26: Special
CHAPTER TWENTY-SIX
Special
"Babe, check this out!" Excited na hinila ako ni Kervin papunta sa announcement board ng buong university.
Awtomatikong nahila rin si Devyn sa ginawang paghila sa akin ni Kervin dahil hawak niya ang kamay ko. Napasimangot lang ako nang tuluyang makita ang gustong ipakita sa akin ni Kervin. Announcement 'yon para sa upcoming spoken word poetry contest na pakulo ng university.
Malawak ang pagkakangiti nilang dalawa na humarap sa akin habang hawak ang maliit na card para sa details ng mga gustong sumali sa patimpalak. Ilang beses na umiling ako sa kanilang dalawa. Hindi naman sila nagpatinag at hinila ako paupo sa isang bench na nasa labas ng reception area na napapayungan ng malalagong puno ng mangha kaya hindi tumatagos ng sikat ng araw.
Reception area ang unang bubungad sa mga tao kapag papasok sila sa CIU. Nakatayo ang isang palapag na building na iyon sa pinakasentro ng bungad ng university. May katamtamang laki na coffee shop sa loob at may resting area rin sa kanan kung saan pwede kang matulog. Sa pinakasentro ng reception ay ang malaking announcement board. Madalang lang naman iyon tingnan ng mga tao dahil posted din sa page ng school ang mga announcement intended for the whole student body. Social media is life na nga kasi.
Sa labas naman ay napapalibutan ng ilang wooden bench na nasa ilalim ng malalago at malalaking puno kaya presko sa pakiramdaman at hindi tumatagos ang araw. Nasa tagong part kasi ang mismong university kaya sandamakmak na puno ang nakapaligid sa buong lugar.
"Sumali ka na," pagkukumbinsi ni Kervin habang nagtataas baba ang kilay. Nakangiting iwinawagayway niya sa harapan ko ang maliit na card na hawak niya.
"Ano namang isasali ko riyan. Wala akong piyesa, Kervin." Sinimangutan ko siya.
"I'm sure you'll be able to make one," pagpipilit niya.
"Tigilan mo ako."
Sumimangot siya sa akin at ipinasa kay Devyn ang card. "Convince her, bro. Bibili lang ako ng makakain."
"Ayaw mo talaga?" masuyong tanong ni Devyn nang tuluyang mawala sa paningin namin si Kervin.
Walang lumabas na sagot sa bibig ko. Sa totoo lang ay may kaunting excitement akong nararamdaman sa puso ko. Hindi ko lang talaga makuhang matuwa ng buo dahil hindi ako sigurado kung kaya ko ba ulit gawin ang nagawa ko noon.
At isa pa, kompetisyon naman kasi ngayon ang gusto nilang salihan ko. Bukod sa nahihiya ako ay hindi ako sigurado kung makakaya ko bang gumawa ng tula sa loob lang ng dalawang linggo. Tsaka tiyak naman na mas magagaling ang mga sasali sa kung ikukumpara sa wala pang experience na katulad ko.
"Try it. Wala namang exact theme na susundan," pagpipilit niya.
Sumilip ako sa card na hawak niya. Maayos na iniharap naman niya sa akin iyon hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak na yung card. Totoong walang theme na kailangan sundin para makapasok. Ang registration ay sa mismong event pa mangyayari.
Kung ikokonsidera ko ang mga kailangan kong gawin at aralin na lessons para sa darating na exam sa susunod na linggo, isama mo na rin ang katotohanan na nakakapagsulat lang ako ng tula tuwing nasa kondisyon ako, mukhang malabo na makaabot ako sa araw ng kompetisyon.
Pabuntong hininga na binalik ko sa kaniya ang card. Sumandal ako sa bench at tumingala sa mga sanga ng malagong puno ng mangga na nasa gilid namin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdantay ng braso ni Devyn sa balikat ko at nakigaya na rin sa ginagawa kong pagbibilang ng bunga ng mangga na nakabitin sa puno.
"Just think about it, alright?" Tumango ako bilang sagot.
"Hindi ako makakapagbigay ng eksaktong sagot ngayon." Tumingin ako sa kaniya kasabay ng pagbaba niya ng tingin sa akin. "Nakadepende naman kasi ang pagsusulat ko sa kagustuhan ng kondisyon at puso ko."
"That's good enough," nakangiting turan niya bago hinalikan ang noo ko.
Kagat-labing yumuko ako upang itago ang kilig. Ilang buwan na ba ang lumipas simula ng manligaw siya sa akin? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na rin sigurado.
Masyadong naging mabilis ang pagpapalit ng petsa sa kalendaryo. Masyadong naging mabilis ang ikot ng kamay sa orasan, naging mabilis ang pag-usad ng bawat segundo lalo pa at kasama ko.
"I love you."
Nahigit ko ang hininga ko at pinaligiran din ng luha ang mga mata ko nang ibulong niya sa mismong tainga ko ang mga katagang hindi niya kalianman pinagsawaan na sabihin sa akin. Katulad pa rin noong unang beses kong narinig ang mga salita na iyon sa kaniya ay ganoon pa rin ang epekto no'n sa akin magpahanggang sa ngayon.
It always makes my heart go wild, and it's not just a dozen of rumbling kittens this time. It tripled, making my heart beats wild and fast. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naririnig ko ang mga salitang iyon mula sa ibang tao maliban sa mga nakasanayan ko na.
He always takes my breath away every single time that he is confessing his love for me. The effect of his words to me didn't even change one bit. Nagagawa niya pa rin akong baliwin gamit ang mga salita niya, lalo na ngayon na ang binibigkas na niya ay ang pagmamahal niya.
"Huwag mong sabihin na naiiyak ka na naman?" natatawang tanong niya at kinulong ang mukha ko gamit ang mga palad niya.
Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sige na, ako na ang overacting pagdating sa mga ganitong bagay.
"Kasalanan mo 'to e," bintang ko habang sumisinghot na tiningnan siya.
Natawa lang siya sa akin at muling umakbay. Sumandal ako sa kaniya. Iba talaga ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Naniniwala na ako na mayroon nga talagang emosyon na nararamdaman ng mga tao na napakahirap ipaliwanag. Mahirap ilarawan, at mahirap na maintindihan.
Basta ang alam ko masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Na kuntento na ako sa tuwing nakikita ko siya. Pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Ito ang parte na nahihirapan akong intindihin.
Hindi maitatanggi na iba ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nasa tabi ko siya. Iba ang tibok ng puso sa sa tuwing naiisip ko siya. At iba ang lungkot ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Pero nandoon pa rin yung pakiramdam na may puwang. Na hindi buo at parang may kulang.
Siguro iisipin ng iba na napakaarte ko gayong malaking utang na loob na kung maituturing ang atensyon na ibinibigay niya sa akin. Wala namang mali kung iyon ang iisipin nila. Mahirap lang ipaintindi sa iba ang kaguluhang nararamdam ko sa puso ko gayong ako mismo ay hindi mapangalanan ang emosyon na iyon.
Siguro naninibago lang ako. Siguro ay masyado lang overwhelming sa pakiramdam na binibigyan niya ako ng ganitong klase ng atensyon, na pinaliliguan niya ako ng pagmamahal. Hindi lang siguro ako sanay pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na akong nararamdaman para sa kaniya.
I am falling for him, no, I love him. It's just that, I don't think this is the right time for me to reciprocate those words to him. Hindi ngayon na hindi buo ang nararamdaman ko at naguguluhan pa ako. Hindi muna.
"Ano, nakapagdesisyon ka na ba?" expectant na tanong ni Kervin nang makabalik. Inabutan niya ako ng taro flavor na inumin habang iced coffee naman ang sa kanila ni Devyn.
"Hindi," mabilis na sagot ko. Natatawang pinanood ko ang pagsimangot niya sa narinig. "But I am not closing doors, Kervs. If willing ang puso ko na magsulat ng tula ay magsusulat ako kahit na walang kasiguraduhan ang pagkapanalo ko."
Nabuhay ang tuwa sa mukha niya. "Okay na 'yon. That's much better than a no."
"Improving na ako, diba?" Proud na tinapik ko ang balikat niya. "Maging proud ka sa akin, Kervin."
Natatawang kinurot niya ang pisngi ko. "Of course! Proud ako sa'yo."
Magsasalita na sana ulit ako ng may mahagip na eksana, tao to be exact, ang mga mata ko. Nangunot ang noo ko nang tuluyang makilala ang dalawang taong parang naghahabulan palabas ng university. O mas tamang sabihin na hinahabol lang ng lalaki ang babae.
Tinapik ko sa hita si Kervin at inginuso ang mga taong ngayon ay malapit nang makalabas. "Diba si Galan 'yon?" tukoy ko sa kaibigan ni Ken na nakilala ko noon sa bar.
Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ko. "I think so?"
Nagtatakang pinanood ko ang paghabol ni Galan sa babaeng pamilyar ang mukha sa akin. Siya ang babaeng kumukuha ng litrato noong araw ng play namin. Hindi ko makakalimutan ang itsura niya dahil kakaiba ang dating no'n sa akin.
Blangko lang kasi niya akong tinitingnan ng mga oras na iyon. And no, it's not because she is hiding her emotions behind that emotionless face. Para kasing talagang wala lang siyang emosyon na nararamdaman at all. But when I looked in her eyes, when I tried to stare deeper into her soul, parang nakaramdam ako ng kung ano na gustong kumawala sa loob niya. Like she wanted to be pulled out of that situation. 'Yong tipo na gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo ang nararamdaman niya. Sadiyang wala lang siyang kakayahan na gawin ang bagay na iyon.
"Uwi na tayo." Nag-inat pa si Kervin ng tumayo siya.
"Tara, mag-rereview pa ako," sang-ayon ko.
Wala kasi kaming klase ngayon, na ngayon lang namin nalaman. May emergency meeting daw ang lahat ng faculty members kaya huli na ng malaman namin.
Sabay-sabay na nagpunta kami sa sasakyan ni Devyn. As usual, siya na naman ang magmamaneho para sa aming dalawa ni Kervin. Nakasanayan na kasi namin sa mga nakalipas na buwan na si Devyn ang nagmamaneho para ihatid at sunduin kami ni Kervin.
Noong una ay nakakapanibago dahil si Kervin lang naman ang talagang kasama ko noon. Pero ngayon ay dumagdag na si Devyn. Wala naman daw kaso sa kaniya, in fact ay natutuwa pa siya. Si Kervin naman ay thankful at nawili pa nga para raw makatipid siya sa pang-gas niya. Wala namang reklamo si Devyn tungkol sa bagay na iyon.
"Dito na lang po sa tabi, mamang driver." Inilingan lang siya ni Devyn bago inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Kervin. "Galingan mo sa pag-rereview. Para sa future."
Sinamaan ko siya ng tingin habang nakadungaw sa bintana nang matukoy ang ipinaparating niya na tinawanan lang niya. "Puntahan na lang kita after ng exams ko para makapag-review ka ng maayos."
"That would be a big help." He patted my head.
"Ingat, kahit diyan lang naman kayo sa malapit."
"Rest as much as you can," paalala ko.
"I will."
Nagtanguhan lang si Devyn at Kervin bago tuluyang pinaandar ni Devyn ang sasakyan paalis. Wala pang sampung minuto ay narating na namin ang bahay namin. Wala ang parents ko ngayon dahil sa schedule nila. Tanging ang mga kasamahan namin sa bahay lang ang kasama ko ngayon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan palabas. "Pasok ka muna," anyaya ko sa kaniya.
Nagpatiuna na ako papasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna siya sa sala sandali para makapagbihis ako ng damit sa kwarto ko. Sanay naman na siya rito dahil ilang beses na siyang nakakapasok. Maging sila ate Nida ay komportable na rin sa kaniya.
Isang maluwag na white shirt ang napili kong suotin. Pinarisan ko iyon ng itim na leggings na hanggang sa dulo ng paa ko. Mabilis na sinulyapan ko ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko bitbit ang mga kakailanganin ko.
Naabutan ko si Devyn sa kusina nagtitimpla ng juice sa kusina, malamang ay siya na naman ang umako ng trabaho ni Ate Nida. Ganiyan naman kasi siya every time na nagpupunta siya rito. Hindi niya hinahayaan na pagsilbihan siya, gusto niya na siya na lang ang gagawa ng mga bagay na kaya naman niyang gawin.
"Hey," pukaw ko sa atensyon niya.
Agad na ngumiti siya sa akin at sumenyas na sumunod sa kaniya. Nilagpasan namin ang garden hanggang sa marating namin ang maliit na pavilion na lagpas sa garden area. Ibinaba ko sa lamesa ang mga gamit na dala ko at siya naman ay ibinaba ang tray ng pagkain na dala niya.
"Ikaw? Hindi mo ba kailangan mag-review?" tanong ko.
Umiling muna siya bago ibinaba sa tapat ko ang platito na may lamang tuna sandwich. "Puwede naman akong mag-review mamayang gabi o bukas. Weekends naman bukas kaya mahaba pa ang oras ko."
"Hindi ba rush kapag gano'n? Lalo na at hindi lang naman pang-isang subject ang kailangan mong aralin," nakangiwing tanong ko. Kung ako kasi ang tatanungin ay feeling ko information overload kapag gano'n.
"My mind works better that way, kapag medyo rush." Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko naman puwedeng pilitin ang utak ko na i-absorb ang mga babasahin ko kung hindi naman niya gusto, diba?"
"Right, useless lang kung gano'n."
"Exactly. That's why I have decided to just do the thing that my whole being is shouting for me to do." Nangingiting kinindatan niya ako na agad nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"At ano naman iyon?" Umangat ang sulok ng labi niya. Tumingin siya sa akin sa paraan na parang sinasabi niya na ako ang sagot sa tanong na ibinato ko sa kaniya. Pinagkunutan ko siya ng noo pero mas lumawak lang ang ngiti sa labi niya. "What?" kunot-noong tanong ko.
"What?" nakangising tanong niya pabalik.
Sinimangutan ko lang siya at hindi na umimik. Binalingan ko ang maliliit na papel na nasa harapan ko. 1/8 ng index card lang ang sukat no'n at may tatlong kulay, pastel pink, pastel green, at pastel blue. Isang kulay para sa isang subject na naka-bind gamit ang maliit na ring para flip na lang ako ng flip habang pinapasadahan bawat index card. Bukas naman ay ang apat na natitirang subject pa ang aaralin ko.
Sa bawat index card ay may nakasulat na mga tanong na sa tingin ko ay lalabas sa exam at sa likod naman nakalagay ang sagot. Mas nadadalian kasi ako sa ganitong way ng pag-rereview. Habang sinusulat ko bawat question ay nagagawa ko na din siyang aralin at the same time.
"Let's make learning more fun," ngisi niya.
"Dapat na ba akong kabahan?" Actually, simula pa lang. Sa suhestyon niya ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Kakaiba kasi ang ngisi na nakapaskil sa mukha niya. Para siyang may iniisip na kalokohan na hindi ko alam.
There's a glint of playfulness mixed with happiness visible in his eyes. At ang magaling ay hindi man lang nag-abala na itago. Mas lalo lang tuloy akong nakaramdam ng kaba.
"Game ka?" Nagtaas-baba ang kilay niya, ang mapaglarong ngiti ay hindi nawawala.
"You're scaring me," nakangiwing tugon ko.
Natatawang kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at sinimulang laruin iyon. Piananood ko kung paano niya laruin ang kamay ko habang ang mga mata niya ay nakatutok sa mukha ko.
This is one thing na napansin ko sa kaniya. Devyn, he is touchy. Not in that kind of way. Hindi sa paraan na nakababasatos at nakawawala ng respeto. He is always cautious when he gets close to me. I actually find it sweet. Kung hindi kasi siya nakaakbay sa akin ay hawak naman niya ang kamay ko na trip na trip niyang paglaruan.
He sometimes hugs me. And he also sometimes kisses me on my cheek or forehead. Hindi ko alam kung dapat na ba naming ginagawa ang gano'ng klase ng bagay, lalo na at nanliligaw pa lang siya sa akin. Sa madaling sabi, wala kaming relasyon. But I can't stop him.
I can't get myself to stop him from doing all those things to me, rather. Para kasing ipinararamdam niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kaniya through those sweet gestures. And I am just a woman too, I want to receive those kinds of treatment as well.
"Ako ang magtatanong ng mga tanong." Iwinagayway niya sa harapan ko ang kulay pastel green na index card para sa Theories of Personality subject ko.
"And?" tanong ko habang hinihintay na dugtungan niya ang sinasabi.
"Sasagot ka siyempre. But," pambibitin niya bago ngumising muli sa akin. Kahit na parang dinadaga na sa kaba ang puso ko sa posibleng kasunod ng sasabihin niya ay hinintay ko pa rin siya na magsalita. "Every time na mali ang isasagot mo, you'll grant me one wish."
"Kinakabahan ako sa'yo, Devyn." Nakangiwing tiningnan ko siya.
"Relax. Wish lang naman 'yon. No funny business."
Mahirap mahulaan kung ano ang nasa isip niya lalo na at may mapaglarong ngisi sa labi niya. Mukha namang totoo ang sinasabi niya na walang halong kalokohan ang hiling na makukuha niya sa bawat maling sagot ko. Pero hindi ako kumbinsido dahil parang may kung ano siyang gustong makuha na idinadaan lang niya sa pamamagitan ng hiling na sinasabi niya.
"Siguraduhin mo lang," sumusukong pagbabanta ko.
"Of course." Malawak ang mga ngiti sa labi na inilapag niya sa harapan ko ang index card na hawak niya. "Here, review ka muna sandal bago tayo mag-start."
I didn't waste any second. Agad na nagsimula akong basahin ang mga tanong na nakasulat sa index card. 'Yong iba ay alam ko na at halos kabisado ko na, pero may mga pagkakataon na nakakaligtaan ko ang sagot. Hindi ko naman kasi ugaliin na kabisaduhin ang mga buong lesson katulad ng iba sa tuwing nagrereview sila. Okay na ako as long as naiintindihan ko ang lesson. Pahihirapan ko lang ang sarili ko dahil kadalasan naman na binabago ng mga professor ang wordings ng mga questions sa exams.
Nag-angat ako ng tingin mula sa index card paharap kay Devyn na ngiting-ngiti na pinagmamasadan ako. Itinapat niya sa bibig ko ang sandwich na hindi ko pa nababawasan. Napapangiting kumagat ako doon bago muling tumingin sa index card. We repeated the cycle hanggang sa tuluyan ko nang maubos ang dalawang sandwich na nakahain sa plato ko.
Nasa kalagitnaan ng ako sa binaba ko nang magsalita siya. "Schön."
"Hmm?" Hindi ko siya nilongon, bagaman kalahati ng atensyon ko ay nakuha na niya.
"Look at me," utos niya.
"What?" tanong ko nang mag-angat ng tingin.
Binigyan niya ako nang maaliwalas na ngiti. "Bakit ang ganda mo?"
Sumikdo ang puso ko sa kilig ngunit mas pinili kong pagtakpan 'yo sa pamamagitan nang pag-iling. Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy sa pagbabasa. Wala pa mang limang minuto nang huli siyang magsalita ay muli niyang kinuha ang atensyon ko.
"What is it this time?" hindi tumitingin na tanong ko. As of now, more than half na ng attention ko ang nasasakop niya.
"I love you," walang kangiti-ngiti ngunit sinserong pahayag niya.
Napapangangang tiningnan ko siya. Love is dancing visibly in his eyes while staring intently at me with a big smile plastered on his handsome face. I don't think I would ever get use to it. Him confessing his feelings for every time he'll get a chance. Kahit pa marami ang makakarinig, kahit pa sa harap ng mga magulang ko, kahit pa sa harap ng matataong lugar na puro estranghero, o kahit kami lang dalawa. Hindi siya napapagod at nagsasawa na paulit-ulitin banggitin sa akin ang pag-ibig niya.
May he said it out loud for the all the people to hear, or may he just simply whisper those magical words right on my ears. It always felt the same. And I can't find the right words to give justice to whatever I am feeling because of him. He never really failed to make me feel so special. And that always fills my heart with happiness and contentment that I never felt before.
"Stop distracting me," nasabi ko na lang habang sinisikap na itago ang kakaibang pakiramdam na dulot niya sa akin.
"Can't help it." Kinindatan niya ako habang may masayang ngiti sa nga labi.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo, him smiling while me trying to control the overflowing emotions I am currently feeling. Ako na rin ang unang nagbawi ng tingin. And thankfully, he let me be at peace by offering his silence.
Hindi ko na namalayan na narating ko na pala ang pinakahuling index card. Slowly, my heart began to beat faster and louder than the usual because of nervousness.
Alanganing tumingin ako kay Devyn at nakita ko na naman ang mapaglarong ngisi sa mukha niya. "Game?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top