21: Living Nightmare
CHAPTER TWENTY-ONE
Living Nightmare
Napapantastikuhang napatingin ako sa kaniya sa kawalan ng koneksyon ng sinabi niya sa usapan namin kani-kanina lang. Seryoso pa rin ang mukha niya pero hindi na ganoon kalala ang inis na nakikita ko kung ikukumpara kanina. Minsan talaga may mga pagkakataon na hindi ko masundan ang takbo ng utak niya. Masyadong mabilis magbago ang takbo no'n at madalas akong napag-iiwanan.
"What?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Date me." Kinuha niya ang namamagang kamay ko iniangat upang dampian ng magaan at maingat na halik. "This weekend." He smiled at me, trying to hide his anger beneath it.
Maliit na ngumiti na lang ako dahil hindi ko din alam kung paanong alisin 'yon ng tuluyan. "Sige," mahinang tugon ko. Mabilis na nabuhay ang tuwa sa mukha niya habang nakatingin sa akin. "Pero dapat sa walang tao o sa wala masyadong makakakita sa atin na magkasama.
Lumalim ang gitla ng noo niya sa sinabi ko. Nabura na din ang tuwa sa mukha niya at napalitan ng pagkalito. Malamang ay naguguluhan kung bakit 'yon ang gusto ko.
"Bakit? Ikinakahiya mo ba ako?" magaap na umiling ako bilang pagtutol. "Then why?"
Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Ang totoo ay mas ako ang dapat na ikahiya niya sa oras na lumabas kaming dalawa. Sigurado kasi ako na pagtitinginan na naman kami ng mga tao sa oras na humarap kami sa publiko. Sigurado rin ako na may maririnig kaming mga salita mula sa kanila na karamihan ay hindi maganda.
Hindi naman kasi isang beses lang na nakaranas ako ng gano'n. Kahit sino pa ang kasama ko, si Kervin, si Ken, o kahit na sino pa basta nasa publiko kaming lugar ay hindi na nauubusan nang sasabihin ang mga tao. At iyon ang ikinakatakot ko.
Ayaw kong sa magiging unang paglabas namin ay 'yon agad ang maranasan niya habang kasama niya ako. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang mundo ko sa mata ng publiko. Baka hindi niya magustuhan. Baka dahil do'n ay maisip niya na hindi ako ang para sa kaniya, na may mas higit pa sa akin na magagawa niyang iharap sa mga tao na wala siyang maririnig na panghuhusga. Baka kapag natapos ang araw ay ma-realize niya na may iba pa na pwede niyang ipagmayabang sa publiko, taong hindi ako.
Ayaw kong dumating sa punto na ayawan niya ako ng dahil lang sa kundisyon kong hindi ko kailanman ginusto.
"Basta," sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Alam kong alam niya o may ideya siya sa totoong dahilan ko pero pinipili na lang ang hindi magkumento. Bumuntong hininga lang siya at ngumit sa akin. "Alright. If that's what my schön wants, then so be it."
Mariing napakagat ako sa labi ko dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Ang dating kasi sa akin ay masusunod ang kung ano mang gusto ko. Like my decision is the only thing that matters to him.
And the way he addressed me, my schön. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa narinig. It's as if he's making me his and owning me. At kakaibang ligaya ang hatid no'n sa akin lalo na at ito ang unang pagkakataon na may nagparamdam sa akin na importate akong tao.
"Thank you, Devyn," buong pusong pasasalamat ko.
Masuyong nginitian niya ako at muli pang hinalikan ang likod ng namamaga kong mga kamay bago niya sinimulan na paandarin ang kotse kasabay nang paglalakbay ng utak ko sa mga pwedeng isagot sa mga magulang ko sa mga magiging tanong nila sakin kapag nakita nila ako.
Siguradong pauulanan nila ako ng tanong bukas kapag nakita nila ako. Mabuti na lang talaga at wala sila ngayon sa bahay dahil may shooting sila ngayon at madaling araw pa ang uwi panigurado. Pero alam kong magsasabi si Yaya Rita sa kanila oras na makuwi sila.
Paniguradong mag-aalala na naman sila sa akin. At hindi malabong sisisihin na naman nila ang mga sarili nila kung bakit ako nakaranas ng ganito na hindi naman na dapat dahil hindi naman sila ang nanakit sa akin. Hindi naman namin kontrolado ang pag-iisip nila Almira.
Pero kung siyensya ang pagbabasihan ay talagang naging parte ang mga magulang ko kung bakit ako naging ganito. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit gano'n na lang kung sisihin nila ang sarili nila kahit na paulit-ulit kong sabihin na wala silang kasalanan.
"Can I ask you something, schön?" maingat na tanong niya at mabilis na binalingan ako ng tingin bago muling itinuon ang pansin sa kalsada.
"Ano 'yon?" Hinarap ko siya habang seryoso lang siyang nagmamaneho.
"How did you end up with your disorder?" maingat na tanong niya, marahil ay takot na masaktan ako.
Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin bago nagsalita. "My disorder is inherited though autosomal recessive manner," paliwanag ko.
"Enlighten me, schön." Napatawa ako nang marinig ang naguguluhang tinig niya.
"Autosomal recessive manner is a way to pass down a disorder, trait or disease through families. Sa autosomal recessive manner, kailangan may present na two copies of abnormal or faulty genes, meaning each parent should have one, para maipasa sa family member ang kondisyon o sakit."
Umayos ako nsng pagkakaupo at humarap sa tinatahak naming daan pauwi. Naalala ko na naman tuloy ang unang beses na ipinaliwanag sa akin nila mom and dad ang tungkol sa bagay na iyon. Sobrang ingat nila sa pagsasalita para lang ipaintindi sa akin ang kundisyon ko. Pero hindi naman nila nagawang maitago ang pagsisi nila sa sarili nila sa tuwing tinitingnan nila ako.
Mas lalo lang nila sinisisi ang sarili nila sa tuwing nakikita nila akong umuuwi ng may iba't ibang kulay na sa katawan noong nasa elementary at high school pa ako. Halos gabi-gabi rin na umiiyak si mom habang sinisisi ang sarili niya kung bakit naging ganito ako.
"Pareho carrier ng abnormal gene ang parents ko kaya nauwi ako sa pagiging ganito. That is also the reason why they always blame themselves on why I ended up with this condition. Ilang beses ko mang ipaintindi sa kanila na hindi nila kasalanan kung bakit naging ganito ako ay hindi ko sila magawang makumbinsi dahil alam nila ang tungkol sa bagay na 'yon," pagpapatuloy ko.
"Wala namang mali sa'yo. You're unique, special. People just need to see that." He reached for my hand and held it with so much care.
"Pero hindi lahat ng tao ay nakikita ang kung anong nakikita mo, Devyn." Malungkot na sumulyap siya sa akin na ikinangiti ko ng mapait. "Hindi lahat ng tao ay nagagawa akong tingnan ng walang panghuhusga. Hindi lahat ay handa na tumanggap ng mga kagaya ko. At mas lalong hindi lahat ay banal at santo para itago ang mga panghuhusga nila sa sarili nila."
"Bliss Audrey..." malungkot na sabi niya.
Ngumit lang ako ng mapait sa kaniya at muli na namang nag-iwas ng tingin. That's the inevitable truth. Kaya nga tanggap lang ako nang tanggap ng mga masasakit na salita at pananakit sa pisikal na paraan mula sa iba. Kasi mataggal ko nang natanggap na kahit magsaboy man ako ng milyon sa ere at ipamigay sa mga tao, ay ang makikita pa rin nila ang kundisyon ko at huhusgahan pa rin ako.
But just because I accepted all the criticisms it doesn't mean that it will hurt less. Masakit pa pero nagagawa ko na iyong hindi iyakan hindi katulad noong bata pa ako na halos bawat araw na dumaan ay lumuluha ako. Nagagawa ko ng hindi magpaapekto dahil mas nagiging doble lang ang sakit kapag nakikita ko kung paanong naaapetuhan ang mga tao sa paligid ko.
Kaya mas ginusto ko ang magtago. Mas ginusto kong ikulong ang sarili ko. Kasi sa ganoong paraan, people would not have a glimpse of my condition. By hiding, I will be able to take the liberty of the people to judge me. And there will be no hurtful words, there will be no physical damage, there will be no scars, and there will be no pain.
Or so I thought. Dahil mayro'n at mayro'n pa din talagang mga tao na gagawa at gagawa ng paraan para iparamdam sa'yo na may mali sa pagkatao mo. Na paulit ipapamukha sa'yo na kakaiba ka at hindi ka normal. Na hindi ka nararapat sa pagtanggap.
MABAGAL ang bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hagdan. Masakit ang katawan ko na talaga namang na bugbog ng husto ng mga lumilipad na bola ni Almira. Mas dumoble pa ang nararamdaman kong sakit ngayon kaysa sa kahapon.
Alas kwatro na ng hapon at hindi ko na nagawang pumasok ngayon araw na inaasahan ko nang mangyayari dahil hindi na ako pinayagan na lumabas nila Mom at Dad. Supposedly, nandito dapat sila ngayon dahil day off nila pero nagkaroon sila bigla ng shooting dahil minamadali na ang pagtapos sa pelikulang pagsasamahan nila.
My parents asked me about what happened, and I answered it honestly. Contrary to my expectation when I faced my parents, wala akong narinig mula sa kanila na sinisisi nila ang mga sarili nila. They also wanted to press charges against them but I appeased them by bargaining that I would stay in this house until I get healed. Wala naman talagang sense ang pakikipagkasundo ko sa kanila pero pumayag na rin sila sa huli.
Ayaw ko na ng gulo dahil paniguradong iingay ang mundo ginagalawan nila Mom at Dad oras na lumaki pa ang issue na puwede namang patahimikin na lang. Hindi man sila sang-ayon at mariin ang pagtutol ay nakuha pa rin nilang pumayag sa kagustuhan ko. But the pain in their eyes is evidently showing when I was talking to them
And that is one thing that I hate about my condition. Dahil kasi sa kalagayan ko ay nasasaktan ang mga magulang ko unconsciously. Dahil alam ko na kapag nasasaktan ako ay mas doble ang sakit na nararanasan nila para sa akin. But I am not losing hope. Gabi-gabi ipinagdadasal ko na sana ay dumating ang araw na hindi na masasaktan pa ang mga magulang ko ng dahil sa mga nararanasan ko. Na sana isang araw ay hindi na nila kailangan pang sisihin ang sarili nila.
"Saan ang punta mo, Bliss? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka?" Napangiwi ako sa stiktang tanong ni Yaya Rita na ngayon ay nakapamewang na sa harapan ko.
Siya agad ang bumungad sa akin nang makababa ako ng hagdan na napakahirap gawin. "Pupunta po sana ako sa kusina at kakain." Kamot ang ulong sagot ko sa kaniya.
"Dapat ay ipinatawag mo na lang si Nida para hindi ka na nagpakahirap pa na bumaba gayong alam nating pareho na masakit ang katawan mo," naiiling na sagot niya.
"Okay lang naman po ako, Yaya Rita. Nakababa nga po ako ng hagdan, e." Nagmamalaking itinuro ko ang may kataasan na hagdan namin
"Nakababa ka nga, nakangiwi ka naman sa bawat hakbang mo." Napailing siya. "Tutal at nakababa ka na rin lang ay puntahan mo na ang mga bisita mong kadarating lang din."
Magtatanong pa sana ako kung sino ang bisita na tinutukoy niya nang maglakad na siya pabalik sa kusina. Hindi ako agad nakasunod sa kaniya dahil iniisip ko kung sino ang mga bisita na sinasabi niya. Wala naman akong inaasahan na dadating at wala din namang nakapagsabi sa akin.
"Babe." Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa boses ni Kervin na narinig ko.
Galling siya sa kusina at may lampin na nakapatong sa balikat niya na nasisiguro kong para kay Maxim. Nakapambay lang siya na tshirt at shorts. Magulo rin ang buhok niya at lukot din ang damit niya siguro ay dahil sa pag-aalaga kay Maxim.
"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko.
"Visiting you, of course. Nabalitaan ko ang nangyari kay Devyn and I just want to make sure that you're doing fine."
"Where is he?"
Binalingan niya ang pintuan ng kusina. "There, taking care of my son." Muli niya akong binalingan at kahit pilit niyang itago ay nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi naman kasi siya magaling sa pagtatago ng emosyon niya kaya basang-basa mo talaga siya.
Tiningnan niya ang kabuuan ko at napapangiwi sa tuwing dadapo ang paningin niya sa parte ng katawan ko na may namumulang parte at pasa. Tumigil ang mga mata niya sa kamay ko na namamaga pa rin hanggang ngayon at parehong nakabalot sa benda. Napabuntong hininga siya at naisuklay ang kamay sa buhok, isang gawain niya sa tuwing nakararamdam ng inis.
"Okay na ako, Kervin. They didn't harm me gravely."
Tinaliman niya ako ng tingin. "That's no harm for you?" nanunuyang tanong niya at pinasadahan ako ng tingin. "That could've knock you out. Mabuti na lang at napigilan."
"I'm really, really, fine." Pinakatitigan ko ang mga mata niya para maipakita na sinsero ako sa sinabi ko.
Naiiling na pumunta siya sa gilid ko at umastang bubuhatin ako. Hindi na rin ako nagreklamo at nagpaubaya na lang sa kaniya dahil totoong masakit ang katawan ko lalo na kapag pinipilit kong kumilos.
Kumapit ako sa leeg niya at sumandal sa balikat niya at sa ganoong posisyon ikinuntento ang sarili. Nararamdaman kong naiinis, o mas tamang sabihin na galit siya dahil sa nangyari sa akin. That's Kervin. He doesn't want to see me get hurt in any ways possible. Kaya todo protekta siya sa akin at todo bantay siya sa akin para lang hindi ako masaktan ng kahit na sino. Pero hindi sa lahat ng oras ay nando'n siya. At hindi sa lahat ng oras ay magagawa niya akong iiwas sa sakit na puwede kong makuha.
Maingat na ibinaba niya ako sa sofa matapos ay lumuhod sa harapan ko para magawa niyang pagpantayin ang mukha naming dalawa.
"Did they hurt you so bad?" malungkot niyang tanong sa akin habang ang hamay ay humahaplos sa magkabilang braso ko sa napakaingat na paraan, iniiwasan na huwag akong masaktan.
"I can't even describe the pain, Kerv." I said, pain and fear visible in my voice.
"Sinong nanakit sa'yo?" seryosong tanong niya. Natahimik ako at napaiwas ng tingin nang bumaba ang mga mata niya para salubungin ang akin. "Gusto ko ng totoong sagot, Audrey."
Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo. Alam ko kasi sa oras na banggitin ko ang pangalan nila ay mas dodoble lang ang galit na nararamdaman niya.
But I chose to say the truth. Siguro sa paraan na 'yon ay magagwa kong humingi ng tulong sa kaniya kahit na hindi direkta. Siguro sa pagsasabi ko ng totoo ay magagawa kong humingi ng proteksyon mula sa kaniya na sa tingin ko ay siyang pinaka-kinakailangan ko ngayon.
Because unconsciously, I wanted to be selfish by wanting Kervin's protection. Dahil siya lang naman ang taong simula pa lang ay hindi na nagsawa na protektahan ako mula sa mga taong nananakit sa akin.
"They're Ruby's friends," sagot ko sa kabila ng takot na unti-unting nararamdaman ko.
I can still feel her stares. I can still vividly see the murderous look that she's throwing at me. I can still feel the excruciating pain that I felt when she ripped the skin on my shoulder apart, letting my blood flow like a river.
I can still feel it. The horrendous feeling like I was back in that situation once again, where I almost beg them to just end my life.
"What?!" galit na tanong niya.
Mabilis na napatayo siya dahil sa sinabi ko. Nakarinig din ako ng mga yabag na nagmumula sa kusina kaya agad na napalingon ako roon. Nakita ko si Devyn na karga-karga si Maxim habang may pag-aalalang nakatingin sa aming dalawa ni Kervin.
"Are you sure about that?" galit na tanong muli ni Kervin kaya muling napabaling ako sa kaniya.
Kilala niya si Ruby at alam niya kung ano ang ginawa nila sa akin noon. Kaya hindi na nakakagulat ang galit na inaasahan ko na mula sa kaniya.
Kervin was there the whole time I was fighting to live again. Nando'n si Kervin para paulit-ulit na iparamdam sa akin na ligtas na ako at wala ng makakapanakit pa sa akin na kahit sino. He saw how I struggle to fight my fears. He winessed how I tried lived my life again despite the horror that is consuming my whole being.
He helped me fight my anxiety attacks everynight by sticking with me and singing me to sleep. Ni minsan ay hindi niya ako iniwan sa ilang buwan na paglaban ko para mabuhay. Halos dito na siya sa araw-araw na pananatili para lang samahan ako at damayan ako. He is a big part of my and the reason why I am still breathing and alive. Dahil kung wala siya noong mga panahon na 'yon, hindi ko alam kung nabubuhay pa rin ako ngayon.
"Nandoon ba siya?" nag-aalalang tanong niya.
Tiningnan niya ako na puno ng pag-aalala at takot para sa akin. May pagsisisi rin ako na nababasa sa mga mata niya. Siguro ay dahil hindi niya ako nagawang maprotektahan sa kamay nila.
Marahang umiling ako. "Wala siya do'n. Pero..." Nsmasa ang mga mata ko sa luha kasabay nang pagdagundong sa kaba at takot ng puso ko.
"Pero ano?"
"Pero alam ko na alam niya ang ginagawa sa akin ni Almira," kinakabahang pagpapatuloy ko.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Katulad ko ay napuno rin ng takot ang pag-aalala ang mukha niya. Hinila niya ako plapit sa kaniya at binigyan ng yakap na para bang magagawa no'n na alisin ang takot sa puso ko. But I know that it wasn't enough to ease my worry about what Rubt could possibly do to me.
"ALMIRA IS SUSPENDED indefinitely while the investigation is on-going. While the other two are under surveillance. Gustuhin man ng faculty na ma-suspend din sila Barbara at Lexi ay hindi naman puwede dahil hindi sila involve sa pananakita sa'yo," Veda said while intently looking at my hand.
"Stop staring at my hands, Veda. Wala kang superpowers at hindi 'yan gagaling agad sa tingin mo lang," natatawang sabi ko para pagaanin ang kapaligiran.
"Kung bakit ba naman kasi umatake ang kabaliwan ni Almira, e. Ang ipinagtataka ko lang talaga," pambibitin nita at tumingin sa akin na parang may inaalam na kung ano. "Bakit parang ang laki ng galit nila sa'yo?" Napaiwas agad ako ng tingin at alam kong dahil sa ginawa ko ay nalaman niya na may itinatago ako sa kaniya. "So, alam mo? Kilala mo sila at kilaka ka nila?"
Sumuskong tumingin akong muli sa kaniya. "It's a long story Veda."
Umarko ang kilay niya. "Well, news flash Bliss. We have the whole night to talk."
Napabuntong hininga ako at umayos ng pagkakaupo sa sofa sa salas namin. Veda visited me after our class earlier to give me the notes that she has for me. At dahil gabi na rin ay hindi na siya hinayaan pang umuwi ng parents ko at dito na lang pinatulog nang makausap ko sila sa cellphone kanina.
And it's almost ten o'clock now and we still doesn't have any intention to sleep. Um-absent din kasi siya sa trabaho para lang samahan ako ngayong gabi
"Spill."
Muli akong napabutong hininga bago nagsalita. "I was in 7th grade noong una ko silang nakita habang grade 10 naman sila. I think nasa kalagitnaan na ng school 'yon when they first started to bully me, verbally at first," panimula ko.
Pilit man na itinatago ni Veda ang awa na pilit kumakawala sa mga mata niya ngunit hindi niya yon napagtagumpayan. Nababasa ko ang lungkot at awa na naghahalo sa mga mata niya habang matamang nakikinig sa akin. Mapait na ngumit lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkukuwento.
"Lahat na ata nang pang-iinsulto na may kinalaman sa kundisyon ko ay naibato na nila sa akin. Hindi ko na lang sila inintindi kasi ang akala ko ay magsasawa rin sila at kusa lang din silang titigil kapag nakita nila na wala silang mapapala sa akin. But I was wrong," naiiling na sabi ko. Mabilis na nangilid ang luha ko pero nilabanan ko ang pagpatak no'n. "It was one month before vacation when they started to do it physically. Paunti-unti at dahan-dahan nila akong sinaktan. From the very light physical damage that they gave me up to the darkest moment where I thought I would never see the sun rise again. And that day, they became worst. They became more brutal."
Ibiinaba ko ang collar ng suot kong manipis na hoody hanggang sa lumiitaw ang dulo ng mahabang peklat sa balikat ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. I can also see horror and pity in her eyes pero ipinagsawalang bahala ko 'yon dahil sanay na ako.
But I don't need anyone's pity. Hindi naman kayang tanggalin ng awa nila ang ala-ala ng bangungot ng idinulot sa akin ng grupo nila Ruby. Hindi kayang alisin ng awa ng mga tao sa paligid ko ang takot na patuloy pa ring naninirahan sa puso ko kahit na taon na din ang lumipas.
The fear is still there. The vivid memories are still giving me nightmare from time to time. Pero wala akong magawa. Kahit ako ay walang kakayahan na alisin ang takot sa puso ko lalo na ngayon na alam kong nasa paligid lang ang mga taong nagbigay sa akin ng bangungot na 'yon. They are like hunters, cruel hunters, waiting for their prey. And sadly, the chose me to be their target.
"One of Almira's friend, Ruby, did this. Hindi ako sigurado kung ano ang eksaktong nangyari bago kami nauwi sa gano'ng tagpo. Nagising na lang ako na nasa isang bakanteng classroom na lang kami at pinapalibutan na nila ako." Tumulo ang luha sa mga mata ko nang muling manumbalik sa ala-ala ko ang tagpo na 'yon na gusto ko mang kalimutan ay hindi ko magawa. Dahil nakaukit na sa memorya ko ang bawat pangyayari sa araw na 'yon.
"Then things started to get worse than it already is, Ruby became hysterical, murderous. Para siyang nababaliw nang mga panaho na 'yon, she was out of herself. Mas malala pa kaysa kay Almira noong pinagbabato niya ako ng bola ng basketball. Then she did this, she put a scar on my body saying that I was too plain in her sight. That my skin color doesn't suit her taste. A scar that would remind me of that nightmare every passing day."
Walang salita na lumabas sa mga labi niya nang matapos akong magsalita. Tinuyo ko ang mga luha ko at nginitian siya kahit na alam kong peke ang naging dating no'n.
Nakatingin lang siya sa akin na pilit itinatago ang awa. Walang imik na lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko sa napakasuyong paraan. She looks determine over something, like she would willingly sacrifice herself just to protect me.
"Hindi ko hahayaan na saktan ka nila ulit," puno ng deteinasyong wika niya. "Hindi ko hahayaan na may gawin ulit sila sa iyo. I would do everything even if it takes me my own life, Bliss."
Umiling ako. "No need for that, Veda. Kaibigan mo lang ako. And I am not deserving of your life, not that it's going to happen."
"That's the point. You are my friend."
I didn't dare utter another word. What she said is overwhelming. And the determination in her eyes speaks for her promise to protect me for I am her friend.
MABAGAL NA NAGLALAKAD ako patungo sa classroom namin para sa unang klase ngayong hapon. Nasa tabi ko si Veda na todo alalay sa paglalakad ko bagaman magaling na ako ay may kaunting sakit pa rin na nararamdaman. Devyn isn't here even if he wanted to because of some personal reason I don't know.
Bigla na lang kasi siya umalis nang makatanggap ng tawag matapos ako maihatid kanina. He didn't say his reason and I respected that. Mabuti na lang nasa parking lot si Veda na sadiya akong hinintay para alalayan. Masakit pa rin ang pangangatawan ko at hirap pa rin sa paglalakad. Maging ang mga pasa ay kita pa rin bagaman unti-unti nang nawawala.
Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Mason at Rick na kapwa blockmates namin. Bumadha ang pag-aalala sa mukha nilang dalawa nang makita kami at mabilis na lumapit sa amin para umalalay din. Sa bakanteng espasyo ko sa kaliwa tumayo si Mason habang nakaalalay ang kamay sa likod ko.
"Hindi kaman ako imbalido at nakapaglalakad pa rin naman ako," natatawang sabi ko.
Bumaba ang tingin sa akin ni Mason at napangiwi nang masulyapan ang pasa sa braso ko. "That crazy witch."
"Man, what they did was so brutal," segunda ni Rick na naiiling din.
"Kung puwede ko lang sabunutan ang babaeng 'yon ginawa ko na," gigil na sabi ni Veda.
"Na mabuti ay hindi mo ginawa dahil baka ikaw naman ang ma-suspend," angal ko.
Nauwi sa tawanan ang mabagal na paglalakad namin dahil sa mga malokong banat ni Mason at Rick na pinag-uusapan ang babaeng natitipuhan ni Mason.
Napaangat ako ng tingin sa dalawang lalaking sa unang tingin ay puro kalokohan lang alam gawin. Mason is a very playful and carefree guy. And Rick is a happy kid, palaging nagjo-joke para mapatawa ang mga taong nakapalibot sa kaniya. Puro online games man ang alam nila sinisiguro naman nila na hindi sila bumabagsak sa anumang asignatura.
Sabay-sabay na napahinto kami sa paglalakad nang huminto ang dalawang tao sa harapan namin. Mabilis na napaatras ako nang gumuhit ang isang nakakikilabot na ngisi mula sa mga labi ng dalawa. Bumangga ang likod ko sa kamay ni Mason na nakaalalay sa likod ko kanina. Mariing humigpit din ang kamay ni Veda na nakahawak sa kamay ko at hindi ko alam kung siya pa nga ba talaga ang mahigpit na nakahawak sa akin o ako na ang nakahawak sa kaniya.
"Boo," nakangising wika ni Barbara na parang isang bata ang kaharap na tinatakot.
"Get lost you two," bagot na turan ni Mason.
Ricky took a step forward, almost stoping right in front of me but not enough to block my view of the two. Ang ngisi ng dalawa ay naroon pa rin habang sabay na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
At habang tumatagal ay palaki lang ng palaki ang ngisi ng dalawa. Muling pumirmi ang mga mata ni Lexi sa mukha ko na hindi itinatago ang disgusto roon.
"Those bruises looks good on you," nanunuyang wika ni Lexi.
"I bet, Ruby likes what Almira did." Nanlamig ang buong katawan ko sa kaba nang marinig ang pangalan na binaggit ni Barbara.
She took a threatening step forward that is immediately followed by my shaky step backward. Maging ang kamay ni Mason na nasa likuran ko ay hindi n nagawa pang pigilin ang paghakbang ko patalikod nang makaramdam ng takot para sa mga taong nasa harapan namin ngayon.
Hindi ako nag-iisa at may mga taong nasa tabi ko pero hindi 'yon sapat para alisin ang takot sa puso ko. I feel suffocated by just their mwre presence. Alam ko ang kaya nilang gawin. Alam kong magagawa nila ang mga bagay na gusto nila kahit pa may ibang taong nakapaligid sa kanila.
I should know. Hindi lang naman iisang beses na ginawa nila sa akin 'yon. At hindi sila mapipigilan ng suspension lang. Because they play smart. Katulad na lang ngayon na suspended man si Almira ay nananatili pa rin ang dalawang alipores ni Ruby para guluhin ako.
"Back off, will you?" naiiritang sabi ni Veda sa dalawa.
"Shut up. We're not ven after you so why do you keep on opening that mouth of yours?" Pinukol ng mataray na tingin ni Lexi si Veda.
Napahigpit pang lalo ang pagkakahawako ko sa kamay ni Veda sa takot, hindi para sa akin kundi para sa kaniya. I can't help it but to blame myself, again. Hindi naman kasi aabot sa ganito kung hindi dahil sa akin. Hindi ko naman mararanasan ang lahat ng 'to kund hindi dahil sa sakit ko.
And I can't let important people in my life just because I was born like this. Hindi ko puwedeng yaan na maging sila ay madamay at masaktan din ng nga taong may galit sa akin.
But what can I do? I can't even protect myself. I can't save myself. Kaya paano ko magagawang protektahan sila gayong ang sarili ko ay hindi ko magawang isalba mula sa malulupit na kamay nila.
Barbara and Lexi took another step forward but Rick and Mason was quick to block them before they could even reach me. Hinila ako ni Veda palapit sa kaniya at mas itinago pa sa malalaking bulto ng dalawang lalaking nagpo-protekta sa amin ngayon.
"We don't hurt girls. So, don't make us," babala ni Mason sa malalim at nakakatakot na boses.
"Wow, saviors," saekastikong komento ni Lexi na hindi man lang kababakasan ng takot sa kabila ng malalaking pangangatawan ng dalawang lalaking nasa harapan ko.
"Umalis na kayo. Sa tingin niyo ba hahayaan naming saktan niyo si Bliss? Kami muna bago kayo makalapit sa kaniya." Napaangat ang tingin ko sa likuran ni Rick nang sinabi niya 'yon.
Mabilis na pinuno ng luha ang mga mata ko sa narinig. My heart was instantly filled with warmth and gratitude towards these two people. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na tutulungan nila ako ng ganito, na po-protektahan nila ako.
We all are not close, we rarely talk. Kung hindi kami magsasama-sama sa iisang grupo ay imposibleng mag-usap kami. We run into different worlds. Pero ngayon na itinatago nila ako sa likuran nila para protektahan, nakararamdam ako ng nag-uumapaw na pasasalamat sa kanilang dalawa.
"Scary," puno ng sarkasmong tugon ni Barbara sa sinabi ni Rick.
Mula sa maliit na siwang sa pagitan nina Mason at Rick ay sumilip si Barbara na walang emosyon ang mga mata na nakangisi sa akin. And that immediately made my body shiver in fear. Because that's the exact same look that I saw when Ruby did something to me brutally.
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga tingin na 'yon dahil kahit sa panaginip ay sinusundan ako no'n. At ang kaba at takot na nararamdaman ko simula nang araw na 'yon ay hindi na naalis pa sa akin, bagkus ay nadadagdagan lang sa bawat pagkakataon na nakikita ko sila na mga kaibigan niya.
"Always keep yourself surrounded by people who can guard you, little Bliss," nakangising sabi niya. "Huwag mong hahayaan na mag-isa ka. Baka hindi na namin palagpasin ang pagkakataon at ibigay ka na agad sa kaniya." Pinukol niya ako ng matalim na tingin bago umalis kasunod si Lexi.
Mabilis na nanginig sa takot ang katawan ko kasabay nang pagyakap sa sarili na parang magagawa no'n na ikubli ako mula sa mga ng mga tao. Hindi ko nakailangan ng iba pang detalye para mapagsino ang tinutukoy na 'yon ni Barbara. She's pertaining to Ruby.
Napuno ng takot ang buong pagkatao ko at hindi ko alam kung paanong pahuhupain 'yon. Tila nawala ako sa reyalidad kung nasaan ako at muling ibinalik sa mga panahon nakasadlak ako sa sulok ng classroom habang pilit na isinisiksik ang sarili para magtago. Muling nanumbalik sa memorya ko ang paulit-ulit kong pagmamakaawa na palayain na nila ko.
"Bliss, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Veda na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Unawang ang mga labi ko upang magsalita pero walang lumabas ba kahit na ano mula roon. Nakapako lang ang paningin ko sa kaniya at tahimik ba pinapakalma ang sarili.
Ilang beses akong huminga ng malalim habang pilit na inaalis ang takot sa puso ko. Maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay pilit ko ring ginagawa kahit na napakahirap gawin no'n.
"Relax, Bliss. Nandito kami, hindi ka namin pababayaan," pag-aalo ni Mason sa akin sa seryosong boses.
"Hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sa'yo, okay? Relax now, you're shaking." Ngumiti si Rick sa akin.
Napangiti ako sa mga naririnig ko. I can feel their sincerity and I feel like I was covered by a security blanket through them. Nakagagan ng pakiramdam at nawawala pansamantala ang takot ko dahil sa mga assurance na ibinibigay nila.
But even after hearing all that, after all their reassuring words, I can't get myself to ease the fear that has been lurking in my heart for a very long time. There's something in me that's telling me that Ruby is not yet done with me, na hindi lang dito natatapos ang mga puwede kong pagdaanan sa kamay nila.
***
You are special.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top