Chapter 32

I dedicate this chapter to my kumare, Ruth Ezekiel "Ruthie" Pascua. Advance happy birthday! Love you!

***

BEATRIX awoke with a light feeling in her heart. As soon as her eyes opened, a smile sprang on her lips as she vividly recalled the event from the night before. She could still feel Romulus' hand on her body, his hot breath and warm lips. She could tell that what happened last night wasn't just a dream by the soreness between her legs. It's real. It happened.
She shifted her gaze to her left side, but her smile vanished as she found the bed space next to her was empty. No Romulus was there. She now doubts the veracity of what happened last night. However, the crumpled bed sheet indicates that someone was lying there. She sat down and looked around the entire space, trying to find any trace that Romulus had been here the night before. She looked down at her own body. She's naked. Isn't this proof enough? She took another look around till her gaze was drawn to the little box perched atop the nightstand. A note paper was tucked underneath. He took the box and the note, and she examined the square royal blue velvet box. Is this a ring box? She read the note first.

[I hate it, but I must leave early for a meeting. The kitchen has your breakfast ready. Ensure that you consume it. And don't go to work; just rest.]

Sa ibaba ng note ay may arrow na pababa kaya ipinataob niya ang papel. There's a short note on the back, too.

[Last night was amazing. Good morning.] Bumalik ang ngiti sa labi ni Beatrix, higit na mas malapad kaysa sa una. Ang tibok ng puso niya. Hindi pa niya naranasan ang magkaroon ng ganito katinding pagtibok ng puso. Ano ang nangyayari sa kanya?

Walang nasabi patungkol sa kahon. Binuksan niya iyon na marahang napasinghap nang makita ang laman—ang singsing na ibinigay sa kanya ni Romulus na kanyang ibinalik dito. Bakit nito ibinabalik sa kanya? Ano ang ibig sabihin nito? Kinuha niya ang singsing at isinuot sa daliri. Muling napunit ng maligayang ngiti ang kanyang labi. Dinala niya sa asul na diyamante ang dulo ng daliri at maingat iyong hinaplos. Ibig sabihin ba nito ay tinatanggap na siyang muli ni Romulus? Habang nakatitig sa singsing at hinahaplos ang diyamante ay unti-unting may napagtanto si Beatrix na lubha niyang ikinamangha. Hindi siya maaaring magkamali.

"Ito 'yon...ang hiyas," galak niyang usal. Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay at dinala sa dibdib. Marahang hinaplos ng hinlalaki ang diyamante. Ipinikit niya ang mata at umusal ng pasasalamat. Paano niyang makukuha ang kapangyarihang narito? O narito pa ba? O may karapatan ba siya sa kapangyarihang iyon? Iba na ang kanyang katauhan sa panahon na iyon. She wasn't Celtici at all. She should talk to Manoela about this. She might help her. Baka may ideya si Manoela. Kusang sumalin ang kapangyarihan kay Celtici nang kaarawan nito. Kung sa kaarawan naman niya ay napakatagal pa niyon. Marso pa ang kanyang kaarawan at Oktubre palang ngayon. Muli siyang napatitig sa singsing. Ang kanyang pangitain. Baka sakaling magawa niyang makita ang kung ano ang dapat niyang gawin sa hiyas na ito.

Malalim na huminga si Beatrix at ipinikit ang mata. She started uttering a witch chant while holding her hand, thumb pressed hard against the gemstone but nothing happened. She didn't stop there, she continued repeating the chant until heavy energy filled her mind until it spread throughout her body. Asul na liwanag ang biglang sumulpot sa kanyang pangitain hanggang ang liwanag ay sumabog. Nang mawala iyon ay nakita niya ang hiyas, lumulutang sa ere patungo sa direksyon kung saan naroon ang talisman na hawak ng isang nilalang. Kamay lang nito ang kanyang nakikita. Nagliwanag ang hiyas nang lumapat iyon sa gitna ng talisman kung saan iyon talagang nakalagay. Kapagkuwan ay ang punyal ang kanyang nakita—ang punyal na pag-aari ng diyos ng digmaan; ang punyal naitumapos sa buhay ni Heironimos. Unti-unti niyon hinihigop ang kapangyarihan na nasa hiyas hanggang sumabog ang liwanag.

Marahas na singhap ang kumawala kay Beatrix at bumukas ang mga mata. Hinaplos niya ang kanyang noo nang may maramdamang butil ng pawis doon. Butil-butil na pawis ang lumabas sa kanyang noo at leeg. Iyon ba ang mangyayari? Pero nasaan ang talisman? Hindi na niya iyon suot pa nang makabalik siya rito. Saan niya iyon hahanpin?

***
NAGPASYA si Beatrix na pumasoksa trabaho. Hindi naman masama ang kanyang pakiramdam. Wala naman siyang hangover. Medyo nananakit lang ang pagitan ng kanyang hita, braso at binti pati na rin ang kanyang likod. Para siyang galing sa matinding martial arts training katulad ng ginagawa nila ni Luna. Madalas siyang turuan nina Luna ng mga self defense moves kaya kahit paano naman ay may alam siya, hindi nga lang katulad ni Luna na napakahusay talaga.

Sobrang late na siya. Alas-otso na siyang nagising at umalis ng alas-otso y media. Dinala na lang niya ang almusal na pina-deliver ni Romulus. Iyon na lang ang kakainin niya sa tanghalian mamaya. Mabuti na nga lang at hindi gaanong malayo ang kanyang tinutuluyan sa opisina kaya mga kalahating oras lang ang kanyang naging biyahe mula sa condo hanggang sa Lua Azul. Pero late pa rin ng lagpas isang oras sa dapat na oras ng pagpasok.

"Uy! Daig mo pa ang CEO, ah? Alas nuebe na," natatawang sabi ni Precilla nang makita ang kanyang pagpasok. Ang mga katrabahong abala sa kanya-kanyang ginagawa ay nag-angat ng tingin sa kanya. Lakas ng boses, eh. Papasimple na nga lang sana siya para hindi masyadong halata.

"Good morning," alanganin niyang bati. Ang iba ay ngumiti sa kanya pero ang iba lalo na ang mga may matataas na posisyon ay nagtaas ng kilay pero wala namang sinabi. Inilapag niya sa desk ang pagkaing dala pati na rin ang kanyang bag bago naupo sa upuan niya. Si Krizzy ay pinagulong ang silya patungo sa kanya.

"Late ka nagising?"

"Oo, eh."

"Ang aga mo na ngang umalis kagabi. Bakit nga ba? Bigla na lang kayong nawala ni Xena. Sabi ni Xena natae raw siya kaya napilitan siyang umuwi." Marahang natawa si Beatrix sa sinabi ni Krizzy. Okay na dahilan iyon. Napatingin siya kay Xena na saktong nakatingin rin sa kanya. Nagmuwestra ito ng silence sa pamamagitan ng kunyaring pagsara sa labi at ngumiti sa kanya. Marahan din siyang ngumiti rito.

"Mamaya na tayo magkuwentuhan marami pa akong gagawin.

"Fine!" Muli nitong pinagulong ang upuan patungo sa desk nito. Agad namang inihanda ni Beatrix ang computer para simulan ang trabaho. Lagot siya nito kay Ms. Chavez dahil kahit isa sa pinapagawa nito ay wala pa siyang nagagawa. Mas inuna pa niya ang mag-party at ang makipagtalik kay Romulus nang halos buong magdamag.

Napangiti si Beatrix sa ala-ala ng nagdaang gabi. They made love 3 times. Matapos ng una ay nasundan agad habang nag-uusap sila kaya ang pag-uusap ay hindi na natuloy pa dahil nauwi sila sa pagtatalik dahil sa mga haplos nila sa isa't isa. At ang pangatlo ay pasikat na ang araw. Nagising silang magkayakap at halos magkadikit ang kanilang mga labi at ayon, inatake nila ang isa't isa. Iyong gigil. Iyong pananabik ay ramdam na ramdam niya. Romulus is wrong in saying that what happened last was amazing because it was incredibly amazing.

Nasa gitna siya ng pagtatrabaho nang lumapit sa kanya si Ms. Chavez. Sa bukas palang ng mukha nito alam niyang badtrip ito.

"G-good morning, ma'am," alangan niyang bati na sinabayan ng tayo.

"Kakapasok mo lang?" nakataas ang kilay nitong tanong.

"Ahm...opo. Na-late po kasi ako ng gising. Pasensiya na po, ma'am. Ginagawa ko na po iyong ipinapagawa mo."

"No need. Nagawa na ni Jenna. Kunin mo na lang ang dokumentong ipinabigay ko sa 'yo sa finance department kahapon."

"Sige...po," nauutal niyang sabi habang iniisip ang dokumentong sinasabi nito. Shit! Wala siyang maalala. Ang bawat detalye ng pagtatalik nila ni Romulus kagabi kahit ang kaliit-liitang detalye ay tumatak sa utak niya pero bakit hindi ang dokumento?

"Ito na pala." Bumaba ang tingin ni Beatrix sa kanyang desk. Mula sa sulok ay kinuha ni Ms. Chavez ang folder at binuklat iyon. Agad na nagsalubong ang kilay nito nang tila may hindi nagustuhang nakita.

"Dinala mo ba ito sa finance?" Shit! Mapipigtal na yata ang pasensiya nito.

"Hindi po yata. Nawala sa isip ko. Pasensiya na po, ma'am. Dadalhin ko po ngayon rin." Tangka niyang kukunin ang dokumento mula rito pero inilayo agad nito.

"No need!" asik nito, natigil sa ginagawa ang lahat dahil sa pagtaas nito ng boses. Siya naman ay nahawakan ang sariling kamay. Kinakabahan.

"Buong araw nakaupo ka lang dito kahapon. Simpleng bagay hindi mo magawa. Tapos ngayon late kang pumasok dahil late kang nagising. Seriously, Ms. Naval?" Nang-iinsultong humagod ang tingin nito sa kabuan niya.

"Alam kong malakas ka sa management pero huwag mo namang abusihin. Nakakaperwisya ka!" Nagyuko si Beatrix. Nakaramdam ng matinding pagkapahiya. Tama naman ito. Pero hindi rin naman niya intensiyon abusuhin ang special treatment sa kanya ni Sixto. Sadyang hindi lang talaga niya maiwasan ang mag-isip nang mag-isip kahapon. Ang laki kaya ng problema niya. Si Siera, ang itim na fairy na iyon ay maaaring makasakit ng inosente kung makukuha nito ang kapangyarihan ng hiyas.

"What's going on here?" Kalmado ngunit matigas ang boses ang muling nag-paangat ng tingin ni Beatrix saka mabilis na pumaling sa pinto.

"Good morning, Sir!" Sabay-sabay na bati ng lahat at tumayo para gumalang sa presidente ng kumpanya.

"Sir, pinagsasabihan ko lang ang bagong empleyado. Hindi niya ginagawa ang trabaho at ngayon ay late pa," mahinahom na paliwanag ni Ms. Chavez.

"You shouldn't raise your voice. Have you read the company rules and policies? There is a code of conduct that needs to be adhered to. Kung may problema ka sa isang staff kausapin nang masinsinan. Hindi dapat ipinapahiya. Talk to them privately."

"I'm sorry, sir. I'm just doing my job. She came late—"

"I know!" putol ni Romulus sa babae na bahagyang tumaas ang boses.

"Pero kahit ano pa ang dahilan hindi dapat ipinapahiya ang empleyado—"

"Sir," mabilis na awat ni Beatrix kay Romulus. Ang iginigiit nitong hindi dapat gawin sa empleyado ay ginagawa na nito ngayon kay Ms. Chavez.

"Kasalanan ko po talaga. Hindi ko nagawa ang trabaho ko kahapon tapos late pa akong pumasok."

"It's not your fault. It's mine," agaw ni Romulus na ikinabigla ni Beatrix. Ang mga tao sa paligid na kanina pa nakatayo at nakamasid sa kanila ay naguguluhan rin—kita iyon sa ekspresyon ng mga ito.

"S-sir!" madiin niyang awat. "Kayo na ho ang nagsabi na may code of conduct ang kumpanya pero ang ayaw mong gawin sa mga employee ginagawa mo rin ngayon kay Ms. Chavez." Nangunot ang noo ni Romulus. Ang ekspresyon ng mukha nito ay parang sinasabi na "seriously? Ipinagtatanggol na nga kita." Bahagya niyang pinandilat ang mata rito. Bumuntong-hininga na lang si Romulus.

"Pasensiya na ho talaga, Ms. Chavez! Hindi na mauulit," hinging paumanhin ni Beatrix.

"Kapag may problema ka kay Ms. Naval dumeretso ka sa akin. Ako ang kakastigo sa kanya." Bahagyang tumaas ang sulok ni Romulus nang tumingin sa kanya—nakakalokong ngisi ang ipinakita sa kanya na agad na nagbigay sa kanya ng kilabot at...sarap? Yeah! She literally experienced a delicious tingling sensation that traveled from her spine to her pussy. Gosh! Ano'ng klaseng kastigo. Iba ang dating sa kanya.

"Sige na. Balik na sa trabaho. Huwag masyadong masungit, nagiging visible na ang wrinkles sa noo mo. Ilang taon ka na ba?"

Agad na napahaplos ang babae sa noo. "35, sir," nahihiyang tugon ni Ms. Chavez. Tumango lang si Romulus saka ito pinaalis sa harapan. Mahinahon naman ang pag-dismiss nito rito. Humakbang si Romulus palapit kay Beatrix at tumigil sa mismong harapan niya. Itinaas ang kamay at inilapat ang hintuturo sa noo niya. He playfully pushed her head.

"Ang sabi ko kasi sa 'yo huwag ka ng pumasok. Tigas talaga ng ulo mo," he said, couldn't give a damn about the presence of her coworkers, who were watching them as though they were a love team filming a scene for a movie. Naramdaman ni Beatrix ang pag-init ng kanyang mukha nang marinig niya ang pagsinghap ni Krizzy. Bumaba ang tingin ni Romulus sa dala niyang pagkain na hindi pa niya nababawasan.

"Hindi ka talaga kumain."

"Kung kumain ako mas male-late pa ako," she reasoned out, her voice is like a buzzing bee, too shy to be heard.

"Here's the coffee." Romulus placed a cup of Starbucks coffee on her table. "Have breakfast first. Sabay tayong mag-lunch mamaya. May mga bagay akong gustong itanong sa 'yo." Mabilis na napatango na lang si Beatrix. She appreciated Romulus' effort for bringing her coffee but the anxiety he gave her was too much; she wanted to push him away rather than say thank you. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan na itong umalis sa kanyang harapan at maglakad papalabas. Napahawak siya sa gilid ng kanyang desk.

"I forgot something." Napaigtad si Beatrix at mabilis na napapihit. Sa pagpihit ay sakto naman ang paglapat ng labi ni Romulus sa kanyang noo.

"Glad you accepted the ring," he said before turning away and exiting the room. Unti-unting gumalaw ang mata ni Beatrix sa mga kasamahan; katulad niya ay pawang nakaawang ang mga labi ng mga ito. Ngayon palang ay tila gusto na niyang bumuka ang lupa at lamunin na lang siya o di naman ay sana may dumating na witch na mahusay sa pagawa ng portal o may teleportation power para saklolohan siya. Pero wala at wala siyang magagawa kundi ang harapin ang tiyak na mga tanong mga katrabaho.

Nahihiyang umupo sa tapat ng desk si Beatrix. Si Krizzy, na kanya na niyang inaasahan, ang unang lumapit sa kanya na sinundan ni Brian. Napangiwi si Beatrix sa sunod-sunod na tanong ng dalawa, pati si Precilla na may kalayuan ang puwesto sa kanila ay sumugod na rin.

"Grabe! How to be you po?" kantiyaw ng isa sa mga matagal ng employee rito.

"Hindi pala ang marketing director," si Precilla na sinundan ng karamihan, "CEO pala!" Lalo siyang nahiya sa mga kantiyaw. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ng lalaking iyon para puntahan pa siya rito? Akala niya ay tapos na ang kahihiyahan na mararanasan sa araw na ito pero nagkamali siya nang labing limang minuto bago ang lunch break at dumating si Romulus. Agad na umiling si Beatrix nang makita ito sa pinto. Gusto niyang sabihing hindi pa break time pero hindi niya masabi. Sana na naman makuha nito ang gusto niyang iparating dito.

Romulus smiled at her, "I'll wait here until the break time comes. Fifteen minutes lang naman. I've waited for you for a year. Ano ba naman ang fifteen minutes." Namilog ang mata ni Beatrix sa sinabi nito. Si Brian at Krizzy pati na rin ang iba ay parang sinisilihan sa kinauupuan.

Gusto niya itong itaboy. Paano siyang magiging kumportable kung alam niyang pinapanood siya nito? Maganda na ang flow ng ideas sa utak niya. Hindi naman siya naiilang dito noon. Sanay na sanay siya sa mga pagtitig nito at kahit nasa pampublikong lugar pa sila. Pero ngayon iba, iyong awkwardness na ipinaparamdam ng presensiya ni Romulus na hindi naman niya maramdaman noong nagsisimula palang sila. Siguro dahil nagsimula sila sa pagiging aso't pusa hanggang maging FUBU na kahit nga may nangyayari na sa kanila madalas pa silang magbangayan. The awkwardness she felt right now is not actually a bad thing, it's actually good. May halong kilig ang hiya na kanyang nararamdaman.

Itinaas ni Romulus ang kamay habang nakaturo ang hintuturo saka sumenyas ng iikot saka nito iyon ginawa. Tumalikod at sumandal lang ito sa hamba ng nakabukas na pinto. "Okay na ba 'to? Hindi ka na siguro maiilang." Shit! Hindi niya alam ang mararamdaman sa ginagawa nito. Gusto niyang kiligin pero nananaig talaga ang pagkapahiya sa mga katrabaho. Bakit ba ito ganito?

Sinubukan niyang ituon ang buong atensiyon sa ginagawa pero hindi na talaga niya magawa. Mas gusto na lang niyang matapos ang oras para mahila na si Romulus palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top