22: Beauty
CHAPTER TWENTY-TWO
Beauty
"Do I look decent now, Mom?" kinakabahang tanong ko kay Mom na nakangiting nakatingin sa akin mula sa salamin ng vanity table na nasa harapan ko.
"You look so beautiful, Bliss," puno ng sinseridad na tugon niya.
Napangiti na lang din ako sa sinseridad ng boses niya. Napahawak ako sa buhok ko na kanina ay tinirintas ni mom na katulad ng buhok ni Elsa sa frozen at nakalagay sa kanang balikat ko. Ngayon lang ata ako nag-ipit ng ganito sa buong buhay ko. Madalas kasi ay nakalugay lang ang buhok ko o di kaya naman ay nakatali ng buo.
Nilagyan din ni Mom ng manipis na liptint ang labi ko para raw may kulay ako kahit papaano. Pero tumanggi na ako sa kaniya ng alukin niya akong lagyan ng make up. Hindi ako sanay sa gano'n at hindi naman siguro kailangan para sa simpleng date lang.
Nagpaalam si Devyn sa magulang ko na ilalabas niya ako ngayong gabi. At ang Mom at Dad naman ay parang mas excited pa sa akin dahil si Mom na mismo ang naghanda ng susuotin ko habang si Dad naman todo ang suporta sa amin.
It was supposedly last week Saturday. But because of my bruises and weak body, Devyn and I have decided to move it. At ngayon na talagang tuloy na siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang ang imahenasyon ay gumagawa ng mga senaryo sa mga maaaring mangyari ngayong gabi.
Nude colored hanging sando ang damit na pinili ni Mom para sa akin. Manipis lang ang strap no'n kaya kita ang pektan sa braso ko na natatakpan lang ng buhok ko. Ripped jeans naman ang pang baba ko at kulay puting sneakers naman ang sapatos na sinuot ko.
"Dalaga na ang anak natin, Vanessa. May manliligaw na," bakas ang kaligayahan sa boses ni Dad nang sabihin niya iyon.
"Dad." Natatawang humarap ako sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at pinapanood lang kami ni Mom. "Date lang po 'to."
"Still, masaya ako para sa'yo. At Malaki ang pasasalamat ko kay Devyn dahil sa lahat ng ginawa niya para sa'yo," sinserong sabi niya.
Napailing na lang ako. Kung makapagsalita naman kasi siya ay para bang ngayon na ang araw ng kasal ko kahit na date lang naman ang pupuntahan ko.
Pero hindi ko siya masisisi kung bakit gano'n ang nararamdaman niya dahil maging ako ay malaki din ang pasasalamat kay Devyn dahil lahat ng mga bagay na nagawa niya para sa akin. Lalo na ang paulit-ulit na pagsasabi at pagpaparamdam sa akin na hindi isang pagkakamali na isinilang ako. Na may halaga rin ako bilang tao. Na karapat-dapat din akong magmahal at makatanggap ng pagmamahal mula sa iba.
"He's here," bulong ni Mom sa tainga ko.
Nauna nang bumaba si Dad at Mom habang nanatili naman ako sa kinauupuan ko. Dumoble ang kabang nararamdaman ko sa bawat malakas na pagpuntig ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nandoon ang puso at pilit na kinalma ang sarili habang nakatingin sa sariling reoleksyon.
"Kalma, Bliss. Kalma." Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin at pinasadahan ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ko ngayon.
Ilang beses ako humugot ng malalim na hiniga bago bago tuluyang napakalma ang nagwawala kong puso. Bumungad sa akin ang mga aso ko na pare-parehong nakatunghay sa pintuan ng kwarto ko na para bang hinihintay ang paglabas ko.
"Sleep early you three," utos ko sa kanila na parang tao lang ang kausap ko.
Tumahol si Cloud at Vanilla sa akin habang nag-iwas lang ng tingin si Yogurt at pumasok na loob ng hindi man lang ako nililingon. Problema no'n?
"Schön!" Agad na napatayo si Devyn mula sa pagkakaupo niya nang makiti akong pababa na ng hagdan.
Hindi ko nagawang maihakbang pa ang mga paa ko nang magsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ko. Kagat ang ibabang labi na pinanood ko siyang parang modelo na naglakad paakyat ng hagdan habang kapwa nakapako ang mga mata naming sa isa't isa.
Simple lang naman ang pananamit niya ngayon. Katulad lang din ng mga damit na sinusuot niya sa tuwing nagkikita kami pero iba ang epekto niya sa akin ngayon. Hindi ko alam pero sa simple galaw lang siya ay nagagawa kong makaramdam ng kilig na hindi ko magawang maramdaman kapag kaharap ang ibang lalaki. Normal pa ba 'to?
Kung tutuusin ay napakakaswal lang ng suot niya. Puti at manipis na t-shirt na pinatungan niya ng itim na leather jacket. Maong na ripped jeans at puting sneakers. Hawak niya sa isang kamay niya ang helmet niya habang nakaipit sa pagitan ng kaparehong braso at sa gilid ng baywang niya ang isa pang helmet na mas maliit kumpara sa hawak niya.
"Hi," pagbati niya ng may magandang ngiti na nakapaskil sa mukha niya.
Hindi ako nakahuma ng kahit na isang salita man lang, lalo na ngayon na nasa harapan ko na siya at binabaliw ako ng presensya niya. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan siya at memoryahin ang bawat anggulo ng mukha niya habang palakas nang palakas ang bawat pagpintig ng puso ko dahil sa malapit naming distansya.
"Hey," malambing na pagkuha niya sa atensyon ko at masuyong hinawakan niya ang pisngi ko bago bumaba ang kamay sa kamay ko na hindi na namamaga ngayon. "Are you alright, now? Wala ng masakit?"
Animo nahihipnosyismo na umiling ako habang nakapako pa rin ang mga mata sa kaniya. "Okay na ako."
"Let's go?" Tumango ako at nagpatiuna na sa paglalakad.
Naramdaman ko naman na umalalay siya sa akin mula sa likod. Nararamdaman ko ang presensya ng kamay niya sa likod ng baywang ko pero hindi tuluyang dumadampi iyon sa katawan ko.
Sinalubong kami ng mga nakangiti na sina Mom at Dad ng tuluyan na kaming makababa sa hagdan. Nakikita ko ang pinaghalong kilig at saya sa mga mata ni Mom na siyang sumasalamin din sa kasiyahan na nakikita ko kay Dad.
"Mag-ingat kayo ha?" paalala ni mom.
"Yes mom," tipid ang ngiting sagot ko dahil nahihiya akong kaharap ang mga magulang ko habang nasa tabi ko si Devyn na siyang date ko ngayon.
Never have I imagined this scene that would actually happen in my life. Masyadong malayo sa isip ko ang mga bagay at alam kong malabong magkatotoo. But now, it's not just something that I would read on the novels that I have read. Cause this is my reality now. A reality that I am having a date with the guy who made me feel like a dozen of hyper kittens has been rumbling inside of my heart.
"Ingat din sa pagda-drive, Devyn," paalala naman ni Dad.
"Yes tito. Iingatan ko po si Bliss Audrey."
Pinamulahan ako ng mukha ng makita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Mom sa braso ni Dad upang pigilan ang sariling kilig na nararamdaman. Nakagat ko ang ibabang labi ko, umaasang mapipigilan no'n ang paglawak ng ngiti ko pero nabigo ako dahil sa mapanuksong tingin na ibinibigay ni mom sa akin.
Tuluyan nang kumawala ang isang ngiti sa mga labi ko na alam kong nagpapahiwatig ng saya at kilig na nararamdaman ko ngayon. Palihim na sinulyapan ko si Devyn na seryosong nakikipag-usap naman kay Dad patungkol sa mga paalala at habilin niya.
Naramdaman niya ata ang tingin ko kaya nagbaba siya ng tingin at sinalubong ang akin bago ngumiti. Muli ay naramdaman ko ang presensya ng kamay at braso niya sa likod ng baywang ko, pero ngayon ay tuluyan ng humawak doon.
"We will be back not later than 10 po," sabi niya.
Mabilis na umiling si Mom kasabay nang pagkumpas ng isang kamay sa harapan bilang 'di pagsang-ayon. "Okay lang, Devyn, ano ka ba. Take all the time you need. Hindi naman si Cinderella 'yang anak ko para iuwi mo bago mag-alas dose."
Napanganga ako sa narinig ko. Maging si Devyn ay natigilan din habang natatawa na lang si Dad, malamang ay sanay na siya sa mga kalokohan ni Mom. Para kasing ipinapamigay na niya ako sa dating ng sinabi niya.
"Mom?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Your mom's right, Bliss. Your old enough to handle yourself. But of course," pambibitin niya at binigyan niya kaming dalawa ni Devyn ng makahulugang tingin. "Do not forget your limitations, alright?"
"Of course, Dad," mabilis na sagot ko sa kaniya.
"Yes tito. May tamang panahon po para sa mga ganong bagay," seryosong tugon ni Devyn na ang naging dating sa akin ay may mas malalim pang dahilan.
Kung akala ko ay nakabibigla na ang sinabi ni Mom kanina ay nagkamali ako dahil mas nabila ako sa sinabi ni Devyn. It's as if he already knew the future and what will happen ahead of us. Like he is certain that it will be us for the rest of our lives. Pero baka nagkakamali lang ako at pinangungunahan lang ako ng imahenasyon ko sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.
Binigyan muna ako nila mom at dad ng halik sa pisngi bago kami hinayaan na makalabas ni Devyn. Pilit man nilang initinatago sa likod ng mga ngiti nila, alam kong nag-aalala pa rin sila para sa kahihinatnan ng gabi na 'to. Pero tiwala ako, may tiwala ako kay Devyn na hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari.
"May nakalimutan ako," maya-maya ay sabi niya nang makalabas kami ng gate.
Napahinto ako sa paglalakad nang huminto siya ng ilang hakbang na lang ang layo namin sa motor niya. "Ha? Ano ang nakalimutan mo? Tara kunin natin sa loob." Hahakbang na sana ako pabalik sa loob ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako na humakbang.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na ang ganda mo, Bliss Audrey." Direkta niya skong tiningnan sa mga mata habang mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kamay ko
Pinaggigilan ko ang ibabang labi ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon upang maitago ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Sinalakay ng tuwa at kilig ang puso ko na naging dahilan upang bumilis ang tibok no'n.
Pilit na itinago ko ang kilig sa sarili at pabirong umirap sa kaniya. "Mga kalokohan mo talaga, Devyn."
Ngumiti lang siya at pinisil ang kamay ko baga ako hinatak para isuot ang helmet na para sa akin. "Seryoso ako. Napakaganda mo, Bliss Audrey. Maganda ka na dati pa, pero iba ang ganda mo ngayon sa ayos mo," seryosong sabi niya habang matiim na nakatingin sa mga mata ko.
"Devyn," 'yan lang ang naiusal ko bilang sagot sa kaniya. Hindi na naman gumagana ang isip ko at hindi na nakagugulat pa ang bagay na 'yon dahil sa tuwing kaharap ko siya ay nagsisirko na ang utak at puso ko, bunubulabog ang kapayapaan no'n.
PEOPLE WILL STARE, of course. Bakit ba hindi pa ako nasanay. Nasa daan pa lang kami ay sinusundan na kami ng tingin ng mga tao. Kahit ngayon na nasa entrada na kami ng may kalakihang café na pinagdalhan niya sa akin ay nararamdaman ko pa rin ang mga pares ng mga mataang nakatingin sa akin. Gano'n na ata talaga ang awtomatikong reaksyon ng mga tao sa tuwing makikita ako.
Napahawak ako sa laylayan ng shirt niya ng makaramdam ng kaunting kaba sa bawat tingin na ipinupukol sa akin ng mga taong nasa loob. Nakikita ko rin na may mga nagbubulungan, bagaman hindi ko sila naririnig ay alam kong dahil na naman sa itsura ko ang piagbubulungan nila.
Inalis ni Devyn ang pagkakahawak ko sa lalaylayan ng damit niya at ipinalit ang sariling kamay doon, intertwining my hands with his. Masuyong ngumiti siya sa akin at bahagyang hinila para mapalapit sa kaniya.
"Don't mind them, okay? Sa akin mo lang ituon ang atensyon mo dahil hindi naman importante ang mga sinasabi nila. Ang importante lang naman ay ikaw at ako, tayong dalawa." Lumapit ang bakanteng kamay niya sa ulo ko at marahang humaplos sa buhok ko. Ibinaba niya ang ulo ko papalapit sa kaniya matapos ay ginawaran ng masuyong halik abg noo ko. "Tayong dalawa lang."
Hindi ko nagawang sumagot dahil kilala ko ang sarili ko. Alam kong maapektuhan ako sa mga maririnig ko hindi para sa akin kung hindi para sa lalaking kasama ko.
Paano kung may sabihin silang hindi maganda kay Devyn? Paano kung dahil doon ay mag bago ang isip niya sa akin at humanap na lang ng iba? Paano kung katulad nila ay ma-realize ni Devyn ang kaibahan ko sa mga normal na babaeng mas puwede niya pang maipagmalaki sa harap ng daan-daang tao?
"Bliss Audrey," malumanay na sambit niya sa pangalan ko. Napatingin ako sa kaniya ng hindi itinatago ang totoong nararamdaman. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila, kung iyan ang nasa isip mo."
Tuluyan na siyang humarap sa akin at ikinulong ang mukha ko gamit ang mga palad niya. Sinadiya niyang magpababa ng tangkad upang magawa niyang ipagpantay ang mukha naming dalawa tsaka ako masuyong ngnitian.
"Mainggit na lang sila dahil hindi sila kailanman nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isang tulad mo. Isang pagkakataon na mayroon ako dahil hinayaan mo akong manatili sa tabi mo," nakangiting sabi niya.
Unti-unti, ng dahil sa mga salita niya, unti-unting nawala ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ko. Nagawa na naman niya, sa hindi mabilang na pagkakataon, na paniwalain ako sa mga salita niya. Nagawa na naman niya na iparamdam sa akin na hindi ako kakaiba, na tao lang din ako sa kabila ng pisikal na kaibahan.
At sa unang pagkakataon, simula nang makaramdam ako ng mga estrangherong emosyon an dulot niya, nagkaisa ang puso at isip ko. Sa unang pagkakataon ay inamin nilang pareho na nahuhulog na sila para sa lalaking kaharap ko. Nahuhulog na ako, Devyn. At sana ay nando'n ka para saluhin ako.
Hinila na niya ako papasok sa loob at pinapanatili niya na maliit ang distansya sa pagitan naming dalawa dahil hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ko. Sinalubong kami ng isang lalaking sa pakiwari ko ay kaedaran lang din namin at nakipagbatian kay Devyn ng may malawak na ngiti na nakapaskil sa labi.
"Everything is set up already," imporma niya kay Devyn.
Nakangiting sumulyap siya ng tingin sa akin. Hinila ako ni Devyn palapit sa tabi niya at binitawan ang kamay ko para lang ilipat iyon sa baywang ko na naging dahilan kung bakit tuluyan nang naputol ang maliit na distansya sa pagitan naming dalawa. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya at itinago ng bahagya ang mukha ko dahil alam kong namumula na 'yon dahil sa ginawa ni Devyn na paghawak sa baywang ko.
Naramdaman kong nagbaba siya ng tingin sa akin pero hindi na ako naglakas loob pa na salubungin 'yon. "This is Bliss Audrey, my special someone."
"Woah, dahan-dahan lang kaibigan," malokong wika ng lalaking kaharap namin.
Mabilis na napaangat ako ng tingin kay Devyn dahil sa narinig. Hindi ko nagawang lingunin ang malokong tinig ng kaibigan niya dahil napako na ang paningin ko sa taong binabaliw ako. Tama ba ang narinig ko o imahinasyon na naman? Did he just introduce me to his friend as his special someone?
Nagbaba ng tingin si Devyn sa akin. "This is Emory Cruzado, a friend."
Napabaling ako kay Emory at nakita ko siyang nakahawak sa dibdib niya at umarteng nasaaaktan. "Grabe lang, kaibigan. Ang lanta ng pagpapakilala mo sa akin, ha? Kaibigan ba talaga kita? Hindi puwedeng guwapong matalik na kaibigan? O kahit guwapong kaibigan man lang kung hindi mo kayang ituring ako na matalik na kabigan."
Hindi ko naiwasan ang humanga sa lalaking nakita ko ngayon na napakaloko ng personalidad. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin ang mga kababaihan sa puwesto namin at lahat sila ay puno ng paghanga at munting inggit sa mga mata.
Sino ba naman ang hindi? Guwapo si Devyn at lapitin ng babae pero hindi ko maitatanggi na mas guwapo ang lalaking nakikita ko sa harapan ko. Nahigigitan niya si Devyn kung hitsura ang labanan, walang duda sa bagay na 'yon. May kakaiba sa kaniya na hindi ko lubusang mapangalanan. Parang may itinatago siya sa likod ng maloko niyang pagkatao, napaka misteryoso.
He looks so mysterious and that added more charisma on his jaw-dropping looks. Pangahan ang mukha niya, matangos ang ilong, may kakaoalan ang natural na kulay pulang mga labi, at may kanipisan ang mga kilay. Kaulad ng mga labi niyang palaging nakangiti ay gano'n din ang kulay kayumanggi niyang mga mata. Pero ang pinakagusto ko sa kaniya, ay ang malago at kulot niyang buhok na kayumanggi rin ang kulay.
"Finally got to meet the woman behind Devyn's praises," walang bahid ng pambobola na sabi niya at nginitian ako ng sinsero.
Naguguluhan man sa pinupunto ng mga salita niya ay ngumiti na lang ako sa kaniya. "Nice to meet you din."
Ngumiti siya sa akin ay inilahad ang dalawang kamay sa direksyon na dapat naming tahakin. "This way. Just press the buzzer if you need anything, we'll get it for you."
"Thanks, man," pasasalamat ni Devyn sa kaibigan.
Nauuna sa paglalakad si Devyn habang hawak ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa umakyat kami sa hagdanan na nagdala sa amin sa second floor ng café. Kung akala ko ay doon na kami hihinto ay nagkamali ako, umakyat pa kami hanggang sa marating naming ang rooftop ng café.
Malamig at preskong simoy ng hangin ang unang bumungad sa akin pagka-apak pa lamang ng mga paa ko sa rooftop. Kahoy ang sahig ng rooftop na mas nagpaganda lang doon.
"This is beautiful." I said full of admiration.
"You're more beautiful, schön," he said while intently looking at every angle of my face.
Sa naiilang na estado dahil sa mga titig niya ay pilit kong sinalubong ang mga mata niya. "Ano bang ibig sabihin ng salita na 'yan?" tanong ko matapos ay iginagala ang mga mata sa rooftop ng café.
Puno ng maliliit na dilaw na bumbilya ang railings ng rooftop na siyang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. May malaking projector screen sa southern part at may malaki at mabalahibong carpet na kulay pula sa northern part kung saan may mga nakakalat din na bean bags na nagsisilbing upuan. May maliit na kahoy na lamesa sa gitna ng mga bean bags at may mga snacks na rin doon at inumin.
Bumabagay ang ayos ng rooftop sa ambiance ng paligid. Dim lang ang lights at napakaromantic ng dating ng malamyos na musika na nanggagaling sa speaker na nasa southern part ng rooftop katabi ng projector screen.
"Beautiful."
"Ha?" maang na tanong ko sa kaniya ng hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Schön means beautiful." Pinakatitigan niya ako sa mga mata, ang sinseridad ay sinseridad ay walang dudang nababasa ko sa mga mata niya. "You sre beautiful, Bliss Audrey."
Natigilan ako. Maya-maya ay unti-unting kumunot ang noo ko. Kailan nga ba niya ako unang tinawag gamit ang salitang 'yon? Pinilit ko ang sarili ko na alalahanin ang unang pagkakataon na narinig ko mula sa kaniya ang salita na iyon na itinawag niya sa akin.
At halos mapanganga ako nang unti-unti na naging malinaw sa utak ko kung kalian ko unang beses na narinig ang salita na 'yon mula sa bibig niya. It was our third meeting, sa pagkakaalala ko, at nasisiguro kong tama ang naaalala ko. Naguguluhan na napatingin ako sa kaniya pero siya ay nakangiti lang sa akin na ipinapahiwatig na alam niya kung ano ang laman ng isip ko. Kalokohan.
"Yes, Bliss Audrey. Your beauty struck me that quick," nakangiting sambit niya, walang halong biro at puno ng kaseryosohan ang mga mata.
"Nagbibiro ka lang, diba? You can't possible call me beautiful while seeing how I really look like," pagtanggi ko sa narinig habang ilang beses na umiiling.
"Are we back at this again?" walang bahid ng inis na tanong niya.
"Yes," diretsang sagot ko.
Malalim siyang bumuntong hininga. Ang kamay na kanina ay nakahawak sa kamay ko ay nalipat sa mukha ko, puno ng ingat na humahaplos doon. "Bliss Audrey, katulad ng ilang beses ko nang sinabi sa iyo at hindi ako magsasawang paulit-ulit na sasambitin sa'yo, maganda ka."
Tinawid niya ang natitirang distsnsya sa pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang ginawa niyang paghalik sa tuktok ng ulo ko bago ako pinakawalan at pinakatitigan sa nga mata.
"Ano bang basehan mo ng salitang maganda?" tanong niya na ikinahahimik ko ng ilang sanadali bago nakabuo ng sagot sa tanong niya.
"'Yong taong hindi ako." Malungkot na ngumiti ako sa kaniya ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi na ata talaga mawawala sa akin ang ganitong bahagi ng katauhan ko. 'Yong katauhan na paulit-ulit na pinagdududahan ang sarili sa kabila ng mga papuri at magagandang salita ng iba.
Kasi mahirap. Mahirap silang paniwalaan lalo na at nakikita ko mismo ang sarili ko sa tuwing humaharap ako sa salamin. Babae rin ako. Gusto ko rin maranasan na maging maganda minsan. Gusto ko rin maranasan 'yong buhay na hindi ko kinakailangan na mahiya dahil sa kulay ng balat ko. 'Yong buhay na hindi ko na kakailangan na alalahanin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin.
'Yong klase ng buhay na imposible kong maranasan dahil ipinanganak akong ganito.
"Look at me, Bliss Audrey." I looked at his eyes and I see nothing but admiration. There is no judgement. There is no pity that I am so freaking tired of receiving. Just pure amazement and something deeper that I've never even dreamed to be looked at, love. "For me, aside from I love you, the word beautiful is one of the most used word in the world that people fail to understand the real meaning. People always take that word for granted."
"Hindi kita naiintindihan, Devyn," naiiling na tugon ko.
Ngumiti lang siya at hinila ako papunta sa mga bean bags at pinaupo ako sa isa habang siya naman ay nag-indian seat sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalikan pareho.
"Ang mga tao kasi, nakita lang na sexy, maganda ang buhok, maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mata, at kung anu-ano pa na pisikal na aspeto maganda na agad sa paningin nila. Kahit nga ang yaman ay nagiging basehan na rin ng kagandahan ng isang tao. Pero hindi kasi gano'n 'yon. Ang kagandahan sa pisikal na anyo ay hindi sapat na basehan para masabihan na maganda ang isang tao. Paano kung perpekto ka nga sa panlabas na anyo ng isang tao, sorry to say this, pero bulok naman ang kalooban mo?
"Ang totoong kagandahan ay 'yong tipo na hindi ka man perpekto sa panlabas pero nag-uumapaw naman sa kabutihan ang puso mo. Dahil sa mga mata Niya walang angat at walang nasa mababa, lahat ay pantay-pantay lang. At 'yon ang hindi nagagawang intindihin ng ibang tao dahil ang importante lang sa kanila ay kung ano ang nakikita ng mga mata nila at hindi ng puso nila," mahabang lintanya niya at sa buong durasyon nang pagsasalita niya ay mariing nakatitig lang siya sa akin, pilit na pinaiintindi ang punto.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kasi bawat salita niya ay may punto at tama. Ganito rin ang madalas na ipinapngaral sa akin ng mga magulang ko noong bata ako. Na hindi importante ang panlabas na kagandahan ng isang tao kung hindi naman niya kayang maging mabuti sa kapwa niya.
Imbes na masaktan dahil ang dating ng sinasabi niyana hindi nga talaga maganda ang aking pisikal na anyo ay parang may humaplos pa na mainit na palad sa puso ko dahil sa mga narinig ko sa kaniya.
Beauty is not something that we should only base on the physical aspects that we see on other people. A person's beauty is way more deeper than that. It is something that we should also feel in our heart.
"I am not saying na hindi ka maganda sa pisikal na aspeto. You are beautiful, schön. You just fail to see that kasi nakatatak na sa isip mo ang mga kaibahan mo sa iba. Masyado ka lang nasanay na ibinababa ang sarili mo kaya hindi mo magawang makita at paniwalaan ang mga nakikita ng mga tao sa'yo. Your beautiful in my eyes, not just on the physical aspect but also because I know that you have the purest heart."
"How can you say that? Wala pang isang taon na kilala mo ako." pigil ang emosyon na tanong ko aa kaniya.
"Those are just numbers, Bliss Audrey. I've known you long enough to know that you are the kindest person that I ever met in my life," seryosong sabi niya.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga narinig. He's doing it again for countless of times already. He is making me feel like I am indeed a beautiful woman behind all the flaws that I have. That I am just human, too. A human that is deserving of everything like everyone does. Deserving to be treated like a princess, deserving to love, and deserving to be loved.
At sobrang nakakataba ng puso na may isang tao na handang tanggapin ako bilang ako sa likod ng mga kapintasan ko. Na may isang tao na handang samahan ako ng hindi iniintindi ang sasabihin ng ibang tao. Ano bang mabuting nagawa ko sa buhay ko para bigyan ako ng isang tao na katulad niya?
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko sa kagustuhan na yakapin siya. I hugged him tight enough to make him feel how thankful I am to him. And more than that, I am more thankful to Him. For giving me Devyn who is man enough to show his affection towards me for everyone who can see.
"Thank you, Devyn." Hilam ang mga sa luha na nag-angat ako ng tingin sa madilim na kalangitan na napalilibutan ng maliliwanag na mha bituin at buwan.
Gumanti siya ng yakap sa akin at isinubsob ang mukha sa leeg ko, his favorite spot, I guess. "I really am falling for you, Bliss Audrey."
I am too, Devyn Braun.
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at pinakatitigan ang mukha ko. He gently brushed my cheek using the back of his hand while still staring at me like I am the most beautiful piece of art that was ever created in the whole universe.
And slowly, our distance is becoming smaller. And smaller that he's already stepping inside of my personal space, but I can't get myself to stop him from moving. Until we are only centimeters away. My gaze is fixed in his face but his is locked on my lips, intently looking at it.
He lifts his gaze up and gave me the most intense stare that he has given me so far. Alam ko ang gusto niyang mangyari, it is visibly written in his face. The desire to kiss me and taste my lips. Pero wala akong makapang pagtutol sa puso ko sa kung anumang kahahantungan nito. In fact, there's anticipation building up inside of me. Waiting for him to do what he wanted to do.
I can feel the rumbling kittens inside of the heart making my heart beats faster than its normal phase, making it harder for me to breathe but in a good way. This is the first time that someone made me feel this way.
"Bliss Audrey..." mahina at puno ng intensidad na bulong niya sa pangalan ko.
I closed my eyes when I saw him slowly closing the tiny space left between us. I can feel him so close to me and I can almost feel his lips on mine. Almost.
"Wrong timing. Sorry."
Napayuko ako at nagtago sa likod ng mga palad konang marinig ang pagbukas ng pinto kasabay nang tinig na 'yon. Hindi ko nakailangan makita kung sino ang taong 'yon na nagsalita dahil obviously, siEmory 'yon. Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko dahil sa sobrang hiyangnararamdaman. Goodnessgracious, are we really gonna kiss?
***
You are amazing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top