CHAPTER THREE
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
It is so quiet in here. I cannot take the atmosphere radiating in this 'oh so quiet place'. Hindi ko na matiis ang tahimik. I feel like anytime I would go berserk. So, guess what kung nasaan ako? I am here infront of the prefect of discipline. Nandito ako sa office niya para pag-usapan ang problemang haharapin ko ngayon. He is staring seriously at me. Simula nang dumating ako dito ay nagtitigan session lang kami. Wait! Do not tell me na na-fall siya sa akin? Ang lakas naman talaga ng kamandag ko.
"I bet you know the reason why I called you in my office, Miss Palaiyon." pagsisimula niya.
"Yes po." sagot ko sa kanya. He looked at me and then sigh.
"It is regarding sa mga lates mo. Palagi ka na lang late at bagsak ka pa sa math." litanya niya sa akin. Tinanong pa ako pero sasabihin rin naman sa huli.
"Suki ka na talaga sa office ko, Joana." dagdag niya. I just smiled at him.
"Crush po kasi kita. Gustong-gusto ko makita ang napakagwapo mong mukha!" pagpupuri ko sa kanya. He smiled at me. Naks, effective.
"That won't work on me." seryosong saad niya.
"Joke." nakapout kong komento.
"You need to clean the comfort rooms starting tomorrow." wika niya na nagpalaki sa mga mata ko.
"Sir naman! Huwag naman ang comfort rooms." sigaw ko.
"Do not raise your voice at me." nakakunot noo niyang sabi.
Tanong ko lang. Bakit ba lahat ng gwapong kilala ko ay mahilig kunutin ang noo? Dagdag pogi points ba yun para sa kanila?
"Kailan po ba matatapos ang punishment ko?" parang tuta kong tanong sa kanya.
"Seven days." maikli niyang sagot.
Seven days lang pala, no problem iyan. Napaka-easy lang pala nitong task ko. Super easy? Nope, hindi siya easy. Comfort rooms are the worst.
"Sige po." sabi ko.
"Off you go." pagtataboy niya sa akin.
Lumabas na ako sa office niya at agad na tinahak ang daan papuntang classroom ko. Ano ba iyan? Hindi pa naghintay na matapos ang klase bago ako tawagin. Pagkapasok ko sa gate ay dinala agad ako sa office niya. Nag-iisip tuloy ako nang masasamang bagay. Tirik na tirik ang araw pero nagpuputak pa rin ang manok. Ihawin kita diyan para matahimik ka. Charness, hindi ko kayang gawin iyon sa mga gwapo. I am bias towards handsome mens. Hmp, pasalamat siya.
Nandito na ako sa harap nang classroom so kumatok ako nang tatlong beses para makuha ang atensyon nila. Hindi ako attention seeker because I am just being polite. Tumingin namam sila sa akin pati na si Mister Cololot. I wanna back out kasi bad timing ako. Ang sama nang titig sa akin ni sir. Natatakot tuloy akong pumasok. Ginoo, bahala na si batman.
"I am sorry Sir because I am late." panghihingi ko nang paumanhin.
"Joana Palaiyon!" naiinis niyang sigaw. "Give me a valid reason kung bakit late ka na naman?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Na-flat ang gulong ng bus driver kaya ako na late sir." I lied. Umiling naman ito.
"That is also your reason the other day." pagpapaalam niya.
"Traffic po kasi kaya nalate ako." nakangiti kong sabi.
Yep, that is a lie again. I do not have any reason kundi I woke up late but that is not a valid reason at hindi iyan tatanggapin ni sir.
"You also said that yesterday." naiinis niyang sabi. Hala, nasabi ko pala iyan sa kanya? Bakit hindi ko maalala?
"Kasi...kasi po ano." nauutal kong sabi. Come on brain! Gumana ka naman. Think brain, mag-isip ka naman ng rason please.
"Kasi?" tanong ni sir.
"It's because natatae ako kaninang umaga kaya pinalabas ko na lang po muna dahil namamahay po puwet ko. Hindi niya gusto sa comfort room dito sa school kasi gusto niya doon sa banyo ng bahay namin!" pagsisinungaling ko.
Tumawa naman ang mga kaklase ko pati na din si Mister Cololot dahil sa napakawalang-kwentang reason ko. Ginoo, bakit iyon pa po ang naisip ko? Ang tanga ko sino naman kaya ang maniniwala sa rason na iyon pero valid din naman iyon ha.
"You are hilarious, Miss Palaiyon. Napatawa mo ako and because of that you can take your seat now." sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti.
"Thank you sir." pagpapasalamat ko.
Lumapit na ako sa desk ko at umupo. Agad namang lumapit din sa akin amg dalawang unggoy at isang gorilla. Magkatabi lang kami ni Gorilla pero inilapit pa talaga ang silya niya para makichika. Ang dalawang unggoy naman ay pinalipat ang bakanteng upuan sa likod at kanan ko.
"Ang ganda ng rason mo, frenny. Out of the world! Nakakabilib." komplimento ni Dana sa reason ko at nag-thumbs up pa sa akin ang unggoy. I just glared at her.
"Bakit ka nahuli?" tanong ni Tenny, ang gorilla.
"Kakasabi ko lang kanina ha. Bingi na ba ang gorilla ngayon?" naiinis kong sabi kay Tenny.
"Ang init naman ng ulo natin ha." nang-iinis na wika ni Shane.
"Huwag niyo ako disturbohin dahil bad mood ako ngayon at baka ay masuntok ko pagmumukha niyo." pagbabanta ko sa kanilang tatlo.
Hindi naman sila natakot at humagikhik pa ang tatlong ugok. Mas lalo ang ininis. Mga bwesit! Pagsasabihan ko sana sila na maririnig tayo ni sir dahil sa tawa nila kaso may dumapong eraser sa mukha ko and so, nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Sir! Bakit ako?" tanong ko. Tinignan ko naman ang dalawang unggoy at ang gorilla na tumatawa ngayon.
"Ano bang pinagtatawanan ninyo diyan, Miss Palaiyon?" tanong ni sir.
"Ewan ko po kasi hindi naman po ako ang tumawa. Sila Shane, Dana at Tenny naman po kaya sila po ang tanungin ninyo." kalmadong sabi ko kay sir dahil kapag sinigaw ko iyon ay magmumukha akong walang galang.
"Totoo ba iyon Miss Lacsimana?" tanong ni sir kay Dana.
"Ha?" reaksyon niya. Binatukan naman siya ni Shane.
"Opo sir. Iniinis lang po namin si Joana. We are sorry po." panghihingi ni Shane ng paumanhin.
"Kayong apat. Go out!" sigaw ni sir. Nagulat naman ako dahil bakit pati ako?
"Pati ako sir?" tanong ko.
"Yes, ikaw palaiyon, lacsimana, gierran at baklayu. Go out and reflect!" sigaw niya.
"Bakit po pati ako?" tanong ko ulit. Hindi ko talaga matanggap na pati ako na tahimik lang ay nadamay sa kalokohan ng tatlong ugok.
"Tara na nga, Joana. Nagtanong ka pa." sabi ni Tenny at hinila ang kamay ko.
So, nandito kami sa canteen. Tambay lang naman ang peg namin dito. Si Tenny at si Shane ayon proud pa na pinalabas kami ni sir while kaming dalawa ni Dana Bhabe ay nag-aalala.
"Huwag kang mag-alala, Dana Bhabe dahil siya naman ang nag-utos sa atin na lumabas tayo. We are just simply following his order. We are not at fault." words and wisdom by Tenny. Charness, englisher na pala si best friend ngayon?
"Salamat sa comfort Tenny." namumulang sabi ni Dana. Naks, crush niya talaga si Tenny. It is so obvious.
"Gagu ka." komento ni Shane sa sinabi ni Tenny at binatukan niya ito.
"Bakit ka nambabatok?" gulat na tanong ni Tenny kay Shane.
"Feel ko lang." sagot ni Shane.
"We are at fault also." sabi ko sa kanila. " I mean kayo lang at hindi ako kasali because nadamay lang ako." dagdag ko.
"Hindi ka true friend, Joana. Friends should stick together diba for better or for worse, in sickness and in health and till death do us part." nakangiting sabi ni Tenny.
"Gusto mo ba akong pakasalan, gorilla ka? Mandiri ka nga sa sinabi mo." sabi ko sabay pisil sa ilong niya.
"Aray."sabi niya at nag-arte pa talaga ito na nakahawak sa heart at nasasaktan daw umano.
"Masakit ba?" malungkot na tanong ni Shane kay Tenny.
"Joke lang yun." natatawang sabi niya.
"Masakit." malungkot niyang wika. Uhm, awkward. What's with this atmosphere people?
"Masakit nga." malungkot ring sabi ni Dana. Hoy, anong nangyayari sa kanila?
"Joana?" tawag sa akin ng isang boses.
"Zadie? Bakit ka nandito?" gulat kong tanong kasi class hours pa tapos nandito siya sa canteen.
"Nag-exam kami at maaga akong natapos kaya I decided to buy some orange juice to refresh my mind." sagot niya sa tanong ko. Napakatalino nga naman ng future husband ko.
"Ah, kaya pala." tumatangong reply ko.
"How about you? What are you all doing here?" nagtataka noyang tanong.
Ginoo, nakakahiyang sabihin na pinaalos kami ng teacher. I'll just stay quiet or mag-isip ng ibang rason.
"Pinaalis kami ng teacher." sagot ni Tenny sa tanong Zadie.
Diyosko, bakit hindi niya maintindihan ang sitwasyon. Ngayon, hindi na ako magugustuhan ni Zadie.
"Why?" Zadie asked looking at me seriously. Is he asking me?
"Nadamay lang ako. Ito kasing tatlong ugok iniinis ako tapos noong nainis na ako ang lakas kung humagikhik kaya ayon napalayas kami." pag-eexplain ko sa kanya. Tumango naman ito.
"I see." komento niya.
"You miss the funny part, Joana." ani ni Tenny.
Ginoo, bakit englisher na itong best friend ko? Nakakagulat naman ang pagbabago nito pero gorilla pa rin soya sa paningin ko.
"Funny part?" tanong ni Zadie kay Tenny.
"Huwag. Huwag Tenny." pagbabanta ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
"Naglanding ang isang flying eraser ang mukha niya." natatawang sabi ni Tenny kay Zadie. Gosh, my reputation is ruined.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Nagulat naman ako kasi inakala ko na pagtatawanan niya ako. Nag-aalala ba siya sa akin but isn't this progressing too fast? Ay bahala na. I do not care anymore. Aasa ako nang aasa at kung masaktan man ako it is okay. All I know right now is may chance.
"Hey, are you still there?" pagbabalik tanong ni Zadie.
"Ay okay na okay lang ako Zadie!" masaya kong sabi sa kanya.
"That is good to know. I will get going." wika niya. Kinilig naman ang puso ko.
"Sige, ingat." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Here." alok niya sa akin ng orange juice.
"Huh?" reaksyon ko.
"Tanggapin mo na lang." sabi niya kaya tinanggap ko ang orange juice. Kalma lang heart. Huwag ka munang magcollapse.
"Thanks." pagsasalamat ko. Tumalikod naman ito at naglakad na paalis.
"Okay lang ba heart natin, ghurl?" nakangising pagtatanong sa akin ni Shane.
"Namumula si Joana!" Dana exclaimed. Huh? Is it too obvious?
"Hot." komento ko. Ang init kasi nang nararamdaman ko.
"Inumin mo na ang orange juice bago ka mahimatay." masungit na utos sa akin ni Tenny.
"Talaga!" masaya kong sagot sa kanya. Binuksan ko na ang orange juice at ininom ito. May naalala tuloy ako.
"Hoy! Saan ka pupunta?" sogaw ni Shane.
"Diyan lang." sagot ni Tenny.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Dana.
"Nag-inarte lang ang lalaking iyon." sabi ko sa kanilang dalawa ngunit umiling lamang si Shane.
Minsan nga feel ko na may nalalaman ang babaeng ito na hindi niya sinasabi sa amin ni Dana.
"Bumalik na tayo sa classroom." pag-aya sa amin ni Shane.
"Pero paano si Tenny?" nag-aalalang tanong ni Dana.
"Babalik din iyon. Matanda na siya at kaya na niya ang sarili niya." sabi ko sa kanya.
"You are so heartless." komento ni Dana Bhabe.
"Huh?" reaksyon ko.
"Dana, Joana is right. Tara na." pag-aya sa amin ni Shane.
"Well, okay." sabi niya.
Bumalik na kaming tatlo sa classroom at naabutan namin na may nag-aaway. Aba'y dakilang chismosa ako kaya kahit na ang sikip kasi marami rin ang nakichismis ay gumawa talaga ako nang dahilan para makapasok. Naiwan ko pa nga ang dalawa.
"Akala mo hindi ko alam iyang baho mo, Shantall?" galit na sabi ni Carleen sa isang babaeng taga ibang section.
"Anong pinagsasabi mo?" galit rin na tanong ni Shantall.
"Pinagkakalat mo sa kaibigan ng boyfriend ko na nags** kayo ni Macoy na hindi naman totoo. Nakakadiri kang sl*t ka. Isang malaking ew sayo!" galit na sigaw ni Carleen kay Shantall
"Hindi ko sinabi iyan!" naiiyak na sigaw ni Shantall.
" Akala mo hindi ko alam na malandi ka? Nakikipagflirt ka sa mga lalaki dito sa school. You are a flirt. Nakikipagflirt ka sa boyfriend ko at sa bestfriend ng boyfriend ko at sa mga classmate ko at sa mga classmate mo. Nakikipag chat ka rin sa mga kano. Ew." nandidiring wika ni Carleen kay Shantall.
"Kailan man ay hindi ko ginawa ang mga bagay na iyan. Itigil mo na ang paggawa ng kwento-kwento." umiiyak na sabi ni Shantall kay Carleen at tumakbo paalis.
Alin kaya sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo? Nakakaawa naman si Shantall. Umiiyak na nga siya tapos pinagtatawanan lang siya nina Carleen at ng ilan. Napakamali nang ginawa ni Carleen. Sana pinag-usapan nila iyan ng masinsinan para hindi mapahiya si Shantall kung sakaling totoo man ang sinasabi niya. Hindi niya dapat pinahiya ang isang tao sa harap ng maraming audience.
"What was that?" pagre-react ni Dana.
"Pasok na tayo." pag-aya sa amin ni Shane. Tumango naman kami at pumasok na.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Ang bilis nang takbo ng oras. Natapos na ang klase para sa araw na ito. We are on our way to the coffee shop kung saan nagta-trabaho ang crush ko. Habang nasa daan kami nina Shane, Dana at Tenny ay nakakita ako ng isang nakakagimbal na pangyayari. Ew. Nakakita lang naman ako ng dalawang asong nag-aano sa daan. I bet nakita din nila pero no comment sila. Natawa naman ako kasi nakakadiri silang tignan. Ang liit noong aso tapos inaano siya ng mas malaki pa sa kanya. Napadilat ako ng wala sa oras at tinakpan ang mga mata ko.
"My virgin eyes! Kadiri." I exclaimed. Napatingin naman sila sa akin kaya nagpeace sign lang ako.
Kinuha ko na lang ang phone sa pocket para maligtas sa kahihiyan. Act as though nothing happened. I opened my facebook account at nakatanggap ako ng napakaraming notification. One of them ay sinasabi na Zadie already accepted my friend request. Napatili tuloy ako nang wala sa oras. This is heaven!
"Nakakarindi ang tili mo." komento ni Tenny. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nagpatinag ang loko.
"Anong tinitili mo diyan, ghurl?" tanong ni Shane. Bigla ko itong hinalikan sa cheeks kaya nasira ang mukha nito.
"Don't me." saad ni Dana.
Ngumisi lang ako at tsaka lumapit sa kanya. Nagtago naman ito sa likod ni Tenny. Ayay, dumadamoves pa talaga ang babae. Ibang klase ka Dana Bhabe. Nag-thumbs up ako sa kanya kaya nagtaka siya kung bakit pero ngumisi lang ako.
"Magpatuloy na nga tayo sa paglalakad." wika ni Tenny na agad din naman naming sinunod.
Narating na namin ang coffee shop pero nalaman ko na wala pala doon ang crush ko kaya minabuti komunang umalis. Nagpaiwan naman doon ang dalawa at umuwi na kami ni Tenny.
Nandito na ako sa bahay at agad kong dinamba ng yakap ang bed ko. I miss you bed. Kinuha ko ang cellphone at agad na binuksan ang messenger. Ano kayang sasabihin ko sa kanya? Thank you for accepting me into your life? Friends na tayo kaya let's level up this relationship into lovers? Pakasalan mo na ako, Zadie? Crush kita? Hoy Crush? Ay, magwave na lang ako. Joke, bukas na lang ako magme-message para makatanggap ako ng advice sa dalawang unggoy. Hindi ako makapaghintay. I'll message him.
Zadie Sequeña
went to Saint Joseph Academy
you're friends on facebook
Say hi to your new facebook.
friend, Zadie.
Joana Palaiyon:
Hi, Zadie!
Sabi ko magwe-wave lang pero nagtype pa rin ako ng hi. Nice, Joana. Naglito mo self. I do not understand you.
Naghintay ako ng ilang oras pero hindi pa rin soya nagreply. Nag-open ulit ako sa messenger at online naman siya. Hindi niya sineen pero online siya. Ang hirap naman nito.
Joana Palaiyon:
Hi, Joana!
Zadie Sequeña:
Zadie is typing....
Naks, naseen na niya. I'm so happy! Nagtype na siya. Ano kaya ire-reply niya? Oy, asa pa more girl. Seen lang natanggap ko dahil hindi niya tinuloy ang tinype niya. Ah, nakakairita. Naiinis ako sa self ko at sa kanya din. Naiinis ako sa lahat. Naiinis ako sa cellphone ko kasi nalowbat. Naiinis ako kay Zadie. Nakakalito siya. Minsan nga naiisip ko na baka may bipolar disorder siya kasi minsan mabait, minsan sweet at minsan mapanakit.
"Joana, magluto ka na ng hotdog at ham." utos ni ate sa akin.
Tinatamad nga ako eh. Bwesit, kung siya kaya ang magluto tutal siya naman ang kakain. Nakakagigil mga tao ngayon.
"Kung ikaw kaya ang magluto ate. Hindi kasi ako kakain." sagot ko sa kanya.
"Masakit puson ko." pagdadahilan niya. What a poor acting skills. Hindi marunong umarte. Nakakainis pagmumukha niya.
"Hindi naman talaga masakit puson mo kaya ikaw magluto." sabi ko sa kanya.
Nainis naman siya at inutosan ang isa ko pang ate na mukhang baboy ramo kasi napakawild. Ang maldita noon at tamad din kagaya ni ate ypril, kagaya ko at kagaya mo. Masunurin naman ako kaso lang ayokong dinidisturbo ako.
"Hoy Joana. Magluto ka nga doon." utos ni ate Claire.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa kung anong ginagawa ko. Naiinis ako sa lahat ng tao ngayon.
"Magluto ka Joana dahil dinidisturbo ako ni Ypril doon." sabi niya.
"Ikaw ang magluto. Huwag mo din akong disturbuhin." naiinis kong sagot.
Palagi na lang kasi ako ang inuutusan at sila ay walang ginagawa. Kung pag-uutusan sila ni mama ay ipapasa nila sa akin ang utos kaya naiinis na talaga ako. Napakatamad nila. Love ko pa rin naman silang dalawa kagit ganyang ang pag-uugali nila kaso lang may araw talagang ayokong magpadisturbo at napupuno na ang pasensya ko kagaya ngayon.
"Magluluto ka o hindi?" malditang tanong niya.
"Hindi." sagot ko.
"Magluto ka!" sigaw niya. Oo na magluluto na ako.
Tumayo na ako at umalis sa kwarto upang puntahan ang kusina at magluluto ng kanilang request na punyetang hotdog at tanginang ham.
"Bwesit." komento ko. Ang sama-sama na talaga ng loob ko.
So ayon nga, nagluto ako na luno ng sama ng loob kasi tamad ako at ganyang ang reaksyon kapag may inutos ka sa isang tamad na kagaya ko.
To be continued...
____________________________________
Note: Sorry sa mga grammar error at mga wrong spelling sa chapter na ito. Salamat sa bumabasa kung meron man. Lovelots!
_____________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top