Chapter 33

NAGTUNGO SI Beatrix at Romulus sa opisina nito. Nagpa-deliver ito ng pagkain at doon sila manananghalian katulad ng madalas nilang gawin noon. Kapag nagtutungo siya sa opisina ni Romulus ay madalas siyang dumaan sa private elevator diretso sa loob ng opisina ni Romulus kaya karamihan dito ay hindi talaga siya kilala. Paglabas ng elevator ay isang foyer ang dadaanan. May pinto sa north direction na patungo sa opisina habang ang pinto naman sa west ay pinto ng silid.

"Doon tayo," iginiya siya ni Romulus sa pinto ng opisina palabas sa foyer at patungo sa isa pang pintong nasa west—ang silid kung saan ito nagpapalipas ng magdamag kung minsan lalo na kung maraming trabaho at ginagabi. Fully-furnished ang silid na ito. Parang isang condominium. Naroon na ang lahat na kakailanganin. Kahit lutuan ay meron dito.

Pagpasok ay pagkain sa mesa ang agad niyang nakita. Wala namang nagbago sa ayos ng silid. Ganoon pa rin. Open floor plan ang konsepto ng silid kaya makikita ang lahat ng area at sulok sa isang paghagod lang ng paningin sa paligid na siyang ginagawa niya ngayon. The pad's decor and furnishings are suited for a single man, and it has a masculine interior design style. The living room has leather furniture and an entertainment system. The bedroom has manly bedding in dark colors and sophisticated decor throughout for a stylish apeal.

Natigilan si Beatrix, hindi maiwasan ang marahas na pagsinghap nang makita ang bagay na gustong-gusto niyang makuha sa auction. Wala sa loob na humakbang si Beatrix patungo sa dingding na malapit sa may kalakihang kama, kung saan nakasabit ang painting. Tumigil siya sa mismong haparan ng painting hustong marating ang lugar. Namamanghang pinagmasdan iyon. Hindi siya makapaniwala na makikita ang painting na ito sa panahon na ito at ang siyang nagmamay-ari rin ay ang parehong tao sa nakaraan. Destiny.

Lumipat ang tingin ni Beatrix sa isa pang painting na katabi niyon. Ang portal painting.

"Why did you buy this painting?" tanong ni Beatrix kay Romulus habang nakatitig sa painting.

"Hindi ko intensyon. The old man in the shop insisted. Babalik raw sa akin ang babaeng mahal ko kapag binili ko iyan. He told me that that painting belongs to me."

"He's weird," usal niya. Konektado kaya ang lalaking iyon sa buhay nila? Given that Heironimos is a well-known artist, he can actually fetch billions for this artwork. She learned that collectors tried to find more of his artwork but they failed. Tatlong painting lang nito ang makikita sa buong mundo—ang dalawang painting na ito at ang isa ay painting ng isang babae na pinaniniwalaang ina ni Heironimos dahil sa titulong demigod's mother. Ang sinasabing painting ay matatagpuan ngayon sa Louvre Museum. Nagtataka ang marami kung bakit tatlo lamang ang likha nito. She knows. Mahahalaga lang sa buhay nito ang ipinipinta at mga bagay na pumupukaw sa intetes ito; iyon ang ina nito, siya at ang lugar kung saan siya nito lihim na pinagmamasdan.

"Ipininta ka ng Heironimos na iyon na ganyang lang ang saplot? Paano't pumayag ka?" He was now directly behind her. His body lightly brushed against her back, causing a tingling sensation to form in her tummy. Beatrix smiled and leaned back, comfortably resting her small back against his solid torso. She relished the warmth emitted by his body as it slowly wrapped around her like a warm blanket.

"He told me that I'm beautiful and he wanted to paint me. I proposed that he should paint me in my undies to add some sensuality to his artwork. Ang ganda 'no?"

Lumapat ang kamay ni Romulus sa kanyang baywang. "Nag-kiss kayo?" kapagkuwa'y tanong nito.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Beatrix sa pagbalik alaala. "Yeah. He kissed me." Humigpit ang hawak ni Romulus sa kanyang bawyang, narinig niya ang pagtagis ng mga ngipin nito.

"At masaya ka. Masayang-masaya ka ngayon. I could sense your emotion." Nabura ang ngiti sa labi ni Beatrix sa nahimigang hinanakit sa boses nito.

"Guwapo ba 'yang Heironimos na 'yan?" Hindi makapaniwalang pumihit paharap at tumitig kay Romulus. Nakasalubong ang mga kilay nito habang madilim ang awra. Unti-unti siyang muling napangiti.

"Are you jealous?" Sinubukan nitong isaayos ang ekspreyon nang mapagtanto.

"Nagseselos ka sa sarili mo?" Nag-iwas ng tingin si Romulus, tumiim ang bagang at kapagkuwa'y nagpakawala ng malalim na paghinga saka naglakad patungo sa bilog na mesa kung saan nakahanda ang pagkain.

"Kumain na tayo." Malapad ang ngiting sumunod si Beatrix at naupo sa kabilang bahagi ng mesa sa tapat ni Romulus. He raised his gaze at her only to purse his lips in a thin line before lowering his gaze back to the plate when he noticed her grin.

"Huwag mo akong pagtawanan, Beatrix."

Tuluyan siyang malakas na tumawa. "Of course, I'm not!"

"You did. It's obvious." Romulus began to put food in his plate while Beatrix couldn't stop laughing.

"Pero nagseselos ka nga?" Muli siyang natawa sa pagsalubong ng kilay nito.

"You have to thank him. He made me realize that I should fight for you. Saka ikaw siya. Huwag mong pagselosan ang sarili mo." Kinuha niya ang kubyertos, tumusok ng roasted marble potato at isinubong buo.

"Do you wanna see him? His remained," tanong niya kay Romulus na nagsimula na rin sa pagkain. Tumitig ito sa kanya.

Tumango ito. "I'm curious."

"Tatawagan ko muna si propesor." Ibinalik ni Beatrix ang atensiyon sa kinakain. Napapa-hum siya sa bawat subo sa sarap ng pagkain.

"Live with me again." Mabilis na muling napaangat ng tingin si Beatrix kay Romulus. Nagtatanong ang titig na ibinigay niya sa binata.

"By wearing that ring, it means tinatanggap mo na ulit ako sa buhay mo. Ibalik natin ang dati. Ikaw at ako sa iisang bahay." Bitiwanan ni Beatrix ang kubyertos, nagpunas ng bibig gamit ang linen napkin at inilapag iyon sa mesa matapos. Isinandal niya ang likod at matiim na tumitig kay Romulus. Worries and guilt flooded her again as she thought about Missy. She really wanted Romulus back but she didn't want to hurt Missy.

"How about Missy?"

"I already cleared the things between us. Noong magkausap tayo sa Sorsogon. Buo na ang desisyon ko...I still want you in my life but I need to fix things between me and Missy." She should be happy to hear that but she couldn't help worrying about Missy. Muli na naman itong nasaktan. Napakabigat sa dibdib. Siguradong galit ito sa kanya.

"Tinanggap naman ni Missy ang desisyon ko. Nakiusap lang na hayaan ko muna siyang makausap ka bago kita balikan kaya pinigil ko muna ang sarili kong huwag kang kausapin." He sighed before continuing, "you seduced me last night. Alam mo namang patay na patay ako sa 'yo kaya ayon, bumigay."

Sa kabilang ng lungkot at bigat ng nararamdaman para kay Missy ay marahang natawa si Beatrix. "Sira—pero paano 'yan? She's your mate."

Umiling si Romulus. "Nah! I don't think so. If she's my mate baka nakalimutan na kita. Dapat sana may namagitan ng seksuwal sa amin ni Missy. I have a lust for you that I never had for Missy, which is one of the signs that Lycan has found his mate. No sexual tension. No addictive or unique scent."

"Pero ang sabi ni Romi."

"Romi just assumed that," he said, wiping his mouth with a linen napkin. Inilipag ni Romulus napkin sa mesa at relax na sumandal.

"The day you left me, I told Sixto to follow you and make sure you get home safely. Tumakbo ako sa gubat. Itinakbo ko ang sama ng loob. Pero nang nasa ituktok na ako ng matarik na talon...habang iniisip ang magiging buhay na wala ka, bigla na lang akong nanghina, hindi nakapagbalanse at nahulog. Nagising ako at si Missy ang unang taong nakita ko. I found out that I was unconscious for a month."

"Si Missy?" taka niyang tanong.

"Dinala ako sa ospital sa Benguet na pag-aari rin ng lycan. Ayaw akong alisin ni mom ng ospital hanggat hindi ako nagigising. Si Missy naman ay naaksidente, nabangga ang sinasakyan at sa ospital din iyong dinala . Ayon sa kanya ay napadpad siya sa silid kung nasaan ako dahil sa napakabangong amoy, sinundan niya at sa silid ko nga siya napunta. Nang araw ring iyon ay nagising ako. Si Missy ang namulatan ko habang hawak niya ang kamay ko. Kataka-taka rin na ang mga galos sa katawan ko at ang malalim na sugat sa tagiliran na hindi magawa-gawang maghilom ay biglang gumaling." The only person who can heal the never-ending wound is mate.

"So, Romi assumed that Missy is my mate. I had no plan to enter into a new relationship and Missy knew about that. Si Romi ang may gusto, she even convinced Missy and even though Missy doesn't like it because of our relationships."

"Pero pumayag pa rin siya?"

Tumango si Romulus. "Missy admitted she felt something for me...it's sudden. She couldn't explain but the strong emotion she suddenly felt for me was bothering her because she doesn't like it. Dahil sa 'yo. But eventually Romi convinced her.
To grant my sister's request, I also agreed. I also considered the possibility that we weren't truly destined to be together. Maybe Missy was meant for me all along. He might be my lmate. Maybe other signs will come out soon. Finding a lycan's mate is rare. Hindi alam kung pare-pareho ba ang palantadaan. And I wasn't born with lycan blood, so baka iba sa akin...baka katulad lang din ako sa normal na tao—can fall in love normally." She hopes!

Inabot ni Romulus ang kubyertos, tumusok ng marble potato at isinubo iyon. Ibinalik din ni Beatrix ang atensiyon sa pagkain. Tahimik na nagpatuloy sa pagkain ang dalawa. Si Romulus ay panay ang tingin kay Beatrix kaya medyo nailang na naman siya.

"Shy type ka talaga ngayon ano?" She gave Romulus a rolled-eye after he made a playful grin at her.

"Siguro mahinhin si Celtici. Nadala mo rito."

Tumaas ang isang kilay sa paraang naghahamon. "Tingin mo? Eh, naghubad nga ako sa harapan ni Heironimos." Ang pagkakangiti ni Romulus at biglang nawala. Ibinalik nito ang tingin sa pagkain. Siya naman ngayon ang natawa sa reaksiyon nito. He's really jealous.

"Totoo ba nang magising ka raw nagwawala ka?" Tumingin si Romulus sa kanya. Base sa reaksiyon ng mukha nito mukhang hindi nito inaasahan ang tanong niya.

"Hindi naman," anito. Inabot ang baso ng tubig at uminom.

"Let me die. Bakit niyo ba ako ginising. I want to go back to Beatrix. Iyon daw ang paulit-ulit mong sinasabi." Ang tangkang pagbalik nito sa baso ay napigil at sa halip ay inubos na lang ang laman niyon.

"Sino namang tsismosa ang nagsabi? Si Romi?" nasa mukha ang pagkapahiya at iritasyon para sa kapatid.

"Si Romi, si Sixto at si Luna, even Fhergus."

"Grabe! They can't shut their mouths," he snorted.

"So, it's true."

"Oo na! At oo na, ganoon ako kapatay na patay sa 'yo," pag-amin nito. Marahang natawa si Beatrix.

"When I'm unconscious I felt like I was in a paradise with you...we are living in the log cabin that was located in the middle of the woods with our pups." Unti-unti ang pagpino ng ngiti ni Beatrix. Ang kanyang puso ay binalot ng init.

"I want to stay there. Natakot akong imulat ang mata kahit pa naririnig ko ang boses ng pamilya ko...ni mommy na umiiyak, ni Romi na nakikiusap, ni dad na matinding nag-aalala. Kasi alam ko kapag nagmulat ako, mawawala ka at hindi na ako makakabalik sa nakapagandang panaginip." Agad na ikinurap ni Beatrix ang mata nang mag-init iyon. Ganoon katindi ang pagmamahal sa kanya ni Romulus na sinuklian lang niya ng sakit. Nagdusa ito dahil sa ginawa niya.

"I'm so...sorry," utal niyang sabi nang tila nagkaroon ng bolang apoy sa kanyang lalamunan.

"I love you." Parang gustong lumukso ng puso niya sa narinig na tugon ni Romulus sa paghingi ng tawad.

***
"BEATRIX, may naghahanap sa 'yo, nasa lobby," imporma sa kanya ni Ms. Chavez. Agad na tumayo si Beatrix.

"Sino po kaya, Ms. Chavez?" Wala siyang maisip na posibleng maging bisita niya maliban kay Luna o kaya ay si Bruce.

"Noah Benitez, ang chairman ng Imperial."

"Ho?" bulalas niya. Napabaling siya sa pinto na para bang naroon ang taong naghahanap sa kanya.

"Hinahanap ka. Puntahan mo na lang."

"Sige po." Bahagyang kumunot ang noo niya. Nagtataka sa pakay sa kanya ni Mr. Benitez. Gayun pa man ay kinuha niya ang kanyang bag mula sa desk.

"Beatrix." Muli siyang bumaling kay Ms. Chavez.

"Your idea for the promotion is great. We will include that." Malapad na napangiti si Beatrix. Siguro naman hindi lang iyon isasama dahil sa koneksiyon niya kay Romulus. Pero kinausap naman niya si Romulus at Sixto na itrato siyang normal na empleyado at huwag siyang bigyan ng special treatment. Hindi siya matotoo. Hindi niya malalaman kung may mali sa ginagawa niya kung walang sisita sa kanya. She wants to learn, to gain wide knowledge.

"Thank you for considering my idea. I hope my connection with Romulus and Sixto has nothing to do with this."

Marahan nitong iwinasiwas ang kamay sa ere. "Of course wala. It's just that your idea can be a great promotion to leave a lasting impression on customers." Mas nagkaroon siya ng kumpiyansa ngayon na kaya niyang mag-excel sa trabahong ito.

"Sige na puntahan mo na si Mr. Benitez."

"Ms. Chavez," tawag niya sa babae ng tangka itong tatalikod. Nagtatanong itong tumitig sa kanya.

"Pasensiya na po talaga sa kapalpakan ko noong nakaraan. Pangako hindi na po mauulit."

"Okay na 'yon bumabawi ka naman. Just keep working hard. Malaki ang potensiyal mo. Kung kakayanin, tapusin mo ang pag-aaral mo. Puwede kang mag-shift ng kurso kung gusto mong i-pursue ang career sa field na ito. Mahusay ka sa marketing strategy, Beatrix."

"Thank you po. I'll consider that." Matapos makausap ang babae ay agad na rin siyang umalis. Nang nasa tapat na ng elevator at hinihintay ang pagbukas ay hindi mapigilan ang mapaisip sa kung ano ang pakay sa kanya ng chairman ng Imperial. Poaching her? Nah! As though she were the key to Lua Azul's successful product sales. Mula sa hall lantern ay lumipat ang kanyang paningin sa bumukas na elevator. Hindi niya inaasahang makikita si Drake sa loob niyon. Nag-iisa ito. Tumalim ang mga mata nito nang makita siya. Kapwa sila hindi kumilos. Nakatitig lang sa isa't isa nang ilang sandali. Nang simulan niyang humakbang papasok ay noon ito humakbang rin palabas, sinalubong nila ang isa't isa. Diretso ang kanyang tingin habang nilalagpasan si Drake pero hindi si Drake na nakasunod ang matalim na tingin sa kanya. Nagdikit nang bahagya ang ibabaw ng kanilang mga kamay at hindi inaasahan ang biglang pag-flash ng isang alaala dahilan para mapatigil si Beatrix—ang nangyaring pagkakapatay niya kay Clyde ay nakita niya sa pagdadaiti ng kanilang balat ni Drake. Napatigil si Beatrix, gumapang ang kilabot sa kanya. Pumihit siyang paharap, nasa tapat niya si Drake sa labas na ng elevator, nanatili ang matalim na titig sa kanya habang unti-unti ang pagsara ng pinto.

Bakit siya nagkaroon ng ganoong pangitain? Bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Noong una palang ay off na ang kanyang nararamdaman para kay Drake kahit na nalaman pa niyang hindi ito si Clyde. May bigat siyang nararamdaman kapag nasa malapit ito. Hindi niya maipaliwanag. Nang makababa ang elevator sa ground floor ay inalis muna ni Beatrix ang mga alalahaning iyon para maging maayos niyang maharap ang chairman. Dumiretso siya sa lobby lounge. Agad naman niyang nakita ang chairman—may kausap itong dalawang lalaki. Lumapit siya pero hindi agad kinuha ang atensiyon ng chairman na nakikipagtawanan sa dalawang kausap.

Nang mapansin siya nito ay agad na tinalikuran ang kausap at nagagalak siyang nilapitan.

"It's nice to see you again, young lady." Kinuha nito ang kanyang kamay at hinalikan ang ibabaw ng kamay.

"It's nice to see you, too, chairman. Ano po palang ginagawa niyo rito?" may ngiti sa labing tanong niya.

"Binibisita ka."

"Ako po talaga ang sinadya mo rito?" she asked, surprised. He raised a hand for a wait hand gesture and turned to face a man that was sitting on the couch.

"Hey, grandson, come here!" Tumayo ang lalaki. Lumapit sa kanila. Inilagay ng matanda ang kamay sa balikat ng tinawag na apo.

"This is Atticus, my grandson." He looked familiar. Saan nga ba niya ito nakita? Tinanggap ni Beatrix ang kamay nito na inilahad sa kanya habang iniisip kung saan ito nakita.

"At the auction event. I saw you there," anito nang makuha ang iniisip niya.

"Oo nga." Ito ang isa sa mga nag-bid sa painting.

"Atticus," anito. Marahan nitong pinisil ang kanyang kamay bago binitawan.

"Hindi mo naman pala kasintahan si Sixto Fraijo," si chairman.

"Hindi po. Kaibigan ko lang."

"Yeah. That was the information my men gathered." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Masayang tumawa ang matanda sa nakitang ekspresyon niya.

"Wala akong masamang balak. Nagustuhan kasi talaga kita, hija." Hindi na lang noo niya ang nalukot kundi buong mukha na kaya mas malakas itong tumawa.

"Nagustuhan kita at tingin ko babagay ka sa apo ko." Pagtatama nito sa maling naiisip niya. Si Romulus lang ang gusto at gugustuhin niyang maging sugar daddy.

"Wala ka namang boyfriend hindi ba?"

Hindi na nakasagot pa si Beatrix nang biglang may brasong pumaikot sa kanyang baywang. Mahigpit ngunit magaan. Yeah. Posible pala iyon. Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang baywang na para bang may kukuha sa kanya pero magaan dahil hindi naman siya nasasaktan. She loves the pressure of his grip actually. Possessive yet gentle.

"Now, you aren't just poaching my employee but also my fianceè, Mr. Benitez," deklara ni Romulus sa matigas na boses. Napatingin sa kanya ang matanda na tila ba nagtatanong. Hindi siya tumugon. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Sayang naman. Bagay pa naman kayo ng apo ko." Naramdaman niya ang lalong pag-aangkin sa hawak ni Romulus sa kanya.

"And I'm the luckiest man on Earth," Romulus proudly said.

"Definitely," Mr. Benitez agreed.

***
Just 3 more chapters! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top