16: Uncertainty

CHAPTER SIXTEEN
Uncertainty

Mas isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ni Kervin at mas itinago ko ang mukha ko sa ilalim ng puting ballcap na suot ko. Naka suot din sa ibabaw ng sumrero ang hood ng itim hoodie na suot ko. Umakbay sa akin si Kervin na sigurado akong nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya hanggang sa halos nasa harapan na niya ako.

Kulang ang salitang kaba na nararamdaman ko ngayon kahit na hindi pa ito ang araw ng pagtatanghal ng org. Ang kaba na mataggal nang nasa buong pagkatao ko ay sinasabayan pa ng takot. Alam ko naman na imposible na may makapansin sa akin sa rami ng miyembro ng org pero hindi magawang kumalma ng sistema ko.

"Relax ka lang, okay?" mahinang bulong niya sa tainga ko, iniiwasang may maistorbo kaming mga kasamahan namin sa org.

"Sa likod lang tayo, ha?" pakiusap ko. Pakiramdam ko ay isa akong batang takot mawala sa gitna ng maraming tao sa paraan ng pagkakakapit ko sa laylayan ng tshirt ni Kervin.

Binigyan niya ako ng ngiti kaya napanatag ako. "Huwag kang mag-alala, nandito ako. Okay?" Tumango ako sa kaniya.

Muli na namang naagaw ng nagsasalita sa podium na nasa sentro ng stage ng auditorium ang atensyon ko nang magsalita siya. Ang supreme student council president ang nagsasalita sa harap ng mga estudyante na mga pawang nakaupo sa theater seats mula second floor pataas. Habang mga faculty staff, deans, at professors naman ang nasa VIP area.

Ipinakikiilala ng SSC president ang bawat org sa mga estudyante at ang mga activity na magaganap sa susunod na araw. Opening na ng foundation week kaya maaga akong pumasok ngayon kahit na wala naman sa plano ko.

Gustuhin ko rin naman na huwag sumama sa opening at pagpapakilala ng mga org ay hindi ko ginawa dahil importanteng even 'to para sa buong org at ayaw kong mawala. Hindi rin naman ako papayagan ng mga kasamahan ko lalo na si Kervin na kagabi pa lang ay nasa bahay na para paalalahanan ako sa magaganap ngayong araw.

"Let's welcome the Theater and Drama Society of our university," anunsyo ng president na sinundan nang masigabong palakpakan ng mga taong naroon.

Isa-isang umakyat ang nga kasamahan namin mula sa standby area sa gilid ng stage. Mas humigpit pa ang kapit ko sa shirt ni Kervin nang akayin niya ako paakyat para daluhan ang mga nauna na naming kasamahan. Hindi man lahat ng tao ay nakikita ako, napapansin ko pa rin ang mapanuring tingin na ipinupukol sa akin ng mga nasa VIP area na malapit lang sa stage, maliban sa mga propesor na kilala na ako.

"Relax. Nandito ako," masuyong bulong muli ni Kervin sa tainga ko habang hinihimas ang braso ko para kalmahin ako.

Gusto kong kumalma dahil alam kong ganito rin ang mangyayari sa play ilang araw mula ngayon. Dapat ay masanay na ako ngayon pa lang, pero mahirap pala talaga lalo na at buong buhay ko ay itinago ko ang sarili ko.

Hindi ako sigurado kung nakikita ba ako ng mga tao o hindi. Pero hindi malabo na makita nga nila ako dahil aangat at aangat ang kulay ng balat ko. Maliban pa ro'n ay may camera na nakatutok sa amin para ipakita sa malaking screen na nasa magkabilang gilid ng stage sa itaas na bahagi.

"We weren't able to perform last year because we are missing a member," panimula ni Kuya Gio matapos ay lumingon kay Devyn na nasa tabi niya sa harapan. "But now that he is back, we are now ready to give you a rollercoaster ride of emotions. Please be a part of us as we take the stage again for this year's foundation. This year is a very special year for us. Because we will be taking an unknown path that we haven't taken before. But we are hoping that just like the courage that we had when we have decided to show you another play, you would also find the courage in to open up your hearts for this one. We are rooting for your understanding, everyone."

Malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig ko mula sa mga tao. Talagang inaabangan ang org namin dahil talaga namang magagaling ang miyembro ng org lalo na si Devyn. Kahit kasi isang beses ko pa lang siyang naririnig na magbitiw ng linya ay tumagos na agad sa puso ko ang mga emosyon na dala niya sa sinasabi niya.

Saglit lang kami na nagtagal doon at nakahinga ako ng maluwag ng mawala na kami sa stage. Kakayanin ko ba sa susunod na tatayo ako sa gitna ng malaking entablado na iyon ng ako lang mag-isa?


TAGAKTAK na ang pawis sa noo at likod ko dahil sa pagod sa ilang oras nang ginagawa namin. Alam kong hindi lang ako, kundi maging ang lahat ay nararamdaman na rin ang nararamdaman ko, mas higit pa sa nararamdaman ko. Lahat ay hindi nananatili sa iisang puwesto lang at may kani-kaniyang inaatupag.

Ang mga nasa props team na lalaki ay busy sa paglilipat ng mga props na nasa storage room sa maliit na isang palapag na building sa gilid lang ng auditorium. Ang mga actor at actress ay kani-kaniyang sukat naman ng mga gagamitin na damit sa tulong ng mga babaeng props team. Habang ako naman ay abala sa paghahanda ng makakain at maiinom nila dahil ilang saglit lang ay water break na nila.

"Tubig," isa-isa kong inabutan ng mineral water ang mga kasamahan namin na mga nakaupo sa stage nang sumapit ang sampung minutong water break nila, kanina pa kasi sila nagsimula at sugurado akong pagod na silang lahat.

Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na enjoy-in ang foundation dahil lahat kami ay pinagtuunan ng pansin ang play na magaganap bukas mismo. Walang kaso sa akin ang bagay na iyon dahil hindi rin naman ako puwedeng magbabad sa ilalim ng araw. Kaya itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagsasaulo ng tula ko.

"Here, Kervin." Ngumiti siya bago kinuha ang tubig na inabot ko.

Isa-isa ko ring inabutan ng tubig ang props team na alam kong napagod na rin dahil sa pagbubuhat ng mabibigat ng props. Inabot naman nila ang tubig na inaabot ko ng may ngiti sa labi nila.

"You don't need to do this, Bliss." Naiiling na komento ni Nikko na siyang inaabutan ko ngayon.

"I know. Gusto ko lang tumulong kasi ever since na nagsimula ang rehearsal ay bilang lang sa mga daliri ko sa isang kamay ang mga naitulong ko sa inyo," nahihiyang tugon ko.

"Okay lang 'yon ano ka ba. Masaya naman kami sa ginagawa namin. At alam kong worth it ang lahat ng pagod namin. Makita ka lang namin sa gitna ng entablado ay masaya na kami," nakangiti at sinserong sabi ni Lucy na ngayon ay nakatingin sa akin.

Nawalan ako ng imik dahil sa sinabi niya. Nakatataba ng puso ang suporta na ibinibigay nila sa akin kahit na hindi ko naman sila kadugo. Nakatutuwa na hindi nila ako sinusukuan para pagkatiwalaan ko ang sarili ko, isang bagay na hirap akong gawin sa loob ng napakahabang panahon.

"Here," nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.

Inabutan niya ako ng tubig na may kasama pang sandwich na siyang dapat ay ako ang gagawa sa kaniya. Kinuha niya mula sa kaliwang kamay ko ang cooler na hawak ko kanina na naglalaman ng mga bote ng mineral water at ibinaba niya lang iyon sa tabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa kung saan.

Inulan kami ng panunukso mula sa mga kasamahan namin, lahat ay nang-aasar at kinikilig dahil sa napapanood. Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko si Isa at wala sa sariling napalingon ako sa kaniya. 'Ayun siya at nakangiti rin ng may halong panunukso. Gumaan ang pakiramdam ko nang bigyan niya ako ng tunay na ngiti. May lungkot man sa mga mata niya ay nasisiguro ko na hindi dahil sa nasasaksihan ang pinanggagalingan no'n, mas malalim at mas masakit na hindi ko pa maiintindihan sa ngayon.

"Oy ano 'yan ha?" nang-aasar na sigaw ni Nikko.

"May rehearsal pa tayo!" Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakangisi si Kuya Gio ng sabihin niya 'yon.

Hindi ko na nagawang awatin pa ang puso ko nang magsimula na naman siyang magwala ng dahil sa kantiyaw ng mga tao sa paligid namin. Pero hindi niya pinansin ang alinman sa mga tukso nila at tuloy lang siya sa paghila sa akin. Dinala niya ako sa dressing room kung saan niya ako dinala noong iniiwasan ko pa siya.

Napatingin ako sa limang clothes rack na nandoon, isang rack para sa isang aktor. Naglalaro lang sa kulay na puti at itim ang buong dressing room. Puti ang dingding at itim ang halos lahat ng kagamitan.

Sa kabilang dressing room ay paniguradong ganoon din. May mahabang salamin sa kanang bahagi at limang upuan na pang salon. May mga bumbilya rin sa paligid ng salamin. Sa kaliwa naman ay may dalawang sofa set para na nagsisilbing resting area ng mga natapos ng mag make-up. May babasagin na salamin ang pagitan ng mga leather sofa na iyon. Sa pinakadulo ng dressing room ay may dalawang banyo na puwedeng pagbihisan.

Hinila ako ni Devyn sa isa sa mga sofa at doon pinaupo. Naupo siya sa tabi ko at ibinaba ang dalawang sandwich na hawak niya at dalawang bottled water. Nagbukas siya ng isang tubig at iniabot 'yon sa akin.

"Thank you," kiming sabi ko.

"Eat this too." Binuksan na rin niya ang tuna sandwich na nakuha niya malamang sa hilera ng pagkain na nasa backstage ng auditorium.

"Thanks ulit."

Tahimik na nagsimula kaming kumain at hindi din nagtagal ay natapos din kami ng walang namumutawing salita sa pagitan namin. Ang akala ko ay babalik na agad kami sa stage pero hindi pa rin siya gumagalaw sa pagkakaupo niya.

"Tara na sa labas," pag-aaya ko.

"Nasa bahay niyo ba ang parents mo ngayong gabi?" sa halip ay tanong niya. Nangunot ang noo ko sa tinanong niya, malayo kasi 'yon sa sinabi ko.

"Oo, bakit?" Mas lalo akong naguluhan ng napangiti siya sa sinagot ko.

"Ihahatid kita mamaya, ha?" tanong niya habang matamang nakatingin sa akin.

"Okay." Matagal na noong huling beses na inihatid niya ako. Isang buwan na ata ang nakakalipas noong huli.

"Walang nang bawian, ha?" Napangiwi ako nang makita ko ang lungkot sa mukha niya. Dinamdam niya ba ang nangyari noong nakaaraan na dapat ay ihahatid niya ako?

"Walang bawian." Ngumiti ako para makampante naman siya sa sinagot ko.

Muli na naman silang sumabak sa rehearsal nang lumabas kami sa dressing room. Pero sa pagakataon na ito ay may kasama ng props at change costume. Katabi ko si Ma'am Ria sa extreme right-side ng VIP area. Hindi ko nakikita ang nangyayari sa taas ng stage dahil may kurtina na nakaharang sa harapan at sa ibabaw namin. May inilagay kasi sila kaninang pahalang na tabing ng itim na kurtina mula sa puwesto namin hanggang sa mismong hagdan paakyat ng stage.

Para tuloy kaming nasa loob ng isang tunnel dahil walang ibang magkikita na kahit ano bukod sa kurtinang itim. Lahat kasi ng side ay nababalutan ng itim na tela. May kalakihan sa loob at pumapasok pa din naman ang lamig ng aircon kaya okay lang ang temperature at hindi mainit. Hindi ko alam kung para saan 'yon dahil basta na lang akong pinapunta rito ni Ma'am kanina.

"Dito ka manonood bukas, Bliss." Napatingin ako kay Ma'am.

"Dito po? Hindi po ba puwedeng sa standby area na lang? Nakakahiya naman po sa upuan na 'to." Kamot ang pisngi na nagbaba ako ng tingin sa upuan na sa tingin ko ay bagong bili lang.

Para 'yong upuan na inuupuan ng mga nananalong beauty queen sa mga prestihiyosong pageant. Mataas ang sandalan no'n na hugis korona at kulay ginto ang matigas na parte sa gilid. At kahit hindi ko pa nauupuan ay alam kong malambot ang bawat bahagi no'n, mula sa sandalan, sa armrest, at sa mismong upuan. May hugis parisukat na throw pillow din 'yon na sa awa ng Diyos ay hindi kulay ginto kundi ay basil green, ang paborito kong kulay.

"No, Bliss." Ngumiti sa akin si Ma'am at inakbayan ako. "We want you to enjoy the play. Dito ka manonood at pupunta ka lang sa stage kapag cue mo na."

"E, paano ko po malalaman kung time ko na para umakyat?" naguguluhang tanong ko. Ngayon ko talaga mas napapatunayan na wala akong ambag sa play na ito dahil wala akong alam na kahit ano.

Kahit nga at oras kung kalian ako papasok ay hindi ko alam. Masyado nilang isinekreto sa akin ang mga magaganap sa play. Ang tanging nalalaman ko lang ay ang mga props na nakita kong ginawa nila at ang mga damit na tinahi ko. Pero bukod sa mga 'yon ay wala na akong alam.

"Pupuntahan ka ni Gio dito at dadalhin sa taas."

Napakamot ulit ako ng ulo ko nang may maalalang problema na kanina lang din pumasok sa utak ko. "Ma'am, 'yong abot nga pala sa ilaw."

"Anong mayro'n?"

"May light sensitivity po kasi ako kaya hindi puwedeng masyadong maliwanag ang ilaw dahil nasisilaw agad ako at masakit sa mata," paliwanag ko. Magsasalita pa sana ako nang mapatigil dahil nakita ko ang ngiti na sumilay sa labi niya.

"I know," nakangiti at parang kinikilig pa na sabi niya.

Wala sa sariling napatulala ako sa taglay niyang kagandahan. Bata lang si Ma'am Ria Jimenez, I think she's 23 or 24. Mas matangkad siya sa akin, 5"4 ako habang siya naman ay 5"6. Maganda si Ma'am Ria kaya maraming nagkakagusto sa kaniya. May mahaba at straight na itim na buhok siya, kayumanggi ang balat, katamtamang tangos ng ilong, bilog na mga mata, at mapulang labi.

Pilipinang pilipina ang ganda niya kaya hindi na nakapagtataka na kahit si Kuya Gio ay tinamaan sa kaniya. Wala naman kasing katangian si Ma'am na hindi mo magugutuhan. Bukod kasi sa ganda niya ay sadiyang napakabuti ng kalooban niya.

"Paano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Devyn told us already," kinikilig na sambit niya. Nanunuksong tumgingin siya sa akin kaya naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. "Ang plano kasi talaga ay may spotlight na nakatutok sa'yo habang nagdedeliver ka ng tula mo. Ang kaso nasabi nga sa amin ni Devyn ang pagkakaroon mo ng photophobia ba 'yon?" Tumango ako bilang pag-sangayon sa sinabi niya.

"Ano na po ang mangyayari niyan?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Makikita mo na lang bukas," misteryosong tugon niya.

Naguguluhan ako sa totoo lang. Wala kasi talaga silang instructions na binigay sa akin sa kung kailan at saan ako pupunta. At mas nakakadagdag lang sa kaba ko ang bagay na 'yon.

"Alam kong kakabahan ka bukas, o mas tamang sabihin na ngayon pa lang ay kinakabahan ka na," nagbaba siya ng tingin sa akin tsaka ako binigyan ng ngiti. "But we will make sure na hindi mawawala ang suporta namin sa iyo. Trust us, Bliss. But more importantly, trust yourself."


"LET'S GO?" Tumango ako at umangkas na sa likod ng motor niya. Nauna nang umalis ang iba at naiwan na lang kami. Kami na lang din ang tao sa parking although hindi naman nakakatakot dahil maliwanag ang paligid.

"Hold on tight, Bliss." Kusang kumawala sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti ng sa kabila ng suot kong gray na hoodie ay naramdaman ko pa din ang malamig na hangin.

Mas maganda sana sa pakiramdam kung walang polyusyon ang hangin na 'yon. Ang kaso, sa rami ba naman ng taong walang disiplina sa mundo ay imposible na ata ang bagay na 'yon lalo na sa panahon ngayon. Idagdag pa ang katotohanan na padami na ng padami ang mga taong bumibili ng sasakyan at motor kaya't mas nadadagdagan pa ang polyusyon dahil sa usok. Kahit naman kasi minsan ay hindi kailangan ay bumibili para may maipagmayabang lang. para may mapatunayan lang.

Katulad ng dati ay tahimik at mabilis lang ang biyahe namin. Ilang minuto lang ay narating na agad namin ang harapan ng bahay namin. Bigla ay bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko sa pinaghalong pagtataka at kaba nang maalala na gusto niyang kausapin ang mga magulang ko. Ang pagtataka ay para sa dahilan nang pagpunta niya rito na hindi ko alam.

Kung akala ko ay ako lang ang nakakaramdam ng kaba ay nagkamali ako dahil maging siya ay nababasahan ko din nga kaba nang alangan na nginitian niya ako. Pero bakit?

"Tara na?" tanong ko na tahimik na tinangunhan niya.

Tahimik na pumasok kami sa loob ng bahay, kulay puti at gray lang ang kulay ng labas ng bahay namin katulad ng nasa loob, simple pero maganda. Hindi dahil sa mamahaling gamit o kung ano pa man ngunit dahil laman ng bahay na ito ang mga taong mahal ko, ang mga magulang ko.

Naabutan ko si Mom and Dad na nakaupo sa mahabang kulay gray na sofa habang nanonood ng Doctor John sa malaking flat screen TV sa salas, ang kinababaliwan nila na Kdrama.

"Mom." Lumapit ako sa kanila at nag-mano. "Dad."

Tumagos ang mga tingin nila mula sa akin patungo kay Devyn na nakatayo pa rin sa may pinto. Sinenyasan ko siya na lumapit na siya namang ginawa niya. Hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin ng mga sarili kong magulang dahil mas nakapako ang paningin nila sa taong kasama ko.

"Naghapunan na ba kayo?" tanong ni Dad at tumingin sa wall clock sa ibabaw ng malaking flat screen tv. "9:30 na."

"Hindi pa po, Dad."

"Magbihis ka na muna, anak. Magpapahanda lang ako ng hapunan para makakain na kayo ng bisita mo." Kaswal man ang pagkakasabi no'n ni Mom pero naririnig ko pa din sa boses niya ang panunukso.

Hindi ko tuloy maiwasan na pamulahan ng mukha nang matantong palihim na tinutukso niya ako. "Sige po." Binalingan ko si Devyn na may kakaibang ngiti sa labi. "Saglit lang ako ha? Babalik din ako kaagad," mahinang sabi ko, takot na marinig nila Mom at Dad sa takot na bigyan nila ng ibang kulay 'yon.

Tumango naman siya ng hindi pa rin nawawala ang misteryosong ngiti sa labi. Napapailing na umakyat na lang ako sa second floor ng bahay kung saan ang kuwarto ko. Isang mabilis na hilamos at pagpapalit ng pambahay na damit ang ginawa ko. Isang malaking puting shirt ang suot ko at maliit at itim na cotton shorts, hindi tuloy halata na may suot akong shorts. Ganito ang normal na suot ko sa tuwing nasa bahay lang ako. Komportable kasi at nakakakilos ako ng naaayon sa gusto ko.

Bumaba na ako at naabutan ko silang nasa hapag kainan na. May mga nakahain na sa hapag at ako na lang ang kulang. Maging sa harapan ng mga magulang ko ay may plato din.

"Let's eat," pahayag ni Mom, ang panunukso ay naroon pa rin sa mga mata niya.

Napapailing na lang na naupo ako sa tabi ng upuan ni Devyn dahil doon may nakalagay na plato. Sa pinakagitna si Dad habang sa kanan niya si mom at ako sa kaliwa. Naiilang man ako sa katotohanan na kasabay naming kumain sa iisang lamesa si Devyn ay sinikap ko pa rin na gawing normal ang mga kilos ko.

"Pasensya ka na sa ulam na naihanda namin, ha? Hindi na kasi kami nakapagpaluto ng kahit isang putahe dahil baka matagalan lang," pagpapaumanhin ni mom.

"Okay lang po 'yon. Ang importante po ay may nakahain na pagkain sa hapag kainan," magalang na wika ni Devyn.

Mapangiti ako sa sinabi niya. Halata kasing totoo at walang halong kaplastikan ang bawat pananalita niya. Pakiramdam ko tuloy ay mas naging mabuti siyang tao sa paningin ko. Sana ay lahat ng tao ay katulad niya na walang pili sa mga nakahain na sa haraap. Minsan kasi ay kahit walang-wala na ay pinipilit pa rin ng iba ang mga gusto nila.

Puro mga madadaling lutuin na ulam kasi ang nakahain sa hapag namin ngayon. Sunny side up at scrambled egg, ham, at hatdog. May isang pitsel din ng iced tea at tubig.

"Ilang taon ka na, Devyn?" tanong ni Dad na sinasalinan na ng kanin ang plato ni mom.

"21 po, Sir," magalang na sagot niya.

"Tito na lang. Masyado ka namang pormal bata ka," nakangiting sabi ni Dad. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, para kasi ang tagal na nilang magkakilala kung ituring ni Dad si Devyn.

"Anong kurso mo?" Si mom naman ang nagtanong this time.

"Psychology po." Bahagyang nanlaki ang nga mata ko sa sinabi niya.

Psychology din ang course niya?

"What do you want to eat?" mahinang tanong ni Devyn, nasa akin ang buong atensyon at handa nang pagsilbihan ako.

Agad na pinamulahan ako ng mukha sa hindi mabilang ng pagkakataon nang ibulong niya sa akin 'yon. Pasimpleng sumulyap ako sa magulang ko, 'ayun na naman ang mapanuksong tingin ni Mom kaya mas lalo pang lumala ngayon dahil sa mga kilos ng lalaki sa harapan nila. Gulayyy!

Nag-iwas at nagpanggap na walang nakikita at naririnig ang mga magulang ko. Mas lalo akong kinain ng hiya nang sikuhin ako ni Devyn ng hindi ko magawang sumagot sa naging tanong niya.

"Anything's fine," nahihiyang bulong ko.

Ngumiti naman siya sa akin bago kumuha ng hotdog at naglagay ng dalawang piraso sa plato ko. Naglagay din siya ng sunny side up at isang ham, maging sa paglagay ng kanin ay siya na rin ang umako. Wala na tuloy akong ibang nagawa kundi ang sundan at pagmasdan ang bawat kilos niya habang pinagsisilbihan ako.

Hindi ko nagawang sabayan ang kwentuhan nila dahil okupado ng mabilis na tibok ng puso ko ang isip ko. Kahit ang pakinggan ang usapan nila ay hindi ko magawa dahil mas bangingibabaw sa pandinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Naroon ang takot na duda ako kung lulubayan pa ba. Pero mas lamang sa pagkakataon na ito ang kagutuhan ko na pairalin ang puso ko na umasa sa mga kilos na ipinapakita niya.

"Ako na po ang maghuhugas." Napangiwi ako dahil ngayon lang ako nakapagsalita kung kailan tapos na ang hapunan.

"Sige, anak. Para hindi na din natin maabala si Nida," tukoy ni mom sa kasama namin dito sa bahay.

"Maiwan ka na muna namin dito, Bliss. At may gusto raw sabihin sa amin si Devyn," nagtatakang napatingin ako sa lalaki na katabi ko. Umiling lang siya sa akin, sinasabing hindi niya p'wedeng sabihin sa akin kung ano man 'yon na pag-uusapan nila ng mga magulang ko.

"Sige po, Dad."

Gusto kong magmadali sa paghuhugas para marinig ko ang pag-uusapan nila sa labas, pero hindi ko magawa sa takot na makabasag ako ng pinggan. Seryosong hinarap ko ang ilang pirasong hugasin pero tinatangay ng kuryusidad ko ang buong atensyon ko. Kating-kati na ang mga paa ko na tumakbo papunta sa salas at alamin ang pinaguusapan nila. Para kasing ang laking bagy no'n base na rin sa nakita kong kaba sa mukha ni Devyn kanina.

Kaya matapos kong maghugas ay dali-dali akong lumabas ng kusina para puntahan sila. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko ng makitang nakatayo na sa pinto si Devyn at mukhang paalis na. Nakangiting bumaling sa akin si mommy na may mapaglaro ngunit masayang ngiti sa mga labi at mga mata. Gustuhin ko mang alamin kung bakit ay hindi ko na ginawa. Alam ko naman kasi na hindi nila sasabihin kahit na akong pilit ko.

"Ihatid mo na ang bisita mo sa labas, Bliss," nakangiting ding utos ni Dad.

Napapakamot na lang ako sa pisngi ko sa kawalan ng nalalaman sa nangyayari. Lumapit ako kay Devyn na nagpaalam muna sa mga magulang ko bago ako binigyan ng daan para makalabas ng pinto.

Pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagtingin niya sa right wall ng living room namin. Ang wall kasi sa right side ng bahay namin ay pininturahan ng kulay basil green. Naiiba sa tema ng bahay na kulay puti at gray pero bumagay naman.

Sa gitna ng wall na 'yon ay ang family picture namin na black and white habang sa gilid naman ay nakadisplay ang mga puzzle na ibinigay nila sa akin. Sa baba ng mga 'yon ay ang hilera ng mga pictures namin na nakapatong sa babasagin na estante na hanggang baywang ang taas.

"Good night, Devyn," agad na sabi ko pagkalabas namin ng gate.

"Pinaaalis mo na ata ako e," natatawang naupo siya sa motor niya paharap sa akin.

"Hindi naman, alam ko kasi na pagod ka," nakayukong tanggi ko.

"I really am tired."

Mabilis na nag-angat ako ng tingin at hindi naitago ang pag-aalala sa kaniya. "Kaya ng umuwi ka na para makapagpahinga ka," pagtataboy ko.

Lumalim ang paghinga ko nang ngumiti siya kasabay ng pagkuha niya sa kamay ko. My heart is beating loudly and wildly again, for the same man who first made me feel this way. Napakagat ako ng ibabang labi ko nang makaramdam ako ng kilig na hindi ko magawang itanggi. Hindi ko na rin maawat ang mabilis at nagwawalang tibok ng puso ko.

Pero kung akala ko ay hanggang doon lang 'yon ay nagkamali ako. Dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapaloob sa mga bisig niya nang kabigin niya ako at ikinulong sa isang mainit nayakap. Nakaupo pa rin siya sa motor niya kaya nasasalo niya ang bigat ko.

"A-anong ginagawa mo?" nabibigla at nahihiyang tanong ko. Nag-iinit na ang pisngi ko sa sobrang lapit naming dalawa at nasisiguro kong walang duda ang pamumula ng magkabilang pisngi ko ngayon.

Iba ang yakap na ito sa naunang ibinigay niya sa akin noong lasing siya. Ngayon ay may kakaibang emosyon na gusto niyang iparating sa akin sa pamamagitan ng yakap na iginagawad niya. Emosyon na takot akong kilalanin at pangalanan. Dahil imposible na totoo ang nararamdman kong nararamdaman niya. Siguro ay punaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko at nang paghahangad ko sa isang bagay na malabong magkatotoo.

"Susunduin kita bukas ha?" Agad na tumango ako. "Good."

Nagwala ang bawat himaymay ng pagkatao ko nang maramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko sa napakasuyong paraan. Binaliw ako ng ginawa niya, pinahirapan akong huminga, at hindi ko na magawang pagpantayin pa ang bawat paghinga ko at ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Wala akong mahanap na salita at hindi ako nakagalaw, ang alam ko lang ay grabe na ang pagwawala ng puso ko dahil sa kaniya.

Hindi ko lubusang maipaliwanag ang kakaibang epekto niya sa akin. Tila nababalot ako ng isang mahika at ang tanging nakikita ko na lang ay ako at siya na magkasama. At sa bawat patak ng segundo na nababalot ako ng mahika na 'yon ay siya ring mas lalong paglalim ng nararamdaman ko.

But the uncertainty of tomorrow is what's scaring me. Wala namang kasiguraduhan na iisa lang ang nararamdaman namin. Paano kung bukas ay bigla na lang siyang mawala? Paano kung magising na lang siya at lumayo na lang bigla? A new days always has something new to offer but with no assurance if it will be good or bad for you. At nakamatakot humarap sa panibagong umaga na walang kasiguraduhan.

"May napansin ako," maya-maya ay sabi niya.

"Ano?" Gusto kong magdiwang ng hindi ako mautal sa sinabi kong 'yon sa kabila ng abnormal na tibok ng puso ko.

"Bakit wala ang puzzle na binigay ko sa'yo sa mga nakadisplay sa wall niyo?" tanong niya na mahihimigan nang pagtatampo.

Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko sa tanong niya. Wala sa sariling naisubsob ko ang mukha ko sa matipunong dibdib niya sa sobrang kahihiyan. Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na umakyat mula sa baywang ko patungo sa ulo ko para haplusin 'yon habang hinihintay ang magiging sagot ko.

"Why?" Hindi ko man nakikita, alam kong nakangiti siya.

"It's in my room," mahina at pabulong nap ag-amin ko, pilit na itinatago ang kahihiyan.

Bumaba ang kamay niya sa pisngi ko para iangat 'yon. "Really?" walawak ang ngiti na tungon niya, kababakasan ng tuwa. Napapikit ako ng mariin ng makaramdam muli ng hiya bago marahan na tumango. "Wala ng iba?" Umiling ako. "That's good to hear." Unti-unti akong nagmulat ng mata mata at sinalubong ng emosyonal na tingin niya. "That should only be my spot, hmm?" Mas nawalan ako ng imik sa malambing at puno ng pagsuyong sabi niya. "Sa akin lang, hmm?" Tumango ulit ako. "Good, because I am yours too."

Kagat-labing napatango na lang ako kahit na wala akong makitang koneksyon sa sinabi niya. Naging abnormal na naman ang naging pagtibok ng puso ko. Hindi matawarang kilig na nararamdaman sa mga simpleng salita lang niya na bagaman walang koneksyon ay kakatwang naunawaan ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top