Chapter 28
NAGSIMULA NA ang bidding. Siya ay umalis muna sa kanilang mesa para hanapin si Sixto na dapat ay narito para mag-bid. Gusto raw nito ang sculpture ng warrior princess na gawa sa bronze. Iyon na ang susunod na ipapa-bid. This auction is not just an ordinary event. Tama ang kanilang brand manager na mga prominenteng indibidual sa iba't ibang panig ng mundo ang dadalo sa event na ito. Nalulula siya sa presyo ng mga artwork. Opening price pa lang ay ang taas na. Hindi lang iyon, hindi peso ang ginagamit na currency kundi US dollar. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit may mga taong gumagastos ng ganoon sa isang simpleng bagay lang. Pero sabagay, hindi naman kasi siya artist at wala siyang hilig sa arts. May kanya-kanya naman talagang obsession ang mga tao.
Nabalingan niya ang terrace, napangiti nang matanaw si Sixto at Bruce mula nakabukas na glass door. Kapwa nakatayo ang dalawa sa may balustre, magkaharap na nag-uusap habang may kanya-kanyang hawak na baso ng alak. Sa titig palang ng dalawa sa isa't isa habang nag-uusap ay mararamdaman na sa hangin ang intimacy sa dalawa. Kung may makakakita tiyak na pagdududahan ang dalawa lalo na ng humarap si Bruce sa labas habang si Sixto ay pumuwesto sa likuran ni Bruce. Inihawak nito sa pasamano ang isang kamay habang ang hawak na baso ay dinala sa bibig at inisang lagok ang laman. Halos mapatili si Beatrix sa kilig nang ilapit ni Sixto ang labi sa tainga ni Bruce kasabay nang pagdiin ng katawan nito sa likod ni Bruce. Ang kamay ni Bruce ay napahawak sa gilid ng balakang ni Sixto. Natitiyak niyang dinidilaan ni Sixto ang tainga ni Bruce habang ipinaparamdam ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Ganyan ang ginagawa sa kanya ni Romulus, eh. Ang lalandi ng mga ito.
Panget naman kung iistorbohin niya ang dalawa sa hook-up session ng mga ito. Nagpasya siyang bumalik na lang sa loob. Pero sa pagpihit ni Beatrix para sana bumalik sa loob ay natigil nang makita ang ama ni Bruce na naroon, kunot ang noo na nakatingin sa direksyon kung saan naroon sina Sixto at Bruce.
"Shit!"
Sa kabila ng paglukob ng takot ay nagawa naman ni Beatrix na paganahin ang utak sa dapat gawin. Mabilis na naglakad si Beatrix patungo sa terrace. Malaking gulo ito kapag nalaman ng papa ni Bruce ang relasyon ng dalawa.
"Stop flirting!" sita ni Beatrix sa dalawa sabay hila kay Sixto palayo kay Bruce.
"Nandito si Tito Cesar, kapag hindi niyo tinapos kalandian niyong dalawa malalagot kayo."
"What? Si papa?" Agad na hinanap ni Bruce ang ama at nang masipatan ay nagmura ito. Agad na nagkunwaring hindi nito nakita ang ama at humarap kay Beatrix. Yumakap si Beatrix kay Sixto nang makita ang paglapit ng ama ni Bruce sa kanila. Ipinaikot niya ang mga braso sa baywang nito mula sa tagiliran. Tahimik ang tatlo habang hinihintay ang tuluyang paglapit ng ama ni Bruce.
"Bruce?"
"Fuck!" mura ni Bruce nang marinig ang pagtawag ng ama. Bakas sa mukha ang nerbiyos na nararamdaman nito ngayon.
"Relax," utos niya kay Bruce at ngumiti sa ginoo.
"Hi, Tito Cesar, nandito rin po pala kayo?" Bumitaw siya kay Sixto at bumeso sa ama ni Bruce.
"Nandito ka pala, Beatrix."
"Opo! Sinama po ako ng boyfriend ko." Iniyakap niyang muli ang isang braso sa baywang ni Sixto.
"This is my boyfriend, Sixto. Love, this is Tito Cesar, Kuya Bruce's father."
Umiling si Cesar at marahang natawa, kapagkuwan ay inilahad ang kamay. "It's nice to meet you again, Sixto."
Mabilis na inilapag ni Sixto ang baso sa pasamano at agad na inabot ang kamay ng ginoo. "Likewise, sir." Na-meet na ni Sixto ang parents ni Bruce noon sa Baguio.
"Nandito ka, Papa?" si Bruce na hinila nang bahagya ang bowtie na para bang nasasakal ito niyon.
"Ang Ninong Ed mo, niyaya akong magtungo rito. Alam kong pupunta ka rito kaya naisip kong hanapin ka. May nakapagsabi sa akin na narito ka."
"Ganoon po ba? Ahm...halika. Puntahan natin si Ninong Ed." Ngumiti sa kanila ang lalaki bago tuluyang umalis. Nilinga pa sila ni Bruce habang papalayo.
"Bakit hindi niyo na lang kasi sabihin?" Tanging pag-iling lang ang naging tugon ni Sixto at inaya na siya nitong pabalik. Nanatili ang kamay nito sa kanyang baywang. Kapwa natigil ang dalawa sa paghakbang sa biglang paglapit sa kanila ni Missy.
"Can we talk?" may munting ngiti sa labi nitong sabi. Tiningala niya si Sixto na nakatingin naman sa kanya. Bahagya niya itong tinanguan para sabihing mauna na ito. Iyon ang senyalis nito para alisin ang kamay mula sa kanyang baywang.
"Walang magsasabunutan," sabi ni Sixto.
"We won't," si Missy. Muli siyang tiningnan ni Sixto bago sila tuluyang iniwan.
Lumagpas ang tingin ni Missy sa kanya patungo sa terrace na kanilang pinanggalingan. "Let's go there." Nagpatiuna si Missy, sinundan lang niya ng tingin si Missy na naglalakad sa mabagal pero maakit na paraan. Bumuntong-hininga si Beatrix bago tuluyang sumunod kay Missy. Tumayo siya sa likuran nito. Tahimik niyang pinagmasdan si Missy.
"Kumusta ang trabaho mo sa Lua Azul?" tanong nito saka pumihit paharap sa kanya.
"Okay naman. Magaan lang. Nai-enjoy ko naman."
Niyakap ni Missy ang sarili. "Hindi mo tatapusin ang course mo? Do you have a plan to go back to school?"
"For now, wala. I need to work."
Marahan itong tumango. Hinaplos ang hantad na braso nang umihip ang malamig na hangin. Nilinga nito ang labas, niyuko ang ibaba mula sa ikalawang palapag ng gusaling kanilang kinaroroonan. Ilang sandali bago pinakawalan ang tanong na nagpahigit sa kanyang paghinga. "How about Romulus?" Parang gusto rin niyang mapayakap sa sarili. Muli siyang hinarap ni Missy at sinundan pa ang tanong.
"Do you have a plan to take him back?" Hindi umimik si Beatrix. Hindi niya alam ang isasagot kaya nagyuko na lang siya. Iyon naman kasi ang plano. Iyon ang gustong mangyari nina Luna. Iyon ang pangako niya kay Heironimos—ilaban ang kanilang pagmamahalan. At iyon ang gusto niya. Muling nag-angat ng tingin si Beatrix nang maramdaman niya ang paghawak ni Missy sa kanyang isang kamay habang ang isa naman ay hinawakan ang kanyang braso dahil sa hawak pa rin niya tablet. Nanikip ang kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mata. Puno ng kalungkutan at pagsusumamo ang pagtitig nito.
"Akin na lang siya. Huwag mo na siyang bawiin, please!"
"Missy," mahina niyang usal, nakikiusap.
"Please!" Bigla na lang siya nitong niyakap, nagsimulang humikbi. Mariing ipinikit ni Beatrix ang mga mata nang magmakaawa si Missy sa kanya.
"Hindi ko naman ginusto. Hindi ko alam kung paanong nangyari basta minahal ko na lang siya. I'm sorry." It's destiny. Hindi mapipigilan ang atraksiyon. Hindi nito iyon kasalanan. Kasalanan niya dahil siya ang umalis. Siya ang nang-iwan kay Romulus. Mabilis siyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Missy nang biglang mag-init ang kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang pag-alpas ng hikbi sa kanyang lalamunan. Nilagpasan niya ito. Isinandal niya ang harapang katawan sa balustre habang ang braso ay ipinatong sa pasamano.
"I'm sorry again." Narinig niyang ibinulong ni Missy at kapagkuway narinig niya ang papalayong yabag nito. Nang tuluyang maglaho ang tunog ng sapatos nito sa sahig ay noon niya tuluyang pinakawalan ang hikbing tila sumasakal sa kanya. This is so painful for her. Hindi deserve ni Missy ang masaktan. Kilala niya si Missy. Kung hindi lang sa pagiging mate ng dalawa tiyak na hinding-hindi nito papatulan si Romulus.
Ilang sandali siyang nanatili lang doon. Kinalma ang emosyon. Nang maging maayos ay nagpasya siyang bumalik sa event. Patuloy pa rin ang bidding.
"Saan ka galing?" tanong ni Brian.
Ipinatong niya ang tablet sa mesa kasama ang bag bago hinila ang silya. "Nagpahangin lang." Ang tangka niyang pag-upo ay napigil nang magawi ang kanyang paningim sa entablado kung saan naroon ang auctioneer habang may manghang isinasalaysay ang kuwento at pinagmulan ng auction item—isang painting. Ang painting na kilalang-kilala niya kahit mahabang panahon pa ang lumipas dahil siya ang mismong nasa painting—a woman in a pair of black underwear, a pair of Gucci sneakers, and a red hooded cloak as she sat on the huge rock in a sensuous position. Siya iyan—iyan ang ipininta ni Hieronimos.
Wala sa loob na naglakad si Beatrix patungo sa pasilyong nasa gitna mismo ng mga mesa na maayos na nakahilera sa bawat panig. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa entablado habang ang kamay na naginginig na nakakuyom ay nasa ibabaw ng kanyang dibdib, dinadama ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso. Huling kita niya sa painting na iyan ay hindi pa tapos. Hindi pa naiguguhit ang tubig at mga halaman pero ngayon ay kumpleto na iyon. Tinapos ni Hieronimos. The background was blurred, making the model standout. It was so beautiful.
Umalpas ang hikbi sa kanyang lalamunan nang makita ang nakasulat sa painting. "Minha Linda Dama do Futuro" na ang ibig sabihin ay My Beautiful Lady From The Future. At sa bandang baba ay ang pangalan ni Heironimos.
The auctioneer began bidding after providing an almost exact description and history of the painting.—it was the creation of a demigod. A demigod who fell in love with a woman who travelled from the present time to the past. Ang suot sa painting ay nagpapatunay sa kuwentong iyon. That painting, according to the auctioneer, was famous all over the world. People were convinced that the story was true because the underwear she wears, which did not exist in the 18th century, can be used as evidence, notably the high-end luxury brand of sneakers that was only founded in 1921.
Si Beatrix ay tuluyang napaluha habang malinaw sa bumalik sa kanya ang alaala kung paano siyang iginuhit ni Heironimos. Hindi pa iyon buo nang makita niya at hindi na ipinakita pa sa kanya ni Heironimos. Nangako itong sa katapusan ng buwan ay matatapos nito ang painting—sa kaawaran ni Celtici. Ang mga taong naroon ay pawang nakatingin na kay Beatrix. Maging ang auctioneer ay nahinto rin sa pagsasalita nang mapansin si Beatrix.
Despite the distraction Beatrix had caused, the auctioneer continued and provided an opening price—a sum that may be realistic for the bidders but not for her, because it's priceless. It belongs to her. Sa kanila iyon ni Heironimos. Beatrix panicked when someone proclaimed his bid.
"No!" nilingan niya ang paligid at hinanap ang taong nag-bid. Nalaglag lalo ang mga luha sa kanyang mata dahil sa marahas na pagbaling ng ulo.
"It's not for sale! That painting is mine!" tumaas ang boses niya sa pagbabala sa mga guest. Wala na siyang pakialam sa kung nakakagulo na siya. Ibinalik ni Beatrix ang tingin sa auctioneer.
"Please, don't sell it," she begged him.
"Who are you? If you want this item then join the bidding."
She shook her head. How can she bid if the opening price is worth a fortune? "No! Please—" Humakbang siya palapit sa stage pero agad na may humawak sa kanyang kamay at hinila siyang pabalik—it was Sixto.
"Ano ang nangyayari, Beatrix?"
"Sixto!" She grabbed the lapels of his tuxedo.
"Please, help me to get the painting. That's me...the woman in the painting is me...Heironimos painted me. Akin ang painting na 'yan, sa amin ni Heironimos...please, Sixto, help me to get the painting."
Ipinaikot ni Sixto ang braso sa baywang ni Beatrix. "Okay," Sixto agreed to appease her. He raised the bid paddle and announced his bid in order to outbid the first bidder.
"Four hundred ten million dollars," Sixto declared, attempting to outbid the $400 USD. Isinubsob ni Beatrix ang mukha sa dibdib ni Sixto. Nanalangin na wala ng mag-bid pa.
"Damn! That was a huge amount," mahinang palatak ni Sixto na mukhang nabigla sa sariling ginawa.
"Why is this fucking worth a fortune?" anito.
"Four hundred ten million dollars bid! Now 420, will you give me 420?"
"Four hundred and twenty," a man announced his bid price. Humigpit ang hawak ni Beatrix sa lapel ni Sixto, higit na natakot na mapunta sa ibang kamay ang painting ni Heironimos.
"420, thank you sir. 430?" the auctioneer said.
"Four hundred thirty," Sixto bid, but another crunchy curses flew from him, indicating that he didn't want to do this war bidding, which was understandable given the high price of the item, which surprised her of how expensive it was.
"430, I am bid! Do I hear 440?"
"Four hundred forty!"
"What the fuck!" palatak ni Sixto na nilinga ang nagdeklara ng mataas na bid. Mas lalo lang isinubsob ni Beatrix ang mukha sa dibdib ni Sixto at iniling ang ulo. Mas nagmakaawa pa kay Sixto. Hindi niya pinagkaabalahan na tingnan pa ang bidder.
"Who the fuck is him?" usal ni Sixto.
"I'm at $440 million, can anyone do better than $440 million?" Sixto cursed upon hearing the auctioneer because he couldn't afford to increase his bid price anymore.
"No? OK, going once..."
"Sixto, please!" she begged upon hearing the auctioneer start to say the cliché words to close the bidding.
"Five hundred!" The auctioneer was interrupted mid-sentence by a bidder with a greater offer price, but it wasn't Sixto. Napahikbi si Beatrix nang tuluyang isarado ng auctioneer ang bidding nang wala ng lumaban pa kahit si Sixto.
"Don't cry, Beatrix. Mas may chance kang makuha ang painting." Nag-angat siya ng tingin kay Sixto. Gumawi ang tingin nito sa kaliwang bahagi na sinundan naman niya. Si Romulus ang nakita niyang naroon na nakatingin sa kanya habang may madilim na ekspresyon.
"Congratulations and thank you, Mr. Saldivar. You are now the new owner of one of the most valuable paintings in the world," the auctioneer announced. Mabilis siyang napatingin kay Sixto.
"It was easy to take that painting. He wasn't interested in this auction. He just bid because he saw how interested you are in that painting. Ang hindi natin alam kung magpapakawala siya ng ganoong kalaking halagang pera para ibigay sa 'yo ang painting o para hindi mo makuha para paghigantihan ka." Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito sa huling sinabi dahil sa nakakalokong ngising gumuhit sa labi nito.
"Let's annoy him more." Pinakawalan siya ni Sixto pero sa halip na lumayo ay ipinailalim nito ang isang braso sa kanyang coat, ipinaikot ang braso sa kanyang baywang at bigla na lang siyang hinilang palapit sa katawan nito.
"Let's go. Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao." Iginiya siya ni Sixto. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay noon niya napagtanto na nagiging kahiya-hiya na nga siya. Nahagip ng kanyang paningin si Romulus na masama pa rin ang titig sa kanya.
***
HINDI niya alam kung tama bang magtungo pa rin siya sa mansiyon sa Sorsogon gayong alam niyang hindi naman siya welcome rito, lalo na kay Romi na matindi ang galit sa kanya. Pero si Luna, gusto nitong magtungo siya rito. Kailangan daw niyang makuha ulit ang loob ng pamilya ni Romulus. Madaling makuha ang loob ng magulang ni Romulus pero hindi ni Romi. Ito nga't masama na naman ang tingin sa kanya habang nagmemeryenda sila sa courtyard. Tumayo ito nang hindi na matagalan ang presensya niya.
"Romi," pigil ng ama kay Romi.
"Dad, please! Masakit ang ulo ko. You know that. Kaninang umaga pa."
Inabot ni Natasha ang braso ng esposo. "Hayaan mo na ang anak mo."
"Thanks, mom." Sinulyapan ni Romi si Beatrix, nagbabanta ang titig nito sa kanya at kapagkuwan ay tuluyan ng umalis.
"Pagpasensiyahan mo si Romi, Beatrix," hinging paumanhin ng Nikuro.
"I understand po."
"She'll forgive you...siya ang pinaka-affected nang iwan mo si Romulus. She cried as if she was the one who was broken hearted kaya intindihin mo na lang." Tumango si Beatrix at ngumiti kay Luna na katabi niyang nakaupo. Naiitindihan naman niya iyon. Malaki ang naging kasalanan niya at deserve niya ang trato sa kanya ni Romi.
Matapos magmeryenda at makipagkuwentuhan kay Luna at sa mga magulang ni Romulus ay nag-ikot siya sa mansiyon. Napakalaki ng mansiyon na ito talaga ni Lakon. Ang pamilya ni Romulus ang nakatira rito pati na rin sina Fhergus, Axton, Damon at Logan. The right wing was occupied by the Saldivar family and the left wing was occupied by the bachelor lycans. May sari-sariling silid ang mga ito. But since Lakon was back who was detained for century, isa na ito ngayon sa umumuukupa sa manisyon na siya naman talagang may-ari nito. Si Fhergus at Axton ay bumukod na rin ng magkapamilya pero ang silid na laan para sa mga ito ay nanatiling para sa kanila. Ang mga ito pa rin ang umuukupa kapag nagtitipon-tipon sa mansiyon.
Napag-usapan nila ni Luna ang tungkol kay Clyde. Ayon kay Luna, base sa imbestigasyon ay hindi iyon si Clyde kundi ang nakatatandang kapatid nito na kamukhang-kamukha ni Clyde, si Drake. Hindi naman kasi niya kilala si Clyde, nakilala lang naman niya ito dahil kay Missy kaya hindi niya alam ang tungkol sa buhay nito. Natigil sa paghakbang si Beatrix nang makita niya ang pinto ng art gallery ng mansiyon. Nakapasok na siya sa silid na iyan. It was a 100-foot dome gallery for displaying artworks. The wall was filled with paintings—artworks of Lakon.
Napangiti si Beatrix at biglang nakaramdam ng matinding excitement sa isipang posibleng narito inilagay ni Romulus ang painting ni Heironimos. Nalaman niya niya mula kay Sixto na dinala ni Romulus ang painting dito kaya ito rin ang mas na-gpush sa kanya na bumalik sa mansiyon. Hindi siya makapaniwala. That painting was sold for $500 million, almost 29 billion in peso. But It makes sense now after she did some research on the painting. Hindi lang naging klaro kundi nawindang siya sa mga nalaman. According to the several articles she had read, the artwork was held by a duke of Beja, Baltazar Tavarez, and after his death, it was left to the care of his wife, Maria Barbara. Because Maria Barbara publicized the painting and its author, as well the story of it, the tale quickly spread throughout Portugal.
Paulit-ulit na ikinuwento iyon ni Maria Barbara sa marami dahil sa napakagandang kuwento. Maraming nag-aakala na isa lang iyon fiction pero marami rin ang naniwala na totoo iyon dahil sa mga ebidensiya.
Sumikat ito ng husto dahil sa underwear na suot na para raw na-predict ng artist ang damit na magiging patok sa hinaharap o sadyang alam talaga ng artist ang tungkol doon dahil nga ang babaeng nasa painting ay totoo at ito ay galing sa hinaharap na nakilala ng artist na pinaniniwalaan ng lahat na isang demigod dahil na rin sa kuwento ng saksi. Higit lalong nakilala ang painting ng taon kung kailan naitatag ang Gucci kung saan suot ng babae sa painting ang Gucci sneakers. The painting was owned by the Portuguese monarchy until its fall. It was placed in a private auction and sold in 1920 for approximately $100 million dollars. At the time, it was the most expensive painting ever sold—it was purchased by a royal family of Spain until it was sold again to a very private business tycoon in 2000 for $300 million USD, placing it second on the top list of the most expensive paintings in the world—second to Mona Lisa but top on the list of price paid paintings. At ngayon nga, na sinasabing ang anak ng business tycoon na nagmana sa painting na may asawang Filipina ang siyang nagbenta naman ng painting at si Romulus ngayon ang siyang nagmamay-ari. Naibalik kay Heironimos. Salamat sa mga nag may-ari na inalagaan nang husto ang painting. But she was puzzled why the other Hieronimos' artwork didn't receive the same attention as "My Beautiful Lady From The Duture." It was only available from a small, unknown antique shop.
Binuksan ni Beatrix ang pinto ng art gallery at dahan-dahang pumasok. Marahan niyang isinara ang pinto at naglakad sa pinakagitna ng dome gallery. Puno ng painting ang dingding at lahat ng iyon ay gawa ni Lakon. Kung ang mga painting na ito ay naisapubliko at nalamang isang Lycan ang artist ay tiyak na pagkakaguluhan ang mga painting na ito. Inikot niya ang kanyang paningin, sinuri ang bawat painting sa pagbabasakaling naroon ang painting na hinahanap pero wala.
Saan kaya inilagay ni Romulus?
Humakbang si Beatrix palapit sa isang painting na nakasabit sa dingding na si Lakon din ang nagpinta na may mapagat na "O grande soldado" o the great soldier. The painting presents a soldier in a half-body portrait, dressed in a combination of blue, white and red soldier uniform. Bahagyang nangunot ang kanyang noo ng mapansin ang brooch na nakakabit sa lapel ng coat nito. It was a sword with wings and what caught her interest is the oval-shaped blue gem, a diamond perhaps. It seems familiar to her. Bumaba ang kanyang paningin sa pangalang nakasulat sa ibaba.
"General Peter Ribeiro," basa niya sa pangalang nakasulat doon.
"I hope you are proud of him, Beatrix." Mabilis na pumihit si Beatrix para makita ang taong nasa likuran. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa silid.
"Uncle Lakon."
Huminto si Lakon sa mismong harapan niya. "How's your journey from the past?"
Unti-unting namilog ang mga mata ni Beatrix. "You know!" bulalas niya.
"Oo naman." Humakbang ito, nilagpasan siya saka pinagmasdan ang painting sa dingding.
"I've been wondering who you are. Hindi ko alam kung paniniwalaan kita pero kahit duda, sinubukan kong magtiwala sa babala mo." Pumihit sa kanya paharap si Lakon.
"Salamat sa babalang iyon dahil napaghandaan namin at walang nasawi ni isa sa mga sundalo sa pangatlong pag-atake." Ikinagalak ni Beatrix ang narinig.
"Nang matapos ang giyera, hinanap ko ang batang ipinakiusap mo sa akin."
"Si Peter—" nabitin ang kanyang salita nang may mapagtanto. Lumagpas ang tingin niya kay Lakon patungo sa painting.
"Si Heneral Peter Ribeiro, ang batang ipinakiusap mong tulungan para matupad ang pangarap na maging sundalo." Natutop ni Beatrix ang kanyang bibig sa narinig. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa painting habang ang mga mata ay napuno ng luha at ang puso ay napuno ng emosyon.
"Peter," naluluha sa kaligayahang sambit niya.
"Isa siyang magiting na sundalo. Malaki rin ang naging paghanga at respeto sa 'yo ng batang iyan at ng mga taga Celtici." Naguguluhan niyang hinarap si Lakon dahil sa sinabi nito.
"Ang baryo na walang pagkakilanlan ay pinangalanang Celtici, isinunod sa pangalan ng taong nagpahalaga sa kanila. Itinuturing ka nilang bayani." Napahawak si Beatrix sa kanyang dibdib. Muling binalingan ang painting at tuluyang nalaglag ang luha mula sa kanyang mga mata.
"I'm so happy for you, Peter. I'm so proud of you." Walang pagsidlan ang kaligayahan niya na malamang natupad ni Peter ang pangarap nito. Natitiyak niyang nakasulat ito sa talaarawan ni Baltazar na hindi pa rin niya naipagpatuloy na basahin dahil sa lungkot na nararamdaman sa tuwing hahawakan ang talaarawan. Ngayon ay buo na ang loob niyang basahin uli iyon at malaman pa ang magagandang nangyari sa mga taong nakilala niya. Si Celtici...kinilala ito bilang mabuting tao at hindi kinatatakutan. Nagawa niyang baguhin ang pagtingin ng tao kay Celtici.
Natuon ang atensiyon ni Beatrix sa brooch na nakakabit sa damit ni Peter. Saan napunta ang hiyas? Kanino kaya iniwan ni Peter? Sa pamilya nito marahil. Mabilis na bumaling si Beatrix kay Lakon.
"Sino ang descendant ni Peter? Nakikilala mo pa ba?"
Tumango si Lakon. "Ang mga Saldivar."
Higit na ikinamangha ni Beatrix ang narinig. "Sina Romulus?"
Nakangiting tumango si Lakon. "Naikuwento sa akin ni Peter at Baltazar ang mga nangyari. Ngayon, oras na para tapusin ang misyon, Beatrix. Hanapin si Siera at tuluyang patahimikan ang masamang espiritu...at ang pinakamahalaga, ipagpatuloy ang lahi ni Peter. Mas marami, mas maganda, mahina ang si Nik at ang mga nauna pa..isa hanggang dalawang anak lang at ang iba pa ay namamatay ng wala pang anak...at ang unang hakbang na dapat gawin para maparami ang lahi, akitin si Romulus ."
Marahang napatawa si Beatrix sa kabila ng sari-saring emosyon pumupuno sa kanyang puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top