Chapter 27
Following their initial training, they were assigned to their respective tasks. She was assigned to the research team, Krizzy to content marketing, and Brian to marcom. In the coming week, an arts auction will be held and Lua Azul is one of the sponsors. The new launch brand of spirit of Lua Azul will serve at the event as part of the marketing strategy. They need to be there too to monitor guests' reaction to the new product, and they will make recommendations and provide launch strategies based on their analysis.
Muli silang sabay-sabay na nanghalian sa cafeteria ng mga bagong katrabaho. Mababait ang mga ito. Madaling pakisahaman. Nilinga niya ang mga katrabaho na nauna na sa mesa. Nahuli siya sa pagkuha ng pagkain. May tatlong lalaki na ang naroon na bago sa kanyang paningin. Tingin ay taga ibang departamento. Ang dalawa ay nakaupo sa kabilang bagahi ng mesa kung saan nakaupo si Krizzy at Brian habang ang isa naman ay nasa kabila rin, nakatalikod ito mula sa kanyang direksiyon.
"Ito na." She gazed back at the lady, taking the bottle of water from her and thanked her. She set it down on the tray before picking up the one holding a dish of adobo and a cup of rice. Two of the men at the thier table were looking at her as she walked up to it, but she didn't feel uncomfortable. Even then, she was accustomed to such circumstances.
"Iyan naman si Beatrix," si Krizzy nang makita ang pagdating niya.
"Super pretty ano?" Krizzy added. One man pushed the other to move sideward to make room for her.
"Dito ka na," alok nito.
She thanked him and moved to the side of the table where he was seated rather than declining. Beatrix turned to face her coworkers from the opposite direction, but froze on the spot when she noticed a familiar face on one of the people sitting there—the same she noticed earlier. When he caught sight of her, the man's grin abruptly vanished from his lips. She tightened her grip on the tray, but she had no idea how it had slipped. Everyone was shocked, including her coworkers and the other diners in the cafeteria from the scene.
"Beatrix, ayos ka lang ba?" Krizzy rushed over to her. She made her sit right away, thinking Beatrix wasn't feeling well.
"Nanghihina ka ba? Nahihilo?" Beatrix gently shook her head to dispel Krizzy's worry.
"Beatrix Naval? Ang liit talaga ng mundo. Akalain mong dito pa tayo magkikita."
She clenched her palms that rested on top of her thighs.
"Magkakilala pala kayo," si Brian.
"Oo naman. Mahirap kalimutan 'yan si Beatrix."
Her colleagues laughed, thinking those were romantic words. But it was nothing but rage and mockery.
"Siya kasi ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ng girlfriend ko noon. She persuaded our classmates that she is capable of foreseeing people's futures at kapag may pumatol magpapabayad siya. Isa ang girlfriend ko sa nauto niya. Sinabi ba naman sa girlfriend ko na niloloko ko kaya ayon nakipag-break."
Mahabang "Oh!" ang sabay-sabay na nasabi ng karamihan sa kasamahan niya. Lahat ng tingin ay natuon sa kanya. Hindi umimik si Beatrix. Nakatingin lang siya sa lalaki. Naguguluhan. Paanong nangyaring buhay pa si Clyde? Natitiyak niyang napatay niya ito. Ibinalita iyon sa national TV. Napatay niya nga ba? Nabago rin ba ang pangyayaring iyon?
"Kaya ingat kayo, magaling mang-uto ang taong iyan." Nanatili siyang tahimik pero magulo ang utak. Wala sa sinasabi ni Clyde ang isip niya kundi sa kung paanong nangyaring nabuhay ito.
"Tama na 'yan, pare," saway ng lalaking katabi niya nang mapagtantong seryoso si Clyde at may galit. Kahit ang mga kasamahan niya ay natahimik.
"Ikuha na lang kita ng bagong pagkain, Beatrix," alok ng lalaki. Noon naputol ang pagtitig niya kay Clyde at bumaling sa katabi.
"Hindi na. I'm okay. Hindi pa naman talaga ako gutom." She lied. She's starving. He didn't have breakfast earlier for waking up late. She's still busy arranging her new place. He was very tired yesterday. Napagod siya nang husto kahapon. Napasarap ang tulog niya sa gabi, french fries at burger lang kinain niya at tanghali nang nagising sa umaga. She's moved to her new condo unit that was provided by Sixto. She is still said to be the seer who has the privilege to receive from Lycan and Paganus' assistance. She learned that her parents were the only ones who did not want to receive help from them and completely cut their connection with Paganus and Lycan when Beatrix disappeared. May electronic devices na kakailanganin niya sa trabaho ang kasama sa ibinigay ni Sixto. Ang sasakyan at driver ay tinanggihan na niya. Transportation allowance na lang ang hiningi niya para naman hindi na mabawasan ang sasahurin niya.
"Babalik na lang muna ako sa office. Marami pa akong tatapusin. Excuse me." Tumayo siya at nagmadali nang naglakad palabas ng cafeteria. Diretso niyang tinungo ang ang elevator. Agad niyang pinindot ang buton sa panel, bumukas iyon pero hindi na nagawang pumasok nang marinig ang boses ni Clyde na sumunod pala sa kanya.
"Nagkita na kayo ng kaibigan mo? Kumusta? Maayos ba ang pagkikita niyo, ah, Beatrix?" Ikinuyom ni Beatrix ang kanyang palad. Alam niya ang laman ng mga salita nito. Ipinapamukha sa kanya ang naging balik sa ginawa niya sa relasyon nito at ni Missy. Dahil nga lang ba noon o may mas malalim pang dahilan. Ngayon ay mas kinakabahan siya. Naaalala kaya nito ang mga nangyari? Ang nagawa niya rito. Hindi kaya ang galit nito sa kanya ngayon ay hindi lang dahil sa pagkasira niya sa relasyon nito at ni Missy.
"O sira na rin? Isn't it funny, Beatrix? Nawala rin ang lalaking pinakamamahal mo." Bigla ang pag-init ng kanyang mga mata sa mga sinabi nito pero bago pa man tuluyang bumagsak ang luhang namuo ay muli niyang pinindot ang buton sa panel. Hindi na niya binigyan nang pagkakataon na ipahiya pa ang sarili at bigyan ng satisfaction si Clyde na makitang nasasaktan siya. Nang bumukas muli ang elevator ay agad siyang pumasok. Sa pagpihit niya ay galit na mga mata ni Clyde ang nasalubong ng kanyang paningin. Their gazes locked as the elevator door began to close. His rage was palpable to her. Mariing naipikit ni Beatrix ang mata nang tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Ang hiningang pinipigil ay tuluyang pinakawalan.
Paanong nangyaring buhay si Clyde? May parte sa kanyang natutuwa na makitang buhay si Clyde. Posibleng nabago ang insidente dahil sa pagbalik niya sa nakaraan. At isa lang ang ibig sabihin, wala siyang napatay at ikinagagalak niya iyon.
Nagmadali niyang tinungo ang opisina. Ipinatong niya ang bag sa ibabaw ng desk at naupo sa kanyang cubicle. Agad niyang binuhay desktop, clinik ang Google icon at mabilis na itinipa sa search box ang buong pangalan ni Clyde—Clyde Montezalve. Hindi na niya naigalaw ang daliri niya nang bumungad agad ang balita tungkol sa pagkamatay ni Clyde isang taon na ang nakalipas dahil sa kidlat.
"It happened...but how?" usal niya sa sarili. Inabot niya ang mouse at dahan-dahan niyang in-scroll ang web page. Sinubukan niyang mag-search tungkol sa pagkabuhay ni Clyde pero wala. Ang narito lang ay tungkol sa aksidenteng nangyari na hindi naman talaga aksidente dahil siya mismo ang nakapatay kay Clyde. Kinukumpirma sa iba't ibang news outlet na nakita niya na namatay nga si Clyde.
Itinukod niya ang siko sa desk at sinapo ang mukha ng palad. Nararamdaman niya ang panginginig ng kanyang kalamnan sa pinaghalong gutom, takot at pagkalito. Hindi na niya alam ang nangyayari.
Pagsapit ng ala-una ay dumating na ang katrabaho niya mula sa lunch break. Maingay ang mga itong pumasok pero biglang nagsitahimik at natitiyak niyang dahil sa kanya iyon. Siguradong mag-iiba ang pagtingin ng mga ito sa kanya—manloloko at mukhang pera. Sumunod na pumasok ay ang mga dating employee na rito. Ang mas may matataas na posisyon sa kanila. Maiingay rin, nagtatawanan habang kanya-kanyang umupo sa kanya-kanyang cubicle. Ipinagpatuloy na lang niya ang trabaho at ganoon din ang kanyang co-workers. Nasa gitna sila ng tahimik at seryosong pagtatrabaho nang dumating ang finance manager para ianunsyo ang early coffee break. 1:30 palang. May tatlong delivery man ang kasunod na pumasok na may dalang ilang kahon ng pizza at iba pang pagkain.
"Have one hour snack break, utos sa taas," ani ng manager. Nagtataka man ay nagalak ang lahat. Parang kakakain lang ng mga ito pero mukhang gutom na gutom na naman agad. Nagmadali pa ang mga ito sa pagkaing inabot ni delivery man.
"Sino po si Ma'am Beatrix Naval?" tanong ng isa sa delivery man habang nililinga ang paligid. Naguguluhan siyang nagtaas ng kamay. May kinuha ito mula sa insulated bag—dalawang box, inilagay nito iyon sa kanyang desk at kapagkuway ang isang regular box ng pizza at iced coffee.
"May kasama pong note, ma'am." Inabot ng delivery man ang isang maliit na card. Agad niyang binasa ang nakasulat doon. It was a printed note.
Be sure to eat your fill!
Napangiti si Beatrix nang maalala si Sixto. Kay Sixto siguro nanggaling. Hindi kaya nalaman nito ang nangyari sa cafeteria kanina at hindi niya pagkain. Ang mabait talaga sa kanya ni Sixto. Nagpasalamat siya sa delivery man bago hinarap ang pagkaing pumuno sa kanyang desk. Una niyang binuksan dalawang kahon. It's a Seafood Linguine in Pesto Sauce habang ang isa naman ay crispy chicken goujons. Ang pizza ay pepperoni cream cheese. All are her favorite. Kinuha niya ang straw, inalis sa balot niyon at itinusok sa ibabaw na baso ng iced-coffee. Dinala ang straw sa bibig saka sumipsip ng laman. She groaned in delight when the rich flavor of white chocolate mocha spread through her taste buds. Iced white chocolate mocha is her go-to-drink. Agad sa gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. It instantly lifts her mood.
Lumapit sa kanya si Krizzy. Hindi ito umalis sa swivel nito, pinagulong lang nito ang gulong palapit sa kanya. Hawak nito ang isang hiwa ng pizza.
"Galante pala boss dito 'no?"
"Oo nga," tipid niyang tugon at muling sumipsip sa kape. Si Krizzy naman ay kumagat sa hiwang pizza. Nakikita niya ang pasimpleng pagtitig nito sa kanya mula sa gilid ng mga mata. Mukhang may gusto itanong at tiyak niyang tungkol ito kay Clyde.
"Iyong sinabi ni Drake, totoo ba?"
Bumaling siya kay Krizzy. "Drake?" tanong niya na medyo naguguluhan.
"Hmm. Iyong sa cafeteria na kakilala mo. Taga D&R dept. Si Drake Montezelva?"
Kumunot ang noo ni Beatrix sa sinabing iyon ni Krizzy. Tama ang apelyidong sinabi nito pero hindi ang pangalan.
"Ano ba ang posisyon niya sa R&D department?"
"He's an assistant scientist." Imposible naman yata iyon. Parang malayo ang kursong inaaral nito sa kolehiyo sa pagiging scientist. Ang pagkakaalam niya ay business course at kung nag-shift man imposible namang makakuha agad ng trabaho na hindi man lang nakukumpleto ang master degree nito. A head siya sa lalaki kung tutuusin pero since isang taon nga siyang nawala posibleng natapos na nito ang kurso. Or perhaps he is a genius in the area that land him a good job. Pero ang higit na gumugulo sa kanya ay kung bakit iba ang pangalan na ginagamit? Si Clyde nga ba iyon?
Shit! Sinapo niya ang kanyang noo at hinilot ang sentido. Sumasakit ang ulo niya kakaisip. She needs to find out about it.
"So, fortune teller ka?" bukas ni Krizzy sa usapin na iyon. Ibinaba niya ang kamay at inihawak iyon sa baso.
"O fake lang talaga katulad ng sinabi ni Drake?"
"I'm not fake!" depensa niya sa sarili. Tumaas ang kilay ni Krizzy.
"I just simply described what I had foreseen, and unfortunately iyon naman talaga ang nakita ko—" Tumigil si Beatrix nang mapagtantong ini-expose na naman niya ang kanyang sarili. Iyon ang pagkakamali niya at ayaw na niyang ulitin pa.
"Iyon ang hula ko," pagtatapos niya roon. "At nagkataon na manloloko naman talaga si Clyde."
"Sino naman si Clyde? Si Drake ang pinag-uusapan natin."
"Si Drake," pag-sang ayon na na lang niya. Inilahad ni Krizzy ang kamay sa kanya.
"Hulaan mo nga ako." Napatitig siya ng ilang sandali sa kamay ni Krizzy. Ginulo ng kanyang abilidad ang kanyang buhay. Pati si Romulus ay sinakripisyo niya dahil mas kumapit siya rito at sa kanyang paniniwala. Pinalo ni Beatrix ang palad ni Krizzy.
"Hindi ko na ginagawa 'yon. Saka kaya nga hula. Pwedeng totoo, puwede ring hindi." Napapailing na ipinapatuloy niya ang paglkain. Kinuha niya ang kanyang phone na desk at naisipang i-text si Sixto para magpasalamat.
[You are the best bodyguard. Thank you!] Napapangiti siya habang tinitipa iyon. Mabilis din naman itong nagreply.
Bodyguard: [Guwapo pa. Thank you for what?]
[Sa pa-meryenda.] -reply niya.
Bodyguard: [huh? I'm not, but if you want to give me the credit, then you are welcome.] Marahan siyang napatawang ibinalik sa desk ang phone saka in-enjoy ang pagkain.
***
BEATRIX examined her entire appearance in a full-length mirror. She was pleased with what she saw. She was dressed in a nude metallic co-ord—a trouser and a long coat that she left unbuttoned to show off a pastel pink bralette, which she matched with nude pumps. With a darker, more streamlined look, she believes she nailed the high ponytail. She left her eyes almost untouched, allowing her natural beauty to shine while making her bold lips stand out.
Beatrix turned to face the door when the doorbell unexpectedly rang, signaling that there was a visitor. Shewasn't expecting any visitors today, so she was curious who was outside. It's impossible for Luna since they have agreed to meet the following day in Sorsogon. Saka ni Luna na may lalakarin siya ngayon.
She made the decision to check the unexpected visitor in order to quell her curiosity. She walked up to the bed, snatched the tablet and pastel purse, and left the room. Diretso niyang tinungo ang main door at agad na binuksan.
"Oh!" reak niya nang makita ang dalawang napakaguwapong lalaki na higit pang pinaguwapo sa suot nitong itim na tuxedo. Sino ang mag-aakalang lalaki rin ang gusto ng mga ito. Ops! Babae pa rin nga pala ang nasa loob ng katawan ni Bruce.
"Ano ang ginagawa niyo rito?"
"Sinusundo ka namin. Wala kang date," nakangiting sabi ni Bruce.
Sumimangot si Beatrix. "I'll be there to conduct an interview and not a bidder or a bidder's lover."
"Kahit na. Halika na," si Bruce na inagaw mula sa kanya ang tablet na siyang gagamitin niya mamaya sa event para i-note ang review ng mga guest patungol sa bagong alak ng Lua Azul.
"Fine!" Muli siyang pumasok para isara ang mga nakabukas na ilaw bago muling lumabas. Napangiti siya nang sabay na i-offer ng dalawa ang mga braso sa kanya. Humawak siya sa magkabilang braso ng dalawa. Napakaliit niya sa height ng mga ito. They were tall and masculine. Kung magiging bouncer siguro ang mga ito maraming matatakot at hindi na gugustuhin pang manggulo.
"Pagdating natin sa venue maghiwalay na tayo, ah?"
"Ikinahihiya mo kami?" si Sixto na diretso lang ang tingin sa dinaraanan.
"Hindi siyempre. Kaso iyong mga workmate ko pinagtitsismisan na ako...tayo. Tinatanong ako kung may relasyon tayo. Parang gusto ko na ngang ibunyag ang tungkol sa 'inyo ni Kuya Bruce para manahimik na." Lapit kasi nang lapit sa kanga si Sixto sa opisina at pinipilit pa siyang ihatid.
"Iyan ang huwag kong gagawin, Beatrix. Mananagot ako kay papa kapag lumabas ito," ani Bruce na biglang sumeryoso ang anyo.
"Wala ka bang balak na sabihin sa parents mo? Forever na lang ninyong itatago ang tungkol sa relasyon niyo?" Katahimikan ang naging tugon ng dalawa sa naging tanong niya. Hindi na lang din siya nag-usisa pang muli. Mahirap nga naman ang sitwasyon ng mga ito. Lalo't kapwa sundalo ang mga tatay nito na sa kanya-kanyang lahi.
***
When Beatrix arrived at the venue, she got right to work. Just like she wanted, she didn't approach Sixto anymore to avoid gossip. Krizzy, Brian and he are the intern who are at the event and they are with Ms. Bautista, the market research analyst and two other staff. There is a designated table for their team at the back while the prominent guests are in the front. Hindi pa naman nagsisimula ang auction kaya pakalat-kalat pa ang mga guest, bumabati sa isa't isa, tumitingin ng mga arts display, nakikipag-chikahan sa mga amiga at amigo habang ini-enjoy ang alak. Hindi lang Lua Azul ang sponsor sa event kundi ang isa pang malaking kumpanya rin ng alak, ang Imperial na mukhang mas mabenta sa mga lalaki ang alak habang ang alak ng Lua Azul ay makikitang mga babae ang umiinom dahil inihalo iyon sa cocktail. Nag-effort ang Lua Azul sa paggawa ng iba't ibang klase ng cocktail para maipakita ang versatility ng alak. Sa pag-iikot niya at pagtatanong niya ay mukhang approve sa karamihang babae ang alak habang ang sa mga lalaki ay hindi man lang sinubukan dahil sa pagbase sa first impression. Pang-cocktail lang daw.
"What kind of drink are you drinking, sir?" magalang niyang tanong sa middle-age man.
"This is the new brand of Lua Azul, the Voyager. My wife forced me to try it."
"Oh! How is it, sir? Do you like it?"
"Oh, yeah. I thought this one would not impress my taste buds since I'm not a coffee lover but I forgot that it was a product of Lua Azul. Lua Azul never fails to impress their patrons.
"That would be great, Sir."
"It's made with a vodka base, and features super-strong cold brew coffee, not just infused coffee—it has the strongest coffee concentration of other coffee liqueur brands, which work well in cocktails or as a shot."
"Yes. You are right, young lady. My wife is a coffee-based cocktail lover kaya agad na nagustuhan. Akala ko it's only good for cocktails."
"What particular coffee cocktail does she drink, sir?"
"She loves Espresso Martini and White Russian."
"Oh! Voyager is perfect for this type of cocktail. Because this liqueur is easy to mix. There is no need for an experienced bartender. There's no need to buy a coffee liqueur and a premium vodka separately because the strong concentrated coffee and premium vodka are already combined in one bottle. Pour enough Voyager into an Old Fashioned glass filled with ice, then float fresh cream on top and slowly stir, and you've got yourself a White Russian cocktail!" mataas ang tono niya sa huling mga salita. Masaya. Excited. Tumango ang lalaki habang may ngiti sa labing nakikinig sa kanyang paliwanag.
"How about you, sir? What are you drinking?" baling naman niya sa isa sa apat na lalaki. Tingin niya ito ang pinakamatanda sa lahat. Purong puti na ang buhok nito at sa tangos ng ilong, brown na mata at mamula-mula nitong balat, tingin niya ay isa itong banyaga.
"It's Imperial's Executive's choice whiskey."
"How is it, sir?"
"It's good. Really good. The Imperial used only top-grade imported ingredients."
Nilinga ni Beatrix ang paligid. Tinawag ang pinakamalapit na waiter. Nang makalapit ay kumuha siya ng baso ng Voyager bago muling bumaling sa negosyante.
"Why don't you try this, sir?" Hindi naman ito nagreklamo nang may pagalang niyang kinuha mula rito ang baso at ipalit ang Voyager. Dinala nito sa ilong ang baso at sinamyo ang aroma niyon. Tumingin sa kanyang dinala sa bibig at sumimsim. Hindi naman ito nagpakita ng masamang reaksiyon. Bahagyang lang itong tumango saka muling uminom ng alak.
"Hmm. It's good...it's rich and very complex...it has a rich note of premium roasted coffee beans, and Vodka which I always found overpowering is surprisingly smooth."Sa pagkakataon na iyon ay inisang lagok nito ang natitirang laman.
"It's perfect to serve as a nightcap. It's good...it's really good." Inilagay nito ang baso sa tray na hawak ng waiter at kumuha pa ng isang baso, ganoon din ang dalawang kasama pa nito.
"Lua Azul is known for their strong spirits, especially whisky and rum.How they came up with this idea—to make a coffee vodka," the old man asked curiously.
"Lua Azul is not just creating products for their profits. Kilala sila sa pagtulong sa mga locals, pagbibigay trabaho. They had been working with local coffee farmers from Sorsogon to create this product. May mga farmers na hindi naibenta ang ani nilang coffee beans dahil sa malaking importation na nangyayari sa bansa. So, Lua Azul came up with the idea to create a delicious alcoholic drink using coffee to help the farmers. At hindi lang yan..." She enthusiastically raised her index fingers and continued to praise Lua Azul.
"Do you know that the box that holds the bottle of Voyager is constructed fully from recycled cacao pod husks?"
"Really?"
"Yes, sir. Lua Azul collaborated with a local paper factory and requested that cacao pods be used. Para dagdag kita sa mga cacao farmers. and they also save many trees from being felled. At balak na ng Lua Azul na ganoon na rin ang gamitin sa lahat ng produkto nila."
"Wow! That was amazing!"
"That's Lua Azul, they care for their people and they care for Mother Earth," she proudly said.
Itinaas ng matanda ang isa kamay. "Mr. Saldivar." Nanigas si Beatrix sa kinatatayuan nang may tawagin ito. Ang alam niya ay hindi pupunta rito si Romulus. Marahil ay kaapilyado lang.
"Don't let this young lady lose," ani nito sa kausap na mukhang lumapit na sa kanila. Nararamdaman niya ang presensiya nito sa kanyang likod.
"She will be a valuable asset to your company. Magaling mag-promote ng produkto mo— Ano nga ulit ang pangalan mo, hija?"
Kinailangan pa niyang lumunok bago tumugon dahil sa tila pagkakabara ng kanyang lalamunan. "Beatrix po...Beatrix Naval.," tipid niyang tugon.
"Kapag natapos mo ang kontrata mo sa Lua Azul lumipat ka sa kumpanya ko. I'll give you the best position with the higher salary you deserve and many perks." Marahan siyang napatawa sa sinabi nito.
"Poaching an employee in front of the employer is an inappropriate act, Mr. Benitez." Parang lumukso ang puso niya nang marinig ang baritonong boses ni Romulus. Mapanganib at tila nagbabanta. Tumawa naman ang lalaking tinawag na Mr. Benitez ni Romulus.
"Nagbibiro lang, Mr. Saldivar. Pero seryoso, huwag mo siyang hayaang mawala sa 'yo. You'll be lucky with her. Kahit ako mukhang nakukumbinsi na...imagine this, the chairman of Imperial Company's favorite drink is Voyager from his rival liquor company." Masaya itong tumawa. Napasinghap naman si Beatrix nang magkaroon siya ng realization. Benitez? Shit!
"Ikaw ho ang chairman ng Imperial? Ang isa sa pinakamalaking liquor company sa buong asya?"
Inilahad ng matanda ang kamay. Niyuko niya iyon at walang pag-aalangang inabot. "I'm delighted to meet a lovely lady like you." Yumuko ito at ginawaran ng pinong halik ang likod ng kanyang palad.
"Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, sir." Nang bitawan ni Mr. Benitez ang kanyang kamay ay lumagpas ang tingin nito sa kanya para kausapin si Romulus.
"Alagaan mo ito, Romulus Saldivar. Kukunin ko ito kapag sinayang mo." Napangiti si Beatrix sa pagbibiro ng matanda. Nilapitan ito ng iba pang kakilala kaya humingi ito paumanhin sa kanya. Nagpaalam.
Nang wala na siyang kausap ay noon niya mas naramdam ang tensiyon sa hangin na tila niyayakap siya. Bumaling si Beatrix sa kaliwa at sa kanan, hindi alam kung saan ii-exit. Pero tama bang umalis nang hindi man lang bumabati kay Romulus. He's still her boss. Dinala niya dibdib ang tablet na hawak at niyakap iyon. Hinanda ang sasabihin pati na rin ang sarili bago dahan-dahang pumihit paharap kay Romulus. Literal na napigil ang kanyang paghinga nang magtama ang kanilang mga mata. Ang simpleng pagbati sanang gagawin ay hindi na niya nagawa pa. Natuod na lang siya sa kanyang kinatatayuan. She was mesmerized by him. He was so handsome. Tall and masculine. Kung sila pa sana, siguradong siya ang kasama nito ngayon, proud na nakakapit sa braso nito o kaya naman ay mahigpit na nakahawak ito sa kanyang baywang. Wala sa sariling bumaba ang kanyang paningin sa braso ni Romulus. Tinitigin iyon at nangarap na nakahawak sa braso nito. Her imagination become real when she saw a hand slip around his arm, its long-nail coated with beige nail polish dug in as she tightened her hold.
"Hi, Beatrix!" Kumurap si Beatrix, dahan-dahang tumaas ang mukha para lang makitang totoo ang lahat pero hindi siya ang katabi ni Romulus kundi si Missy na napakaganda sa suot nitong semi-sheer tube floor-length dress na kulay emerald green. Parang pinong kinurot ang kanyang puso. Hindi niya magawang kumilos. Namamanhid ang kanyang buong katawan.
—
Sa mga naghihintay ng update ng Dust of Memories. Baka mga October ko na siya ma-continue. Tapusin ko lang ito. Kaunting chapter na lang ito at mag-end na. Thank you for patiently waiting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top