19: ---

CHAPTER NINETEEN

Walang imik na lumabas ako ng sasakyan nang pagbuksan ako ni Devyn ng pinto ng saskyan niya. Lutang ang isip ko sa buong durasyo ng biyahe at hindi ako makapagisip ng matino. Gustuhin ko man ang magsalita ay hindi ko magawa sa takot na may msabing makakapagdulot ng sakit sa taong walang ibang ginwa kung hindi ang punuin at busugin ako ng saya at iba pang kakaibang pakiramdam.

Hindi ko inakala na gano'n ang maririnig ko na kuwento mula kay Isa. Ngayon ay lubusan ko ng naiintindihan ang pinanggagalingan ni Devyn nang sabihin niya na wala lang ang naging relasyon nila ng kaibigan ko. Dahil totoong walang ibig sabihin ang namagitan sa kanilang dalawa. Totoong hindi nila minahal ang isa't-isa dahil ibang tao ang mahal ni Isa.

Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Devyn nang kuhanin niya 'yon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganito katatag sa kabila ng mga pinagdaanan niya. At hindi ko din mapaniwalaan kung paanong wala akong nakikitang galit sa kaniya mga mata niya sa tuwing tinitingnan ni Isa, na siyang sa tingin ko ay mararamdaman ko kung ako ang nasa posisyon niya.

"May problema ba?" bakas ang pag-aalala sa boses na tanong niya.

Palihim akong lumunok para alisin ang bumabara sa lalamunan ko. "Wala naman." Hindi lang ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Gusto ko siyang usisain tungkol sa mga nalaman ko pero hindi p'wede. Hindi ko siya p'wedeng pangunahan. Natatakot ako sa maaaring maging kalabasan kung ipipilit kong alamin ang mga bagay na gusto kong malaman. Hindi pa ako handa na makita ang isang bahagi ng pagkatao ni Devyn, pagkatao na nasasaktan at nahihirapan.

Hindi ako sigurado kung buong detalye na ba ang narinig ko mula kay Isa pero sapat na 'yon para makaramdam ako ng kapanatagan para sa mga bagay na bumabagabag sa akin. I also don't want to push any of them to give me full details. Tapos na rin naman na 'yon at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kaunting takot sa puso ko na hindi ko alam ang pinanggagalingan.

"Go inside now. Alam kong pagod ka na," nakangiting sabi niya.

Tumango ako pero hindi pa rin bumibitaw sa kamay niya na siyang dapat ay ginagaw ko na ngayon. Parang may sariling utak na kumilos ang mga kamay ko para yakapin siya sa baywang at inilapat ang pisngi ko sa dibdib niya. Sa posisyon na 'yon ay nagawa kong pakinggan ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya at alam kong repleksyon ng akin.

Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko, kahit naman ako ay nagulat din sa mga kilos ko dahil hindi ako ang tipo na bigla na lang nangyayakap lalo na sa kaniya. Pero ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Ang iparating sa kaniya na nandito lang ako sa oras na kailanganin niya ng masasandalan.

Gumanti siya ng yakap, mas mahigpit sa yakap na ibinibigay ko sa kaniya. Mas nagsumiksik ako sa kaniya habang siya naman ay nagsumiksik sa leeg ko. Sobrang pagpipiigil ang ginawa ko upang hindi umiyak nang muli na namang pumasok sa isip ko ang naging usapan naming ni Isa.

"Did Isa tell you?" mahinang tanong niya at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Bumuntong hininga siya at umayos ng tayo bago inangat ang mukha ko gamit ang isang kamay nang hindi bumibitaw sa katawan ko ang isa pa. Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya. Ngayon ay nakikita ko na ang lungkot na ngayon niya lang hinayaan na makita ng kahit na sino. Pero alam ko na wala pa ang nakikita ko ngayon sa totoong nararamdaman niya.

How can this man be so good in hiding his emotions?

"I'm fine, Bliss Audrey," sabi niya ngunit ang dating sa akin no'n ay mas kinukumbinsi niya ang sarili kaysa sa akin na kausap niya.

Gusto kong kontrahin ang mga sinasabi niya dahil alam kong malayo siya sa pagiging okay. Oo nga at isang taon na rin ang lumipas simula nang mangyari 'yon pero hindi gano'n kadali na kalimutan na lang. Dahil hindi ko man naranasan ay alam kong masakit ang pinagdaanan niya.

Kung ako ang nasa katauhan niya ay sigurado akong hindi ko kakayanin ang mga bagay ba napagdaanan niya. Sigurado ako na maya't-maya ang magiging breakdown ko. Masyadong masakit 'yon, higit na mas masakit dahil maraming tao ang apektado sa nangyari. Pero hanga ako sa tatag niya. Dahil nagawa niyang bumalik at magpatuloy sa pamumuhay na parang hindi siya nasasaktan. At kahanga-hanga na nagagawa niyang harapin si Isa ng walang galit o paninisi na mababasa sa kaniya.

"Really, okay lang ako," pagkukumbinsi niya at tunay na ang ngiti na ibinigay niya sa akin sa pagkakataon na ito.

"You're a great man, Devyn," mula sa pusong sabi ko.

"I am not." Kokontra pa sana ako nang maunahan na niya akong magsalita. "May mga maling desisyon din ako na nagawa sa buhay na pinagsisisihan kong lubos hanggang ngayon. At isa na ang naging relasyon namin ni Isa sa mga 'yon." Bumaba ang mukha niya upang gawaran ng masuyong halik ang noo ko. "Get inside. Kailangan mo na ng pahinga."
"Ikaw din, magpahinga ka na rin," sabi ko kasabay nang paghiwalay sa kaniya.

"I'll pick you up on Tuesday, alright?" Tipid na ngumiti ako bilang sagot.

Aayaw pa ba ako kung 'yon din naman ang gusto kong mangyari? Karupukan at its finest.

"And I am courting you now, right?" seryosong tanong niya. Kumabog ng malakas ang puso ko at umawang ang bibig ko sa walang preno at pabigla-biglang salita niya, na para bang hindi seryoso ang naging takbo ng uspan namin walang pang isang minuto ang nakakaraan. "Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, pumayag ka man o hindi ay liligawan kita." Hindi pa rin ako nakapagslita kahit na lumapit na siya sa akin at muling hinalikan ang noo ko. "I can't wait to finally say those words to you, Bliss Audrey."

Pinigilan ko ang sarili ko na mapaatras at mapalayo sa kaniya nang maramdaman ang sabay na paglukob ng takot at kaba sa puso ko nang dahil sa mga sinabi niya.

Natatakot ako sa mga walang katapusang negatibng posibilidad na maaaring mangyari sa mga susunod na bukas. I don't want Devyn to witness my missery that may possibly cause him to dislike me. That's the scariest part.

"Hindi ka ba natatakot?" wala sa sariling tanong ko at nagbaba ng tingin sa mga paa ko.

"Saan?" naguguluhang tanong niya pabalik.

Pigil ang anumang emosyon na tumingin akong muli sa mukha niya. "Maling tao ang nagugustuhan mo, Devyn."

Ako mismo ang nasasaktan sa mga sinasabi ko. Ako mismo ang nananakit sa sarili ko sa pagsampal ng katotohanan na kahit kalian ay hindi magiging normal sa paningin ng mga tao ang katotohanan na nagkakagusto siya sa isang katulad ko.

Sumama ang mukha niya at bahagyang napatiim-bagang sa pagpipigil marahik ng inis sa sinabi ko. Alam ko na dahil 'yon sa sinabi ko kaya naging ganito ang reaksyon niya. Pero hindi niya kasi naaintidihan, katulad ng hindi pag-intindi ng mga tao sa paligid ko. Dahil hindi sila ako. Dahil normal sila hindi katulad ko na kakaiba.

Oo at nagawa ko ng makapagtanghal sa harap ng maraming tao. At dahil do'n ay unti-unting bumubukas ang rehas ng kulungan kung saan ko ikinulong ang sarili ko at nagagawa ko nang unti-unting tanggapin ang sarili ko. Pero hindi pa sapat ang pag-tanggap na 'yon para pasukin ko ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko pinanggarap, ang makipag-relasyon.

"Hindi mali ang mahalin ka," punung-puno ng emosyong wika niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Nilabanan ko ang panlalambot ng tuhod ko ng marinig ang puno ng emosyon na sinabi niya. Kulang ang salitang sinsero para maisalarawan ko ang mga pinaghalo-halong emosyong ipinakikita niya sa akin. Hindi lang puso ko ang naapektuhan sa sinabi niya dahil buong pagkatao ko ang naapektuhan na naging dahilan ng panlalambot ko. Sobrang seryoso ng pagkakasabi niya, pilit ipinapaintindi ang punto niya napaulit-ulit ko naman na pinagdududahan.




"BILIB AKO SA batang 'yon," nakangiting sabi ni mom habang tutok ang mga mata sa malaking flat screen tv kung saan kasalukuyang pinapanood nilang ang hindi ko alam kung anong episode ng Doctor John.

Sama-sama kami ngayon sa salas kasama ang tatlong aso ko na pare-pareho ng naka-pwesto sa sahig maliban kay Yogurt na nasa kandungan ko. Napapagitnaan ako nila Mom and Dad na enjoy sa panonood ng palabas na siyang paborito nilang dalawa.

"Mom?" naguguluhang tanong ko sa kawalan ng ideya sa sinasabi niya.

"That Devyn guy," natatawa at bumibilib na pagpapangalan ni Dad sa taong tinutukoy ni Mom.

Muli na namang nabuhay ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko nang banggitin ni Dad ang pangalan ng lalaking nagdudulot sa akin ng halo-halong emosyon. Hindi na nasundan ang naging paguusap namin matapos 'yon dahil nagpasiya siyang bigyan ako ng oras para makapag-isip na siyang lubos na ipinagppasalamat ko.

Dahil oras ang siyang pinaka kinakailangan ko sa ngayon. Kailangan kong linawin ang takbo ng isip ko at hindi magpabara-bara ng desisyon na baka pagsisihan ko lang sa huli. Ayaw kong magmadali lalo na at hindi magkasundo ang isip at puso ko na palagi na lang nangyayari kapag involve na si Devyn.

Ngayon kasi na naging malinaw na sa akin ang namagitan sa kanila ni Isa, ay pilit na namang humahanap ang utak ko ng panibagong dahilan upang tumutol sa kagustuhan ng puso ko.

"Anong mayro'n?" pilit na pinapormal ko ang boses ko para itago ang kuryosidad ko.

Umakbay sa akin si Dad bago nagsalita. "Noong dinala mo siya rito, pormal na humingi siya ng permiso."

Biglang dumagundong ang kaba sa puso ko ng kusang bumuo ng teorya ang utak ko sa magiging takbo ng usapan na 'to. Bakit naman niya gagawin 'yon? Pero si Devyn ang pinaguusapan. Kulang na kulang ang salitang 'mabuti' para ilarawan kung gaano kaganda at kabuti ang kalooban niya. Si Dveyn na ginagawa ang lahat ng sa tingin niya ay tama. Katulad ng permiso na tinutukoy ni Dad.

"Kinakabahan pa siya habang kinakausap niya ang Dad mo," pagpapatuloy ni Mom sa kuwento. Pinatay niya ang tv bago nagniningning ang mga mata na tumingin sa akin. "Pero sa kabila ng kaba niya ay nilakasan niya ang loob niya para gawin ang talagang pakay niya nang gabing 'yon. At natutuwa ako na may kabataan pa palang natitira sa mundo na katulad ni Devyn, maginoo."

Bihira akong makarinig na pumuri si Mom ng isang tao. Palagi lang niyang sinasarili ang mga nakikita at napapansin niya tungkol sa ibang tao, mabuti man o masama. Pero ngayon na nakikita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata niya ay nasisiguro ko na totoo ang bawat sinasabi niya tungkol kay Devyn.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa pinaghalong tuwa at kaba sa mga naririnig ko mula sa kanila. Tuwa dahil sa gusto ng mga magulang ko si Devyn. Tuwa dahil hindi lang ako ang nakakaita ng mga kabutihan niya kundi maging ang ibang tao rin.

Kaba dahil alam ko ang pinupunto ng usapan namin pero natatakot akong pakinggan hanggang dulo. Dahil alam ko na kapag narinig ko ang buong kwento ay bibigay na ang utak ko at susuko sa kagustuhan ng puso ko.

"He asked us for permission for him to court you," dad continued.

Expected ko na 'yon pero iba pa rin ang epekto kapag may kumpirmasyon mula sa kanila. At dahil sa sinabi ni Dad ay tuluyan nang sumuko ang utak ko at unti-unti nang natitibag ang takot na bumabalot sa puso ko dahil patunay ang mga sinasabi nila na seryoso siya sa intensyon niya sa akin.

"Pero dahil takot din kami kagaya mo," mahinang wika ni Mom at malungkot na ngumiti. "Sinabi namin na hindi kami payag sa gusto niyang mangyari. Ayaw ka naming masaktan pa dahil masyado ng masakit ang mga napagdaanan mo dahil lang sa kalagayan mo na walang may gusto."

"Pero alam mo ba ang sinabi niya para kumbinsihin kami?" puno ng paghangang sabi ni Dad. Nakikita ko ang naglalarong paghanga na nahahaluan ng tuwa sa mga mata ni Dad. "Mag-hahanap daw siya ng balon para mag-igib ng tubig araw-araw kahit na sapat na ang supply natin no'n. At magsisibak din daw siya ng kahoy kahit na uso na ang gas at induction," natatawang kuwento niya kaya pati ako ay nahawa na rin nang matawa silang dalawa. "Pero mas bumilib ako nang sinabi niya na araw-araw daw niya kaming liligawan ng mommy mo hanggang sa payagan na niya kaming ligawan ka."

"Tinanong ko siya kung bakit sa rami ng mga babae na sigurado akong nagkakandarapa sa kaniya ay ikaw ang napili niya." Kinabahan ako sa pambibitin ni Mom. Kahit ako ay 'yon din ang tinatanong na hindi ko magawang isatinig kapag kaharap siya dahil natatakot ako sa mga maririnig kong sagot mula sa kaniya. "At ang sabi niya, hindi siya ang pumili sa'yo kundi ang puso niya."

Nangilid agad ang luha ko wala pa mang ilang segundo nang sabihin 'yon ni Mom. Hindi 'yon ang sagot na inaasahan kong maririnig mula sa kaniya, ni hindi ko nga alam kung ano ang talagang inaasahan kong sagot. Ang nasa isip ko lang ay negetibo at walang kasawaan na negatibong mga bagay na makakapanakit sa akin.

"Ang sabi niya, noong unang beses ka niyang nakita ay alam na niya sa puso niya na ikaw ang babaeng mamahalin niya at bubuo sa buhay niya. He said that he doesn't need to have any reason not to fall for someone like you. And he doesn't need to justify to other people why it was you whom his heart chose."

"Hindi namin alam ang desisyon mo, pero gusto namin na subukan mo." Tinuyo ni Dad ang mga pumatak na luha sa pisngi ko bago ako hinagkan sa noo. "Walang masama kung susubukan mo, anak," pagpapaintindi niya sa akin.

Mas lalo akong naluha sa mga sinabi niya. Naiintindihan ko naman ang gusto nilang iparating sa akin pero takot ako. Takot ako sa magiging tingin ng mga tao sa lalaking sentro ng usapin namin ngayon kung malalaman ng mga tao na nililigawan niya ako. Paniguradong hindi matatapos ang bulungan ng mga tao sa tuwing magkakasama kaming dalawa.

At panigurado ring hindi kami lulubayan ng tingin ng mga tao na palihim na nanghuhusga. At 'yon ang mga bagay na pumipigil sa akin. Ayaw ko siyang idamay sa kamiserablehan ng buhay ko.




MULI AKONG NAPABUNTONG hininga habang nakikipagtitigan sa kisame ng kwarto ko na para bang magagawa no'n pag-isahin ang desisyon ng puso at isip ko. Masyado na akong nagugulahan sa dati ay tahimik kong buhay. Masyadong maraming bagay ang naglalaro sa isip ko.

Una ay ang naging usapan namin ni Isa noong isang araw. Pangalawa ay ang naging usapan naman namin ng mga magulang ko tungkol sa panliligaw ni Devyn sa akin at ang pagpapaalam niya sa mga magulang ko.

Pero ang mas higit na umuukopa sa isip ko ay ang taong naging sentro ng lahat ng 'yon, si Devyn. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa niya noong mismong araw ng play. Hindi na rin ako pinatahimik ng mga nalaman ko mula sa magulang ko kanina. Kung paanong kinumbinsi niya ang mga magulang ko para lang payagan siya na ligawan ako.

Nagyon ko pa lang nararanasan ang kumawala sa kulungang kinalalagya ko. Natatakot pa rin ako sa mga posibleng kaharapin ko sa hinaharap. At hindi ako sigurado kung handa na ba ko para sa isa na namang yugto na hindi pa man nagsisimula ay kinatatakutan ko na.

Nawala ang atensyon ko sa mga naiisip ko sa pag-iingay ng cellphone ko na nasa bedside table sa kaliwang bahagi ng kama ko. Agad na kinuha ko 'yon at bahagyang napangiti nang makita ang taong gustong makipag video call sa akin through messenger. Si Ken na isang buwan na ring hindi nagpaparamdam.

"Baby! I miss you so much baby!" malakas na sigaw niya habang nakatutok ang camera ng cellphone niya sa mukha niya na sakop na ang buong screen sa lapit. "How are you?"

Nagkibit-balikat ako sa kawalan ng maisasagot. "I'm fine, I guess?" alangang tanong ko na bahagyang nagpakunog ng noo niya. "Ikaw? How's life in there?"

"I'm doing fine. Except from the fact that I miss you so bad," parang batang sabi niya. Napangiwi ako nang makita ko ang sadiyang pagnguso niya na halatang ginawa niya lang para mag pa-cute.
"Kalakohan mo hanggang diyan ay dala-dala mo," nangingiting sambit ko.

"Totoo ang sinasabi ko," pagpipilit niya. "Oo nga pala, may video na sinend sa akin si Kervin. It was your play, I think." Nawala ang kaninang saya at excitement sa boses niya. Maging ang kislap ng tuwa sa mga mata niya ay nawala rin at mabilis na napalitan ng lungkot.

Unti-unting nabuhay ang kaba sa puso ko nang magkaroon ng ideya sa kung ano ang tinutungo ng usapan namin. Kusang nabubuo ang mga imahe sa utak ko kung ano ang video na ipinadala ni Kervin sa kaniya.

Hindi ko alam ang pinaggagalingan ng kaba na nararamdaman ko. Wala namang dahilan para maramdaman ko ito dahil wala naman akong natatandaan na nagawang mali pero bakit pakiramdam ko ay may nagawa nga akong kasalanan sa kaniya?

"You did wonderful, baby. I am so proud of you," puno ng sinseridad na wika niya pero nabubulabog ang sistema ko sa nakikita kong lungkot at panghihinayang mula sa mga mata niya.

"Thank you, Ken." Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti, umaasang mawawala ang lungkot niya na hindi ko alam ang dahilan.

"And I also saw how Devyn asked permission to court you," nanghihinayang na sambit niya.

Hindi ko nagawang sagutin ang sinabi niya nang hayagan niyang ipinakita sa akin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Katulad noong araw na nagpaalam siya sa akin, ay nagdudulot na naman ng kakaibang pagkalito sa akin ang mga nakikita kong emosyon sa mga mata niya.

"What is your answer?" tanong niya.

"Hindi ko alam, Ken," pabuntong hiningang tugon ko, hirap sa sitwasyong madali namang solusyunan pero mahirap sa parte ko.

"Why? Natatakot ka ba?" Napatango ako sa tanong niya na 'yon.

Napatingin akong muli sa kisame, umaasa na talagang magagawa no'ng mapag-isa ang desisyon ng puso at isip ko.

"Alam mo, kung papairalin ko lang ang puso ko ay walang duda na papayag ako sa sinasabi niyang panliligaw. Pero kasi iba ang takot na nararamdaman ko," pagsasatinig ko ng mga bagay na naglalaro sa isip ko. Muli kong hinarap ang cellphone at napakunot ang noo ko nang tingnan ko ang imahe niya sa cellphone ay hindi ko na 'yon nakita dahil kisame na lang ng kwarto niya ang nakikita ko. "Hey, still there?"

Ilang beses ko muna siyang narinig na mahinang umubo na para bang may inaalis siya na kung ano mula sa lalamunan niya bago niya muling itinapat sa mukha niya ang cellphone niya. And what I saw pained me in an unimaginable way. Its as if a hand is clenching my heart in the most brutal may. A hand full of broken glasses and spiky thorn that's making it bleed painfully.

Namumula ang mga mata niya. Naglalabasan na rin ang mga maliliit na ugat sa sentido niya tanda na pinipigilan niyang tuluyang umiyak. Gusto kong magbulag-bulagan sa nakikita ko dahil ayaw ko ang kahahantungan ng mga bagay oras na kilalanin ko ang mga nararamadman niya. Mga nararamdaman niya na noon niya pa man ipinapakita pero ngayon lang niya lubusang ipinapahayag.

"You're probably thinking again for what other people would say not about you but about Devyn. But trust me, the guy doesn't care about any of that. Not even one bit. So, just do what your heart is telling you to do, baby."

And as he said those words, it was evident in his eyes that he is in pain. That he wanted to say the exact opposite of his words. But he can't. because he doesn't want to end the relationship that he has with me. A relationship that if one crossed the line, it would definitely cause its end.


***
You are loved.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top