27: Medicore

CHAPTER TWENTY-SEVEN
Medicore

Nakasimangot na pinanonood ko lang si Devyn sa mini celebration niya matapos ang halos apat oras na review na ginawa ko kasama siya.

Kanina pa talaga hindi mapatid ang pagngiti niya. Kung hindi ko lang siya kilala ay malamang sa malamang na napagkamalan ko na siyang baliw. Kasalukuyan niyang nilalantakan ang ice cream na nakita ko sa ref kanina. Actually, halos siya na nag umubos no'n dahil isang baso pa lang ang nakukuha ko na hindi ko pa nauubos habang siya ay nakakalahati na yung buong container. Gano'n kasaya?

"Para ka ng baliw," komento ko. Ngumiwi lang ako ng hindi man lang natinag ang ekspresyon niya. "Just make sure na walang halong kalokohan ang mga hihilingin mo, Devyn. Sinasabi ko talaga sa'yo."

"I know. I wouldn't harm you. Relax ka lang diyan at hayaan mo akong mag-isip ng mga puwede kong hilingin sa'yo," puno pa rin ng saya na wika niya.

Napapailing na nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Gusto ko na talaga na matakot sa mga hiling na hihilingin niya. Sa paraan kasi ng ngiti na nakapaskil sa mukha niya ay parang may kalokohan siya na naiisip. Pero tiwala naman ako sa kaniya na hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak ko.

"Diba same day lang ang exam natin?" tanong ko.

"Yes, since departmentalized ang exam for major subjects. Though mauuna akong matapos dahil mas maaga ang exams ng upper year."

Tumango-tango ako. "Samahan mo ako."

"Sure. Where?"

"Sa kanila Kervin. We'll take care of Maxim while he buried himself in studying." Tumango siya bilang pagsang-ayon.

Palagi kasing gano'n ang nangyayari every time na exam slash hell week namin. Since magkaiba naman ang dates ng exam namin dahil magkaiba kami ng college ay ako muna ang sumasalo sa pag-aalaga kay Maxim para makapag-aral siya

Palagi kasing one week ahead ang schedule ng exam ko kaysa sa exam nila Kervin. For sure naman kasi na hindi niya magagwang makapag-aral ng matino knowing na may anak siyang kailangang alagaan. Minsan kasi kapag nakasumpong si Maxim ay si Kervin lang ang kayang makapagpatigil sa kaniya sa kakaiyak.

So, to give him time to study, I always make sure na kapag tapos na ang exam ko ay ako muna ang bahala kay Maxim. Because for some unknown reason, I became Maxim's favorite person next to his Dad. Kaya kahit dalhin ko siya sa bahay namin ay hindi siya magwawala o iiyak.

"Don't review too hard. Rest when you can," paalala ni Devyn habang naglalakad kami palabas ng gate.

It's already nine in the evening. Dito na rin siya naghapunan which made me feel less lonely than what I usually feel every time that my parents are not around. Hindi naman kasi maiiwasan na ako at ang mga kasama lang namin dito sa bahay ang nasa hapag kainan.

Oo nga at may kasama ako pero iba pa din kapag sila Mom and Dad. But I am fine with it though. Minsan lang talaga nakakaramdam ako ng lunkot.

"Ikaw din. Thanks for helping me on my acads, Devyn," sinserong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Ngumiti siya habang ang kapikyuhan ay mababakas sa mga mata. "Thank you for giving me five wishes, Bliss Audrey." Sinimangutan ko siya. Feeling ko ilang araw pa ang lilipas bago tuluyang humupa ang tuwa niya.

Agad na nabuha ang pagtataka sa akin nang paglabas namin ng bahay ako walang sasakyang ang bumungad sa amin. Ang natatandaan ko ay nandito ang sasakyan niya kanina dahil nga hinatid niya ako pauwi. How come na ni anino ng saskayan niya ay hindi ko makita?

"Where's your car?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"I parked it at my house," simpleng sagot niya.

Nangunot ang noo ko sa pagtataka. "Your house?"

Binigyan niya ako nang makahulugang tingin at maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Imposible naman kasi na hindi siya dito nakatira kung gano'n kabilis na nawala ang sasakyan niya. It only means na dito rin siya nakatira. He also lives in this exclusive and expensive subdivision. That explains the things confused me before. Kaya pala hindi siya hinaharang sa guard house despite the security protocols that they should be implementing. Kaya pala parang alam na alam niya ang pasikot-sikot sa buong subdivision na kahit ako ay hindi alam.

Ang akala ko kasi dati ay may access lang siya dahil nga sa nakatira siya sa bahay ni Kervin. Pero dahil pala dito rin siya nakatira. I thought that it was shocking enough only to find out a more shocking news from him. Kung posible pa na may ilaki pa ang mga mata ko ay paniguradong sagad na sagad na iyon ngayon na sinusundan ko ng tingin ang bahay na tinitingnan niya.

Ang bahay na nasa tabi lang mismo ng bahay namin. The one that was under construction and was newly bought by someone. Holy freaking veggies! We're neighbors!




AAKALAIN MO NA may galit kami sa isa't-isa ni Veda, wala kasing nagsasalita sa aming dalawa. Nakasubsob lang ako sa upuan ko habang si Veda naman ay nakasandal sa kinauupuan niya habang nakatingala. Sa totoo lang, hindi lalampas sa sampo ang katulad namin ng reaksiyon, and that includes Mason and some of our classmates who I never thought would take this seriously.

Ang grupo kasi nila Mason 'yong tipo ng mga estudyante na chill lang at hindi nakakaramdam ng stress sa pag-aaral. But tingnan mo nga naman, mukha na silang maiihi sa kaba. They surely take this kind of matter seriously. 'Yong kasi iba naming classmates ay chill na chill lang na parang walang major exam na nakaabang.

Hindi ako sigurado kung kami ba ang may mali o sila. Kung tatanungin kasi ako ay parang normal lang naman ang reaksyon namin lalo na at term exam ang kailangan naming i-take ngayon. This is not just a quiz nor long exam. Dito nakasalaly ang kalahati ng grade namin sa buong sem but most of my blockmates don't look bothered at all.

"Do you think they'll do it again?" pikit-matang tanong ni Veda. Mahina ang pagkakasabi niya para kaming dalawa lang ang magkarinigan.

One seat apart naman kasi kaming lahat at nasa pinakalikod kami kaya hindi kami masyadong pansin ng mga tao. Nasa kanan ko siya habang pinto na ang nasa kaliwang bahagi ko.

"Hindi ko rin alam. Quiz lang naman noong nakita natin sila. Maybe they'll not since term exam naman ito," kibit-balikat na sabi ko. Tumango siya though alam naming pareho na hindi kami kumbinsido sa sinabi ko.

"Goodluck, Bliss." Ngumiti siya habang ang kamay ay nilalaro ang ballpen na hawak.

"Goodluck, Veda."

The exam began soon after the proctor arrived. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na alamin ang lagay ni Veda dahil itinutok ko na ang atensyon ko sa sarili kong questionnaire at answer sheet. I tried not to look at my surroundings, afraid that I might see things that do not suit my likings.

Mabilis ko lang na natapos ang exam, kailangan ko lang i-double check kung may nakaligtaan akong sagutan. Devyn's review technique is a great help, I must say. Napapangiti na nga lang ako minsan dahil sigurado ako sa mga isinasagot ko, hopefully.

"Chelsea." Nilingon ko si Veda nang magsalita siya.

Katulad ko ay tapos na rin siya at double check na lang sa papel niya ang ginagawa niya. Pasimpleng nilingon ko ang taong tinutukoy niya. And Veda is right, Chelsea is doing it again. Well, not just her. Pero nagdesisyon ako na hayaan na lang.

Nagpasa na ako ng papel kasunod si Veda. She disappointingly looked at Chelsea's seat. Parehas lang kami ng iniisip. Chelsea is one of the students na hinahangaan ng marami kasi maganda na, matalino pa. But they just failed to see what Veda and I saw. It's really just disappointing.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa maoadpad kami sa taoat ng building namin kung saan maraming bench na nakakalat para may maupuan ang mga estudyante.

"Sa tingin mo gagawin niya pa rin for the next sub?" tanong ko kay Veda.

Sumandal siya sa bech na inuupuan namin. May thirty minutes pa kami bago ang next exam. "I don't want to judge but most probably, yes. Wala naman atang takot iyon."

"Disappointing lang talaga since people look up to her 'cause she's beauty and brains," nanghihinayang na sabi ko. "Totoo naman na matalino siya, magaling siya sa recitation, she's fluent in English, she's good at presentation. Pero alam mo 'yon? Bakit kailangan niya pang gawin? Though I know I should not concern myself about her, I just can't help it."

"Gusto mo isumbong ko na?" natawa ako.

"Hindi ba parang ang childish naman? Though talagang mali naman," naguguluhang sagot ko.

"Just because we're in college now, doesn't mean that it's okay to do things that are never okay to do." Tumingala siya at tinanaw ang naglalakihang letra ng bawat unang letra ng kolehiyo namin. "Dapat nga ay tayo pa ang mas higit na naiintindihan iyon since we're old enough."

Hindi na ako nakapagkomento pa. Pinalipas na lang namin ang oras sa pag-uusap ng kahit na akong puwedeng pag-usapan. When the exam for the next subject came, doon ulit kami naupo ni Veda sa pwesto namin kanina. This is our last exam for the day. Bukas naman ay para sa mga natitirang major subjects namin.

Akala ko ay matitigil na sa nakita ko kanina ang ginawa ni Chelsea pero mali ako. But this time, hindi na lang siya ang nag-iisa. Maging si Robert at Amy ay may sarili na ring taktika na ginagamit. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi sila pansinin at ituon na lang ang buong atensyon ko sa sinasagutang papel.

Napabuntong hininga na lang kami ni Veda habang tinitingnan si Chelsea na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya na akala mo ay wala siyang ginawang mali habang nasa exam. But it didn't end there dahil kinabukasan ay parehong tagpo ang sumalubong sa amin.

Si Chelsea ay may cellphone na nakapasok sa loob ng maiksinh pencil cut skirt niya at inilalabas aa tuwing may titingnan. Tinatakpan niya iyon gamit ang questionnaire. Si Robert naman ay nakaipit sa mismong page ng questionnaire ang kapiraso ng papel na tinitingnan niya. Si Amy ay gamit naman ang panyo sa pagtakip ng kapiraso ng papel na nakita ko kay Robert.

I don't want to assume things but it's just too obvious. Kahit sino ay alam ang ginagawa nila. Hindi lang sila. May ilan pa akong nakikita na kapareho lang nila ang ginagawa. Some are good enough na aakalain mong walang ginagawa pero mula sa pwesto namin ay kitang-kita. They are cheating. Nangongodigo sila.

Hindi ako sigurado kung paano nangyari. Kung saan nila nakuha ang sagot. But I am sure na may leakage na naganap kaya may kopya sila ng sagot.

"I can't take this." Huli na para mapigilan ko si Veda. Tumayo siya dala ang questionnaire at tinungo ang medyo bata na proctor namin ngayon. Umakto siyang may tinuturo sa questionnaire na aakalain mong nagtatanong nga talaga siya. Pero nasundan ko ang bawat bukas ng bibig niya kaya nagawa kong basahin ang sinabi niya.

"Most people in front are cheating po. May kodigo po sila."

"Thank you po," pasasalamat ni Veda sa proctor.

"Thank you rin," the proctor replied.

Nginitian lang ako ni Veda pagkaupo niya. Pinilit ko ang sarili ko na mag-focus na lang sa sarili kong papel which is not hard to do since medyo hirap ako sa subject. Saktong natappos ang oras ng exam ay natapos na rin ako. Sabay na nagpasa kami ni Veda ng papel namin sa proctor.

Napansin ko na hindi pinagsasama ng proctor ang papel ng mga nagpapasa. Mayroong kakaunti sa kaliwa habang mas maraming papel naman ang nasa kanan. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay alam ko na kung bakit magkakahiwalay ang mga iyon.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ng proctor?" mahinang tanong ko kay Veda.

"Hindi rin ako sigurado. It's up to her kung may gusto siyang gawin o wala. Basta ako sinabi ko lang ang mali na nakita ko," kibith-balikat na sagot niya.

"Didn't expect that you'll pull that stunt though."

"Beat me." She sighed. "Ilang beses na nating nakikita, mali na magbulag-bulagan."

Hindi na ako nakipag-argumento pa sa kaniya. Tahimik na tinahak namin ang maingay na hallway na punong-puno ng mga maiingay na estudyante. Karamihan na naririnig kong pinag-uusapan ay ang kaibahan nila ng sagot sa mga tanong. What's the point of making a fuss about it? Hindi mo naman na pwedeng bawiin ang papel mo para palitan ang sagot.

"Mauna na ako. Nandiyan na rin naman ang sundo mo," nakangising paalam niya.

Mabilis na tiningnan ko ang tinutukoy niya. Si Devyn na nakasandal sa sasakyan niya habang humihithit ng sigarilyo. Agad na umakyat ang inis sa ulo ko sa nakikitang ginagawa niya.

"Ingat ka." Kumaway pa ako kay Veda bago siya tuluyang makasakay sa sasakyan niya.

Tahimik na naglakad ako patungo sa direksyon ni Devyn. Hindi niya ako kita mula sa pwesto niya dahil nakatagilid siya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. As much as I want to ask him to stop smoking, I couldn't get myself do it.

Ayaw ko naman na obligahin siya sa mga bagay na hindi naman niya responsibilidad dahil lang sa nanliligaw siya sa akin. If smoking is part of his life, then so be it. Mahirap lang sa part ko na gustuhin ang mga bagay na ginagawa niya lalo na at ayaw ko ng bagay na iyon.

Mabilis na pinatay niya ang sigarilyo niya nang makalapit ako sa direksyon niya. Katulad ng unang beses ko siyang makita na naninigarilyo ay pinanatili ko ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Bliss Audrey," he said with a hint of nervousness in his voice.

"Bakit parang kinakabahan ka?" ngiwi ko.

"I'll just change my clothes." Hindi na ako nakasagot pa nang basta na lang siyang pumasok sa backseat ng sasakyan niya at paniguradong doon nagbihis.

Palagi naman kasi siyang may dalang spare clothes sa sasakyan niya. Pawisin kasi siyang tao kaya madalas siyang magpalit ng damit.

"Tara?" anyaya niya nang makabalik muli sa harapan ko.

Tumango lang ako bilang sagot. Hanggang sa umandar ang sasakyan ay hindi ko na nagawang magsalita pa. Kahit siya ay hindi nagsaalita. Naging tahimik lang ang buong biyahe hanggang sa marating namin ang bahay.

Nasa akto na ako nang pagbaba ng sasakyan pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong pinapaharap sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Okay lang."

"Sure?" Muli ay tinanguhan ko siya.

Bumuntong hininga siya habang masuyong tinitingnan ang mukha ko. Wala siyang sinabi, basta lang nakapako ang paningin niya sa akin.

His hands went up to my face, gently caressing it using his thumb. Nakatingin lang din ako sa kaniya, hinihintay na magsalita siya.

"I'll quit smoking," seryoso ang mga mata na pahayag niya.

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. I didn't say anything about it. Pero siya na ang nagkukusa bago pa man ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

I am happy hearing his decision, but I also feel bad at the same time. Hindi ko naman kasi gusto na tigilan niya. Ang sa akin lang ay ayaw ko dahil alam kong wala namang mabuting maidudulot sa kaniya. I knew nothing about his smoking history. Hindi ko alam kung gaano kadalas siyang manigarilyo, kung sunog baga ba siya o ano.

"You don't have to, Devyn," tutol ko matapos ay pinagkunutan ko siya ng noo.

"Alam ko naman na ayaw mo. Hindi mo lang masabi." Masuyo niya akong nginitian.

Bumubtong hininga ako. "Okay lang naman I understand that it's something that you've been doing for a long time, not that I'm sure about it. Just don't do it when I am around. Mag-aalala at mag-aalala ako."

May dumaang tuwa sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nangingiting hinila niya ako papalapit sa kaniya para yakapin ng mahigpit. I buried myself on his hard chest as he rests his chin above my head.

Kahit na may natitira pa ring amoy ng sigarilyo sa kaniya ay hinayaan ko na lang. Gumanti ako ng yakap. I contented myself being caged by his embrace, feeling the warmth of his body.

"I'll stop."

"Devyn-" Naputol ang sasabihin ko nang hagkan niya ako sa noo.

"I'll quit smoking if it makes you worry about my condition. I love you and I don't want to stress you out about it."

I wasn't able to utter a single word. Bakit ba palagi niyang inuuna ang mga kagustuhan ko kaysa sa kaniya? Bakit ba hindi siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaimportante para sa kaniya?

Wala na ata akong ginawa buong buhay ko kung hindi ang kwestiyonin ang importansya ko. Buong buhay ko hanggang pangarap at panaginip ko lang ang mga nararanasan ko ngayon. Hindi na nga ata talaga tuluyang papasok sa sistema ko ang katotohanan na ibinigay Niya si Devyn sa akin. Na may isang Devyn na handing tanggapin ako at mas uunahin ako kaysa sa iba pang bagay.

Sometimes it scares me. What if panaginip lang pala? What if everything was just an illusion created by my mind? Paano kung bukas makalawa magising na lang ako na hindi pala talaga totoo? Nakakatakot. Nakakatakot na bumalik na naman sa reyalidad kung saan walang sinumang kayang mahalin ang isang tulad ko.

But Devyn always seems to find away to erase those what ifs circulating in my mind. Kilos pa lang niya. Mga salita pa lang niya. Sapat na para unti-unting mabura ang takot sa puso ko. It has always been his talent. Erasing my fears and doubt. Making me feel like I am a woman deserving to be valued and loved.

"Why do you always do things tgat would go in my favor, Devyn?" pabulong na tanong ko.

"Because why not? You deserve all the good things in life, Bliss Audrey." He planted another kiss on the top of my heas. "And I don't settle for a mediocre love when it comes to the woman that I love. I go all out."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top