18: Explanation

CHAPTER EIGHTEEN
Explanation

"Pa-picture po, Miss Vanessa!"

"Ang gwapo niyo po talaga Sir Brandon! Pa-picture rin po!"

"Ako rin po!"

"Bagay na bagay po kayo!"

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko habang pinanonood ko ang mga tao na pagkaguluhan ang mga magulang ko na kani-kaniyang hirit ng picture. Kinikilig ang halos lahat na mga pinaghalong babae at lalaki na estudyante na nakapalibot sa kanila. Kahit nga si Mommy ay kinakikiligan din ng mga babaeng estudyante. Maging ang mga professors at mga dean ay nakikigulo rin sa mga estudyante para lamang makapagppa-picture sa kanila.

Who wouldn't though? They are Vanessa and Brandon Laure after all. The most loved celebrity couple in the Philippines that has been on the industry for more than a decade now. Lahat ng tao ay saludo sa tatag ng relasyon nil ana nagsimula dahil sa unang pagtatambalan nila sa isang drama. Ngunit mas minahal sila ng publiko dahil sa kabaitan nila sa kanilang kapuwa. Mahihiya ang lahat ng mga judgemental na tao sa mundo dahil wala kang maipipintas sa kanila dahil hindi lang panlabas na anyo nila ang maganda kundi maging ang kalooban nila. Sila ang depinisyon ko ng salitang perpekto.

They are the epitome of beauty and perfection for me. But they had me, a total opposite. Kaya hindi ako nagsisisi na hiniling ko sa kanila na itago nila ako sa publiko, noong tumuntong ako ng limang taon. Noong una ay hindi sila sang-ayon sa gusto kong mangyari pero ipinilit ko pa rin hanggang sa bumigay na rin sila at pumayag sa gusto ko. Yes, alam ng mga tao na may anak ang mga magulang ko. But my identity is still a mystery to everyone.

Ang huling litrato kasi na inilabas ng mga magulang ko na kasama ako ay noong one year old ako, na black and white lang ang kulay. Hindi ako sigurado kung bakit hindi na sila naglabas ng mga litrato pagkatapos no'n, pero nagpapasalamat na rin ako dahil nagawa nilang protektahan and career nila na pinaghirapan nilang binuo sa loob ng mahabang panahon.

Nakita kong napalingon sa gawi ko si Dad at ngumiti. Umasta siya na lalapit sa akin kaya umiling ako at nagsumksik sa kurtina na nasa gilid ng stage at sumenyas na magpatuloy na lang sa pakikipag-picture sa mga tagahanga nila. Ang kaninang masayang ngiti niya ay nabura at napalitan ng malungkot na ngiti. I gave him a thumbs up saying that I am just fine trying to reassure him that I am not hurt bago tumalikod at muling pumasok sa backstage.

"I invited them," anang tinig na nabungaran ko.

Kusang pumalibot ang mga braso ko sa baywang niya sa sobrang galak hindi lang dahil sa narinig kundi maging sa suportang walang sawang ibinigay niya sa akin. "Thank you."

"I thought that they need to see you speak up your mind." Gumanti siya sa yakap ko at marahang hinaplos ang ulo ko. "You're amazing, babe. You just made me proud," sabi niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Salamat talaga, Kevin," madamdaming wika ko. Naluluhang inangat ko ang ulo ko para tingnan siya at nakita ko ang kaparehong ekspresyon na nararamdaman ko sa mga mata niya.. "Salamat sa lahat. For the encouragement, for the undying support, and for the love."

"I love you, babe, so much. At handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Sa kahit na anong paraan, gagawin ko mapasaya ka lang. You know that, right?" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya kasabay ng pagtango. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya na nararamdaman ko dahil sa mga naririnig ko mula sa bibig ng matalik kong kaibigan. I feel so freaking lucky to have him as a friend and a brother. "Pero sa tingin ko ay may isa ng tao ang kayang pumalit sa pwesto ko sa buhay mo," sambit niya sa tinig na nahahaluan ng lungkot ang boset.

"Kervin..." malungkot na turan ko. Humiwalay ako sa kaniya at takot na tumingin sa kaniya. "No one can replace your place in my life, Kervin."

"I know," nakangiti na ngayong wika niya. Hinuli niya ang kanang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "But you need more than I can give you, more than me. You need someone who can love you fully, and as your friend, alam ko na hindi ako sapat. You can't love a friend in a romantic way. But someone can." May sumilay na mapaglarong ngisi sa mga labi niya. "And Devyn, the guy who is approaching us right now, is the guy that I am talking about."

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw sa halo-halong nararamdaman ko. Naroon ang kasiyahan, may halong kilig, pero naroon din ang takot.

"I'll leave you two." Humigpit ang hawak ko sa kamay niya pero pilit lang din niyang inalis 'yon na napagtagumpayan naman niya.

He smiled at me gently before taking backward steps away from me. Naging sunud-sunod ang paghinga ko ng malalim ng tuluyan ko ng naramdaman ang presensya niya sa likod ko. Napaigtad pa ako ng bahagya nang suwabe niyang kinuha ang kamay ko na para bang natural na natural na ang bagay na 'yon sa pagitan naming dalawa.

Natural naman na talaga. Ilang beses na ba niyang nahawakan ang kamay ko ng walang pagtutol na naririnig mula sa akin?

"Let's go?" tanong niya. Naguguluhan man ako sa sariling nararamdaman ay nagawa ko pa ring maguluhan sa sinabi niya.

"Saan?" Isang ngiti lang ang isinagot niya bago ako marahang hinila patungo sa pwesto ko kanina habang pinanonood sila umarte.

Sa mismong stage kami dumaan kaya naagaw ko ang atensyon ng mga taong naroon pa rin sa baba. Gulat na napatingin ako sa kanilang lahat nang marinig ko silang nagpalakpakan. Napahinto ako sa paglalakad at pinanood silang pinapalakpakan ako.

"Ang galing mo, girl!" masayang wika ng isa.

Naguguluhan ako sa kung bakit ako nakatatanggap ng ganitong uri ng reaksyon pero mas lumalamang ang kasiyahang pumupuno sa puso ko dahil ang panghuhusga na inaasahan kong makita sa mga mata nila ay wala. Bagkus ay punung-puno na 'yon ng paghanga sa akin. I timidly smiled at them and mouthed my deepest thank you for them. Hindi ko man maisatinig kung gaano ako nagpapasalamat sa kanila sa pagtanggap na matagal ko ng hinahangad.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng lugar kung saan ako naglagi kanina. Mabilis nagbagsakan ang mga luha ko nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa lugar na 'yon. Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako palapit sa direksyon nila at mabilis na sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.

"I'm so proud of you, Bliss," naluluhang bulong ni Mom sa mismong tainga ko.

"I love you, Bliss. You just made me the proudest Dad in the whole universe," madamdaming wika ni Dad na marahang humahaplos sa buhok ko.

Tango lang ang naisagot ko dahil mas nauna na ng mga luha ko bago ko pa man ibuka ang bibig ko. Sapat na sa akin na makita ang kasiyahan sa mga mata nila para masabi ko na tama ang naging desisyon ko. Sapat na sa akin na nakikita kong proud sila sa akin para makaramdam ng kaligayahan.

Hindi ko alam na magiging ganito kalaki ang epekto ng magdesisyon akong maglahad ng piyesa sa harap ng maraming tao. I never expected the warm applaud of the people who witnessed me perform. Hindi man lahat ng tao ang may kakayahan na tanggapin ako ng buo. Pero umaasa pa rin ako, na kung hindi man lahat, ay may iilan na magagawa ng tanggapin ang mga katulad ni Camille na kuba sa palabas at katulad ko na naiiba sa karamihan.



MASYADONG NAKAGUGULAT, hindi ko alam kung ano ba ang dapat na itawag sa nararamdaman ko ngayon. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang kakaibang saya at kakaibang sense of fulfillment na sigurado akong pare-pareho naming nararamdaman ngayon na tapos na ang play na matagal naming pinaghandaan.

Ang ilan sa mga kasama namin ay may kani-kaniyang hawak ng lata at bote ng beer, lalo na ang mga kalalakihan. Ang mga kababaihan naman ay juice ang hawak katulad ko. May iba't-ibang uri man kami ng paraan sa pagsasaya ay sigurado akong iisa lang ang nararamdaman naming lahat.

Nandito kami sa condo unit ni Ma'am Ria para sa celebration ng success ng play namin. Simple at kakaunti lang ang gamit sa loob ng malaking unit niya. May kulay deep violet siya na sofa set sa gitna ng living room niya kung saan may malaking flat screen tv. Dalawang ang pinto sa kanan, isa ang kwarto niya at isa naman ay para sa guestroom. Sa kaliwang bahagi ng unit ay ang kusina. May Teresa rin na mabubungaran mo kapag pumasok ka sa pinto, at nandito kami ngayon.

Salamin lang ang nagsisilbing railings at sigurado akong hindi maglalakas loob na umapak ang sinumang may takot sa matataas na lugar kapag nakita ang kinaroroonan namin nagyon. Nasa 30th floor ang unit ni Ma'am kaya lula kung lula ang usapan. May mga beanbags na nagkapalibot sa babsagin na kulay itim na lamesa na nasa gitna ng malawak na terrace, kung saan nakalagay ang mga pagkain namin.

"Great job, everyone." Napangiti ako nang makita kong naluluha na si Ma'am Ria dala ng kasiyahan sa kakatapos lang na matagumpay na palabas. "Sobrang proud ako sa inyo dahil nagawa ninyong buksan ang mata ng mga manonood sa uri ng pag-ibig na walang panghuhusga at isang pag-ibig na puno ng pag tanggap. At higit na mas proud ako sa'yo, Bliss." Kusang tumulo ang mga luha ko nangg balingan niya ako at masuyong nginitian. "Dahil nakaya mo, kinaya mo," pagbibigay diin niya.

Muling nagbagsakan ang mga luha ko dahil sa naguumapaw na saya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagawa mo ang isang bagay na dati ay kinatatakutan mo lang. Dati iwas na iwas ako na humarap sa maraming tao sa takot na makarinig ng hindi magandang salita mula sa kanila. Pero ngayon na nagawa ko na, napatunayan ko na kaya ko pala.

Kaya ko pala na maging matapang sa pamamagitan ng isang bagay isinasarili ko lang dati, sa pamamagitan ng tula. Dati kasi sa tula ko lang nailalabas ang mga sama ng loob ko, dahil wala akong mapagsabihan. Alam ko kasi na kapag nalaman nila ang mga nararamdaman ko ay mas masasaktan lang sila para sa akin. Isang bagay na hindi ko gusting mangyari.

"Thank you po sa inyo. Kasi kung hindi naman po dahil sa inyong lahat ay hindi ako maglalaks ng loob na tumayo sa entablado na 'yon," puno ng pasasalamat na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat na gamitin ko para maipaabot sa kanila kung gaano ko tinatanaw na malaking utang na loob ang nangyari. A thank you is not enough for me but that's the only way that I can express my gratitude towards them.

"Kami ba talaga? O 'yong isa r'yan na kulang na lang ay makipagpalitan ng mukha sa'yo sa sobrang dikit?" Mabilis na namula ang pisngi ko sa panunukso ni Kuya Gio.

"Baliw," pabulong na sagot ng lalaking taong tinutukoy ni Kuya Gio.

Nakiliti ako sa ginawa niyang pagbulong dahil tumama ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Nasa likod ko si Devyn habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nakasandal siya sa salamin na harang habang ako naman ay nakasandal sa kaniya. Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganitong posisyon gayong sigurado naman akong hindi pa siya umiinom ng miski isang patak ng alak, mas lalo naman ako na juice at pizza lang nilalantakan.

Basta na lang niya kasi ako hinila sa isang gilid at walang babala na yumakap sa baywang ko at sumubsob sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pagod niya base na rin sa lantang mga pagkilos niya. Lahat sila ay pagod, magmula sa props team hanggang sa mga actor at actress. Higit isang buwan ang naging preparasyon kaya hindi kataka-takang ngayon nila nararamdaman ang pagod sa halos walang pahingang preparasyon.

Hindi naman ako makapagreklamo dahil hindi lang dahil sa pagod na nakikita ko sa kaniya, kundi dahil gusto ko rin na ganito ako kalapit sa kaniya. Wala ng nakakagulat sa usapin na 'yon dahil simula ng aminin ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya ay binigyan ko na ng laya ang puso ko napangunahan ang utak ko sa pagdedesisyon, katulad na lang nagyon.

"Okay ka lang?" mahinang tanong ko, nag-aalala na makadagdag lang sa pagod niya ang posisyon naming dalawa. "Gusto mo bang umupo at magpahinga?"

Umiling lang siya at mas nagsumiksik sa leeg ko. "Okay na ako sa ganito."

Napakagat ako sa ibabang labi upang itago ang naghuhumiyaw na kilig na nararamdaman ng puso ko. Mahiya ka, Bliss! Wala ka pang binibigay na sagot sa kaniya tungkol sa panliligaw niya.

Mabilis na humupa ang kilig at napalitan ng pangamba. Simula kasi nang matapos ang palabas at muling sumarado ang kurtina kanina ay hindi na niya ulit nabanggit ang tungkol sa bagay na 'yon. Tuloy ay hindi ko maiwasan na pagdudahan kung totoo ba o niloloko lang ako ng sarili kong imahinasyon.

"You want to sit?" Ako naman ang miling ako sa tanong niya. "Sure?" paniniguro niya na tinanguhan ko lang.

Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa magdesisyon siya na basagin 'yon. "Me being proud of you will be an understatement to what I feel, Bliss Audrey," seryosong bulong niya sa tainga ko. Napayuko ako nang mangilid na naman ang mga luha ko, hindi na ata ako mauubusan ng luha sa araw na 'to.

"You're a big part of it, Devyn," sabi ko na puno ng sinseridad. "Hindi sapat ang pasasalamat para maiparamdam sa'yo kung paano mo nabago ang mga pananaw ko sa buhay tungkol sa kalagayan ko. Napakalaking parte mo sa kung ano ang nagawa ko ngayong araw. This may sound unfair to everyone who was in my life first before you came, but that's how much you affected me. Because you are the first person who looked at me without an ounce of pity. And that has been something that I have been longing to have."

Naramdaman ko ang pag guhit ng ngiti sa labi niya. "You just made my heart go wild, schön."

"Kalokohan mo, Devyn," pagsusungit ko, pilit na pinagtatakpan ang kilig.

"Seryoso ako, Bliss Audrey," makahulugang wika niya. Nawalan ako ng imik nang ma-realize ko na hindi lang ang sinabi ko ang tinutukoy niya kundi mas higit pa roon. "What I did earlier, the confession and everything else, I'm dead serious about it."

Tuluyan na akong nawalan ng imik nang kumpirmahin niya mismo ang nasa isip ko. Napuno ng maraming bagay ang isip ko na pinangungunahan ng mga katanungan kung handa na ba ako sa kahihinatnan ng mga ipinapakita ni Devyn at kung may sapat na kakayahan ba ako para paniwalaan ang mga bagay na naririnig ko mula sa kaniya.

Hindi ako sigurado kung handa na ba ako na pumasok sa isang relasyon na hindi ko naman pinangarap kalianman. Hindi ganito ang naging usapan namin ni Ken noon bago siya umalis. Ni minsan ay hindi ko naisip na posible kong maranasan ang ganito.

Pero walang kumpirmasyon, Bliss. Wala siyang sinabi kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Oo may intensyon. May mga pagkilos at mga salita na doble ang kahulugan, pero hindi tama na ako ang magbigay ng kahulugan sa mga ipinapakita niya.

"Say something," malambing ang boses na sabi niya at inihilig ang ulo sa balikat ko, sa paraan na magagawa niyang makita ang mukha ko. "Hmm?"

"I..." Napabuntong hininga ako sa kawalan ng sasabihin.

"Hindi ko sassabihin na gusto kita kung 'yan ang gusto mong marinig mula sa akin," muli ay sabi niya.

Mabilis na nakaramdam ako ng paghapdi sa puso ko at parang may isang bilyong langgam na biglang lumusob sa puso ko at 'yon ang napagtripan na putaktehin. Nakakaloko ang pakiramdam sa masakit na paraan na hindi ko alam kung magagawa ko bang pahupain.

"Bakit mo pa ginagawa 'to kung gano'n?" lakas loob na tanong ko sa kabila ng sakit na unti-unting sumusugat sa puso ko.

Binitiwan niya ang baywang ko para lamang iharap ako sa kaniya. Tumayo siya ng tuwid at ikinulong ang mukha ko sa pagitan ng mainit na palad niya sa napakasuyong paraan. Ngumiti siya sa akin, ngiti na puno ng mga emosyon na hindi ako sigurado kung ano. "Because I just don't like you," sabi niya.

Ang kaninag hapdi na nararamdaman ko ay mabilis na lumuwag sa kaginhawaan na sinasabayan ng mabilis at malakas na tibok ng puso ko na tila dinumog ng mga nagrarambulang pusa. Paano niya nagagawang baguhin ang mga nararamdaman ko ng gano'n kadali gamit lang ang mga salita niya?

Sa loob ng isang minuto ay nagawa na niyang baguhin ang mga nararamdaman ng puso ko. Kung kanina ay sakit ang nabubuhay sa puso ko, ngyaon ay kaba na hinaluan ng kilig ang nananalaytay sa buong pagkatao ko.

Umawang ang labi ko para magsalita ngunit nabigo ako dahil sa intensidad ng mga tingin na ibinibigay niya. Para niya akong hinihipnostismo sa paraan ng pagkakatingin niya, nakakalunod at hinahayaan ko ang sarili ko na malunod sa mga tingin niya.

"I'm getting there, Bliss Audrey," seryosong usal niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay na dugtungan ang mga paglalaro niya sa mga salita. "I'm falling for you."

Napapikit ako ng mariin at napakagat ng madiin sa ibabang labi upang pigilan ang mapangiti nang sa wakas ay pangalanan na niya ang mga bagay ipinapakita niya. Nanghihingi ako ng kumpirmasyon kani-kanina lang pero hindi ko alam na iba pala ang magiging epekto sa akin no'n ngayon na narinig ko n amula sa kaniya ang mga bagay na gusto ko.

Masyado siyang magaling sa pakikipaglaro sa mga salita na nagagwa niyang ipaintindi sa akin ang isang bagay na pinagdududahan ko. Ang pagmamahal ng isang tao sa katulad kong kakaiba. Pakiramdam ko bigla ay naging ako si Camille na siyang bida sa palabas na kanina ay pinanonood ko lang. Hindi ko lubusang mapaniwalaan na ang mga salitang kanina ay kinaiinggitan ko lang at ngayon ay naririnig ko na mismo, mula sa lalaking nagugustuhan ko.

"Devyn..." Sa lahat ng sinabi niya ay 'yan lang ang lumabas sa bibig ko.

Ngumiti siya at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. Muli siyang sumandal sa babsagin na railings kaya nasasalo na niya ang buong timbang ko. Lumapat ang tainga ko sa tapat ng dibdib niya at doon ay narinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya na nahihigitan pa ang sa akin.

Napakapit ako sa magkabilang laylayan ng navy blue na shirt niya sa kabiguan na magantihan siya ng yakap, naubos ang lakas ko at nalulunod sa kakaibang saya at lugod habang pinakikinggan ang pagtibok ng puso namin na tila iisa.

Nagsimula na naman ang pagtatalo ng isip at puso ko sa kung ano nga ba ang pinakamainam na desisyon. Isinisigaw ng puso ko na pumayag sa panliligaw niya, pero kontra ang isip ko dahil isinisigaw no'n na huwag. Kusang pumapasok sa isip ko ang imahe ng nasasaktan na mukha ni Isa sa tuwing iisipin ng puso ko na pumayag. Na bagaman nabigyan 'yon ng tuldok ng dalawa ay hindi 'yon sapat lalo na at may mga bagay na wala pa ring linaw.

"I can't answer you now, Devyn," naguguluhang sagot ko.

"Isa," sambit niya. Sinabi niya 'yon sa paraan na sigurado siyang si Isa nga ang sagot sa kaguluhang nararamdaman ko. Narinig ko ang buntong hininga niya ng marahan akong tumango. "Sinabi ko na sa iyo na wala lang 'yon. We were never serious about our so-called relationship," sabi niya sa kababakasan ng inis na boses.

"Still, nagkaroon ng kayo. At hindi ko maiwasan na isipin ang lungkot sa mukha niya sa tuwing nakikita niya tayong dalawa. I just can't ignore that cause she's a friend," mababa ang boses na paliwanag ko, pilit na ipinapaintindi sa kaniya ang dahilan ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito o maging ang ibang tao na mapunta sa sitwasyon ko ay malilito rin katulad ng pagkalito na nararamdaman ko. Para sa akin kasi ay hindi tamang tingnan na magpapaligaw ako sa kaniya gayong naging kasintahan niya ang kaibigan ko. Mali kasi, e.

Isa pa, hindi pa rin lubusang nawawala sa akin ang takot sa pakikipagrelasyon. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa para sa bagay na 'yon.

Marahas na bumuntong hiininga siya at bahagyang lumuwag ang pagkakakapit niya sa baywang ko, pero hindi pa rin tuluyang bumibitaw. "If only I could tell you," nawawalan ng pag-asa na bulong niya.

"But you can't," segundang bulong ko.

"I can though." Sabay na napalingon kami sa ngasalita sa likod ko, Isa. Kiming nginitian lang niya sa Devyn bago nagbaba ng tingin sa akin.

Tuluyan na akong humiwalay kay Devyn para tuluyang harapin si Isa.

"I'll wait for you in the living room," sabi niya bago umalis na.

Nilingon ko si Devyn ng muli niyang hawakan ang kamay ko. Hindi siya nagsalita pero bakas sa mukha niya na nawala siya sa mood dahil sa maliit na pagtatalo na naganap sa pagitan namin, kung pagtatalo mang matituturing 'yon.

"Whatever you'll hear from her, I will still pursue you. Remember that." Iniangat niya ang kamay ko palapit sa bibig niya at kinantilan ng ilang segundong halik habang nakapako pa rin ang mga mata sa akin, ipinaparamdam niya ang sinseridad ng mga salita niya.

Gusto ko mang magbawi ng tingin ay hindi ko magawa dahil nahihipnotismo na naman ako sa mga tingin niya, pinipigilan ako na humiwalay ng tingin sa kaniya. At dahil do'n, ay mas napatunayan kong sa ilang ulit na pagkakataon ay natalo na naman ng puso ko ang isip ko.




"ALAM mo naman na para na kitang kapatid. What you did today is making me cry, Bliss," sinserong sabi niya na pigil ang sarili sa pagluha.

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko sa kaniya. Kami lang ang nandito sa living room ng condo ni Ma'am Ria dahil lahat ay nasa labas ng malawak na teresa. Magkatabi kami sa mahabang sofa at doon nag-uusap.

"Isa, that's all because you all never gave up on me. Palagi niyong pinaaalala sa akin na hindi man ako matanggap ng buong mundo ay nand'yan pa rin kayo para sa akin," nakangiting sabi ko.

"At hindi kami magsasawa na suportahan ka sa kahit anong bagay. Even with him." Pinamulahan ako ng mukha sa mapanuksong tingin na ibinibigay niya.

"Hindi ko alam ang tamang desisyon, Isa." Nagbaba ako ng tingin sa mga palad ko, nawawalan ng pag-asa na malinawan pa sa kung ano ang tamang maging desisyon.

Umakbay siya sa akin at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Ang sinasabi ng puso mo ang sundin mo. Dahil alam kong sasaya ka sa oras na sundin mo kung ano ang isinisigaw niyan."

Gusto kong making sa sinasabi niya, dahil 'yon ang alam kong mas ikaliligaya ko kung sakali. Pero naiisip ko siya. Naiisip ko ang nakaraan nila at ang sakit na nakikita ko sa mga mata ni Isa sa tuwing nakikita niya kami ni Devyn na magkasama. Mahirap kasi wala akong alam. Bulag ako sa nakaraan nila kaya hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

"Did he say that what we had wasn't real? Or it was not enough to be called a relationship?" maya-maya ay tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na iisa lang ang takbo ng pananaw nila at ang mga salita nila. Na parang pareho sila ng pananaw sa naging takbo ng relasyon nila. Hindi ko magawang sabayan ang mga naririnig ko mula sa kanila, nakakalito ng sobra.

"Totoo ang lahat ng sinabi niya, Bliss. Kalokohan lang na maituturing ang namagitan sa aming dalawa." Ngumiti siya ng malungkot. "Kung puwede ko lang hilahin pabalik ang oras para huwag ituloy ang mga bagay na nagawa ko na, matagal ko na sanang ginawa."

"Hindi ko naiintindihan, Isa," nawawalan ng pag-asang sabi ko.

She, again, let go of a sad smile. "I just used him. That's the reason."

***
Spread love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top