10: Reverie

CHAPTER TEN
Reverie

"Matagal na talaga akong naaasiwa sa kulay mo, e," sinabi niya 'yon na halos idura na ang bawat salitang binibitawa. Disgusto ang nangingibabaw sa boses niya.

Awtomatikong nanginig ang katawan ko sa takot para sa kaniya. Hindi na rin matigil ang luha ko habang hinihintay ang susunod na gagawin niya. Natatakot ako. Pero wala akong mahingan ng tulong dahil lahat ng tao sa silid-aralan na 'yon ay nanonood lang, pare-parehong nasisiyahan sa nasasaksihan.

"Ta-tama n-na..." pakiusap ko. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa pader na para bang kaya akong no'ng protektahan.

"Ayaw ko nga. Tsaka para rin naman sa'yo 'to." Tumawa siya sa nakakatakot na paraan. Naramdaman kong mas nanginig ang katawan ko sa takot na idinulot ng madilim na pagtawa niya. "Hindi ka ba nagsasawa r'yan sa kulay mo? Look at you! Masyado kang maputi, lahat sa'yo ay maputi. Mula sa buhok mo hanggang sa kilay mo kulay puti! Para kang bond paper na walang sulat!" Bakas ang iritasyon sa boses niya. Umupo siya at pinantayan ang mukha ko. "Kaya ako na lang ang magkukulay sayo."

Nangilabot ako nang ngumisi siya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nakakatakot ang itsura niya at walang takot na mababakas sa mukha ng babae sa maaaring maging mga konsekwensya nang ginagawa niya.

"P-please! Wala akong kasalanan sa'yo. Please..." Pagapang na lumapit ako palapit sa kaniya at yumuko sa paa mga niya, nagbabakasakaling maawa siya. "Spare me..."

"No," she said in a flat voice that was followed by a sarcastic laugh.

And everything was followed by faint voices that even though I know that was being said out loud by the people surrounding me, those sound still sounded far from my ears. Mas nangibabaw sa matinfing kirot at sakit na nanggagaling sa balikat ko na siya rin ang may dulot nang bigla na lang may malamig at matigas na bagay na humiwa sa balikat ko pababa sa braso ko.

Naging sunud-sunod ang pagkawala ko nang matinis na sigaw habang namimilipit sa sakit sapo ang balikat ko na hiniwa niya. Nararamdaman ko ang masaganang pag-agos ng mainit na likido mula roon na hindi na maampat sa kabila nang pagpipilit kog pigilan 'yon. Parang ibinulatlat ang balat ko dahil sa paghiwang ginawa niya. At wala pang minuto ang lumilipas ay kumalat na sa semento ang sarili kong dugo.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pilit siyang inaninag sa likod nang nanlalabo kong mga mata. Nahihilo na ako at unti-unti nang nauubos ang lakas at kamalayan ko. Nakita ko ang hawak niyang matalim na bagay na siyang humiwa sa balikat at braso ko kani-kanina lang.

"What did you do, Ruby?!" bulalas ng isa sa mga kasama niya na pinapanood lang siya sa ginagawa niya sa akin magmula pa kanina.

Scalpel. 'Yon ang bagay na humiwa sa balat ko. Nakita ko ang dugo ko mula sa bagay na 'yon na tumutulo pa sa patulis na dulo no'n. Nakakakilabot ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa mukha niya na parang hindi siya apektado sa nagawa. Parang wala siya sa tamang katinuan at ang tanging nasa isip lang ay ang masaktan ako.

"Help! P-please! Tulungan niyo ako!" sigaw ko gamit ang nanghihinang boses.

Nagmamakaawa na tulungan ako ng mga kasama niya. Pero bigo ako. Nararamdaman ko ang matinding sakit ng balikat at braso ko dahil sa lalim ng sugat na ginawa ni Ruby sa akin. Pero nagkamali ako nang akalain kong tapos na siya.

Tumayo siya at hinila niya ako sa buhok at kinaladkad palabas ng kuwarto na iyon. Gusto kong sumigaw sa sakit para kahit papaano ay mabawasan ang doble-dobleng sakit na ipinararanas niya sa akin. Pakiramdam ko ay natatanggal ang buhok ko mula sa anit ko sa higpit nang pagkakasabunot niya. Pero kahit ang pagsigaw ay hindi ko na magawa dahil sa kawalan ng lakas.

Wala akong laban at nawawalan na rin ako ng lakas. Nanghihina na ako dahil sa sugat na ginawa niya at hindi biro ang nawawalang dugo dahil sa malalim na sugot na 'iyon.

"Su-suko na 'k-ko..." wala sa sariling usal ko.

Suko na ako kahit na wala naman akong kasalanan. Lumaylay ang kamay kong may malalim na sugat maging ang isa pa na pumipigil sa kamay niya na hilahin ang buhok ko.

Pagod na ako mula sa pagpipilit na pigilan siya maging sa paglaban para hindi sumuko kahit nakakapagod na. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, na protektahan ako sa maaaring sakit pa na idulot nila. Pero wala akong kakayahan, wala akong ibang magawa. Ang kaya ko lang ibigay sa sarili ko ay awa. Awa dahil sa kalagayan ko, awa sa sarili ko dahil alam kong wala akong ginawang mali sa kanila para maranasan ang ganito sa mga kamay nila.

Pabalya niya akong binitawan sa field ng school namin at nasisiguro kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero sana ay may nagtangka na tumulong na kahit pumigil man lang at ilayo ako mula sa malupit na kamay nila. Ang kaso, kahit ata ilang minuto pa akong magtaggal dito ay mananatilong walang tutulong na kahit sino.

Sa nauubos na lakas ay pilit kong itinago ang mga balat kong nasisinagan ng araw. Hindi puwede. Bumaluktot ako sa paraan na para akong isang sanggol na nasa sinapupunan palang at sa ganoong posisyon inihanda ang sarili sa mga posible pang gawin nila.

"AAAHHHHHHH!!!" sigaw ko at hindi na kinaya pa ang sakit.

Sinipa ako ni Ruby sa parte mismo ng sugat ko, mas masakit pa ang pakiramdam kung bubuhusan ng isang galong alcohol ang malaking sugat na ginawa niya. Sobrang sakit na halos hilingin ko na lang na mawalan na ng hininga. Parang hinihiwa ang laman ko sa sakit ng ginawa niya na mas pinadoble pa nang pagsipa niya.

Napatihaya ako, wala ng lakas para dumilat pa. Natatakot ako sa masamang epekto ng araw sa akin pero wala akong magawa. Dahil wala akong laban. At dahil ayaw ko na.

"K-Kill m-me. J-just k-ki-kill m-me," mahinang pakiusap ko kasabay nang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata ko na tandan ang pagsuko

Nakarinig ako ng kaguluhan pero hindi ko na kaya pang dumilat at tingnan ang paligid. May darating na ba para tumulong? May magliligtas pa ba sa akin mula sa bangungot na 'to? Suko na ang katawan ko sa sakit. Alam kong marami ng dugo ang nawala sa akin dahil sa malalim na hiwa na ginawa ni Ruby sa balikat ko at unti-unting ninanakaw ang lakas ko.

Hindi ko na kaya. Ayaw ko na...

"Miss! Miss! Gumising ka!"

Naririnig ko ang isang tinig pero sadiyang napakahina no'n sa aking pandinig. Gusto ko siyang tingnan pero wala na akong lakas.

"Wake up!" But I didn't.


"WAKE UP!"

Awtomatikong dumilat ang mga mata ko sa malakas na boses na iyon. Lumulutang ang isip ko mula sa masamang panaginip na dinalaw na naman ako sa hindi mabilang na pagkakataon. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng taong gumising sa akin at doon ko ibinuhos ang takot naramdaman ko dahil sa bangungot na hindi na ako nilubayan pa mula noon.

Nagsumiksik ako sa kanya na parang naghahanap ng kakamipi, naghahanap ng makakapitan na noon ay hindi ko naramdaman. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin na para bang handa siyang protektahan ako sa kung anong bagay na makakasakit sa akin.

"I'm s-scared," nanginginig sa takot na bulong ko.

Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko okay na. Nanginginig ang katawan ko sa takot kahit pa panaginip lang 'yon at hindi na mangyayari pang muli. Pero parang ibinalik ako sa araw na iyon dahil sa kakaibang takot na muling nabuhay sa puso ko.

"Panaginip lang 'yon. Panaginip lang," he said as he gently brushed my hair to calm me down.

Hindi ko siya magawang pakinggan at paniwalaan. At hindi ko rin magawang kumalma kahit pa gaano kalambing ang boses niya. Nararamdaman ko pa rin ang takot na naramdaman ko na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon.

Napahawak ako sa kanang balikat ko kung saan nagkaroon ng mahabang peklat dahil sa ginawa ni Ruby sa akin. Unti-unting nabasa ng luha ang mga mata ko, unti-unti hanggang nauwi 'yon sa isang masakit na hagulgol.

"Panaginip lang 'yon. Tahan na." Sinapo ni Devyn ang mukha ko at pinakatitigan ang mga mata ko. "Tahan na. Hmm? Panaginip lang 'yon." Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang pinapakalma ako.

"Pa-paano kung bumalik sila?" umiiyak na tanong ko. "Paano k-kung ba-balikan nila ako at s-saktan ulit?" Humihikbing tanong ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo at muling ikinulong sa mga bisig niya. "Hindi mangyayari 'yon dahil gagawin ko ang lahat para hindi ka nila saktan ulit. Kahit sino pa."

Umiling ako nang umilng bilang pagkontra sa sinasabi niya. Alam ko na mayroon pang mga kagaya ni Ruby na magagawa akong saktan sa paraan na masisiyahan sila. Berbal man o sa pisikal man na paraan.

Natigil ang pag-iling ko nang marinig ko ang pag huni niya sa isang kanta na hindi ko alam. Para ginagawa niya lang 'yon upang pakalmahin ako at unti-unting tumigil ang pagluha ko hanggang sa kumalma ang kalooban ko dahil sa ginawa niya. Pero ang takot ay buhay na buhay pa rin.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari matapos akong mawalan ng malay noong araw na iyon. Basta nagising na lang ako at nasa ospital na ako kasama si Mom and Dad na nakatahi na ang sugat ko. Nasabi lang nila sa akin na ipinakulong nila si Ruby at ang mga kasamahan niya habang ang nagligtas sa akin ay hindi na nagpakita.

Limang taon na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinatatahimik ng pangyayari na iyon. I was first year high school then, at fourth year naman si Ruby. Hindi ko alam kung ano ang kasalanang nagawa ko sa kanila para gawin nila 'yon sa akin. Wala akong alam. Basta nagising na lang ako isang araw na para bang kasalanan ang naging eksistensya ko para sa kaniya.

"Hey..." Malambing na hinawakan ni Devyn ang mukha ko para ipantay sa mukha niya. "Okay ka na? Kaya mo na?"

Tumango ako sa kanya kahit hindi ako sigurado sa sarili ko dahil buhay pa rin ang takot sa puso ko. Pero kampante ako ng hindi niya ako pababayaan at magagawa niya akong protektahan. Kung saan nanggaling 'yon ay hindi ko na alam.

"Sure? We can stay her for a while," suhestiyon niya..

Umiling lang ako sa sinabi niya. Gabi na at kailangan na niyang umuwi, maging ako. Iginala ko ang paningin ko sa buong gym, kami na lang dalawa ang naiwan. Malinis na rin ang mga kalat na gawa ng props team. Tapos na marahil ang rehearsal nila ng hindi ko namamalayam dahil nakatulog ako sa isa sa mga bleacher doon.

"Si Kervin?" tanong ko sa kaniya

"Nagmamadali siyang umalis dahil hinahanap siya ni Maxim." Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. "Tara na?"

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na mag-isip dahil siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. He intertwined my hand with his as he gently guide me downwards. Kusang nakaramdam nang kapayapaan at seguridad ang kalooban ko na para bang hindi ako nakaramdam nang matinding takot kanina.

Inalalayan niya akong makababa ng hindi binibitiwan ang kamay ko, siya na rin ang nagdala ng maliit na bag ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang hawakan ang kamay ko gayong wala naman kaming relasyon. At hindi lang iisang beses na nangyari 'to, ilang beses na pero ni minsan ay hindi ko magawang tumutol o magprotesta.

But I need this. I need his comfort. Dahil kahit alam kong ligtas na ako mula sa kamay ni Ruby ay hindi pa rin magawang mapanatag ng puso ko. Nandoon pa rin ang takot na patuloy akong binubulabog.

Kumapit ako sa braso niya nang muli nabuhay ang takot sa puso ko nang maalala ang nakakatakot na anyo ni Ruby. Hinayaan ko lang siya na hilahin ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng CIU. Hindi ko inaasahan na sa harap ng isang motor kami hihinto at hindi sa isang sasakyan na siyang inaasahan ko.

Ngunit kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong sumakay sa motor kaysa sa kotse. Oo mas delikado siya in general at delikado sa balat ko pero mas masaya sa pakiramdam para sa akin. Bibihira lang ako kung makasakay sa motor lalo na kapag araw dahil hindi ako pwedeng maarawan ng matagal. Kaya madalas ay sa gabi lang ngunit bilang lang ang mga pagkakataon na iyon.

"That's," nakuha ko ang atensyon niya. "Wow," manghang papuri ko.

Hindi man kasing mahal ng Ducati at Ecosse Spirit ang motor niya, ay bumabagay naman ito kung si Devyn ang magdadala. Binitiwan niya ang kamay ko at parang biglang may naging puwang sa puso ko nang alisin niya ang kamay niya sa kamay ko. I don't want to recognize the emotions that I am feeling towards him.

Nakakatakot. Lalo na at bago para sa akin ang ganitong bagay. Wala akong ideya sa nangyayari at natatakot akong masaktan sa emosyonal na paraan.

"Thanks. Wear this." Inabutan niya ako ng helmet bago isinuot ang sa kanya. Sumakay siya habang ang paningin ay nakapako sa akin.

Napalitan nang mabilis na tibok ng puso ko ang kaninang takot na nararamdaman ko sa paraan nang pagtitig niya. Nakakatunaw. Nakakapanghina. Binabaliw ako ng mga titig niya at sa mga emosyong nababasa ko roon at mas higit na natatakot akong tuluyang mahulog para sa kanya. Oo, aminado ako na may paghanga akong nararamdaman para sa kanya. Dahil sino ba naman ang hindi? Kulang ang salitang gwapo para isalarawan siya. May matikas na pangamgatawa at matangkad.

Hindi lang sa pisikal na katangian ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko, maging ang mga munting bagay na ginagawa niya sa akin. Mula sa pagtugtog ng gitara na para bang inaalay niya sa akin ang kanta, maging sa mga simpleng paghawak niya sa akin at sa pagiging gentleman niya. At higit sa lahat, ang mga salita niya na tinutunaw ang awa na nararamdaman ko para sa sarili ko.

Bukod pa ro'n ay talagang hindi matawaran ang pagiging mabuti niyang tao. Pero pilit kong inaalis sa sistema ko ang lahat ng 'yon dahil nangingibabaw ang takot na baka hindi niya magawang suklian. Dahil sino bang ang gugustuhing makarelasyon sa katulad kong alien kung tawagin ng iba?

Wala. And I believed that Devyn is not an exemption.

"Hop in, schön."

Hinawakan niyang muli ang kamay ko habang inaalalayan akong makasakay sa likod ng motor niya. Nakaramdam ako ng excitement nang muling makasakay sa motor. Ilang taon na rin nang huli akong makasakay at kakaibang excitement ang nararamdaman ko ngayon.

Kumapit ako sa balikat niya pero katulad ng tipikal na male lead sa isang drama, kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinalibot sa baywang niya.

"Hold on tight," he whispered, and the roaring sound of the engine follows.

Kakaibang saya ang naramdaman ko nang tuluyan na niyang paandarin ang motor niya. Sobrang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na humahampas sa balat ko. Nagagawa no'ng takpan ang takot na naramdaman ko kanina at ang mga kakaibang emosyon na bumabagabag sa akin.

Mabuti na lang at hindi ako nagsusuot ng dress at skirt kaya naging posible ang pagsakay ko rito. Wala naman kasing prescribed uniform sa Crest International University kaya okay lang.

Ilang minuto lang ang itinagal ng suwabe naming biyahe dahil narating na namin ang bukana ng subdivision. Ang buong akala ko ay haharangin siya sa security ngunit nagulat ako nang tuluy-tuloy lang pumasok ang motor niya ng hindi nasisita. Walang ibang nakakapasok sa subdivision dahil tanging residents lang ang puwede. Maging deliveries ay ihahatid na lang sa bahay niyo ng mga personnel. Kapag may party naman na gaganapin sa mga bahay ng mga residente ay mahigpit na security check ang kailangan daanan.

"Bakit hindi ka sinita?" tanong ko nang huminto na niya sa harapan ng bahay namin.

Ngumiti siya pero walang eksaktong sagot na ibinigay. "You'll know soon."

Nauna siyang bumaba sunod ay inalalayan ako. Siya na rin ang nagtanggal ng helmet ko habang nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa muli niyang pagsakay sa motor niya.

Katulad ng unang beses na hinatid niya ako ay muli niyang inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Ang pinagkaiba lang ay hindi na ako nagmadali sa pagbawi ng kamay ko, parang hinihintay ko pa ang susunod na gagawin niya. And he intertwined our hands, again.

At dahil do'n ay muling napunan ang bakanteng parte ng puso ko na nawala matapos niyang bumitaw kanina. Hindi ko na talagang magagawang itanggi maging sa sarili ko na nakapasok na siya sa puso ko. Pero bakit gano'n kabilis?

Pinisil ni Devyn ang kamay ko kaya muling dumako ang paningin ko sa kanya. May kakaibang ekspresyon ang mukha niya. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa akin.

He sighed. "Good night."

Humalik siya sa likod ng kamay ko bago bumitaw. Hindi na ako nagulat pa nang maramdaman na naman ang puwang sa puso ko ng mawala ang kamay niya sa kamay ko. This is so bad.


NAKIKIPAGTITIGAN AKO SA sarili kong repleksyon sa salamin ng banyo sa kwarto ko ng walang ibang kulay kundi puti. Maging toothbrush ay puti, walang naligaw na kahit isang kulay.

Ang sabi ng mga magulang ko at ng pamilya ni Kervin ay mukha raw akong manika. May matangos na ilong. Malambot at makinis ang balat. May manipis at kulay rosas na mga labi. May manipis na kulay puting kilay na halos kakulay na ng balat ko. Malinaw na asul na mga mata at kulay puting pilik mata. Gusto kong maniwala sa sinasabi nila na mukha raw akong manika pero pamilya ko sila. At hindi nila ako kailan man huhusgahan.

Muli na namang nabuhay ang sakit sa puso ko. Alam mo na hindi na ako magagawang saktan pa ulit ni Ruby at ng mga kasama niya pero hindi ko pa rin magawang maging panatag dahil alam ko na hindi lang sila ang may kakayahan na saktan ako. Ano bang mali sa akin at hindi ako magawang tanggapin ng nakararami?

Marami.

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang sigaw ng utak ko. May gumuhit na sakit sa puso ko dahil sa katotohanan na marami ngang mali sa akin.

"You're safe now, Bliss. Wala ng makakasakit sa'yo." Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko. "You're safe now," pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago nagdesisyon na lumabas na ng banyo dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Sinagot ko ang tawag sa ika-apat na ring nang makitang si Devyn ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko at nahiga na sa kama.

Pinatay ko na rin ang ilaw at tanging lampshade na lang ang bukas.

"Hey, just wanna check you out. Kumusta?" masigla ang boses na tanong niya.

"Nagkita pa lang tayo kanina." Pinilit ko ang sarili ko na matawa para hindi na siya mag-alala, kung nag-aalala man siya. "Hinatid mo ako, remember?"

"Of course." Natawa siya sa sariling kalokohan. "Can I pick you up on Tuesday?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi mabilang na pagkakataon ng dahil sa tanong niya. Malala na ata talaga ang tama ko. Paano ko pa mapipigilan kung siya mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi ako makatakbo sa mga nararamdaman ko para sa kaniya.

"Hindi na. Abala pa sayo," sagot ko pagkaraan.

"No way. Sige na. Kahit kailan hindi ka magiging abala sa akin."

Ang sarap bigyan nang kahulugan ang mga salita niya. Ang sarap paasahin ang sarili ko sa posibilidad na baka espesyal ako sa kaniya, na baka posible. Pero alam ko na mas malabo pa sa mga mata ko ang posibilidad na magkatotoo ang gusto ko.

"You don't need to answer. I'll pick you up on Tuesday," pinal na sabi niya.

Sabado kasi bukas at walang klase.

"Ikaw ang bahala."

"Sige. Rest now, schön." Natamik siya ng ilang segundo bago muling nagsalita. "Rest from everything that is haunting ang hurting you. Let yourself rest."

"Thank you," sagot ko na puno ng senseridad bago tinapos ang linya.

Inilibot ko ang mga mata ko sa kulay puting kwarto ko. Kakatwang nagustuhan ko ang kulay na puti imbes na kagalitan ko ito. Halos lahat ng nasa loob ng kwarto ko ay kulay puti maliban sa pader na katapan ng kama ko.

Mula sa kama, sa vanity table, sa bookshelf at pati ang carpet ay kulay puti. Maging ang closet ko na nasa left side ay kulay puti rin. At ang study table na nasa paanan ng kama ko ay puti rin. Maging ang mga aso ko na nakahiga sa mga higaan nila ay puti rin. Mabuti na lang at hindi naging puti ang halos lahat ng damit ko.

Napako ang paningin ko sa nag-iisang picture frame na nakasabit sa kulay basil green na pader na katapat ng kama ko. Ang puzzle na ibinigay ni Devyn sa akin. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaginhawaan at inaalis no'n ang takot na muli na namang nabubuhay sa puso ko.

I really do need some rest.

Ngunit hindi sang ayon ang utak ko sa kagustuhang magpahinga. May kung anu-anong imahe ang nagsusulputan sa isip ko. Imahe ng isang lalaki at babaeng hawak kamay na naglalakad. Gustuhin ko man ang tumatakbo sa utak ko ay pilit ko na lang na iwinawaksi iyon. Dahil malabo na gustuhin ako ng isang taong katulad niya, ni Devyn.

Napatitig na naman ako sa puzzle kung saannakaimprenta ang mga salita na tumatak na hindi lang sa utak ko pero maging sapuso ko. And I just found myself lost in my own reverie. That maybe, someday, Iwill be walking on a busy night street with someone holding my hand so tight. Proudly showing to the world that I am his.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top