04: Seat

CHAPTER FOUR
Seat

Nagtagal pa ako ng ilang sandali doon para makipag-usap at makipaglaro kay Maxim sa tuwing pinapasok siya sa bahay ni Kervin. Sumisilip ako sa mga nangyayari minsan mula sa bintana pero kapag may napapatingin sa gawi ko ay agad na akong pumapasok sa loob para magtago.

"I think I can go go home now? Naibigay ko naman na ang regalo ko kay Maxim," wika ko. Napatingin ako sa wall clock nila, 9:30 na ng gabi.

Halos magkakapanabay na tumingin silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Pati si Maxim na nasa kandungan ko ay tumingala rin. Nasa sala kami nila Ken, Koby, Klea, Kervin at Devyn. Nag-uusap ng mga kung anu-anong bagay dahil patapos na rin ang kasiyahan na nangyayari sa labas. Nagsisiuwian na rin ang iba pa nilang kamag-anak at ang mga natitira na lang ay ang mga gustong mag-sleep over.

"Already?" I can hear disappointment in Kervin's voice.

"Kaya nga snow white," segunda naman ni Kuya Ken.

"Come on, people. Gabi na rin at patapos na rin ang party," natatawang sabi ko. "At kailangan niyo na ring magpahinga. Lalo ka na Kervin."

"She's right, bro," Devyn said kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.

At gano'n na lang din ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko nang malingunan siyang nakatingin sa direksyon ko. Agad ba nag-iwas ako ng tingin upang muling maging malumanay ang pagtibok ng puso ko ngunit hindi pa rin mawala ang imahe ng pagkakatingin niya sa akin sa utak ko.

"Fine." Bumuntong hininga siya. "But you're not going home alone," sumusukong sabi niya. "Ipapahatid na lang kita kay Devyn."

"Puwede namang ako na lang," napatingin ako kay Ken. "Promise my dear snow white, hindi kita aasarin."

Itinaas niya pa ang kanang kamay na parang nanunumpa talaga. Maniwala ako sa kanya. Kislap pa lang ng mukha niya ay alam kong may kapilyuhan na namang tumatakbo sa isip niya.

"And besides, I know this place better."

That I agree though. Hindi din naman kasi ako komportable na makasama si Devyn kahit pa sabihin na nagkasama na kami ng isang beses. At mas nakakailang dahil sa kaninang hindi maipaliwanag na naramdaman ko kanina.

"I think tama si Kuya Ken," sa akin naman sila napatingin ngayon. "Tara?"

Isa-isa kaming nagsitayuan at nagpaalamanan. Isa-isa din lumapit sa akin si Koby at Klea para yumakap at humalik sa pisngi. Huli kong hinarap si Kervin na buhat na ngayon si Maxim.

"Bye baby. Happy birthday ulit." Hinalikan ko siya sa noo at . "Good night, Kervin. Good job ka today."

Masuyong ngumiti ako sa kaniya bago yumakap sa kanya ng hindi naiipit si Maxim.

"Good night, babe." Humalik muna siya sa pisngi ko bago seryosong humarap kay Kuya Ken. "Please lang kuya, huwag mo nang asarin si Audrey."

"Grabe talaga kayo sa akin. Mabait na ako, promise."

Natatawang sabi niya bago ako hinila palapit sa kaniya para akbayan. Ang malokong ngiti sa mga labi niya ay naroon pa rin ka hindi ko maiwasan na mapasimangot. Scammer pa nga.

Magkapanabay na ngumiwi lang kami ni Kervin sa sinabi niya dahil alam naman naming hindi talaga siya nagsasabi ng totoo. Malayong-malayo sa katotohanan na nakikita namin sa malokong ekspresyon ng mukha niya. Humarap ako kay Devyn na ramdam kong kanina pa nakatingin sa akin.

"Good night din sa'yo."

I gave him a really, really, small smile.

"Ikaw din," tipid ang ngiti na ganti niya.

"Tara na."

Hindi na ako nakapagsalita pa at nagpahila na lang sa makulit na lalaki na ito nang hilahin niya ako palabas ng bahay. Nakaakbay pa rin siya sa akin kahit naglalakad na kami at nakalabas na kami ng mismong bahay nila.

I really find Kuya Ken weird sometimes. Pabago-bago kasi ang mood niya at pabago bago rin ang trip niya sa buhay. Minsan magulo, maligalig, at mapang-asar. Pero may mga pagkakataon na tahimik lang na parang may malalim siyang iniisip.

Sabay kaming napatingin sa bulsa niya ng mag-ring ang phone niya. Kinuha naman niya iyon na nagbigay laya sa akin na makita ang pangalan ng babae na tumatawag sa kaniya. Candy. Ngunit hindi katulad nang inaasahan ko na sasagutin niya ang tawag ay pinatay lang 'yon at muling ibinalik sa bulsa ang aparato.

"Oh, bakit hindi mo sinagot?" nagtatakang tanong ko.

"Mangungulit lang iyon. Wala ako sa mood."

Palihim akong napatango bilang pagsang-ayon sa itinuran niya. Ang tahimik niya kasi ngayon at himalang hindi nang-aasar. Malayo sa nakasanayan kong ingay niya sa tuwing nakaksama ko siya. Para siyang may malalim na iniisip at tila naguguluhan sa sariling mga naglalaro sa isipan.

"Halata nga. Anong trip mo ngayon?" siniglahan ko ang boses ko at sinubukang pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin.

"Just savoring the moment," he said hiding what he really mean by his plain voice. I don't know why, baka masyado ko lang binibigyan ng kulay ang side niya na 'to na ngayon ko lang nakita sa tagal ko nang pagkakakilala ko sa kaniya.

Napatingin ako sa kanya. "Kuya, ha? Bakit ang deep mo ngayon?"

Napailing na lang siya at ginulo ang buhok ko. "Wala. Tsaka huwag mo sabi akong tatawaging kuya, e."

"Bakit hindi. Kuya naman talaga kita,"

Hindi siya nagsalita at nagpahulog na lang sa malalim nap ag-iisip. Sinipat ko ang mukha niya, at ang unang rumehistro sa akin ay ang pagkakakunot ng noo niya. At sa nakita kong 'yon ay nasiguro kong may iniisip nga siya.

"May tanong ako," muling sabi ko para basagin ang katahimikan.

"Ano?" Mas hinapit niya ako palapit sa kanya na halos magkapalit na kami ng kaluluwa.

"Bakit ang pangit mo?" seryosong tanong ko.

Pinigilan ko ang matawa nang makita ko ang pagkalukot ng mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ako? Pangit?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Natatawang tiningnan ko siya na hindi rin nagtagal nang makita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. At pamilyar na pamilyar ako sa mukha niyang iyon. May iniisip na naman siyang kalokohan.

Mabilis na umatras ako at kumawala sa pagkakaakbay niya nang magbaba siya nang tingin sa akin. Ang hakbang ko ay unti-unting bumilis hanggang sa naging takbo nang bumilis ang bawat hakbang na ginagawa niya pasugod sa akin. Natatawang tinakbuhan ko siya hanggang sa nauwi kami sa habulang dalawa.

"Waaahhhh!!!"

"Shit!"

Sabay na napatakbo kami lalo nang may tumahol na aso sa bahay na nadaanan namin. Bakit ba nakalimutan kong kampon nga pala ng mga aso ang subdivision na ito?

"Tama na. Ayoko na," pagsuko niya nang sa wakas ay makalayo na kami sa mga bahay na may nga alagang aso. Napadpad kami sa sentro ng subdivision kung saan may parke doon at playground na para sa mga bata.

"Weak ka pala kuya, e!" pang-aasar ko sa kanya.

Hinihingal siyang siyang huminto sa paglapit sa akin habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod niya. He looked at me behind his lashes while still trying to even his breathing. Naroon pa rin ang malokong ngisi sa mga labi niya habang ang malokong ngisi ay naroon pa rin. "Come here," he motioned me to come closer using his hand.

"Ayoko nga. Mamaya may gawin ka pang kalokohan sa akin." I know him well, too well as a matter of fact. Puro kalokohan lang naman ang alam niyan, e. May mga times na matino pero madalas ang mga pagkakataon na maloko talaga siya.

"Wala. Halika na. Bilis."

"Kapag kalokohan iyan, hindi talaga kita papansinin ng isang linggo," pananakot ko.

Naalala ko kasi isang araw na niloko niya ako at naasar ako nang sobra sa kaniya ay hindi ko siya pinansin ng ilang araw. Ayun, tambay siya sa bahay namin para mag-sorry sa akin. Ni-recite niya kasi ang tula na ginawa ko sa harap ng madaming tao. Elementary pa ako noong sinulat ko iyon kaya nakakahiya. Lalo na at patungkol 'yon sa isang taong hinahangaan ko noong elementary pa ako.

"I promise. Now, come here."

Mataman ko siyang tiningnan habang tinitimbang ko kung nagsasabi siya ng totoo. Ilang minuto pa kaming nagtitigan bago ako sumusukong lumapit na papalapit sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya ng ilang hakbang habang pinapanatili ang distansya sa pagitan namin pero hindi ganoon kalapit na maaabot niya. Bumuntong hininga siya at siya na mismo ang lumapit sa akin, tila naubusan na nang pasensya sa mabagal na pagkilos ko. Hinubad niya ang jacket na suot niya at ipinalibot sa baywang ko para matakpan ang legs ko.

"Ano naman iyan?"

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at umikot. Likod na niya ngayon ang kaharap ko habang ang mga kamay ko ay nasa ibabaw na ng magkabilang balikat niya. Umupo siya kasabay nang paghila niya sa kamay ko hanggang sa masalo ng likod niya ang buong katawan ko habang marahan naman niyang ipinalibot ang mga kamay ko sa leeg niya. Marahan na hinawakan niya ang magkabilang hita ko at matapos ay tumayo hanggang sa naka-piggyback ride na ako sa kaniya.

Hindi ko naramdaman ang ilang na naramdaman ko noong isang araw na nakasama ko si Devyn kung ikukumpara sa nararamdaman ko ngayon kay Kuya Ken na kung tutuusin ay higit na mas malapit kumpara kay Devyn. Kampante lang ang pagtibok ng puso ko at ikinuntento ang sarili sa pagkasandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Kaya ko namang maglakad, e," reklamo ko sa kaniya kahit na nagugustuhan ko ang pagkakasakay sa likod niya.

"Huwag ka na magreklamo. Free ride na nga, e. Tsaka malayo pa ang lalakarin natin."

Hindi na ako nakapagreklamo nang magsimula na siyang maglakad na parang hindi ako mabigat. Mabigat kaya ako.

"Bakit kasi hindi mo na lang dinala kotse mo?" Kumapit ako ng mahigpit sa balikat niya para hindi ako mahulog at dahil na rin sa sarap nang pakiramdam habang nasa likod niya.

I rested my head on his shoulder and tried to looked at his face even if it was a difficult thing to do. Ito ang isang side niya na madalang ko lang makita. Palagi kasi siyang makulit at nakatawa. Pero ngayon, kalmado lang. And somehow, sweet.

"Ayaw mo 'yon? Matagal mo akong makakasama?" nakangising sabi niya.

Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. "Ewan ko sa'yo. Puro ka talaga kalokohan."

"Baby, hindi mo ba alam na iyan ang kinakikiligan ng mga babae sa akin?" proud na proud na sabi niya.

"Kaya marami kang babae?" nang-aasar na sabi ko.

Natahimik siya dahil sa sinabi kong 'yon. Akala ko magsasalita pa siya pero nanatili lang siyang tahimik. Hinigpitan ko na lang ang kapit ko sa leeg niya, ang lapad ng likod niya ay nagbibigay ng seguridad sa akin na hindi niya ako maibabagsak.

"Wala akong babae, Bliss," seryosong wika niya kaya napabaling ako sa kanya. "I do flirt pero hindi naman 'yong tipo napapalit-palit ng babae."

"Nakailang girlfriend ka na ba?" I ask out of curiosity.

"One."

Natigilan ako sa narinig. I was shocked by what he said. Ang expect ko ay three or more since marami ngang nakapila para mapansin niya. "Bakit?" I asked

"Kasi kapag ako na-in love sa isang tao, sinisiguro ko muna na mahal niya ako bago ako magsimulang manligaw," seryosong sabi niya.

"E, diba kapag nanliligaw ka, pinapaibig mo na rin naman iyong babaeng mahal mo on the process?" Tama naman ako, e. Parang kasama na siya sa proseso nang panliligaw ng isang tao. You'll make way to make the person fall in love with you.

"Siguro para sa iba. Duwag kasi ako pagdating sa pagmamahal. Takot kasi akong sumugal. Lalo na kung iyong tao na mahal ko ay walang kasiguraduhan kung kayang ibalik ang pagmamahal ko para sa kanya."

I can feel his sincere feelings when he said those words. Alam at ramdam kong galing ang mga salita niya sa puso niya mismo na matagal na niyang gustong ilabas. Na parang 'yon ang pinagdadaanan niya ngayon.

Natahimik na naman kami hanggang sa marating namin ang bahay namin. Sa puntong 'yon ay ibinaba na niya ako at hinarap sa kaniya. He gently brushed my hair and put it behind my back then he stared at my face for a couple of minutes with pure tenderness.

Napatingin ako sa balcony ng kwarto ko na agad naman niyang sinundan nang tingin nang marinig ang ingay ng kahol ng mga aso kong naroon. Nakuta ko sila Vanilla at Cloud na naghihintay sa akin. I smiled.

"Ang laki na niya." Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Ken.

"Super. Gusto mong makita?" Umiling siya bilang sagot.

"Maybe next time." Hinila niya ako palapit sa kaniya at ginawarang muli ng isang mahigpit na yakap. Ginantihan ko iyon kasabay nang pag-ukit nang matamis na ngiti sa labi ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "Good night, snow white."

Sino kaya ang babaeng mahal niya at nasasaktan siya ng ganito?




NAKAPWESTO ulit kami sa stage ng auditorium for some announcement of Kuya Gio. Mabuti na lang at gabi sila nag-set ng meeting kaya nakapunta ako. Napapagitnaan ako nila Isa at Kervin. Nasa harap na si Kuya Gio at hinihintay na lang namin siya na magsimula sa announcement daw niya.

"Girl, may nakita akong white british shorthair," sabi ni Isa sa pagitan ng pagkain ng malaking piatos na hawak niya.

Mabilis na nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. British Shorthair is a medium-sized to large-sized cat. Sa mga nakikita kong pictures ay malaki siyang pusa. Matagal ko ng gustong magkaroon ng ganoon ang kaso ay hindi ako nagbigyan nang pagkakataon na makabili. 'Yong kulay puti at blue ang mga mata.

"Saan?"excited na tanong ko.

Hindi naman kasi ako nagpupunta masyado ng mall or pet shops kaya hindi ako nagkakaroon ng time para bumili. Wala rin naman akong mautusan at mas lalong wala sa plano ko na mag-utos ng ibang tao para lang doon.

"Sa Facebook." Mabilis na nawala ang masayang ngiti ko sa sinagot niya. "Grabe girl! 'Yon 'yong gusto mo. Send ko sa'yo yung picture mamaya."

Sinimangutan ko siya sa inis. Akala ko pa naman ay totoo. "I hate you."

"Ikaw naman. Huwag kang mag-alala. Kapag may nakita ako, bibilhin ko agad para sa'yo."

Magsasalita na sana ako nang maunahan akong magsalita ni Kiya Gio na mukhang ready na para sa announcement niya. Maaliwalas ang mukha niya at malawak ang pagkakangiti sa aming mga nakaupo sa sahig at nakatingala sa kaniya.

"May suggestion kasi kanina si Ma'am Ria bago raw tayo mag-start ng rehearsals natin," panimula niya. "Ang suggestion niya ay magkaroon daw tayo nang get-together. But of course, kung papayag lang kayo. So, magbobotohan muna tayo."

Nakatayo siya sa harapan na parang kami ang nasasakupan niya habang siya naman ang pinuno na matayog ang pagkakatayo sa trono.

"Parang hindi naman na kailangan, Kuys," sabi ni Wilson na kasama rin namin.

"Still. So just raise your hands. Who is in?"

Nagtaas ng kamay ang lahat, maliban sa dalawa. Ako at si Devyn. Bahagyang napatingin ako sa direksyon niya. Nakatingin lang siya sa harapan at parang wala lang ang pinag-uusapan. This is something that I've notice about him. He's distant. Hindi ako sigurado kung talaga bang tahimik lang siya o sadiyang hindi lang siya mahilig na makihalubilo sa iba tulad ko. Hindi ko kasi siya madalas na makitang nakikipag-usap sa iba maliban kay Kervin at iba pang mga lalaki. Bilang lang din ang mga paglakataon na nakita ko siyang nakikipagkulitan sa iba, kabaliktaran ng maligalig na personalidad ng mga nasa org.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang maramdaman kong hinawakan ni Isa ang kamay ko at itinaas. "Sama si Bliss," anunsyo niya.

"Ano ka ba? Hindi ako sasama," mabilis na salungat ko.

Pilit na ibinababa ko ang kamay ko sa kabila nang pagpipilit niya na itaas 'yon. Sa kabilang side ko naman ay naramdaman ko na umakbay naman sa akin si Kervin. "Don't worry, we'll take care of you," he whispered carefully.

"I agree. We're not going to a beach anyway. We'll be doing glamping," nakangiting sabi ni Kuya Gio.

"Woah! Matrabaho ang gusto mo, ha?" natatawang biro ni Angie na kasamahan din namin.

"That's Ma'am Ria wants. Anyway, everyone will join right, Devyn?" We all looked at him. He just shrugged as an answer. "Will take that as a yes, bother. And since masyado kayong marami para ma-supervise kong lahat, we will be having a partner set-up."

Mga nasa 30 kasi kaming lahat including ang production staff and behind the curtain staff. At sa gulo at ligalig nang mga pagkatao ng mga kasamahan namon ay totoong mahihirapan si Kuya Gio na bantayan kaming lahat.

"Yeah. At may napili na rin akong pairing. At ikinalulungkot kong sabihin, Kervin." Tumingin siya sa direksyon naming dalawa ng katabi ko. "Na hindi ikaw ang partner ni Bliss. Nauumay na ako na kayo ang magkasama palagi."

"Fine with me," sabi naman ng katabi ko.

Pabirong siniko ko siya tandan ang pagtutol. "Not with me," bulong ko.

"Bliss' partner would be Devyn. Since pareho naman kayo may ayaw na sumama."

Sabay kaming tatlo nila Isa at Kervin na napatingin sa pwesto ni Devyn na nakatingin na rin pala sa amin. Or sa akin? Ewan.

At katulad ng unang beses na nagkatinginan kaming dalawa ay hindi ko na naman natagalan ang uri nang tingin na ipinupukol niya. Mabilis na nagbawi ako nang tingin at yumuko na lang. Pero huli na para mapigilan ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sandalling pagkakatinginan namin. Ipinirmi ko ang paningin ko sa sahig ngunit sa hindi malamang dahilan ay tila ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.

"Next is, Kervin and Isa."

"Next is Daisy and Wilson."

"Sandali lang, kapita-pitagang leader. Are matchmaking or something?" tanong ni Kervin.

"No?"

Natatawa si Kuya Gio habang sinasabi niya 'yon but there's something in his laughter. There's mischief and obvious malice. "Sadyang equal lang talaga ang number ng boys sa girls," malokong dagdag niya pa. He may be laughing but the slyness in his eyes is betraying him. And yes, I think he is indeed matchmaking.

After the announcements of the partners ay pinagsama-sama niya ang pairings. Which means magkasama na kami ngayon ni Devyn sa isang side, sa pinakadulo ng hilera ng mga magkakapareho. May dinistribute na papel si Kuya Gio. It's about the schedule para sa get-together na magaganap. Binasa ko iyon malapit sa mga mata ko para makita ko kung ano ang nakasulat.

"For us to enjoy our get-together, may set of activities tayo na gagawin, which is of course will be done by pair or by the gents only. Kung anong kulay ang paper na ibinigay ko sa inyo ay ang assigned color for your team all throughout the get-together. Nandyan na nakasulat lahat. It will be this coming saturday."

Iba't ibang kulay kasi ng papel ang ibinigay niya kada pair. At white ang napunta sa amin. Napatingin ako sa katabi ko na mukha namang hindi interesado sa mga nakasulat sa papel. Nakatingin lang siya sa kawalan at tila walang interest sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Hindi mo ba titingnan?"

Tumingin siya sa akin kaya iwinagayway ko sa harapan niya ang papel na hawak ko. Inabot niya iyon at binasa nang mabilisan. Nakita kong umangat ang isang sulok ng labi niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin aa papel. "Do you know anything about arts?"

"No. Kailangan ba?"

"Yes, schön."

Mabilis na nangunot ang noo ko sa narinig kong itinawag niya sa akin. Ano daw sinabi niya? Shoon? Shawn? As in Shawn Mendes?

"What did you say?" nakakunot-noong tanong ko.

"Nothing," nakangising tugon niya na sa kabila nang pagtatago niya ay nagawa ko pa ring mahuli.

"Pagandahan daw ng design ng tent sabi dito."

"Hala, hindi ako marunong mag-design," kinakabahang sabi ko. Bakit naman kasi may kasama pang ganon. Hindi ba puwedeng chill na lang?

"Let's just make it work." Tumango ako sa sinabi niya. In short, bahala na.



"MAY DALA KA bang sun block?" Pinasok na niya sa may kalakihang backpack ko ang pouch ko na may lamang hygiene kit at essentials para sa lakad ko ngayon.

"Yes. Nandyan na sa bag," sabi ko habang itinatali ang buhok ko para hindi ako mainitan. Nagsuot lang ako ng manipis na puting long sleeves at black na leggings para hindi ako maarawan kahit na lumabas man ako sa ilalim ng bahay lalo na at sa isang campsite kami pupunta.

"Naglagay kana ba?" Tumango ulit ako. "How about your hat? Nasa bag mo na rin ba?"

Natatawang hinarap ko si mom na halata ang pag-aalala. "Mom, nasa bag ko na ang lahat ng kakailanganin ko. I prepared it last night you don't have to worry too much. Besides, nandoon din naman si Kervin. I'm sure he'll take care of me."

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Sa lalim ng buntong hininga na 'yon na pinakawalan niya ay ramdam ko ang nag-uumapaw na pag-aalala niya para sa akin at sa mga maaaring mangyari. Kahit ako rin naman ay nag-aalala. Pero pinapanatag ko lang ang pakiramdam ko at pilit na kinukumbinsi ang sarili na magiging okay lang ako. Nandoon din naman si Kervin at Isa kaya tiwala akong magiging okay lang ang lahat sa get-together namin.

"Hindi ko lang maiwasan, anak. This will be the first time that you'll have an outing," kinakabahang wika niya.

Niyakap ko siya nang mahigpit. There she goes again. "Okay lang ako, mom. Promise."

Magpoprotesta pa sana siya ng may bumusina sa labas. Minsan pa siyang bumuntong hininga bago masuyo akong nginitian. "Nandiyan na ang sundo mo."

Natawa ako sa kanya bago kinuha na ang backpack ko sa kama at sinukbit sa likod ko. Sabay kaming bumaba ni Mom sa salas ng bahay habang siya ay patuloy pa rin sa pagpapaalala sa mga bagay na kailangan kong gawin at iwasan.

Nang makalabas ay naabutan namin si Kervin sa labas na hinihintay kami habang nakangiti. Nakabukas na rin ang pinto ng back seat. Sa back seat talaga?

I kissed mom in her cheek as I bid my goodbye. "Bye mom. I'll take care of myself. Promise." I smiled at her.

Hindi na siya sumagot at ngumiti lang. Dali-daliI ng sumakay ako sa backseat ng sasakyan. And I saw Devyn sitting on the front seat. So, that explains why dito ako sa backseat pinaupo ni Kervin.

I didn't know what changed pero pakiramdam ko ay biglang may nagbago sa pakikitungo niya sa akin kung ikukumpara sa mga naunang beses na nagkita kami. Hindi ko matukoy kung ano ang nabago pero ramdam ko na mayroon. Bagaman may ilang sa parte ko ay ibinalik ko ang ngiti na ibinigay niya.

"Buti magkasama kayo?" I asked out of curiosity.

"Yeah. Nakitulog ako sa kanila," simpleng sagot niya.

Siguro matalik na magkaibigan talaga silang dalawa ni Kervin kaya nagagawa niyang makitulog sa kanila.

"Let's go?" tanong ni Kervin na kakapasok lang sa driver's seat.

We both nodded. Tahimik lang kami buong biyahe, walang nagsasalita. Naka earphones lang din si Devyn at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Wala pang twenty minutes ay narating na agad namin ang CIU. May naghihintay na bus sa amin na pag-aari ng school na nakapila sa grounds. Binuhat ko na ang bag ko at lumabas na ng sasakyan ngunit bago pa man ako makahakbang ay may kumuha na mula sa mga kamay ko ng mga gamit na bitbit ko.

"Ako na." Napatingin ako kay Devyn nang walang babalang buhatin niya ang bag ko na parang wala lang ang bigat no'n.

"Salamat." I gave him a small smile na ginantihan din niya ng maliit na ngiti.

Nakikumpol kami sa mga ka-org namin na maligalig na naman habang naghihintay sa ilalim ng initan. Halos alas-diyes pa lang ng umaga ngunit ang init na dulot ng araw ay tila tanghaling tapat na. Masakit na rin 'yon sa balat na hindi maganda para sa kondisyon ko.

Sumiksik ako sa gilid ni Kervin para kahit papaano ay hindi ako maarawan. Mukhang napansin naman niya ang ginawa ko kaya umakbay siya sa akin at ginawang pananggalang sa araw na tumatama sa mukha ko ang kamay niya.

"Guys. May mga assigned seat per pair. Kayo na lang ang maghanap sa mga kulay na na-assign sa inyo. Okay?" Tumango naman kami sa kanya. "Get in."

Umalis siya mula sa pagkakaharang sa pintuan at nagbigay daan para sa mga papasakay. Matiyagang naghintay kami na maubos ang nga nasa harapan namin bago kami naglakad palapit sa pintuan ng bus. Iniwan na ako no Kervin sa tabi ni Devyn ng sila na ni Isa ang papasok sa loob.

"Ang bilis mo, bro. May buhat ng bag na agad na nagaganap," sinundan niya pa iyon ng tawa. Nasa pintuan pa rin kasi si Kuya Gio at binibilang ang mga estudyanteng papasok.

"Shut up, Gio," masungit na sabi niya bago nagtuluy-tuloy na pumasok sa loob.

Naiiling na sumunod na rin ako sa kaniya pero bago 'yon ay nakita ko pa ang nakakalokong ngiti na ibinibigay sa amin ni Kuya Gio. Si Devyn na rin ang naghanap ng upuan since siya naman ang nauuna. Huminto siya sa pinakadulong parte ng bus, 'yong pang maramihan. At doon ko nakita ang kulay puting maliit na flag na nakasabut sa bintana at wala ng iba pang kulay na makikita.

Napabuntong hininga ako nang muling pumasok sa isp ko ang sinabi ni Kervin noon sa meeting na naganap noong nakaraan. Hindi naman siguro nagma-match make si Kuya Gio, diba? At isa pa, wala rin naman siyang dahilan para gawin 'yon kaya hindi ko dapat binibigyan ng kulay ang mga ganitong bagay.

"Una ka na," he said letting me sit beside the window.

"Thanks," I muttered with a small smile.

Inilagay niya sa bakanteng tabi niya mga gamit namin bago sumunod ng upo sa tabi ko. Ang inaasahan kong pag-uusap na mangyayari sa pagitan namin ay hindi nangyari nang makita ko siyang magsuot ng earphone sa magkabilang tainga matapos ay pikit ang mga mata na sumandal sa kinauupuan.

Mahinang napabuntong hininga na lang ako at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Why did I even expect to have a conversation with him?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top