapabangon upang kuhaning muli ang phone ko nangmaramdaman kong mag-vibrate 'yon. Umaaasang napatingin ako sa aparato para lang mapasimangot ulit nang makita na Ad lang pala ng sale sa Shopee ang mabasa.
Sumusukong hinagis ko ng mahina ang aparato malayo sa direksyon ko. Hay...
"Okay naman kami, diba?" pagkausap ko sa sarili ko. "Mukha naman siyang hindi galit sa akin noong huli kaming magkita."
Muli na naman akong napabuntong hininga. Ilang minuto pa muna akong nakipagtitigan sa kisame bago nagdesisyon na bumaba na ng kwarto ko. Sakto naman na nasa salas na ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si Kervin na ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.
"Napadalaw ka?" kunot ang noo na tanong ko sa kaniya.
"I just missed hanging out with you. You know, without Maxim and Devyn in between." Nginitian niya ako baho lumapit sa akin.
Inanyayahan ko siyang makapasok sa loob ng bahay kahit na nawiwirduhan na ako sa mga inaakto niya. Napunta kami sa salas kung saan naabutan namin ang tatlong aso ko na kani-kaniya ng pwesto sa sofa. Naupo ako sa sofa habang siya naman ay naupo sa tabi ko. Agad na sumampa sa kanduang ko ang kalahati ng katawan ni Cloud.
"May problema ba?" I asked.
Nitong mga nakaraan kasi ay hindi kami masyadong nakapag-usap lalo na at exam niya last week. Ako naman ay pinag-iisipan pa kung ipu-push ko ba na sumali sa contest na gusto nilang salihan ko. Sa Tuesday, tatlong araw mula ngayon, ay magagananp ang kompetisyon.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisusulat na kahit na isang salita para isali. Sinubukan kong sumulat pero palaging nauuwi sa blangkong papel ang kaharap ko. Kahit ang paksa na may kinalaman sa pag-ibig ay sinunggaban ko na pero wala pa rin hanggang ngayon.
Akala ko nga ay magiging madali dahil nandiyan si Devyn na puwede kong pagkuhanan ng inspirasyon. Ngunit bigo pa rin ako kaya tinigilan ko na lang muna. Siguro ay hindi talaga para sa akin. Marami pa naman sigurong pagkakataon na maipapakita ko ang talentong mayro'n ako.
Isa pang dahilan ay ang isang linggo na hindi pagpaparamdam ni Devyn sa akin matapos ang date namin eksaktong isang linggo na ang nakakalipas. Kahit na hindi gano'n kagandahan ang naging huling tagpo namin ay siniguro naman niya sa akin na okay lang siya at okay lang kami.
Pero matapos ang araw na 'yon ay hindi na rin ako nakatanggap ng kahit na isang text man lang sa kaniya. Hindi rin siya bumisita. Hindi ko naman siya magawang matawagan dahil nahihiya ako sa huling nangyari. Iniisip ko na baka nagalit siya pero siya naman na mismo ang nagsabi sa akin na hindi. Everything was just all over the place. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang iintindihin ko.
"Wala. Kailangan ba may dahilan para bisitahin ka? We're best friends, after all," sabi niya na mahihimagan ang kunwaring pagtatampo.
Mataman ko siyang tiningnan gamit ang nanunuring nga mata. "I know you."
"As I know you," he said pointedly looking at me.
Napabuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin. "What is it, Kervin?"
Hindi siya agad sumagot sa halip ay hinila niya ang kamay ko papunta sa kusina. Siya na mismo ang nag-asikaso sa sarili niya. Kumuha siya ng isang platito at naglagay ng dalawang slice ng graham. Kumuha siya ng dalawang bago at inilagad sa lamesa kasama ang isang pitsel ng tubig.
Naupo na lang ako habang pinanonood siya sa ginagawa niyang paglagay ng platito sa harapan ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa maupo na rin siya sa katabing upuan ko.
"Talk, Kerv," seryosong sabi ko.
He just smiled. "Let's eat first."
Hindi na ako nakipag-argumento pa. Tahimik na sinimulan kong kumain at maging siya ay gano'n din ang ginawa. Hindi ko maiwasan ang mapatawa nang makitang nabitin siya sa kapiranggot na pagkaing nakahain sa amin kanina na mabilis pa sa alas kwatro na naubos.
Natatawang kumuha pa ako ng panibagong graham sa ref at inilagay sa platito. And the routine started again. We ate in silence, not an awkward one. Mukha rin kasing malalim ang iniisip niya kaya hindi ko na siya binulabog. Magsasalita naman siya kung gusto niya, panigurado.
"What now?" tanong ko matapos maubos ang pagkain.
Hindi pa rin siya kumibo nang simulan niyang iligpit ang pinagkainan namin. I waited for him to finish washing the dishes. And as soon as he finished, I took his hand ang pulled him towards the direction of the garden.
Pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan na nakakalat doon habang ako naman ay sumakay sa duyan na hindi nasisinagan ng araw dahil sa bubong. Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa rin siyang sinasabi na kung ano. My tongue is itching to talk and to ask what was wrong, but I felt like it would be better to just wait for him.
"Bliss," sa wakas ay sabi niya.
Kulang na lang ay malakas na mapabuntong hininga ako ng marinig ko siyang magsalita. Finally! "Hmm?"
"I had a talk with him." Tiningnan niya ako at agad kong nakuha ang ipinupunto niya. "At sinabi niya sa akin ang nangyari noong araw na lumabas kayo one week ago."
"And?" I said, trying to make my voice sound passive about the topic.
"And I'm here to talk some sense to you." Mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa sobrang seryosong ekspresyon na nakikita ko sa kaniya.
Bakit nga ba muntik ko nang makalimutan ang bahaging ito ng katauhan niya. Prangka. Hindi si Kervin ang tao na puro mabubulaklak na salita lang ang alam sabihin. Oo, as much as possible ay pili ang mga salitang ginagamit niya para hindi siya makasakit ng iba. The lesser the sharp words he'll say, the lesser you'll get hurt.
But he is not all about sugarcoated words. His tongue can also turn into a sharp knife that can hurt you. Madalang lang siyang maging ganito. Piling pagkakataon ko pa lang siyang narinig na magsabi ng mga masasakit na salita. At 'yon ay noong mga panahon na sobrang galit niya sa ina ni Maxim.
And I think it's now my turn to bleed a little.
"What's stopping you?" tanong niya.
Naguguluhang napatingin ako sa kaniya. Wala ang paningin niya sa akin kundi nasa kawalan. Maraming emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya at lahat ng 'yon ay hindi ko mapangalanan. Basta ang alam ko lang, kulang siya sa kapayapaan.
Parang marami siyang gustong alamin, gustong sabihin. Pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Siguro kasi involve ako sa magiging usapan kaya siya nagkakaganiyan. Siguro natatakot siya na may masabi na makasasakit sa akin kaya siya nahihirapan.
Paano ko nalaman? I just know him too well that without words being said, I knew what's running on his head.
"Stopping me from what?"
Huminga siya ng malalim. "I know that you have something for him."
"And it's too early for it," giit ko.
Natahimik siya. Nangunot ang noo na para bang pilit niyang iniintindi ang sinabi ko. "Bakit pa papatagalin kung doon din naman ang punta?"
Ako naman ang natahimik. Bakit nga ba? Alam ko sa sarili ko na hindi magtatagal ay sasagutin ko rin si Devyn. Nararamdaman ko na one of these days ay ibibigay ko na sa kaniya ang sagot ko. Kasi matagal ko naman nang naamin sa sarili ko na mahal ko siya.
At tama si Kervin. Bakit ko pa pinapatagal ang isang bagay na mangyayari rin naman sa huli?
"You're afraid," he said.
And heaven knew that he was right. Takot ako. Takot ako sa maraming bagay. Natatakot ako na sumugal, na sumuong sa isang bagay na bago sa akin. Kinakain ako ng takot lalo na at wala akong kumpiyansa na magagawa kong panatilihin siya sa buhay ko hanggang sa dulo.
Masyadong maraming bagay ang bumabagabag sa akin sa t'wing naiisip ko na sagutin na siya. Maraming katanungan sa isip ko na hindi nakakatulong bagkus ay mas nagpapahirap pa.
"Kailan ba ako hindi natakot?" natatawang tanong ko. Hindi para sa kaniya, kundi para sa sarili ko.
"Ano ba ang kinakatakot mo?" naguguluhang tanong niya.
Sinalubong ko ng diretsa ang mga mata niya. "Ako mismo, Kervin. Ang sarili ko ang kinatatakutan ko."
Bumadha ang pagkalito sa mukha niya sa sinabi ko. Kahit naman himayin ko ang mga sinabi ko ay hindi niya pa rin lubusang maiintindihan ang mga bagay na nararamdaman ko. Mahirap intindihin ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan.
Kadalasan iniisip ng iba na naiintindihan na nila, mas tamang sabihin na sinasabi lang nila. Basta nakukuha nila ang konsepto ng isang bagay ay akala nila naiintindihan na nila ng lubos ang bagay na iyon. Pero iba kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon ng tao. Iba kapag ikaw na mismo ang nakararanas ng mga nararanasan ng iba. Sa gano'ng paraan mo lang tuluyang maiintindihan ang mga pinagdadaanan niya.
"Look at me, Kervin." Ibinuka ko ang mga braso ko para ipakita ang kabuuan ko sa kaniya.
"I'm looking," he said looking way pass through my eyes.
He is staring deep into my soul. And I've understood his words clearly. Hindi ang pisikal na anyo ko ang tinutukoy niya na tinitingnan niya. He's looking at that Bliss Audrey behind all the flaws. He is looking at me. Just me.
"Do you think that my love for him is enough to make him stay until the end? Paano kung isang araw magising na lang siya na hindi na niya masikmura ang nakikita niya? What if one day he'll grew tired of turning a blind eye about my condition?" I asked. Pain ang panic visible in my voice. "Nakakatakot dumating sa punto na 'yon. Naiisip ko pa lang parang pinipilipit na ang puso ko sa sakit. Hindi ko na alam kung kakayanin ko kapag umabot pa sa punto na 'yon."
"Paano kung hindi?" mabilis na tanong niya.
I swallowed the rebut that I have prepared dahil tama na naman siya. There's always a fifty-fifty chance in love. It's either it will work or not.
And I know for sure that love is not just all about the happiness and the butterflies in the stomach. Love will make you happy but love also has the greatest power to hurt you badly that you would just wish to stop feeling anything. At least, that's my little knowledge about love.
Alam ko na dadating sa punto na kakailanganin talaga naming masaktan. Maybe to make us stronger or to make our love deeper for one another. At kahit kalian ay hindi ako magiging handa para sa sakit na 'yon. And I am also well aware of the fact that my condition would be a great contributor of that hurt that I am afraid of. Dahil aminin ko man o hindi, malaking parte ang kondisyon ko sa lahat ng uri ng sakit na naranasaan ko sa nakaraan. Kaya anong pinagkaiba ng ngayon at sa hinaharap?
Ngayon alam ko na kung ano ang puwang sa puso ko na hinahanap ko noon. It was the fear. The fear of getting hurt. At siguro kaya hindi ko pa binibigay ang oo ko sa kaniya ay dahil binibigyan ko pa ng mahabang pagkakataon ang sarili ko para rendahan ang puso ko. Para kapag umabot sa punto na masasaktan na ako ay makakaya ko pa ring lampasan. At magagawa ko pa ding makabangon.
"Mahirap kalabanin ang self-doubt at ang self-pity," he softly said.
Napatingin ako sa kaniya at hindi na ako nagulat nang makasalubong ko ang mga mata niya. There's sincerity and understanding in his eyes.
He reached for my hand before he continued. "Lalo na kung pauli-ulit sa'yo na sinasampal ng repleksyon mo sa alamin ang lahat ng bagay na tingin ng ibang tao ay mali sa'yo. Pero hindi lang sila ang dapat sisihin. Ikaw din, you are also partly to be blame." Imbes na kumontra ay hinintay ko ang kasunod ng sasabihin niya.
"Kasi tama naman sila sa lahat ng bagay na sinasabi nila tungkol sa kondisyon mo. Maputi ka, sobra in that matter. You look different. And it's true that you're not normal. Totoo naman ang lahat ng sinasabi nila. Kaya lang, sinasabi nila iyon sa masakit na paraan. They don't have the slightest intention to filter their words when it comes to people like you. But you have to get used to it, 'cause it's the nature of human. At hindi mababawasan ang mga taong katulad nila sa mundo.
"But you also need to remember that you were not born to please those kind of people. You do not need to force yourself to fit in when there's a place in this world that would accept you with their arms wide open. And it's us, your family. And him, Devyn."
I was lost for words. It felt like a slap directly hit my face, hard. Hindi ko maramdaman na nainsulto ako sa mga sinasabi niya. It sounded like an alarm for me to wake up and see the things that I never turned my eyes to look at.
"You will also be at fault for your own sufferings. Kasi hinahayaan mo na kontrolin ka at ang emosyon mo ng mga sinasabi nila. Nagpapatalo ka. Hinahayaan mong pasukin nila ang tiwala na dapat ay buo mong ibinibigay sa sarili mo." Napayuko ako nang hindi na kinya pa ang pagtama ng mga salita niya sa puso ko. "Hindi ka uusad kung palagi na lang nakatatak sa isip mo ang mga pinupuna nila tungkol sa'yo. You'll never grow. You'll never learn how to love yourself. And to accept yourself. Encouraging words are useless if the person is not willing to be encouraged. Help yourself."
Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Hindi naman ako masasaktan kung hindi ko hahayaan na masaktan ang sarili ko sa mga sinasabi nila. I've got control over my mind and emotions. It would hurt me if I won't let those words get into my system.
Masyado ko kasing nakasananayan na sarilinin ang mga nararamdaman ko. Sanay ako na tinatago ang sakit na nararanasan ko. Masyado kong sinanay ang sarili ko sa pagpapanggap na okay lang ako at hindi nasasaktan.
Kasalanan ko. I'm partly at fault why I am still like this. Siguro kung matapang lang ako. Only if I am brave enough to accept a helping hand. Kaso hindi, dahil alam ko na mas higit silang masasakta. I don't want to inflict more pain to the people who did nothing but to love me. Pero kung ako lang ba mag-isa ay makakaya ko?
"What you need to do is to accept, embrace, and love your flaws. Let yourself be encouraged, by us. Hindi masamang humingi ng tulong kung hindi mo na kaya. Marami kami na nandito para sa'yo. You must believe in yourself to the point that their opinion doesn't matter anymore. Love yourself, until there's so much love in you that you need to share it with your special someone. But above all that, pray to Him. Seek for His guidance and pray for your inner peace.
"You're already doing a great job, Audrey. Napatunayan mo na kaya mo, diba? With Charm and her squad. You've already stood for yourself. So why crumble down now?" Masuyo niya akong tinitigan sa mata. "Do not let the uncertainty of tomorrow ruin the things that you have today."
There was a long moment of silence after that. I'm trying to take all of his words in. Walang kahit na anong mali sa sinabi niya. Lahat tama. Pinaintindi niya sa akin ang mga bagay na hindi ko kailanman sinubukang inintindi.
Oo, palagi akong nagpapasalamat sa lahat ng efforts na ibinibigay nila sa akin. Pero kailanman ay hindi ko nakita ang value nila. This may sound wrong and unfair, but I never saw them the way that I should. Nakikita ko lang sila as a support system na palaging nandiyan para suportahan ako. Para protektahan ako mula sa mga sakit na kinakaharap ko.
Pero hindi sa lahat ng oras ay napapahalagahan ko sila. Dahil siguro nakasanayan ko na ang mga bagay na ipinapakita nila kaya nawalan na ng halaga. And I was drowning with so much self-pity and self-doubt that I never valued their presence and comfort.
I'm such a bad person.
"I know what you're thinking." Muli ko siyang tiningnan and I was greeted by his beautiful smile. "Hindi ka masama, okay? Mas lamang lang talaga ang mga sakit na nararanasan mo kaya hindi mo nagagawnag makita ang mga bagay sa paligid mo. And you don't want us to get hurt as much as we don't want you to suffer. I admit na nasasaktan talaga kami, lalo na ang mga magulang mo, sa tuwing may naririning kaming sinasabi ng tao mula sa'yo. But that's part of us loving you. We need to get used to it like how you need to."
NAKATINGIN LANG AKO sa kisame ng kuwarto ko. Kanina pa umalis si Kervin at dito agada ako dumiretso sa kwarto ko. Kailangan ko ng oras para mag-sink in lahat sa akin ng sinabi niya. Gusto kong maintindihan lahat ng punto ng bawat salitang narinig ko mula sa kaniya. And maybe after that, I'll be fine. I'll be able to do what he said, to accept and love myself.
Wala sa sariling bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa study table ko. Naglabas ako ng papel at panulat. Ilang minuto pa akong nakipagtitigan do'n bago kusang umangat ang kamay ko para kuhanin ang ball pen at magsimulang sumulat. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas bago ako huminto. At sa pagkagulat ko ay nakabuo ako ng piyesa.
Napabaling ako sa cellphone ko na nasa higaan nang tumunog ang ringtone ko, hudyat na may tumatawag. Agad na sumikdo ang puso ko at nawala sa pokus ang sistema ko nang makita ang pangalan ng taong isang linggong hindi nagparamdam sa akin.
"Hello?" sagot ko matapos ang ilang minutong pagpapakalma sa sarili.
"I'm outside," imporma niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Mabilis na pinutol ko ang linya. Basta na lang ako kumuha ng jacket mula sa closet ko at sinuot iyon at mabilis na lumabas.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan hanggang sa tuluyang makalabas ako ng gate. Naabutan ko siyang nakasandal sa hamba ng gate habang nakatingala sa madilim na kalangitan. At kahit sa mga segundo na ito ay hindi ko pa rin nakalimutan na papurihan ang kagwapuhan niya.
Tumayo siya ng tuwid at nakangiting humarap sa akin. Walang pagdadalawang isip na sinugod ko siya ng yakap na agad naman niyang ginantihan.
"Sorry," naiiyak na sabi ko.
Isang linggo lang kaming hindi nag-usap ng matino pero grabe na ang epekto sa akin.
"Okay ka na ba?" tanong niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
"I think so." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Even after everything, ako pa rin ang iniisip niya. Me being okay has always been his priority. "Sa tingin ko rin makakasali na ako sa contest."
Napangiti ako ng makita ko ang kinang sa mga mata niya. Kinulong niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya at inangat para mas matingnan ang mukha ko.
"For real?" Tumango ako. "That's wonderful, Bliss Audrey."
Malawak ang ngiti na tiningnan niya ako hanggang sa mauwi 'yon sa tawa bago ako kinabig at muli akong ikinulong sa mga bisig niya.
Sumubsob siya sa leeg ko habang mahigpti ang pagkakayakap sa akin. At sa ganoong tagpo ay nakaramdam ako ng kakuntentuhan at kapayapaan sa hindi ko malamang dahilan.
"I love you, mahal ko."
Napangiti ako sa narinig. Mahal din kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top