29: In Love
CHAPTER TWENTY-NINE
In Love
"Sure ka ba talaga? Okay lang naman kung hindi ka komportable. Marami pa namang next time. Puwede naman tayong umuwi kung gusto mo," sunud-sunod na lintanya ni Devyn na ilang beses ko nang narinig simula pa lang nang umalis kami sa bahay kanina.
Kahit nasa daan na kami ay patuloy pa rin siya sa pagtatanong sa akin na tinatawanan ko na lang at hindi na sinasagot dahil desidido naman na ako sa desisyon ko.
"Kulit mo ha?" natatawang tugon ko. Mas ibinaba ko ang ball cap na suot ko para mas matakpan ang mukha ko. "Hiling mo 'to kaya dapat tuparin ko."
Tiningnan ko ang tanawin sa harapan ko mula sa windshield ng sasakyan niya. Papunta pa lang sa parking marami na agad ang mga tao at pila rin ang mga sasakyan. Paano pa kaya kapag nakapasok na kami sa loob mismo? Kahit na huwebes pa lang ngayon ay dagsa na ang mga tao.
Hindi ko naman siya magawang tanggihan lalo na at puno ng excitement ang mga mata niya. too excited that he forgot about my condition. Kanina lang ata nag-sink in sa kaniya ang bagay na hiniling niya kaya hindi na siya matigil sa pag-aya sa akin na umuwi na lang.
Pero okay lang naman sa akin.Tsaka excited din naman ako dahil first time ko lang makakapunta sa ganitong lugar. It's one of my countless dreams, actually. Muntik pa nga kaming hindi matuloy dahil ayaw ng mga magulang ko na payagan ako. Mabuti na lang at nagawa ko silang kumbinsihin kaya napapayag ko rin sila bandang huli.
Alam ko naman na delikado sa akin na magbabad sa ilalim ng araw lalo na at sa isang amusement park ang destinasyon namin ngayon. Malamang sa malamang ay babad kami sa araw nito. Hindi ko naman papabayaan ang sarili ko. Alam ko naman kung ano ang mga bagay na makasasama sa akin at hindi ko rin naman gugustuhin na ipahamak ang sarili ko.
"Mag-sunblock ka na," utos niya.
Natatawang iwinagayway ko sa harap niya ang sunblock na hawak ko. "Opo."
"I'm serious."
"Seryoso rin naman ako." Tinawanan ko lang siya at sinimulan na ang paglalagay ng sunblock sa braso ko.
Binalingan niya ako matapos patayin ang makina ng sasakyan nang makapag-park na siya. May pag-aalala pa rin sa mukha niya. Hindi naman na ata nabura iyon simula nang umalis kami. Kulang na lang ay bawiin niya ang hiniling niya sa akin para lang maiuwi na ako sa bahay namin.
"Relax, Devyn." I gave him a warm smile to make him feel at ease. "Hindi naman ako bampira para masunog kapag naarawan. Yes, it's dangerous for me to stay under the sun for too long but it won't kill me."
Bumuntong hininga siya. "Why did I even ask for this?"
"Because you want to date me?" nakangising suhestiyon ko.
"Right." Bumuntong hininga na naman siya. "You're ready?"
Mabilis na tinapos ko ang paglalagay ng sunblock sa braso ko bago ibinaba ulit ang sleeves ng suot ko. As usual naka hoodie na naman ako na kulay basil green na pinarisan ko ng itim na fitted jeans. May suot din akong puting ball cup para proteksyon sa mukha at mata ko at sneakers bilang pansapin sa paa.
Si Devyn naman katulad pa rin ng nakasanayan ang porma. Manipis na putting t-shirt, maong na pantalon, at sneakers. Ang bago lang ay ang suot niya kulay itim na ball cap. Para daw naka-matching caps kami, his words not mine.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng shirt ni Devyn habang siya naman ay nakakbay sa akin. Mukha tuloy akong bata na takot mawala sa gitna ng dagat ng tao. Nasa bungad pa lang kasi kami kanina ay nararamdamn ko na ang tingin ng mga tao. Lalo na ngayon na nakapila kami para sumakay ng Viking. Lahat ata sa pila ay napapatingin sa akin. Ang iba ay nawiwirduhan habang ang ilan naman ay namamangha.
"Okay ka lang?" bulong ni Devyn sa mismong tainga ko.
"Okay lang." Tumango ako ngunit hindi pa rin siya mukhang kumbinsido.
"Sure?"
"Sure."
Totoong okay lang. Kahit kasi ramdam na ramdam ko ang tingin nila, hindi na katulad ng dati ang epekto sa akin. May pagkailang pa rin akong nararamdaman pero hindi na tulad noon na kakailangan ko pang itago ang sarili ko mula sa mga mapanuring tingin nila. Siguro dahil na rin sa sinasanay ko ang sarili ko sa paglabas kaya nabawasan na ang ilang na nararamdaman ko mula sa mga tingin ng ibang tao.
At hindi rin naman nila ako tinitingnan ng may pangungutya hindi tulad ng inaasahan ko. Noon kasi makita ko pa lang na tinitingnan nila ako iniisip ko na agad na kinukutya nila ako sa isip nila. Iilan siguro ay talagang nangungutya. Mas lamang nga lang ang nakikita kong pagtangap at pang-unawa na hindi ko nagawang makita noon.
Masyado akong naging bulag noon at tanging iniisip ko lang na katatawanan ako para sa mga tao. Alien. Ang nakatatak na sa akin noon na bawat tingin nila ay may masama na silang nasasabi. Because it was already tattooed in my mind that people will judge and make fun of me. Pero mali pala ako. I overlooked the fact that there are more people who doesn't judge, people who understands.
Just like this guy.
"Careful." Mula sa likod ay inalalayan niya ako na makaakyat. Agad naman siyang sumunod sa akin para magpatinuna sa paghahanap ng pwesto.
Parang gusto ko na lang umatras at magtatakbo pauwi nang makita ko na sa dulo siya pumwesto. Sa pagkakaalam ko ay mas nakakatakot sa parte na iyon.
"Come here," he said extending his hand to reach for me.
"Parang gusto ko na lang umuwi," mahinang sabi ko, kinakabahan, na tinawanan lang niya.
"I'm here. Kapit ka lang sa akin." Siya na mismo ang nagkawit ng kaliwang kamay ko, sa braso niya. While he took my right hand, na nasa side niya, and intertwined it with his.
Relax na relax lang siya nang magsimulang iduyan ang sinasakyan namin. Habang ako, ramdam ko na ang pamamawis ng kamay ko. Mas napahigpit ang kapit ko sa kaniya ng mas lumakas ang pagduyan no'n. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nagpakawala na ako ng matinis na sigaw.
"AHHHHHH! DEVYNNNN!"
Sa kabila ng takot ay nakuha ko pa siyang samaan ng tingin nang marinig ko ang pagbulinghit niya ng tawa. Hanggang sa matapos ang ride ay tili lang ako ng tili habang siya naman ay tawa lang ng tawa sa akin.
Pinalo ko siya sa braso niya pagkaalis na pagkaalis namin sa malaimpyernong lugar na iyon. "Tawa ka pa, sige." Inis na tiningnan ko siya.
"Ang cute mo," natatawang sabi niya matapos ay pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi ko sa pamamagitan ang pagkurot doon.
"Aww!" Mas lalo ko siya sinamaan ng tingin. Pakiramdam ko namumula na ang magkabilang pisngi ko. "Bitiw, mashakit."
Imbes na bitawan ang pisngi ko ay napalitan ang kurot niya ng malambing na paghaplos doon. Nanunuring tiningnan niya ang pisngi ko na paniguradong namumula na ngayon. At sa pagkagulat ko ay bigla na lang niyang hinalikan ang magkabila kong pisngi. At sa harap pa ng madaming tao!
"Devyn!" histerya ko.
Naeeskandalong inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi nga ako nagkamali nang maisip ko na maraming nakakita sa ginawa niya. Dahil halos lahat ng tao sa paligid namin, lalo na ang mahabang pila ng mga pasakay pa lang sa Viking ay nakatingin na sa amin ngayon.
"Ano na naman?" puno ng kapilyuhang tanong niya.
Napabalik ang tingin ko kay Devyn dahil sa natatawang boses niya. Ako lang ba ang apektado?
"Bakit mo ginawa 'yon?" mahing saway ko sa kaniya na sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinawanan lang niya.
"Ang cute mo kasi."
"Hindi ako cute."
"Right. You're beautiful."
"No, I'm not."
"Yes, you are."
"Devyn!" I said frustratingly.
"Alright, let's go," natatawang pagsuko niya.
Nagpaubaya na ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin sa kung saan. Nagpatiuna siya sa paglalakad patungo sa stall na nagtitinda ng churros na may katabing stall ng cotton candy na hinuhulma sa iba't ibang disenyo. May bear, may panda, at mayro'n ding bulaklak.
Napangiti ako nang maramdaman ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko. Nagbaba siya ng tingin sa akin at binigyan ako ng masuyong ngiti. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang kontrolin ang ngiti ko. Baka isipin pa ng mga tao na nababaliw na ako. Kay Devyn siguro, puwede pa.
Wait—what?!
"Masamang impluwensya ka sa akin," wala sa sariling sabi ko.
Naguguluhang nilingon naman niya ako, hindi maunawaan ang sinabi ko. "What?"
Napangiwi ako. Hindi naman kasi totoo na masamang impluwensya siya. In fact, he's the best influence in my life so far. "Kinakalaban ko na ang sarili kong utak dahil sa'yo."
Natigilan siya sa paglalakad kaya awtomatikong napatigil din ako sa paghakbang. Maya-maya pa ay sumily ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. "That's a good thing, isn't it?"
"Ewan," sagot ko na tinawanan lang niya. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti dahil sa magandang ngiti niya na nakakahawa.
Unti-unting nabura ang ngiti ko nang sa paglalakad namin ay hindi sinasadyang makarinig ako ng bulangan na nagmumula sa tatlong dalagita na nakaupo sa isang bench. Pasimpleng tiningnan ko sila para kumpirmahin na sa amin sila nakatingin, at hindi ako nagkamali.
"Ang gwapo no'ng guy. Parang model," kinikilig na sabi ng isa sa kanila.
"I agree, bes. Kaso look at the girl."
"True. Sayang lang 'yong guy."
I took a deep breath to calm myself. Hindi ko puwedeng hayaan ang sarili ko na maapektuhan na naman sa mga sinasabi nila. Dapat enjoy lang. Enjoy.
Mula sa pagkakahawak sa kamay ko, nalipat ang kamay ni Devyn sa baywang ko. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya na halos wala ng distansya sa pagitan naming dalawa. I felt his head descending towards the direction of the top of my head. And he kissed me there.
"Don't mind them," he murmured with his lips still on my head. "I don't give any care about what they say, alright? This day should just be for the two of us."
Tango lang ang naisagot ko sa kaniya. Hanggang sa marating namin ang stall ng nagtitinda ng churros ay hindi na niya inalis pa ang kamay niya sa baywang ko. Ipinaubaya ko na sa kaniya ang pag order dahil wala na roon ang atensyon ko. Unconsciously, natagpuan ko na lang ang sarili ko na ibinababa ang sombrero na suot ko para mas maitago ang mukha ko.
"Stop," seryosong sabi niya.
I did stop. "Sorry," nakayukong sabi ko.
Lumapit siya sa akin at masuyong inangat ang mukha ko para magawa niyang maipagpantay sa kaniya. He gave me a genuine smile while his thumb is caressing both of my cheeks as he stare intently at my eye. "Huwag mong itatago ang sarili mo. Hayaan mo akong maipagmayabang ka sa mata ng mga tao."
I feel like I am ruining the mood, and it feels awful. Hindi na siya kumibo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa 'yon. I just felt the need to do it, and it happened naturally. Nakasanayan ko na kasi ang pagtatago ng mukha sa tuwing makakarinig ng mga hindi magagandang salita patungkol sa akin. Kaya kahit wala sa isip ko ay kusang kumikilos ang katawan ko para itago ang sarili ko.
Iginaya ako ni Devyn paupo sa malapit na bench matapos makuha ang order niya para sa aming dalawa. Sinimulan na niyang kumain habang ako naman ay patingin-tingin lang sa paligid ko.
"What do you want to ride next?" tanong niya, ang mga mata ay nakapako sa roller coaster na kasalukuyang umaandar para hiluhin ang mga nakasakay doon.
"Ikaw?" tanong ko sa kabila nang namumuing ideya sa gusto niyang susunod na sakyan.
"That."
Napalunok ako nang balingan ko siya at naroon pa rin nakapako ang mga mata niya. Rollercoaster. Alanganing nilingon ko si Devyn. "Is that ride scary?"
"Nope," he answered popping the 'p.'
"Liar," napapngusong sabi ko.
Natatawang inakbayan niya ako. "I'll hold you're hand the whole ride so there's no need for you to be afraid, Bliss Audrey."
Hindi ko na nagawang magkomento. Napakagat ako ng malaki sa churros sa kaba na nabuhay sa akin. Inalis ko na rin ang tingin ko sa rollercoaster dahil baka mag desisyon na lang ako na biglang umalis at iwan si Devyn dito.
Sa pagbaling ko ng tingin ko sa kabilang direksyon ay muli ko na namang namataan ang mga babaeng kanina ay pinagbubulungan ang lalaking kasama ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humihiwalay ang tingin nila sa amin. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ng isa sa kanila matapos magsalubong ang aming mga mata.
Mabilis na nagbawi ako ng tingin. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. I shouldn't let things like this ruin this day. Pilit na isiniksik ko sa pinakalikod na bahagi ng utak ko ang mga salita na narinig ko sa kanila. Maging ang mga mapanuring tingin na ipinukol nila sa akin ay pilit na isinantabi ko na rin. It wouldn't do me any good kung patuloy ko lang na iisipin.
"Shall we?" nakangiting tanong ni Devyn habang nakalahad ang isang kamay sa harapan ko.
took a deep breath, for two reasons. First, because I am trying to give myself some peace, burying at the back of my mind what happened earlier. Second, to calm myself because we are about to ride a freaking rollercoaster!
"I got you, okay?" Masuyong nginitian niya akong muli habang hinihintay na abutin ko ang kamay niya na nakalahad sa harapan ko.
I smiled a bit and finally took his hand. Mahigpit na kumapit lang ako sa kamay niya habang binabagtas namin ang daan patungo sa direksyon ng rollercoaster. Mas mahaba ang pila kung ikukumpara sa Viking. Karamihan sa mga nakapila ay mga kaedaran lang naming ni Devyn. Young people really love adventures.
"Just hold my hand, okay?" Devyn said and I nodded my head as a response.
Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang libre niyang kamay. He leaned closer and I automatically closed my eyes when his lips descended on my forehead.
As if on cue, nakaramdam na naman ako ng maligalig na pagtibok ng puso ko. My heart is erratically, again, for this guy who never failed to make me feel important and loved. And I am afraid that Devyn might hear it. But I didn't dare make a move to distance myself to him. Instead, I just stay stilled and savor the moment with him.
Saktong paglayo niya sa akin ay ang pag-andar ng sinasakyan namin. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya na para bang sa paraan na iyon ay mawawala ang takot ko at magkakaroon ako ng tapang.
"Hindi naman siguro tayo mahuhulog dito, diba?" kinakabahang tanong ko.
"Safe naman dito. At isa pa..." he said letting the rest of his words hang in the air for a bit.
Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. "Ano?"
He let out the remaining words the same time that the ride dropped us. Mariing napapikit ako kasabay nang pagpapakawala ng isang matinis na tili. No, hindi lang dahil sa kaba kundi maging dahil din sa kilig. Those words.
Gamit na gamit na ang mga salitang binitiwan niya kung tutuusin. Kahit sa mga pilikula at nobela ay ilang beses na ring nagamit ang mga salitang 'yon. Pero iba pa rin pala kapag ikaw ang pinaglaanan ng mga salitang 'yon. It will make you feel loved and special.
"Hindi kita hahayaang mahulog kung wala ako. Or maybe just let yourself fall. Fall for me."
"THIS IS SUPPOSEDLY the most romantic part, right?" tanong ni Devyn habang ang paningin ay nasa labas.
I smiled upon hearing his words. Ako rin kasi 'yon ang iniisip. Well, base pa din sa mga napapanood at nababasa ko. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong klase ng kaganapan. Ano bang alam ko sa pakikipag-date, e, wala nga akong social life.
Inabot na kami ng gabi rito na ang paulit-ulit na ginawa lang naman ay ang sumakay ng mga rides at kumain pagkatapos. Nasakyan na namin ang halos lahat ng rides, maging ang horror house ay pinatos na rin namin. Our first public date is almost a success. Almost, kasi may isang ride pa kami na sasakyan bago tuluyang matapos ang gabi na ito para sa aming dalawa.
Ferris wheel.
"Sabi sa mga nobela at mga palabas na nabasa at napanood ko, romantic daw kapag sumakay diyan," komento ko habang ang mga mata ay nakapako sa maliwanag na ferris wheel na kasalukyang umiikot ngayon.
"Malalaman natin kapag nasa loob na tayo." Hindi na niya ako hinayaan na magsalita pa. Kinuha niyang muli ang kamay ko at hinila.
Tahimik na nakasunod lang naman ako sa kaniya habang may tipid na ngii sa mga labi habang pinagmamasdan ang likod niya.
Hindi talaga ako makapaniwala na aabot kami sa ganitong tagpo na lalabas kaming dalawa at haharap sa publiko. At sa isang mataong lugar pa. He used to be the quiet type of guy. 'Yong tipo ng tao na palaging malaman ang bawat binibitiwang mga salita. But he has changed. In a good way, I guess. He became alive.
"Careful." Mas lalong napangiti ako sa narinig.
Hindi lang iisang beses na narinig ko ang salitang 'yon sa kaniya sa buong araw na magkasama kaming dalawa. Kahit sa simpleng pag-upo lang sa bench ay kailangan aalalayan niya pa rin ako na para bang hindi ko kayang gawin ang mga bagay na 'yon ng mag-isa. Sweet.
"This is beautiful..." I said in awe when we started to move upwards.
"Definitely," he agreed in a small voice.
Napatingin ako sa kaniya. And unlike me, he is not looking at the view like how I expected him to be. He is looking directly at my face, staring at it like it's the most beautiful painting that was painted by a greatest painter in the whole wide universe.
Matipid na ngumiti lang ako sa kaniya bago muling ibinaling ang paningin sa mailaw na amusement park. At dahil malaki ang ferris wheel, ay mas nagmumukhang maliit na bumbilya sa paningin ko ang mga ilaw sa bawat pag-angat ng sinasakyan namin.
Umangat ang tingin ko sa mga bituin na nakakalat sa madillim na kalangitan na mas pinatitingkad pa ng malalim na asul na kulay ng langit. I smiled, again. Parang abo't kamay ko na sila kahit na hindi naman talaga. They look close to my eyes but, blurry. Perhaps, because of my poor eyesight. Pero hindi naging kabawasan iyon sa ganda ng makikinang na bituin.
"Beautiful, isn't?" Tumango ako dahil alam kong ang tinitingnan ko na ang tinitingnan niya ngayon. "I am glad that I took you here."
Marahang umiling ako. "No. I am the one who should be thankful." I took his hand and caged it using both of my hands as I look at him. "Thank you, Devyn," I said full of sincerity.
Sinalubong niya ang tingin ko nang magtaas ako ng tingin para tingnan siya. "I love you."
Isang ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. I looked at the view outside, again. Tama nga ang mga nababasa at napapanood ko. A ferris wheel ride with your special someone is indeed romantic. But at the same time, it would also make you feel sentimental. At least, for me.
Para kasing bigla na lang nag-flash sa utak ko ang mga nangyari sa buong araw na magkasama kami. How he guided me the whole time. How he cared. How he shielded me from everything that could possibly hurt me physically and emotionally. How he made me feel loved all the time. How he proudly showed me to the public, disregarding what other people would say. Everything flashed like a rewind up until this very moment of us.
Napangiti ako ng mapait nang maalala ang sinabi niya. I am afraid to say "thank you" kahit na iyon talaga ang gusto kong sabihin. It might be offending for him. At parang napaka-insensitive naman kung iyon ang isasagot ko. It wouldn't come out right and I might hurt him on the process.
Yes, I do love him, too. But I know that it wouldn't sound right kung sasabihin ko sa kaniya ang mga salitang iyon kung hindi pa ako buo. Kung hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko. Love is a very, very, complicated thing for me. Ignorante ako sa maraming bagay na may kinalaman sa pagmamahal. I don't exactly know what love means for me.
"Can I ask you a question, Bliss Audrey?" mahina at maingat na tanong niya. Ang boses ay sapat lang ang lakas para umabot sa paningin ko.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong sinalakay ng kaba sa tanong niya. Nagaalangan na nilingon ko siya. Determinasyon ang una kong nabasa sa mga mata niya, kasunod ng takot at pagmamahal. Hindi naman siguro.
"W-what is it?" kinakabahang tanong ko pabalik.
Huminga muna siya ng malalim na para bang pinapatatag niya ang sarili niya sa gano'ng paraan. And the moment that I met his eyes, I knew. I knew that what I had in mind was right.
"Can you be my girlfriend?" he finally asked.
Bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Inaasahan ko na na ito ang sasabihin niya. Pero iba pa rin pala talaga kapag sa bibig na niya mismo nanggaling. Ramdam na ramdam ko ang gulat at kaba habang nakatingin sa umaasa niyang mga mata.
Napako ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko magawang makapagsalita kahit na iyon ang gusto at dapat kong gawin. Alam ko ang sagot sa tanong niya ngunit parang kinuha ang aking kakayahan na isatinig 'yon. Lalo na at nakikita ko kung paanong umaasa siya na magiging positibo ang sagot ko.
"I know that it might be too early for me to ask you this. But I love you. That's all I know." Kababakasan ng kaba ang mukha niya dahil na rin sa maliliit na butil ng pawis na namuo sa noo niya. Mahihimigan din ang takot ang boses niya.
"Devyn..." isang salita na tanging naibigkas ko.
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay namin na magkahawak pa din hanggang ngayon. Our hands looked like they were made to hold each other. They fit as if they were created and were bound to one another. Pero sa hindi malamang dahilan ay sabay na unti-unting lumuluwag ang kapit naming dalawa. Hanggang sa tuluyan na kaming napabitaw sa kamay ng isa't-isa.
Mapait na napangiti ako. Alam ko na hindi pa ito ang tamang oras para sa aming dalawa. Pero bakit masakit? Bakit parang pinipilipit ang puso ko ngayong ito naman ang tamang gawin?
"Hindi mo ba ako mahal?" malungkot na tanong niya.
Muling umangat ang tingin ko sa kaniya. Ngunit sa pagkakataon na ito ay siya naman ang malayo ang tingin sa akin. Nakatingin lang siya sa labas ngunit walang kasiguraduhan kung may tinatanaw bang talaga.
"I... I ah..." Pabuntong hininga na tumingin ako sa labas sa kawalan ng sasabihin. Ang malinaw lang sa akin ay ang katotohanan na hindi pa ako handa. Na hindi ako sigurado kung magiging handa ba ako para sa hinaharap.
It's scaring me. This whole thing. Nakakaduwag pala talaga ang pag-ibig. Naiintindihan ko na si Ken noon nang sabihin niya na duwag siya pagdating sa pag-ibig. Magkaiba man kami ng dahilan, pareho naman kami ng nararamdaman na kaduwagan.
Napapikit ako ng mariin nang muling manumbalik sa akin ang nangyari kanina. Maging ang mga kaganapan noong unang beses niya akong inilabas. Ganito na lang ba palagi?
"Am I worthy to be kept?" wala sa sariling tanong ko. Isang tanong na matagal nang naglulumikot sa isip ko. "Hindi lang ako ang nag-iisang babae sa mundo, Devyn. You'll meet countless of women who's more worthy to be flaunt on public places. And you won't even hear a thing from other people." Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko nang bitawan ang mga salitang 'yon. "Leave now habang maaga pa. Do not obligate yourself to be with me dahil lang sa mahal mo ako. You'll learn to love someone other than me."
I thought this part is supposedly the most romantic part. Bakit parang hindi sa sitwasyon naming dalawa?
Madalas na hindi ko kayang intindihin ang sarili ko. One moment ay okay lang ako. Na nababablewala ko ang mga nakikita at naririnig ko. But the next moment, I'll found myself drowning with self-pity and self-doubt again and again. Paulit-ulit na lang to the point na maging ako ay nagsasawa na.
Ngunit hindi ko kontrolado ang emosyon ko sa tuwing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Pilitin ko man ang sarili ko na magbingi-bingihan. Paniwalain ko man ang sarili ko na okay lang at hindi ako nasasaktan. At the end of the day, nandoon pa rin sa utak ko ang mga memorya ng mga nangyari. Parang sirang plaka na magpapaulit-ulit pa rin sa utak ko.
"Kung susukuan lang din naman pala kita, bakit pa ako nagsimula?" Napatingin ako sa kaniya. Nakatanaw pa rin siya sa labas na animo nandoon ang sagot sa lahat ng mga sinabi ko. "Bakit pa ako magsasayang ng oras sa panliligaw sa'yo kung maghahanap lang naman ako ng ibang babae na puwedeng mahalin?"
Dahan-dahan siyang lumingon hanggang sa nagsalubong na ang mga mata naming dalawa. At doon, sa mga mata niya, nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa bagay na ito. At kung gaano niya ako kamahal.
"This isn't the first time that we argue about this," he said with so much frustration. "Kung tutuusin puwede kong piliin na lang na mapagod at talikuran ka. Puwede kong piliin na pakinggan ka sa bawat pagtulak mo sa akin sa iba. Pero alam mo kung bakit hindi ko pinili ang isang choice na kung tutuusin ay mas pabor sa akin? Kung bakit mas pinili ko na manatili sa tabi mo kahit na minsan ay nasasaktan mo ako ng hindi mo nalalaman?" Marahang umiling ako kasabay nang masuyong paghaplos niya sa pisngi ko. "Dahil mahal kita."
Mabilis na pinaligiran ng luha ang mga mata ko. They way he said those words... it felt like an assurance that everything will be alright. For his love for me is the only thing that matters to him.
Animo hinaplos ng mainit na palad ang puso ko sa narinig. Puno ng pagmamahal na pinagmasdan niya ang bawat anggulo ng mukha ko habang marahan na tinutuyo ang mga luha kong tuluyan nang bumagsak mula sa mga mata ko.
"You don't have to answer now. Kung hindi ka pa handa. Kung nabigla kita sa pagtanong ko sa iyo ng tungkol dito. Maghihintay ako, Bliss Audrey. Hanggang sa handa ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top