Chapter 11
IT'S Been three days since the incident happened but Romulus is still on the bed. Mahina pa raw ang katawan nito. Hindi na muna siya bumalik sa Benguet. Si Luna na muna ang bahalang magpaalam sa kanya sa eskwelahan sa hindi niya pagpasok. Ang mahalaga ay maalagaan niya si Romulus.
"Big mouth." Agad namang sumunod si Romulus sa kanyang sinabi. Isinubo niya rito ang hiniwang karne ng baka. Kapag ganitong nanghihina ang mga Lycan ay karne raw ang mabilis na nakakapanumbalik ng lakas ng mga ito. Kung mate lang sana sila ay mas mabilis sana itong gumaling. Walang makakapantay sa healing power ng pagmamahal ng mate katulad na lang ni Luna kay Fhergus. Mabilis na gumagaling ang mga sugat ng isang Lycan sa mga halik at haplos ng mate nito.
"Sana dina muna ako gumaling." Wala sa loob na napalo niya ito sa dibdib. Umigik si Romulus at sinapo ang dibdib.
"Oh, I'm sorry. Hindi pa rin ba magaling ang sugat sa dibdib mo? Patingin nga ako."
"Huwag na. Masakit kapag na-i-expose sa hangin."
"Ganoon ba?" Mabigat siyang bumuntong-hininga.
"I'm so sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko makontrol, eh." Nang makitang maiiyak na si Beatrix ay agad na kinuha ni Romulus ang platong nasa kamay niya, inilagay nito iyon sa bedside table at agad siyang kinabig ni Romulus. Masuyong niyakap. Nag-alala siya nang madaganan niya ang dibdib nito kung saan may sugat.
"I might hurt you, Romulus."
"Okay lang. Kahit paulit-ulit mo akong saktan. Mabilis akong gagaling basta sa tabi lang kita."
"I mean 'yong sugat mo nadadaganan ko."
"I can endure the physical pain…what I can't endure is the emptiness I'd feel whenever you aren't beside me." That made her chuckle.
"Puro ka talaga kabaduyan." He finally let her go after hearing Logan scoff. Naglakad si Logan patungo sa higaan. Napasinghap si Beatrix nang bigla na lang hampasin ni Logan ang dibdib ni Romulus at sa pagtaas ng kamay nito ay dala na ang suot na damit ni Romulus. Nawasak iyon.
"See that? Wala ng bakas…kahit galos wala. Pinagloloko ka lang niyan ni Romulus." Itinapon ni Logan ang damit sa mukha ni Romulus saka naglakad patungo sa single couch. Hinablot ni Romulus ang T-shirt mula sa mukha nito at pinukol ng matalim na tingin si Logan. Hindi na nasabi ni Romulus ang dapat sasabihin nang haplusin ni Beatrix ang dibdib nito. Tuluyan na ngang humilom ang sugat doon. Walang kahit isang bakas. Inabot ni Romulus ang kanyang kamay na banayad na humahaplos sa dibdib nito.
"I'm sorry. Kasi–"
"Kasi pabebe. Gusto lang magpa-alaga," agaw ni Logan sa sasabihin sana ni Romulus.
"Pakialam mo ba!? Palibhasa matandang binata ka. Iyong paborito mo pang inaanak hindi ka na favorite." Sa sinabing iyon ni Romulus ay tumiim ang mukha ni Logan. He's referring to Romi.
Humiga si Beatrix sa tabi ni Romulus. Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito. Ginawa niyang unan ang braso ni Romulus at mahigpit yumakap sa kasintahan. Si Romulus ay napatitig kay Beatrix. Nakangiti niyang tinitigan ito sa mga mata.
"You don't have to pretend that you are still hurt. I'm still taking care of you."
He rolled to his side until he was fully facing her. He reached for her face and ran his knuckles delicately along her cheek. "Really?"
"Hmm..." Her eyes closed as his fingertips touched her nose.
"I want to stay like this," he said, his voice full of contentment and tenderness.
"Me, too." She meant it. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakasaya ng puso. Minsan iniisip niya ano kaya ang buhay nila kung kapwa lang sila ordinaryo ni Romulus. Marahil ay walang agam-agam ang kanyang puso. Hindi siya nag-o-overthink. Hindi siya advance mag-isip. Ini-enjoy lang ang kasalukuyan at hindi iniisip ang nakalipas at hinaharap. Puno ng kasiguraduhan marahil ang puso niya.
Nagmulat siya ng mata nang maramdaman ang banayad na haplos ng daliri ni Romulus sa kanyang labi.
"I love you, Beatrix." Mula sa baywang ni Romulus ay tumaas ang kamay niya sa pisngi nito. Buong suyong hinaplos ang pisngi patungo sa labi. She was about to kiss him when the door opened and Romi's ringing voice filled the room.
"Kuya, may nangyari raw sa 'yo? Are you okay? Are you still hurt?" Nag-aalala nitong tanong sa kapatid habang nagmamading nilapitan si Romulus. Bigla na lang nitong hinila si Romulus para itinihaya.
"Kuya's okay, Romi. Magaling 'tong nurse ko."
"Oh, god! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo dahil ayaw pang ipaalam ni Kuya Damon kay mom and dad."
"Ako ang may gusto. Mag-aalala sila lalo si mom."
"Ano ba ang nangyari?"
"Accident. Hindi naman ako nasaktan."
"Sure? Akala ko malala. Narinig ko kasing nagtatalo si Kuya Damon and Manoela. They looked so worried." And that made Beatrix worried, too. Kapag kaharap niya si Manoela ay parang hindi naman ito nababahala pero hindi si Damon na hindi talaga marunong magkunwari. Kung ano ang nararamdaman nito ay talagang ipinapakita ng harap-harapan. Walang pakialam sa damdamin ng iba. Ma-offend ka na kung ma-offend pero itong pakialam.
"I'm okay, Romi. Mukha bang nanghihina si kuya?"
"Okay. That's good then." Pumihit si Romi sa couch para maupo sana nang matigilan dahil kay Logan. Kapansin-pansin ang paninigas ng mga balikat ni Romi. Nakaramdaman ng uneasiness sa ilalim ng matiim na pagtitig ni Logan.
"What place is this, Romi." Xavier entered the room as he wandered his gaze around.
"Oh, hey!" Bati nitong napatigil sa paghakbang nang matuon ang tingin sa kanila ni Romulus. Babangon sana si Beatrix pero agad na ipinaikot ni Romulus ang isang braso sa kanyang baywang at nakiusap na manatili sila sa ganoon.
"Hi, Kuya Romulus. Naaksidente ka raw?" tanong ni Xavier.
"Maayos na ako," ani Romulus. Nginitian ni Xavier si Beatrix bago nilipatin si Romi at hinawakan sa kamay.
"Hey, Uncle Logan," Xavier greeted Logan who's eyes dropped on their holding hands instead of greeting him back. Xavier pulled Romi towards the couch by the accent table. Across from the table is the couch where Logan is seated. Naupo si Xavier doon at hinilang basta si Romi sa mga hita nito. Naninita ang titig ni Romi sa lalaki pero nginitian lang ito nito. That smile she can describe as a manly smile yet cute. Ang pagkabigla sa mukha ni Romi ay unti-unting nahalinhinan ng kinikilig na ngiti. Inihilig nito ang sarili sa katawan ni Xavier. Logan on the other hand looks annoyed. Nang hindi makatiis sa kung ano man ang dahilan ng pagbabago ng mood nito ay tumayo ito at lumabas ng silid.
"Hindi pa rin niya matanggap na malandi ka na, Romi," ani Romulus sa kapatid. Sumimangot lang si Romi. Close kasi ang dalawang 'yan. Favorite ang isa't isa. May pagka-old fashion din si Logan. Ang lahat actually…pagdating kay Romi.
***
ISINANDAL ni Beatrix ang likod ng ulo sa dingding at ipinikit ang mga mata habang pinapakinggan si Damon at Manoela na nagtatalo ng dahil sa kanya. Pupuntahan niya sana si Manoela sa opsina nito para makausap nang hindi na niya naituloy ang pagpasok.
"Hindi mo ba nakita kung paanong tila mag-apoy ang kanyang mga mata? Kung gaano siya kalakas? She hasn't got professional training yet, but she can almost kill a Lycan. Katulad din siya ni Luna, may sa demonyo. I bet mas malala itong si Beatrix. Her emotions and strength were out of control. She couldn't tell who was the enemy and who wasn't. She could almost kill her lover." Ikinuyom niya ang kanyang mga palad nang marinig ang mga sinabi ni Damon.
"She possesses supernatural abilities. Nobody taught her how to gain it like what other witches did. She had it since the beginning. Surely, she'll become stronger as her abilities develop. Paano kung maging banta siya?: Hindi niya naringgan ng opinyon si Manoela maliban sa ungol ng taong frustrated. At isa lang ang ibig sabihin niyon. She agreed with Damon's assumption and she's worried. Paano nga kung hindi niya makontrol ang kapangyarihang niya katulad ni Celtici at mas marami pa siyang masaktan.
She had it since the beginning. Since birth. Ibinuka niya ang kanyang mga kamay. Niyuko niya iyon at dahan-dahang itinaas ang mga kamay habang nakatitig doon. How can she keep that power under control? What should she do to ensure that such an incident does not occur again? Hindi niya gustong makapanakit. May alam kaya ang kanyang magulang sa kung ano'ng misteryo ang bumabalot sa kanya? Minsan siyang binalaan ng kanyang mommy na huwag ng maghangad pa ng kapangyarihan; na makuntento na siya sa kung ano'ng taglay niyang abilidad. Siguradong mag-aalala ang mga ito kalah nalaman ang nangyayari sa kanya.
Pangarap naman niya ito. Gusto niyang magkaroon ng kapangyarihan. Ngayong unti-unti na niyang tinataglay ay hindi na siya nagiging masaya. Takot na ang kanyang nararamdaman. Hindi kasi umaayon sa gusto niya ang nangyayari.
"Hindi siya magiging banta. Kung totoo ngang mabuhuhay si Celtici sa katauhan ni Beatrix. Natitiyak kong tutuparin lang niya ang isinumpa niya. Ang balikan si Gonçalo para patayin. Walang atraso ang lahi niyo kay Celtici kaya mapanatag ka, Damon."
"Gonçalo?" wala sa loob na usal ni Beatrix.
***
"KANINA ko pa napapansin na tahimik ka," ani Luna na inilapag ang tray sa mesa bago naupo. Tumabi siya sa kaibigan. Isa-isa niyang inalis ang laman ng tray at inilagay sa tapat niya ang bolognese pasta, grilled cheese sandwich at mocha frappe. Ito ang lunch niya. Ayaw niyang magkanin.
Bigla na lang yumakap sa kanya si Luna mula sa kanyang tagiliran. Wala pa siyang sinasabi kay Luna tungkol sa nangyari pero natitiyak niyang may alam na ito. Tiyak na ipinaalam na ni Damon kay Fhergus. Ang lalaki pa namang iyon. Ang laki kaya ng galit niyon sa kanila lalo na kay Luna dahil sa pagiging Nephilim– ay hindi. Hindi niya alam kung ano'ng uri ng race si Luna. Mixed race ito ng malalakas na lahi. Kaya nga ito ang naging tagapagligtas ng dalawang lahi–ng Paganus at Lycan.
"I'm just here bff. If you need to share something with me, nandito lang ako." Inihilig ni Beatrix ang gilid ng ulo sa ulo ni Luna.
"I'm scared," pag-amin niya.
"Pag-usapan natin mamaya?"
Tumango siya saka umayos mula sa pagkakaupo. She's about to start eating when someone approaches them, placing the tray on the table, across from them. As she lifted her gaze to that person, a little gasp escaped her when she instantly recognized him.
"Puwede bang maki-share?"
Agad na iniligid ni Luna ang tingin sa paligid. "There is vacant–"
"Baltazar?" Luna was abruptly cut off in mid-sentence, and snapped her gaze to Beatrix and asked "Do you know him?" Marahan siyang tumango.
"You sit down na. Kilala ka pala ni Beatrix."
"Thank you. I'm Baltazar, anyway," pagpapakilala nito kay Luna na sinabayan ng upo.
"I'm Luna."
Inayos nito ang pagkain sa harapan nito. Napangiti si Beatrix nang makitang parehas sila ng pagkain ni Baltazar.
"My favorite." Nag-angat siya ng tingin sa mukha nito nang magsalita. Napansin nito ang pagtitig niya sa pagkain.
"Same," aniya. Bolognese pasta and grilled cheese sandwiches are one of her favorite snacks along with ramen. Ramen is her comfort food.
"Oh!" Napatingin ito sa kanyang pagkain na mukhang noon lang napansin na magkatulad ang choices nila.
"Destiny," Baltazar exclaimed. Marahil. Sa past life nila ay parehas din sila ng mga paborito ni Baltazar. Nabasa niya iyon sa talaarawan ni Baltasar. They love grilled fish. Paghuhuli ng isda ang libangan ni Celtici at Baltasar at kapagkuwa'y iihawin iyon. Sa halip na kumain ay nagtitigan si Beatrix at Baltasar habang may munting ngiti sa labi. Naputol lang iyon nang marahan siyang sikuhin ni Luna sa tagiliran.
"Sino siya? Bakit ganyan kang makipagngitian?"
"Ha?" Agad niyang nasapo ang mukha. Did she smile? Pinaningkitan siya ng mata ni Luna. Nang-aakusa.
"Masama na bang ngumiti?" Agad niyang itinuon ang atensiyon sa pagkain at sinimulan na iyong kainin. Si Baltazar ay nangingiting nagsimula na ring kumain habang si Luna ay may suspetsang nagpalipat-lipat ang tingin kay Beatrix at Baltasar.
Inilapit ni Beatrix ang sarili sa kanya at bumulong. "Aren't you cheating Romulus naman 'no?"
Namimilog ang mata ni Beatrix na nilinga si Luna habang nakasubo ang tinidor sa bibig. Hinugot niya iyon mula sa bibig. "Of course not!"
"Siguraduhin mo," tila nagbabanta nitong sabi. Sumimangot si Beatrix at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ako pala ang ginagawa mo rito?" tanong ni Beatrix kay Baltazar, inabot ang frappe at sumipsip.
"A new taekwondo trainer."
Her eyebrows raised. "Really?"
"Yeah. Last month pa na-offer sa akin. Medyo hesitant tanggapin kasi malayo. But my grandfather told me that this is your school kaya nagkaroon ako ng dahilan na tanggapin. Iyon ang sign na ibinigay sa akin para tanggapin. I've been looking for you since my first day here. Hindi ka raw pumasok noong mga nakaraang araw. Glad, you are here now."
"Wow!" Mahina niyang naisual.
"Destiny. Right?" Nakangiti nitong sabi. Tipid na ngiti lang ang naitugon niya kay Baltazar. Nang makitang naniningkit na nakatitig si Luna ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain.
"Paano kayong nagkakilalal ni Beatrix? Saan? Bakit hindi kita kilala?" Napatawa ito sa sunod-sunod na tanong ni Luna.
"We're lovers in past life." Tumaas ang kilay ni Luna. Sumubo si Baltazar ng pasta nito at bahagyang itinango ang ulo para patutuhanan ang sinasabi.
"What is he talking about?" tanong ni Beatrix sa kanya.
"Ikuwento ko mamaya."
"Promise?" Nakangiti siyang tumango sa kaibigan. She'll tell Luna everything later.
Katulad ng ipinangako ay ikinuwento nga niya kay Luna ang lahat. Nang hindi dumating ang prof nila sa last subject ay kinaladkad siya nito sa library at doon ay ikinuwento niya ang mga bagong tuklas.
"Mother nature!" tanging nasabi ni Luna sa mga naikuwento niya. Habang nag-uusap ay dumating naman si Baltasar. Iniwan naman muna sila ni Luna para bumili ng maiinom.
"I haven't stopped dreaming of you since the day I met you." Marahang natawa si Beatrix. It seems like a joke. It sounds familiar. She has the feeling that she was used to hearing this type of line from him. Si Baltasar kay Celtici marahil.
"Literally. Hindi ka naniniwala?" he asked.
"Naniniwala."
"Kaya pala…I thought I had a crush on Celtici. Kapag nakikita ko ang larawan niya I was drawn to it. I found myself spending a long time staring at the painting. Ito pala ang ibig sabihin nito." Hindi naman siya nagkaroon ng panaginip tungkol kay Baltazar o kay Baltasar after meeting him. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang managinip ng iba pang lalaki habang katabi niya si Romulus. Natigilan si Beatrix nang biglang may maalala. Lagi siyang nananaginip na nakikipagtalik sa isang lalaki pero walang mukha ang lalaki. Iyong huli ay wala pa ring mukha but it's Lycan, and she assumed it's Romulus. Iyon naman ang hiniling niya. Nasa sana si Romulus na lang ang mapanaginipan niyang kaniig na siyang nangyari naman.
"Ano'ng panaginip mo tungkol sa akin?" she asked, hoping it's not a nocturnal emission.
"I painted you…weird…hindi naman ako marunong magpinta."
"It must be Baltasar with s…siya ang magaling magpinta. Maybe, you didn't carry that aptitude in this lifetime."
"Iyong kagwapuhan lang." Muli ay natawa siya sa biro nito.
"Kung ancestor mo si Baltasar…paano kayong napunta sa Pilipinas?"
"Ang sabi ni lolo. Iyong kapatid daw ni Baltasar ay isang sundalo ng espanya. He's a Portuguese but became a soldier of Spain when his father took him in Spain. Ipinadala raw ito sa Pilipinas during Spanish empire. May nakilalang babae sa Pilipinas. Pero kinailingan niyang bumalik sa Portugal during fantastic war. Nang malaman daw nito ang binalak na invasion ng Spain at France sa Portugal hindi ito nagdalawang isip na sumapi sa sundalo ng Portugal para labanan ang Espanya…para pigilan ang forty two thousand na sundalo ng Espanya at France…ang tapang ng lolo ko 'no?" He let out a short laugh.
"I'm not a big fan of world history, but the Fantastic War has been one of my favorites since I was a kid. Ang astig kasi ng lolo ko. Imagine this: despite having a large number of troops, approximately forty-two thousand Spaniards and French troops to be exact, he chose to be a part of Portugal's nearly fifteen thousand troops. And they triumphed over the Spaniards."
"That's awesome. Kahit ako naman magiging proud kung ganyan ang pinagmulan ko." Kaso hindi. Ni hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinagmulan nila. Pero kung ibabase sa naging kuwento ni Manoela mukhang hindi maganda ang kanyang pinagmulan. Masama.
"Maraming namatay sa sundalo ng Espanya at France. Poor soldiers. Naisugal ang buhay dahil sa kapritso ni King Charles III. Akala nila dahil triple ang laki ng bilang ng hukbo nila ay kaya nilang magtagumpay. Masyado nilang minaliit ang kakayanan ng mga sundalo ng Portugal at Britain."
Tumango si Baltazar bilang pagsang-ayon. "Nagpadalos-dalos."
"It's King Charles III's fault. If only he had followed his brother, King Ferdinand VI's policy of remaining neutral in the Seven Years' War wala sanang giyera sa pagitan ng Portugal at Espanya. Spain had good relations with the British under Ferdinand VI, so they did not side with their traditional allies France against the British. Spain and Portugal actually both remained neutral, even though Great Britain had been Portugal's old ally, until King Ferdinand died…it was changed with the succession of a new monarch, Charles III whose government switched to a more pro-French policy and opted to go to war and tried to conquer Portugal…Ang masama nadamay ang Pilipinas dahil sa ginawang desisyon iyon ng Espanya. Since the Philippines at that time was a Spanish colony, kaya pati Manila in-invade ng Britain."
"Hmm. They claim that Great Britain would simply take advantage of the situation and use it as an excuse to invade the Philippines.. Pero ang totoong dahilan, mapapakinabangan talaga nila ang Pilipinas…lalo na ang Manila, because that time Manila was one of the most important trading cities in Asia. The British had seen the potential of the city to become the global center for exports and imports."
Bahagyang natigilan si Beatrix. Napamaang. "Wow! Eh, ano'ng nangyari sa Manila ngayon?" pausal niyang tanong.
"Poor governance!" They exclaimed in unison and laughed together, drawing the attention of students and librarian kaya nakakuha sila ng warning bell. Natutop ni Beatrix ang kanyang bibig.
"Hindi ko alam na maalam ka pala sa world history."
"Nah! I hate it. Si Luna ang mahilig sa history. Nagkukuwento lagi kaya kahit papaano na fi-feed ang utak ko about world history…I love talking about crushes, boys…pogi."
"Oh! Pareho tayo," ani Baltazar.
"Mahilig ka rin sa poging boylet?"
"Babae! Fuckable women!" he exclaimed defensively. Muling natawa si Beatrix kaya nakakuha na naman sila ng warning sa masungit ng librarian na may kasama pang quiet.
Sinipat ni Beatrix ang orasan pambisig. "Mabuti pa lumabas na tayo bago tayo ma-ban dito. Puntahan natin si Luna." Tumayo si Beatrix. Agad namang kumilos si Baltasar at inunahan siya sa pagbitbit ng mga libro. Hinayaan na lang niya.
"Mabalik tayo sa lolo mo," aniya nang pababa na sila ng hagdan ng library.
"Binalikan niya ang babaeng mahal niya?"
"Yeah. Dito na siya tumira sa Pilipinas at nagparami ng lahi. At iyong diary ni Baltasar at painting ay dala niya after Baltasar died."
"So, parang your clan has almost pure Filipino blood na."
"Yeah. But I am half-Scottish since my mother was Scottish."
"Oh, I see. You must inherit your mother's eyes."
"Yeah." Huminto sila nang makababa nang tuluyan ng library. Humarap sila sa isa't isa.
"I'm enjoying having a conversation with you," he said, looking down at her hand. Inabot iyon ni Baltazar kapagkuwan.
"Ako rin. I had just met you but I feel like I've known you a lifetime. It's kinda weird, right?"
"Yeah." Binitawan ni Baltazar ang kanyang kamay para sana abutin ang kanyang mukha pero bago pa man dumampi ang daliri nito sa kanyang balat ay bigla na itong tumilapon nang biglang sugurin ni Romulus. Nanglaki ang mga mata ni Beatrix sa pagkabigla. Ang pagkabigla ay napalitan ng galit nang makita si Baltazar na namimilipit sa sakit dahil sa sama nang pagbagsak nito.
Humakbang si Romulus, susugurin muli si Baltasar pero bago nito iyon magawa ay nahawakan na niya ito sa braso. Nang humarap si Romulus sa kanya ay noon niya nakita ang pagpapalit ng kulay ng mga mata nito pati ang mga pangil ay lumabas na. Mas lalong nakaramdaman ng galit si Beatrix sa isipang sasaktan nito si Baltasar.
"I fucking kill him!" Romulus groaned which fueled her rage. Nag-init ang kanyang mga mata hanggang sa tila nanulay sa kanyang ugat na malakas kuryente hanggang ang utak ay tila hindi na gumana pa.
"Don't hurt him!" Sa isang iglap ay malakas na tinabig ni Beatrix si Romulus gamit ang braso, malayo itong tumilapon. Humakbang si Beatrix pasugod kay Romulus pero naharang ito ni Luna.
"Beatrix, calm down!" Hinawakan ni Luna si Beatrix sa magkabilang braso at niyugyog.
"Beatrix! Please! It's Luna! Calm down!" Luna hugged Beatrix.
"Please, calm down!" Ang yakap ni Luna at nakikiusap nitong tinig ang nagpabalik sa huwisyo ni Beatrix.
"What happened?" Agad niyang iniligid ang tingin sa paligid, dumapo kay Romulus na nakaupo sa berdeng sahig na damo habang gulat na nakatingin sa kanya. Nilapitan ito ni Fhergus na katulad ni Romulus ay tila nagulantang din sa pangyayari na hindi na naman niya malinaw na matandaan.
Si Faro na kasama si Missy ay lumapit sa kanila. "Ilayo mo si Beatrix, Luna. Pinagtitingin na tayo ng mga estudyante. Ako na ang bahalang mag-alis sa memorya nila ng pangyayaring ito."
"Romulus," mahina niyang usal habang nakikitang itinatayo ito ni Fhergus. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na lapitan ito nang hilain na ito ni Fhergus palayo.
Matapos ang pangyayari ay agad na nagawan ni Faro ng paraan para maalis sa utak ng mga taong nakasaksi ang pangyayari gamit ang potion ni Madalena. Maayos naman ang naging lagay ni Baltazar. Inihatid sila ni Faro. Pagdating niya sa bahay ay naroon na si Romulus. Abala sa kusina. Nagluluto at kung hindi man siya dinadaya ng kanyang pang-amoy ay chicken ramen iyon. Nang pumihit si Romulus dala sa kamay ang plato na may lamang chicken goujons at French Fries ay natigilan ito nang makita siya.
He pulled himself together and smiled at her. "Hey, baby! Nandiyan ka na pala. Nagluto ako ng ramen at chicken goujons." Naglakad ito patungo sa dinning at inilapag ang plato sa mesa.
"Halika." Hinila nito ang upuan para sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mesa. Inilapag niya ang bag doon.
"Gusto mo ba sa lanai na lang tayo? Parang mas maganda ang view at atmosphere sa labas. Mas masarap kumain doon." Kung magsalita ito parang walang nangyari kanina lang. Parang ang normal lang ng lahat.
"Okay. Sige." Tumango si Beatrix. Muling kinuha ni Romulus ang pagkaing inilagay sa mesa at dinala iyon sa lanai. Bumalik din agad para kunin ang ramen. Sumunod siya sa kusina. Pinagmasdan niya sj Romulus habang naglalagay ng ramen sa bowl.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya na nagpatigil kay Romulus sa ginagawa. Nilinga siya ni Romulus.
"I'm sorry!" Tuluyang naging emosyonal si Beatrix. Napaluha siya.
"Fuck!" Natatarantang iniwan ni Romulus ang ginagawa. Mabilis nitong nilapitan si Beatrix. Sinapo ang kanyang mukha.
"Hey! Don't cry. I'm okay."
Umiling si Beatrix. "Now. You are okay now. Paano sa susunod? Sa mga susunod pa? Hindi ka ba nagtataka sa mga nangyayari? Sa nangyayari sa akin? Lagi na lang sumasabog ang emosyon ko at ikaw ang lagi kong nasasaktan, Romulus."
"It's fine!"
"It's not!" She yelled, pushing his hands away and stepped back away from him.
"It's not fine! It's not right!"
"Nakausap ko si Madalena. Tutulungan ka nila para makontrol ang kapangyarihang meron ka. C'mon, Beatrix!" Muli siyang nilapitan ni Romulus at kinabig. Hinayaan niya itong yakapin siya.
"Nandito kami. Tutulungan ka namin. Si Manoela umalis na para mabigyan ng sagot ang mga nangyayari sa 'yo…tahan na." Marahan nitong hinaplos ang likod ng ulo ni Beatrix habang masuyong dinadampian ng halik ang ibabaw ng kanyang ulo.
"Hindi mo ba itatanong ang tungkol kay Baltazar?" Humigpit ang yakap ni Romulus sa kanya na para bang hindi nito gustong marinig ang tungkol sa bagay na iyon.
"He's Baltazar, Romulus."
"You are mine, Beatrix. I don't believe that our future was already written. That every single event was programmed. Because if it is…then people's choices shouldn't affect their future. Can people who do bad or good things have the same future? No, right? What if I choose to kill people, eat them alive in public…what will happen to me? Mananatili bang payapa ang buhay ko…ang pamilya ko…ang mga Lycan. No! But if I stay to be on the right track…hindi ako magbibigay ng problema sa lahi namin…so tayo, Beatrix, ang gagawa ng kapalaran natin. Every event on Earth has a purpose, and it is our responsibility to discover what that purpose is. Why did I meet you? Why did I fall in love with you? Why are you here in my arms? It's because the creator gave you to me and left me with the rest to do my best to have you for the rest of my life…" Pinakawalan siya nito. Ginagap ang kanyang mukha at tiningala siya sa para pagtagpuin ang kanilang mga mata.
"You are mine. That man…is your past. Ex mo na lang siya. Trial na lang siya sa relasyon natin…and we will surmount this obstacle together. Do you understand?"
Marahang tumango si Beatrix. "You know about him?"
"I know. Sixto told me." Muling niyakap ni Romulus si Beatrix.
"At hindi kita ipapaubaya sa kanya kahit hari pa siya sa nakaraang buhay niyo." Ipinaikot ni Beatrix ang mga bisig sa katawan ni Romulus at ipinikit ang mata. Hinayaang marinig ang tibok ng puso nito na kumakalma sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top