17: Resurrection

CHAPTER SEVENTEEN
Resurrection

"Lord, we are praying for your guidance as we take a step on the stage again after a year. We are praying for your kindness and let our audience learn from what we are about to show to them. May all of them open their minds and hearts for what they are about to see. Lord, we are also praying for Bliss to have the courage as she finally takes a step out of the cage she jailed herself into. Please guide her in every way. In Jesus name we pray,"

"AMEN!" malakas na sigaw namin ng mga kasamahan ko kasabay ng paghigpit ng hawak namin sa kamay ng isa't-isa.

Pigil na pigil ko ang luha ko habang pinapanood silang magyakapan sa isa't-isa kasabay nang pagbulong ng goodluck. They are giving each other encouraging hugs and words. I didn't know that prayers could be this powerful. I didn't know that it could affect a person's mind, heart, and soul. Binuhay niya ang tapang sa puso ko bagaman may takot pa rin ay alam ko na sa pagkakataon na ito ay makakaya ko na itong lampasan.

Lumapit sa akin si Kuya Gio para sa isang yakap na malugod kong tinaggap. Nakangiting ibinalik ko 'yon sa kaniya at sa pagkakataon na ito ay hindi na umiwas. Naging sunud-sunod ang paglapit nila sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap at sabihan ako ng mga salita na nagpapatibay sa loob ko.

"Sobrang saya ko," bulong ni Isa sa tainga ko habang mahigpit ang yakap sa akin.

"Halata naman sa'yo," natatawang sagot ko, pigil ang luha na kumawala. "Baka mamaya mas mauna ka pang umiyak sa akin, ha?" biro ko.

"Pakiramdam ko rin," natatawang wika niya. "Basta support lang kami sa'yo, ha?" Tumango ako at pinisil ang kamay niya na hawak ko. "Pasok lang ako sa loob."

Pagkaalis niya ay siya namang lapit ni Kervin sa akin. "Goodluck later, babe." Napangiti lang ako sa kalokohan niya.

Sinuklian ko ng mas mahigpit ang yakap niya, umaasa na sa paraan na 'yon ay maiparamdam ko ang pasasalamat ko sa kaniya na simula umpisa ay hindi na ako iniwan. "Thanks Kervin," madamdaming bulong ko. "For everything."

"Anything for you, babe. Anything," he said before planting a soft kiss on my forehead.

Nag ngitian pa muna kami bago siya sumunod sa mga kasamahan namin na nasa dressing room na. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang palabas kung saan sila ang mga bida at tauhan.

Kusang kumurba para sa isang matamis na ngiti ang mga labi ko nan maglakad patungo sa direksyon ko ang lalaking bumaliw sa buong pagkatao ko kagabi.

Ngayon ata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito kagwapo ang ayos. May suot siyang dirty white na polo na nakatupi hanggang siko niya. Bukas ang dalawang butones no'n kaya may kaunting pasilip sa dibdib niya. Slacks na kulay itim naman ang pambaba niya at kulay itim na belt na may pilak na bakal sa gitna. Kulay brown na loafers ang suot niya sa paa na may gintong disenyo sa gitna na hugis pabilog na magkadikit.

At kahit na semi kalbo na ang buhok niya ay mas dumadagdag lang 'yon sa kagwapuhan niya. Hindi talaga patas ang mundo dahil wala talagang pinipiling damit at ayos ang kagwapuhan ng taong 'to, lahat ay bumabagay.

"You look good," hindi mapigilan na papuri ko.

"Napakaganda mo, Bliss Audrey." Walang ngiti na sinabi niya 'yon, hindi pinansin ang papuri ko para sa kaniya. Isang patunay na seryoso siya sa mga binitiwang salita.

Pinasadahan ko ang sarili ko ng tingin. Isang puting eleganteng tulle lace dress ang suot ko na nakita ko lang sa closet ko noong isang araw. Hanggang sa ilalim ng tuhod ko 'yon at walang ibang disenyo maliban sa ginto at manipis na belt sa baywang. Mayroon din 'yong manipis na lace na manggas na hanggang siko ko naman.

Pinarisan ko iyon ng silver na platform heels na kumikinang dahil sa glitters. Wala akong kahit na anong make-up at nakalugay lang din ang mapusyaw na dilaw kong buhok sa likod ng balikat ko. Sige, sa pagkakataon na ito ay maniniwala ako sa mga papuri niya. Kahit ngayon lang.

"Salamat," nakangiting tugon ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng ubod ng higpit, sa paraan na maayos pa rin akong makahihinga at binibigyan ako ng pagkakataon na maamoy ang napakabangong amoy niya. Kusang kumilos ang mga kamay ko para ipalibot sa leeg niya at doon nagsumiksik.

Napakabango niya. Nahahaluan ng hindi katapangan na amoy ng pabangong panlalaki na gamit niya ang natural na amoy niya. Napakabango.

"Be brave, schön," punung-puno ng sinseridad na wika niya. Tumango ako. "Be a constant reminder to the people that no one is bound to be a replica of perfection. But anyone can choose to have a good heart." Humiwalay siya at ikinulong ang mukha ko sa mainit na palad niya. "Just like you."

Muli na namang nangilid ang mga luha ko sa hindi maipaliwanang na saya na idinulot ng mga salita niya sa akin. Nakatataba ng puso at nakatataas ng kumpiyansa sa sarili. Kahit kalian ay hindi siya pumalya na bigyan ako na samu't saring pakiramdam gamit lang ang mga salita niya.

At sa hindi mabilang na pagkakataon ay nailigtas na naman niya ako gamit lang ang mga salita niya.

"Salamat, Devyn. Sa lahat-lahat," madamdaming wika ko at mabilis na napapikit ako ng tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko.

Gusto ko pang dugtungan ang sasabihin ko pero hindi ko na kinaya ang magsalita pa dahil sa nag-uumapaw na mga emosyong sabay-sabay kong nararamdaman. Masyado akong nalulunod sa emosyon na idinudulot niya sa akin gamit lang ang mga salita niya at maging ang mga suporta na naramdam ko sa mga kasamahan namin na hindi nagsawa na paulit-ulitin ang pagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Nakatataba ng puso na umaabot sa puntong natatabunan na ang panliliit ko sa sarili ko, na sa unang pagkakataon ay ginusto kong umahon mula sa matagal nang pagkakalugmok sa kulungang pinagkukublian ko ng sarili ko.

Words really are powerful, so powerful that it could lift up one person but could also be the reason for someone's missery. Kailangan lang magamit sa tamang paraan ng mga salitang bibitawan natin na hindi na natin kailangan pa ang makasakit ng iba. Bagkus ay maging daan 'yon para palakasin ang loob nila. Just like my family, my friends, the whole organization. And just like Devyn.

"Shh..." Muli niya akong niyakap ng mahigpit habang kinakalma ako. Ilang saglit lang ay humiwalay na siya sa akin at siya na rin ang nagpunas ng mga luha ko. "Ihahatid na kita sa puwesto mo."

Mahigpit ang kapit ko sa kamay niya habang naglalakad kami papunta sa puwesto ko sa extreme right ng VIP area. Dumaan kami sa baba lang din ng stage dahil may lusutan doon para makapasok ako sa loob.

Walang naiba sa ayos no'n mula sa huling pagkakataon na nakita ko kahapon at sa halip ay nadagdagan pa dahil nagkaroon ng puting ilaw sa baba ng magkabilang gilid ng kurtina. Mas lalo tuloy gumanda ang paligid at tila naging isang napakaimportanteng tao ko sa ginagawang pagtrato nila.

Nawala ang kurtina sa taas ng parang tunnel na para takpan ang puwesto ko kaya nagagawa ko nang makita ang stage kahit nasa loob ako.

"Enjoy the show," masuyo sambit niya matapos ay mariin akong tinitigan.

Muli niyang kinulong ang mukha ko sa pagitan ng dalawang palad niya at ilang segundong nakatitig lang doon. Kusang pumukit ang mga mata ko nang bumaba ang mukha niya upang gawaran ng halik ang noo ko Isang matagal at puno ng suyong halik na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko.

Hindi ko nagawang bilangin ang segundo o minutong lumipas habang nararamdaman ko ang pagkakalapat ng mainit na labi niya. Tinatangay ng simpleng halik na 'yon ang katinuan ko. Sa halik na 'yon ay binibigyan niya ako ng lakas ng loob at ipinararamdam niya sa akin ang importansya ko. Kung paano ko nasabi ay wala akong ideya, basta 'yon ang nararamdaman ng puso ko.

"Picture pips!" Sabay na napalingong kami kay Wilson na may nakasabit na DSLR camera sa leeg. Nakangiting nakatingin siya sa amin habang nakaporma nang kukuhanan kami ng litrato.

Naramdaman ko ang kamay ni Devyn na pumulupot sa baywang ko matapos ay marahang hinila niya ako palapit sa kaniya kaya napahawak ang kaliwang kamay ko sa dibdib niya dahil sa gulat. Ang isang kamay ko namang ay nakahawak sa braso niya at doon kumukuha ng suporta dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko sa panlalabot dahil sa maliit na distasnsya naming dalawa.

"Look at me," he commanded and I gladly obliged.

At sa gano'ng posisyon ay umilaw ang flash ng camera ni Wilson. Hindi ko pa man nakikita ang resulta ay sigurado akong maganda ang kinalabasan no'n. Hindi dahil sa suot namin. Hindi rin dahil sa kung ano ang ayos namin. Kundi dahil siya ang kasama ko sa litrato na 'yon.

"PARE, sigurado ka na ba sa panliligaw na gagawin mo kay Camille?" tanong ni Kervin kay Devyn.

Kamangha-mangha ang naging pagkakaayos nila sa set para sa unang eksena na ginawa nila sa pangunguna ng props team. Para talaga silang nasa loob ng opisina sa pagkakaayos no'n. Pareho ang ayos nila Marlon at Kervin sa ayos ni Devyn kanina, ang pinagkaiba lang ay kulay.

Nakaupo sa mahabang leather na sofa si Kervin at Marlon habang nakaupo naman sa likod ng lamesa sa Devyn kaharap ang tambak na papeles na kinakailangan niyang pirmahan. Masyadong makatotohanan ang nakikita ko para lang sa isang palabas. Nakabibilib ang pinagsama-samang glling at creativity ng props team at napagmukha nilang ganito ang set, makatotohanan.

"Oo, may problema ba?" kunot noong tanong niya pabalik at binalingan niya sila Kervin at Marlon.

"Huwag mo sanang mamasamain pare, ha?" Uminom muna si Marlon sa basong hawak bago binalingan ng tingin si Devyn, na mababakasan na ng inis sa mukha. "Wala naman kasing kagusto-gusto kay Camille. I mean dude, may kapansanan 'yong tao."

Napuno ako ng pagtataka sa tinatakbo ng usapan nila. Maging ang bulungan ng mga manonood ay naririnig ko din kahit na mahina lang. Kapansanan?

"Anong gusto mong iparating?" tanong ni Devyn, hindi na napigilan pa ang inis. "Kapag may kapansanan ang isang tao ay dapat hindi na minamahal?"

Napabuntong hininga si Kervin sa narinig, hindi sang-ayon sa nakuhang tugon. "Bulag nga talaga ang pag-ibig."

"At isa si Deither sa mga binulag no'n," pagsang-ayon ni Marlon na ang tinutukoy ay si Devyn.

Bumukas ang kurtina sa kalahating parte ng entablado kasabay nang pagsasara ng kabila kung saan naroon sina Devyn. Isang mataong lugar naman ngayon ang ipinapakita sa palabas. May tindahan na set-up sa paligid na kumpleto pa sa mga paninda.

Naroon si Riva na mataray ang ayos at postura habang may hawak na sitsirya. Katabi niya sila Nicole at Hazel na mataray din kung titingnan.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao nang lumabas si Lucy mula sa gilid ng stage. Kahit ako ay hindi napigilan ang pagsinghap nang makita ko ang ayos niya.

Isa siyang kuba.

"Hoy pagong, saan ka na naman gagala, ha?" pasigaw na sabi ni Riva na halata ang pangungutya sa boses na sinundad niya ng nakakalokong tawa habang nanunuyang mata ay nakapako kay Lucy.

"Oo nga. Baka mamaya saan ka na naman mapadpad na pagong ka," segunda ni Nicole.

"Mamaya niyan may magkainterest pa sa'yo na beterinaryo dahil napagkamalan kang pagong. Sige ka, baka mamaya ay pageksperimentuhan ka lang." Pumalahaw ng tawa ang tatlo sa sinabi na iyon ni Hazel.

Walang sagot na ibinigay si Lucy at umasta na lalampasan ang tatlo nang maangas na tumayo sa harapan niya si Riva.

"Kinakausap ka diba?" Dinuro niya ang kaharap. "Kapag kinakausap dapat sumasagot. Hindi ka naman siguro bingi. Hindi ka na lang ata kuba ngayon, pati pagiging bobo at tanga ay sinalo mo na rin," puno ng angas na turan niya.

"P-pasensya n-na," mahinang tugon ni Lucy sa halos nginginig na boses.

Nangilid ang luha ko sa takot na naririnig ko sa boses niya. Nararamdaman ko ang takot na nararamdaman niya na minsan ko na ring naramdaman noong mga panahong madalas ko ring nararanasan ang pangungutya at pisikal na pananakit ng mga taong nasa paligid ko.

Hindi ko maiwasang alisin ang sarili ko sa posisyon niya dahil alam ko ang pakiramdam kapag nasa ganoon kang sitwasyon. Dahil gano'n din ang takot na pumupuno sa akin sa tuwing may mga taong gustong saktan ako sa pisikal at mas lalo na sa berbal na paraan. At masasabi kong hindi iyon isang magandang karanasan.

Nagulat ang lahat nang itulak ng malakas ni Riva si Lucy dahilan para mawalan ng balanse ang huli. Pero bago pa man siya tuluyang bumulagta sa sahig ay nasalo na agad siya ni Devyn na bagong dating.

"Okay ka lang ba?" puno ng pag-aalala na tanong niya.

Naging tutok ang atensyon ko sa buong palabas. Isang palabas na sumasalamin sa pinagdadaanan ng mga katulad ko na may kondisyon na hindi kayang tanggapin ng iilan sa lipunan.

Pinanood ko kung paano nahulog si Deither para kay Camille sa kabila ng kapansanan nito. Kung paano ipinaglaban at ipinagtanggol ng lalaki si Camille hindi lang sa mga estrangherong paulit-ulit na humihila sa babae pababa kundi maging sa sariling magulang nito. Isang pag-ibig na wagas at bulag sa mga kapansanan ng taong minamahal.

"Ano bang nagustuhan mo sa akin, Deither? Wala naman kasing kagusto-gusto sa akin. Kuba ako, maitim, mahirap, at walang pinag-aralan," nakayuko at walang kumpiyansang tanong ng babae.

Nag-angat ng tingin si Camille sa ngayon ay kasintahan na niyang si Deither. Nakaupo sila sa isang pahabang kahoy na upuan sa labas ng bahay bahayan na ginawa ni Nikko. Nakaakbay ang lalaki sa kaniya. Matamang nakatingin ang lalaki sa babae habang marahang hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng babae bago kinantilan ng halik ang pisngi.

Alam ko na hindi dapat at malinaw sa isip ko na palabas lang ang nasa harapan ko at may sinusundan na script at aral ang mga kilos dahil sa matagal na naging ensayo, pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng bahagyang paninikip sa puso ko.

Kusang namuo ang selos at inggit sa puso ko dahil sa ginawang pag halik ni Devyn sa pisngi ni Lucy. Ilang beses akong umiling at pilit na inalis sa sistema ko ang selos at inggit na hindi ko naman dapat nararamdaman. Palabas lang 'yan, Bliss. Walang malisya.

Nabalik ang atensyon ko sa stage nang marinig ko ang tinig ni Devyn. Kinapos ako ng hininga sa nabungaran ko nang mag-angat muli ako ng tingin. Imbes na kay Lucy ay sa akin siya direktang nakatingin.

Hindi ko alam kung nakikita ba ng mga nanonood ang pagtagos ng tingin niya mula sa babaeng kaharap patungo sa akin. At dahil sa magaling siya na aktor ay naniniwala akong napagmumukha niyang normal ang bagay na iyon na wala naman sa totoong plano.

"Kahit kailan hindi marunong tumingin ng kapansanan ang pagmamahal. Hindi mahalaga ang estado mo sa buhay, ang edukasyon, at ang kulay ng balat. Dahil sa oras na mag mahal ka, puso na ang kikila sa taong 'yon sa likod ng pisikal niya na anyo. Mahal kita."

Mas along naging mabigat ang paghinga ko sa paraan pagkakasabi niya ng mga huling salitang binitawan niya. May tinutumbok pero sadyang iniiwasan, 'yon ang dating sa akin. Ang kaninag selos na naramdaman ko ay napalitan ng kakaibang pakiramdam na hindi ko magawang maipaliwanag. May kakaibang kaba na nabuhay sa puso ko nang umalingawngaw sa utak ko ang mga salita niya.

Mahirap pangunahan at ayaw kong bigyan ng kahulugan ang mga narinig ko sa kaniya. Dahil alam kong imposible na para sa akin 'yon. Dahil alam ko na nakatakda nang sambitin niya ang mga salitang 'yon. Palabas lang ang lahat, Bliss. Kasama na ang mga linya na sinabi niya.

Nagbaba ng tingin ang lalaki sa babae at ngumiti. "Mahal na mahal kita, Camille."

Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng kaginhawaan at kapayapaan sa naging sunod niyang linya. O ang masaktan at manghinayang dahil tila ipinamukha sa aking walang katotohanan ang lahat. Muli kong itinutok ang atensyon ko sa palabas at pilit na inaalis ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko.

Naging masaya ang dalawa sa relasyon nila na tumagal ng ilang buwan. Pero sadiyang may plano ang tadhana para subukin ang pag-iibigan nila. Dahil umabot sila sa punto na hindi na kayang mag bingi-bingihan ng babae sa mga naririnig niya mula sa iba. Eto ang naabutan kong batuhan nila ng linya noong unang araw ng rehearsal.

"Alin ba sa ayaw ko ang hindi mo maintindihan?!" pagalit pero puno ng hinanakit na sigaw ni Camille kay Deither.

"Hindi ko kasi kayang intindihin ang babaw ng dahilan mo. Ano bang pakialam ko sa kanila? E, ikaw naman ang babaeng mahal ko at hindi sila at ang mga sinasabi nila," puno ng emosyong wika niya habang nagsusumamong nakatingin sa kaharap. "Ano ba, Camille?! Anong halaga kung papakinggan ko ang sasabihin nila kung mawawala ka naman sa akin?"

"Hindi mo ba naiintindihan?" Marahas na pinunasan ni Camille ang masaganang luha na naglalandan sa parehong pisngi niya. "Ayaw ko na. Sawang-sawa na akong magpanggap na okay lang ang lahat kahit sobrang sakit na. Kasi hindi lang naman ako ang apektado sa relasyong 'to. Pati ikaw ay nadadamay na ng dahil lang sa pesteng kapansanan ko."

"Camille please..." Lumuhod ang lalaki sa harap ni Camille at lumuluhang yumakap sa mga tuhod ng babae habang paulit-ulit na nagmamakaawa. "Mahal na mahal kita. Huwag naman ganito."

Napahawak ako sa bibig ko para maiwasan ang maingay na iyak na gustong kumawala mula roon. Nasasaktan ako sa nakikita ko hindi lang sa mga naririnig kong batuhan nila ng linya kundi maging sa mga emosyong ipinararamdam nila. Mahal nila ang isa't-isa pero hindi na kaya ng babae ang sakit na dulot ng lipunan sa kaniya.

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na maging ako ay tinutumbok ng palabas na tila sinadya para sa akin. Hindi ko mapigilan na ilagay ang sarili ko sa katayuan niya, ni Camille dahil alam ko na parehas kami ng nararamdaman. Mahirap na magpanggap na okay ka lang dahil ayaw mong masaktan ang mga tao sa paligid mo. Napakahirap at napakasakit na sasarilinin mo ang sakit sa takot na maipasa 'yon sa iba. At hindi 'yon kayang intindihin ng mga tao dahil hindi sila ang nasa sitwasyon namin. Sabihin man nila na naiintindihan nila ay hindi 'yon kailanman magiging sapat para lubusan kaming maintindihan.

Hilam ang mga mata ko sa luha ng magwakas ang palabas sa isang masayang wakas. Nagpakasal ang dalawa at biniyayaan ng supling. Nagawang ipaglaban ni Deither ang pagmamahal niya para kay Camille kahit pa ang kapalit noon ay galit at pagtakwil mula sa mga magulang nito.

Nabibilib ako sa tapang na ipinakita niya Sadyang kahanga-hanga at nakaiinggit sa masakit na paraan dahil alam kong malabo na maranasan ko ang gano'n sa totoong buhay.

Ngayon ay lubos na naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang desisyon nila na huwag akong isali sa rehearsals. Dahil ginawa nila ang palabas, hindi man direktang para sa akin, para sa mga katulad ko na kakaiba at naghahangad ng pagtanggap ng lipunan.

"Your turn, Bliss."

Nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang ilahad ni kuya Gio ang kamay niya sa harapan ko, sinusundo ako para sa pgtatanghal ko. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko iyon bago huminga ng malalim at tumayo.

Inalalayan niya akong makaakyat sa stage sa gitna ng dilim ng paligid. Ang kaninang stage na bukaspara makita ng lahat ng tao ay natatakpan na ng itim na tela ngayon, taliwas sa inaasahan ko. Ang akala ko kasi ay bukas ang entablado habang nagsasalita ako.

Wala akong ibang makita kundi ang kadiliman. Hindi ako sigurado kung ano ang makikita ko sa oras na matanggal ang telang itim sa harapan ko. Nakakatakot lalo na at alam kong dagat ng tao ang mabubungaran ko pero kailngang ko tapangan sa pagkakataon na 'to. Dahil baka ito na ang maging mitsa para tuluyan ko ng pakawalan ang sarili ko.

This may be a chance for me to have a second view of life that I always thought was so cruel for someone like me. I should take this chance to give myself freedom to verbalized those unvoiced words that I have always kept to myself. At siguro sa pagkakataon na 'to ay mabigyan ko na ng laya ang sarili ko mula sa takot na matagal ng nakaukit sa puso ko.

Bumukas ang mga ilaw sa ibabang bahagi ng stage, nakatutok sa mga paa ko. May usok din na lumalabas na gumagawa ng isang ilusyon at pinagmumukha akong anghel na walang pakpak.

This is it, Bliss!

Isang malalim na hininga pa ang ginawa ko bago ako nagsimula sa pagbibitaw ng linya mula sa tulang ginawa ko na sumisimbolo sa mga bagay ns isinarili ko sa loob ng mahabang panahon.

"Sa sandaling panahon na nagtama ang ating mga mata.

Samu't saring emosyon ang parang baha na rumagasa at iyong ipinakita."

Pikig ang mga mata akong nagsalita, 'yon pa lang ang sinasabi ko pero namumuo na agad ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon. Saya, takot, at kaba.

Inilapat ko ang palad ko sa parte ng dibdib ko kung saan mabilis na tumitibok ang puso ko hindi para pakalmahin 'yon kundi para damhin 'yon.

"Mga emosyon na naglalaman ng daan-daang lihim na kwento.

At libo-libong karanasan na ilang taon mo ding sinarili at itinago

Mga kwento kung paano mo kinimkim ang mga naglalaro sa iyong isipan

Mga karanasan, karanasan na tanging ikaw lamang ang nakakaalam at nakakaramdam"

Nabigo na ako sa pagkakataon na ito na kontrolin ang mga luha ko dahil tuluy-tuloy na nagbagsakan iyon sa pisngi ko.

"Dahil walang ibang nagtanong kung ayos ka lang ba?

Walang nagtanong kung masaya ka pa ba at kung nasasaktan ka na?

Walang nakasaksi sa mga bawat paghihirap at kalungkutan mo

Walang ibang nakakaalam, kundi ikaw lang"

Kailangan kong balutin at isarili ang mga sakit at paghihirap ko sa takot na makasakit din ako ng mga taong mahal ko. Sometimes it's better that way naman diba? Na ikaw na lang ang masaktan kaysa ikaw ang makasakit ng iba.

But keeping everything to yourself isn't always the best choice to have. Because it is most likely for you to easily get tired holding those emotions bottled up inside your heart.

"Walang ibang nakakaalam sa kung paano mo paulit-ulit na itanong sa sarili mo na kung "Bakit ba ako?"

Paulit-ulit na mga kataga na "Sa dinami dami ng mga taong nabubuhay sa mundo ay bakit ba ako ang napili mo?""

Mas lalo akong naluha sa mga salitang binigkas ko. Napakasakit sa pakiramdam na sinasampal ko ang sarili ko sa katotohanan na pilit kong tinatakbuhan.

"Sa kung paano mo tinanggap ang bawat insulto at mga masasakit na salita

Kung paano mo pilit na inilayo ang sarili mo sa iba, sa kanila

Dahil hindi tulad nila, ikaw ay kakaiba

Na hindi tulad nila na may talento at gandang maipagmamayabang

Ikaw ay nagmimistulang napakaliit na langgam lamang

Na kung baga sa isang hardin na puno ng magagandang uri ng bulaklak

Ikaw ay isang lantang rosas na kahit ano mang oras ay pwede nang isantabi at itapon na lang"

Kasabay nang pagmulat ng mga mata ko ay ang pagbagsak ng itim na kurtina na nagsisilbing harang sa harapan ko at sa mga taong nanonood.

Naging matunog ang pagsinghap nila sa gulat ng ako ang tumambad sa kanila. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin, marahil ay nagulat sa itsura ko. Para akong tinanggalan ng maskara sa paglantad ko sa mga tao ngayon na wala ng harang na nagtatakip sa akin. Naroon man ang kaba na alam kong hindi na ako kailanman lulubayan, mas nangingibabaw ngayon ang tapang na ngayon ko lang ata naramdaman.

Mabagal na pinasadahan ng tingin ang dagat ng mga taong halos iisa lang ang nakikita kong emosyon, gulat. Ngunit napako ang mga mata ko sa babaeng nasa ibaba ng stage na may hawak ng camera para kumuha ng litrato. Walang emosyon ang mukha niya pero nakikita ko ang kakaunting gulat mula sa mga mata niya. Sa sobrang nipis ng emosyon niya na iyon ay parang niloloko lang ako ng paningin ko. Pero sigurado ako sa nakikita ko sa kabila ng blankong emosyon na nakapaskil sa mukha niya.

"At sana sa muli nating pagkikita, nais kong sabihin sa iyo na." Nakapako ang paningin ko sa kaniya at gano'n din siya sa akin.

"Na maganda ka, maganda ka at walang mali sa pagiging kakaiba

Ang kailangan mo lang gawin ay mahalin ang sarili mo at huwag intindihin ang mga insulto nila

Mahalin mo ang sarili mo hanggang sa hindi ka na nasasaktan pa

Hanggang sa kaya mo nang sagutin ang mga salita nila ng may ngiti sa iyong labi at mga mata"

Kasabay ng huling salita ko ay ang muling pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na luha ng lungkot kung hindi luha ng kaginhawaan. Na sa unang pagkakataon ay nagawa kong magpakatotoo sa harap ng maramig tao.

Sa harap ng mga magulang ko.

So, this is how it feels to be under the spotlight where all eyes are fixed on me. The feeling was beyond overwhelming. Nalulunod sa kakaibang tuwa ang puso ko ng magpalakpakan ang mga tao.

I feel resurrected. I feel like I am opening the metal bars of the rusty cage where I've kept myself for a long time. Pakiramdam lo ay bagong buhay ang sasalubungin ko sa bukas na haharapin ko matapos ang malaking hakbang na ginawa ko ngayon. I feel like I am slowly taking small steps away from that version of me who is always afraid of everything. And now I am taking steps forward to a new beginning and making me see a glimpse of a new reality.

Itinutok ko ang mga mata ko sa mga magulang ko na ngayon ay magkayakap habang umiiyak na nakatingin sa akin si Mom. I can see happiness and guilt in their eyes pero mas lamang ang kasiyahan sa pagkakataon na ito. Napangiti ako, sa wakas. Sa loob ng mahabang panahon ay makakalaya na ako sa kulungan kung saan ko ikinulong ang sarili ko.

I thought that the play is over with my piece as the final stage. Isang malaking pagkakamali iyon dahil biglang pumailanglang ang isang musika na nililikha ng isang gitara. Kasabay ng paglitaw ng iba't ibang larawan sa malaking lcd screen sa harapan ko.

My pictures are now visible on the eyes of everyone. Naguguluhan akong tumingin sa screen na ngayon ay tinitingnan na din ng lahat tao. Katulad ko ay puno din ng pagtataka ang mga mukha nila, pero ang sa kanila ay may halong kilig at saya.

Nangunot ang noo ko ng makita ko ang isang stolen shot na kuha mula sa labas ng classroom namin. Nagsusulat ako sa picture na 'yon at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Mas lalo akong naguluhan ng makita ko ang picture ko na kuha noong get-together namin. Mula sa pagtawa ko, sa seryosong pagtingin sa mga nangyayari, at maging sa pagtingin ko sa madilim na kalangitan na pinaliliwanag ng mga bituin at buwan.

Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'

Her hair, her hair falls perfectly without her trying

She's so beautiful and I tell her everyday

Bumilis ng husto ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng kumakanta. Malalim at napakabaritono ng boses ngunit hindi naging kabawasan 'yon sa ganda ng musikang nagmumula sa boses ng lalaking kumakanta. Ang sarap sa tainga ng boses no'n.

Napaiyak ako nang makita kong isa-isang bumababa mula sa pinakataas na bahagi ng auditorium ang mga kasamahan ko sa org. Lahat sila ay may suot ng puting t-shirt at kapwa may mga ngiti sa mga labi. Hindi ko man nakikita ng husto kung sino sila dahil sa distansya ay nasisiguro kong kasamahan ko sila.

Mas lalo akong naluha nang may huminto sa baba ng stage sa mismong harapan ko. Sapat na ang distansya para makilala ko ang taong 'yon sa pagkakataong 'to, Kervin. May dala siyang pulang rosas at inabot sa akin 'yon. Naluluhang tinanggap ko 'yon sa kabila ng matinding pagkalito.

When I see your face

There's not a thing that I would change 'cause you're amazing

Just the way you are

Mabilis na napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako nang pagkilos doon para lamang muli na namang mapaiyak sa lalaking nabungaran ko na ngayon ay naglalakad na palapit sa direksyon ko.

Halo-halong mga emosyon ang sabay-sabay na naramdaman ko habang pinanonood siyang tumipa sa gitara niya habang nakangiting kumakanta. Mas lalo akong napaluha nang makita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako.

Dati ginusto kong marinig ang pagkanta niya, at ngayon na ginagawa na niya ay hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na mamamgha sa ganda ng boses niya. Bawat liriko ng kanta ay talagang tumatama sa puso ko na tila ginawa 'yon para sa akin mismo.

Huminto siya sa harapan ko nang halos dalawang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Nakaputi rin siya katulad ng sa iba at hindi ko maitanggi na kahit sa ganoong kasimpleng pananamit ay napakagwapo niya.

Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha sa mga mata ko kahit na hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ko na magawang masundan ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking paulit-ulit na ipinadarama sa akin na karapat-dapat ako sa lahat ng bagay sa mundo, maging sa aspeto ng pagmamahal, higit na sa pagtanggap ng respeto mula sa ibang tao.

Pinigilan ko ang sarili ko na napahagulgol ng sa mga sumunod na liriko ay sinabayan ng mga tao sa buong auditorium ang pagkanta. Nakalulunod ang nakikita kong suporta at pagtanggap na ipinapakita nila para sa akin na hindi ko kailanman inasahan. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon mula sa mga tao. Mas lalong hindi ko inaasahan ang ginagawa ng lalaking ito sa harapan ko.

Itinigil niya ang pag-tipa sa gitara. Gamit ang isang kamay ay inabot niya ang mukha ko at tinuyo ang mga luha ko. Muli siyang kumanta, pero sa pagkakataon na ito ay wala ng musika, inaalay sa akin ang huling linya mh kanta.

When I see your face

There's not a thing that I would change

'Cause you're amazing

Just the way you are

Malakas na palakpakan ng tao ang sumunod na narinig ko. Ngumiti siya at iginaya ang mukha ko paharap sa lcd screen. At kung akala ko ay tapos na ang sorpresa niya ay nakakamali ako dahil muli na naman niya akong ginulat sa mga salitang nababasa ko ngayon.

Can I court you, Bliss Audrey Laure?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top