15: A Place with You

CHAPTER FIFTEEN
A Place with You

"Bliss Audrey," narinig kong pagtawag niya pero pinigilan ko ang sarili na lumingon.

Mag-isa lang ako sa pinakataas ng auditorium at nagse-cellphone habang ang iba naman ay nasa mismong stage para sa huling rehearsal nila bago ang pahinga namin bukas dahil opening ng foundation week bukas.

Hindi pa rin nila ako pinasasali sa rehearsal kaya nakuntento na lang ako rito sa taas at pinapanood sila kahit mukha na silang langgam sa paningin ko sa sobrang layo nila sa puwesto ko. Tumutulong ako sa props team pero ubos na ang mga kailangang gawin ngayon kaya wala na rin kaming ginagawa.

Mas itinago ko ang sarili ko sa ilalim ng kulay pulang hoodie ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. Isang buwan na ang nakalipas at sa loob ng mga araw na dumaan ay walang araw na hindi ko sinikap na iwasan siya. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba ang pag-iwas ko o hindi pero hindi ko na 'yon pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pag-iwas sa kaniya sa personal na dahilan.

"Kumain ka na?" tanong niya na taliwas sa inaasahan ko.

Ang akala ko kasi ang nandito siya para mag-usisa pero iba pala ang intensyon niya. Katulad ng isang buwang pag-iwas ko ay siyang ring pangungulit niya sa akin. Naging routine na nga ata namin ang larong tagu-taguan dahil sa bawat pag-iwas ko at paglayo ay siya rin namang paglapit niya at paghahanap sa akin para kausapin.

Hindi ko siya nilingon at umiling lang ako. "Hindi pa." Kanina pa lumipas ang tanghalian pero hindi ko nagawang kumain dahil sinamahan ko si Kervin na bumili ng pagkain ng buong org kaya nalipasan na ako ng gutom.

Ala una pa lang ng hapon pero nagsimula na ang rehearsals nila dahil excuse kami ng isang linggo sa klase para sa paspasan na rehearsal. Bukas na kasi ang sumula ng foundation week kaya ipapahinga sila bukas para hindi naman sila pagod kapag mismong play na.

Sa bawat araw na dumaan sa loob ng isang buwan ay mas itinuon ko ang sarili ko sa pag-eensayo ng sarili kong parte sa play. At sa loob ng isang buwan na 'yon ay hindi ko maitatanggi na hindi siya nawala sa isip ko at sa halip ay mas naging dominante pa ang pananatili niya roon. Na gustuhin ko mang pigilan ay hindi ko magawa dahil mas lumalalim lang ang puwang niya sa puso at isip ko ng hindi sinasadya.

Gustuhin ko mang pigilan ang sariling nararamdaman ay wala akong kakayahan lalo na at kung siya na rin mismo ang lumalapit at gumagawa ng paraan para mapanatili ang sarili sa buhay ko. Mas naging sweet siya, mas naging maalaga, at mas nangibabaw ang kagustuhan niyang mapalapit sa akin sa kabila ng bawat paglayo ko.

At sa bawat araw na nagdaan ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong walang takot na nahulog sa kaniya. Totoo ang sinabi ni Kervin na makukit si Devyn dahil hindi ko ata naranasan ang isang araw na hindi ko naramdaman ang presensya niya dahil palagi siyang sumusulpot sa kabila nang pagtatago ko.

Pabuntong hininga na naupo siya sa tabi ko. "Tara. Kain tayo. Hindi maganda ang nalilipasan ng gutom," nag-aalalang wika niya.

"Hindi ako gutom," mahinang sagot ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang cellphone ko kahit na pilit na inaagaw ng presensya niya ang atensyon ko.

"Sige na. Come with me," malumanay at malambing na sabi niya. Naramdam ko pa ang paglapit niya sa akin hanggang sa nanuot na sa ilong ko ang natural na bango niya.

Gusto kong batukan ang sarili ko ng muntik na akong lumingon dahil sa sobrang lambing ng boses niya. Kakaiba ang epekto no'n sa akin at kung papairalin ko ang puso ko ay mas gugustuhin no'n ang bumigay at magpatangay na lang sa gusto niya. Palagi naman siyang ganiyan simula ng iwasan ko siya.

"Okay lang ako rito," pilit ko pa din kahit gusto ng pumayag ng puso ko.

"Ayaw mo talaga?" mababakas ang lungkot na bulong niya.

Imbes na magsalita ay tango lang ang naibigay ko sa kaniya bilang sagot. Naramdaman ko ang paglapit niya at pagbaba ng ulo niya hanggang sa naramdaman ko na ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko bago tuluyang umalis. At doon lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na siya sa paningin ko.

Pero kung akala ko ay magtutuloy-tuloy 'yon ay nagkamali ako dahil wala pang sampung minuto nang umalis siya ay muling bumalik siya dala ang isang may kalakihan na brown paper bag. Walang seremonyas na kinuha niya ang kamay ko gamit ang bakanteng kamay at hinila pababa hanggang sa marating namin ang stage.

Nakita ko kung paano kami tapunan ng nanunuksong tingin ng mga kasamahan namin sa pangunguna nina Kervin at Kuya Gio. Pero wala roon ang atensyon ko dahil nakuha na ng magkahawak na kamay namin ni Devym ng buong buo ang atensyon ko. Nagbaba ako ng tingin doon at gano'n na lang ang gulat ko sa mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko.

I missed this. Napangiti ako ng mapait ng sarili ko mismo ang maglaglag sa sarili kong nararamdaman.

Dinala niya ako sa isa sa mga dressing room doon at pinaupo sa sofa. Inilagay naman niya ang brown paper bag sa lamesa sa harapan namin bago naupo sa tabi ko.

"Let's eat," magiliw na sabi niya.

"I said I'm --" tinangay ng hangin ang sasabihin ko dapat ng paglingon ko sa kaniya ay malungkot at nagsusumamong mga mata niya ang bumungad sa akin.

Parang gusto ko biglang sisihin ang sarili ko kung bakit ba ako nag-iinarte kung siya na mismo ang nagsabi na wala lang ang nakaraan nila ni Isa na siyang bumabagabag sa akin. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa nga nakikita kong emosyon na naglalaro sa mga mata niya na ngayon ko lang ulit nagawang tingnan.

"Let's eat, please?" pagmamakaawa niya. Wala sa sariling napatango ako dahil sa sobra-sobrang emosyon na laman ng boses niya.

Napakarupok mo, Bliss.

Sumilay ang masayang ngiti sa labi niya mabilis kinuha ang kamay ko upang gawaran ng mabilis na halik ang likod no'n. Ang kanina pang mabilis na pagtibok ng puso ko ay mas lalo pang bumilis dahil sa ginawa niya.

Tahimik na inihain niya ang dalawang paper plate sa harapan namin, siya na rin ang naglagay ng mga kanin at ulam roon. Ang sa akin ay fried chiken habang ang sa kaniya naman ay laing.

Alangan na tiningnan niya ako. "Hindi ko alam ang gusto mo kaya iyan na lang ang pinili ko. Okay lang ba?"

Nginitian ko siya para ipakita na okay lang. "Okay lang. Maraming salamat,"

"Anything for you, Bliss Audrey. Anything," nakangiting wika niya.

"You cut your hair," puna ko nang mapansin ang panibagong ayos ng buhok niyang ngayon ko lang napansin.

Wala na ang malago at may kahabaan na buhok niya na dati ay gustung-gusto ko. As in literal na wala na dahil semi kalbo na ang buhok niya ngayon. At ngayon ko lang din nalaman na nakakagwapo rin pala ang pagiging kalbo. Dahil kahit na wala na ang buhok na nagpapagwapo sa kaniya dati ay mas bumagay sa kaniya ang ganitong ayos.

Napakadaya ng mundo dahil ibmes na mabawasan ang pagkagusto ko sa kaniya ay mas nagugustuhan ko ang nakikita kong bagong ayos niya. Mas lalong naging angat ang bawat aspeto ng mukha niya dahil wala ng buhok na tumatabing do'n. At kahit na uso ang pang-asar na Mr. Clean sa mga taong kalbo, paniguradong uurong ang dila ng taong mangangahas na sabihan siya ng gano'n. Dahil sadiyang mas ikinagwapo niya ang bagong ayos.

"Yeah," pagsang-ayon niya at nagsimula na sa paghimay ng manok na para sa akin.

"Kailan pa?" Sinikap kong maging kaswal sa paraan ng pagsasalita kahit na ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Hindi lang dahil sa mga nakikita ko kundi maging sa ginagawa niyang pag-asikaso sa akin kahit na hindi niya obligasyon 'yon.

"Noong isang araw pa," sagot niya habang patuloy pa rin sa paghihimay.

"Bakit ngayon ko lang napansin?" Kamot ang ulo na mahinang sabi ko, walang intensyon na iparinig sa kaniya.

"Dahil masyado kang busy na iwasan ako." Napasimangot ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Maski ang tingnan siya ay halos hindi ko na gawin sa pagsisikap na iwasan siya. "Tapos ka na bang umiwas?" tanong niya matapos ay nag-angat ng tingin sa akin.

Napaiwas ang ng tingin sa kaniya nang mas naging malumanay pa ang tono niya at mas napuno pa ng pagsuyo ang bawat paglapat ng tingin sa akin. Napapangusong tumango na lang ako sa tanong niya. Para kasing ang dating ay sa akin lang big deal ang rason kung bakit ako umiwas gayong involve rin naman siya at si Isa.

"Don't do that again," istriktong wika niya na parang isang bata na pinagagalitan ang kausap, Tumango ulit ako, sumusuko na sa pag-iwas na wala namang patutunguhan. "I'm serious."

"Oo nga."

Bumuntong hiningang tinapos niya ang paghihimay sa manok na ulam ko bago naglagay sa kutsara ko ng kanin at ulam at itinapat sa bibig ko. Sa kabila ng ilang at mabilis na pagtibok ng puso ko sa sinabi ginawa niyang pagsubo sa akin ay ibinuka ko ang bibig para salubungin ang kutsara. Ako na ang humawak doon sa sobrang ilang na siya ang may dulot.

"Sinabi ko naman na sa'yo na wala lang ang naging relasyon namin ni Isa dati. Kaya walang dahilan para makaramdam ka ng guilt, ilang, o kung ano pa mang dahilan ng pag-iwas mo." He cupped my face and lowered it for him to easily plant a kiss on my forehead. "Hindi mo alam kung gaano ako naapektuhan sa bawat pag-iwas mo, halos baliwin mo na ako sa pag-iisip kung ano ba ang posibleng dahilan mo. Please, don't do that again. Kung ano ang mga nangyari sa nakaraan ko, walang sibli 'yon dahil ikaw ang kasalukuyan at hinaharap ko."

"ISA," pagtawag ko sa babaeng kasalukuyang nakaupo sa upuang kahoy na nakatapat sa field. Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung tama ba na naitanong ko 'yon sa kaniya. Halata naman kasi na hindi siya okay pero hindi ko naman alam kung paano magsisimula ng usapan sa pagitan namin.

Isang buwan na ang lumilipas pero nakikita ko pa rin ang lungkot at ang pagkailang ni Isa. Sa tuwing lumalapit ako sa kaniya ay siya namang layo niya sa akin. Parang si Devyn sa akin. Sa totoo lang, para lang naman kaming nag-iikutan sa isang pabilog na lugar, walang katapusan na iwasan at habulan.

Gustuhin ko man siyang kausapin noong mga nagdaang araw ay hindi ko magawa dahil sobrang busy ng lahat sa rehearsals at halos hindi na kami magkakitaan gayong nasa iisang lugar lang kami. Tumutulong ako sa props team sa paggawa ng mga kakailanganin na props at wardrobe habang si Isa naman ay busy sa pagmomonitor ng rehearsals ng mga aktor.

Ngayon na lang ulit kami nabakante kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya. Naupo ako sa kinauupuan niyang bench na gawa sa kahoy. Ginaya ko ang ginawa niyang pagtanaw sa malaking field ng university kung saan may iba't ibang klase ng makukulay na booth na kasalukuyang itinatayo ng mga estudyante ng university.

Mabuti na lang at sa ilalim ng malalaking puno nakapwesto ang mga bench kaya nasisilungan kami. Tanghali pa lang kasi kaya delikado ang balat ko kung sakaling maaarawan ako. Hindi na ata ako matatapos sa pag-aalala sa kalagayan ng balat ko.

"Okay ka lang ba?" ulit na tanong ko kasi hindi niya ako sinagot kanina.

"Okay lang ako." 'Yon ang mga salitang lumabas sa bibig niya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.

Isa is hurt. She is guilty of something. And she is longing for someone. All of those emotions are visible in her eyes all at the same time. Hindi kasi siya marunong magtago ng nararamdaman kaya mababasa at mababasa mo siya ng gano'm kadali. Pero kahit gaano mo pa siya kadaling mabasa ay hindi ganoon kabilis niyang masasabi sa'yo ang pinagdadaanan niya. Hindi siya vocal sa nararamdaman niya at palaging isinasarili ang mga pinagdadaanan. She would rather keep it to herself that to be a nuisance to other people.

"Alam mo naman na p'wede mo akong pagsabihan diba?" malumanay na sabi ko kahit na hindi ko siya tinitingnan.

Minsan kasi ay kailangan mo ring bukasan ang sarili mo sa ibang tao. Para kahit papaano ay mabasawan ang bigat na dinadala mo. Napailing na lang ako. Ang galling kong magsalita pero sa sarili ko mismo ay hindi ko mai-apply. But at least I have my own world where I can say all my rants and heartaches, my own world, poetry.

E, si Isa, bukod sa pangangarera ng motor ay hindi ko na alam kung may ibang daan pa siya para mailabas ang mga nararamdaman niya. Maging ang pangangarera kasi ay alam kong itinigil na niya isang taon na ang nakalilipas sa isang dahilan na hindi ko alam.

"I know." Bumaba ang ulo niya sa balikat ko. "Pero masakit pa kasi Bliss, e."

I was stunned. Hindi ko nagawang makagalaw hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa mahinang paghikbi niya. Ngayon niya lang hinayaan na makita ko ang pag-iyak niya. Nakikita kong napapatingin ang ibang mga dumadaan sa amin dahil umiiyak si Isa. Pero hindi 'yon mahalaga dahil kahit ako ay nararamdaman ang hirap niya sa pinagdadaanan niya.

Nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko sa bawat masakit na hikbi na naririnig ko mula sa kaniya. Parang ang bigat ng pinagdaanan at pinagdaraanan niya sa kasalukyan. Gusto kong pagaanin ang loob niya pero sa paanong paraan? E, ni wala nga akong ideya sa nangyayari sa kaniya.

Isa pa, dumadagdag lang sa isip ko ang mga sinabi ni Devyn isang buwan na ang nakalipas. What we had cannot even be called a relationship. 'Yon ang sinabi niya. Pero bakit iba ang nakikita kong sinasabi ng mga luha ni Isa.

"I can't say comforting words to you, kasi alam kong hindi no'n kayang pagaanin ang nararamdaman mo." Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin para pigilan ang pagtulo ng sariling luha ko ng marinig na naman ang masasakit na hikbi na kumakawala sa kaniya.

Ginawa ko na lang ang bagay na sa tingin ko ay mas kailangan niya kaysa sa mga mabubulaklak na salita. Hinapit ko siya palapit sa dibdib ko at doon hinayaan siyang ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Mabilis na ginantihan niya rin ako ng yakap at doon tuluyang ibinuhos ang mga nararamdaman niya.

Ilang minuto kaming nanatili sa gano'ng posisyon bago siya tuluyang kumalma. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at tinuyo ang mga luha sa pisngi niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya kahit na hindi dapat. Namumugto na kasi ang mga mata niya at angat na angat ang pinaghalong pagod, lungkot, at sakit sa mga mata niya.

Malungkot na ngumiti siya sa akin. "Sasabihin ko din sa'yo ang lahat. Pero hindi pa ngayon." Tumulo na naman ang mga luha niya pero mabilis na tinuyo niya rin 'yon. "Kapag kaya ko na. Para hindi ka na rin nagho-hold back." Pilit siyang ngumisi kahit na hindi 'yon umabot sa mga mata niya.

"I am not holding back on anything Isadora Morin." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Fool yourself, Bliss," nakangising wika niya na nagpatahimik sa akin. Tumayo siya at umatras. "Sibat na ako, nandyan na ang irog mo." Sabay na napangiwi kami sa lumabas na mga salita sa bibig niya. "Goodness! Hindi ako 'to!" pagkastigo niya sa sarili bago nagmamartsang umalis.

Mabilis na pumalit sa puwestong binakante niya si Devyn. Maraming tao ngayon sa field lalo na at abala ang lahat sa pag-aayos ng mga booth. At kaakibat ng maraming populasyon sa harap namin ay hindi na nawala ang tingin ng mga tao sa akin. Malamang dahil ngayon lang nila ako nakita. Maliban kasi sa mga classmates ko sa night shift ay wala na masyadong nakakakita sa akin na ibang estudyante.

Ipinagpapasalamat ko na lang dahil hindi sila naglakas loob na magsalita ng kahit ano kahit pa ang tingin nila ay nagtatanong at naguguluhan sa pagkatao ko. People and their silent judgements.

"Hindi ka ba naiinitan?" nag-aalalang tanong niya. "I mean, naka-hoodie ka kasi tapos nakasumbrero ka pa. Baka lang naman naiinitan ka?"

Napailing na lang ako sa tanong niya. Ang buong akala ko ay may alam talaga siya sa kondisyon ko kasi napapansin ko na cautious siya sa paglabas ko tuwing may araw. Katulad na lang noong get-together namin na palagi siyang may dalang payong. Ang akala ko ay lahat ng bagay tungkol sa kondisyon ko ay alam niya, pero mali ako sa akalang 'yon.

Siguro nga may alam siyang kakaunti katulad ng masamang epekto ng balat ko pero hindi niya alam na hindi lang nagtatapos doon ang kondisyon ko.

"Mainit pero kailangan, e. Kailangan kong protektahan ang balat ko kasi sa sobrang puti ko ay mas prone ako sa pagkakaroon ng skin cancer." Tumango-tango siya bilang pag-sangayon. "Kailangan ko naman mag sumbrero dahil may photophobia ako."

"Photophobia? What's that?" kunot-noong tanong niya.

"Light sensitivity. Katulad ngayon na maliwanag sa paligid. Kung para sa katulad niyo ay hindi big deal ang liwanag ng paligid na normal lang sa paningin ninyo, para sa akin ay nasisilaw na ako." Mukha pa din siyang naguguluhan kahit na naipaliwanag ko na. Umupo ako ng tuwid at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para makita niya ng buo ang mga mata ko. "Can you see my eyes?"

Nakatiig siya sa mga mata ko gamit ang kayumanggi niyang mga mata. Naiilang man ako sa maliit na distansya sa pagitan namin ay hindi ko ginusto ang umiwas. Ngayon na malapit lang kami sa isa't isa ay mas nakikita ko kung gaano kahanda ang mga mata niya.

His eyes contain plenty of emotions. Emotions that I can name some, but I can't name all. I wouldn't dare to name, rather. But there's much more in his eyes that is hiding. Hiding at the very end, something that I know is breaking him.

"Yes," wala sa sariling sagot niya na nakapako pa rin ang paningin sa mga mata ko.

Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isat-isa at sa isang maling galaw lang ay mangyayari ang hindi dapat mangyari. Pero hindi ako nagbawi ng tingin at nilabanan ko ang ilang na nararamdaman ko dahil gusto kong mas maintindihan niya ang kondisyon ko. Kahit siya na lang at hindi na ang ibang tao.

"What can you see?" tanong ko.

"It's exceptionally light. Very light blue," tila nahihipnotismong tugon niya.

"That's the reason." Nagbaba na ako ng tingin pero ramdam ko pa rin ang tingin niya na nakapako sa mukha ko. "Unlike you, normal people, my eyes are lighter and clearer. Dark colored eyes, like yours, has more pigments that can protect your eyes against harsh lighting. Unlike mine, exceptionally light and vulnerable."

"Bakit hindi ka mag-shades?" Nagkibit balikat ako sa suhestiyon niya.

"Malabo ang mga mata ko. Mas lalabo lang kung shades pa ang gagamitin ko."

Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Nakakatawa lang talaga na kahit ilang beses na niyang nahahawakan ang kamay ko ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng puso ko, parang palaging first time.

At hindi ko maiwasan na sa bawat pagbilis ng tibok ng puso ko ay siya namang pagkabuhay ng kaba at takot sa puso ko. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang bawat kilos niya. Hindi ako gano'n ka bobo para hindi malaman ang ibig-sabihin ng bawat paglapit niya sa akin lalo na noong kuntodo iwas ako. At natatakot ako para sa sarili ko dahil ayaw kong masanay, ayaw kong sanayin ang sarili ko sa mga ibinnibigay niyang atensyon. Nakakatakot kasi baka magising na lang ako isang araw ay naghahangad na ako ng mas malalim pa roon.

Sigurado naman kasi ako na hindi niya magagawang ibigay ang mga posibleng hilingin ko sa oras na kilalanin ko ang mga kilos niya. Dahil sino lang ba ako? Isa lang naman akong babaeng may kakaibang kondisyon na bihira mo lang makikita. At higit na mas marami pang normal na tao na mas karapat-dapat sa kaniya. 'Yong tao na hindi takot na humarap sa iba. Isang tao na walang insecurities. Isang tao na normal at walang espesyal na kondisyon. Isang tao na kalian man ay hindi magiging ako.

"May iba pa ba akong dapat malaman sa kondisyon mo?" masuyo at puno ng ingat na tanong niya, takot na masaktan ako sa sasabihin niya.

Isang tipid na ngiti lang ang naisagot ko kahit na nasa malayo ang tingin. "Kusa mong malalaman ang mga bagay na 'yon dahil kusa lang din silang lalabas at magpapakita sa'yo. Nasa sa'yo na lang 'yon kung handa kang makita hanggang sa dulo."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pero pinilit ko ang sarili ko na huwag lumingon dahil hindi ako handa sa emosyon na mababasa ko sa mata niya.

"I will never go anywhere when there's no you in that place."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top