Chapter 20
For clarification lang po. The name Ares and Kratos are the only real from Greek Mythology but the back story in the previous chapter isn't. It was inspired by the God of War game pero walang anak na Hieronimos si Kratos, walang mahiwagang punyal. Pati na rin ang ibang details dito chapter na ito is base from my imagination na lang din. Kaya rin ako natagalan mag-update kasi nagdadalawang isip ako kung pwede ko bang gawan ng back story ang mga god base sa gusto ko. Baka kasi hindi, pero may mga writer naman na gumagawa nito—like yung dapat na goddess ginagawa nilang god tas nagkaanak sa mortal. Making a good god into villain. So, I think pwede naman yata kaya ginawa ko na para ma-justify ko lang ang character ni Hieronimos at Celtici. Again, name lang ng god ang base sa mythology but the back story is not. But if you think po na hindi yon pwede just let me know, so I could revise it or gawa na lang ako ng sariling gods na balak ko sanang gawin nung una kaso naisip kong gumamit na lang ng gods sa greek mythology. At first hindi talaga ako naglagay ng name ng gods, inilagay ko lang is diyos ng digmaan kaso ayon nag-decide na lang akong gumamit ng names.
Just let me know if I break the rules too much! Thanks!
***
NAMAMANGHA si Beatrix kung paanong ang maliit at tila ordinaryong punyal ay nagiging espada. Ang punyal na iyon ay pag-aari ni Ares na naging pag-aari ni Kratos matapos nitong mapatay si Ares. Hindi raw nagagamit ang espada na iyon ng hindi karapat-dapat. Ang punyal na iyon ay gawa ng panday na si Vulcan, ang diyos ng apoy at siyang magtatakda ng karapat-dapat na mag mamay-ari ng punyal. Naglakad paikot sa kanya si Hieronimos hanggang sa huminto ito sa kanyang likuran, halos dumikit ang katawan nito sa kanyang likod. Ramdam niya kung gaano kalapit ang katawan nila sa isa't isa.
"Kailangan mong matutunan ang pagpapalabas ng iyong kapangyarihan, Celtici, sa iyong kagustuhan. Hindi dapat nakadepende sa emosyon mo ang paglabas ng kapangyarihan mo." Ipinikit ni Beatrix ang mga mata. Sinubukan niyang ibigay ang buong konsentrasyon sa nais gawing pagpapalabas ng kapangyarihan pero talagang nahihirapan siya. Isinandal niya ang likod sa katawan ni Hieronimos at pinikit ang mata.
"Hays! Bigyan mo kaya ako ng isang halik sa labi baka sakaling maging epektibo ang ginagawa ko." Dahil sa hindi pagtugon ni Hieronimus ay nagmulat siya ng mata at nilingon ito. Nasa gilid ng kanyang mukha ang ulo nito kaya halos magdikit ang labi niya sa pisngi nito. Marahang bumungisgis si Beatrix. Inalis ang pagkakasandal sa likod nito at hinarap si Hieronimus. Napatawa siya nang makitang namumula ang balat nito. Inabot niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.
"Ang cute-cute mo talaga." Binitawan niya ang pisngi ni Hieronimos at pinalagpas ang paningin nang may marinig na mga yabag ng kabayong paparating. Si Baltazar ang sakay ng isang kabayo na kulay chestnut. Agad siyang humakbang, nilagpasan si Hieronimos.
"Baltazar." Tumakbo siya pasalubong kay Baltazar nang makababa ito ng kabayo. Nagyakap ang dalawa. Natuon naman ang atensiyon ni Baltazar kay Hieronimos.
"Siya nga pala, si Hieronimos. Hieronimos ang kanyang tunay na pangalan...siya naman si Baltazar, kasama kung napadpad dito." Hindi inalis ni Baltaza ang puno ng pangambang mga mata kay Hieronimos. Agad naman niyang nakuha ang inaalala nito.
Muli na namang may mga yabag ng kabayong paparating. A slim man is riding a white and black breed horse with her mouth and nose covered with black cloth. Nang makalapit at maihinto ang kabayo ay saka nito hinila ang tela pababa hanggang sa humantad ang pamilyar na magandang mukha nito.
"Barbara, ano ang ginagawa mo rito at bakit ganyan ang suot mo?" Sigurado siya sa tono ni Baltazar ng pangangastigo. Ang yamot na nakita niya sa mukha ng babae ay napawi. Pigil na ngiti ang bahagyang gumitaw sa labi nito nang tumingin ito kay Baltazar. Tila ba maganda sa pandinig nito ang mga salitang itinapon ni Baltazar. Mapagkakamali itong isang lalaki sa suot nitong riding wear na mas angkop para sa lalaki. Nakatagpo ang blonde nitong buhok sa top hat. Ang kurba ng katawan ay itinago rin ng itim na wool frock coat at waistcoat.
Muling nanumbalik ang yamot sa magandang mukha nito nang gumawi ang tingin sa kanya na para ba siyang hindi kaaya-ayang bagay sa paningin.
"Gusto ko lang makita kung saan mo itinataho ang iyong babae." Mariin niyang itinikom ang bibig para pigilang mapangiti. Ramdam niya ang selos nito.
"Ipagpapatuloy pa ba ang selection? Mukhang may nanalo na sa puso ng prinsesa," sinabi niya ang panunuksong iyon kay Baltazar sa wikang Filipino na mukhang nagsindi sa mitsa ng pinipigil na galit ng babae.
"Are you going to bring her in the present time?" she continued teasing Baltazar, and this time she spoke in English.
"Lapastangan!" galit na sabi ng babae sa kanya.
"Hey, relax! Wala kang dapat na ikagalit. Si Baltazar ay kaibigan lamang." Nilapitan niya si Hieronimos, hinawakan ito sa braso.
"May nobyo ako." Kung agad na nawala ang galit ng babae ay gulat naman ang mayroon sa mukha ni Baltazar higit kay Hieronimos. Matamis niyang nginitian si Hieronimos.
"Nobyo kita sa panahon ko. At babalikan kita sa oras na makabalik kami." Bahagya lang itong tumango bilang pagsang-ayon.
"Siya nga pala, Beatrix, may dala ako para sa 'yo." Inabot ni Baltazar ang isang puting supot na gawa sa seda.
"Nakita ko sa isang tindahan. Mas bagay 'yan sa 'yo kaysa diyan sa itim. Para naman hindi ka lalong kinatatakutan." Binuksan niya iyon at kinuha ang kulay pulang seda. Nang iladlad niya ay noon niya nakitang isa iyong mahaba na pulang hooded cloak. Gawa iyon sa lana habang ang loob ay yari sa bulak. Mainam sa malamig na klima.
"Wow! Nice. Para ako nitong si Red riding hood kapag isinuot ko."
"I'm glad you like it."
"Para pala sa kanya ang bagay na iyan?" pagsabat ng infanta.
"Tinanong kita kung bagay sa akin ang pula pero sinabi mong kunin ko ang gusto kong kulay," sumbat nito kay Baltazar. Ang mga mata kahit na galit ay napakaamo pa rin.
"Bagay sa 'yo ang kulay na paborito mo, Infanta Maria Barbara. Angkop sa maamo mong mukha ang mapusyaw na kulay." Ang maamo nitong mukha ay higit pa ang pag-amo nang mawala ang galit. Mukhang may gusto ito kay Baltazar at kung tama ang hinala niya ay wala ng silbi pa ang pagpapatuloy sa selection dahil may nanalo na. Mapapagod lang ang mga kakompensiya ni Baltazar gayong si Baltazar na ang tiyak na pipiliin. Ang kaso lang paano na lang kapag nakabalik na sila ni Baltazar sa kanilang panahon? Pero paano rin kung umaasa na lang siyang makabalik nga?
***
PINUNTAHAN ni Beatrix at Hieronimos ang baryo kung saan nakatira si Peter at Thomas. Nadadaanan lang ito sa patungo sa kabayanan. Maliit ang baryo. Kakaunti lang ang tao. Malapit lang ito sa bungad ng gubat at hindi lalagpas sa ilog. Sa parteng ito naroon ang Elysium at ang baryo na ito na walang pangalan. Baryo lang itong tinatawag ng mga tao rito. Nakakaawa ang lagay ng mga tao rito dahil sa pandemya. Nagkakahawaan ng sakit. Nilalagnat. Nagsusuka at nagtatae. Ang iba naman ay nagkakaroon ng paltos sa balat.
Naalala niyang sinabi ng ama ni Celtici na may magaling na manggagamot sa Elysian kaya ginawan niya nang paraan para makausap at makumbinsi itong tulungan ang mga taga baryo sa tulong ng ama ni Celtici. Napapayag niya naman si Columban na kasalukuyan ngayon ginagamot ang ibang may sakit sa labas. Siya naman ay nasa munting bahay nina Thomas, kinakausap ang ama nitong nakaratay.
"Celtici, halikan mo si ama katulad ng ginawa mo kay Hieronimos," paghihimok sa kanya ni Thomas. Humakbang siya palapit sa nakaratay na lalaki pero natigil din nang may kamay na dumapo sa kanyang balikat at pumisil.
"Hindi epektibo ang halik ni Celtici. Ginagawa iyon sa ibang kaso." Nilingon niya si Hieronimos. Mapanganib ang anyo nito dahil sa matalim na mga mata na para ba itong galit. Ngumiti si Celtici saka ibinalik ang tingin kay Thomas na nakatayo sa gilid ng papag na kinahihigaan ng ama.
"Tama siya, Thomas. Ginagawa iyon kapag ang tao ay walang malay at hindi makahinga...sandali lang muna at titingnan ko kung ano na ang nangyayari sa labas." Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ni Hieronimos sa kanyang likod. Napangiti naman si Beatrix na tiningala ang lalaki.
"Maginoo ka pero seloso ka 'no?" bulong niya rito habang naglalakad sila palabas ng bahay. Niyuko siya nito na nakakunot ang noo. Pero masungit.
"Ayaw mo akong mahalikan ng ibang lalaki kaya pinigil mo ako." Hindi ito tumugon. Iniwas ang lang matalim na tingin. Bumungisngis si Beatrix.
"Beatrix!" Pamilyar na boses ang kanyang narinig sa paglabas niya ng bahay. Agad ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi nang makitang si Baltazar iyon. Patakbo itong lumapit sa kanya na agad naman niyang sinalubong.
"Nandito kayo?" Lumagpas ang paningin ni Beatrix kay Baltazar para makita si Infanta Maria Barbara. Malayo ang suot nito sa huli nilang pagkikita na nakasuot ng panlalaking riding suit. Ngayon ay suot ang floral na puting bestida na may mahabang manggas habang napapatungan ng peach hooded cloak.
"Tinugunan ni Barbara ang pakiusap mo. May mga kasama siyang manggagamot." Hindi na nga lang si Columban ang naroon para maggamot. May mga ibang manggagamot ang naroon. Nakahilerang nakahiga sa sahig ang mga may sakit na sinapinan lang ng makakapal na tela sa pabilyon. Sabay-sabay silang lumapit sa pabilyon. Naroon din ang ibang kalahok sa selection.
"Maraming salamat, Infanta Maria Barbara. Napakalaking bagay nito sa mga taga baryo."
"Ginawa ko lang ang nararapat." Lumapit sa kanila ang ina ni Peter. Nakilala na niya ito nang minsan siyang magtungo sa bayan. Nagulat ito nang makita siya at malamang siya si Celtici. Kilala siya sa pangalan pero hindi sa mukha ng mga taga baryo. Tanging si Thomas at ang ina nito ang nakakakilala sa kanyang mukha.
"Celtici, maraming salamat! Iniligtas mo ang mga tao sa baryo sa kamatayan."
"Walang anuman. Sila ang pasalamat mo." Itinuro niya ang Infanta.
"Tama sila. Ikaw ang higit na dapat pasalamatan. Hindi naman kami makakapagdala ng manggagamot dito kung hindi dahil sa 'yo." The Infanta is so humble. Siniko niya nang marahan si Baltazar.
"Kapag ba bumalik tayo sa panahon natin isasama mo siya?" bulong niya.
"Kung gusto niya." Marahang napatawa si Beatrix. Mukhang tinamaan na rin itong si Baltazar.
"Hindi pala totoo na masama ka," anang babae.
"Kinatatakutan ka. Ang lugar sa gubat dahil sa 'yo. Pero mali...ikaw na kinatatakutan pa ang magbibigay ng tulong sa amin. Ikaw pa ang magmamalasakit. Walang hanggang pasasalamat sa 'yo, Celtici." Parang may mabining haplos ang lumunod sa kanyang puso dahil sa magagandang salitang narinig mula rito. Kahit ang ama at kapatid ni Celtici ay naninibago raw sa kanya. Ang Celtici na kilala ng mga ito ay nangingilag sa mga tao. Sa tuwing may tao raw kahit Elysian pa ay ito na ang umiiwas agad dahil sa takot na makapanakit habang siya ay nakikisalamuha pa at palabati. Lalo na nang minsan siya pumasok sa Elysian para kausapin si Columban. Para siyang tatakbo ng kapitan sa kaliwa't kanan niyang bati sa makakasalubong.
Nilinga niya si Hieronimos pero wala na ito sa likod niya. Agad niyang hinanap ng kanyang paningin, napatigil sa direksiyon sa may distansyang bahagi ng kanilang kinaroroonan nang makitang nandoon si Hieronimos at may kausap. Kumunot ang kanyang noo nang makilala ang taong kausap. Magkakilala ang dalawa? Hinarap niya ang mga kausap at nagpaalam. Nilapitan niya si Hieronimos. Natigil sa pag-uusap ang dalawa at bumaling sa kanya.
"Hindi ko akalain na magkakilala kayo," aniya at tuluyang lumapit. Bahagyang yumuko ang babae bilang pagbati.
"Kasamahan ko siya. Isa siyang Citania." Oh, mandirigma ito. Hunter.
"Nakilala ko siya sa bayan."
"Oo. Nakabantay talaga siya sa 'yo ng oras na iyon." Namilog ang mga mata ni Beatrix sa kaalaman na iyon.
"Wow! Really? Did you think—" she paused as she realized the language she's using. She isn't sure if these two can understand English.
"Tingin niyo ba maghahasik ako ng lagim sa bayan kaya kailangan niyo talaga akong bantayan?"
"Hindi iyon!" mabilis na naging tugon ni Hieronimos na para bang mahalagang itama ang kung anuman ang interpretasyon niya sa bagay na iyon.
"Nais ka niyang protektahan mula kay Siera. Ginulo mo ang isipan niya sa mga sinabi mo." Napatingin si Beatrix kay Hieronimos na naging mailap naman ang mata. Parang ikinahihiya ang sariling ginawa. Malapad namang napangiti si Beatrix.
Hindi na rin sila nagtagal pa at umuwi na rin. Halos nagamot na ang lahat at sinigurado ng mga manggagamot na magiging maayos ang mga tao. Nakipag-usap lang siya kay Baltazar nang masinsinan. Hanggang ngayon ay hindi nila alam kung paano bang malalabalik. Maaaring ang painting ni Hieronimos ang pinto pabalik. Dalawang oras din ang gagawing paglalakad hanggang sa bahay. May kabayo si Flavia na ipinapagamit sa kanila pero tinanggihan na nila. Mas pinili nilang maglakad na magkahawak kamay ni Hieronimos
"Pinabantayan mo talaga ako kay Flavia? Bakit?" Tanong niya kay Hieronimos habang idinuduyan niya ang kanilang mga kamay na magkahawak habang naglalakad sa kagubatan.
"Katulad ng sinabi niya...ginulo mo ako sa sinabi mo."
"At least, you listen." Biglang napatigil sa paglalakad si Hieronimos kaya napasunod si Beatrix. Mula sa mukha ni Hieronimos ay kuryuso niyang ibinaling ang paningin sa unahan kung saan matiim na nakatitig si Hieronimos. Si Pinunong Tavora ang naroon.
"Pinunong Tavora," banggit niya sa pangalan nito bilang pagbati. Sa halip na tumugon ay bumaba ang tingin nito sa kamay nilang magkahawak. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Hieronimos sa kanyang kamay na para bang may kukuha sa kanya kung bibitawan siya nito.
"Ano ang ginagawa mo, Celtici?" Hindi nito itinago ang galit. Sadyang ipinaramdam sa kanya sa pamamagaitan ng tigas sa boses. Galit marahil sa kanyang paglabas.
"Sa Baryo lang sa malapit ako—"
"Ano ang gusto mong patunayan!" Nanigas si Beatrix sa biglang pagtaas ng boses ng lalaki. Hindi niya iyon inaasahan.
"Nakikipagsabwatan ka ba kay Columban para patalsikin ako sa pagiging pinuno ng Elysian." Grabe naman mag-overthink ang taong ito?
"Paano't naisip mo iyon? Wala akong intensiyon na ganyan, Pinuno Tavora."
"Ako ang pinuno ng Elysian pero kawalan ng respeto ang ginawa mo. Hindi niyo ipinaalam ang ginawa niyong pagtulong sa mga taga baryo. Ano ang binalak niyo ni Columban?" Galit itong humakbang palapit pero agad na iniharang ni Hieronimos ang sarili. Hindi ito nagsalita. Matalim lang na tinitigan ang pinuno. Umatras naman si Tavora. Itinapon sa kanya ang matalim na titig habang nakasalip siya ng bahagya sa tagiliran ni Hieronimos. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Nagbabanta ang huling titig sa kanya ni pinuno bago tuluyang umalis.
"Parang malaki ang galit niya sa akin. Wala naman akong intensiyon na masama."
Humarap sa kanya si Hieronimos. "Iwasan mo ang taong iyon, Celtici. Isa siya sa mga taong nais kang mawala."
"Hindi naman siguro. Nababahala lang siya sa kaligtasan ng mga tao dahil sa dala kong banta katulad mo. Pero katulad mo ay baka mabago ko rin ang pananaw ni Pinunong Tavora tungkol sa akin."
***
NAGTUNGO si Heironimos at Beatrix sa batis. Ang balak nitong magpinta ay hindi na nagawa pa dahil mas naaliw silang umupo sa ilalim ng puno at pagmasdan ang mga ibon na nagpapalitpat sa mga sanga ng punongkahoy. Nang mapagod sa pag-upo ay isinandal niya ang likod sa gilid ng katawan ni Hieronimos habang nakasandal naman ito sa katawan ng puno. Hinayaan naman siya nito. Ilang araw na rin siyang tinuturuan ni Hieronimos sa tamang pagkontrol ng kanyang kapangyarihan. Medyo nahihirapan pa siya pero paunti-unti ay nagagawa niya iyong palabasin sa kanyang kagustuhan at hindi dahil sa emosyon lalo na sa galit.
"Nakikita mo ang sanga na 'yon?" Itinuro ni Hieronimos ang sanga sa puno na nasa kabilang sapa. Pero sa halip na tingalain iyon ay ibinaling niya nang bahagya ang mukha sa lalaki sa pagkakakilit dahil sa mainit nitong hiningang tumatama sa kanyang leeg.
"Ang sanga, Celtici." Bumungisngis si Beatrix dahil sa tonong pagbabanta nito.
Pinatulis niya ang kanyang labi. "Mas maganda ang tanawin sa likod." Sinunod na lang niya gusto nito. Tiningala niya ang puno.
"Putulin mo ang sanga gamit ang kapangyarihang taglay mo."
"Hindi ko yata kaya." Duda siya. Parang spark lang ang kaya niyang palabasin.
"Kaya mo. Ituon mo ang buong isipan at puso mo sa gusto mong mangyari. Alisin mo ang kahit maliit na duda." Sinunod niya ang sinasabi ni Hieronimos. Sinubukan niyang ituon ang buong isip at emosyon sa gusto niyang mangyari. Unti-unti niyang itinaas ang kamay. Ang mga daliri ay mabagal na gumalaw. Nanlalabot iyon. Hindi niya maituwid.
"Hayaan mong dumaloy ang enerhiya sa sistema mo," patuloy na pag-hihikayat sa kanya ni Hieronimos. Nararamdaman niya ang tila boltahe ng kuryenteng rumaragasa sa loob ng kanyang katawan.
"Patungo sa iisang direksiyon. Patungo sa lagusan." Nahigit ni Beatrix ang kanyang paghinga nang manigas ang kanyang mga daliri na tumuwid at tumutok sa kanyang target.
"Pakawalan mo!" Malakas na suminghap si Beatrix nang maramdaman ang pagkawala ng malakas na enerhiya mula sa kanyang katawan.
"Oh!" Bulalas niya nang makitang bumagsak ang sanga ng puno. Umuusok pa iyon.
"Nagawa ko!" Pumihit siya paharap kay Hieronimos.
"Sabi ko naman sa 'yo, makakaya mo." Malalim ang boses nito. Mahina ang bigkas sa mga salita habang matiim na nakatitig sa kanya. Halos walang espasyo ang kanilang mukha. Tila ba pisikal na humahaplos ang titig nito sa kanyang mukha para manindig ang kanyang balahibong pusa.
"Mahusay akong estudyante," puri niya sa sarili.
"Napakahusay." Hindi nagbago ang lalim ng boses nito. Napaka-sexy niyon.
"Karapat-dapat ako sa isang gantimpala."
"Ano'ng gantimpala ang nais mo? Masarap na hapunan lang ang kaya kong ipagkaloob."
Umiling si Beatrix habang unti-unti ang paggitaw ng pilyang ngiti sa labi. Pinutlis niya ang kanyang labi. "Halik ang nais ko, Hieronimos. Halik mula sa 'yo."
Kitang-kita ang saglit na pagkatigalgal nito. Unti-unti pa ang pagbaba ng tingin nito sa kanyang labi. Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi. Napalunok si Hieronimos. Bahagyang umurong ang ulo pero ang titig ay nanatili sa kanyang labi. Kapagkuwa'y tumaas ang kamay nito. Inaasahan na niyang itutulak siya nito pero ang inaasahan ay kabaliktaran sa nangyari nang ilapat nito ang malapad na kamay sa gilid ng kanyang leeg, ang mga daliri ay may bigat na bumaon sa kanyang batok habang ang hinlalaki ay magaan namang lumapat sa kanyang lalamunan.
Gosh! Choke me, daddy!
Nahigit niya ang kanyang paghinga nang unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Tuluyang naging madilim ang paligid nang tuluyang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapat nang tuluyan ang mainit na labi ni Hieronimos. Pamilyar. Pamilyar ang lambot, ang init, ang mabagal na galaw at nag-iiwan ng detalyadong alaala at ang emosyon—kung ano ang emosyon na ibinibigay ng halik ni Romulus ay ganoon na ganoon ang nakukuha niya ngayon mula kay Hieronimos. So magical.
Nagmulat siya ng mata nang maghiwalay ang kanilang labi. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanyang mukha. Ang titig na may emosyong kay Romulus niya lang din nakikita.
Inabot ni Beatrix ang mukha ng lalaki at marahang hinaplos. "Iniibig mo na ba ako?"
"Hindi pa ako umiibig, Celtici, kaya hindi ko alam kung ang pag-ibig ngang itong nararamdaman ko." Inabot ni Hieronimos ang kanyang pisngi at masuyong humaplos ang dulo ng daliri sa kanyang balat, naglinya iyon pababa sa kanyang panga hanggang sa baba.
"Ang sigurado ako, ikaw ang pinakamaganda sa aking paningin." Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig kasabay nang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Sa tuwing susubukan kong magpinta wala akong maiguhit. Hindi dahil sa wala akong inspirasyon ngunit dahil hindi ka mawala sa isipan ko." Pinisil nito ang kanyang baba.
"Ang iyong magandang mukha ang lagi kong nakikita...ikaw ang nais kong ipinta."
"Talaga? Ako? Ako nais mong ipinta?"
Tumango ito, ibinaba ang kamay sa kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita. "Maari kaya kitang ipinta?" pagpapaalam nito.
"Oo naman!" mabilis ang kanyang naging tugon. Mabilis na kumilos si Beatrix. Agad siyang tumayo.
"Ipinta mo ako ngayon, Hieronimos." Nilinga niya ang malaking bato na nasa gitna ng sapa.
"Uupo ako roon." May ngiting gumuhit sa kanyang labi nang may maisip. Hindi siya nagdalawang isip pa gawin ang nais. Agad niyang hinubad ang suot na pulang kapa at ibinagsak sa damuhan. Sinimulan niyang kalasin ang butones ng itim na blusa. Nanglaki ang mga mata ni Hieronimos higit pa nang tuluyan niyang alisin ang blusa at maiwan lang ang itim niyang lace brassiere.
"Brassiere ang tawag sa bagay na tumatakip sa aking dibdib. Bra for short." Isinunod niyang hinubad ang mahabang itim na palda na mas lalong ikinalaki ng maiitim na mga mata ni Hieronimos.
"Panty naman ang tawag sa bagay na ito. Sa panahon ko, madalas mo itong sirain kapag hinuhubad mo."
"Sa...s-sandali!" nauutal nitong awat na nag-iwas bigla ng tingin. Kinuha niya ang hooded cloak at muli iyong isinuot, ipinatong sa kanyang itim na underwear. Nanatili naman niyang suot ang kanyang Gucci Sneakers.
"Haluan natin kaunting sensuwalidad ang sining mo."
"Sensuwalidad?" tanong nitong ibinalik ang titig sa halos hubad niyang katawan.
"Hmmn. Gusto kong ipinta mo ako sa ganitong kasuotan. Kaya mo ba?" Marahan lang ang naging pagtango nito habang marahas ang paglunok.
Nang magsimula ang pagpipinta ay napapangiti si Beatrix dahil sa tila pinagpapawisan si Hieronimos sa ginagawang pagpinta sa kanya. Pero nang magtagal ay mukhang naging kumportable na ito. Sa tuwing titingin ito sa kanya ay nginingitian niya.
"Napakaganda mo." Bumuntonghininga si Hieronimus at ibinaba ang paintbrush. Malapad na napangiti si Beatrix. Hindi na nagawang magpasalamat nang makita si Baltazar na naroon. Nilapitan siya nito at ibinigay ang isang pulang rosas sa kanya.
"Salamat." Dinala iyon sa ilong at sinamyo.
"Salamat, Baltazar."
"Mas maganda kung may hawak ka niyan." Muli itong umalis. Nang ibalik niya ang tingin kay Hieronimos ay matalim ang pagkakatitig nito sa kanya. Kinindatan niya ito at marahang natawa nang biglang mag-iwas ng tingin. Napangiti si Beatrix nang may maalala. Nakita na niya ang scenario na ito noong hawakan niya ang punyal na nakatarak sa labi ni Celtici. Iba nga lang ang inakala niya--na si Baltazar ang nagpinta sa kanya. Masyado rin mahinhin si Celtici sa scenario na iyon habang siya ngayon ay sinira ang mahinhin na imahe na Celtici.
Sorry, Celtici! It's me, Beatrix.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top