Chapter 26
HINDI tuminag si Beatrix mula sa pagkakahiga para tingnan kung sino ang pumasok. Matamlay talaga ang buo niyang katawan. Matapos niyang mag-almusal ay muli siyang nahiga. Bumangon lang ng dumating ang pagkaing pina-deliver ni Sixto para sa kanyang pananghalian at bumalik rin sa kama hindi para matulog kundi para umiyak. Kahit ayaw niyang umiyak hindi niya mapigil. Dalawang tao lang ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Si Hieronimos at Romulus.
"Hindi ka nga kumain." Nang marinig ang ibang boses sa inaasahan ay noon mabilis na luminga si Beatrix. Bumangon siya nang makita ang taong naroon.
"Kuya Bruce." Tuluyan nitong sinara ang pinto, naglakad patungo sa kama at tila naiiritang niyuko siya.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan?" Beatrix drew the blanket up to her neck, clutching it tightly to cover her entire body, and drew her legs up to her chest. She focused her gaze on the bed while leaning back on the restboard. Marahas na nagpakawala si Bruce ng marahas na paghinga. Hinila ang silyang malapit at naupo roon.
"Hindi mo makukuha si Romulus kung magmumukmok at iiyak ka na lang, Beatrix."
"Wala na. He found her mate already. Hindi ko na siya mababawi pa."
"Shut up, Beatrix! Hindi ko sana isinakripisyo ang sarili para lang makabalik ka rito." Noon nag-angat ng tingin si Beatrix kay Bruce. Naguguluhan sa sinabi nito.
"Kamatayan ang naging parusa sa akin dahil sa hindi pagsunod sa batas ng Citania. Hindi roon natapos ang parusa. Ang kaluluwa ko...walang katapusang naglakbay ng maraming taon. Imagine this...wandering aimlessly in a desert, a forest, in the snow, under scorching sunlight, and through storms. Nakakaramdam ng paghihirap katulad ng isang buhay na tao, lalo na ang paghihirap ng damdamin dahil hindi mawala sa isipan ang masamang karanasan...pagkatapos ay bigla na lang akong magigising na nakakulong na sa katawan ng batang sanggol na lalaki at ang masaklap ay hindi nawala ang memorya ko. Hindi napalitan ang pagkatao ko kundi ang katawan lang. My soul was trapped in this soldier's body."
"What the hell are you talking about?" Kumalas ang mga braso niya mula sa pagkakayakap sa kanyang mga binti at nakakunot ang noong tumitig kay Bruce.
"Pahalagahan niyo ang isa't isa sa panahon ngayon. Medyo magiging complicated ang relasyon niyo sa hinaharap. The exact words you said more than two hundred years ago...two hundred sixty-four years to be exact." Napatulala si Beatrix habang pilit na inaalala ang mga sinasabi ni Bruce.
"I've been wondering what it meant. Ginulo ng sobra ang isip ko ng mga sinabi mong iyon."
"Flavia," manghang usal ni Beatrix nang maalala ang engkuwentrong iyon. Tama. Si Flavia. Ito ang babaeng Citania, ang babaeng mandirigmang nakitaan niya ng pangitain. Nangyari nga.
"Kumusta, Beatrix? Long time no see." Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Hindi mo naman sinabing ganito pala kakumplikado ang magiging ugnayan namin ni Sixto. Parehas kaming nasa katawan ng isang lalaki."
"Nangyari nga. Ikaw si Flavia." Hindi siya makapaniwala. Isang babae pero nasa katawan ng isang lalaki.
"Oo. Nangyari ang pangitain mo. Hindi ko ito gusto...noon. Ngayon kasi tingin ko may purpose pa talaga ako sa mundong ito. Lalo na sa 'yo at kay Heironimos na ngayon ay si Romulus na...siraulong iyon, sarap ng buhay. Walang maalala sa nakaraan. Hindi man lang naalala na may isa siyang kaibigan na nagdusa dahil sa kanya." Hindi naman ito mukhang galit. Ang mga mata nito ay makikitaan ng kislap.
"Ano ang ibig mong sabihin? Bakit ka naparusahan? Sino ang nagparusa sa 'yo?"
"E di ang mga diyos na siyang nagdidikta sa kung ano ang dapat gawin ng mga Citania. Ang mga Diyos na nagbigay ng sumpa kay Hieronimos."
"Isinumpa ka sa ano'ng kasalanan?"
"Sa pakikipag-ugnayan sa masasamang mangkululam." Hindi nagbigay ng reaksiyon si Beatrix. Nanatili siyang nakatitig kay Bruce. Hinintay pa ang sasabihin nito.
"Sa pakiusap ni Heironimos, hinanap ko at pinuntahan ang grupo ng mangkukulam na itinuturing na salot sa lugar dahil walang mga puso, gumagamit ng itim na kapangyarihan para kasamaan. Sila lang ang may kakayahang gumawa ng portal para sa ibang panahon. Nakipagsundo ako para makabalik ka sa panahon na ito. We were supernatural being hunter—ang pakikipagkasundo sa nilalang na kalaban ay ipinagbabawal lalo't kung walang pahintulot ng konseho. Maraming batas ang nilabag ko para tulungan kang makabalik at isa roon ang pagkuha sa pinakamahalagang bagay sa Citania bilang kapalit sa pabor na hiningi ko sa mangkukulam."
Bruce spread his arms. "And here I am, trapped in this human body as the consequences of my action."
"I'm sorry!" halos hanging lumabas sa kanyang bibig. Lalo lang siyang nakaramdam ng matinding lungkot. Ang dami-daming nadamay. Ang daming naparusahan at naghirap dahil lang sa pagprotekta sa kanya.
"Baltazar was stuck in the past, I was trapped in this body and Heironimos died just to protect you." Alam niya. At hindi niya iyon gusto.
"I'm sorry!" Muli niyang usal at bumalik muli sa pamamaluktot.
"Huwag mong sayangin ang sakripisyong ginawa namin para sa 'yo. Ilaban mo si Romulus katulad ng ipinangko mo kay Heironimos."
Malungkot niyang itinuon ang tingin kay Bruce. "How? He hates me and worst he found the woman who was destined for him. Wala akong laban."
"Meron kung ilalaban mo. He's yours."
"He's not mine anymore the moment I left him. I hurt him." Muli na namang napaluha si Beatrix.
Bruce huffed. "I'll let you cry for now. Pero bukas kumilos ka na. Bumalik ka sa opisina at gawan mo ng paraan na makuha muli si Romulus. Akitin mo kung kinakailangan. Hurt your friend, Missy if necessary."
"Kuya Bruce!" hindi makapaniwalang sambit ni Beatrix.
"What? Hindi naman dapat talaga siya pumatol sa boyfriend ng kaibigan niya," iritadong sabi nito.
Isang tikhim matapos bumukas ang pinto ang kanilang narinig. Si Sixto na kasalukuyang niluluwagan ang necktie ang pumasok "Huwag kang maghabol. Hayaan mo siyang mabaliw sa 'yo. Romulus is still into you. I'm sure about that. Isang araw bibigay rin 'yan kung araw-araw ka niyang makikita...kaya pumasok ka na bukas." Ibinagsak nito ang sarili sa reclining chair na nasa may kaliwang bahagi habang si Bruce ay nasa kanang bahagi ng kama. Kinalas nito ang ilang butones ng maroon na corporate shirt nito.
"Hindi ba lalong gugulo?"
"Beatrix, life is chaos. There are many who take advantage of others, as well as many who are taken advantage of. Just me, I'll never be a part of it later," si Bruce.
"Puwede namang doon sa hindi nasasamantala pero hindi rin nanamantala," rason niya. Hindi naman dahil mas pinili mong hindi masamantala ay mananamantala ka na.
"Kung gusto mong makuha si Romulus wala kang choice kundi ang manamantala dahil alam natin dito na may karelasyon na siya. He's taken already. Para bawasan ang pagkakonsensiya mo sa gagawin mo isipin mo na lang...Missy has taken advantage the situation. Sinamantala niya ang pagkawala mo para makuha si Romulus."
"But they are mates."
"Beatrix," may paninita sa tinig ni Sixto. Bahagya nitong iniling ang ulo. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Bruce at Sixto. Mukhang wala pang alam si Bruce sa totoong pagkatao ni Sixto, sa pagiging taong-lobo nito. Baka iniisip ni Bruce ay normal na tao lang sina Sixto at Romulus. Hindi na niya papakialaman ang bagay na iyan. Baka kapag nanghimasok pa siya ay magulo na naman ang nakatakdang mangyayari. Hater pa naman ng mga supernatural beings itong si Flavia. Bumuntong-hininga si Beatrix at pinahid ang luha ng palad. Naisip niyang kulitin ang dalawang lalaki para naman pansamantalang makalimot siya tungkol sa mga pinuproblema.
"Bagong dating ka mula sa trabaho, Sixto. Hindi mo man lang ba bibigyan ng halik si Kuya Bruce?" Mabilis na napabaling sa isa't isa ang dalawang lalaki.
"Can you kiss? I wanna see how you kiss." Pinukol ni Bruce nang masamang titig si Beatrix. Si Sixto naman ay tumiim ang bagang para pigilin ang ngiti pero dahil mukhang sobra itong kinikilig kaya kahit anong effort ay nagtuloy pa rin ang pagguhit ng pigil na ngiti. Nakakatuwang makitang marunong na talagang ngumiti si Sixto. It's so refreshing.
"Magtigil ka, Beatrix." Tumayo si Bruce.
"Mag-ayos ka at lumabas para makakain ka na," si Sixto matapos tumayo na rin. Sabay nang naglakad ang dalawa patungo sa pinto pero muling napatigil nang tawagin niya. Sabay pa ang dalawang lumingon habang hawak ni Sixto ang door knob.
"Sino ang top at sino ang bottom?" Kitang-kita ang gulat sa mukha ng dalawa sa hindi inaasahang tanong ni Beatrix.
"Matulog ka na nga lang ulit." Kunyari ay galit pero ang totoo ay gustong matawa ni Sixto.
Lumabi si Beatrix. "Gusto lang malaman."
"Problemado ka na kung anu-ano pa ang naiisipan mong itanong," ani Bruce na isinara ang pinto.
***
KATULAD ng nais ni Sixto at Bruce ay ipinagpatuloy niya ang balak na pagta-trabaho sa Lua Azul. Tama ang mga ito. Hindi siya maaaring magmukmok lang. Marami siyang bagay na kailangan unahin, lalo na ang pagpapa-therapy sa kanyang papa. Pinilit ni Beatrix na ituon ang atensyon sa ginagawa dahil medyo masama na ang tingin sa kanya ng trainer nila dahil sa lutang moment niya.
Sabay-sabay silang kumain ng mga newly- hired employee sa cafeteria. Halos lahat ay Lycan kung ibabase niya suot na singsing ng mga ito, ang singsing na nagtatago identity ng mga Lycan sa ibang supernatural being. Dalawa lang walang singsing na ang ibig sabihin ay normal na tao—si krizzy at Brian. Brian's action can be considered effeminate. Mas babae pa nga minsan sa kanilang magsalita at kumilos.
"Bakit ka pala umalis kahapon?" tanong ni Xena—a very simple Lycan. Sa Mindanao naman ito nakatira at mukhang ngayon din napadpad sa siyudad. May isang isla sa Mindanao na pawang mga Lycan din ang nakatira at may namumuno rin sa mga ito. Ang mga Lycan ay normal lang din na namumuhay na parang normal na tao. Ang mga kasama nga niya ngayon sa mesa ay hindi kilala si Sixto at kahit si Romulus ay hindi pa nakikita ng personal. Sa nga Magazine at news lang daw.
"Emergency," simple niyang tugon.
"Hmm. Akala namin nag-quit ka na." Ngumiti lang siya kay Xena bago isinubo ang pagkain sa plato. Tahimik siyang kumain habang ang mga kasama ay masayang nagkukuwentuhan. Mukhang close na ang mga ito agad. Sana ay makasabay siya. Ngayon nawawalan siya ng gana dahil sa mga pinagdadaanan. Pinipilit lang niyang kumilos ng normal.
"Ma'am Beatrix?" Nag-angat si Beatrix ng tingin sa lumapit sa mesa. Agad niyang itong nakilala. Si Mang Arman, ang isa sa mga messenger ng kumpanya.
"Mang Arman," bati niya rito.
"Sabi na nga ba't ikaw 'yan? Kumusta? Nagkabalikan na kayo ni Sir?"
Agad niyang inabot ang braso nito at marahang pinisil. "Hindi po." Agad namang nakuha ni Mang Arman ang gusto niyang mangyari—ang hindi nito ibunyag ang tungkol sa kanila ni Romulus. Mang Arman is a Lycan.
"Nakakalungkot naman. Mabait naman iyong bago niya pero mas gusto siyempre kita." Malungkot siyang napangiti pero kahit paano ay may gaan siyang naramdaman sa damdamin dahil sa appreciation na ipinaramdam sa kanya ni Mang Arman.
"Sige, balik sa trabaho muna ako," paalam ni Mang Arman.
"Sige po." Hinatid niya ng tanaw si Mang Arman na may ngiti sa labi pero ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha ay ay tuluyang nabura nang sa tangka niyang pagbalik ng atensiyon sa pagkain ay mahagip ng kanyang paningin si Romulus sa kabilang linya ng mga mesa. Matiim itong nakatitig sa kanya. Wala sa pagkaing nasa harapan ang atensiyon.
"Si Sir Saldivar." Napuna ng isang kasamahan nila, si Precilla, ang presensiya ni Romulus kaya nagsibaling naman ang atensiyon ng lahat dito.
"Dito ba siya sa atin nakatingin?" si Krizzy na hindi maitago ang panic.
"Mukha nga...at mukhang sa 'kin nakatingin," bungisngis na sagot ni Brian. Siya ay nanigas sa kanyang kinauupuan habang ang tibok ng kanyang puso ay bumilis. Gusto niyang mag-iwas ng tingin pero hindi niya maigalaw kahit isang muscle sa kanyang buong katawan. Nanghihipnotismo ang paraan ng pagtitig ni Romulus. Nasira lamang ang pagkakakonekta ng kanilang mga mata sa biglang pagdating ni Missy na biglang humalik sa pisngi ni Romulus at umupo sa kabilang bahagi ng mesa. Ang mabilis na tibok ng kanyang puso ay lalo lamang tumindi pero sa ibang dahilan naman at hindi niya gusto ang dahilan na iyon. Agad siyang nagbaba ng tingin nang mag-init ang kanyang mga mata.
"Iyan ba ang girlfriend ni sir? Ang ganda, ah!" rinig niyang tanong ng isa sa mga kasama nila sa mesa.
"Oo nga pero wala iyan sa ganda nitong si Beatrix." Marahan siyang siniko ni Krizzy na katabi niya.
"Ah, agree naman ako riyan," pagsang-yon ni Brian.
"Sarap takpan ang mukha. Sobrang nakaka-insecure. May palagay akong itong si Beatrix ang makakabingwit ng executive rito." Pilit siyang ngumiti sa sinabi ni Brian. Kahapon pa siya pinupuri ng mga ito dahil sa itsura ng mukha niya. Maganda raw siya.
"Magsabi ka ng totoo, Beatrix. Rich ka ba na naglayas lang? Ang kilos at pananalita mo medyo iba talaga, eh. Medyo may accent at lumalabas ang pagka-conyo," pangungulit ni Brian.
"Taga probinsya ako. Sa Benguet. Pero dating may kaya ang pamilya na naghirap, hindi rich kid na naglayas," paglilinaw niya. Pasimple siyang sumulyap sa kinaroroonan ni Romulus at Missy. Agad ding nagyuko sa pagkain nang makitang nasa kanya ang mata ni Romulus at dahil napansin iyon ni Missy ay luminga ito sa direksyon ng kanilang kinaroroonan. Nagpasya siyang ipagpatuloy na ang pagkain. Bibilisan na lang niya para makaalis na. Pero tangka niyang pagsubo ng pagkain na nasa kutsara ay napigil nang bigla na lang dumating si Sixto at hawakan ang kanyang palapulsuhan. Ikinagulat pa iyon ng kanyang mga kasama. Lahat ay napatulala sa kanila.
"Halika, sumama ka sa 'kin. May surpresa ako sa 'yo."
"Hindi pa ako tapos kumain. Sayang ito." Bumaba ang paningin ni Sixto sa kutsara. Bigla nitong hinila ang kanyang palupulsuhan at isinubo ang lamang ng kutsara.
"Hindi talaga masarap pagkain dito." Inagaw nito ang kutsara na hawak niya at ibinaba ang plato.
"Papakainin kita ng mas masarap...Is this your stuff?" tukoy nito sa bag na nasa mesa at ng tumango siya bilang tugon ay kinuha iyon ni Sixto saka hinila siya patayo.
"I'm sorry for interrupting you, guys. Pahiram muna kay Beatrix." Wala na siyang nagawa nang hilain na siya ni Sixto palayo. Parang natigil ang pagtibok ng puso niya nang madaanan nila si Romulus at Missy na kapwa nakatingin sa kanila. Diretso ang kanyang tingin pero kita niya sa sulok ng kanyang mata ang pagtiim ng mukha ni Romulus. Si Sixto ay mukhang hindi nakita ang dalawa dahil hindi naman ito bumati. Diretso lang siyang kinalakad palabas ng carfeteria.
"Saan ba tayo pupunta, Sixto?"
"Sa office ko." Hinila siya nito papasok sa elevator.
"Ano'ng surprise ang sinasabi mo?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Kaya nga surprise."
Umirap siya rito. "Hindi ko alam kung matutuwa ako na marunong ka ng ngumiti o mabubuwesit. Bigla ka na lang sumusulpot. Ano'ng paliwanag ang sasabihin ko sa mga bago kong workmate?"
Nagkibit lang si Sixto. "Next time mag-text ka na lang. You can surprise me by texting me."
"Do you have a phone?" nakangising tanong ni Sixto.
Lumabi si Beatrix nang mapagtantong wala pa pala nga siyang phone. "Wala. Sa unang sweldo ko bibili ako." Napatawa lang si Sixto.
"Bibilhan kita." Nang marating ang palapag na pakay ay bumukas ang elevator saka siya muling hinila ni Sixto hawak ang palapulusuhan. Sa opisina nito sila nagtungo. Nginitian niya ang sekretarya nitong nasa desk nito at ngumiti naman pabalik.
"Here's my surprise," Sixto announced. It didn't excite her because she couldn't think of anything that could excite her right now. She stepped through the doorway of Sixto's office, turning to the receiving area. Her eyes widened and she let out a gasp in surprise when an unexpected person abruptly leaped to her feet to rush her.
"Beatrix!" natuod siya sa kanyang kinatatayuan nang bigla siyang yakapin nito.
"Oh, my god! I missed you! Where have you been?" Nagsimula itong umiyak. Unti-unting tumaas ang kamay ni Beatrix at inilapat sa likod ng kaibigan. Nang mapagtantong hindi siya nananaginip lang ay tuluyan siyang napaiyak. Sinabayan ang kaibigang humihikbi.
"Luna!" Hagulhol niya. Buong higpit niyang niyakap ang kaibigan. Nakaramdam ng matinding kasiyahan at kaginhawaan ang kanyang puso dahil sa presensya ni Luna. Si Luna na kaibigan niya mula noong twelve years old palang sila. Ito ang naging takbuhan niya kapag upset siya, kapag masaya at kinikilig dahil sa crush. She needs her right now, and she's here. Umuwi ito para sa kanya.
"Faro," usal ni Beatrix nang makita si Faro na nakapamulsa habang nakamasid sa kanila ni Luna. Humakbang ang lalaki palapit sa kanila at yumakap pero sinuntok niya ang dibdib nito. Natatawa nitong sinapo ang dibdib.
"Bakit?" Kumalas siya mula sa pagkakayakap kay Luna at hinarap si Faro.
"Pumunta ako sa bahay niyo. Hindi mo man lang talaga akong naisip na puntahan?" kastigo niya sa kaibigan.
"Hindi nasabi ni mama. Nakalimutan din. Alam mo na, tumatanda na. Medyo huli ng nasabi. Nagpunta ako sa bahay mo pero wala ka. Lumuwas ka raw." Walang nasabi sa kanya ang mama niya ng tawagan niya ito para sabihing nasa maayos siyang kalagayan at nakahanap na ng trabaho.
"Saan ka ba nagpunta, Beatrix? Hindi ka man lang talaga nagpaalam sa amin!" may pagtatampong sumbat ni Luna sa kanya.
"Mahabang kuwento, Luna."
"I have a lot of time to listen. Kahit magdamag pa tayo." Higit pa ang paggaan ng dibdib ni Beatrix dahil sa sinabi ni Luna. Luna is still Luna. Lagi talaga niyang maasahan sa lahat ng bagay. Hinila siya nito patungo sa sofa habang si Sixto ay nagpaalam munang lalabas. Ipinatong ni Sixto ang bag sa sofa sa kanyang tabi at umalis na. Magkatabi silang naupo ni Luna sa mahabang sofa habang si Faro sa katapat nila.
"Now, start," Luna demanded, which made her smile.
"Sino ang lalaking sinamahan mo? At saan ka nagtago ng isang buong taon?" Sinimulan nga niyang ikuwento kay Luna at Faro ang mga nangyari. Hindi makapaniwala ang dalawa. Paulit-ulit ang pagtatanong kung hindi ba niya ito pinagtitripan.
"Si Uncle Lakon, nakita ko siya sa panahon na iyon. Pero napakatagal na niyon kaya tiyak hindi na niya ako naalala pa. Nasaan nga pala siya?"
"Kasama ko siyang umuwi."
"Si Javiah?"
"Kasama ko siya. Na kay Fhergus."
"Ayaw na naman ipakita sa akin ano?" iritadong tanong ni Faro.
"Hindi naman," ani Luna na may alanganing ngiti. Nagpapatotoo lang na tama ang nasa isip ni Faro kaya mas lalo lang naiirita si Faro.
"Huwag mo na munang isipin si Javiah, Faro. Ang isipin natin kung paanong magkakabalikan si Romulus at Beatrix."
"Romulus already found his mate. May tsansa pa ba?" walang pakundangang sinabi iyon ni Faro. Tama si Faro. May tsansa pa ba? Ang katotohanang iyon ay muling nagpabigat sa kanyang dibdib.
"Huwag kang malungkot." Inabot ni Luna ang kanyang pisngi at masuyong hinaplos ng daliri nito ang kanyang pinong balat.
"Is is right? May masasaktan ako...ang kaibigan natin...si Missy."
Base si ekspresyon na ipinakita ni Luna ay mukhang natauhan din ito sa reyalidad. Missy is their friend and such a sweet person. Ito ang klase ng taong gugustuhin ninuman kaibiganin kaya hindi kataka-taka na naging kaibigan nila ito kahit masyado nilang sinasala ang mga taong papapasukin nila sa kanilang buhay. Nasaktan na ito noon sa unang pag-ibig nito dahil sa panloloko ng boyfriend nitong si Clyde at kapatid nito...ngayon kakayanin ba niyang siya naman ang maging dahilan ng pagkabigo ni Missy.
Parang hindi niya yata kaya!
Pero may pangako siya kay Hieronimos. At kaya ba niyang mawala ang taong mahal niya? Hindi na nila naipagpatuloy ang pagmamahalan nila sa unang buhay, pati ba naman ngayon ay wala rin silang magiging masayang wakas?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top