12: Yogurt
CHAPTER TWELVE
Yogurt
Nakangiting pinanonood ko silang lahat na masayang nag-iinuman at nagku-kuwentuhan. Bumalik din kami kaagad ni Devyn kanina. We just went out to have some fresh air for a couple of minutes and we went back and continue with the party.
Magkatabi kami sa isang couch ni Ken na naka-akbay sa akin habang nasa kanang sofa naman sina Kuya Kyle katabi si Kervin. Solo namang nakaupo si Devyn sa katapat na sofa nila Kervin. Sa pinakamahabang sofa na katapat naman namin ni Ken ay ang tatlo pa niyang kaibigan na sina Waldo, Laszlo, at Galan.
Nakakailang bote na ng brandy sila Kuya Kyle, Ken, at Devyn. Maging sila Waldo. Laszlo at Galan habang isang baso pa lang ang nauubos ni Kervin. Si Kervin na lang ang mukang walang tama sa kanilang lahat. Tumigil na kasi siya sa pag-inom ng alak simula nang magkaroon siya ng anak. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi siya nakikipagsabayan ng inom sa mga kasama namin sa lamesa.
At dahil marami kami sa table ay naghahalo na ang amoy ng alak at iba-ibang pabango na nanggagaling sa kanila. Nakararamdam na ako ng hilo kahit iisang cocktail drink pa lang naman ang naiinom ko, na hindi ko pa nakakalahati. Samahan pa ng halo-halong amoy na nanggagaling sa paligid, malilikot na ilaw, at nakabibinging ingay.
Inangat ko ang ulo ko para maabot ang tainga ni Ken, kusa namang bumaba ang ulo niya na tila alam na na may ibubulong ako sa kaniya. Sa lakas kasi ng ingay na pumupuno sa loob ng bar ay hindi na kami halos magkarinigan.
"Labas lang ako sandali," bulog ko sa tainga niya.
"Will you be okay?" siya naman ngayon ang bumulong sa akin, ang pag-aalala ay naroon.
Naamoy ko ang alak sa hininga niya pero hindi pa naman siya mukhang lasing. Tumango ako at tinapik ang hita niya bilang paalam bago tumayo.
"Labas lang ako," I mouthed at Kervin who has a questioning look in his face.
Nagawi ang tingin ko kay Devyn na alam kong may tama na ng alak base na rin sa pamumula ng ilong niya tanda ng kalasingan. Nagtatanong na nakatingin siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata, gustong magsalita pero ayaw naman bumukas ng bibig niya.
Tipid na ngumiti lang ako sa kanya bago mabilis na tumalikod bago pa man nila ako magawang pigilan. Nararamdaman ko ang pag-sunod sa akin ng ilang pares na mga mata habang naglalakad ako ngunit ipinagsawalang bahala ko lang ang mga 'yon.
PILIT NA NAKIKIPAGHABULAN ako nang tingin sa bilog na buwan na pilit namang itinatago ng maninipis na ulap sa madilim na kalangitan. Nagbaba na lang ako ng tingin dahil wala na rin namang saysay ang pag tingin ko roon.
Nakaupo ako sa pavement sa kabilang kalsada na katapat ng bar. Nakapatong ang baba ko sa kanang kamay ko na nakapatong naman sa kanang tuhod ko. Binalingan ko na lang ng tingin ang kumukislap na pangalan ng bar kung saan ako nanggaling kanina, 3G. Ayaw ko nang bumalik sa loob sa totoo lang. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako nilulubayan ng mga tingin nila simula pa nang makapasok kami ni Ken.
Bakit kaya hindi magawa ng mga tao na sarilinin ang mga judgements nila para sa mga taong nakakasalamuha nila? Puwede naman siguro na isaisip na lang nila para hindi na sila nakakasakit ng iba. Hindi naman kasi puwedeng mag adjust ang tainga na isang tao at piliin lang ang gustong pakinggan. At gustuhin man ng isang katulad ko na huwag marinig ang mga komento ng ibang tao tungkol sa akin ay hindi ko pwedeng gawin. Dahil palaging bukas ang tainga ng tao.
Napaupo ako ng tuwid nang makita ko ang taong lumabas mula sa loob habang may nakaipit na sigarilyo sa bibig. Humithit siya roon bago inalis iyon sa bibig at inipit gamit ang hintuturo at gitnang daliri niya. Lasing na naglakad siya hanggang sa marating niya ang parking lot sa gilid lang mismo ng bar. Sumandal siya sa pick up ni Kuya Kyle at doon ipinagpatuloy ang pagsisigarilyo niya.
I felt disappointed all of a sudden. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon, ang naninigarilyo. Hindi naman sa galit ako sa mga tao naninigarilyo, ayaw ko lang sa ideya na gagastos ka para sa isang bagay na wala namang magandang dulot sa'yo. Smoking in moderation is fine. But we can't take away the fact that smoking can also ruin a person's lungs. Lalo na kung sunog-baga talaga.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa semento para bumalik na sa loob. Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa entrance ng bar nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Bliss Audrey," mahinang pagtawag niya, halata na sa boses niya na may tama na siya.
Nilingon ko siya ng hindi nagsasalita. Hindi nagbago ang posisyon niya mula sa pagkakasandal sa pick up ni Kuya Kyle. Hinihilot niya ang sentido niya gamit ang kanang palapulsuhan habang hawak pa rin ang sigarilyo sa kaparehong kamay. Nasa bulsa naman ng maong na pantalon niya ang kaliwang kamay at sa porma niyang 'yon ay nakikita ko ang tattoo niya sa braso at ang pagsilay ng tattoo niya sa baywang nang tumaas ang kulay itim na damit niya dahil sa ginawa. Ilang tattoo ba ang mayroon siya?
Para siyang isang bidang lalaki na karaniwang nakikita sa mga palabas, gwapo, matipuno ang pangangatawan, at napakalakas ng dating. Pero lamang siya sa lahat ng aspeto na nabanggit ko. Mahihiya ang sino mang self-proclaimed na gwapo kapag nakaharap nila ang lalaking ngayon ay tinititigan ko.
Nakaramdam ako ng kiliti sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko nang makita kung gaano siya kagwapo sa ginagawang paghilot sa sentido niya sa kabila ng kalasingan. At kahit na ang sigarilyo na ayaw ko ay mas pinapadagdag lang ang kagwapuhan niya. He looks so hot.
Gusto kong pagalitan ang puso ko kung bakit sa lahat na lang ng gagawin ng lalaki ay bumibilis ang tibok niya ng walang pahintulot ko. Parang hindi marunong matakot sa sakit na pwedeng maramdaman sa hinaharap. Nalungkot ako sa sarili kong naisip dahil buong pagkatao ko na ang tumututol. Imposible naman kasi talaga, e, na magkaroon ng ako at siya. Na magkaroon ng kami.
"Come here," utos niya.
Inuutusan ako ng isip ko na pumasok na lang sa loob ng bar at huwag nang pansinin ang presensya niya, baka sakaling mabigyan ko ng kapayapaan ang puso ko kung bibigyan ko ang pagitan namin ng distansya.
Pero katulad sa maraming pagkakataon ay mas lamang ang awtoridad ng puso ko kaysa sa utak ko ngayon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong mga paa na parang may sariling buhay na naglalakad palapit sa direksyon niya. Bumuntong hininga na lang ako ng maging ang utak ko ay suko na sa mga bagay na gusto ng puso ko.
Huminto ako ng may dalawang hakbang na lang sa pagitan naming dalawa. Mabilis na nanuot sa ilong ko ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo mula sa kaniya na nagpabalik ng hilo na kanina ay nawala na.
"Tara na sa loob," anyaya ko sa kaniya.
"Nahihilo ako," wala sa sariling sabi niya habang patuloy sa pagmamasahe ng sentido.
Napabuntong hininga ako. "Malamang, ang lakas na ng tama ng alak sa'yo, e."
Itinigil niya ang ginagawa at wala sa sarili na muling humithit sa sigarilyo niya. Natural na natural na sa kaniya ang bagay na 'yon at nasisiguro ko na hindi ito ang unang beses na nanigarilyo siya. Bihasang-bihasa siya at kabisado na ng katawan niya ang mga susunod pa na gagawin.
Humakbang ako paatras nang bumuga siya ng usok sa gilid niya. Hindi man napunta sa direksyon ko ang usok pero pinigil ko ang huminga para hindi makalanghap ng usok ng sigarilyo at muli lang huminga ng maglaho na ang usok no'n.
"Can you stop that?" sabi ko nang nakapako ang paningin sa kalahating sigarilyo niya.
"Sorry." Pinanood ko lang siya nang itapon niya sa paanan niya ang sigsrilyo at inapakan para patayin ang sindi no'n.
Tiningnan ko siya at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Mapungay na ang mga mata niya at namumula na ang ilong sa kalasingan. Lalay na rin ang katawan niyang nakasandal sa sasakyan.
"Kaya pa?" pinipigilan ang tawang tanong ko.
"I don't know," mahinang bulong niya. "Can you come here beside me?" umaasang tanong niya na nagpalukot sa ilong ko.
"Ayoko," lukot ang mukha na sagot ko.
"Come on. I need to rest my head." Hinawakan niya pa ang ulo niya na kusang bumababa dahil sa kalasingan.
"Kasalanan mo 'yan. Isandal mo na lang 'yang ulo mo sa kotse." Tinuro ko ang sasakyan sa likod niya.
Pero mas mabilis sa akin ang loko dahil bago ko pa man mabawi ang kamay ko ay nakuha na niya 'yon at hinila ako sa tabi niya na sa kabila ng kalasingan ay napakabilis pa rin kung kumilos. Hawak ang kaliwang kamay ko na isinandal niya ang ulo niya sa kaliwang balikat ko. Patagilid ang porma ko habang ang likod niya ay nakalapat sa van. Hanggang balikat lang niya ako kaya sinandya niya pang magpababa ng tangkad para lang tuluyang makasandal sa balikat ko.
"Amoy sigarilyo ka, Devyn," may bahid ng iritasyon na sabi ko at pilit na lumalayo sa kanya.
Pero masyado siyang malakas kung ikukumpara sa akin. Inilipat niya ang kaliwang kamay ko na hawak niya sa kaliwang kamay niya. Pumalibot ang kanang kamay niya sa baywang ko. Pero ramdam ko na hindi siya kontento kaya inikot niya ang katawan ko paharap sa kaniya at niyakap na ako ng tuluyan.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi ko magawang makakilos at makapag-isip ng tama. Ramdam na ramdam ko ang balat niya na tumatama sa balat ko dahil umaangat ang damit ko. Nasasapawan nang mabilis na tibok ng puso ko ang utak ko, pinipigilan akong gumawa ng hakbang para itulak siya palayo.
His breath is fanning my neck, and a sensual feeling struck me like a fast thunder in a stormy night. Nakakapanibago at nakakaloko. Muli na naman siyang may binuhay na kakaibang pakiramdam sa puso at katawan ko na ngayon ko pa lang naramdaman buong buhay ko. May kilig at takot. May kakaibang saya at iba pang emosyon na ngayon ko lang naramdaman.
At sa kabila ng lahat ng emosyon na 'yon na gumugulo sa mundo ko ay ni hindi ko magawa ang iwan siya at lumayo. Bagkus ay tilas mas nagugustuhan ko pa ang maliit na distasnsya sa pagitan naming dalawa dahil sa init niya na yumayakap sa akin na nagbibigay ng kapayapaan sa magulo kong isipan.
"Okay ka lang?" wala sa sariling tanong ko sa kanya, hindi gumaganti sa yakap niya.
"No," he answered and tightened his hug, as if we are not close enough. "I hate your clothes."
Biglang sumakit ang puso ko sa simpleng komento niya. "Alam ko. Hindi bagay sa akin ang ganito."
Walang buhay na sinalubong ko ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin ng hindi binibitiwan ang baywang ko. May kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang marahang paghimas ng may kagaspangan niyang kamay sa balat ko, mula sa likod ko patungo sa baywang ko.
It is giving me foreign feeling, not just to my heart but also to my body. I took a deep breath and tried to even the beating of my heart. Sinubukan kong kontrolin ang namumuong pakiramdam sa akin na sa kabutihang palad ay nagawa kong mapagtagumpayan.
Umangat ang isang kamay niya at marahang humaplos sa pisngi ko habang matamang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi ko sinabing hindi bagay sa'yo," halos mapaigtad ako ng marahan niyang pisilin ang gilid baywang ko.
"E, a-ano?" tanong ko, kinakabahan sa maaaring marinig. Nangangati ang kamay ko na sabunutan ang sarili nang mautal pa ako sa simpleng salita na 'yon.
"You're beautiful, nasabi ko na 'yon diba?" Tumango ako. "But you are showing your skin." Lasing man siya pero alam ko na seryoso siya sa sinabi niya.
Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin hanggang sa bumaba na lang muli ang ulo niya sa leeg ko. Isiniksik niya ang sarili niya do'n na mas nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kusang umangat ang kamay ko para haplusin ang ulo pababa sa batok niya.
"Gusto mong tubig?" Umiling siya bilang sagot.
"I've been praying for this." Batid kong nakangiti siya ng sabihin niya 'yon. Nararamdaman ko 'yon dahil gahibla na lang ang layo ng labi niya sa leeg ko.
"Alin?" Pilit kong pinanormal ang tibok nang nagwawala kong puso. Nakakahiya kung maririnig niya ang kalapastanganan ng puso ko na siya rin naman ang may dulot.
"Ito." Humigpit na naman ang yakap niya. Pero sa paraan na hindi ako mahihirapan na humimga. "Ang mayakap ka."
Tinakasan ako ng mga salita na dati ay sunud-sunod kung dumating sa utak ko sa tuwing sumusulat ng tula. Nawalan ako nang sasabihin sa kaniya, kahit ang makabuo ng salita bilang sagot para sa sinabi niya ay hindi ko magawa.
Nangibabaw ang mabilis na kabog ng dibdib ko at ang malalim na paghinga ko. Naaagaw ng mahigpit na yakap ng mga kamay niya sa baywang ko ang katinuan ko lalo na sa katotohanang matagal na niyang gustong gawin 'yon.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang itinagal namin sa ganoong sitwasyon. Nagising na lang ako mula sa pagkakatulala nang unti-unting lumuwag ang kapit niya sa baywang ko hanggang sa tuluyang lumaylay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid niya.
"Devyn?" pagtawag ko ng atensyon niya pero wala akong nakukuhang sagot.
Sinubukan ko siyang itulak sa balikat paalis sa harapan ko pero mabigat siya. Tuloy, nasalo ko na lang ang buong katawan niya habang pilit na iniiwas ang mukha para hindi malanghap ang amoy niya. Tulog na.
Inaalalayan ko siya sa dalawang balikat niya para hindi ako tuluyang maipit. Nasa gano'ng posisyon kami nang isa-isang magsilabasan ang mga tao sa bar. Mga pare-parehong lasing kaya hindi na kami nagawang tapunan ng tingin.
Kanya-kanya sila ng para ng taxi na sunud-sunod namang nagsidatingan na para bang sanay na sa sitwasyon na 'yon. Huling lumabas ang anim na lalaki sa bar at sabay-sabay din na napalingon sa direksyon namin ni Devyn.
Hindi ako sigurado kung sila Kervin ba 'yon dahil malayo sila sa akin at malabo na porma ng tao lang ang naaaninag ko. Isa-isa silang lumapit sa akin at ng isang metro na lang ang layo nila sa amin ay doon ko nakumpirma na magkakapatid na Villiasis nga 'yon kasama ang tatlong kaibigan ni Ken na sina Wlado, Laszlo, at Galan.
"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Kuya Kyle.
"Bagsak na, Kuya." Tiningnan ko sila isa-isa. Sigurado akong may mga tama na rin sila maliba kay Kervin. "Help?"
Agad na magkatulong na inalalayan ni Kuya Kyle at Kervin na isakay sa back seat ng pick up si Devyn na hindi man lang nagising. Nilingon ko si Ken na nakatingin lang sa akin. Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko nang makalapit ako sa pwesto niya.
Umiling lang siya bilang sagot bago hinarap ang mga kaibigan. "Mauna na kami sa inyo. Panigurado namang dito kayo magpapalipas ng gabi." Sinundan niya 'yon ng mahinang tawa.
"Sige na," pagtataboy ni Waldo at binigyan ng makahulugan na tingin si Ken.
Wala akong naintindihan maski isa sa mga palitan nila ng tingin. Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila at matagumpay nilang nakukuha ang mga gusto nilang iparating sa isa't isa.
"Susunod na lang kami kung may libre kaming oras," sabi ni Laszlo na nakakuha ng atensyon ko.
"Yeah, baka ma-miss mo kami at maghanap ka ng iba," malokong biro ni Galan na hindi ko naman nakuha.
Susunod? Nilingon ko si Ken na siyang kausap pa rin nila. May pupuntahan ba siya? Napuno ng katangunan ang utak ko dahil sa mga naririnig ko sa mga kaibigan niya. Aalis ba siya? Pero bakit wala ata akong alam?
Nagising lang ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang busina nang papalayong sasakyan ni Kuya Kyle na lulan din sina Devyn at Kervin na malamang sa malamang ay siyang nagmamaneho.
"Tara na." Nilingon ko si Ken at na-realize ko na nakaalis na rin pala ang mga kaibigan niya.
"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ko.
Umakbay siya sa akin bago naglakad papunta sa gawi ng sasakyan niya. "Kaya ko. Kanina pa kami tapos uminom at nagpapahupa na lang ng tama ng alak. Hindi kita ipapahamak, baby."
Natawa na lang ako sa kaniya at sumakay na sa passenger's seat nang buksan niya ang pinto para sa akin. Ilang sandali lang ay nasa biyahe na kaming dalawa, parehong tahimik at nakikinig lang mg mga kanta sa player ng sasakyan niya.
"Para saan ang party?" tanong ko, hindi na kayang tiisin pa ang katahimikan.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang naging usapan nila ng mga kaibigan niya. Huminga siya ng malalim bago ako saglit na sinulyapan ng tingin.
"I am leaving for a couple of months or maybe years," malungkot na anunsyo niya.
Natulala lang ako sa kanya. Aalis siya? "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" may tampong tanong ko.
Kahit naman kasi puro pang-aasar lang ang ginagawa niya sa akin minsan ay close pa rin naman kami. Dahil kasi sa mga pang-aasar niya ay nagagawa niya akong pangitiin, kaya mas lumalim ang closeness namin. Nakakalungkot na malaman na aalis siya ng bansa. Hindi man permanente pero matagal pa bago kami magkita ulit. Sigurdo ako na hahanap-hanapin ko ang mga pang-aasar at kakulitan niya.
Sa katahimikan na namagitan sa aming dalawa ay hindi ko namalayan na narating na namin ang bahay namin. Kung hindi pa siguro hinawakan ni Ken ang kamay ko ay hindi ko mapapansin.
"Single ka pa rin kaya pagbalik ko?" tanong niya pero parang hindi para sa akin 'yon kundi para sa sarili niya.
"Mga kalokohan mo na naman. Malamang. Wala namang magkakagusto sa akin 'no," natatawang sagot ko.
"Sinong nagsabi?" seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ako. It will be a great challenge for men to just even court me. Tingin pa lang ng tao ay sumusuko na ako, idadamay ko pa ba ang ibang tao? What more kung itatali ko ang kung sino man sa isang relasyon. Panigurado na maririndi lang ang tainga naming dalawa sa mga maririnig namin. I don't want to drag other people with me while dealing with my own miseries." Napailing ako sa mga lumalabas sa bibig ko. "So, no thanks na lang."
"You shouldn't be so hard on yourself, Bliss." Napatingin ako sa kanya dahil sobrang seryoso siya nang sabihin niya 'yon.
"Nakakasawa na ba?" mapait na tanong ko sa kaniya. "Nakakasawa na ba pakinggan ang mga sinasabi ko?"
Hinawakan niya ang baba ko at iniangat para hulihin ang mga mata ko. Umiling siya at masuyong tiningnan ang bawat parte ng mukha ko. "Hinding-hindi kami magsasawa na intindihan ka. Kahit kailan ay hindi rin kami magsasawa na paulit-ulit na sabihin sa'yo kung anong halaga mo sa amin. Kasi ang importansya mo ay sobra-sobra at walang katumbas. Kasi..." huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang mas dumiin ang pagkakatingin sa mga mata ko. "Kasi mahal ka namin. Mahal kita."
Alam kong walang ibang ibig sabihin ang mga huling kataga niya. Pero binibigyan ako ng maling impresyon ng mga emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Pinaghalong lungkot at naguumapaw na pagmamahal. Kumalma ka Bliss, walang ibang ibig sabihin'yon.
O baka ayaw mo lang tingnan ang mga bagay na nasa harap mo na?
Mariin akong napapikit sa sinasabi ng utak ko. Imposible ang bagay na 'yon dahil para na rin kaming magkapatid ni Ken katulad ng kung anong mayroon kami ni Kervin. Hanggang do'n lang 'yon.
"Hindi mo naman ako masisisi. I've been living like this, like I am not worthy of anything. And I've been questioning my existence ever since. Kasi bakit ako pa? Sa rami ng tao sa mundo bakit ako ang naging ganito," madamdaming sabi ko sa kaniya sa unang pagkakataon.
Ngayon lang ako nakapagsabi sa kniya ng mga nararamdaman ko. At kakaibang ginhawa ang naidudulot no'n sa akin dahil buong pag-intindi lang niya akong tiningnan habang nakikinig sa mga himutok ko.
"Kaya nga nandito kami para iparamdam sa'yo na karapat-dapat ka sa lahat ng bagay," sinrerong sabi niya. "Hindi ko man lubusang maintindihan ang mga napagdadaanan mo. Hindi ko man lubusang maramdaman kung gaano kasakit ang epekto nila sa'yo. Pero paulit-ulit kong ipaparamdam sa'yo na mahalaga ka."
Try to live my life so that you would fully understand how hard it is to be someone who has a condition that people can't and don't want to understand.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salita na 'yon pero alam kong mali. Dahil hindi ko dapat ibunton sa kaniya ang mga hinanakit ko para sa mga taong siyang mas nakakasakit sa akin.
"Kailan ang alis mo?" pag-iiba ko sa usapan at nag-iwas ng tingin sa kniya.
Bumuntong hininga naman siya at pinakawalan na ang kamay ko. "Bukas ng hapon."
"I can't be there." May lungkot na unti-unting nabubuhay sa puso ko sa katotohanang huling pagkikita na namin 'to. At matagal pa bago kami ulit magkikita.
"I know." Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Kaya nga susulitin natin ang gabi."
Natatawang pinanood ko lang siya na nagpunta sa trunk ng kotse niya, may kukuhanin ata. Naupo na lang ako sa pavement sa tapat ng bahay namin at hinintay siya.
May dala-dala na siyang kulay asul na may katamtamang laki na cooler nang makalapit sa pwesto ko. Naupo siya sa tabi ko at ibinaba ang cooler sa harapan namin. Umakbay siya sa akin at isinandal ang ulo ko sa balikat niya at mas hinapit papalapit sa kaniya. Naglabas siya ng dalawang yakult mula sa cooler at iniabot sa akin 'yon.
Napangiti ako sa pagbalot ng init ng katawan niya sa akin na dulot ng malamig na hangin ng gabi. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko papalapit sa kaniya at kuntentong sumandal sa balikat niya habang tinatanaw ang mga makikinang na bituin sa madilim na kalangitan.
"Alam mo." Sinulyapan ko siya. Nagbaba naman siya ng tingin sa akin at tipid na ngumiti. "Sweet ka naman, e. Kaso mas lamang ang kapilyuhan mo," komento ko na ikinatawa niya.
Naalala ko bigla ang isa sa mga rare moment na nag-umapaw ang sweetness niya sa akin. It was my eighteenth birthday. Hindi engrande ang naging celebration no'n kasi nga iilan lang naman kung tutuusin ang mga kakilala ko. Ang mga kasama ko sa org lang ang mga imbitado at ang pamilya nila Ken. Ken was my eighteenth rose at that time. Nakipagpalit siya kay Kervin na siyang dapat ay last dance ko talaga. Tapos habang nagsasayaw kami ay walang tigil ang papuri niya sa akin, na siyempre, hindi ko mapaniwalaan.
Pero pursigido siya, he kept on saying sweet nothings right on my ear. Until I gave in. That night, he made me felt like I am indeed beautiful. Like I a woman that is deserving to be loved. After nang dance ay dapat kainan na, pero dahil nga mas lamang ang kapilyuhan sa genes niya ay hinila niya ako sa labas ng private event space at dinala sa sasakyan niya.
And there, he gave me Cloud. Nasabi ko kasi sa kaniya na gusto kong mag-alaga ng aso. Pero hindi ko alam na maaalala niya 'yon at ibibigay niya ang gusto ko. Thirty minutes ata kaming nakipaglaro kay Cloud no'n at halos makalimutan na ang party kung hindi lang dumating si Kervin para pabalikin kami.
"Saan ang punta mo?" mahinang tanong ko.
"Macau, then Poland." Napatingin ako sa kaniya. Base palang sa narinig ko ay matagal pa bago siya makabalik.
"Anong gagawin mo sa mga bansang 'yon?"
"I was offered a job by a luxurious hotel owner who wants to branch out both in Macau and Poland. Kailangan kumayod para sa future."
"Kaya maghanap ka na ng ka-future mo," natatawang sabi ko pero hindi man lang siya tumawa at seryoso lang akong tiningnan.
"I can't do that," malungkot na sabi niya.
"Still stuck with that love of yours, aren't you?" mahinang sabi ko.
Muling nanumbalik sa akin ang naging usapan namin noong gabi na hinatid niya ako pauwi matapos ang party ni Maxim. Hindi ko alam ang pinagdadaanan niya but I am sure as hell that he's been hurting. Kung nasasaktan siya dahil sa babaeng kasalukuyn niyang minamahal ay hindi ko alam.
"Hindi na ata ako makakaahon." Huminga siya ng malalim at tumingala. "Hulog na hulog na ako."
Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Hindi ko kilala ang babaeng minamahal niya at nananakit sa kanya ng sabay. Wala akong ideya dahil hindi naman kami araw-araw na nagkikita. Pero base sa sakit na nariinig ko sa boses niya ay alam ko kung gaano siya patuloy na nagmamahal sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.
"Bakit hindi mo kasi subukan? Malay mo naman may pag-asa pa," sabi ko na lang dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para pagaanin ang loob niya.
Bumabang muli ang tingin niya para salubungin ang mga mata ko. Harapang ipinapakita niya sa akin ang mga emosyon na naglalaro sa mga mata niya, hindi na hinayaan pang itago. Matinding emosyon ang biglang sumisilay sa mga mata niya pero mas nangingibabaw ang sakit doon.
"May pag-asa ba, Bliss?" puno ng intensidad na tanong niya.
Nalito ako sa emosyon na nakapaloob sa mga salita ng binitiwan niya ngayon lang. Para bang hindi lang iisa ang kahulugan ng mga salita na 'yon at parang may tinutumbok ng kung ano ngunit naroon ang intensyon na iliko. Pero imposible... Walang ibig sabihin 'yon, Bliss. Wala...
Lumunok ako para alisin ang kung ano man na bumabara sa lalamunan bago sumagot. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko gayong ako itong walang alam sa pakikipagrelasyon.
"That's why, I am asking you. May pag-asa ba?" Umawang ang mga labi ko sa mga naririnig ko sa kaniya.
May ibang kahulugan, 'yon ang nasisiguro ko. May malalim na pinanggagalingan. Alam ko 'yon. Hindi lang ito ang unang beses na nagsalita siya sa harapan ko ng katulad nito. Pero mas lamang sa akin ang kagustuhan na paniwalaan na imposibleng ako ang babaeng mahal niya.
Ayaw kong pag-isipan ng iba ang mga ipinapakita niya sa akin ngayon at noong mga nakaraang araw. Ayaw kong sirain ang relasyon na mayroon kaming dalawa, dahil alam ko sa oras na kilalanin ko ang mga ipinapakita niya ay magbabago ang lahat sa pagitan naming dalawa. At ayaw kong mangyari 'yon.
"Hindi ako ang makakasagot niyan," pilit ko pa rin kahit ang utak ko na ang nagsasabi na alam ko ang sagot sa tanong niya, wala. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang makita ko ang lungkot at panghihinayang na nakabalatay roon.
"I know."
Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan na niya ang usapan tungkol doon. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang walang lumabas na kumpirmasyon mula sa kaniya na nagpapatunay na tama ang hinala ko. Na ako ang babaeng laman ng puso niya.
"Halika, may ibibigay ako sa'yo." Tumayo na siya at binitbit ang cooler bago inilahad ang kamay niya para alalayan akong makatayo. "Open your gate."
"Ikaw ang may ibibigay, anong kinalaman ng gate namin?" nagtatakang tanong ko, pilit na iniaalis sa isip ang mga hinala ko kanina.
"Basta. Bukasan mo na," may mababakas na excitement sa boses niya.
Humarap na lang ako sa gate at inilahad ang hinlalaki sa fingerprint scanner para bumukas 'yon. Nauna akong pumasok at sumunod naman siya.
"I think it's in your room," hindi siguradong wika niya.
"Sa kwarto ko?" nagtatakang tanong ko.
Tumango siya kaya naglakad na ako paakyat sa second floor kung saan ang kwarto ko. Hindi siya sumunod sa akin kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat. Nangunot ang noo ko ng makita si Cloud at Vanilla na parehong nakaupo sa labas ng kwarto ko at nakatingin sa pinto.
"Hey." Sabay na lumingon sila pero hindi umalis sa pwesto.
Nag-aalalang lumapit ako sa kanila pero tumahol lang si Cloud at muling bumaling sa kulay puting pinto ng kwarto ko na naiiba sa lahat ng pinto sa palapag na 'yon dahil lahat ng pinto do'n ay kulay gray.
Nagtataka na ako sa dalawang 'to. Dapat sa mga oras na 'to ay tulog na sila sa sarili nilang mga higaan sa loob ng kwarto ko. Pasado alas-dos na kaya at tulog na rin ang parents ko panigurado.
Binuksan ko ang pinto at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang maliit at maputing bagay na halos kakulay na ng kama ko. Mabilis sa lumapit ako roon at huminto ilang hakbang bago tuluyang lumapit para hindi siya magulat. Pero ako ang nagulat nang talunan ako ng bagay ng 'yon na ngali-ngaling sinalo ko naman sa takot na dumiretso siya sa sahig.
"Gulay..." manghang sambit ko habang nakatingin lang ako sa bagay na ngayon ay nasa bisig ko na.
Pumihit ako paharap sa pinto at nagmamadaling bumaba kasunod ang dalawa ko pang aso. Naabutan ko si Ken na umiinom ng yakult na hindi ko na mabilang kung pang-ilan na niya.
"You didn't brought a Great Pyrenees in my room, didn't you?" lutang sa sayang tanong ko habang maingat na hawak ang maliit na aso sa braso ko.
"Surprise?" Natatawang wika ni Ken. Dahil sa tuwa ay mabilis ako lumapit sa kaniya at niyakap siya gamit ang isang kamay. Awtomatikong pumalibot ang mga braso niya sa baywang ko para alalayan ako. "Alam mo bang araw-araw kong pinapakita sa kaniya ang picture mo para lang makilala ka niya at hindi siya manibago sa'yo. Mukhang effective naman."
Humiwalay ako sa kaniya at pinagmasdan ang aso sa braso ko. "Saan mo galing 'to?"
"Davao." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Yes. Nakakita ako ng post sa Facebook na for adoption siya kaya pumunta ako roon after kong makausap ang may-ari," paliwanag niya.
"Thank you," sinserong sabi ko sa kaniya.
He knew how dogs affect me. He knew how dogs cured me every time I get emotionally lost. At tumataba ang puso ko sa tuwa na alam niya ang isang bagay na hindi alam ng iba na maging sa sarili ko ay bago. Ever since he gave me cloud, I got someone that I could talk my rants to, kahit na wala akong sagot na nakukuha. He made me discovered that unknown comfort that I could get from another life in the form of dog. And that has been our little secret. Our own world.
"We should name him," I said.
"I already named him, if it's okay with you." Kamot ang ulo na sabi niya sa akin. I looked at him questioningly, waiting for him to continue his words. "Yogurt, his favorite food."
"Yogurt it is, Ken." Sa sobrang tuwa ay napahalik ako sa pisngi niya na ikinatawa niya.
"See you soon, Bliss. And I love you," mahinang usal niya na ikinabigla ko. Wala akong mahanap na salita para isagot sa sinabi niya kaya tipid na ngumiti lang ako bago nagbaba ng tingin sa takot na makasalubong ang tingin niya.
You can't, Ken.
***
You are loved! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top