Chapter 17

KULONG SA kanyang mga palad ang kamay ay pinagmasdan niya ang guwapong mukha ni Romulus. May mga sugat ito sa noo, gasgas sa pisngi at leeg. Dinala niya ito sa kubo matapos matagpuan sa sapa. Nagawa naman nitong maglakad pero muli ring nawalan ng malay-tao pagdating sa bahay. She knew he's just pretending. Kung hindi niya alam ang kuwento sa nakaraan ay maniniwala siyang nasa panganib ito. Pero mukhang totoong nakatulog ito. Inabot niya ang mukha ni Romulus at masuyo iyong hinaplos. Kahit sa panahong ito ay napakaguwapo at napakakisig nito. Higit lang na mas makapal ang balbas nito kay Romulus pero hindi niyon naitago ang magandang hugis ng panga nito. Hindi niya alam kung ano talaga ang purpose kung bakit siya narito sa panahong ito pero hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Gagawin niya ang lahat para mabago ang kung ano mang pagtingin sa kanya ni Gonçalo. Baka sakaling magbago ang isip nito sa nais nitong pagpatay sa kanya. 

Unti-unting nagmulat ng mata ang lalaki. Unti-unti rin ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. 

"Kumusta ang iyong pakiramdam?" Marahan niyang hinaplos ang putok sa gitnang labi nito. Hindi ito nagsalita. Nanatili itong nakatitig sa kanyang mukha na tila nalilito. 

"Natagpuan kita sa sapa. Walang malay. Ano ang iyong pangalan?" 

Gumalaw ang mga mata nito, tinitigan ang kanyang daliring humahaplos sa labi nito. Marahan siyang napatawa sa reaksiyon nito. Itinigil niya ang paghaplos sa labi at ipinirmi ang kamay sa ibabaw ng kanyang hita habang nakaupo sa gilid ng papag na kinahihigaan ng binata.

"Síntoo. Masyado akong naging wild." Sinabi niya ang paumanhin sa salitang naiintindihan nito pero hindi ang huling mga salita na lalong nagpalito sa lalaki na medyo ikinatawa niya. 

"Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa salitang nauunawaan nito. Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang paningin nito sa kanyang katawan pero agad ring nag-iwas ng tingin. Ipinaling nito ang paningin sa kanang bahagi. 

"Romulus." Ikinabigla niya ang naging tugon nito pero bago pa man siya makapagtanong ay nadugtungan na nito ang sinasabi.

"Iyon ang narinig kong ibinigkas mo kanina. Iyon ba ang ngalan ko? Wala akong maalala." 

"Oh, I see." She knew he lied because according to Baltasar's diary this man tricked Celtici into believing her that he had amnesia. Now, she wondered what his real name was. Marahil ay si Celtici rin ang nagbigay ng pangalang Gonçalo sa lalaking ito.

"Hindi ko alam ang pangalan mo pero tatawagin na lang kitang Romulus habang hindi mo pa maalala ang tunay mong pangalan. Ako naman si Bet– Celtici…Hindi mo ba maalala kung paano kang napunta sa batis, o kung paano mong nakuha ang mga pasa mo." 

Ilang sandali ang lumipas bago ito umiling habang ang tingin ay nanatiling malayo. Inabot niya ang panga nito at bigla niyang ipinaling paharap sa kanya.

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" Naramdaman ng kanyang kamay ang paggalawan ng muscles nito sa panga habang matiim ang pagkakatitig sa kanyang mukha. Bahagya niyang pinagalaw ang kilay para sa tahimik na tanong. 

Tila galit na ipiniksi nito ang mukha kaya nabitawan niya iyon. Bumangon ito at muling tumingin sa malayo. "Wala kang saplot," anito. Bahagyang umawang ang kanyang bibig na niyuko ang sarili. She took off the hooded cloak and the black pleated shirt she's wearing and left the black serge skirt and the  white chemise that serves as a basic undergarment. Ang pagkakamaang ay unti-unting napalitan ng kaaliwan. Gosh! The chemise she's wearing is actually not that revealing because of the thick fabric. The fabric is linen. Ano pa kaya kung undergarments niya sa panahon niya ang makikita nito? Her black lacy bra and thong that she's wearing yesterday. Ang problema lang sa panahon na ito ay hindi pa naiimbento ulit ang panty. Her only underwear is a long linen gown as her undergarment. Subligaculum are Roman women's panties, however ladies did not commonly wear panties after the fall of Rome until the end of the 18th century. It was only around the end of the 18th century that it was renamed drawer.

"Ipinagluto kita." Tumayo siya mula sa gilid ng papag at tinungo ang mesa kung saan nakapatong ang maliit na pot na pinaglutuan niya ng soup. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng soup ito. Basta kung ano'ng sangkap ang narito za bahay ay ginamit niya. Sinubukan niyang magluto, baka naman sakaling marunong siya sa panahon na ito. Naglagay siya ng sabaw sa clay bowl saka muling lumapit kay Romulus. Muli siyang naupo sa gilid ng papag. 

"Kumain ka muna." Sumandok siya ng sabaw na may kasamang legumes at iniumang sa lalaki pero hindi ito tuminag. 

"Sige na," pilit niya rito. May pag-alangan pero ibinuka nito ang bibig at tinanggap ang pagkain. Naghintay siya sa magiging reaksiyon nito sa lasa ng pagkain. Wala itong reaksiyon. Seryoso lang. Mukhang okay naman ang lasa. Mukha ngang marunong naman magluto si Celtici sa pagluluto at nakuha niya iyon. Ang kwintas ay suot niya na marahil ay gamit ni Celtici sa panahon na ito. Hindi lang nagbago ay ang kanyang buhok. Ang Celtici na alam niya ay may kulot na buhok habang ang kanya ay unat pa rin naman. 

"Hindi mo ba maalala kung napano ka? Kung saan mo nakuha ang mga galos sa katawan mo?" 

Umiling lang ito at muling tinanggap ang pagkain sa kutsara. Sa pagsubo niya rito ay may kaunting natapon at bumagsak sa dibdib nito. Inilagay niya sa mangkok ang kutsara at pinahid ang dumi mula sa dibdib nito gamit ang kanyang palad. Sa halip na alisin ang kamay ay pinanatili niya iyon doon. Wala sa loob na napangiti si Beatrix nang maalala si Romulus. Gustong-gusto niyang nilalaro ng daliri ang balbon ni Romulus  sa dibdib, sa tiyan at ang buhok malapit sa private part nito. Wala sa loob na hinaplos ni Beatrix ang dibdib nito, nag-angat siya ng tingin sa mukha ng lalaki at marahang napatawa sa reaksiyon nito. Bahagyang namimilog ang malalalim na mga mata habang mariing nakatikom ang bibig. 

"Paumanhin," aniya na binawi ang kamay.

"Ako na ang mag-isang kakain." Kinuha nito ang mangkok mula kay Beatrix at ipinagpatuloy ang pagkain. Tumayo si Beatrix, tinungo kusina at kumuha ng sariling makakain. Nilanghap niya ang umuusok na sabaw. Mukha talagang masarap. Medyo excited siyang sumandok ng sabaw at agad iyong hinigop. Agad siyang natigilan nang mabilis na kumalat ang hindi maintindihang lasa habang ang alat ay tunay na nangingibabaw. Naidura niya iyon sa lupang sahig ng bahay. Bumaling kay Romulus na patuloy sa pagkain na para bang masarap ang kinakain nito.

What the heck! The taste is awful. Paano nitong nasisikmura ang lasa? Ganito ba ito kagutom? Ipinatong niya sa mesa ang mangkok at nilapitan si Romulus. Muli siyang umupo sa papag. Kainis! Hindi niya kasi natikman kanina.  Nang marinig na umungol si Romulus sa pagtulog ay agad niya itong nilapitan. 

"Napakasama ng lasa. Hindi mo sinasabi," kastigo niya rito sa malungkot na boses. Natigil ito sa pagkain at tumingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nakita nito sa mukha niya para magkaroon ng malambot na ekspresyon bigla. 

"Makakain pa rin. Maalat pero makakain pa rin. Hindi naman magandang tanggihan ko ito dahil lang sa maalat. Iniligtas mo na nga ako."

"Aw! You are so sweet." Muli niyang inabot ang pisngi ni Romulus at marahang hinaplos. Muli lang din siyang napatawa sa naging reaksiyon nito sa paghaplos niya. Pinanood niya itong kumain hanggang sa matapos. Kinuha niya mula rito ang mangkok at inilagay sa mesa. Sa pagbaling niyang muli sa binata ay hawak nito ang dulo ng kumot, nakaangat at tinitingnan ang parte ng katawan na itinatago niyon. Nilapitin niya si Romulus at nakisilip rin. Agad nitong ibinaba ang kumot. Napatawa si Beatrix. 

"Nakita ko na 'yan kanina. I've already sucked it in the 21st century." She laughed. Mukha ngang nakatulog talaga ito at hindi na namalayan pa ang pagtanggal niya sa basang damit nito. Bigay na bigay ang katawan nito habang hinuhubaran niya. 

"Inalis mo ang saplot ko?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Basa ang damit mo kaya kailangan hubarin. Isinampay ko muna sa labas. Wala naman akong maipalit kaya kinumutan na lang kita." Kinuha niya ang kanyang shoulder bag na nakasabit sa dingding. Kinuha mula roon ang suklay  at panali ng buhok saka initsa ang bag sa paanan ng papag. 

"Kapag nagkita kami ni Baltazar, baka makahiram ako ng kasuotan para sa 'yo," aniya na muli itong nilapitan. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanyang phone na lumabas mula sa bag. Lumuhod si Beatrix sa likod ni Romulus at sinimulan niyang suklayin ang itim na mahaba nitong buhok. 

"A-ano ang ginagawa mo?" Naramdaman niya ang emosyon sa tinig nito. 

"Sinusuklay ko ang buhok mo…medyo buhol, ah? Nagsusuklay ka ba?" 

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong nito sa halip sa sagutin ang kanyang tanong.

"Ang alin? Ang pagsuklay sa 'yo?" 

"Bakit ka nagtitiwala sa akin? Hindi mo ako kilala. Paano kung masamang tao ako?" 

"Mabuting tao ka sa susunod na buhay…kung masama ka man ngayon, natitiyak kong may dahilan. Lahat ng tao ay hindi likas na masama, ang pagiging masama ay sanhi lamang ng mga pangyayaring hindi maganda sa buhay ng isang tao." Gamit ang ponytail ay itinali niya ang buhok nito. 

"Kung gagawan mo man ako ng masama ngayon…na sa 'yo iyon…basta gusto kong maging mabuti sa 'yo ngayon dahil napakabuti mo sa 'kin sa hinaharap. At iyon ang tamang gawin." Bahagya nitong itinagilid ang ulo pero hindi siya tuluyang hinarap. Tama ba na sinasabi niya ang mga bagay na ito? Hindi kaya mas lalong makasama? 

"May kakayanan ka bang makita ang hinaharap?" tanong nito makaraan ang ilang sandaling pananahimik.

Paano kaya kung sabihin niya ang totoo sa lalaking ito? Paniwalaan kaya siya? Mababago ba ang pakay nito sa kanya kapag sinabi niyang lovers sila sa future? Bumuntonghininga si Beatrix at bumaba sa papag. Muling nagsuot ng damit.

"Magpahinga ka muna ulit. Lalabas lang ako. Maghahanap ako ng maisusuot mo." 

Nagtungo si Beatrix sa batis, nagbakasakaling dumating si Baltazar pero bigo siya. Walang Baltazar na dumating. Nakakuha naman siya ng damit na maisusuot ni Romulus. Nangulimbat siya sa sampayan sa bahay na kanyang nadaanan. Ang problema ay nahuli siya kaya napatakbo siya pabalik sa bahay. Pagabi na rin. Pagdating niya ay naabutan niya si Romulus na suot na muli ang damit nito habang abala sa paghanda ng pagkain. 

"Ano'ng ginagawa mo?" Ipinatong niya ang dalang damit sa papag saka tinungo ang mesa. Sinilip ang laman ng pot na umuusok pa. 

"Nagluto ako," tugon nito na nagpatong ng dalawang mangkok sa mesa. 

"Pasensiya na kung pinakialaman ko ang gamit mo." 

"It's fine. I actually appreciate your effort." Unti-unti ang pagkunot ng noo nito sa pagamit niya ng salitang Ingles. 

"Ibig kong sabihin ipinagpapasalamat ko ang ginagawa mo." Bahagya itong tumango pero hindi nawala ang kalituhan at pagdududa na rin. 

"Kain na tayo." Naupo siya at pinangunahan ang gpagkain. Agad na namilog ang mga mata ni Beatrix nang malasahan ang masarap na pagkain. 

"Wow! Kahit dito ay masarap ka pa lang magluto. Nakaka-amaze." Ipinagpatuloy ni Beatrix ang pagkain habang si Romulus ay hindi masimulan ang pagkain na nanatiling nakatitig sa kanya. 

"May kakaiba kang gamit." Ang sinabi nito ang nagpatigil sa kanyang pagsubo. Lumagpas ang tingin nito sa kanya. Agad naman niyang nilinga ang bagay na tinutukoy nito. Ang kanyang bag na nakasabit sa dingding. 

"Hindi ko gustong pakialaman. Nahulog kasi kanina at may aparato akong nakita loob." 

"Iyon ba? Wala lang 'yon. Kumain ka na." Ginawa naman nito at hindi na nagtanong pa. Tahimik silang kumain. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng luto ito pero legumes din na masarap nga lang. 

"Aalis ako pagkakain." 

"No! Ang ibig kong sabihin huwag. Dumito ka lang muna hanggat wala kang naaalala. Baka mapaano ka pa." 

Hindi naman ito nagpumilit pa sa nais nitong pag-alis. Ang Romulus sa panahon na ito ay napaka-cute. Parang takot na takot sa kanya lalo na nang hilain niya ito sa papag sa kanyang tabi para matulog. Para bang pagsasamantalahan niya ito. Hindi niya pag-iisipan man lang kaya siyang patayin o pumatay ng sino man.

"Hindi kita pagsasamantalahan. Mahiga ka na sa tabi ko." Napilitan itong humiga sa maliit na papag katabi niya. Hindi ito kumikilos. Nakatiyaha lang habang nakatitig sa kisame. Maliit na gasira lang ang ilaw nila. Si Beatrix ay nakatagilid paharap kay Romulus. Nakatitig siya sa mukha nito. Bumuntonghininga ito at ipinikit ang mata. Marahil ay naiilang sa kanyang pagtitig. 

"Ang ginagawa mo," usal nito habang nakatiim ang bagang. Higit pang nadedepina ang matalim na hugis ng panga nito. 

"Ano ba ang ginagawa ko?" Tumaas ang kamay niya para abutin ang mukha nito pero bago pa man lumapat ang kanyang daliri sa balat nito ay nahawakan na nito iyon. Tumiim pang lalo ang bagang nito nang magmulat ng mata at balingan siya.

"Hindi mo ako esposo pero ang kilos mo ay para ba tayong mag-asawa o magkatipan. Ano ba ang binabalak mo?" Unti-unting kumuyom ang kamay niyang hawak nito. 

"Ako ba ang may binabalak?" balik niyang tanong. 

Humigpit ang hawak nito sa palapulsuhan niya. "Ginugulo mo ako, Celtici!" Mahina pero may pagbabanta ang tinig nito. 

"May pinaplano ka ba?" 

"Plano? Lahat naman tayo may plano. Ako isa lang naman ang plano ko…isa lang ang nais ko…ang mamuhay ng tahimik kasama ang taong mahal ko. Hindi naman mahirap hindi ba?" Unti-unting lumuwag ang hawak nito sa kanyang palapulsuhan. Agad niyang binawi ang kamay. Bumangon siya at lumabas. Naupo siya sa malaking nakausling ugat ng malaking puno. Biglang bumigat ang kanyang pakiramdam nang makaramdaman siya ng matinding pangungulila hindi lang sa magulang niya kundi kay Romulus. Miss na miss na niya ang pag-alaga sa kanya ni Romulus. Kapag malungkot siya agad siyang pinapasaya…alam na alam nito kapag may dinaramdam siya at wala itong ginawa kundi ang bigyan siya ng assurance na may karamay siya at magiging maayos ang lahat. 

Hindi mapigil ni Beatrix ang paglandas ng luha. Gusto na niyang bumalik. Kapag bumalik siya si Romulus ang agad niyang pupuntahan. Hihingi siya ng tawad. Babalikan niya ito at sasabihin niya kung gaano niya ito kamahal. Pero paano? Paano siyang makakabalik. Isinabunot niya ang kamay sa kanyang buhok. Nasa ganoong posisyon siya nang maramdaman niya ang pagsampay ng kapa sa kanyang balikat. 

"Malamig dito," malagong na boses ni Romulus ang narinig niya mula sa likuran. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa likod ng kanyang tainga ay nagsasabing nakaupo ito. Inalis niya ang pagkakasabunot ng kamay niya at nag-angat siya ng mukha.

"Pumasok ka na. Wala akong masamang ipakahulugan sa sinabi ko. Masyado lang akong naguguluhan…nahihiwagaan ako sa 'yo." 

Isinandal ni Beatrix ang kanyang likod ng ulo sa balikat ni Romulus. Batid niyang nagulat ito sa ginawa niya dahil sa biglang pagtigil nito sa paghinga. Ipinikit niya ang kanyang mata. 

"Kasing hiwaga mo," aniya. 

Unti-unti muling tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. 

"Maniniwala ka kaya kung sasabihin ko sa 'yong magmamahalan tayo sa susunod nating buhay? Na sa panahon ngayon ay mamamatay ako pero muli tayong pagtatagpuin sa susunod na buhay pero kumplikado pa rin. Dahil apektado pa rin ang buhay natin sa hinaharap ng mga naganap sa panahon na ito." 

"Hindi ko maunawaan," tangi nitong nasabi. Inangat niya ang likod mula sa pagkakasandal. Tumayo siya at hinarap ang lalaki. Nanatili itong nakaupo habang nakatingala sa kanya, siya naman ay nakayuko rito. 

"Mahirap ipaliwanag ang mga nangyayari. Hindi ko rin alam kung paanong nangyaring napunta ako sa panahon na ito. Ang alam ko lang, ikaw…ang tatapos sa buhay ko…misyon mo ang patayin ako." Bumalatay ang matinding gulat sa mukha nito. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Tama bang sinasabi niya ang mga nangyayaring ito. Dalawa lang ang maaaring mangyari. Ang mas mapahamak siya o mabago niya ang isip ni Romulus. 

"Hindi ko alam kung bakit…kung ano ang dahilan mo sa pagpatay kay Celtici. Ako…ako si Beatrix, ang Celtici sa hinaharap…hindi ko alam kung paano akong napunta sa panahon na ito at hindi ko rin alam kung paano akong makakabalik. Ikaw, mabubuhay kang muli sa katauhan ni Romulus. Romulus ang binanggit kong pangalan mo dahil iyon ang kilala ko…hindi ko alam kung ano ang totoo mong pangalan."

Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa kanya at naroon pa rin ang kalituhan sa anyo nito. Naupong muli si Beatrix sa nakausling ugat pero sa pagkakataon na ito nakaharap siya sa lalaki. Kinuha niya ang kamay nito ay mahigpit iyong hinawakan. 

"Hindi ko alam kung mararamdaman mo ba ang pagmamahal mo sa akin…pero ako, nararamdaman ko pa rin. Para sa akin, ikaw pa rin ang Romulus na nakilala ko sa hinaharap. Ang Romulus na mahal ko. Ang Romulus gustong protektahan." Agad itong tumayo at umatras. 

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong maramdaman para sa 'yo." Tumayo si Beatrix, humakbang palapit sa lalaki pero agad itong umatras. 

"Subukan mo lang. Subukan natin…may kakayanan akong ipakita ang hinaharap…susubukan kong ipakita sa 'yo." 

"Hindi!" mabilis nitong sabi matapos umatras. 

"Romulus, pakiusap! Baka sakaling mabago natin ang mga mangyayari. Gusto kitang mahalin sa panahon ko na walang hadlang. Na walang poot sa nakaraan." Tumiim ang mukha nito. Napuno ng galit ang mga mata pero hinahaluan ng matinding kalituhan. Umatras pa ito hanggang sa tuluyang umalis. Walang nagawa si Beatrix kundi sundan ng tingin si Romulus na tumakbo palayo hanggang sa mawala ito sa dilim. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top