14: Lost

CHAPTER FOURTEEN
Lost

Sa kabila nang pagpipilit ko na ituon ang buong atensyon sa ginagawang pag-eensayo nang paged-deliver ko ng piece ko kaso ay kusang natutuon ang paningin ko kay Isa na tahimik lang na nanonood sa batuhan ng linya nina Lucy at Riva. Si Riva ang gaganap bilang kontrabida sa palabas namin. Seryoso lang si Isa na pinapanood ang dalawa katabi ang director ng org namin na si Wilson. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nakitang reaksyon ng babae kanina nang makasalubong namin siya ni Devyn.

I saw pain and longing in her eyes and that bothered me. At nakokonsensya ako sa kaalaman na dati silang may relasyon ni Devyn at nagawa kong makipag-hawakan ng kamay gayong kaibigan ko siya. Pero nababagabag ako sa guilt na siyang nangingibabaw na emosyon sa mga mata niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na sisihin ang sarili ko nang makita ko kung gaano kaapektado si Isa. Kahit kasi nakikita ko siya ngayon na seryosong nagmomonitor para sa play ay alam kong may dinaramdam siya. She may act tough in front of everyone because she is Isadora Morin. A woman who is tough and strong. But that doesn't exempt her from pain. At nakakainis lang kasi wala akong magawa para matulungan siya katulad ng mga ginagawa niya sa akin sa tuwing kailangan ko siya. Imbes ay mas nakadagdag lang ako sa pinagdadaanan niya.

"Hi Bliss." Nawala ang tingin ko kay Isa nang humarang ang nakangiting mukha ni Kuya Gio sa harapan ng mukha ko.

"Bakit Kuya?" tanong ko bago kusang umatras ang mukha ko dahil nakakilang ang maliit na distansya naming dalawa.

"Alam mo, wala naman akong nakahahawang sakit pero kung makaiwas ka grabe," natatawang sabi niya na nginiwian ko.

"Hindi lang kasi talaga ako komportable, Kuya," nakangiwing tugon ko. Kahit kasi lagpas sa isang taon ko na siyang kilala ay naiilang pa rin talaga ako sa tuwing nalalapit siya sa akin, o kahit na sinong lalaki na hindi ako komportableng nakasasama sa maliit na distansya.

Bakit kay Devyn malapit ka samantalang halos isang buwan mo pa lang siyang nakikilala? Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng sagot sa sinasabi ng isang bahagi ng utak ko.

"Right." Nakita ko ang malokong ngiti na sumilay sa mukha ni Kuya Gio kaya napailing na lang ako. Siguro ay parehas lang kami ng iniisip. "Pakihanap naman si Devyn. Hindi pa kasi bumabalik, e, ang sabi magpapalit lang daw ng damit."

"Bakit ako kuya?" Napakamot ako ng ulo. Wala na sana sa intensyon ko na pansinin pa ang lalaki matapos ang nangyari kanina sa labas ng gym. Sumenyas siya sa akin na tumingin ako sa buong gym kaya agad akong tumalima, at nakita kong lahat ng tao roon ay busy sa kani-kaniyang task na naka atas sa kanila. "Sabi ko nga ako ang maghahanap e."

Hindi ko alam kung saan ako magsusimulang maghanap kay Devyn sa lawak ng CIU. Pabuntong hininga na nagsimula akong maglakad kahit na walang eksaktong destinasyon. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit maski ni anino ng lalaki ay hindi ko pa nakikita. Hanggang sa mapadpad ako sa parte ng university na tinatawag ng marami na 'beach' dahil na rin sa beach vibe ng lugar.

Mabuhangin kasi ang parte na 'yon at nahaharangan ng malalaking bato ang paligid para hindi kumalat ang buhangin palabas. May mga sementong lemesa at upuan din doon na kulay maroon, at sa gitna ng bawat lamesa ay may payong na nagsisilbing proteksyon sa araw. Malayo ang beach sa mga building kaya tahimik ang paligid. Nasa may dulong part kasi siya ng university kung saan puro puno na lang ang makikita. Mabuti na lang talaga at maraming ilaw na nakasindi kaya maliwanag pa rin kahit papaano at hindi nakakatakot na maglakad ng mag-isa.

Pilit na inaninag ko ang lugar gamit ang naniningkit kong mga mata sa pagbabakasakaling makita na roon ang taong pakay ko. Parang nabunutan ako ng tingin nang may makitang pigura na nakaupo sa isa sa mga sementong upuan habang may nakaaipit na sigarilyo sa daliri ng isang kamay. Devyn.

"Hey, hinahanap ka na sa loob," pagkuha ko sa atensyon ng lalaki. Napatingin siya sa akin at agad na pinatay ang sigarilyo bago tinapon sa malapit na basurahan.

"Tara." Tumayo siya at naglakad patungo sa direksyon ko.

Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng sigarilyo na nasisiguro kong kumapit sa damit niya. Wala sa sariling napahakbang ako paatras, dahil hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo.

"Sa pagkakaalam ko ay wala akong nakahahawang sakit," naguguluhang tanong niya na nahinto pa sa paglalakad para lamang taasan ako ng kilay. Napangiwi na lang ako nang matantong parehas sa sinabi ni Kuya Gio ang sinabi niya.

Pinilit ko ang sarili ko na magbaba ng tingin mula sa mukha niya dahil binibigyan na naman niya ako ng kakaibang pakiramdam sa simpleng pagtaas ng kilay niya. Pati ba naman sa simpleng pagtaas ng kilay ay bibilis na din ang tibok ng puso mo? Nawawalan ng pag-asa na tanong ko sa sarili ko.

"Hey." Lalapit na sana siya nang humakbang muli ako paatras. Bumuntong hininga naman siya at hindi na tinangka na lumapit pa. "Is it because of the smell?" nangangapang tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Narinig ko ang pagbuntong hiniga niya bago muling nagsalita. "Turn around."

"Huh?" naguguluhang tanong ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Turn around so I can change my clothes." Ngumisi siya matapos sabihin 'yon na para bang may naisip na kalokohan. "Puwede rin naman na hindi na. Ikaw bahala I can just stirp with you staring at my body."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hawakan niya ang laylayan ng t-shirt niya at dahan-dahan na itinaas 'yon. Walang kasing bilis ang pagikot ko sa takot na may makita na hindi dapat makita.

"Shut up and change your clothes," I hissed. Hindi ko man nakikita ang sarili ko pero nasisiguro kong namumula na 'yon ngayon.

"Sure?" malokong tanong niya na nasisiguro kong pinarisan niya ng ngisi niya.

"Devyn!" banta ko.

"Okay okay. Relax." Natahimik siya ng ilang sandal, siguro ay nagbihis na. "Okay, you can turn around now."

Lumgingon ako para lamang muling mapatalikod dahil walang damit ang loko ng humarap ako sa kaniya. At kahit ganoon kabilis ang pagtalikod ko ay mas mabilis ang mata ko dahil kahit sandali lang ay nakita ko ang 6 pack abs niya at ang maputing katawan. Maging ag tattoo niya na nasa tagiliran ay mabilis ko ring nasulyapan. Seriously? Argh!

"Devyn!" saway ko para pagtakpan ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Okay na," natatawang sabi niya kaya hindi agad ako naniwala.

"Sure?" paniniguro ko kasi baka mamaya kapag lumingon ako ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong titigan ang katawan niya na siya mismo ang nagbabalandra.

"Sure." Unti-unti akong humarap sa kaniya at nakahinga ng maluwag nang makitang nakapagpalit na siya ng itim na t-shirt. "Let's go?" Inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya kaya napatitig ako doon.

Muli na namang pumasok sa isip ko ang nakita kong sakit sa mga mata ni Isa nang makita niya na magkahawak kami ng kamay ni Devyn kanina. Napalitan ang kaninang tuwa sa puso ko ng lungkot. Bakit ba naman kasi nakalimutan ko na naging sila pala.

"Tara."

Pilit na itinatago ang emosyon na nagpatiuna ako sa paglalakad nang hindi pinapansin ang kamay niyang naghihintay para sa akin. Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang yabag na naglalakad papalapit sa akin.

Akala ko ay napagtagumpayan ko na ang panatilihin ang distansya sa pagitan naming dalawa pero nagkamali ako. Kasi siya na mismo ang pumutol sa distansya namin nang iakbay niya sa akin ang braso niya at hapitin ako papalapit sa kaniya.

"'Yong braso mo Devyn." Sinubukan kong umiwas at umalis sa pagkakaakbay niya pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakaakbay ng braso niya sa balikat ko.

At pakiramdam ko tuloy anytime ay mahahawakan na niya ang mahabang peklat sa braso ko. Hinubad ko kasi ang jacket ko kanina kasi naiinitan ako. Litaw na tuloy ngayon ang mahabang peklat sa kanang braso ko na umaabot hanggang sa siko.

"Is it because of Isa?" maya-maya ay tanong niya.

Nawalan ako ng imik. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o ang hindi na lang magkokomento. Hindi ko na nagawang sagutin pa ang tanong niya at hinayaan na lang na lamunin kaming dalawa ng katahimikan. Wala rin namang saysay kung magsasabi ako ng mga nasa isip ko dahil unang-una ay hindi naman niya obligasyon na ipaliwanag ang sarili sa akin.

"Alam mo, Bliss Audrey," pagpuputol niya sa katahimikan. Nagbaba siya ng tingin sa akin kaya automatikong napaiwas ako at itinuon na lang ang paningin daan. "Simula kanina na nakita tayo ni Isa sa labas ng gym, hindi mo na ulit ako pinansin. Ngayon na lang ulit."

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ng hiya sa kaalaman na napapansin niya pala ang ginagawa kong hindi pagpansin sa kaniya. Hindi ko lang kasi talaga maalis sa isip ko ang naging reaksyon ni Isa nang makita kami. At hindi maganda na napapalapit ako sa kaniya gayong may nakaraan sila ng kaibigan ko. At kung ako man ang ilalagay sa sitwasyon ni Isa ay baka hindi rin ako matuwa sa mga makikita ko.

"Tama ako, diba?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya at malungkot na nginitian siya.

"She is your ex," sinabi ko 'yon sa paraan na para bang 'yon ang sasagot sa lahat ng naging actions ko.

"So?" balewalang tugon niya, walang bakas ng kahit anong maihahalintulad sa nararamdaman ko.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang dating kasi sa akin ay parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. Like it's not a big deal that they used to have a relationship. Samantalang ako, affected na affected kasi pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit ko nakitaan ang mga mata ni Isa ng sakit kanina.

"She's my friend," pagpapaalala ko sa kaniya.

"I'm fully aware of that."

"Really?" hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Didn't you love her?" nawawalan ng pag-asang tanong ko.

Mataman niya akong tiningnan bago bahagyang umiling. Literal na napanganga ako sa nakuha kong sagot mula sa kaniya. Nanlalaki ang mga mat ana hinarap ko siya habang pilit na ipino-proseso sa utak ko ang naging sagot niya sa tanong ko.

"Pinagloloko mo ba ako?" hindi pa ring makapaniwalang tanong ko na inilingan lang niya. "What were you both then? Loveless relationship?"

Bumuntong hininga siya. "If that's how you call it."

"Ang gulo," punung-puno ng kaguluhang sabi ko. Nagkaroon ng 'sila' pero hindi nila mahal ang isa't-isa. Posible ba 'yon?

"Magulo talaga." Nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya nang sabihin niya 'yon pero pakiramdam ko ay mas malalim ang pinanggagalingan ng lungkot niya. "Kaya huwag ka nang umiwas sa akin."

"Mali pa rin kasi, e. Kaibigan ko siya at ex ka niya, hindi magandang tingnan."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga narinig ko mula sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang tama pero para sa akin ay hindi magandang makita na napapalapit ako sa taong dati ay naging parte ng buhay ng kaibigan ko.

Humarap siya sa akin at masuyong ikinulong ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya. Marahang bumaba ang ulo niya at isinandal ang sariling noo sa akin. "Blis Audrey. Walang mali do'n. It's not like we really did love one another. And trust me, what we had cannot even be called a relationship."

"Hindi ko naiintindihan." Umiling ako sa kaniya at umalis sa pagkakasandal sa noo niya. Mahirap intindihin ang isang bagay lalo na at wala akong alam sa nakaraan nila.

"Gustuhin ko mang sabihin sa'yo ay pakiramdam ko hindi dapat sa akin manggaling 'yon. Wait for Isa for a little while," masuyong wika niya.

Tumango na lang ako bilang sagot kahit na kating-kati na ang dila ko sa kagustuhang magtanog. Bumalik kami sa gym ng tahimik at hindi nagkikibuan. Pinuntahan niya si Kuya Gio habang ako naman ay nagtungo sa puwesto ko kanina sa itaas ng bleacher. Naging mas tahimik ako ng mga sandali na 'yon. Kahit ang pagpunta ni Devyn sa akin tuwing water break ay hindi ko rin nagawang kumibo. Hanggang sa matapos ang rehearsal ay napuno ng mga katanungan ang isip ko, napakadaming katanungan na walang sagot.

Nasa parking lot na kami at lahat-lahat ngunit tahimik pa rin ako. Kung hindi ko siguro narinig ang boses ni Kervin na kinukuha ang atensyon ko ay hindi pa babalik sa normal ang takbo ng utak ko.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tipid na ngumit ako bago tumango. "Pasabay," mahinang bulong ko.

"Akala ko ba ay ihahatid ka pauwi ni Devyn?" Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan na nagtatakang nakatingin naman sa akin.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Kay Kervin na lang muna ako sasabay. May sasabihin lang akong importante," dahilan ko.

"Puwede mo namang sabihin na lang ngayon para maihatid ka pa rin ni Devyn," wika ni Kervin na halatang pinipilit pa rin na ipasabay ako sa lalaki.

Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali nang isipin na nakangisi siya dahil nakangisi nga talaga ang loko. Lumapit ako sa kaniya at inilagay ang braso sa likod niya bago pasimpleng kinurot ang baywang niya. Nagrereklamong nilingon niya ako pero pinandilatan ko lang siya ng mga mata para hindi dumaing dahil sa ginawa ko.

"Sa'yo ako sasaby diba, Kervin?" Nakangiwing tumango siya bago nagmamadaling humiwalay sa akin. Nilingon ko naman si Devyn na pinapanood lang kami. "See you tomorrow."

Naroon ang pagkontra sa mga mata niya pero walang magawa na bumuntong hininga na lang siya at tipid na nginitian ako bago nagpapaalam na tumango.

"Good night, Bliss Audrey," mahinang sabi niya na sapat lang para maabot ng pandinig ko.

You did a good job, Bliss. Ignore him. Ignore. Ignore. Ignore. Dahil magulo pa ang sitwasyon at nasasaktan ang kaibigan mo.




TAHIMIK NA NAGLALAKAD ako papasok ng gym. Wala akong kasama na kahit na sino dahil nauna na si Kervin na pumarito. Sinadiya kong magpahuli ng sampung minuto sa kadahilanang iniiwasan ko ang isang partikular na tao. Maging sa text na pinaulan niya sa akin kagabi ay inignora ko dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin magmula pa kahapon. Nalilito ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin pero ang kagustuhan na umiwas ang nananaig.

Walang ingay na binuksan ko ang pintuan sa Exit B ng gym para maiwasan na makakuha ng atensyon mula sa mga kasamahan ko na malamang ay abala na ngayon. Napagtagumpayan ko ang makapasok ng tahimik sa loob ng gym at agad na nagtungo sa nakagiwang puwesto ko sa pinakataas ng gym. Alam ko naman na ang siste kaya hindi na ako makikihalubulo pa sa kanila at magkukulong na lang sa sarili kong mundo kasama ang tula.

Wala sa sariling inikot ko ang paningin ko sa gym habang hinahanap ang pigura ng isang tao na iniiwasan ko man ay hinahanap ko pa rin ang presensya. Ngunit nasuyod ko na ng tingin ang buong gym ngunit ni anino niya ay hindi ko pa rin makita. Naagaw ng aligagang kilos nila Kuya Gio at Wilson na tila hinahanap din ang taong hinahanap ko rin. At katulad ko ay iniikot din ng paningin nila ang buong lugar.

"Nasaan naman 'yon?" kunot-noong tanong ko sa sarili.

"Bliss!" sigaw ni Kervin mula sa ibaba. "Nakita mo si Devyn?!" pasigaw na tanong niya.

Nagkibit-balikat ako bilang sagot at umasta na wala lang ngunit ang totoo ay nakararamdam na rin ako ng kaba. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tatawag na sana sa lalaki nang bumukas ang pintuan ng mismong entrada ng gym.

Humahangos na pumasok doon si Devyn at nasundan ko ng tingin ang ginawa niyang pagsuyod ng tingin sa buong lugar. Nahigit ko ang sariling hininga nang huminto sa puwesto ko ang mga mata niya hindi ko man malinaw na nakikita ang mukha ngunit nasisiguro kong ako ang tinitingnan niya.

Binalewala niya ang mga kasama namin sa org na kumausap sa kaniya at nagtuluy-tuloy na naglakad palapit sa direksyon ko. Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko at sa pagliit ng distansya sa pagitan namin ay siya ring pagtakas ng matinong pag-iisip ko at maging ang kagustuhan kong iwasan siya ay tila kandila na unti-unting tinutupok ng apoy na nauubos ang kagustuhan kong lumayo.

Habol ang hininga na huminto siya sa harapan ko at ang unang ginawa ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Ang pag-aalala ay walang dudang naroon sa nga mata niya ngayon na nakikita ko na siya ng malapitan. "You made me worried," sambit niya sa pagitan ng bawat malalim na paghinga. Ang kapayapaan ay mababakas na sa boses niya na kanina ay tila ipinagkait sa kaniya. "Hinintay kita sa lobby kanina but you didn't show up."

Nag-iwas ako ng tingin at napapahiyang yumuko. Hindi ko alam na naroon siya at naghihintay sa akin. Ngunit malaman ko man 'yon o hindi ay walang magiging pagbabago sa pag-iwas ko. Sinadiya kong dumaan sa kabilang hagdan na malayo sa nauna na naming dinaanan noon ni Veda kasama si Devyn para lang kung sakaling nandoon siya ay hindi kami magtatagpo.

"Sorry," mahinang wika ko. "Sa ibang daan ako dumaan kanina."

"Why?" seryosong tanong niya.

Hindi ako nakaimik na umabot pa hanggang sa minuto na ang lumipas. Matunog siyang bumuntong hininga bago ko naramdaman ang masuyong paghaplos niya sa ulo ko na nagpaangat ng tingin ko para salubungin ang mga mata niya.

"You're fine, so it's okay." Bumaba ang mainit na palad niya mula sa buhok ko papunta sa pisngi ko at masuyong hinaplos 'yon gamit ang hinlalaki niya.

"Don't make me worry again, Bliss Audrey," he said before taking a deep breath. "If you intend to ignore me, make sure that you will still be visible in my eyes. Mababaliw ako sa kaiisip kung napahamak ka na ba o kung ano."

Hindi ko na siya nagawang sagutin pa nang tahimik na tinalikuran niya ako at tuluy-tuloy na bumababa patungo sa mga kasamahan naming pinanonood lang kami. Nahihiyang napayuko na lang muli ako sa sobrang hiya na idinulot ko rin sa sarili ko.

Nagpatuloy sila sa rehearsals at parang walang nangyari sa pagitan namin ni Devyn. Mahirap man na alisin sa isip ko ang nangyari ay pinilit ko ang sarili na ituon na lang ang atensyon sa mas importante pang bagay. Binalingan ko ang draft ko na nasa cellphone ko at pilit na itinuon ang buong atensyon sa pagkabisado ng tulang isinulat ko.

"Iwas pa." Mabilis na nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Kervin na nakaupo sa bleacher na nasa paanan ko.

Napabuntong hinga ako at iniwan na ang tula kong hindi ko naman magawang pansinin ng buo dahil bumabalik at bumabalik pa rin ang isip ko sa naging reaksyon ni Devyn.

"Wrong move ba, Kervin? OA ba?" nahihiyang tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at umiling. "Siguro pareho lang tayo nang magiging reaksyon kung ako ikaw. Oo nga at wala kayong relasyon pero ang pagkakaintindihan niyong dalawa ay naroon." Kokontra na sana ako nang muling umiling siya. "Don't deny it, babe. Hindi ka magre-react ng ganiyang kung wala lang siya sa'yo. Pero katulad ng sinabi sa akin ni Devyn noong isang araw nang mag-usap kami, naniniwala akong kung ano man ang mga sinabi niya at pahapyaw na paliwanag niya ay totoo. But if it will make you feel better and would give you piece of mind when you ignore him, then do so. But don't expect Devyn to just laze around watching you hide from him dahil ako na mismo ang nagsasabi sa'yo, mas makulit pa kay Kuya Ken ang lalaking 'yon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top