24: Never
CHAPTER TWENTY-FOUR
Never
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Kervin na nakabuntot sa likuran ko.
Tiningnan ko ang mga pagkain na nakahain sa harapan namin. May halo-halo, may turon, banana que, carbonara, spaghetti, at iba pang pagkain na pang-miryenda ang nakita ko. Naglagay ako ng isang turon na sinundan naman ni Kervin nang paglalagay ng dalawang pirasong banana que. Naglagay na rin siya ng carbonara sa plato niya at isang piraso ng turon.
Isa ito sa mga gusto ko sa CIU, kahit kasi mga mayayaman ang karamihan sa lahat ng estudyante ay kadalasan mga pagkaing pinoy na pang-masa ang inihahain nila na cafeteria. Kahit naman kasi pang-masa ang mga pagakain kung titingnan naman kasi ang presentasyon nila ay magmumukha ng pangmayaman. At isa pa, walang bayad ang mga pagkain sa cafeteria.
ko si Devyn na siyang nauuna sa akin. Wala pang laman ang plato niya, nakatingin lang din siya sa mga pagkain sa harapan namin at mukhang nahihirapan pa sa pagpili ng kung ano ang kakainin.
"Anong kakainin mo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam." Napapakamot ng batok na lumingon siya sa akin at bahagya pang nakanguso.
Pigil ang ngiti na sumandok ako ng spaghetti at inilagay sa plato na hawak niya. Naglagay na rin ako ng isang pirasong chicken leg sa plato niya. Napangiwi ako nang matantong pang-birtday ang naging dating ng pagkain niya.
"Happy birthday, bro," nakangising pang-aasar ni Kervin.
Ngiting aso lang ang naging sagot ni Devyn bago nagpatiuna sa paglalakad. Naupo kami sa pinakadulo ng cafeteria kung saan hindi kami masyadong pansin ng mga tao. Alas-tres pa lang kasi ng hapon at may isang oras pa kami na sasayangin bago ang klase naming dalawa ni Kervin.
Maagang pumunta sila Devyn na kasama si Kervin at parehong nag-aya na kumain ng miryenda rito. Mabuti na lang talaga at nakapag-ayos na ako ng sunduin nila ako kaya hindi ko na sila pinaghintay pa. Hindi ako sanay na kumakain dito sa cafeteria sa kadahilanang kadalasan ay maraming tao na tumatambay dito. Pumayag ako kasi gusto kong subukan.
I want to try to live a normal life. Gusto kong maranasan 'yong klase ng buhay na hindi ko na kailangan na intindihin ang sasabihin ng iba. Gusto ko masubukan kung paano ba maging isang normal na tao. 'Yong klase ng buhay na hindi ko na kailngan na itago ang sarili ko sa iba.
"I'll pick you two up later?" tanong ni Devyn habang hinahalo ang spaghetti niya.
"Yes, bro. Wala akong dalang kotse ngayon dahil nga sumabay lang ako sa'yo," sagot naman ni Kervin.
Nagpalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa. Halata talaga ang closeness nila na puwede na silang mapagkamalan na magkapatid. "Sa kanila ka pa rin ba nakatira?" hindi napigilan na tanong ko kay Devyn.
Nakangiting umiling siya. "Hindi na. Natapos na kasi ang bahay na pinagawa ko last week lang kaya nakalipat na ako. Kinuha ko lang talaga ang sasakyan ko sa bahay nila kaya nakisabay na ang mokong."
"Aba! Sayang ang gas 'no. Alam ko naman kasi na susunduin mo si Audrey kaya sumabay na ako. Para makatipid." Malokong tumawa si Kervin.
"Mayaman ka pare," ingos ni Devyn.
"Ang mga magulang ko ang mayaman hindi ako. Tsaka kailangan ko ng pang-gatas ng anak ko." Sabay na napatawa kami ni Kervin sa sinabi niya.
"I miss Maxim," napapangusong sabi ko.
Hindi ko kasi nagawa na mapagtuunan ng pansin si Maxim noong pumunta sila sa bahay ilang linggo na ang nakakaraan. Masyado kasi akong okupado ng takot ko kay Ruby ng mga panahon na iyon. Even Kervin, pinabalik na lang niya ako sa kwarto at siya na ang umasikaso sa akin.
"Visit him this weekend. Paniguradong namimiss na ka na rin no'n," suhestiyon ni Kervin.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na gumuhit ang ngiti sa mga labi namin. Hindi man ako ang tunay na in ina Maxim pakiramdam ko ay para ko na rin siyang naging anak. I've been there since the day I knew his existence. Nasubaybayan ko ang growth niya. Every little milestone, I was there. Kaya kakaiba ang attachment na nararamdaman ko for Maxim. Plus, the fact that Maxim is the son of my best friend.
Nagkatinginan kaming tatlo nang makarinig kami ng mga papalapit na yabag ng ilang tao na patungo sa direksyon ng lamesa naming tatlo. Hindi ko man gusto na marinig ay sadiyang nakakaagaw ng atensyon ang tunog ng takong ng mga sapatos nila habang naglalakad. Isang grupo ng mga kababihan ang agad na pumasok sa isip ko.
Ang grupo nila Bethany na isa sa mga kilalang tao sa buong campus. Kilala sila hindi dahil sa magaganda sila o mayan kundi dahil sa kagaspangan ng ugali nila. Yes, maganda nga sila sa paningin ng iba pero natatakpan ng kagaspangan ng ugali nila ang mga kagandahan nila.
Malakas na tumawa sila ng sabay-sabay ng mapadaan sa likuran ko. Hula ko ay sinasadiya nilang gawin iyon dahil naro'n ang panunuya sa tawa nil ana wala sa intensyon nila ang itago.
"In fairness naman to you walking bond paper, nakabingwit ka ng dalawang lalaki kahit ganiyan ang itsura mo," malditang sabi ni Bethany na binuntutan niya ng mapag-asar na tawa.
"I know right. Siguro ginayuma niya ang mga 'yan. What do you think, Charm?" segunda naman ni Queenie.
"Hindi naman na nakakabigla 'yon. Sino ba naman ang matinong tao na magkakamaling patulan ang isang katulad ng alien na 'to?" nang-uuyam na tugon ni Charm.
Napangiti ako ng mapait, hindi dahil sa mga pang-iinsulto nila kundi dahil sa katotohanan na kahit lumipas na ang mahabang panahon at maraming taon ay hindi pa rin nila nagagwang baguhin ang ugali nila. Charm and Queenie used to bully me when the three of us used to lived in the same subdivision.
Madalas na ginagawa nilang pang-bully sa akin ay ang pagtatapon ng kung anu-anong kulay ng pintura sa katawan ko dahil daw mukha akong papel sa sobrang kaputian ayon sa kanila. They painted me according to their liking. And when their satisfied already, they would leave me feeling sticky with all the paint on my body. Natigil lang sila sa pangbu-bully sa akin noong lumipat na kami sa exclusive subdivision kung saan kami nakatira ngayon sa tulong na rin ni Kervin.
Pero nakatadahana na talaga siguro na bulabugin nila ang buhay ko dahil nang magsimula ang klase noong second year college ako ay siya namang lipat nila rito sa CIU. Ang kaibahan lang ay puro sa salita na lang sila nananakit ngayon na kung tutuusin ay kapareho lang din naman ang sakit na dulot ng pisikal na pananakit. Mas naging matalim pang lalo ang mga dila nila ng maging parte ng grupo nila si Bethany na mistulang leader na nila ngayon.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkuyom ng kamao ni Devyn at magsasalita na sana pero naunahan siya ni Kervin. Natatawang humarap si Kervin sa kanilang dalawa na para bang isang joke ang mga sinabi nila. Pero alam ko sa loob-loob niya ay naiinis na siya sa mga kaharap.
"Ganiyan na kayo ka-insecure ngayon na pati ang taong nanahimik ay sisimulan niyo ng gulo?" Unti-unting nawala ang pagtawa ni Kervin at napalitan ng madilim na anyo.
Bahagyang napaatras naman ang tatlo. "Got yourself a protector, eh?" maldita pa ring sabi ni Bethany.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita habang ang mga mata ay tutok pa rin sa pagkain. "Well, I guess luck is still on my side by giving me two reliable men who don't see my condition as a flaw unlike the three of you."
Nakita ko ang gulat sa mukha ng tatlo ng magsalita ako. Kahit si Kervin ay nababakasan ko rin ng gulat pero mas lamang ang pagiging proud niya para sa akin. Ako rin naman ay nagugulat sa sarili ko. Kailan pa ako natutong pumatol sa mga pangungutya ng iba? Kailan pa ako naglakas ng loob na magsalita para ipagtanggol ang sarili ko?
Napabaling ako kay Devyn nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko mula sa ilalim ng lamesa. Ngumiti siya sa akin na walang pagdadalawang isip na sinuklian ko agad. Kung sasagutin ko ang mga nauna kong tanong kanina ay isa lang ang sagot.
Simula nang makilala ko siya.
"The three of you are beautiful," sabi ko ng hindi sila tinitingnan.
"I know, right?" mayabang na sabi ni Bethany.
Nakita ko ang naguguluhang tingin na ipinupukol sa akin ni Kervin dahil malamang sa mga sinasabi ko.
"You have all the qualities I wish that I was born with," pagpapatuloy ko.
Nawalan ng ingay ang paligid, Kahit ang tatlo ay hindi na nakaimik. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Devyn at doon humugot ng lakas. Binalingan ko silang tatlo. Maging sila ay naguguluhan sa tinatakbo ng mga salita ko. Pero hindi pa rin tuluyang humuhupa ang katarayan sa mga mukha nila, matapang pa rin akong tinitingnan.
"You all are beautiful enough to have men droll over you. I know that I am flawed. Obvious naman dahil kitang-kita ng lahat ng tao. Kahit ako nakikita ko. So, I don't need more people to criticize me when I am already tired receiving criticism from myself." Nginitian ko sila. Isang tunay na ngiti. "Stop bothering me. You get anything from it. Hindi ko alam kung bakit ako ang napagtitripan niyo, lalo na ninyong dalawa." Tinapunan ko ng tingin si Queenie at Chram na tuluyan ng nawalan ng imik. "But please stop. Spare my ears with your nonsense. Wala kayong mapapala sa akin. Just invest your time doing something good ang valuable rather than going around picking a fight on anyone."
Mas lalong napanganga ang tatlo sa sinabi ko na binibigyan ng diin ang dalawang salita na gusto kong ipaintindi sa kanila. Hindi agad sila nakahuma ng salita pero ilang sandal lang ay nagmamartsa na silang umalis sa pangunguna ni Bethany.
Sa tingin ko, kung gusto kong subukan na mamuhay ng normal, siguro dapat simulan ko sa pagtanggap ng katotohanan na may mga tao talaga na katulad nila na hindi kailanman ako lubusang matatanggap. If I want to start a life where hiding is not an option, maybe I should start it by protecting myself on my own. Maybe I should be brave enough to face them, and the harsh reality that people will never stop throwing insulting words me, to us people who were born different.
Umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa paligid mula sa mga iilang estudyante na pinapanood na pala ang munting eksena namin. May mga masasayang ngiti sa mga labi nila habang nakatingin sa akin. Ang ilan ay nag-thumbs up pa.
"Serves those brats right!" malakas na sigaw ng isa habang masama ang tingin sa pintuang nilabasan ng tatlo.
"Great job, Bliss!" sigaw pa ng isa.
Ngumiti kanila bago muling ibinalik ang tingin sa pagkain ko. Nasa akto pa lang ako ng pagsubo nang mapabitaw ako sa hawak kong tinidor dahil bigla akong sinugod ng yakap ni Kervin. Natatawang gumanti ako ng yakap gamit ang isang kamay sa kaniya. Naramdaman ko ang pagpapaulan niya ng halik sa ulo at pisngi ko na akala mo ay anak niya ako at siya naman ay isang proud na magulang.
"Kalma," natatawang sabi ko at lumayo ako sa kaniya dahil mukhang wala siyang balak na tantanan ako.
Malawak ang ngiti na humarap siya sa akin. Inipit, as in inipit, niya ang mukha ko sa dalawang palad niya at emosyonal na tinitigan ako sa mga mata. "That was the first time, Aud."
Hindi man buo ang ipinupunto ng pangungusap niya ay nagawa ko pa ring maintindihan 'yon. We just have that kind of connection na nagagawa naming intindihin ang takbo ng isip ng isa't isa.
"I know right?" natatawa at hindi makapaniwalang sabi ko.
Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa ko kanina. Talaga bang ipinagtanggol ko ang sarili ko mula sa kanila? Sa buong buhay ko ay ito pa lang ang kauna-unahang beses na ipinagtanggol ko ang sarili ko. Pinaligiran ng luha ang mga mata ko ngunit sa pagkakataon na ito ay dahil na sa saya para sa isang bagay na hindi ko akalain na kakayanin ko pala.
Muli akong niyakap ng mahigpit ni Kervin. Alam ko na higit na mas masaya siya sa akin dahil sa ginawa ko. Siguro iisipin ng mga nakakakita sa amin na ang O.A naming dalawa at napakababaw lang ng nangyari para maging ganito ang reaksyon namin. Pero sadiyang hindi lang nila alam ang mga naranasan ko ng ilang taon na tanggap lang ako nang tanggap ng mga pang-iinsulto. Wala lang ideya ang mga tao kung anong klaseng kasiyahan ang naidulot ng ginawa ko sa aming dalawa ni Kervin.
"I'm so proud of you, babe," mahina ngunit puno ng sinseridad na bulong niya sa tainga ko.
"I know. Thank you, Kervs," ganting bulong ko.
Humiwalay siya sa akin pagkatapos ay tinapunan ako ng makahulugang tingin. "Hindi ako dapat ang pinapasalamatan mo." Tiningnan niya si Devyn na noon ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa.
Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Nakikita ko na proud din siya sa akin at masaya siya sa ginawa ko pero may kakaibang ekspresyon ang mukha niya habang matiim na nakatingin sa akin.
"Let's go?" tanong niya.
Napasulyap naman ako sa relos ko bago tumango. Ten minutes na lang at magsisimula na ang klase. "Tara na."
"Mauna na kayo. Dadaan lang akong locker ko." Hindi na niya kami binigyan ng pagkakatao na sumagot pa ni Kervin dahil nagmamadali na siyang umalis at iniwan kaming dalawa ni Devyn.
Hawak pa rin niya ang kamay ko habang tinutungo namin ang daan patungo sa classroom ko. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita kaya nababahala ako na baka may nagawa akong mali sa mga naging kilos ko kanina.
"May problema ba?" maingat na tanong ko sa kaniya.
"Wala naman. Ang galling mo kanina." May sumilay na maliit na ngiti sa mga labi niya.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya. Binitawan niya ang kamay ko na hawak niya para lamang iakbay ang baraso sa balikat ko habang ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng maong na pantalon. Sa ganoong paraan ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Hindi na siya nagsalita pa ulit kaya hindi ko na rin nagawang makapagsalita. Pakiramdam ko talaga ay may mali.
Hanggang sa marating namin ang tapat ng classroom ko ay wala pa ring salita na namutawi mula sa aming dalawa. Ngayon ay kumbinsido na ako na may mali talaga.
"Study hard, schön," bulong niya malapit sa tainga ko bago ako hinalikan sa sentido.
Gusto ko pa sana siyang usisain para alamin kung ano ang problema pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon dahil nakita ko na ang propesor naming para sa unang klase. Ngumiti na lang ako sa kaniya bago nagmamdaling pumasok sa room.
Buong durasyon ng klase ay okupado ng matamlay na itsura ni Devyn ang kalahati ng utak ko. Hindi ko tuloy naibigay ang buong atensyon ko sa mga itinuturo ng dalawang propesor para sa dalawang magkasunod na klase. Pati ang panggugulo sa akin ni Veda ay hindi ko na rin napagtuunan ng pansin.
Nang matapos ang klase ay dali-dali akong nagpaalam kay Veda. Lumabas agad ako ng classroom at hindi nga ako nagkamali nang makita ko na naghihintay doon si Devyn. Para akong nabunutan ng tinik ng makita kong bahagyang umaliwalas na ang mukha niya at naging totoo na ang ngiti niya.
"Tara?" Tumango ako at lumapit sa tabi niya.
"Okay ka na?" tanong ko na tinawanan niya.
May sariling utak na humawak ako sa kamay niya. Wala na masyadong estudyante kaya hindi na ako nakaramdam ng hiya bagaman may naroon pa rin iyon. Hindi ko lang talaga nagawang makontrol ang kamay ko na pabara-bara na humahawak sa kamay ng may kamay dahil alam kong 'yon ang kagustuhan ng puso ko.
"I guess so," nakaniting sagot niya na ang paningin ay nasa magkahawak naming mga kamay.
Saktong pagkadating naming sa parking lot ay siyang dating naman ni Kervin na naggaling sa taliwas na direksyon dahil nandoon ang building ng mga Business Administration students na katulad niya.
"Tara! Tara! Nagwawala na raw ang anak ko," aligagang sabi niya at dali-daling sumakay sa backseat.
Pati kami ay nahawa na rin sa taranta niya kaya may pagmamadali na sumakay din kami sa sasakyan. Kahit si Devyn ay halatang binibilasan din ang pagmamaneho pero naroon pa din ang pag-iingat. Wala pang kinse minutos ay nakarating na kami sa subdivision at pumarada na sa harap ng bahay nil Kervin.
"Huwag na kayong bumaba. Thank for the ride, bro. Bukas ulit!" Napatawa ako ng halos madapa pa siya sa pagmamadali niya ng marinig naming ang pagpalahaw ng iyak ni Maxim mula sa loob. Mukhang kanina pa hinahanap ang Daddy niya.
Sinimulan ni Devyn ang muling pagpapatakbo ng sasakyan pero ngayon ay mabagal na ang andar. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan bago ibinaba ang magkahawak naming kamay sa kandungan niya. Nakatingin lang ako sa bintana habang sinusubukan na pigilan ang ngiti sa mga labi kong gustong kumawala.
Tahimik na narating namin ang tapat ng bahay namin. Bababa na sana siya para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko siya at hinila pabalik sa pagkakaupo niya. Nagatatka naman na tiningnan niya ako.
"Tell me what went wrong earlier," direktang tanong ko sa kaniya.
"Earlier? Wala namang mali kanina," sagot niya na ang paningin ay nakatutok sa labas ng bintana.
Napabuntong hininga ako sa nakikita ko sa kaniya. Ngayon ay kumpirmado kong may mali talaga kanina. "Dahil ba kay Kervin? Sa nakita mo kaninag ginawa niya sa akin?" Malakas ang kutob ko na iyon ang dahilan ng pagkawala niya sa mood. Kailangan ko lang ng kumpirmasyon para maayos ko na maipaliwanag sa kaniya ang mga bagay ng sa gayon ay mabigyan ng linaw ang bumabagabag sa isip niya. "Tama ako diba?"
Bumuntong hininga siya bago sumusukong tumingin sa akin. "Yes."
"Alam mo naman na magkaibigan kami diba?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumango siya bilang sagot tsaka nagbaba ng tingin sa magkahawak naming mga kamay. "At alam mo rin na walang malisya ang bagay na iyon sa pagitan naming dalawa, tama?" umaasang tanong ko.
Lumipas na ang ilang segundo hanggang sa naging minuto pero hindi pa rin ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya. Nakatutok lang ang mga mata niya sa kamay naming dalawa. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko siyang narinig na bumuntong hininga.
"Devyn," malungkot na pagtawag ko sa kaniya.
"Hindi, Bliss Audrey." Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya nang salubungin niya ang mga mata ko. "Hindi ko alam. Alam nito." Itinuro niya ang sentido niya. "Pero hindi nito," malungkot na wika niya sabay turo niya sa puso niya.
Napapangangang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko lubusan na maintindihan ang pinanggagalingan niya. Sa isip ko ay napakababaw lang ng pinanggagalingan niya pero hindi ko dapat husgahan ang nararamdaman niya dahil kahit ako ay hindi iisang beses na naranasan ang hindi pagkakasundo ng puso at isipan.
"Alam ng isip ko na natural na ang bagay na iyon sa pagitan ninyong dalawa. Alam ng isip ko na walang malisya ang mga gano'ng bagay sa pagitan ninyo dahil matagal na kayong makakilala. Pero hindi ko maiwanan na mainggit noong ipinagtanggol ka niya. Sobrang natural kasi na hinihiling ko na sana ay ako na lang ang nasa posisyon niya. Mas lalong hindi ko nagawang pigilan ang selos at inggit nang yakapin ka niya habang pareho kayong nakangiti na dalawa. Gusto kong sabihin din sa iyo kung gaano ako ka-proud sa ginawa mo kanina. Gusto rin kitang yakapin at sabihin sa'yo kung gaano ako kasaya pero bago ko pa man magawa ay nagawa na niya." Muli siyang nagbaba ng tingin kasabay ng muling paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko nang marinig ang sinabi niya. Ang malinaw lang sa mga naghahalong pakiramdam ko ay ang tuwa at walang humpay na kilig na dulot niya. Nakakatuwa na malaman na masaya at proud din siya sa nagawa ko kanina. At siyempre ay kilig dahil hindi niya itinago ang selos na nararamdaman niya para kay Kervin.
"Hindi mo naman ako sinabihan na seloso ka pala," pigil ang tawa na sabi ko.
Napanganga siya sa akin, hindi makapaniwala sa naging sagot ko. "Seryoso ako sa mga sinabi ko, Bliss Audrey."
"Wala naman akong sinabi na hindi ka seryoso." Tuluyan na akong natawa sa hindi makapaniwalang itsura na nakabalatay sa mukha niya. Ilang segundo pa ay pilit na pinaseryoso ko ang mukha ko at sinalubong ang tingin niya. "Hindi mo dapat na hilingin na maging ikaw si Kervin dahil kahit kalian ay hinding-hindi ka magiging katulad niya."
Bumalatay ang sakit sa mukha niya at siya ring pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit bago pa man tuluyang maghiwalang ang mga kamay namin ay mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya para hindi niya tuluyang mabitawan iyon.
"Kasi kung magiging ikaw si Kervin ay hindi na kita pwedeng gustuhin. Kaibigan ko si Kervin at kahit kalian ay hindi magkakaroon ng kaming dalawa. Kaya kung hihilingin mo na maging siya ay para mo na ring sinabi na tigilan ko na ang pagkagusto ko sa'yo at kaibiganin na lang kita."
***
You are wonderful.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top