01: Brave
CHAPTER ONE
Brave
Walang nakasaksi sa bawat paghihirap at kalungkutan mo
Walang ibang nakakaalam, kundi ikaw lang
Walang ibang nakakaalam sa kung paano mo paulit-ulit na itanong sa sarili mo na kung "Bakit ba ako?"
Paulit-ulit na mga kataga "Na sa dinami dami ng mga taong nabubuhay sa mundo ay bakit ba ako ang napili mo?"
"Another piece?"
Napatingin ako sa taong nagsalita mula sa likod ko. Si Isa, short for Isadora Morin. Naupo siya sa tabi ko habang nakadungaw ang ulo mula sa balikat ko para makibasa sa notebook kung saan ako nagsusulat kanina.
"Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na sumali ka sa mga spoken word poetry contest?" naiiling na tanong niya sa akin habang. O mas tamang sabihin na sumbat niya sa akin.
"Ilang beses ko na rin bang sinabi sa iyo na hindi para sa akin ang contest contest na iyan?"
Niligpit ko ang mga gamit ko na nakakalat sa lamesa na kaharap ng bench na kinauupuan ko dahil siguradong mangungulit na naman si Isa tungkol sa mga spoken word poetry contest na sinasabi niya.
Ilang beses na kasi niya akong sinasabihan na sumali sa mga patimpalak tungkol sa mga spoken word poetry pero hindi ko siya magawang pagbigyan kahit minsan. Dahil nakasiksik na sa isip ko na hindi para sa akin ang mga ganoong klase ng patimpalak at sa huli ay magiging katatawanan lang ako para sa mga manonood.
I've been a laughingstock almost all my life, hindi magbabago ang mga tao para sa akin. They will just surely laugh at the sight of me.
"Alam mo girl, sa mundo naman kasi ng spoken poetry walang huhusga sa'yo. Tatanggapin ka ng mga tao kahit ano pa ang kulay ng balat mo. Kahit ano pa ang estado mo sa buhay. Kulot ka man o unat. Maitim o maputi. Matangkad ka man o maliit. Literal ha?"
Mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin at nauna na lang sa paglalakad papasok ng auditorium para sa one pm meeting namin. Paulit-ulit lang din naman kasi ang kinakalabasan ng usapan naming dalawa kaya mas pinipili ko na lang na huwag siyang pansinin sa tuwing napaguusapan namin ang ganitong bagay.
We'll be just circling around. Siya pipilitin ako sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. Habang ako naman ay pauli-ulit na tatangi sa pagpipilit niya. Hindi na kami matatapos kung sasagot pa ako sa kaniya.
"Know what girl? Ang kailangan mo, boyfriend. Someone that will make you realize that nothing is wrong with you." Natawa lang ako sa mga sinasabi niya. Malayo na naman kasi ang lipad ng imagination ni Isa. "You need someone who will make you realize that you are not different from a normal person. Someone who will make you realize your worth. Your beauty."
"Alam mo Isa, nababaliw ka na naman. Tigilan mo na yang boyfriend-boyfriend mo riyan dahil walang papatol sa akin. Hindi totoong bulag ang pag-ibig. I do not fit with the standard of beauty that has been shaped by the changing generation. I don't have the perfect eyebrows. I don't have a sexy body. I don't have big boobs. I don't have most of the things or characteristics that every guy would want their girl to possess. Maputi lang ako, but that's it."
Natawa ako sa sarili kong naisip. Sa totoo lang kasi, hindi na ako nasasaktan sa ganitong klase ng usapan. I knew that I am different, and I accepted it even before I realized the reason why I became like this.
Magsasayang lang ako ng oras kung papansinin ko pa. I would just feel down. And I would be consumed by other negative emotions which are not healthy for a person. What I lack is confidence. I am afraid to showcase myself to other people. Hindi dahil sa ayaw kong mahusgahan. Tanggap ko na kahit ano pang gawing kong tama at kabutihan sa mundo, huhusgahan at huhusgahan pa rin ako ng mga tao. That's the nature of human. To judge someone kahit na wala ka namang alam ni katiting tungkol sa tao na iyon.
Ang ayaw ko lang ay masaktan ang parents ko sa tuwing makaririnig sila ng mga negatibong komento patungkol sa akin. I knew what my parents feel whenever they hear someone criticizing me negatively. Mom and Dad already blamed themselves enough. At ayaw ko na dagdagan pa ang sama ng loob ng mga magulang ko.
Kaya never kong sinubukan na sumali sa kahit na anong patimpalak. Kasi alam ko naman na may masasabi at masasabi ang mga tao tungkol sa akin at alam ko through those hateful comments from them ay masasaktan ang mga magulang ko. I'd rather hide in my own prison than to expose myself in the judgmental eyes of some people.
"Are you familiar with Devyn?"
Napatingin ako kay Isa nang magsalita siya ulit matapos matahimik ng ilang minuto. Nandito na kami auditorium ng Crest International University para sa meeting patungkol sa stage play na gagawin namin sa susunod na buwan.
"Sino na naman 'yan?"
Ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan na iyon na binaggit niya. Maraming kilalang lalaki si Isa sa kadahilanang lapitin siya ng mga lalaki. Ako lang ata ang nag-iisang kaibigan niya na babae, e. One of the boys kasi siya pero hindi siya lesbian or what.
"I understand na hindi mo alam since last year ka lang din naman nakapasok sa org."
Kumuha muna siya ng isang slice ng pizza na nakahanda na sa sahig ng auditorium nang makarating kami at kinain iyon bago umastang magsasalita ulit. Pero bago niya pa magawang magsalita ay naputol na 'yon nang pumasok ang grupo nila Kervin na kasama rin namin sa organization namin.
Pero hindi ang presensya niya ang nakakuha ng atensyon ko. Na-agaw ang pansin ko ng lalaking ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko sa Crest International University. Aside from the fact na nakakaagaw talaga ang angking kagawapuhan na taglay niya ay mas nakakaagaw ng atensiyon ang tattoo niya sa braso. Para siyang phrase na hindi ko mabasa dahil medyo mahaba iyon at maliit lang ang sulat.
Hindi ako fan ng mga lalaking may tattoo lalo na kung marami talaga. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit basta ay naiilang ako sa mga taong may tattoo, lalaki man o babae.
"The guy you're looking at, that's Devyn."
Napatingin ako kay Isa. Siya pala ang Devyn na tinutukoy niya.
"Anong meron sa kanya?" nagtatakang tanong ko.
Bihira lang siya magbanggit ng mga pangalan ng lalaki sa harapan ko. It's either because she feels frustrated towards that person or because she knew that I would not be interested at all. From what I know, ay hindi niya kaibigan ang lalaki at ngayon ko lang talaga ito nakita.
Posible naman na sa laki at dami ng populasyon ng university ay hindi talaga magsasalubong ang landas namin. Pero base na rin sa nakikita kong closeness niya sa org ay matagal na siyang kabilang rito. Kaya nakapagtataka na hindi ko pa siya nakikita kahit minsan.
"You're not friends with that guy, diba?"
"Absolutely not, but he's my ex."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I never knew about that. Marami na akong alam tungkol kay Isa dahil isang taon na rin kaming magkakilala. Tungkol sa buhay niya, sa mga problema niya at maging sa buhay pag-ibig niya. Pero hindi ko alam na may ex siya na kabilang din sa organization namin.
"Bakit hindi ko ata alam 'yan?"
Hindi siya sumagot at nagkibit-balikat na lang. Alam ko na ayaw na naman niyang mag-share ng laman ng isip niya. Isa is like that, puwede siyang maging open book pero puwede rin siyang maging sobrang secretive. Katulad na lang ng topic ngayon na matapos niyang buksan ay binitawan na lang bigla.
Tiningnan kong muli ang grupo nila hanggang sa makalapit na ang mga ito sa amin ni Isa. Si Kervin ang unang bumati sa akin at sa pamamagitan nang pag-inspeksyon sa balat ko. Tiningnan pa ang mga braso ko gamit ang nanunuring mga mata para siguro tingnan kung may namumulang parte o kung ano. Pero okay lang naman ako dahil hapon na at wala ng araw nang lumabas kami kanina ni Isa para pumunta sa auditorium.
"Hi Bliss. Mainit kanina, how's your skin?" tanong niya sa akin habang abala pa rin ang mga mata sa pagtingin sa balat ko.
"Okay lang. Ngayon lang din naman ako lumabas, e."
Kuntentong naupo siya sa tabi ko matapos ang pagsisiguro na okay lang ako at nakikain ng pizza na nasa harapan namin. Suwabeng kinuha niya ang baso na nasa harapan ko at sa natural na kilos ay uminom na rin siya sa mismong baso ko na may lamang sprite.
"Kervin!" inis na saway ko sa kanya.
Pero as usual wala na naman siyang paki at parang nasisiyahan pa sa naging reaksyon ko.
Ayaw ko kasi na ginagawa niya ang ganyan na ginagamit ang mga baso ko, tubigan, kutsara, o kahit na anong mga bagay na maaaring bigyan ng malisya ng mga taong makakakita sa amin. Kasi madalas kaming inaasar na para raw kaming may relasyon na dalawa na higit pa sa pagkakaibigan. Indirect kiss, 'yan ang laging panukso ng mga kasamahan namin sa org.
Kung kaming dalawa lang ang magkasama okay lang, walang problema sa akin. Ang kaso kasi kahit maraming nasa paligid namin ay ginagawa pa rin niya ang mga nakasanayan niyang 'sweet things' sa akin kaya lagi kaming inuulan nang tukso mula sa mga taong nakakasama naming dalawa. Hindi naman sa nagmamaganda ako o ano, ayaw ko lang na may masabi ang mga tao kay Kervin. Kasi hindi naman niya deserve 'yon.
Isang beses kasi na magkasama kami sa mall dahil nagpasama si siya na bumili ng gamit para kay Maxim. May isang couple na malapit lang din sa amin, they were talking with each other pero hindi ko alam kung malakas lang talaga sila kung mag-usap o sadiya bang pinarinig nila sa amin ang pinaguusapan nila.
Narinig ko na lang kasi na pinupuna ng mga ito ang kulay ng balat ko. They even said that I look like an alien. And the next thing I knew, ay muntikan nang magkagulo kasi nakarating na agad si Kervin sa puwesto no'ng dalawa. Mabuti na lang at may mga guards na dumating para awatin sila bago pa man magkagulo.
"You're over thinkin again," pabulong na sabi niya sa akin para ako lang ang makarinig.
"Kasalanan mo, e." Pabirong inirapan ko siya na siyang ikinatawa lang ng niya. Kinuha niya ang tumbler ko na dala niya at 'yon ang inilagay sa tapat ko para 'yon ang inumin ko.
"Ito na lang inumin mo. Pinadala sa akin ni Tita kanina kasi nakalimutan mo raw."
"Salamat."
Nagpatuloy lang kami sa kuwentuhan naming lahat, o mas tamang sabihin na kuwentuhan naming dalawa ni Kervin, nang dumating na si Kuya Gio, na siyang org leader namin.
Pinapwesto niya kami sa gitna ng stage para sa announcement na siyang dahilan ng pagpasok ko ngayong araw. Wala kasi talaga akong pasok ngayon pero pumasok ako para sa meeting namin dito sa org namin.
"Bago natin simulan ang meeting ipapakilala ko lang muna kay Devyn ang mga bagong mukha and vice versa."
Napatingin ako sa Devyn na sinasabi ni Kuya Gio, short for Giovanni. Wala namang nakakamangha kung pagmamasdan mo siya. Pero siguro importanteng tao siya dito sa org para kailanganin pang ipakilala sa kanya ang mga bagong sali sa org, which technically means kasama ako.
"Next is Bliss."
Ginaya ko na lang din ang ginawa ng iba, kumaway ako ng mabilis sa kanya nang tumingin siya sa akin pero agad ko din namang binawi. Hindi kasi ako sanay makisalamuha sa mga kakakilala ko lang. Hindi pa nga talaga kami magkailala, e, kaya nakakahiya naman kung tititigan ko siya ng matagal. Tititigan talaga?
"Bliss Audrey is our assistant script writer. She helps Isa, the main script writer, in writing our scripts but she's more on the poetry side. So tuwing kailang natin mag-insert ng poetry sa play natin, siya ang bahala do'n. And Devyn, para sa mga hindi nakakakilala sa kanya, Devyn is our main actor whenever we compete or perform. Nawala lang siya ng isang taon but now, he's back. I hope everybody will get along real quick, alright?"
Hindi lang pala siya parang importante, importante pala talaga siya. He is the main actor. Kaya siguro hindi nakapag perform ang org namin last year kasi wala kaming main actor that time. Halos lahat kasi ng mga lalaki ay kasabayan ko lang din pumasok.
At siguro walang nagustuhan si Kuya Gio at Ma'am Ria, ang org adviser namin, kaya nag-decide sila na huwag na lang muna sumali sa performance for the foundation at that time. Pero this year, sasali kami kasi nandito na ulit siya.
"Nakausap ko na si Ma'am Ria at Isa about sa magiging concept natin for this year's act. It was a unanimous decision. Pero hihingi sana ako ng pabor sa'yo."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba na agad kong naramdaman nang makita ko na humarap sa direksiyon ko si Kuya Gio. Ngunit mas dumoble ang kaba sa dibdib ko nang hindi lang siya ang lumingon sa direksyon ko, maging ang lahat ng mga kasamahan namin ay nakatingin na sa akin ngayon.
Mali naman siguro ang iniisip ko hindi ba?
"We want you to perform a piece in the act. If it's okay with you?"
No. Mabilis na pagtutol ng isip ko. I am not yet brave enough for that. Idon't think I can ever be brave.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top