CHAPTER TWO


















Joana Palaiyon's POV
















                     ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕















Nandito kami ngayon sa canteen. Nagtatambay lang kami dito habang hinihintay ang next teacher. I am with my friends Dana Bhabe and Shane. Hindi na sumama ang gagong si Tenny kasi nagtatampo daw siya. Bakla talaga iyon, daig pa babae kung makapagtampo. By the way, kumakain pala kami ngayon ng turon sponsored by Shane kuripot.

"Nasurpresa ako doon kay Tenny." pagsisimula ni Dana. Napalingon naman kaming dalawa ni Shane sa sinabi niya.

"Why?" tanong ni Shane.

"First time niyang nagparticipate sa class." nakangiti niyang sabi.

"Naks, kung makangiti wagas. Crush mo si Tenny no?" pagtutukso ko sa kanya. Lumaki naman ang mga mata nito.

"Hindi no! Nabigla lang talaga ako. Hindi ba kayo nabigla?" tanong niya sa aming dalawa ni Shane.

"Nabigla din. Shocking kasi ng ginawa niya. Change is coming na ba talaga para sa bugnuting iyon?" natatawang sabi ni Shane.

"Ano kayang napasok sa kukute ni Tenny at nagparticipate?" nakakunot kong tanong. Nakakapagtaka lang kasi.

"Joana, si Zadie oh!" sabi ni Dana sabay turo sa likod ko. Agad naman akong lumingon at nandito nga siya.

"Zadie!" tawag ng isang babae kay Zadie. Lumingon naman ang aking baby boy.

"Anong bibilhin mo?" tanong ng babae kay Zadie. Ginoo, sino siya?

"Si Katrina iyan diba?" tanong ni Dana kay Shane. Napatango naman si Shane.

"Katrina Grace Impas ang SSG president. Good looks, beautiful body and most of all matalino." pagde-describe ni Shane dito. Nakapout ko itong nilingon.

"Syempre mas cute ka pa din. Diba Shane?" tanong ni Dana kay Shane.

"Oo naman hindi ka nga lang matalino." sabi nito.

Ibinalik ko na lang ang paningin ko kay Zadie at Katrina. Bagay sila. Pareho silang matalino at magagandang nilalang. Hindi katulad ko parang potato nutshell. Ano bang relasyon nilang dalawa at parang close na close sila? Nagseselos ako crush ha.

Napalingon naman sa amin si Zadie ng sumigaw si Shane. Anong nangyare sa bruhang ito? Dinamay pa talaga ako sa kalokohan. Naglakad si Zadie papunta dito kaya agad naman akong nataranta. Bakit siya naglalakad papunta dito? Nasagot naman ang tanong ko ng huminto ito para bumili ng orange juice na katabi pala sa inuupuan namin.

"Mahilig ka pala sa orange juice, Zadie?" nakangiting tanong ni Katrina. Ngumiti naman dito si Zadie.

"Nope. I just want to buy one. May isa kasing taong mahilig sa orange juice so I wanna know how it taste like." sagot ni Zadie dito.


Hindi naman sa assuming ako pero assuming talaga ako. Mahilig din kasi ako sa orange juice kaso wala akong sapat na money ngayon kaya hindi ako nakabili and believe me I'm addicted to orange juice. So, you can't stop me if I'm assuming things kasi assumera naman talaga ako!

We are like watching a commercial on orange juice right now. Para kaming timang na nakatitig kay Zadie habang iniinom nito ang orange juice sa harapan namin. Ang way sa pagmove ng adams apple nito is so sexy.  Pwede na nga itong maging modelo sa orange juice sa sobrang gwapo. Nagseselos tuloy ako sa orange juice buti pa siya nahalikan ni Zadie habang ako. Bwesit, ang landi ko po. Diyosko, ilayo niyo po ako sa tukso. Napatingin naman bigla si Zadie sa akin at nagsmirk kaya dumating na ang karma ko sa pagpantasya sa kanya. Ako po ay nabulunan.

"Hoy, anong nangyari sayo?" tanong ni Shane. Bobo, tinanong pa talaga ang obvious.

"Tu..big." sagot ko sa bobong tanong ni Shane.

"Nabulunan ata si Joana." sabi ni Dana at tumawa ng malakas. Mga demonyo, tumawa pa talaga.

"Tu...big!"naiinis kong sabi sabay hampas sa kanilang dalawa. Nataranta naman ito.

"Here." alok ni Zadie sa akin. Hindi ako choosy kaya tinanggap ko ang orange juice dahil baka mamatay pa ako. Ininom ko agad ito.

"Salamat, Zadie." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tsk, dahan-dahan lang kasi sa pagkain. Wala namang kukuha sayo niyan, Idiot." litanya niya sa akin at nagwalk out.

Though he insulted me ay kinilig pa rin ako. Naks, nagkaindirect kiss kami. Oh my gosh! Gusto kong tumili. Ginoo, pwede ba?

"Kinilig ka no?" nakangiting asong tanong ni Shane.

"Oo pero mga demonyo kayo. Tumawa pa talaga kayo habang ako ay nasa bingit ng kamatayan. Mga bwesit!" galit kong wika sa kanilang dalawa at pinagpapalo sila.

"But atleast nagka-indirect kiss kayo ni Zadie." sabat ni Dana. Hinawi ko naman ang aking buhok at pinigilan ko na ngumiti.

"Sana all nagka-indirect kiss sa crush niya." panunukso ni Shane sa akin. Sa lakas ng pagkasabi ni Shane ay feel ko magiging issue na ito.

"Hoy, iwas tayo sa issue frenny." banta ko sa kanya. Napa-action naman ito na parang zinizip ang kanyang bibig.

"Ang lakas kasi ng boses. Kailangan talagang isigaw friend?" pagsasabi ni Dana kay Shane.

"Sorry. Balik na nga tayo sa classroom at baka nandoon na si Mr. Ebe." pag-aaya niyang bumalik sa room.

"Mauna na kayo dahil magbabanyo pa ako." wika ko.

"Samahan ka na lang namin." sabi ni Shane.








Nandito na kami sa banyo ng mga girls. Tumingin ako sa kanilang dalawa na may halong pagbabanta. Baka may kung anong kademonyuhang gagawin sila sa akin. Agad akong pumasok sa cubicle para isagawa ang dapat gawin.

"Humanda kayo sa akin kung may kung anong kalokohan kayong iniisip." pagbabanta ko.

"Grabe ka ghurl." komento ni Dana.

"Isasaksak ko talaga sa mga bibig niyo ang napkin ko kung sakali man." dagdag ko sa pagbabanta ko.

"Bilisan mo diyan." sabi ni Shane. I smell something fishy.









Natapos ko ng palitan ang napkin ko kaya lumabas kaagad ako ng cubicle. I already expected this to happen. Iniwan talaga ako ng mga bruhang iyon. Isasaksak ko talaga sa kanila ang napkin ko. Mga bwesit na nilalang sa mundo.

"Time check. Two: thirty five." sabi ko.


Malayo pa naman ang next subject. Hindi talaga marunong tumingin sa oras ang dalawang bugok na iyon. I decided to take my me-time. Naglakad-lakad lang ako appreciating the beauty of nature. Charness, ang dami ko talagang charot sa life.

"Nasaan na kaya ang dalawang unggoy na sina Shane kuripot at si Dana bhaboy. Nagbanyo lang naman ako tapos nawala na sila. Iniwan na ako. Nako! Ang hilig talagang mangghost ng mga tao ngayon dinaig pa talaga nila ang multo. Hindi na nahiya. Bakit naman sila mahihiya? Ang kakapal na ng mukha nila at daig pa ang libro sa kapal. Mga old fashion freak! Hmp, gigil niyo si ako ha. Abugbug berna ko ka----" naputol ang sasabihin ko dapat kasi may nabangga ako. Napapikit ako sa inis.

"Bwesit! Ang sakit ng tungki ng ilong ko. Bakit ba may pader na paharang-harang dito?" inis kong sita. Dinilat ko ang aking mata para tingnan ang epal na pader na  napakagwapo pala.

"You're the one who bump into me and I'm not a wall." nakataas ang isang kilay nito while looking down at me.

"Zadie?" gulat kong tanong.

"Isn't it obvious?" naiinis nitong sagot. Napakurap naman ako ng ilang beses.

"Why are you here?" I asked him. Napasmirk naman ito.

"It is a school Joana. The answer is so obvious. Why are you so dumb?" nakakunot noong tanong niya. Aba'y pagkapilosopo naman nitong crush ko.

"Dumb talaga? Grabe naman." nakapout kong sabi sa kanya.

"Next time, be careful. Napakaclumsy mo pa naman and don't talk by yourself. You look like a crazy old grandma." pang-iinsulto nito at dinaanan lang ako.




Ang harsh niyang magsalita. Dumudugo nga utak ko sa pagprocess sa mga sinabi niya. Puro kasi english, magtagalog ka naman Zadie! At ano daw? Old grandma? Sino? Me? Aba'y napakagago mo crush. Kung hindi lang kita crush kanina pa kita sinumpa. Sa ganda kong ito, old grandma? No way, hindi ako papayag but do I really look like an old grandma?

"Hoy!" sigaw ng isang boses sa tenga ko. Aray, siya pa ata dahilan kung bakit ako mabibingi.

"Anong kailangan mo, Tenny?" I asked him.

" Sabay na tayong pumunta sa room." sabi niya.

"Saan ka ba galing? Akala ko nasa room ka lang." nagtataka ko na tanong kay Tenny.

"Naglakad-lakad lang  since nagtatampo ako pero hindi mo man lang ako sinuyo." pangungunsensya niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Guilty lang ang peg.

"Ililibre na lang kita ng orange juice bukas." sabi ko. Ngumiti naman ito at inakbayan ako.

"Sinabi mo yan ha." wika niya. Napailing naman ako.

"Oo pero ilibre mo din ako ng burger." nakangiting tanong ko.

"Oo naman!"sabi niya at sabay naming inilakbay ang daan papuntang classroom.

















                    ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕













Natapos na ang last subject para sa araw na ito at uwian na. Finally, makakahiga na ako sa kama. My body is so tired. Gusto na nitong yakapin ang bed ko. I'm so excited to go home!

Lumapit naman ang dalawang unggoy sa akin. Naguilty sa pag-iwan sa akin sa banyo. Hindi ko kasi sila pinansin pagdating ko sa classroom kaya akala siguro nila ay galit ako. Well, I want them na isipin iyon. Nagde-debate nga ang good conscience at bad conscience tungkol sa pagprank sa kanilang dalawa.

"Frenny, may bagong bukas doon sa kanto na coffee shop. Gusto mo bang pumunta roon? Pupunta kaming dalawa ni Shane." pag-aaya sa akin ni Dana na agad namang tinanguan ni Shane.

"I don't drink coffee." sagot ko sa kanila. Napatingin naman si Dana kay Shane.

"Balita ko ay napakasarap daw ng mga cake doon. Hindi lang naman coffee, binibenta nila kundi mga milk tea at cakes din." Shane explained. I want to laugh my ass off right now kasi natatawa na ako sa nga mukha nilang parang ewan.

"Bakit tinatawag na coffee shop kung hindi naman puro coffee ang benta?" masungit kong sabi sa kanilang dalawa.

"Frenny, huwag ka nang mag marunong. Hindi bagay sa iyo. Halika na." wika ni Shane.

"Libre niyo ba?" tanong ko.

"Nalibrehan na kita kaya tanungin mo si Dana." sabi ni Shane at tinuro si Dana na ngayon ay napalaki ang mata.

"Wala pa akong pera ngayon. Next time ko na lang kayo ililibre." sabi ni Dana.

"Kayo na lang. Wala pa akong sapat na pera." pagtataboy ko sa kanila. Nagtatampo ako dapat ilibre niyo ako.

"Ay, sige. Ang balita ko pa naman ay doon daw si Zadie nagpa-part time. Sayang naman." nalulungkot nitong sabi. Ang galing umarte ng bruha. Pwedeng-pwede na maging artista.

" Mapilit kayo kaya sige na nga." sabi ko sabay tayo at kinuha ang bag kong doraemon.

"Si Zadie lang pala katapat." tumatanong pahayag ni Shane. Tumawa naman si Dana nang napakalakas.

"Bilisan niyo dahil gutom na gutom na ako." natatawa kong sabi sa kanilang dalawa.














                     ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕
















Hulaan niyo kung nasaan kami ngayon. Nandito kami ngayon sa coffee shop na nagngangalang 'Aishiteru'  it means 'I love you.' Ang nagmamay-ari ng coffee shop na ito ay isang half japanese model dito sa cebu. According to Dana ay dito nagta-trabaho si Zadie.

"How do you know na dito siya nagta-trabaho?" I asked Dana.

"Aura says so. Alam mo namang crush niya din si Zadie." she answered.

"Mag-order na tayo. Joana, maghanap ka ng bakanteng mauupuan." pag-uutos sa akin ni Shane. Tumango naman ako bilang sagot.





Naghanap na ako ng bakanteng upuan while silang dalawa ay nag-ooder doon sa counter. Inilibot ko ang aking paningin but instead na upuan ay si Zadie ang nahanap ng aking mga mata. Napakagwapo niya sa suot nitong mala-butler. As expected from japanese based coffee shop. Ang mga babaeng worker ay nakasuot ng pang-maid at ang mga lalaki naman ay pang-butler.

"What are you doing here?" tanong nito sa akin.

"Hindi ba obvious? Ano pa bang ginagawa dito sa isang coffee shop? Bibili ako." Sagot ko sa tanong niya. Nalukot naman ang mukha nito.

"I just thought na mag-aaply ka ng trabaho dito. Since, yun naman ang ginagawa ng ilan." sabi niya. Huh? Nag-aaply din ba ng trabaho ang ilan sa mga schoolmate na halatang may crush naman kay Zadie.

"Nag-aaply din ng trabaho ang ilang nga schoolmate natin?" tanong ko.

"Yes. There is a vacant chair over there. It is good for four people." pag-iinform nito sa akin. Sabi ko na nga ba. Mag-apply din kaya ako?

"Salamat." pagsasalamat ko.






Pumunta ako sa lugar na tinutukoy niya at umupo. I know na nalukot ang mukha ko dahil sa selos. Charness, lakas makaselos wala namang kayo. Mag-aapply na lang din ako para sabay sa uso.

"Zadie!" tawag ng isang pamilyar na boses. Don't tell me na nagta-trabaho din dito si Katrina? No way!

"What?" tanong ni Zadie kay Katrina.

"Since, we are co-workers. I am pleased to work with you. Please, take care of me." nakangiting sabi ni Katrina kay Zadie.


Lalo tuloy kumunot ang noo ko. It sounds like a new couple and then sinabi ng girlfriend sa boyfriend na please, take care of me. Like ew, hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Zadie.

"Anong nangyare sa face mo frenny?" tanong ni Dana. Hindi ako sumagot because I'm not in the mood.

"Nagseselos ang mukhang iyan." sagot ni Shane sa tanong ni Dana sa akin na hindi ko sinagot kasi nga wala ako sa mood.

"Here is your order Ojou-sama." magalang na sabi ni Zadie sa amin. Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.

N/A: Ojou-sama refers to young lady

"What happened?" nagtatakang tanong ni Zadie.

"Nagseselos." natatawang sagot ni Shane kay Zadie. Napakunot naman ang noo ni Zadie pero kinalaunan ay ngumiti.

"Happy eating!" nakangiting sabi niya at umalis na para bumalik sa trabaho.





Nagsimula na akong kumain. Tsk, ang matamis na cake ay hindi na matamis nang makita ko si Katrina at si Zadie na nagtatawanan. Like hello, it is working hours tapos naglalandian. Sana all naglalandian. Ang sakit sa oaningin pareho silang cancer sa lipunan. Mga bwesit.

"Joana, huwag mong idamay ang pagkain." pagsasabi sa akin ni Dana. Huh? Hindi ko napansin. Natorture ko pala ang kawawang cake na ito. Sorry.

"Busog na ako. Umuwi na tayo." nakakunot-noong  pag-aya ko.

"Hindi pa kami busog." wika ni Shane.

"Una na lang ako. Byers." paalam ko.




Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. I am really not in the mood. Nasira na ang mood ko sa kanilang dalawa. Ano ba naman ang karapatan kong magselos? Childhood playmate niya lang naman ako or so I thought. Hindi naman niya ako pinapansin pero iniiwasan oo. Magkalaro lang naman kaming tatlo ni Tenny, Zadie at ako. Ang kapal naman ng mukha ko to assume things and to be jealous. I'm like a wind in Zadie's eyes. Hindi niya pinapansin. Ang layo ko pa kay Katrina. She's beyond perfection bagay na bagay talaga sila ni Zadie. Sana all maganda, sana all matalino at sana all kasama si Zadie. Why do I look like a potato nutshell while my sisters are not? Kung sana maganda lang ako. Zadie will look at me woth affection. This is  one sided love. Ako lang ang nagmamahal yung isa deadma.

"Why are you crying?" tanong ng isang baritonong boses.

Alam ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na iyon kaya ayan tuloy mas lalo akong naiyak.

"Hindi ako umiiyak." naiiyak kong pagsisinungaling. Ang bobo ko din minsan.

"Don't cry. You look like child." sabi nito. Ano ba talaga Zadie? Una ay old grandma tapos ngayon child?

"Why are you here?" tanong ko.

"It's dangerous for a girl to walk home alone." sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Pero hindi naman ako maglalakad papuntang bahay. Sasakay ako ng bus pagdating ko sa waiting shed." sabi ko sa kanya. Napakamot naman ito sa batok.

"I'll just accompany you." wika niya. Nagulat naman ako. Nawala na ata ang selos na nararamdaman ko dahil napalitan na ito ng kilig.

"Nagsasayang ka lang ng pera." sabi ko. Pakipot ako ngayon kaya wag niyo akong pigilan. Tumitig ito sa akin.

"Hindi mo ba ako gustong kasama?" pagtatanong nito sa akin. Oops, that hit the core.

"Hindi naman sa ganoon. Gustong-gusto kita makasama kaya lang inaalala kita." sincere ko na sagot. Nguniti naman ito at ginulo ang buhok ko. Sa mga ginagawa mo Zadie ay mas lalo akong umaasa.

"Let's go. Nandito na ang bus."  pag-aaya niya.



Paghinto ng bus ay lahat ng naghihintay ay agad na pumasok kaya napahiwalay ako kay Zadie. Hala, ginoo!  Paano ako papasok nito? Nagsiksikan na talaga.

"Joana." tawag ni Zadie sa akin at inilahad ang palad niya.



Does he want me to hold his hand? Namula naman ako.  I was about take his hand nang binawi niya ito at tumikhim. Oh, that is not fair. Naloko ako kasi akala ko he wan me to take his hand. Nagpout naman ako because I really want to hold his hands.

Pumasok na ako kasi baka maiwan ako ng bus. Mahirap na dahil hindi ko pa naman gustong maghintay. Nakakatamad kaya. I take a seat next to Zadie. Ngumiti naman ako dito while him. He is back to his usual poker face.

Ginoo, I want this moment to goes on. Kung sana everyday ganito na lang kami ni Zadie. I really like him noon pa man. We bumped into each other at the park when we were still kids. Yes, siya yung masungit na tinawag akong idiot. Later that day ay naging magkaibigan kami. Nalaman ko na siya pala ang apo ni Lola Amanda. Ginoo, can I hope for him to also like me back? I mean uso naman ang salitang crushback diba?

"Huwag kang magselos kay Katrina. She's just a friend." boglaan notong sabi kaya nagulat ako. I did not expect him to say that.

"Okay." nakangiti kong sagot sa kanya.







And the night goes on with me na walang ibang iniisip kundi ang moment na iyon. Nahirapan pa nga akong matulog. This is really bad. Mas lalong lumala ang pagtibok ng puso ko.

























To be continued~










______________________________________

Note: Hindi ko po pagmamay-ari ang kahit anong picture na ginamit ko sa story na ito. Just saying. Lovelots everyone, stay safe!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top