11: Escape
CHAPTER ELEVEN
Escape
Nakangiting pinapanood ko si Cloud na hinahabol ang bola na ibinato ko. Masiglang kinuha niya 'yon at dali-daling tumakbo pabalik sa direksyon ko. Kahit hirap sa taba niya ay mukha pa rin siyang masaya. Inilapag niya sa gilid nang inuupuan kong wooden bench ang tennis ball.
"Good job, Cloud." Hinimas ko ang mabalahibo niyang mukha.
Hapon na at hindi na naaarawan ang parte ng garden kung saan kami nakapwesto kaya okay lang na lumabas ako. Si Vanilla ay nasa kandungan ko at mukhang walang balak makigulo kay Cloud.
Malawak ang garder ni Mom at puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak ang magkabilang gilid. Madalas ay dito ako tumatambay sa tuwing walang pasok dahil presko ang hangin at maganda sa mga mata ang bulaklak na nakagagaan sa pakiramdam. Sa pinakagitna ng garden ay may lamesa at mga upuan na puwedeng pagtambayan.
"Hey there, Cloud! Ang laki mo na," wika ng isang pamilyar na tinig ng isang lalaki mula sa labas ng gate.
Atubiling sinundan ko si Cloud na nauna pa sa akin. Hindi na ako nagulat pa nang mabungaran si Kuya Ken na nakasuot lang siya ng baby blue na t-shirt at cargo shorts. Sa ayos niya, nasisiguro kong bagong paligo lang siya at dito agad ang punta.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at inimbitahan na ang sarili na pumasok sa loob bago ko pa man siya papasukin. Siya na rin mismo ang nagsarado ng gate bago yumuko para kausapin si Cloud na regalo niya sa akin noon.
"Hello there, buddy. Did you miss daddy?" malawak ang ngiti na tanong niya sa alaga. Diniilaan siya ni cloud sa pingi na siyang ikinatawa niya.
"Bakit ka nandito, Kuya? Magaling ka na ba?" Lumapit ako sa kanya at sinalat ang leeg at noo niya para tingnan kung may lagnat pa ba siya.
"Magaling na ako. And please don't call me kuya." Wala sa sariling napatitig ako sa kanya nang marinig ko ang lungkot sa boses niya. "Sinabi mo na last time na hindi mo ako tatawaging kuya, baby."
Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya? At ano rin ang nangyayari sa akin. Bakit parang nakararamdam din ako ng lungkot habang nakikita ko siyang nalulungkot.
This is not the Kuya Ken that I know, hindi siya ang bibo at makulit na Kuya Ken. Hindi rin siya 'yong mapang-asar na Kuya Ken na nakasanayan ko. May lungkot sa mga mata niya at nalulungkot din ako para sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.
Pilit siyang ngumiti sa akin at umiling. "Wala naman. Dumaan lang ako kasi may sasabihin ako sa'yo."
"Pasok ka muna."
Sabay na pumasok kami sa loob kasunod si Cloud na naging buntot na naman lau Ken. Ibinaba ko si Vanilla sa sofa na hindi man lang nagising. Nagtuluy-tuloy kami sa kusina ng hindi nagsasalita ang kahit na sino.
"Anong gusto mo?" tanong ko habang kaharap ang refrigerator.
Bago pa man siya makasagot nanuna nang kumilos ang kamay ko para kuhanin ang ice cream na kanina ko pa gustong kainin.
"Share na lang tayo n'yan," tukoy niya sa ice cream na hawak ko.
Kibit-balikat na kumuha na lang ako ng dalawang kutsara bago siya inaya sa salas ng bahay. Naupo ako sa mahabang sofa at agad naman siyang tumabi ng upo sa akin, isang bagay na madalas niyang ginagawa.
"Iba na lang kaya ang kainin mo?" nag-aalalang suhestiyon. Inilayo ko sa kanya ang ice cream nang pasandok na dapat siya. "Kagagaling mo lang sa sakit e."
Humaba ang nguso niya sa ginawa ko. "Baby, tatlong araw na akong magaling." Mas umusog siya palapit sa akin at inagaw ang ice cream mula sa kamay ko.
"Ayusin mo. Baka mamaya magkasakit ka na naman," inis kunwaring sabi ko pero sa totoo lang ay nag-aalala ako.
"I'm fine." Kinuha niya ang isang kutsara sa akin at sumandok ng ice cream.
Akala ko ay siya ang kakain pero nagulat ako nang itapat niya ang kutsara sa bibig ko. Naiiling na isinubo ko iyon at kinuha na ang kutsara mula sa kamay niya.
"Bakit ka nag punta rito?" tanong ko maya-maya.
"May party ako mamayang gabi. Gusto sana kitang ayain na sumama," kinakabahang sabi niya.
Napangiwi ako sa narinig mula sa kaniya. Wala pa man ako sa mismong party na sinasabi niya ay parang nakikita ko na agad sa harapan ko ang mangyayari oras na magpunta ako roon.
"Ayaw ko," mariing pagtanggi ko. Sumubo ulit ako ng isang kutsarang ice cream.
"Sige na."
Humawak siya sa braso ko at at mamakaawang tumingin sa mata ko. Sumandok ako sa tub ng ice cream na hawak ko gamit ang kutsara niya at isinubo 'yon sa bibig niya.
Ayaw kong sumama dahil alam ko ang tipo ni Kuya Ken pagdating sa mga party-party na sinasabi niya. Kung hindi kasi sa isang bar gaganapin ay dadalhin niya mismo ang bar sa bahay nila. Gano'n siya. Typical na party man. Kaya hindi nakapagtataka na may bar set-up sa pool area ng bahay nila.
"I know you're type, Ken." Nakita kong nagningning ang mga mata niya nang tawagin ko siya gamit lang ang pangalan niya. "Kapag sinabi mong party ay isa lang ang ibig sabihin."
"Ano?" nakangiting tanong niya na parang wala sa sarili.
Napabuntong hininga na lang ako sa kabaliwan niya. "Kapag sinabi mong party ang ibig sabihin lang ay bar at inuman. So, my answer is no."
Nawala ang saya at kinang ng mga mata niya at napalitan ng lungkot. "Come on, baby. Last lang naman. I need you there."
"Ayaw ko pa rin. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo kapag nakita nila na isang tulad ko ang kasama mo."
Hindi pa man nangyayari ay nakikini-kinita ko na ang mangyayari. They would probably stare at me like I am an unknown specie in their eyes, an alien to be exact. Bibihira ka lang naman kasi makakita ng mga taong kulay puti dito sa Pinas kaya kung makatingin ang mga tao ay para bang hindi ka talaga tao. At parang malaking kasalanan ang eksistensya mo.
"I rented the whole space at ang mga kakilala ko lang ang imbitado," pagpipilit niya.
"Hindi santo ang lahat ng tao para walang masabi sa kapwa nila," sabi ko. "Besides, masisira lang ang reputasyon mo kapag nakita nila akong kasama ka," dahilan ko.
"I don't care about my damn reputation," seryoso at may bakas ng inis na ang boses niya. Bahagya ring dumilim ang mukha niya at bumakas ang inis doon.
"Well, I do," balewalang sabi ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya. Tumingin ako sa mukha niya at nakita ko ang lungkot at disappointment na mga mata niya. Ibinaba ko sa center table ang tub ng ice cream at sumandal sa balikat niya.
Awtomatikong himigpit naman ang yakap ko sa unan na nasa kandungan ko. Ayaw ko lang naman siyang mahirapan sa oras na sumama ako sa kanya. Panigurado kasi ay pagtitinginan at pagbubulungan na naman kami ng mga tao, lalo na ang mga walang alam sa kundisyon ko.
"Ayaw ko lang na may masabi ang mga tao sa'yo. Alam mo naman na hindi iyon maiiwasan lalo na kapag nakikita ako ng mga tao," malungkot na sabi ko, umaasa na sana maintindihan niya ang pinanggagalingan ko.
Tiningala ko siya nang maramdaman ko ang braso niya na pumaikot sa balikat ko. May lungkot pa rin sa mga mata niya pero nahaluan na iyon ng pag-intindi.
"I know. Pero last na 'to. Sisihuraduhin kong wala silang masasabi. At kung mayroon man ay hindi ako magdadalawang isip na palayasin sila." Nagbaba siya ng tingin sa akin. Nangingibabaw ang lungkot sa mga mata niya.
"Bakit ba parang may hindi ka sinasabi sa akin?" Bago ko pa man matapalan ang bibig ko ay kusa na 'yong nagsalita. "Para saan ba ang party?"
"I will tell you later kung sasama ka. If not, you will know tomorrow." Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. "Kaya sumama ka na, please? Hindi lang naman ako ang nando'n para mag protekta sa'yo. Kervin will also be there. Kuya Kyle and even Devyn will be there."
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko nang marinig ang pangalan niya. Parang sira na gusto na lang agad pumayag ng puso ko na sumama kahit pa alam ko ang maaaring kahihinatnan ng pagsama ko sa kaniya.
Nagtatalo ang puso at isip ko kung ano ang mas mainam na desisyon na kanina naman ay buo na ang desisyon na pagtutol. Ayaw ng isip ko na sumama dahil sa mga imaheng pumapasok sa isip ko sa mga maaaring mangyari. Pinupuno ng takot ang puso ko ngayon pa lang. Takot sa mga maririnig ko at sa maaaring sakit na idulot ng mga salita nila hindi lang kay Ken kundi maging sa aking sarili.
Pero ang puso ko ay kinokontra ang desisyon ng isip ko. Gusto no'ng sumama sa kabila ng sakit ng puwede no'ng maramdaman. Kung bakit o kung sino ang dahilan ay hindi ko rin alam.
"I need you to be my date. For the last time? Please?" Nawala ang atensyon ko sa nagtatalo kong isip at puso sa narinig kong sinabi niya.
"For the last time?" nalilitong tanong ko. "Bakit? Aalis ka ba?"
Nag-iwas lang siya ng tingin at hindi na sumagot pa. Sinubukan kong umalis mula sa pagkaakbay niya pero hinigpitan niya lang ang kamay niya roon.
"Sama ka na kasi, snow white."
Nagbago na ang malungkot na itsura niya at natabunan ng nagmamakaawang. Makailang beses pa akong bumuntong hininga habang tinitimbang ang sariling desiyob "Fine," sabi ko sa tono na nababahiran ng kaba. "I will come with you at that so-called party of yours."
Umaliwalas ang mukha niya. At bago ko pa man siya mapigilan ay nagawa na niya akong yakapin ng magipit. "You just made me happy, baby."
Hindi ko alam kung bakit ko hinayaang manalo ang puso ko at hayaan na ito ang magdesisyon, wala akong ni katiting na ideya. Kung ano man ang mangyayari mamaya, saktan man nila ako gamit ang masasakit na salita nila. Dating gawi na lang. Kung hindi tatakbo at iiwas ay mag papatay malisya at magpapanggap na okay lang.
NAKIKIPAGTITIGAN ako sa closet ko habang umaasa na may kusang lalabas na damit doon na angkop sa pupuntahan ko. Hindi ako nagsusuot ng mga revealing na damit katulad ng tipikal na nagba-bar sa mga napapanood ko sa tv at sa mga pilikula.
Puro long sleeves at hoody lang ang mayroon ako at mga t-shirt na pambahay na iilan lang din. Hindi rin ako nagsusuot ng skirt dahil hindi ako sanay at maaarawan lang ako. Sa madaling sabi, lahat ng damit ko ay balot ako. Siguradong pagtatawanan ako ng mga tao kung makikita nilang imbes na pang bar ay pang-tulog ang suot ko.
Pikit matang kumuha ako ng isang hoodie at isang pants. Isang maroon cropped hoodie ang nahablot ko. Plain lang iyon kung titingnan dahil ang tanging desenyo lang no'n ay ang maliliit na silver na bato na ihinugis na parang isang korona sa kanang bahagi. Itim na high waisted leather pants naman ang nakuha ko para sa pambaba.
Bumuntong hininga muna ako bago ko isinuot iyon. Hindi na masama para sa akin ang damit, ewan ko na lang sa iba. Lumilitaw ang tiyan ko sa tuwing gumagalaw ako dahil nga cropped top style ang hoodie na nakuha ko. Angat na angat din ang kaputian ng balat ko dahil sa dark na kulay ng mga 'yon. Pinarisan ko na lang iyon ng maroon din na ankle boots bago bumaba. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na maglagay ng kolorete sa mukha maliban sa kaunting liptint na nilagay ko sa labi ko. Hinayaan ko na lang din na nakaladlad ang humahaba ko ng buhok ko.
Naabutan ko si Ken na at home na at home sa pagkakaupo niya sa single sofa sa sala. Nasa mahabang sofa naman sila mom at dad na kapwa nakatingin sa akin at parehong nakangiti.
"She's here, Ken," pagbibigay alam ni Dad sa lalaking date ko raw ngayong gabi.
Saktong huling hakbang ko sa hagdan ay ang paglingon niya sa gawi ko. Nakangiti pa siya noong una pero unti-unting nawala 'yon nang makita niya ang kabuuan ko. Sabi ko na nga ba at palpak ang suot ko, e.
"I'm sorry kung ganito lang ang ayos ko. Wala akong ibang damit at ito na ang pinakaakma sa pupuntahan natin," nahihiyang sabi ko matapos ay yumuko.
Narinig ko ang mga hakbang niya hanggang sa makita ko na ang mga paa niya sa harapan ko ngunit nanatiling nakababa ang paningin ko sa sobrang hiya na nararamdaman.
"Look at me." Utos niya na inilingan ko. He sighed and gently cupped my face using his two hands. Ngumiti siya sa akin, ngiting totoo at walang panghuhusga. "You look beautiful, Bliss. Kahit na ano pa ang isuot mo," sinserong sabi niya kaya napangiti na lang ako.
Ang sarap maniwala sa mga lumalabas sa bibig niya ngunit sadyang napakahirap para sa akin na paniwalaan iyon. "Ang pambobola, sinasabi lang 'yan sa tamang tao." Natatawang biro ko pero nabura ang ngiti niya. "Tara na nga."
Sinikap kong ngimiti sa kaniya hanggang sa ngumiti na rin siya pabalik sa akin. Sabi na nga ba at hindi niya ako kayang tiisin.
"Mauna na po kami," paalam niya sa mga magulang ko.
"Ingatan mo ang anak ko, Ken." Nakangiti ngunit seryosong sabi ni Dad.
"Of course, Tito."
"Bye mom, dad."
Isa-isa ko silang binigyan ng halik sa pisngi At hindi na ako nagulat nang rumehistro ang pamgamba sa mga mukha nila. Ako rin naman ay kapareho ng nararamdaman nila. Pero nandito na, e. Hindi ko naman puwedeng bawiin ang desisyon ko dahil lang natatakot ako sa p'wedeng mangyari.
At isa pa, alam ko na hindi nila ako pababayaan kapag may mangyari man na hindi kaaya-aya. Alam ko na poprotektahan nila ako. Nila Kuya Kyle, ni Ken, ni Kervin, at niya.
"Okay lang kaya ang suot ko?" tanong ko sa kanya habang mahigpit ang kapit sa laylayan ng suot niya.
Kung tutuusin ay halos wala namang pinagkaiba ang suot namin. Naka-plain gray shirt lang siya, maong na pantalon at puting sneakers. 'Yon lang at nagbibigay ng dating sa kanya ay ang kulay gintong relos niya at ang manipis na gintong kwintas niya. Pero siyempre, dahil siya si Ken ay nagagawang maging maganda ng simpleng suot niya.
"Okay lang. Hindi naman mahalaga ang suot mo, kundi ang presensya mo." Mas hinila niya pa ako papalapit sa kanya. Nakaakbay siya sa akin habang ako naman ay nakahawak sa laylayan ng shirt niya. Nasa labas na kami ng bar na nirentahan niya pero hindi pa rin kami pumapasok sa loob.
3G Bar. Paulit-ulit na mamatay at bumubukas ang ilaw sa salitang iyon. At sa ilalim ay may mga nakasulat na katagang get drunk, get wild, and get wasted.
"Let's go?" tanong niya. Alangan man ay tumango na ako bilang sagot.
Inalalayan niya akong makapasok sa bar. Maingay na sa loob at naglulumikot na rin ang iba't ibang kulay ng ilaw nang makapasok kami roon. Ngayon lang ako nakapasok sa bar kaya nakakapanibago sa paningin ko. Madilim sa loob at taging ang gilid lang ng ceiling ang may dim na ilaw.
May mga leather sofa sa magkabilang gilid na may babasagin na lamesa sa gitna. Sa gitnang bahagi ay ang bar counter kung saan kasalukuyang may tatlong lalaki na nag-iinuman. Sa pinakapaharap ay may maliit na stage at may mataas na deck para sa DJ na siyang nagbibigay ingay sa buong lugar.
Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo na rin ang paligid ay gusto ko na lang takpan ang ilong ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang nakakaamoy ng sigarilyo, hindi ko rin alam kung bakit basta ayaw ko lang talaga.
"Finally, man! Akala ko hindi ka na sisipot sa sarili mong party."
May lumapit na tatlong lalaki sa amin, ang mga lalaki na kanina ay nasa bar counter. Isa-isa silang nakipag-manly hug kay Ken at sa buong panahon na iyon ay hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin na para banag sa ganoong paraan ako pinoprotektahan. Kaya wala sa planong naagaw ko tuloy ang atensyon ng tatlong lalaki sa harapan ko.
"Who's this beautiful lady beside you, man? May hindi ba kami nalalaman?" maloko at puno ng malisyang wika ng isa. Bakas ang paghanga hindi lang sa boses ng lalaki, maging sa mga mata niya ay mababasa rin ang paghanga.
Maging ang dalawa pa ay may paghanga rin akong nababasa sa mga mata habang ang paningin ay nasa akin. Gusto kong matawa kasi parang ang labo naman nang nangyayari. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon. Dapat ngayon pa lang ay nasasaktan na ako sa mga masasakit na salita na ipupukol nila sa akin. Pero ni isa ay wala akong natanggap at narinig.
"She's my date. Bliss Audrey," pagpapakilala ni Ken sa akin.
"Hi," nahihiyang sabi ko sa katamtamang lakas ng boses na sapat lang para marinig nila. Hindi pa rin nawawala ang kapit ko sa laylayan ng shirt ni Ken dahil hindi naman ako sanay na makisalamuha sa iba.
"You're beautiful," wala sa sariling sabi ng isa.
Gusto kong maniwala, kaso sadyang napakahirap sa parte ko.
"Back off, man," warning ni Ken na tinawanan lang ng tatlo. "These are my best of friends, according to them."
"That's an insult," kontra ng isa na ngayon lang nagsalita. "Hi by the way." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako ng tipid.
"This man is Waldo Vidal," tinuro niya ang unang nagsalita kanina. "This dude is Laszlo Lacaba," tukoy niya sa pangalawang nagsalita. "And this is Galan Orense," tukoy niya sa huli.
Pinagmasdan ko silang tatlo. Walang tapon kung ang pag-uusap lang naman ay kagwapuhan. Ang ipinagkaiba lang nilang apat, kung isasama si Ken, ay ang mga aura nila.
Waldo Vidal has this powerful aura like he is the ruler of the city. Very powerful yet soft. Ewan ko, pero sa kabila ng nakakatakot na awra at tikas niya ay hindi ko magawang matakot sa kanya.
Laszlo Lacaba, on the other hand, has this glorious aura that will surely make anyone wobble on their feet with just a mere sight of him. Well, except me. Ganoon siya kagwapo. Angat ang kagwapuhan niya sa kanilang lahat.
And Galan Orense. He has this calm aura. 'Yong tipong nagpapasabog na ng bomba pero kalmado pa rin siya. Para siyang hindi marunong magalit at minsan 'yon ang mas nakakatakot. Kasi sa oras na sumabog sila ay wala silang sinasanto. Gano'n ang nakikita ko kay Galan.
Ken Villiasis. Ken is Ken. Jolly, happy-go-lucky, and everything light. Para siyang salamin na napakadaling basahin pero may mga nakatagong sekreto sa pinakasulok. Gano'n siya. At gustuhin mo mang alamin ay hindi ka niya bibigyan ng pagkakataon.
"Excuse us for a bit," paalam ni Ken.
Binigyan ko sila ng tipid na ngiti bago nag-iwas ng tingin. Dinala ako ni Ken sa pwesto nila Kervin. Nakangiti siya sa akin maging si Kuya Kyle. Habang si Devyn at seryoso lang ang tingin sa akin, tingin na nang-aakusa. Anong kasalanan ko sa kanya?
"Paano ka napapayag ng mokong na 'to?" natatawang tanong ni Kuya Kyle.
Natawa na lang rin ako nang maalala ang nangyari kanina. "Nagpaawa kuya, e."
Ngumuso na naman si Ken na siyang ikinatawa ng lahat maliban kay Devyn na seryoso pa ring nakatingin sa akin. O mas tamang sabihing, sa tiyan ko.
"Ken?"
Nahinto ang tawanan namin dahil sa boses ng babae na nanggagaling sa likod namin. Lumingon si Ken kaya napalingon din ako dahil nakaakbay siya sa akin. Agad na sinalubong ako ng matapang na mukha ng babaeng ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi nakalampas sa akin ang paghagod niya ng tingin sa kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Huminto ang mga mata niya sa mukha ko at binigyan ako ng nang-iinsultong ngiti.
Naramdaman kong natigilan at napuno ng tensyon ang mga lalaki sa likod ko. Nararamdaman din siguro nila ang hindi direktang pang-iinsulto ng babae sa akin na wala pa mang sinasabi ngunit ang tingin ay sumisigaw na.
"What are you?" nanunuyang tanong niya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ken sa balikat ko. Sinabi ko na nga ba at hindi matatapos ang gabi na 'to ng wala akong naririnig na masasakit na salita.
Masakit ang sinabi niya kahit na hindi niya ako direktang ininsulto. Masakit kasi 'yong katotohanan na wala siyang alam sa kung anong kondisyon ang mayroon ako ngunit pinipili pa rin nila ang maging sarado na alamin ang tungkol sa bagay na 'yon.
Ano ba ang alam ng mga katulad niya bukod sa mga nakikita nila? Maputi ang lahat sa akin, but that's the limit of what they knew. Siguro ang iilan ay may alam, pero nasisiguro ko na mas marami ang wala katulad ng babae sa harap namin na nang-iinsulto pa rin akong tinitingnan.
"Respect," matalim na sabi ni Ken.
"What?" Hindi makapaniwalang binalingan niya si Ken. "Ganito na ba ang tipo mo ngayon Ken?" Tumawa siya na para bang isa akong joke na nagkatawang tao. "Grabe, hindi ko alam na nagkaroon na pala ng kamay at paa ang papel ngayon, 'no?"
Narinig ko ang pagtayo ng mga tao sa likod ko at ang paglingon ng iba pa sa direksyon namin. Nakakaagaw ng atensyon ang tawa niya. Pero maging ang bulungan ng mga tao sa paligid namin ay hindi ko magawang pagtuunan ng pansin. Mas nararamdaman ko ang pag-guhit ng sakit sa dibdib ko dahil sa narinig. Mababaw para sa iba, pero hindi sa katulad ko na ipinanganak na kakaiba.
"Get out." Ramdam ko ang inis sa boses ni Ken ng sabihin niya 'yon.
"What? Seriously, Ken? Over her?" Nanunuyang itinuro niya ako.
"I want you out of this bar, Amanda," nauubusan ng pasensya na sabi niya.
Parang uusok na sa galit ang tainga at ilong ng babae sa harapan namin dahil sa mga sinasabi ni Ken.
"I can't believe you!" Nagmamartsa siyang umalis hanggang sa makalabas siya ng bar.
Pabuntong hininga na iniharap ako ni Ken sa kaniya. Pilit akong ngumiti sa kaniya at pilit na ipinakita na hindi ako apektado sa mga nangyari dahil sa ginawa ng babae. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nang maramdaman kong kalmado na ako ay humawak ako sa kamay niya para ipaalam na okay lang ako at hindi niya kailangan na mag-alala.
"I'm fine," mahinang wika ko para payapain ang kalooban niya.
"You are not." Napapikit ako sa kaseryosohan ng boses na nagmumula sa likod ko.
"Devyn," malumanay na pagtawag ni Ken sa kaniya.
"I am taking her outside."
Bago pa man makahuma ang isa sa amin ay nauna na niyang nahawakan ng kamay ko. Kumukontra ang kalooban ko pero alam ko na tama siya sa sinabing niyang hindi ako okay katulad nang ipinapakita ko sa kanila.
All eyes were on us as Devyn made his way, our way, out of the bar. Nilingon ko si Ken at nakita ko ang disappointment sa mga mata niya. I mouthed a simple sorry at isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya.
Muling bumalik ang mga mata ko kay Devyn na seryoso lang na nakatingin sa akin. Itanggi ko man pero sadyang kailangan kong gawin ang bagay na siya na ang gumagawa para sa akin. Ang tumakas. But this time, I am not escaping alone. Dahil sa pagkakataon na ito, ay sinamahan ako ng lalaking nagugustuhan ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top