13: ---
CHAPTER THIRTEEN
"Bliss may naghihintay sa'yo sa labas. Ayaw pumasok e." Napalingon ako kay Yaya Rita na nakadungaw ang ulo sa pinto na siyang nagsalita.
Matanda na si Yaya Rita kaya naman hindi na siya pinaalis pa nila Mom dito sa bahay. Wala kasi itong sariling pamilya dahil hindi na siya nakapag-asawa dahil mas inuna ni Yaya Rita ang sustentuhan ang pamilya niya noon. Kaya naman ay dito na lang siya namamalagi at naging parte na ng pamilya namin.
"Sino raw po?" tanong ko habang ipinapasok sa maliit at puti kong bag ang binder ko na sakto lang ang laki roon at ang pencil case ko na kulay basil green.
"Hindi ko na natanong, anak. Babain mo na nga at pag miryendahin mo muna bago ka pumasok. Kanina pa 'yon sa baba, hindi naman gustong pumasok."
"Sige po, susunod na po ako." Tumango ito at sinarado na ang pinto.
2:30 pa lang ng hapon kaya mahaba pa ang oras ko para maghanda papasok. Alas kwarto kasi ang simula ng pasok ko para sa unang klase at 5:30 hanggang 7 naman ng gabi ang pangalawang subject ko.
Sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin bago dumampot ng gray na jacket na paniguradong gagamitin ko mamaya. Naka-fitted t-shirt lang kasi ako na puti at maong na pantalonn na pinarisan ko ng puting sneakers. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko naman kailangan 'yon at baka magmukha lang akong payaso at hindi tao.
Nadatnan ko si Mom at Dad nang makababa ako sa salas habang kalong ni Mom si Yogurt. Si Cloud naman at Vanilla ay nasa sahig at parehong nakahiga. Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang nagbigay kay Yogurt, si Ken. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang umalis, e. That night, five ng madaling araw na ata siya umuwi at talagang sinulit namin ang oras ng magkasama.
But since things are bound to happen, that afternoon ay hinatid na siya ng pamilya niya sa airport. Hindi na ako sumama pa dahil maraming tao. Pero ang sabi niya ay naiintindihan naman daw niya kaya okay lang.
"Oh Bliss, labasin mo na nga 'yong bisita mo at nahihiya atang pumasok." Naagaw ng boses ni Dad ang atensyon ko.
Iniwan ko sa sofa ang mga gamit ko at humalik sa pisngi nilang dalawa bago ako tuluyang lumabas. Pinatong ko sa balikat ko ang jacket at isinuot ang hood no'n sa ulo ko. May bubong naman ang daan papunta sa gate na may kalayuan sa mismong bahay kaya okay lang, pero maganda na rin ang sigurado.
"Hi," wika ng isang boses nang buksan ko ang gate.
Hindi ako agad na nakapag-react sa nabungaran ko, maging ang sumagot sa pagbati niya ay hindi ko na rin nagawa dahil sa hindi inaasahang makikita. Si Devyn na prenteng nakasandal sa itim na sasakyan niya. Simpleng itim na shirt lang ang suot nito at walang disenyo. Naka-maong na pantalon at itim na sneakers. Napakasimple lang niyang tingnan pero iba ang dating sa akin at naghahatid ng mga kakaibang pakiramdam sa aking kalooban. Bakit ba nakalimutan kong susunduin nga pala niya ako ngayon katulad nang sabi niya?
Hindi ko napaghandaan ang paglusob ng mga makukuli at maligalig na kuting sa puso ko nang ngitian niya ako. Muntik pa akong mabuway sa pagkakatayo ko nang bumilis at lumakas ng sobra ng tibok ng puso ko na parang nasa tapat lang ng tainga ko 'yon at walang habas na doon pumipintig ng malakas at mabilis.
Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng balanse ay nahawakan na niya ako sa magkabilang siko para alalayan. Mas nagkaroon tuloy ng dahilan para mas bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa maliit na distansya sa pagitan naming dalawa.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
"Okay lang," pigil ang hiningang sabi ko. Pasimple akong lumayo sa kaniya sa takot na marinig niya kung gaano kabilis at kalakas ang tibok ng puso ko, na siyang naging epekto niya sa akin.
Gusto kong kwestiyonin ang puso ko kung bakit ganito na lang ito tumibok sa tuwing malapit ang lalaki sa akin. Para kasing wala itong takot sa katotohanan na hindi naman kayang suklian ni Devyn ang kung ano man na nararamdaman ng puso ko.
Lumunok muna ako para alisin ang bara sa lalamunan ko bago nagsalita. "Pasok ka muna. Mamaya pa naman ang alis ko." Rumehistro ang kaba sa mukha niya sa sinabi ko. "Relax, tao pa rin naman kami na humiginga. Tara na."
Niluwagan ko ang gate para makapasok siya. Gano'n pa rin ang inabutan ko nang makapasok ako sa bahay. Nasa sala pa rin sila Mom na inaakbayan ni Dad. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi malaman na kadahilanan marahil ay kapareho ng kaba na nakita ko kay Devyn kanina.
"Mom," sinubukan kong maging normal ang boses no nang kuhanin ko ang atensyon nila. "Dad."
"Oh, mabuti naman at napapasok mo na 'yang bisita mo. Kanina pa siya pinapapasok ni 'Nay Rita, e, ayaw naman." Ngumiti si Mom at tumayo. Lumapit siya sa amin at sumunod naman si Dad na buhat si Yogurt.
"Si Devyn po, kasamahan ko sa org at kaibigan ni Kervin," pagpapakilala ko sa kaniya.
Natigilan ako nang maramdaman kong napahawak si Devyn na nasa likuran ko sa kamay ko. Pinisil niya 'yon bago siya lumipat sa tabi ko kasabay nang pagbitiw niya sa kamay ko.
Nag-aalalang tumingin ako sa mga magulang ko at nakahinga lang ng maluwag ng mukhang hindi naman nila nakita ang ginawa ni Devyn. Sinundan ko si Devyn ng tingin nang mag-mano siya kay Mom at Dad na mga napangiti na lang, halata ang tuwa sa mga mata habang sinusundan din ng tingin ang lalaki.
"Magandang hapon po," magalang na pagbati ni Devyn.
Hindi ako sigurado kung nakikilala ni Devyn ang mga magulang ko. Sikat silang pareho pero hindi naman imposible na may mga tao pa rin na hindi sila kilala. Sana lang talaga ay isa si Devyn sa mga taong 'yon.
"Mag miryenda na muna kayong dalawa. Nagpahanda na ako kay Nida," sabi ni Dad na tinanguhan ko. "Dalhin mo na sa dining ang bisita mo, anak."
"Yes Dad." Ngumiti muna sila sa amin bago muling bumalik sa sofa. Hinarap ko si Devyn na nakasunod lang ang tingin sa mga magulang ko. "Tara."
Humawak ako sa laylayan ng shirt niya at pasimple siyang hinila patungo sa kusina. Narinig ko ang pagtawa niya kaya napalingon ako sa kaniya.
"What?" naguguluhan na tanong ko pero umiling lang siya at ngumiti. "Ewan ko sa'yo."
Bumitaw lang ako sa laylayan ng kulay itim na shirt niya nang marating na namin ang kusina. May mga nakahanda ng pagkain doon katulad ng sabi ni Dad. May slice ng chocolate cake, cookies, juice, at graham. Palagi kasing may cake at graham sa ref namin dahil comfort food 'yon ni Mom. Lalo na ngayon na balik na siya sa pagiging artista.
Nauna akong naglakad papasok at naupo sa palagi kong puwesto, sa unang upuan sa kaliwa. Sumunod naman ai Devyn na naupo sa tabi ng upuan ko. Kukuha na sana ako ng plato para ibigay sa kaniya nang maunahan niya ako.
"Ako na," nakangiting aniya. At natagpuan ko na lang ang sarili ko na hiinayaan siya dahil wala na naman ako sa tamang wisyo dahil sa mga ipinapakita niya at sa magandang ngiti niya.
Naglapag siya ng plato sa harapan ko at ganoon din sa tapat niya. Siya na rin mismo ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko maliban sa cake at cookies na hinindian ko.
"Anong oras ka dumating?" tanong ko sa kaniya bago kami magsimula.
"2 o'clock? Hindi ako sigurado." Nanalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ang aga!" bulalas ko. "Dapat nag-text ka o tumawag para napuntahan kita agad."
"Ayaw kitang madaliin."
Simple lang naman ang pagkakasabi niya no'n pero napabilis niya agad ang tibok ng puso ko. Pinilit na kinakalma ko ang sarili ko at itunuon nalang ang atensyon sa pagkain.
"Anong oras ang labas niyo?" tanong niya maya-maya.
"Seven pa." Tinapunan ko siya ng tingin ng may maalala. "Ikaw? Wala ka bang pasok?"
Umiling siya. "Tuwing umaga lang ang klase ko hanggang alas dose. Kaya puwede kitang sunduin at ihatid sa CIU."
Napaubo ako nang sunud-sunod sa sinabi niya. Mabilis na inabutan niya ako ng basong may tubig at agad na uminom ako doon para pahupain ang ubo ko. "Nabigla ata kita." Sinamaan ko siya ng tingin nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya.
"Tigilan mo ako, Devyn," pagbabanta ko pero ang kabog ng puso ko ay iba ang sinasabi dahil sa mga salita niyang bumabaliw na sa akin.
"MASON."
Napalingon kaming lahat sa isa sa pinakamalokong classmate namin na lalaki. Index card niya kasi ang nabunot ng prof para sa recitation namin ngayon, isang bagay na kinakatakutan ng halos lahat ng estudyante. Tumayo si Mason at nagkakamot ng ulo na tumingin kay Mrs. Ramirez.
"Tell me kung anong iisipin mo kapag nakita mo akong ginawa 'to," sabi ng prof. Hindi lang ako ng naguluhan sa sinabi niya dahil halos lahat sa classroom ay mga nakakunot noong pinapanood siya. "I will write using my right hand, which is my dominant hand." Nagsulat siya ng sariling pangalan niya sa malapad na white board, Evelyn Ramirez. "But my left hand, which is my less dominant hand, will erase what I just wrote." Muli siyang humarap sa amin na may kakaibang ngiti sa labi. "I want an honest answer, Mason." Mrs. Ramirez said emphasizing every word.
"Baliw po, Ma'am. Para po kayong baliw," nakangiwing sagot niya. "Kasi sino po bang matinong tao ang magsusulat tapos buburahin din agad? Katulad po nang ginawa ninyo."
"Right. Sit down." Inilibot niya ang mga mata sa amin. "Do you all agree?" tanong niya sa buong klase. Lahat sa ng nasa room ay tumango maliban lang ata sa akin at kay Veda na katabi ko.
Ngumiti sa akin si Mrs. Ramirez nang makitang hindi ako sumang-ayon. Kahit naman kasi example lang ang ipinakita niya kanina ay hindi 'yon sapat para sabihan mong baliw ang isang tao. Hangga't maaari ay hindi ako tumitingin sa mga mali ng ibang tao. Kung wala naman siyang ginawa sa akin na masama at kung hindi ko naman talaga siya kilala ay wala akong karapatan na husgahan ang tao na 'yon. 'Yan ang isang bagay na natutunan ko sa isang Veda Villegas.
"What I showed you is what we call Alien Hand Syndrome or AHS." Kaniya-kaniya nang bulungan ang mga tao habang ako ay nagsulat lang sa binder na dala ko. "Alien Hand Syndrome is a rare mental disorder where in sufferers experience a complete loss of control on his or her hand or limb. AHS usually affect the left hand or the non-dominant hand of the sufferers." Itinaas ni Mrs. Ramirez ang kaliwang kamay niya.
"The affected hand or the uncontrollable limb seems to have a mind or will of its own. Usually, the uncontrollable limb does the opposite action that the dominant hand intend to do so. Like unbuttoning the button that the dominant hand buttoned or closing the drawer that the dominant hand opened. Just like what I showed you earlier with the white board. On the worst part, it can also do actions like chocking themselves or other people, ripping clothes, or scratching until that part bled."
"Is there a possibility for it to be cured?" tanong ng isa sa mga matatalino naming kaklase.
Nakaupo lang ako sa puwesto ko sa pinakadulo ng second row kung saan kita ko mula sa tinted na malaking salamin ng kwarto ang mga taong dumadaan sa labas. Elevated ang bawat row sa malaking classroom na kinaroroonan namin. The room has a capacity to accommodate 50 students pero hindi lalagpas sa trenta lang ang estudyante ngayon dahil na rin night shift kami. Nahahati sa apat na column ang mga lamesa at tig dalawang estudyante kada lamesa.
Puti ang dingding at ceiling kaya maliwanag sa paligid. Nagbibigay buhay lang sa classroom ay ang rectangular collaborative desk na kasya ang dalawang tao at ang kulay gray na swivel chair na upuan ng bawat estudyante. Sa kanang bahagi sa harapan ay ang table para sa mga professor na nakapatong sa pahabang platform kung saan kasalukuyang nagtuturo ngayon si Mrs. Ramirez tungkol sa mga rare mental disorders.
May katandaan na si Mrs. Evelyn Ramirez na prof namin sa Abnormal Psychology pero bagets pa rin kung pumorma. Mas kaya niya pa nga ang mag-mukhang millennial kaysa sa akin dahil sa mga outfit niya. But she's a great professor at talaga namang bawat klase niya at nag-eenjoy ako.
Inayos ko ang pagkakasuot ng gray na jacket ko nang muling maramdaman ang lamig ng aircon. Dalawang aircon ang mayroon kada classroom kaya malamig sa pakiramdam lalo na at isinasagad nila 'yon sa pinakamababang temperatura.
"Sadly, alien hand syndrome cannot be cured. But there are therapies that can reduce the symptoms, such as muscle control therapies like botulinum toxin and neuromuscular blocking agents, mirror box therapy, and cognitive therapy techniques. But in some cases, sufferers just let the affected hand constantly occupied or they control it using the dominant hand."
Kung magiging aware lang sana ang mas nakararami ay mas lalawak ang kaalaman nila tungkol sa mga bagay na bago sa kanila. This is not the first time I've encountered this mental disorder. Mahilig akong magbasa ng mga tungkol sa ganitong klase ng topic at nakalulungkot lang isipin minsan na hindi natin lubusang inaasahan na may mga ganito palang sakit na puwedeng makuha ang isang tao.
At sana, kung mas magigigng bukas lang ang isipan ng mga tao ay hindi na nila, natin, kailangan pang magbitiw ng mga salita na hindi naman makatutulong kundi mas makakasakit pa sa iba. But on my case, it's a physical condition. Kaya madali talagang makakuha ng atensyon. At dahil na rin hindi naman lahat ng tao ay alam ang tungkol sa kondisyon ko ay nakapanghuhusga na lang sila base sa nakikita nila. What people see is what they easily judge.
"Bliss, may naghihintay ata sa'yo sa labas." Nilingon ko ang katabi kong si Veda na nakangusong nakatingin sa labas ng bintana matapos ang mahinang pagbulong sa akin.
Si Veda kasi ang nagsisilbing kaibigan ko na hindi kabilang sa org. Simula first year ata ay iisa na ang section na kinabibilangan namin. May sinasabi rin sa buhay si Veda. Isang kilalang negosyante ang Dad niya habang isang doktora naman ang mom niya.
But Vesa being Veda, nagpapaka-independent siya sa buhay niya kaya tuwimg gabi ay nagtatrabaho siya as a call center agent. Mabuti na lang din at work from home siya kaya hindi siya hassle sa pagpasok. Although graveyard shift pa rin ang trabaho niya, ay nagagawa pa rin niyang makakuha ng mataas na marka.
Binalingan ko ang tinuturo niya pero dahil palubog na ang araw kaya hindi na masyadong kita ang labas dahil madilim na. Pero ang mga nasa labas ay makikita pa rin kaming mga nasa loob. Sumingkit ang mga mata ko habang pilit na inaaninag ang sinasabi niya ngunit anino ng isang tao lang ang nakikita ko dahil sa dilim at sa labo ng mga mata ko.
"Hindi ko makita," bulong ko pabalik kay Veda.
"Ikaw talaga tinitingnan, e. Kanina pa kaya 'yan, mga fifteen minutes na."
Kumunot ang noo ko at sinubukan muling aninagin ang taong tinutukoy niya pero hindi ko talaga makilala. Inignora ko na lang 'yon at inabala ang sarili sa pakikinig kay Mrs. Ramirez, na huling klase namin ngayong araw.
"As for my last say for today's class, let's not be too quick to judge." Napangiti ako sa sinabi niya. Ito ang gusto ko sa klase niya, palagi siyang may iniiwang aral bago siya lumabas ng classroom. "Hindi lahat nang nakikita natin ay 'yon na ang katotohanan. Minsan kasi hindi natin alam na may pinagdadaanan na ang isang tao kaya gano'n ang mga kilos niya. So, let's be mindful of our words and judgements. Let us all be respectful to other people regardless of the difference that we are seeing in them, the same way that we wanted to be respected." Ngumiti siya sa lahat. "Dismiss," anunsyo ni Mrs. Ramirez kaya nag-unahan ang mga kaklase ko sa paglabas ng pinto.
Habang ako at si Veda ay hinintay lang na maubos ang mga tao bago lumabas. Hindi namin ugali na makipagsisikan kung makakalabas din namin kasi ng room sa mas maayos na paraan. Nang maubos ang mga tao sa loob ng classroom ay tsaka lang kami lumabas ni Veda habang nasa unahan namin si Mrs. Ramirez.
"Sabi sa'yo ikaw ang hinihintay, e," bulong ni Veda na nagpakunot ng noo ko.
Inaninag ko ang sinasabi niya pero hindi ko nagawang makita dahil kaharap na nito ni Mrs. Ramirez at natatakpan ang taong tinutukoy ni Veda sa aggulong 'yon. Kaya gustuhin ko mang kilalanin at makita ang taong 'yon ay hindi ko magawa. Ngunit hindi ko nagawang mapaghandaan ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko nang tuluyang tumanbad sa akin ang taong kanina pa tinutukoy ni Veda.
"Kilala mo?" tanong ni Veda sabay siko sa tagiliran ko, marahil ay napansin niya na natigilan ako nang makita ang tinutukoy niya.
"Oo, kasamahan namim sa org," sagot ko habang kay Devyn pa rin nakatingin.
"How's your research and documentary going?" tanong ni Mrs. Ramirez kaya napatingin ako sa kaniya.
"Okay naman po ma'am. Everything's going smoothly," magalang na sagot ni Devyn na nakangiti.
"Mabuti naman kung gano'n." Napunta ang paningin niya sa amin ni Veda at ngumiti. "Mag-iingat kayong tatlo ha?"
"Ingat din po," magalang na paalam ko.
Pinanood ko siyang umalis habang ang utak ay lumilipad sa narinig kong pag-uusap nilang dalawa ni Devyn. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong bumubulong sa utak ko nang marinig ko ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Tara?" anyaya ni Devyn na may nakapaskil na magandang ngiti sa labi.
At dahil sa mga ngiti niyang 'yon ay muli na namang tinangay ng hangin ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Nawala sa isip ko ang narinig at napako na sa mga labi niya ang paningin. Tila dinadala ako sa isang mundo na kami lang ang naroon at wala ng ibang bagay pa na mahalaga kundi ang presensya niya at ang sa akin.
Lumipat ang tingin niya mula sa akin patungo sa katabi ko at nginitian ang babae. Tuloy, parang kiti-kiti na naglumikot si Veda sa gilid ko. Hindi ko siya masisisi dahil maging sa akin ay iba rin ang epekto ng mga ngiting iginagawad niya.
"Bakit ka nandito?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakapagsalita pa ako ng tuwid sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko at magulong takbo ng isip ko.
"Hinintay kita para sabay na tayo pumunta sa gym," kaswal na sabi niya.
Kaswal lang, pero ang epekto sa puso ko ay sobra-sobra. Wala naman ibang kahulugan pero ang puso ko mismo ang naglalagay ng mas malalim na kahulugan sa pagitan ng mga salita niya. Tila naging doble kara ang mga salita niya at ang mga salita na isa lang ang dahilan ay biglang naging dalawa.
Inalis ko ang bara sa lalamunan ko sa pamamagitan nang mahinang ubo. "Tara na."
Inakay ko si Veda pababa ng hagdan, Nasa second floor kasi ang room ng mga second year students habang sa first floor ang first years. Sa third floor ang third years at sa fourth floor ang fourth years.
"Uuwi ka na ba, Veda?" tanong ko sa kaniya habang pababa kami ng hagdan.
Nasa likod lang namin si Devyn at tahimik na umaalalay sa pagbaba ko na para bang anytime ay mahuhulog ako. I really find his gesture sweet and it's making me want to put colors on his every action and words. Hindi ko alam kung bakit ganito siya o kung maging sa ibang tao ay ganito rin ang trato niya. Nakakatakot na bigyan ng kahulugan ang mga bagay na nararanasan ko sa kaniya dahil malaki ang posibilidad na malaking pagkakamali lang ang mga bagay ko naiisip ko.
"Ikaw ha," tumaas baba ang kilay niya kaya napatawa ako. Panay din ang pagsundot niya sa tagiliran ko kasabay nang pagpapakawala niya ng mahihinang ingay na tila kinikilig na teenager.
"Umayos ka nga," natatawang saway ko sa kaniya.
Nang makarating sa first floor ay humiwalay na si Veda sa amin. Nasa right wing kasi ang daan patungo sa parking area habang sa left wing naman ang daan patungo sa gym kung saan gaganapin ang rehearsals nila.
Moderno ang pagkakadisenyo ng bawat building ng CIU. State of the art. that's how people label it. Sa bawat dulo ng hall ay may flat screen tv sa taas para sa mga announcements. May speaker sa bawat classroom at hallways para naman sa mga urgent announcement. Tadtad din ng cctv cameras ang bawat floors. Naglalaro lang sa kulay na puti at kayumanggi ang pader at mga pinto. May mga bulletin boards din para sa mga recognitions ng students at professors. At sa pinakagitna ng first floor ay ang pabilog na lalagyan ng mga tropeyo na napanalunan ng college department namin, ang College of Arts and Social Sciences o CASS, sa mga nagdaang patimpalak ng unibersidad.
Psychology ang kurso ko sa hindi malamang kadahilanan. Ewan ko rin kung bakit napunta ako rito samantalang ang unang gusto ko ay magpatakbo ng sarili kong negosyo. Basta nagising na lang ako isang araw ay kumukuha na ako ng HUMSS na strand sa senior high para sa college ay Psychology ang kukunin ko.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi, Veda ha? Ingat sa pagdadrive," paalala ko at nakipagyakapan sa kaniya.
"Kayo rin. Goodluck sa practice!" Kumaway siya at patalikod na naglakad palayo sa direksyon kung saan kami patungo ni Devyn.
Hindi alam ni Veda na magtatanghal ako sa araw ng foundation. Maging ang mga magulang ko ay walang alam. Hindi ko pa nasasabi sa kanila at hindi ko alam kung masasabi ko pa ba. Kinakabahan ako at hindi ako sigurado kung sa araw na 'yon ay may tapang na ako sa
"Tara na," aya ni Devyn na sinang-ayunan ko.
Tahimik na nagsimula kaming maglakad patungo sa gym. Iilan na lang ang mga estudyante dahil kaunti lang naman ang gusto ng night shift na klase. Mabuti na lang ay maliwanag sa paligid dahil na rin sa mga ilaw sa poste kaya hindi nakakatakot na maglakad sa daan.
Naramdaman ko ang paglapit ni Devyn sa tabi ko at sa ginawa niyang 'yon ay mas lalong nagwala ang puso ko. Gusto kong lumayo sa kaniya kahit na isang hakbang lang para mabigyan ng distansya ang pagitan namin. Baka sakali magawa ko pang protektahan ang puso ko at magawa ko pang kontrolin ang mabilis ns tibok no'n. Pero hindi nakikisama ang mga paa ko at maging ang puso ko ay gusto ang maging ganito kalapit sa kaniya.
Nagbabanggaan na ang mga kamay namin dahil sa napakaliit na distansyang mayroon kami. Malayo pa ang destinasyon namin at wala na ring pagala-galang golf cart na puwedeng sakyan para mas mapabilis ang pagdating namin doon.
Pasimpleng tinapunan ko siya ng tingin at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatitig siya sa mga kamay naming nagbabanggaan. Parang may gusto siyang gawin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya. Pero mukhang pati pagpipigil niya ay nawala dahil bigla na lang niyang tahimik na kunuha ang kamay ko at ikinulong sa kaniya. He intertwined my hands with his, for the nth time. And just like how his action affected me the previous times he did this, my heart started beating erratically. Hindi ko na magawang masabayan ang pagtibok no'n at mas lumalala pa sa bawat paglipas ng segundo.
"Devyn..." mahinang usal ko sa pagkabigla.
"Just let me, please," pakiusap niya na puno ng emosyon, nakapako pa rin ang paningin sa kamay namin na ngayon ay magkahawak na.
Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman, hinahanap ang pagtutol doon na siyang dapat kong maramdaman. Hindi naman na nakagugulat ang mabilis na tibok ng puso ko. Pero sa pagkakataon na ito ay may panibagong pakiramdam na naman siyang ibinibigay sa akin.
Saya. 'Yong uri ng saya na ngayon ko pa lang nararamdaman sa buong buhay ko. Walang ibang nakapagparamdam sa akin ng ganito kundi siya lang. Like he is giving me fulfillment that no one was able to give me before. Parang may binuhay siya sa pagkatao ko na matagal ng natutulog. He is making me feel alive with just his simple touch, with just a simple holding hands.
Gusto kong kastiguhin ang sarili ko kung bakit hindi ako tumututol sa paghahawakan namin ng kamay na dapat ay mag-kasintahan lang ang gumagawa. Pero hindi ko magawa, dahil ito ang gusto ng puso ko. At kahit ako ay hindi kayang kontrolin ang puso kong hulog na.
"Ready ka na ba para sa piece mo?" maya-maya ay tanong niya.
"Kinakabahan ako," pag-amin ko. Bahagya ko ring napisil ang kama niya nang salakayin ng kaba ang puso ko dahil sa tanong niya,
Tanaw ko na ang gym nang huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Maaliwalas ang ngiti ng humarap siya sa akin at ngumiti. "Don't be." Tumingin siya ng diretso sa mga mata. "Tiwala sa sarili, Bliss Audrey. D'yan mo simulan."
Umangat ang bakanteng kamay niya upang hawakan ang pisngi ko. Napapikit ako nang hinaplos niya ang pisngi ko sa napakasuyong paraan na para bang magagawa akong sugatan ng kamay niya. Wala sa sariling napasandal ako roon at mas dinama ang may kagaspangan at init ng palad niya.
"Kapag sa tingin mo ay natatakot ka pa rin," masuyong sabi niya. Nagmulat ako para lamang salubungin ang mga mata niyang puno ng emosyon. "Isipin mo na lang na walang taong nasa harapan mo. Isipin mo na nasa tuktok ka ng mataas na bundok at walang kahit na sinong makakarinig sa'yo. At doon, isigaw mo ang mga bagay na gusto mo. Isigaw mo ang lahat ng hinanakit mo na pumupuno sa puso mo. Naiintindihan mo?" Tumango ako kahit na hindi ako sigurado kung magagawa ko pa bang makapag-isip ng tama sa oras na sumapit ang araw na 'yon.
Ngumiti muna siya ulit bago pinakawalan ang pisngi ko. Hahakbang na sana ako para ipagpatuloy ang paglalakad nang sa paglingon ko ay nakita ko ang isang tao na kababakasan ng gulat sa mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni Devyn.
"Bliss," mahinang tawag niya sa pangalan ko bago unti-unting bumaba ang mga mata niya sa kamay namin ni Devyn na magkahawak.
Napapasong napabitiw ako sa kamay niya habang nakatingin pa rin kay Isa. Parang 'yon kasi ang tamang gawin. Nakaramdam ako ng kaba nang makita kong bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
"Isa..."
Ngumiti siya sa akin ng tipid bago nagmamadaling tumalikod at tuluy-tuloy na naglakad papasok ng gym. Naiwan kami ni Devyn sa labas ngunit sa pagkakataon na ito ay mabilis ko nang nagawa ang bagay na hindi ko kayang gawin kanina. Ang humakbang papalayo sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top