Chapter 22
"WHAT THE HECK is she doing here?" Mabilis na napatayo si Romi mula sa mahabang hapagkainan. Isinama siya ni Natasha sa mansiyon para sa pananghalian pero mukhang mali ang kanyang desisyon na sumama pa. Hindi itinago ni Romi ang galit. Nakakapanibago. Romi likes her so much. She's a very sweet person. Hindi naman niya ito masisisi sa nagiging trato nito sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid nito. Pero kapag hindi naman siya sumama paano siyang luluwas. Wala siyang pera. Wala siyang alam sa lugar. Sa tuwing pupunta siya rito ay private chopper ang gamit nila. At hindi nga niya alam kung paano siyang napunta sa lugar na ito.
"Romi!" sita ng ina nitong si Natasha. Hinawakan si Beatrix sa likod at iginiya palapit sa upuan. Ito pa ang naghila ng silya para sa kanya sa mismong tabi ng silyang uupuan nito. She's a very kind person. Despite what she did to her son, she still treats her nicely.
"Nanay Thelma, padalhan na lang po ako ng food sa room ko," anito sa kasambahay na kasalukuyang naglalagay ng tubig sa mga baso. Gumawa ng ingay ang paa ng silya nang kumadkad ang mga paa niyon sa marmol na sahig nang itulak iyon ni Romi para umalis.
"Stay, Romi." Mahinahon na utos ng ama nitong si Nikuro.
"But dad!"
"Please, stay, sweetie," pakiusap ni Nikuro. Kahit labag man sa kalooban ay walang nagawa si Romi kundi ang muling naupo.
"Maupo ka na, Beatrix," malambing na utos sa kanya ni Natasha. Pasimple niyang hinagod ng tingin ang mga taong naroon. Si Logan na katabi ni Romi na katitig sa kanya, ganoon din si Damon na katabi ni Logan at si Romi na masama ang tingin sa kanya at kapagkuwa'y kay Nikuro na tipid siyang nginitian.
"Have a seat, hija."
Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat. Kahit gusto na lang sana niyang umalis ay mas pinili na lang niyang maupo at sumalo sa mga ito. Nahihiya siyang paulit-ulit na magpapilit pa. Matapos nito ay aalis din agad siya. Uuwi siya sa kanila para puntahan ang magulang. Kakausapin niya si Luna. Lilinawin niya sa mga kaibigan ang nangyayari. Wala siyang maunawaan. Isang taon na raw siyang hindi nagpapakita matapos ng break-up nila ni Romulus. Paanong nangyari? Saan naman siya nagpunta at bakit wala siyang matandaan sa isang taon na iyon? Ang tanging huling naaalala niya bago ang araw na ito ay nasa antique shop siya kasama si Baltazar.
"Romi, ipaghanda mo si Beatrix ng pamalit na damit."
"Mom!" mabilis na kontra ni Romi na agad namang pinigil ni Natasha.
"Gawin mo na lang. And stop raising your voice and your eyebrows kung ayaw mong ahitin ko 'yan," pagbabanta ng ina.
"Argh!" Padabog itong nagsimula sa pagkain. Agad namang nagyuko si Beatrix ng tingin nang matalim siyang tinitigan ni Romi na nasa kabilang bahagi ng mesa. Katapat nito ang ina habang siya naman ay katapat si Logan habang si Nikuro ay nasa kabisera.
"So, what is your plan?" mataray na tanong ni Romi kaya ang tangka niyang pagsimula sa pagkain ay natigil. Napatitig lang siya rito. Hindi makapagbigay ng sagot. Ano ba ang plano niyo?
"Ano ang nangyari sa inyo ng lalaking ipinagpalit mo kay kuya? Hindi ba niya naibigay sa 'yo ang luho mo kaya ngayon nandito ka?"
"Romi!" sita ni Natasha sa anak.
"I'm sorry, Mom, pero hindi ko talaga kayang makipag-plastikan. Iniwan niya si Kuya Romulus para makipagtanan sa ibang lalaki. He suffered a lot because of her and now she's here as if nothing happened!" Mariin niyang nahawakan ang kubyertos sa narinig. Nagtanan? Iyon ba ang alam ng lahat?
"Please, Beatrix! Tigilan mo ang kapatid ko. Maayos na siya. He's happy with his girlfriend...with her mate." Hindi niya inaasahan ang balitang iyon pero ang sakit na biglang naramdaman ay kanya na niyang inaasahan. It was so painful for her that her eyes sting with tears.
"Don't give me that look, Beatrix. You won't get my sympathy!" Matapang na sabi ni Romi.
Agad siyang nagbaba ng tingin. "I'm sorry."
Matapos mananghalian ay nagpalit siya ng damit. Kahit naiinis sa kanya ay pinahiram pa rin naman siya ni Romi. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang suot at bakit pulos dahon at dumi ang nakadikit sa kanyang damit. Ipinahatid siya ni Nikuro sa Baguio, sa bahay ng kanyang magulang. Pagkakita palang sa kanya ay napaiyak na ito maging si Manang Perla. Mahigpit siyang niyakap.
"Ano ang nangyari? Bakit bigla ka na lang nawala? Bakit kailangan mong makipagtanan?"
"Mom...ano po ba ang sinasabi niyo? Hindi ako nakipagtanan kay Baltazar."
"So, Baltazar, ang pangalan ng lalaking iyon? Ipinagpalit mo si Romulus sa lalaking ni hindi man lang naglakas ng loob na magpakita sa amin! Hay, Beatrix! Ano ka ba naman!" They knew Baltazar. At ano'ng nakipagtanan. Oo, sinabi niya kay Romulus na si Baltazar ang kanyang pinipili para lang hindi nito ipagpilitan pa ang sarili nito sa kanya at pinagsisisihan niya iyon. Gusto na niyang bawiin...ngayon, but it seemed that it's too late. Natagpuan na ni Romulus ang mate nito at iyon ang mahirap kalaban. Iyon naman talaga ang kinatatakutan niya noon kaya hindi niya maibigay ng lubos ang pagmamahal at buong sarili niya. Na sa oras na dumating ang araw na matagpuan ni Romulus ang mate nito, tiyak na iiwan siya ni Romulus.
"Pero okay na. Ang mahalaga nandito ka na. Bumalik ka na sa amin." Ginaganap ng kanyang ina ang kanyang kamay habang nakaupo sila sa mahabang sofa.
"Please, Beatrix, huwag ka ng umalis pa. Huwag mo nang uulitin ang pag-alis ng walang paalam. Isang taon ka naming pinangulilaan. Pati si Luna alalang-alala sa 'yo. Lalo na ang iyong papa."
"Okay po," tangi na lang niyang sinabi kahit sobra siyang naguguluhan. One year. One year siyang hindi nagpakita sa pamilya niya at kahit kaibigan. Pero sa sa isang taon na sinasabi ng mga ito nasaan siya? Bakit wala siyang maalala?
Nilinga niya ang paligid ng kabahayan. "Nasaan nga pala si dad?" Nang ibalik niya ang tingin sa ina ay napansin niya ang kakaibang pagtitig nito sa kanya na tila ba nagugulumihanan maging si Manang Perla na nakatayo sa likod ng pang-isahang sofa.
"Kahit ang nangyari sa daddy mo hindi mo man lang ba nabalitaan?"
After her mother's question, she became extremely nervous. She initially assumed something had happened to her father, but she was hoping she was wrong.
"Ano ho ang nangyari kay daddy?"
"Nagkaroon ng malakas na lindol, dalawang buwan palang nang umalis ka. Ang Baguio ang lubhang naapektuhan. Isa ang supermarket natin sa gumuho. May mga namatay na empleyado at ang daddy mo ay kasamang naguhuan." Nahigit ni Beatrix ang paghinga sa pagkabigla. Higit pa siyang nilukon ng matindang takot.
"Pero sa awa ng nasa taas nabuhay siya pero naging baldado. Hindi na siya nakalakad pa. Ang binti niya ang lubang naapektuhan."
"Oh!" Natutop ni Beatrix ang kanyang bibig. Sa kabila ng nalaman ay pasalamat pa rin siya at nabuhay ito.
"I want to see dad. Where is he?"
Sinulyapan ng ina ang pinto ng silid. "Nasa silid." Agad na tumayo si Beatrix at tinungo ang silid. Sa pagbukas niya ng pinto ay tuluyang napaluha si Beatrix nang makita ang ama na nakaupo sa gilid ng kama sa kabilang bahagi at pilit na inaabot ang wheelchair. Pagkaawa sa ama at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Naging wala siyang silbi sa dahilan na hindi niya alam.
"D-dad," gumaralgal ang kanyang boses nang tawagin niya ito. Lumingon ito. Bumaha ang gulat sa mukha na agaran ding nahalinhinan ng pananabik.
"Beatrix?"
"Dad!" Tinakbo niya ang kabilang bahagi ng kama. Umupo siya sa tabi nito at niyakap ang ama.
"I'm sorry, Dad! I'm sorry!" Hinaplos ng kanyang ama likod at paulit-ulit na umusal ng "it's okay."
Nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa ama ay agad nitong pinahid ang luha na bumasa sa kanyang pisngi.
"How are you?" tanong ng ama.
"I'm okay. I'm okay, dad. Ikaw...ano ang sabi ng doktor? Makakalakad ka pa naman hindi ba?"
Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "Possible if I continue the therapy."
"How about the healing power of Paganus?"
"Huwag na tayong umasa sa kanila." Naglakad ang kanyang ina palapit.
"Hindi sila tutulong nang walang kapalit. Nang umalis ka, hinanap ka nila at akala nila ay itinago ka namin. Ikaw kapalit ng pagpapagaling sa dad mo."
"Si Faro? Wala ba siyang ginawa o kaya si Luna at Maddelena."
"Leader lang si Faro ng hunters at wala siyang magagawa sa ipinag-uutos ng nakakataas. Si Luna ay nasa abroad. Ayaw naman naming guluhin pa lalo't nagpapadala naman ng allowance. Nahihiya na nga ako sa batang 'yon, pati kami naging pasanin." Mas lalong nakaramdam ng guilt si Beatrix. Nasaan ba siya sa mga panahong nasa ganitong sitwasyon ang kanyang mga magulang? Naaksidente ba siya at nagka-amnesia kaya wala siyang maalala sa nakalipas na isang taon?
"Si Sixto nga pala...malaki ang utang na loob namin sa batang 'yon. Palaging dumadalaw at isa sa mga tumutulong sa amin," ani ng kanyang ina. Hinawakan niya sa kamay ang ama.
"Pangako hindi na ako aalis, dad."
"Masaya akong malaman 'yan, Beatrix."
Kinabukasan ay nagpasya siyang puntahan si Missy. Hindi niya ito natawagan pa dahil nawalan siya ng kontak nang mawala ang kanyang phone. Kahit ang bagay na iyon ay hindi niya alam kung saan napunta. Bago lang iyon. Binili ni Romulus. Sa tuwing may bagong labas na model ng phone ay pinapalitan ni Romulus ang telepono niya kahit bago pa. Sa loob daw ng isang taon ay maraming nagbago tulad ng estado ng buhay nila. Kung bumagsak na ang kanilang kabuhayan dahil kay Seraphim mas lalo ngayon. Dahil sa lindol na nangyari ay naapektuhan ang kabuhayan nila. Ang nakuha sa insurance ng supermarket ay ipinangtulong din sa pamilya ng mga empleyadong nadisgrasya. Hindi na rin magawa pa ng kanyang mommy na buhayin pa ang negosyo dahil sa pag-aalaga sa kanyang ama.
Si Luna ay nangibang bansa kasama ang pamilya. Buwan-buwan daw itong nagpapadala ng allowance para kanyang mga magulang. Grabe! Sobrang hirap nang pinagdaanan ng kanyang magulang pero wala siya sa tabi ng mga ito.
"Yes?" Pumihit si Beatrix paharap sa maindoor nang may marinig na boses ng babae. Agad niya itong nginitian kahit pa nakatikwas ang mga kilay nito.
"Hello, I'm Beatrix, Missy's friend. Is she there?" Unti-unti ang paniningkit ng mga mata nito. Gumalaw ang plakadong kilay pataas habang ang mata ay unti-unti ang paghagod sa kanyang kabuan.
"She's not here," anito matapos ibalik ang tingin sa kanyang mukha.
"She's living in Manila na. Doon na siya nag-aaral." Humalukipkip ito.
"You are Breatix, right?"
"Oo...ahm...puwede ko bang malaman kung saan siya sa Manila? Baka mapuntahan ko."
"I don't know the exact address. Ibigay mo na lang sa akin ang contact mo then I'll tell her to contact you na lang."
"Wala kasi akong phone."
Her brows raised mockingly. "Really? Beatrix Naval, a fashionable kolehiyala, walang phone? What happened? Akala ko mas mayaman ang sinamahan at ipinalit mo kay Romulus."
"Just give me Missy's number na lang," kalmado niya iyong sinabi.
"Hindi ko alam ang contact niya. Alam mo naman after ng mga nangyari sa amin nawala na siya ng pakialam sa akin. Hindi na ako napatawad. Ang arte di ba?"
"You can't invalidate her feelings. Nasaktan mo siya ng sobra." Malakas itong tumawa. Mapanuyang tawa ang bumabasag sa tahimik ng lugar.
"Oh! Well, tama ka naman diyan. I hope you can tell it to yourself soon. Have a good day, Beatrix!" Humakbang ito paatras, inabot ang pinto. She flashed her not friendly smile before shutting the door. She exhaled a heavy breath before walking off. Bawat hakbang niya sa driveway ay mabigat. Wala siyang malapitan na kaibigan. Si Faro...sana naroon sa bahay nito. Pupunta siya sa village. Pupuntahan niya rin ang dating bahay para maliwanagan sa kababalaghang nangyayari sa kanya.
Muli siyang bumuntonghininga sa prustrasyon nang mapagtantong pinaalis na niya ang nasakyang taxi. Ngayon, kailangan niyang maglakad hanggang sa kung saan mas may tsansa na may dumaang taxi. Pumihit siyang paharap sa malaking bahay nina Missy. Sa balkonahe ay may isang babae ang naroon. Itim na bestida ang suot. Mestiza at maganda. Mid-forties ang edad tingin niya. Kamukha ito ng kapatid ni Missy. Marahil ay nanay nina Missy. Hindi siya nagkaroon ng chance na makilala ang nanay ni Missy. Ang kapatid lang nito.
Nginitian niya ang mukhang mabait namang babae. "Magandang umaga po."
"Magandang umaga, hija. Missy isn't here. I'll tell her about you once I get a chance."
"Salamat po." Mukha itong mabait kumpara sa kapatid ni Missy na laging nakatikwas ang kilay.
Dumeretso siya sa village, sa bahay nina Faro pero bigo siyang nakaharap ang kaibigan dahil ayon sa ina ay wala ito roon. May nilakad raw. Pinuntahan na lang niya ang Antique Shop. Nagpang-abot naman sila ng matanda pati na rin ang katiwala ay naroon.
"Nagpunta na po ako rito," imporma niya sa matanda habang iginagala ang tingin sa mga bagay na nasa loob kahit alam niyang hindi naman ito interesado.
"May painting akong nagustuhan kaso hindi ko nabili."
"Ano'ng klaseng painting iyon, hija? Marami na kaming painting na naibenta." Hinarap niya ang matanda.
"Ang sabi niyo...isang demigod ang nagpinta niyon."
"Ah, 'yon ba? Matagal nang naibenta. Mga isang taon na rin. May iba pa akong painting dito kung interesado ka." Nilagpasan siya nito patungo sa parte ng shop kung saan naroon ang nga painting pero bigla itong natigil at muli siyang nilinga.
"Natatandaan na kita. Nagpunta ka na nga rito. May kasama ka pang lalaki na interesadong bilhin iyong type writer." It's Baltazar.
"Kaso bigla na lang kayong nawala."
"Biglang nawala?"
"Oo. Umalis na lang kayong basta." Humakbang si Beatrix palapit sa matanda.
"Natatandaan niyo po ba kung kailan iyon? Kung kailan kami nagpunta rito?"
Bahagya nitong itinaas ang tingin. Nag-isip. "Hindi ko matandaan ang petsa. Matagal-tagal na rin kasi iyon. May isang taon na rin ang nakakaraan." Napahigpit ang hawak ni Beatrix sa strap ng kanyang sling bag. Naramdaman niya ang pagtayo ng balahibo sa kanyang buong katawan sa pangingilabot. Ano ba ang nangyayari? Iyon ang huling natatandaan niyang naganap sa kanya bago siya nagising sa loob ng opisina ni Romulus. Kung may nangyari mang kababalaghan tiyak na sa shop nangyari iyon. Pero ano ang nangayari?
"Si Romulus ho ba ang bumili ng painting? Romulus Saldivar."
"Hindi ko matiyak. Matagal na rin kasi. Pero magandang lalaki siya."
"Balak mo bang hanapin at bilhin sa kanya?" Nakangiti nitong tanong. "Mukhang nagandahan ka talaga sa painting na iyon. Mabuti pa mamili ka na lang sa mga nandito." Ipinagpatuloy nito ang pagtungo sa mga painting. Siya naman ay nanatiling nakatayo at patuloy na sinubukang alalahanin ang nangyari sa kanya.
***
"BALIKAN MO ako, mahalin mo ako ng walang pangamba, Beatrix. Mangako ka...Beatrix...Beatrix...Beatrix!" Gulat na nagmulat ng mata si Beatrix. Tulala siyang tumitig sa mababang kisame. Si Romulus. Napanaginipan niya si Romulus habang nag-aagaw buhay. May punyal na nakatarak sa dibdib nito. May masamang mangyayari ba kay Romulus? Ang samang panaginip. Pinaninigas niyon ang kanyang katawan. Hindi siya makakilos.
"Miss...miss," boses ng isang lalaki.
"Nandito na tayo. Gising na." Ikinurap niya ang kanyang mata. Pilit na ikinilos ang mga daliri hanggang sa tuluyang ma-relax ang kanyang kalamnan. Mula sa kisame ay inilipat niya ang tingin sa taxi driver.
"Nandito na tayo, miss." Tumingin ito sa labas ng bintana na sinundan naman niya matapos iangat ang sarili mula sa pagkakasandal. Nasa tapat na sila ngayon ng gusali na pakay niya. Tumahip nang malakas ang kanyang dibdib sa kaba. Kinakabahan siya sa pagkikitang muli nila ni Romulus. Hindi niya alam kung ako ang magiging reaksiyon nito kapag nakita siya. Paano kung galit pa rin ito sa kanya? Paano kung ipagtabayunan siya? Bahala na! Basta
kailangan niyang makausap si Romulus. Kailangan niyang humingi ng tawad sa nagawa niya. Wala ng tsansa pa sa kanila ni Romulus lalo't natagpuan na nito ang nakatakda para rito. Pero hindi siya matatahimik kung hindi niya ito makakausap. Gusto niyang linawin dito ang lahat. Ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya. Na hindi talaga siya nakipagtanan. Na hindi siya nagtaksil kailanman.
"Magkano nga po manong?"
"350 lang." She handed the driver the exact amount she had taken from her wallet. When she got out of the car, she felt even more uneasy, especially when she raised her head to gaze at the skyscraper clad in a skin of glass-and-steel. Ilang beses na ring siyang dinala ni Romulus sa building ng Lua Azul pero ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago nagpasyanng humakbang patungo sa entrance na. Awtomatikong bumukas ang salaming pinto ng gusali.
Binati siya ng guwardiyang naroon. Kilalang-kilala pa rin siya nito. Inilibot niya ang kanyang pangin sa malawak ng espasyo ng gusali habang naglalakad sa building. Ibang-iba na ang interior ng gusali. Bago ang mga display pati na rin ang mga furniture sa lobby. Gayon pa man ay nanatili ang luksuridad ng espasyo. She loves the humanistic design of the lobby. Hindi lang ang luksiridad ang kayang ipagmalaki kundi maging ang ganda disenyo ng lobby na mag-o-optimize sawellness ng tao lalo na ng taong stress. The whole place is not just a place to get work done, but a place that allows to improve employees' well-being and boost productivity.
Napahinto si Beatrix nang mahagip niya ng tingin ang paborito niyang tinatambayan noon sa tuwing naghihintay siya kay Romulus na matapos ang trabaho. Parte iyon ng lobby pero ang konsepto ng disenyo roon ay biophilic. Iyong kahit nasa loob ka ng isang building ang mararamdaman mo ay nasa isang hardin ka
dahil sa malaking puno na naroon na nasisinagan ng araw dahil sa malaking butas sa taas na ginawa para lamang tumagos ang ulan at sikat ng araw. Nakabukas ang salaming dingding konekta sa labas kung saan naroon ang mas marami pang halaman. Wala na roon ang couch na madalas niyang upuan. Nilagyan na lang din iyon ng halamang nasa paso.
Nagpatuloy si Beatrix patungo sa elevator pero muling natigilan nang mapagtantong mali ang tinatahak na direksiyon. Private lift ang kanyang pupuntahan na siyang ginagamit nila ni Romulus. Diretso iyon sa mismong loob ng opisina ni Romulus. Wala na siyang karapatan pang gamitin iyon dahil hindi na siya ang girlfriend ni Romulus. Malungkot siyang bumuntonghininga saka pumihit pabalik sa tamang direksyon. Sumabay siya sa mga taong nasa employee elevator hanggang marating ang palapag na pakay—40th floor.
Paglabas ay dumeretso siya sa opisina ni Romulus. Hindi na siya dumaan pa sa receptionist na pawang baguhan na rin. Agad na napangiti nang makita si Niña, ang sekretarya ni Romulus na nasa desk nito pagpasok niya ng receiving room.
"Good after noon, Niña." Sa pag-angat nito ng mukha ay agad na sumimangot. Pinaramdam agad sa kanya ang pagkadisgusto. Katulad ni Romi tiyak na galit din ito sa kanya dahil sa nagawa niya kay Romulus. Nakakalungkot na ang dating mga kaibigan ay kaaway na ang tingin sa kanya.
"Wala si Romulus dito nasa meeting," she said coldly. Hindi rin ito mukhang nagulat sa pagdating niya. Mukhang inaasahan na siya. Marahil ay nabalaan na ni Romi. Tiyak din na iiiwas nito sa kanya si Romulus.
"Ganoon ba? Matatagalan kaya siya?"
Nagkibit ito. "Don't know. Maybe. Balik ka na lang bukas o kaya sa susunod na araw or better huwag ka ng bumalik." Napababa siya ng tingin sa sinabi nito. Sumulyap siya sa orasang nakasabit sa dingding pagkuwan. Alas tres. Kapagkuwan ay gumawi ang kanyang tingin sa pinto ng pinakaopisina ni Romulus.
"I'll wait na lang. gusto ko lang siyang makausap," aniya matapos ibalik ang atensiyon kay Niña. Nilinga niya ang sofa na naroon. Humakbang siya para sana umupo roon nang magsalita muli si Niña.
"Sa labas ka na lang maghintay. May mga trabaho akong kailangan tapusin. Mas madali kong matatapos kapag walang ibang tao rito."
"Sige. Pasensiya na." Walang nagawa si Beatrix kundi ang lumabas. May upuan naman sa labas na malapit sa reception area. Less comfortable nga lang kumpara sa plush coaches na nasa loob. Padded long chair naman ang nandito. Naupo si Beatrix doon. Tipid niyang nginitian ang dalawang receptionist sa front desk. Ngumiti naman itong pabalik. Mga bagong staff ito. Lycan din marahil.
Sana bumalik si Romulus. Kailangan niya talaga itong makausap. Isinandal niya ang ulo sa dingding at tumitig sa katapat na dingding. She felt so drained these past two days. Ang daming gumugulo sa kanya. Ang dami niyang iniisip at gustong bigyan ng solusyon pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Gusto niyang malaman kung nasaan siya ng mga panahong wala siya pero hindi niya maalala. Kahit subukan ang abilidad niya para makita ang mga pangyayari at mangyayari ay hindi niya magawa. Gusto niyang makausap si Romulus. Gusto niyang ayusin ang lahat sa kanila. Imposible na silang magkabalikan pa pero at least ay makahingi man lang siya ng tawad. Kailangan niya ring maghanap ng trabaho para suportahan ang kanyang pamilya. Hindi na muna siya babalik sa pag-aaral. Magfo-focus siya sa pagta-trabaho.
Wala pa siyang ideya kung saan puwedeng mag-apply na related sa kanyang pinag-aralan gayong hindi pa siya graduate. Pero kahit ano siguro ay puwede na. Puwede siguro siyang mag-apply sa marketing and media or research. Kung dito na lang din kaya siya mag-apply. Baka mas madali siyang makapasok kung hihingi siya ng recommendation kay Axton. Sa panahon ngayon na mahirap maghanap ng trabaho kailangan samantalahin ang koneksyon. Pero susubukan muna niya ang sariling kakayanan. Kung hindi siya matanggap ay saka siya hihingi ng tulong kay Axton. Puwede rin sigurong gamitin niya ang pagiging seer niya. Mas madali rin siyang makakapasok sa trabaho kung sa Paganus siya hihingi ng tulong. They need her at puwede niyang samantalihin iyon.
Naghintay siya hanggang sa sumapit ang alas cinco pero wala pa rin si Romulus. Sa samo't saring iniisip ay nakatulog si Beatrix at nagising na lang nang gisingin siya ng isa sa mga receptionist.
"Hindi ka pa ba uuwi? Alas siyete na." Agad siyang napatayo. Hindi niya namalayan na nakahiga na pala siya habang mahimbing na natutulog.
"Alas siyete na?"
"Oo. Tapos na duty ko kanina pa. Isang oras mahigit na ako sa cafe pagbalik ko nandito ka pa rin. Ginigising kasi kita kanina hindi ka magising. Sabi ni Niña hayaan na lang daw kita. Sino ba ang hinihintay mo?" Sumulyap siya sa pinto ng opisina ni Romulus at kapagkuwa'y ibinalik ang atensiyon sa babae.
"Si Romulus."
"Si sir? Naku, nakaalis na. Nakasalubong ko. Hindi mo ba siya nakausap pagpasok mo sa opisina?"
Umiling si Beatrix. "Wala yata siya sa opisina. Nasa meeting."
"Ha?" Tumulis ang bibig nito at sumulyap sa pinto. "Hindi naman 'yon lumabas ng opisina," bulong nito. Parang pinagbaksan si Beatrix sa narinig. Nagsinungaling si Niña. Pagharap ng babae sa kanya ay naaawa itong ngumiti.
"Mabuti pa umuwi ka na. Bumalik ka na lang sa ibang araw."
Tumango si Beatrix. Kinuha ang bag mula sa upuan.
"Mauna na ako. Puntahan ko boyfriend ko," paalam nito.
"Sige. Salamat."
Napailing si Beatrix na naglakad patungo sa elevator. Hindi alam ni Romulus na nandito siya kasi kung alam nito hindi naman siguro nito hahayaan na maghintay siya nang ganoon katagal. Tiyak din na hindi siya nito nakitang nakatulog. Baka sa elevator na nasa loob ng opisina ang ginamit nito.
Niyakap ni Beatrix ang sarili nang makalabas ng building. Wala siyang phone para mag-book ng grab. Wala rin siyang makita man lang na taxi na dumadaan. Muli siyang bumalik sa entrance para tanungin ang guwardiya.
"Manong, may taxi po bang dumadaan dito?"
"Naku, wala! May matitiyempuhan kang sasakyan dito kung may hinatid sa banda rito."
"Saan po ba ako puwedeng sumakay?" Hindi pa siya nagpunta rito na naka-taxi. Lagi siyang hinahatid ni Sixto. Ngayon palang siya nagpunta rito na taxi ang sinakyan.
"Diretsuhin mo lang 'yan," itinuro nito ang kaliwang kalye. "Sa unang kanang kalye, lumiko ka. Diretso lang 'yon hanggang marating mo ang crossing kung saan ang mga pampublikong sasakyan."
"Okay. Salamat po." Wala siyang choice kundi ang lakarin iyon. Kung sana lang ay teleportation ang abilidad niya edi wala siyang problema.
Nagsimulang maglakad si Beatrix. Mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw niya ang unang kalyeng sinasabi ni manong pero medyo may distansiya. Napatawa siya sa sarili. Hindi niya akalain na darating sa puntong kinakailangan niyang mag-commute. Lumaki siyang may driver. Paglabas ng gusali nariyan na ang sasakyan. Kahit nang gawin siyang yaya ni Romulus noon hindi naman niya naranasan ang ganito. Higit pa siyang naging spoiled nang maging boyfriend niya si Romulus. Higit pa ang luhong ibinigay nito sa kanya kaysa sa ibinibigay ng kanyang magulang. But that's life. Parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Kailangan niyang magsikap at huwag ng umasa pa sa iba katulad ng siyang ginagawa niya noon.
Napatigil si Beatrix sa paglalakad ng biglang may itim na sasakyan ang huminto sa gilid ng kalsada sa mismong tapat niya. Hindi pamilyar sa kanya ang mamahaling sasakyan. Bumaba ang salaming bintana ng sasakyan. Nahigit ni Beatrix ang paghinga nang masamyo ang pamiyar na amoy ng nasa loob.
"Get in!" At iyon ang tuluyang nagpaligalig sa tibok ng kanyang puso.
"Romulus," mahina niyang usal habang nakatitig sa bulto sa loob ng sasakyan. Hindi man niya nakikita ang mukha nito dahil sa dilim pero ang boses at amoy nito ay kilalang-kilala niya. At higit sa lahat ang reaksiyon ng kanyang puso sa presensiya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top