Chapter 18


NAKIPAGSIKSIKAN si Beatrix sa kumpulan ng mga tao, tinalunton ang tuwid na linya hanggang sa marating niya ang unahan. Huminga siya nang maluwag nang makahawak sa bakal na barikada na humaharang sa lugar kung saan naroon ang mataas na intablado.Hindi niya alam kung ano'ng meron pero mukhang mayroong event na magaganap. Concert? Hindi niya alam. May sikat na singers na ba sa panahon na ito? Baka, pero baka sa bansa lang na ito kilala.
Maraming tao ang nag-aabang sa plaza. Naghihintay na magsimula ang kung ano mang pagtatanghal ang gagawin. Lumabas siya ng kagubatan at nanguha ng kabayo sa bayang nadaanan. Ginagamit yata iyon sa pagtransport ng mga ani dahil may dalawang wicker basket sa likod niyon.

Iyong hobby niya sa pangangabayo sa Baguio ay napakinabangan niya ngayon. Higit pang na enhance ang skill niya dahil kay Romulus. Sumasakay siya kay Romulus sa tuwing nagbabagong anyo ito at tumatakbo sa kagubatan.

"Ano ang magaganap?" tanong niya sa katabing babae.

"Pagpapakilala ng mga kasama sa pagpipili."

"Pagpipili?"

"Pagpipili para sa mapapangasawa ng anak na babae ng duke ng Beja. Si Infanta Maria Barbara." Tumango si Beatrix.

"Magaganap din yata ang pag-anunsiyo ng ministro sa lagay ng bansa dahil sa nagaganap na digmaan. Nakakabahala na nga dahil ang balita ay malaking hukbo ng mga sundalo ng Espanya at Pransiya ang pinadala para sakupin ang bansa natin."

"Ano'ng taon ba tayo ngayon?" Hindi niya naisip na itanong ang bagay na ito. Pero kung ibabase niya sa paghaharap nila ni Gonçalo, ibig sabihin ay....

"Ika isan libo't pitóng daan at anim na pû't dalawa...oktubre uno." Sukat sa narinig ay nanglaki ang mga mata niya. Ito ang buwan ng kamatayan ni Celtici. Sa katapusan ng buwan, sa mismong kaarawan ni Celtici ay papatayin siya ni Gonçalo.

"Nakakabahala. Paano kung tuluyan tayong masakop," ani ng babae na punong-puno ng takot.

"Hindi mangyayari. Huwag kang mag-alala. Mananalo ang hukbo ng Anglo-Portuguese laban sa kalaban at hindi mapagtatagumpayan ang pananakop sa Alentejo. Matatapos ang giyera sa susunod na taon. Magtatagumpay ang bansang Portugal laban sa Espanya."

"Bakit parang nakatitiyak ka?" May pagkamangha sa mukha ng babae dahil sa kanyang siguradong pahayag.

"Natitiyak mo. Matatapos din ang lahat ng ito." Niyuko ni Beatrix ang batang lalaki na hinihila ang laylayan ng kanyang damit. Mga limang taong gulang ang bata.

"May kakayanan ka bang makita ang hinaharap? Kahit ang mangyayari sa buhay ng isang tao?" Nakangiti siyang umupo sa harapan ng bata. Inalis niya ang hood sa ulo.

"Nais mo bang malaman ang iyong kapalaran?"

"Oo naman. Gusto kong malaman kung magiging sundalo ako."

"Nais mong maging isang sundalo?" Halos rinig niya sa kanyang boses ang sariling pagkamangha at pagkagiliw.

"Isang mahusay na sundalo para maipagtanggol ang ating bansa."

"Sige. Subukan natin makita kung matutupad ang iyong pangarap." Hinawakan niya ang dalawang munting kamay ng bata.

"Ano ang iyong pangalan?"

"Peter," may pagmamadaling tugon nito. Ngumiti siya sa bata at nagpakilala bilang Beatrix bago ipinikit ang mga mata. She uttered the usual latin prayer that Manoela taught her. Tagumpay naman siyang nagkaroon ng pangitain. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang  tila koneksiyon niya sa bata. Nakikita niya ang sarili niya bilang Celtici, si Gonçalo, si Baltazar na nasa iisang lugar, nasa panganib at isa pang babae na nakaitim na kapa na may hood katulad sa kanyang suot pero hindi makita ang mukha. Hanggang sa makita niya ang batang hawak ang asul na diyamante—ang diyamanteng nasa kanyang talisman. Doon naputol ang kanyang pangitain. Excited na mukha ng bata ang nabungaran niya, naghihintay sa kanyang sasabihin.

"Magiging sundalo ba ako?"

Pilit niya itong nginitian sa kabila ng kalituhan at pagkabahala na rin. "Lahat ng pangarap ay matutupad basta pagsusumikapan mo. Magiging sundalo ka." Unti-unting pinunit ng malapad na ngiti ang labi ng bata.

Nag-angat ng tingin si Beatrix nang marinig ang pag-iingay ng mga tao. Tumayo siya at sinilip ang dahilan ng kaguluhan. She saw a redhead man dressed in Rococo attire standing on the stage. His expensive clothing indicated that he was a nobleman. Nang magsimula itong magsalita para kausapin ang mga tao ay mayroon siyang napagtanto. Kilala niya ang taong ito.

"Lakon," mahina niyang usal. Tama. Si Lakon nga ang ministro ng hari sa panahon na ito. Napuno ng excitement si Beatrix. Hindi siya makapaniwalang makikita si Lakon sa panahon na ito. Napakakisig nito katulad sa kasalukuyan. Ang attire lang naiba. Gusto niyang makalapit at makausap si Lakon pero mukhang imposible yata. Malayo ang entbalado sa kanyang kinaroroonan kahit na nasa unahan pa siya. May barikada ring paikot at maraming sundalo ang nakabantay.

"Napagtagumpayan ng mga sundalo ng Espanya at Pransiya ang pananakop sa probinsiya ng Beira. Anumang araw ay ang Alentejo ang kanilang isusunod. Pero huwag kayong mabahala, ginagawang lahat ng magigiting na sundalo ng bansa para pigilan ang kalaban. Iminumungkahi ko ang pag-iingat ninyong lahat. Sumunod sa mga alintuntuning ipapatupad sa mga susunod na araw." May mga sinabi pa si Lakon para sa pagpapaalala sa mga tao. Nang matapos ay bumaba ito ng entablado. Agad na naging alerto si Beatrix, naghanap ng posibleng daanan para makalapit. Isiniksik niya ang sarili sa maraming tao patungo sa direksiyon kung saan dadaan si Lakon. Humingi siya ng pasensiya sa mga nagagalit na kanyang nasiksik.

Nang makalabas sa dagat ng mga tao ay tinakbo ni Beatrix ang direksiyon kung nasaan ang karwahe na sasakyan ni Lakon.

"Uncle Lakon! Uncle Lakon!" Paulit-ulit niyang tawag nang makitang malapit na ito sa karwahe. Nilusutan niya ang mga nakahilerang bantay roon at dinamba ng yakap si Lakon na nagulat. Ang mga bantay ay naging alerto at naglabas ng espada, lahat ay itinutok sa kanya. Noon niya napagtanto ang kanyang maling hakbang. Wala nga pala siya sa panahon niya. Mas agresibo at mas mahigpit ang seguridad sa panahon na ito ang bantay ng mga prominenteng tao.

Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Lakon. "Hindi ako masamang tao!" Nagtaas siya ng dalawang kamay.

"Beatrix!" Bigla ang pasulpot ni Peter at yumakap sa kanya.

"Hindi siya masamang tao!" Pakiusap ng bata sa matapang ngunit nanginginig na boses.

"Uncle Lakon, it's Beatrix. Hindi mo ako kilala ngayon pero balang araw magkakakilala tayo...iyon lang kung makakabalik pa ako sa panahon ko. Pero kung hindi na ako makabalik sabihin mo sa magulang ko na mahal na mahal ko sila, kay Luna at lalo na kay Romulus."

Itinaas ni Lakon ang isang kamay para awatin ang mga sundalo habang ang naguguluhang titig ay nasa kanya. Agad namang ibinaba ng sundalo ang kanya-kanyang espada.

"Sino ka?"

Hindi na nasagot ni Beatrix ang tanong ni Lakon nang may lumapit na babae at sa damit palang ay masasabi niyang galing ito sa mayamang angkan. Her makeup and hairstyles looked extraordinarily out of place. Well, this is an era particularly identified with hair and makeup, as these became such powerful symbols of aristocracy, and this woman made it clear that she is from an aristocratic family with her high hairstyle with lots of ribbons, pearls, jewels, feathers, and damn a ship on top of the towering hair.

"Sino kang lapastangan na biglang yayakap sa ministro?" Ikinawit nito ang kamay sa braso ni Lakon.

Tumaas ang kilay ni Beatrix sa babae. "May jowa ka rito?" tanong niya kay Lakon habang nakatingin sa babae. Nang hindi tumugon si Lakon ay ibinalik niya ang atensiyon dito.

"Hindi naman kayo magkakatuluyan. Igugugol mo ang buong buhay mo para sa bansa at para sa hari at buong pamilya niya at sa mga susunod pang henerasyon. Si Lilith ang babaeng mamahalin mo balang araw at magkakaanak kayo."

"Itikom mo ang bibig mo, babae!" Matigas ang boses na utos ng babae sa kanya.

"Sungit naman nito! Girl, huwag mong sayangin ang panahon mo kay Uncle Lakon. Sayang ang panahon. Lumandi ka sa iba." Sinabi niya sa Tagalog ang huling mga salita.

Niyuko niya si Peter na mahigpit na nakayakap sa kanya. "Uncle Lakon, siya si Peter, pangarap niyang maging isang sundalo...baka naman matulungan mo siyang matupad ang kanyang pangarap."

"Alisin siya!" Utos ng babae na higit pang nainis sa kanya. Mabilis siyang nahawakan sa magkabilang braso ng dalawang sundalo at sinimulang kaladkarin palayo.

"Uncle Lakon, pangatlong pagsalakay ng Espanyol at Franco ay sa susunod na buwan. Aatakihin nila ang Ouguela at Marvão. Matatalo niyo naman sila pero baka sakaling makatulong ang impormasyon para walang masawi sa hukbo ninyo kung mas makakapaghanda," sigaw niya habang kinakaladkad siya palayo ng dalawang sundalo. Pasalya siyang binitawan nito dahilan para mapaupo siya aspaltong daan. Ang isa sa dalawang sundalo ay naglabas ng espada at itinutok sa kanya.

"Espiya ng Espanya!"

Agad niyang itinaas ang  isang kamay. "May espiya bang magbibigay ng impormasyon sa kalaban?" Itinalapit pa nito sa kanyang mukha ang dulo ng matulis na espada. Pero bago pa man iyon tumusok sa kanya ay may humampas doon na isa ring espada kaya nalayo ang pagkakatutok sa kanya ng espada.
Nang lingunin niya ay isang hindi pangkaraniwang babae ang naroon kung ibabase sa uri ng kasuotan nito. Sa ibabaw ng puting breeches at pang ilalim na na damit ay mahabang itim na roba. Nakatali ang laso niyon sa baywang. Mahaba ang buhok na unat at itim na itim. Para itong isang warrior.

"Wala talagang pinapatawad ang mga sundalo ng palasyo...kahit babae pa." Kalmado ang boses pero nakapaka-sexy. Agad na pinunit ng ngiti ang mga labi ni Beatrix nang maikumpara ito sa isang Japanese warrior.

"Tagapagligtas talaga kayo ng mga kriminal." Ang malagong na boses ng isa pa sa royal guard ang siyang kumuha muli sa kanyang atensiyon. Tinapik nito ang balikat ng isang sundalong nanutok sa kanya ng espada. Tumabi ito hanggang sa lumantad sa kanya ang kabuan nito. Nang mag-alis ito ng sumbrero ay nanglaki ang mga mata ni Beatrix nang makita nang buo ang mukha nito. Mabilis siyang tumayo at tumili.

"Oh, mg gosh!! Sixto!" bulalas ni Beatrix. Kamukhang-kamukha ito ni Sixto. Si Sixto ba ito na nabuhay nang matagal katulad ni Lakon. Hindi. Imposible. Si Lakon lang ang nag-iisang Lycan at magsisimulang dumami ang lahi ng mga ito mga isang daang taon pang lilipas. Sina Fhergus ang susunod na magiging Lycan. Maaaring si Sixto nga ito pero reincarnation na ang nasa 21st century.

"I can't believe this. You exist in this era as a royal soldier." Nagsalubong ang makakapal na kilay nito habang nakatitig sa kanya.  Naguguluhan.

"Magtatagpo tayong muli makalipas ang mahigit dalawang daan taon." Iniwan niya ng tingin si Sixto na may naguguluhang anyo para bumaling sa babaeng mukhang princess warrior.

"Maraming salamat. Ako nga pala si Beatrix." Inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. Tinitigan lang nito iyon. Baka hindi uso ang handshake sa panahon na ito. Sa halip na hintayin na kunin ang kanyang kamay ay siya na ang kumuha sa kamay nito.

"Ano naman ang pangalan mo?"

"Flavia," tipid nitong tugon. Nasa punto na siyang bibitawan ang kamay nito nang bigla siyang magkaroon nang pangitain kaya ang kanyang kamay humigpit mula sa pagkakahawak sa kamay nito. Dahan-dahan ay bumaba ang kanyang paningin sa kamay nito at kapagkuwa'y bumalik sa mukha nito na may matinding pagkamangha.

"Kuya Bruce," mahina niyang usal. Kung namangha na siya sa pagkakakita kay Sixto ay higit pa ngayon. Ang babaeng ito ay si Bruce. Hindi lang bastang reincarnation ang nakita niya. Ang kaluluwa nito ay makukulong sa katawan ng isang lalaki—kay Bruce. Hinila ng babae ang kamay, ang espada na hawak ay ibinalik sa belt holder.

"21st century ay muli kayong mabubuhay..." Bumaling siya kay Sixto.

"Magtatagpo muli ang landas niyo at iibig sa isa't isa," paliwanag niya sa salitang naiintindihan ng mga ito. Higit pang bumaha ang kalituhan sa anyo ng dalawa at nagkatinginan.

"Kaya pahalagaan niyo ang isa't isa sa panahon ngayon. Medyo complicated ang magiging relasyon niyo sa hinaharap." Marahan siyang napatawa sa naging ekspresyon ng dalawa dahil sa ibang salitang kanyang ginamit.

Naibaling ni Beatrix ang tingin sa entablado nang mag-ingay ang mga tao. Sa mataas ng entablado ay naroon ang isang napakagandang babae at labindalawang lalaki. Isa-isa niyang pinadaan ng tingin ang mga taong naroon hanggang sa matigil sa isang pamilyar na lalaki.

"Baltazar." Nagpaalam siya sa dalawang kaibigan. Hinawakan sa kamay si Peter na tahimik na nakamasid sa kanila at hinila itong pabalik sa puwesto. Nakipagsiksikan muli sila sa mga tao hanggang sa marating ang kinaroroonan ng ina ni Peter.

"Ito na po ba ang tinutukoy ninyong pagpipili?"

"Oo. Iyan si Infanta Maria Barbara. Nakapagandang tunay."

"Oo," pagsang-ayon niya habang nakatitig sa babae na napakaganda nga. Ang blonde na buhok nito ay nakatali habang ang magandang kulot ay nakabagsak sa magkabilang gilid balikat, napapalamutian iyon ng feather.  Simple ang ayos ng buhok nito kumpara sa babae ni Lakon.

She was dressed in a manner that would maintain class distinction. Her extravagant dress in pastel color is flaunting her privileged status. Her waist was tightly constricted by a corset, providing contrasts to the wide skirt that opened at the front, displaying a petticoat. She has an angelic face. Bagay sila ni Baltazar.

Lumapad ang pagkakangiti ni Beatrix nang matuon ang kanyang paningin kay Baltazar na nakaupo lang sa tabi ng babae. Mukha itong aristocrat sa complete set 18th century attire nito. His decorative waistcoat was topped with a long coat. He's dressed in a knee-length breech with white stockings underneath and heeled leather shoes with large square buckles. The weave patterns on the set are stunning, with gold and silver threads and silk threads in a variety of colors. He's even got a white wig tied behind his back and a tricorn hat on.

Nanglaki ang mga mata nito nang masipat siya ng paningin. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay at kumaway. "Baltazar!" hiyaw niya habang marahas na iwinawagayway ang kamay sa ere. Sumenyas ito sa kanya na lalapit ito na agad naman sinang-ayunan sa mapapagitan ng pagtango ng ulo. Nilinga nito ang paligid bago pasimpleng tumayo. Dumaan sa likuran ng mga hilerang upuan para hindi makaagaw ng pansin. Pero ang pansin ng infanta ay nakuha ni Baltazar na sinundan ng tingin ang lalaki hanggang sa makababa ito at marating ang kinaroroonan ni Beatrix.

"Mabuti at nakita kita." Nilinga ni Baltazar ang entablado kung saan naroon ang infanta na matiim na nakatitig sa dalawa.

"Halika!" Bigla na lang tinalon ni Baltazar ang barikada. Hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya, nahawi ang mga taong naroon, binigyan naman sila ng daan na para bang mahalagang tao si Baltazar. Nilinga ni Beatrix ang entablado. Nakatayo ang infanta habang nakatingin sa kanila. Gulat, galit at pagkapapahiya ang naghalo-halo sa mukha nito.

Nang makalabas sa kumpulang tao ay hinila niya si Baltazar patungo sa kung saan niya iniwan ang kabayo. Inalis niya iyon sa pagkakatali at sumampa. Si Baltazar ay sumampa sa kanyang likuran at agad na pinatakbo ang kabayo palayo.

"What are you doing there?" tanong niya sa binata. Bahagya niya itong nilinga.

"I'm part of the selection."

"Selection?"

"Twelve men will be competing for the hand of infanta," he explained. "Para mapangasawa," he added.

"She's very beautiful."

"Yeah." Habang tinatahak ang lubak na daan pabalik sa kagubatan ay biglang huminto ang kabayo. Nag-ingay ito at tumaas ang dalawang paa sa ere dahil sa babaeng bigla na lang tumawid. Mahigpit na kumapit si Baltazar sa lubid habang siya ay kumapit naman sa braso nito upang malaglag.

"Oh, my gosh! Nasaktan yata siya, Baltazar." Agad na bumaba si Baltazar at Beatrix. Dinaluhan niya ang babae. Nakadapa ito sa lupa. Ang suot nito kay katulad ng sa kanya. Itim din. Natatakpan ng malaking hood ng kapa ang ulo nito.

"Ginang, ayos ka lang ba?"  Dahan-dahan nitong inangat ang sarili mula sa lupa at dahan-dahan ang ginawang pagbaling sa kanya. She gave her an apologetic smile.

"Pasensiya. Nasaktan ba kayo?" Hinawakan niya ito sa braso at tinulungan makatayo.

"Pasensiya na talaga."

"Maayos ako. Huwag ka ng mag-alala. Ako pa nga ang nakaabala. Hindi ako tumitingin sa dinaraan ko."

"Sigurado kayo na walang masakit sainyo?"

Inabot ng babae ang kanyang braso. Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib. Natuon ang paningin nito sa suot niyang kuwintas. Pumisil ang kamay nito sa kanyang braso at kapagkuway ngumiti nang ibalik ang tingin sa kanyang mukha.

"Maayos ako." Nang bitawan siya nito ay humakbang ito paatras, tumabi para bigyan sila ng madaraanan.

Nang masigurong hindi naman ito nasaktan ay nagpaalam na sila at umalis. Nilinga ni Beatrix ang babae habang sakay ng kabayo. Nasa gitna ito ng daan habang nakatingin sa kanila.

"Nakakatakot ang babaeng iyon!" Kapwa nagulat si Baltazar at Beatrix nang may marinig na boses. Agad na itinigil ni Baltazar ang kabayo at nilinga ang likuran. Nakangiting si Peter ang nasa loob ng basket.

"Peter, ano'ng ginagawa mo riyan?" kastigo niya sa bata.

"Gusto kong sumama sa 'yo. Baka kasi hindi na kita makita ulit. Gusto kong makita ang bahay mo para madadalaw kita."

"Oh, gosh!" Nasabi na lang ni Beatrix.

"Gusto ko iyang salita mo. Oh, gosh!" paggaya nito sa kanyang ekspresyon.

"Baka hanapin ka ng nanay mo."

"Ayos lang. Uuwi naman ako." Nagkatingin sila ni Baltazar.

"Ihahatid ko na lang siya. Kailangan ko ring bumalik sa royal house," ani Baltazar.

"Doon ka nakatira?"

"Required. Mananatili ako pansamantala doon. Baka sakaling may makatulong sa atin kung paanong makakabalik sa kasalukuyang panahon."

"Paano kung hindi na tayo makabalik? Ano'ng buhay kaya ang naghihintay sa atin dito? Nalalapit na ang kaarawan ni Celtici...at iyon din ang araw ng kamatayan niya...at dahil ako ang nandito...ako ang mamamatay."

"It won't happen." Muling pinatakbo ni Baltazar ang kabayo matapos masigurong ligtas si Peter sa likod.

"Kumapit ka, Peter!" Babala ni Baltazar.

"Nagtagpo na kami ni Gonçalo." Sukat sa narinig niyang deklarasyon ay muling pinatigil ni Baltazar ang kabayo.

"May kailangan akong ipakita sa 'yo." Muli nitong pinatakbo ang kabayo.

***
GABI na naman at muli ay mag-isa siya sa bahay na ito sa gitna ng kagubatan. Huni ng kuliglig at nakakakilabot na iyak ng iba pang mga hayop sa kagubatan ang kanyang naririnig. Paminsan-minsan ay mga dahong hinahangin. Ang lungkot ng buhay ni Celtici. Masyadong napagkaitan. Kung nagabayan lang siguro si Celtici ay maaaring nagamit pa sa mabuti ang kapangyarihan nito. Kaso hindi, sa halip na tulungan ay kinatakutan at itinaboy.

Ibinaling ni Beatrix ang tingin sa pinto nang may maramdamang ibang presensiya sa labas ng bahay. Hindi nagtagal ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi siya nagdalawang isip na bumangon para pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Wala siyang maramdamang pagkabahala. Ewan ba niya. Baka na-adopt niya pati tapang ni Celtici. Kung magiging duwag naman kasi siya mas lalo lang walang mangyayari. Higit niyang palalalain ang sitwasyon.

Sa pagbukas niya ng pinto ay hindi inaasahang bisita ang kanyang makikita.

"Handa akong makinig. Ipakita mo sa akin ang ugnayan natin sa hinaharap." Galak at pag-asa ang agad na humaplos kay Beatrix. Ang isang daang porsyentong kawalan ng pag-asa ay bahagyang humupa sa hindi inaasahang pagbabalik ni Romulus na handang idiskubre ang kanilang ugnayan sa hinaharap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top