03: Intense

CHAPTER THREE
Intense

"Congratulations to your new movie Mom and Dad!" masayang wika ko na ikinangiti nilang dalawa.

Nilagay ko sa lamesa ang cake na binili ko kanina na sa kabutihang palad ay mukha pa rin namang cake hanggang ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapatawa sa gulat na nakikita ko sa mga mukha nilang dalawa.

"Thank you, Bliss. Hindi ka na sana nag-abala," nakangiting sabi ni Mom at sinuklay pa ang lagpas sa balikat na buhok ko.

Dad on the other hand, held my hand. Tumgingin siya sa akin na puno ng pagmamahal matapos ay marahan akong nginitian. "Thank you, Bliss."

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Halos magkapanabay silang pumikit para sa isang pipeng hiling bago sabay na hinipan ang kandila. Hindi ako sigurado kung masyado lang akong nagbibigay kulay sa mga bagay pero iba ang naging dating sa akin nang palitan nila ng tingin matapos humiling.

Tahimik na tinapos namin ang hapunan bago tinungo ang salas ng bahay namin para mag-usap. I was waiting for them to speak but minutes passed and all of us were still silent. Nagtititinginan lang silang dalawa at parang nagtuturuan pa gamit ang tingin kung sino ang unang magsasalita.

"Come on guys. Ano ba kasi ang gusto niyong sabihin? Just tell me."

Bumuntong hininga muna si Mom bago hinawakan ang kamay ko. "We are not pressuring you or anything, ha? We just want you to think about it," malumanay na sabi niya na tinanguhan ko naman bilang sagot. "Gusto namin ng Dad mo na isama ka sa premier night ng movie namin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mom. Ilang beses na nila akong niyaya na sumama sa ganito pero alam naman nila ang sagot, e. No.

"Mom," mahinang bulong ko na ipinaparating ang desisyon ko.

"This will be the last project we will take before we migrate to San Diego," said Dad na nakaakbay sa akin.

"What do you mean migrate, Dad? San Diego? Bakit wala naman ata akong alam, Dad," naguguluhang tanong ko.

Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa migrate na yan. 'Yong premier night hindi na bago sa akin dahil ilang beses na rin nila akong gustong isama pero umaayaw ako sa lahat ng pagkakataon. But the retirement and migrating thing was never part of our talks. They never said anything to me about those two things.

"Napag-usapan namin ng Mom mo na mag-migrate sa San Diego. But it's still up to you if you want to come or not. If you want to stay, that's fine with us. We won't interfere with your decisions. But ang plan namin ng Mom mo to migrate is final," Dad said.

"I know hindi pa namin nasasabi sa'yo ito. But we hope you understand. We've been talking about this and I think this is the perfect time to start a new life," Mom added.

Okay, first they wanted me to come to the premier night for their comeback movie together. Second, they are planning to retire from the entertainment industry. Third, they wanted to migrate to San Diego. And it's up to me whether I would like to come or not. What am I supposed to say to that?

"I need some time to think. Masyadong mabilis," naguguluhan na ako sa mga naririnig ko mula sa kanila

Tumango naman sila sa akin at hinayaan na akong umakyat sa kwarto ko. And the moment I entered my room the first thing I did was to lie down on the soft mattress of my bed, letting it consume my tired body. Gusto ko bang sumama sa premiere night? Gusto ko bang sumama sa San Diego?

And the moment I closed my eyes, the first thing that entered my mind was the plea of Kuya Gio and Isa. Gusto rin nila akong humarap sa maraming tao at mag-recite ng isang tula.

Why do I feel like everyone wants me to step out of the cage that I've locked myself into? Kaya ko ba?

'Just give me any sign.'


"ARE YOU SURE you'll be okay here?"

Ilang beses na ba niya akong tinanong? Naiiling na marahang itinulak ko siya patungo sa direksyon ng pinto. "Oo nga. Pumunta ka na muna sa baba at ako na muna ang bahala kay Maxim."

"Babalik agad ako," wika niya.

Hindi ko na siya sinagot pa at hinayaan na lang siya na lumabas ng kwarto ni Maxim na nasa second floor ng bahay nila. Nagbaba ako ng tingin kay Maxim nang hilahin niya nang bahagya ang buhok ko na naaabot ng maliliit na kamay niya. Ang magandang ngiti niya ang sumalubong sa akin kaya wala sa sariling napangiti rin ako.

Nakasalampak ako ng upo sa sahig na napapalibutan ng matts habang nakaupo naman siya sa kandungan ko. Tawa lang siya ng tawa habang nakatingin sa mukha ko.

"Happy birthday kid," I said to him. Ngumiti naman siya sa akin na parang naiintindihan niya ang sinabi ko kaya napangiti na lang din ako. "I wonder how your Mom would feel on this special day?" tanong ko kay Maxim na nakangiti pa ring nilalaro ang buhok ko.

Siguro naman masaya na siya. Her child is safe. At nasa mabuting kalagayan at pangangalaga si Maxim. Kailanman ay hindi pinabayaan sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari sa buhay nila. Mabuti nga at tanggap si Maxim dito. Mabuti na lang at mabait ang mga mgulang ni Kervin at tinaggap pa rin siya nila bilang miyembro ng pamilya.

Napatingin ako sa pinto nag bumukas 'yon at muling pumasok si Kervin. "Hindi pa nag start 'yong party?" tanong ko sa kanya dahil naupo lang siya sa tabi ko at hinawakan ang malusog na kamay ni Maxim.

"Hinihintay pa ang iba naming kamag-anak. I'll just stay here for a while."

Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasandal sa ulo niya. There was a short moment of silent that filled the room before I broke it with a question that I have been wanting to ask him.

"Have you forgiven her?" I asked cautiously.

Hindi ko alam kung tama ba ang lumabas sa bibig ko. Sa tagal ko nang pagkakakilala kay Kervin na halos lahat ng bagay ay alam na namin tungkol sa isat-isa, kahit minsan hindi ko siya pinakialaman sa mga bagay na sa tingin ko ay masyado ng personal para panghimasuka ko pa.

Nakikinig lang ako sa mga plano niya. Nanonood lang ako sa mga hakbang niya para matupad ang mga pangarap niya. Nagbibigay ng mga payo kung kailangan. Pero never akong nanghimasok sa personal na buhay niya.

And this certain topic about her is something I didn't dare to open up. I'm afraid that I may be crossing the line of his personal life. Alam ko ang ibang detalye ng kwento pero hindi ko alam 'yong totoo at buong pangyayari.

"Did I tell you that Atasha drugged me so that she can have sex with me?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ang galit sa boses niya ay ramdam na ramdam ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon na parang bomba na sumabog sa harapan ko. Lilingon sana ako para tinganan niya pero pinipigilan niya ako sa pamamagitan nang pag-iling habang nakasandal pa rin sa balikat ko. I haven't heard this before. Ang alam ko lang bumalik si Atasha after disappearing for months claiming that she has a child with Kervin.

"She really did that?!" I asked beyond the description of the word shock.

"We were both invited at a party for a common friend's birthday. You know how she drastically changed after hanging out with her so-called friends. Nawala na 'yong dating tahimik na Atasha. She was partying every day and every single night. Drinking, smoking, even getting herself high on drugs. Then the next thing I knew, we're both naked on top of one bed. We've lost contact. Umalis siya nang walang salita. And after three months ay bumalik siya announcing that we were expecting a child. Hindi kl alam kung paniniwalaan ko ba, but the memory of us on one bed still lingers on my mind. And I guess, I am indeed the father.

After telling my family that we were having a kid, my parents accepted it on the condition that she'll take care of herself and the child until she gives birth while staying at our place. When Maxim was born, my parents wanted Atasha to enter a rehabilitation center. My parents were afraid that Atasha would harm my baby since she started taking drugs and partying like an animal again only after a month of giving birth. Hindi na nga rin niya naaalagaan si Maxim. She was never a mother to our child except from the months that she carried Maxim on her womb. So, I agreed with my parents. And when the nurses of the rehab center came for her, she run away with Maxim and a gun on her hand na hindi ko alam kung saan niya nakuha. She used Maxim as a hostage to escape, as a shield dahil alam niyang hindi namin siya magagawang kuhanin habang hawak niya ang anak namin. She was still on drugs during those time for heaven's sake!"

A mixture of pain and pity came surging into my heart while listening to him. Buhay na buhay ang takot sa boses niya kahit na halos isang taon na ang nakalipas mula nang araw na 'yon. Who wouldn't be afraid? Buhay ng anak na niya ang nakataya.

Ipinalibot ko ang bakanteng braso sa balikat niya sa kawalan ng sasabihin. I knew what happened next at hindi na niya kailangan pang balikan yon. That's the only part of the story that I knew. And I can't forget the fear and horror in Kervin's eyes when he heard the news that Atasha got into an accident with Maxim. Mabuti na lang at naisip ni Atasha na iligtas si Maxim at hindi naapektuhan ang bata. While unfortunately, hindi siya nakaligtas dahil malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo niya.

"Maxim's fine now, Kervs," pag-aalo ko sa kanya.

Maxim only had few scratches at wala naman siyang major injury kaya thankful pa rin kami kay Atasha for that. But Atasha, she died saving her son.

"I shouldn't have asked. Kung alam ko lang na magkakaganito ka," seryosong sabi ko pero tinawanan niya lang ako at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya. He is now hugging me and his son.

We stayed like that for a couple of minutes before I broke the hug. Nakakangawit na kasi at hawak ko pa si Maxim sa isa kong kamay. Natawa naman siya at kinuha na si Maxim para ihiga sa kama nilang dalawa.

"You know what? I will always be thankful to you. For keeping me sane," he looked at my eyes with pure sincerity. His eyes were glistening with unshed tears as he hold my hind tightly with his warm hand.

"And I'm always proud of you. For not running away from your obligations," I replied and smiled at him.

Sabay na nabaling ang atensiyon namin sa pinto nang may kumatok doon. Sumilip si Tita Crisa na kahit ang dami nang inaasikaso sa baba ay fresh na fresh pa rin.

"Everyone's here," she announced.

Tumango naman si Kervin at walang salita na pumasok sa banyo para magbihis. Umalis na rin naman si Tita para bumalik sa baba. Tumayo naman ako at nag-ayos na rin ng sarili. Hinila ko pababa ay peach sunday dress na suot ko na umaabot sa ibabaw ng tuhod at sinuklay ko rin ang maputi mapusyaw na dilaw kong buhok gamit ang mga daliri ko. If you'll have a quick glance on me right now, I would probably appear naked since the dress blended with my white completion making it look just like my skin.

Hindi ako makikisali sa party. I'll just watch if from a distance. Hindi kasi ako komportable na makisalamuha sa kanila, sa rami ba naman nila. Hindi naman kasi lahat sa pamilya ni Kervin ay kilala ako. At mas lalong hindi lahat sila ay mga santo at santa para walang masabi sa akin at sa kondisyon ko.

Hindi rin naman ako magtatagal sa party dahil uuwi na rin ako maya-maya. Paniguradong hindi na ako maihahatid ni Kervin mamaya pauwi at ayaw kong maglakad mag-isa ng madilim na sa daan. Although safe sa subdivision, nakakatakot pa rin maglakad mag-isa kasi tahimik na at may kalayuan din ang bahay namin sa bahay nila Kervin.

"Your leaving?" tanong ni Kervin pagkalabas niya ng cr dito sa kwarto niya.

Mukhang naligo pa siya sandali bago pinalitan ang plain shirt na suot niya kanina ng blue polo. Naka denim pants lang naman niya at plain blue polo na hindi nakabutones ang dalawa sa taas. Gwapo pala talaga si Kervin. No wonder why every valentine's day na lang ay puno ang sasakyan niya ng mga chocolates at kung ano pa, na ako ang kumakain.

"Gwapo ka pala talaga 'no?" wala sa sariling usal ko.

Natawa siya sa sinabi ko at kinuha na si Maxim na tulog pa rin hanggang ngayon. "Ngayon mo lang napansin?" biro niya pero inirapan ko lang ang kahanginan niya. Ang ere rin talaga minsan.

Nilapitan ko si Maxim at hinalikan siya sa pingi. I whispered happy birthday to his ears. At dahil do'n ay nagising siya. Akala ko iiyak siya dahil baka nairita sa ginawa ko pero isang masayang ngiti ang sumalubong sa akin nang makita niya ako.

"Aalis ka na ba?" muli ay tanong ni Kevin na kababakasan ng pag-aalala ang boses.

Ang alam niya kasi ay tatapusin ko ang party. Pero sa tingin ko ay baka hindi na dahil mula dito pa lang sa bintana ng kwarto ni Kervin ay kita ko na kung gaano siya magiging busy kaya ayaw ko nang dumagdag pa sa aalalahanin niya.

Ang dami na kasing tao sa baba at marami na ring bata na nagtatakbuhan. Mga pinsan at pamangkin ni Kervin sa pinsan niya. At for sure, gigisahin na naman siya sa tanong ng mga tito at tita niya tungkol sa Mama ni Maxim. Iilan lang kasi ang may alam kung sino at kung nasaan si Atasha. Ayaw na rin naman kasi ni Kervin na palakihin pa ang issue kaya hindi na rin niya gusto na ipaalam pa sa buong angkan nila.

"Mamaya pa. Pero hindi ko na tatapusin yung party."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Uuwi ka mag-isa?" Tumango naman ako sa tanong niya kasi yon naman talaga ang plano kong gawin. "No way, Audrey," may inis na tono na sabi niya.

"Ang OA mo Kervin. Safe naman ang buong subdivision 'no. At isa pa, hindi mo naman puwedeng iwan itong party," I reasoned out.

"Ipapahatid na lang kita," puno ng pinalidad na sabi niya.

Kanino naman niya ako ipapahatid? E, wala naman silang driver. Kay kuya Ken? "Kanino naman aber? Kay Kuya Ken? Gusto mong umitim buhok ko sa pang-iinis ng isang 'yon sa akin."

Palagi kasi akong inaasar ni Kuya Ken magmula pa noong lumipat kami ng bahay dito sa subdivision kung saan din sila nakatira. Kahit anong way ng pang-aasar basta makita niya akong mainis satisfied na siya. Ewan ko ba do'n at palagi na lang akong iniinis. Pero hindi naman nakakaoffend ang pang-aasar niya.

"Kay Devyn?"

Devyn is here? Bigla ay naramdaman ko na lang ang mabilis na at maingay na pagtibok ng puso ko sa kaalaman na 'yon. It feels like a dosen of hyper kittens came in, rumbling inside of my ribcage for a reason that I don't even know myself. Maging ako ay nagulat ang nalilito sa naging reaksyon ng puso ko nang marinig mula kay Kervi ang pangalan nh binata. What the hell is this?

"Devyn?" paniniguro ko dahil baka mali lang ang narinig ko.

"Yes."

Nauna na siyang lumabas at agad na sumunod naman ako. Pinantayan ko ang paglalakad niya dahil gusto kong kumpirmahin ang nabubuong idea sa isip ko habang pilit na binabaliwala ang mga nagrarambulanh kuting sa puso ko.

"Umamin ka nga Kervin," panguusisa ko.

"Wala akong aaminin," mabilis na sagot niya kahit na wala pa naman akong itinatanong.

Hinawakan ko siya sa braso kaya tumigil siya sa paglalakad. Magkaharap na kaming dalawa pero hindi niya pa rin ako tinitingnan at malikot ang mga mata na dumadapo kung saan-saan. So tama nga ang hinala ko.

"Hindi mo naman siguro inutusan si Devyn na mag sorry sa akin, diba?" nanunuring tanong ko.

Aalis na sana ulit siya pero dahil nakahawak pa rin ako sa braso niya ay hindi niya magawang umalis.

"Come on Kervin. Hindi naman ako magagalit. Gusto ko lang malaman." Ngumiti ako sa kanya para ipakita na okay lang talaga.

Mas lalo akong napangiti nang dahan-dahan siyang tumango. Nang ngumiti siya na parang humihingi ng sorry ay piningot ko siya sa tainga niya na ikinatawa ni Maxim. Ngumiti ako kay Maxim at pinisil ng bahagya ang pisngi niya.

"Si daddy mo pakialamero no baby?" Pumalakpak si Maxim na parang naiintindihan niya ang sinabi ko.

"Hinayaan mo na lang sana. Hihingi naman siya ng sorry kung gusto niya," nakasimangot na sabi ko matapos ay nauna nang naglakad at sumunod naman siya sa akin.

"Sorry na Audrey," nakangusong sabi niya.

Naiiling na binagalan ko ang paglalakad nang magpantay kaming dalawa. "Okay lang."

Inakbayan niya ako at sabay na kaming bumaba sa salas nila kung saan namin naabutan ang mga kapatid niya kasama na rin ang parents niya. Unang lumapit sa akin si Klea at umangkla sa braso ko kasunod si Koby na tinulak si Kervin ng mahina para makasingit sa pagitan namin. Ngumiti naman sa akin si Kuya Kyle na katabi ang asawa niya na si Ate Qei.

"Ate Audrey uuwi kana ba?" tanong ni Klea na nag beutiful eyes pa sa akin.

"Ate, do you wanna play with me?" singit naman ni Koby na hinihila ang kamay ko pababa para tingnan siya.

"Hindi pa ako uuwi, Klea," ngumiti ako sa kanya. "At sige, maglalaro tayo Koby," sabay na nagliwanag ang mga mukha nila sa sinabi ko.

"Ako, hindi mo ba ako papansinin?" anang tinig na nagmumula sa likuran ko.

"Ken ha, sinasabi ko sa iyo. Huwag mong aasarin si Audrey," warning ni Tita na ikinatawa ko.

Lumapit ako sa kanila ni Tito Julio at nag-mano. Para ko na rin silang second parents sa tagal na naming magkakakilala. Naging magkaibigan na rin sila ng parents ko dahil sa amin ni Kervin kaya magaan ang loob nila sa akin at ako sa kanila.

Sa isang natural na galaw ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakapaloob sa isang braso ni Kuya Ken nang basta na lang niys akong akbayan. "Ma naman. Huwag mo naman akong pagalitan sa harap ni Bliss. Nakakahiya," narinig kong sabi niya pero batid kong nakangiti siya.

"Son, I know you," makahulugang turan ni Tito Julio.

"Let's go. Nagsisimula na ang party," Tita said at nauna ng lumabas.

Naiwan ako sa loob kasama si Koby na ayaw namang lumabas. Nasa isang sofa rin si Kuya Ken habang nakasandal at nakapikit. Halata ko ang pagod sa mukha niya base na rin sa eyebags niya. "Kuya, gusto mong kumain?" alok ko.

"Nah. Busog pa ako. And please my dear snow white, don't call me Kuya. Nakakatanda," sagot niya pa rin kahit nakapikit.

"E, mas matanda ka naman talaga e," sabi ko. I think he's three or four years older than me.

"Baby, you're 19. And I'm 23. Not old enough to be called Kuya." Inangat niya ang ulo niya para kindatan ako pero agad din binalik sa pagkakasandal. He must be really tired

"Huwag mo nga akong tinatawag na baby diyan," nakasimangot na sabi ko sa kanya. Nagsisimula na naman kasi siya.

"Snow white na lang?"

"Ewan ko sa'yo, Kuya." Nilingon ko si Koby na nasa tabi ko at busy magbasa ng libro. "Ayaw mo bang lumabas?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya at sumandal sa akin. "Dito na lang ako Ate. Magulo lang sila roon at hindi ako makakapagbasa."

Ito ang ibig sabihin niya ng laro na tinutukoy niya kanina. Ang magbasa. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Ang bata bata pa kasi pero akala mo ay matanda na. Napatingin naman ako kay Kuya Ken nang tumayo siya at naupo sa bakanteng gilid ko. Ginaya niya ang pagkakasandal sa akin ni Koby at pumikit.

"Ako rin," sabi niya na nagpipigil ng ngiti.

"Ewan ko talaga sa'yo. Pinagtitripan mo na naman ako."

Palagi kasi niyang past time sa tuwing nagkikita kami ay ang guluhin ako at palaging asarin. Pero sweet din naman siya minsan. Binigyan niya nga ako ng aso noong nag debut ako last year. It's a bear type chow-chow dog na kulay puti and I named it Cloud. Habang ang isang aso ko naman na si Vanilla ay christmas gift naman sa akin ng parents ko last December. Vanilla is a maltese.

The sound of an opening door took me away from my reverie. Napalingon ako roon at nabungaran si Kervin kasama si Devyn na karga naman si Maxim. Base na rin sa hindi pagtutol ni Maxim ay alam kong kilala siya ng bata. So, friends talaga silang dalawa ni Kervin?

Kervin immediately smile at me na nagpangti rin sa akin. I excitedly rose up from my seat when the image of my gift for Maxim crossed my mind. Kulang na lang ay pumalakpak ako sa sobrang tuwa nang ma-imagine ang magiging hitsura ni Maxim kapag ginamit 'yon. I need to give it to him before I take my leave.

"Baby naman e."

"Ate masakit."

Napatingin ako sa dalawang lalaki na parehong nagkakamot ng ulo. Shoot! Nakasandal nga pala sila sa akin kaya nagkauntugan pala sila ng tumayo ako.

Nag peace sign ako sa kanila at ngumiti ng matamis. "Sorry."

Naiiling na tiningnan nila ako bago inakbayan ni Kuya Ken si Koby at marahang hinimas ang parte ng ulo na nauntog. Napapangiting nilapitan ko si Kervin na natatawa na lang sa dalawang kapatid niya. Awtomatiko naman na umakbay sa akin ang kamay niya nang marating ko ang tabi niya.

"Bago ko makalimutan Kervin. 'Yong regalo ko pala kay Maxim nasa kwarto ni Koby," pagbibigay alam ko.

"Sabi ko naman sa'yo hindi na kailangan, e." Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niyang nakadantay sa balikat ko.

"Tara, tingnan natin dali!" excited na sabi ko. Lumapit ako kay Devyn para kuhanin si Maxim. "Come to Tita, baby," I said with my hands in front of him. Walang pagdadalawang isip na sumama naman siya sa akin na ikinangiti kl.

Napatingin ako kay Devyn pero agad din ako nagbawi ng tingin wala pang limang segundo na naglapat ang mgs mata naming dalawa. The stare he's giving me is too much. And it feels to me like I did a mistake to him na wala naman. But what confuses me more is the rapid beating of my heart that only he can do. What's wrong with you, Bliss Audrey?

Hinila ko si Kervin gamit ang isa kong kamay habang pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong ideya kung bakit ganito na lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng dahil lang sa tingin an ibinibigay niya. This is the first time I have experienced something like this. At hindi ko alam ang ibig sabihin at dahilan maliban sa katotohanang tanging si Devyn lang ay may kakayahang pabilisin nang ganito ang puso ko.

We went to Koby's room on the first floor of their big house. Hindi pa kasi tapos ipagawa yung kwarto ni Koby sa second floor kaya dito muna siya pansamantalang tumutuloy.

"That's my gift for you, baby boy!" I giggled, stopping myself from squealing like a kid.

Nakapark sa gilid ng kwarto ang kotse, sa may gilid ng pinto. May ribbon lang iyon na kulay blue na nakadikit sa uluhan ng kotse para magmukhang regalo. Hindi ko na kasi nabalot at hindi ko rin alam kung paano ko babalutin.

Lumapit ako doon at pinatayo ko si Maxim habang nakabalanse siya at nakasuporta sa mini car. Mababakas ang aliw sa mukha at kilos niya base na rin sa malawak na ngiti niya at ang bahagyang pagpalo niya sa hood ng kotse. And the happiness I am seeing in his face is making my heart melt in so much joy.

"Do you like it, baby?" tanong ko sa kanya habang sinusuportahan ko siya.

I almost melt when I saw his cuteness that was emphasize by his outfit on his first birthday. Naka blue na polo siya na naka-tucked in sa black shorts niya. May bow tie rin siya at suspenders. Nakablack shoes siya at mahaba na medyas na hanggang sa tuhod niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi ng ilang beses dahil ang cute niya. Mas natuwa pa siya sa ginawa kong iyon na naging dahilan kaya siya humagikhik.

"That's too much, Bliss."

Nilingon ko si Kervin at nginitian. "Okay lang, ano ka ba. Tingnan mo nga, oh! Ang saya niya," natatawang sabi ko dahil tinatangka nang akyatin ni Maxim ang maliit na sasakyan niya. "Tsaka ayaw mo no'n? Ngayon pa lang matututo na siyang mag maneho?" sabi ko at sinundan ko pa nang tawa.

Lumapit siya sa akin at binuhat si Maxim na gusto naman na bumaba para sumakay sa kotse. Kaya no choice si Kervin kundi ang tuluyan nang isakay si Maxim at nilagyan ng seat belt. Safe naman iyon kaya okay lang at hindi siya mapapahamak kahit na maglumikot pa siya.

Naiiling na hinarap niya ako bago ako hinila palapit sa kaniya at ikinulong sa malalaking bisig niya. "Thank you."

Gumanti din naman ako nang yakap at nangingiting humilig sa dibdib niya. "Wala iyon. Para naman kay Maxim, e."

Isang beses ko pang hinigpitan ang yakap ko sa baywang niya bago humiwalay sa kanya at muling nilingon si Maxim na nakahawak na sa manibela.

"Binyagan na natin ang kotse niya."

"Right. At mukhang excited na rin siya."

Lumabas kami ng kwarto na sakay si Maxim ng sasakyan niya. Si Kervin ang may kontrol no'n ngunit ang kamay ni Maxim ay nakapatong sa manibela na akala mo ay siya talaga ang nagmamaneho.

"Woah! Big time na si Maxim!" Napangiti ako sa sinabi ni 'yon ni Kuya Ken.

"Cool."

Mabilis na gumalaw ang leeg ko paharap sa direksyon ni Devyn nang mag komento siya. Nakita ko ang pagsunod niya nang tingin kay Maxim na mukhang feel na feel maging driver habang malawak ang pagkkangiti.

At muli na naman akong nakulong sa isang mundo na kung saan siya lang ang nakikita ko. Nasundan ko nang tingin ang unti-unting pag-ukit ng ngiti sa labi niya habang anga mata sy tutok sa bata. Maging ang bahagyang pagliit nang may kaliitan na niyang mga mata ay nakita ko rin. Sa kabila nang unti-unting pagbilis nang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-obserba ng bawat anggulo nang mukha niya.

Ang kilay niya ay may kakapalan at walang ayos. Pahaba ang mukha niya na bumabagay sa kabuuan ng pigura niya. Bahagyang tumagilid ang mukha ko nang dumapong muli ang mga mata ko sa magandang ngiti sa labi niya. Manipis 'yon at may kapulahan na bumabagay sa may kaputian niyang balat.

Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang mag-angat siya nang tingin at kakatwang saktong dumapo sa akin. Patay malisyang naglakad ako pabalik sa sofa at nagkunwaring hindi ko siya pinagmasdan nang matagal na kulang na lang ay mamemorya ko ang mukha niya.

Bakit kasi tinitigan mo pa, Bliss Audrey?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top