CHAPTER ONE
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Tirik na tirik ang araw nang tumunog ang pinakamamahal kong alarm clock. Bwesit, panira talaga ng tulog itong doraemon na alarm clock ko.
Bumangon na ako kasi alam ko namang late na ako. Literally late na late na ako. Alas nuebe na at alas otso ang start ng first period but instead of doing things fast, ang slow ko pa. Tinatamad talaga kasi ako ngayon. Ay, araw-araw pala akong tamad. Hindi naman ako tamad dati kasi may inspiration ako sa pagpasok pero bwesit lang talaga. Why? nagtake lang naman ng advance class ang ultimate baby boy ko. So, ayon nga nawalan na ako ng ganang pumasok.
"Ginoo, ano pang ginagawa mo diyan Joana?" gulat na tanong ni mama nang makita niya akong tumitingin sa kawalan. Morning feels.
"Maliligo na po." sabi ko at kinuha ng tuwalya.
"Ginoo, bilisan mo diyan! Late ka na." sabi ni mama at umalis na.
Pumasok na ako sa banyo. Nagtitigan kami ng tubig. Makaraan ang ilang minuto ay napagpasyahan kong maligo na kasi baka pingutin ni mader ang tenga ko. Masakit yun kaya bibilisan ko na lang ang pagligo. As soon as the water touches my skin ay napasigaw ako sa ginaw. Tanghaling tapat pero malamig pa rin ang tubig? Nasaan hustisya doon? Tiniis ko ang lamig dahil ayoko talagang mapingot ang tenga ko. You can do it, Joana! Hang in there! Matatapos din ito.
Tapos na akong maligo at agad naman akong nagbihis dahil sa super ultra-ginaw na aking nararamdaman. Charness, mabilis pa nga sa alas kwatro akong napabihis. Ayoko ko talaga sa lamig at ayoko din sa init. Ayoko sa kanilang dalawa dahil si Zadie lang gusto ko. Naks, ang landi mo Joana.
"Binaunan na kita ng breakfast mo. Eat it on your way to the school." sabi ni mama sabay bigay sa akin ng baon kong money and yung breakfast.
"Okay po." I replied.
"Huwag na huwag mong kalimutan kumain." pagbabanta ni mader sa akin.
Alam kasi nitong hindi ko kinakain ang breakfast na baon ko dahil sa sumbungero kong forever bespren na si Tenny. Bakla yun at napakapangit. Sarap nun pagtitirisin at ipalaplap sa isang dosenang pokpok. Hmp.
"Umalis na po ba si Tenny, Ma?" tanong ko dahil baka nilamok na oyon sa kakahintay sa akin.
"Aba'y oo! Sa tagal mong iyan. Umuna na lang siya. Kanina pa yung alas sais dito at eight: thirty na nakaalis. Kawawang bata at dinamay mo pa sa pagkalate mo." litanya nito sa akin pero likas na talaga sa akin ang pagkademonyo kaya hindi man lang ako nakonsensya.
"Sige, aalis na me. Byers." pagpapaalam ko at nagbless kay mader.
"Ingat ka." sabi niya.
Tumango naman ako bilang sagot. Agad akong sumakay sa tricycle ni Mang Homer dahil magpapahatid ako sa waiting shed.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Lumipas ang ilang minuto ay narating na namin ang waiting shed sa may kanto at jackpot dahil may bus na paparating. Naks, swerte ko naman. Bumaba na ako sa tricycle at nagpasalamat kay Mang Homer. Huminto naman yung bus kaya sumakay ako kaagad.
"Time check. Eleven: forty one." sabi ko. Mga alas dose ay mararating ko na ang school. Makatulog na nga lang. Joke, wag na lang pala.
Saktong pagsapit ng alas dose sa hapon ay narating ko na ang school ko. Marami na rin estupidyanteng naglaray-laray. Bumaba na ako at umalis kaagad iyong bus. Hell yeah, may nakalimutan ako. Nakalimutan kong magbayad kay Kuya driver pero hindi ko na kasalanan iyon. Umalis sila kaagad kaya nakalimutan rin ni kuya ang pamasahe ko.
"Hoy, anong hinahagikhik mo diyan?" tanong nang isang boses.
Lumingon naman ako at nakita ang nakakunot nitong noo. Ay, oo nga pala. Pinaghintay ko pala siya. Inabangan niya ba ako para upakan? Hala ginoo! Sige ba.
"Ang creepy ng ngiti mo. Ano bang kademonyuhan ang iniisip mo?" nagtataka nitong tanong. Ay, hala grabe.
"Wala naman akong iniisip. Natuwa lang ako kasi nakalimutan ni kuya driver ang pamasahe ko." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oh really? Natuwa ka pa? Demonyo talaga." nang-iinis nitong sabi sa akin. I just glared at him as a reply.
Suddenly, may narinig akong tunog nang isang motor. Automatic namang ngumiti ang aking mga labi. Nandito na si baby boy! Alam ko kasi ang tunog ng motor niya kaya alam kong siya iyon.
Lumingon naman ako sa pinanggalingan at hindi nga ako nangkamali. It's him alright. Ginoo! Bakit ba ang gwapo niya? Bakit ba ang macho niya? Bakit ba ang perpekto niya sa paningin ko? Hindi ko na talaga mapigilan ang kagustuhang tumili. I imagined him dancing macho gwapito infront of me and his oozing with sex appeal. I feel like I will past out anytime soon. Ang init na din nang nararamdaman ko.
Nagsimula ng umikot ang paningin ko. Mahihimatay na naman ako? Like seriously? Ganoon na lang ba talaga siya ka-hot at palagi na lang akong hinihimatay sa tuwing malapit siya sa akin? Ginoo, help me. Ang lakas na ng kabog ng puso ko. This is not happening again.
"Hoy, Joana!" sigaw sa akin ni Tenny.
"Huh? Bakit?" tanong ko sa kanya. Nakapout naman ako notong tinignan.
"Tumutulo laway mo." naiinis nitong sabi sa akin.
Lumaki ang mga maliliit kong mata dahil sa sinabi niya at agad hinawakan ang labi ko. Ginoo, totoo nga! Mas lalo namang pumula ang mukha ko dahil sa hiya. Nakita ba iyon ni baby boy ko? Nakakahiya. Ah, speaking of baby boy. Nasaan na iyon?
"Tsk, pumasok na nga lang tayo sa classroom." nakakunot-noong sabi niya.
Hinila naman niya ako at kinaladkad papuntang classroom. Teka, bakit parang naiinis siya sakin? Hindi pa rin ba siya makaget over sa pagpapahintay sa kanya? Problema ba ng lalaking ito? Nabaliw na ata.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nandito na kami sa classroom at gaya nang isang normal na classroom. Hoy, note the sarcasm. Naabutan naming nagbabatuhan sila ng mga lukot na papel, may nagtatawanan, may nanonood ng kung anong malaswang bagay sa selpon, usap doon at usap dito, gossip here and gossip everywhere, and worst of all may ginawang concert ang classroom.
"Hoy, mga dumbbells! Papunta na dito si Ms. Shufangit." hinahangos na sigaw ni Gladez pagkarating nito sa room.
Nataranta naman ang mga bugok kong classmate. Mabilis nilang inayos ang classroom namin na parang dinaraanan ng bagyo. Pumasok naman kami ni Tenny at umupo sa silya. Sa kalagitnaan nang pag-ayos ay bigla na lang tumawa si Gladez nang napakalakas kaya nagtaka naman ang iilan sa amin.
"Joke. Peace yow mga dumbbells." natatawa nitong biro.
Nalukot naman ang mga mukha namin at pinagbabato si Gladez ng papel. Ang lakas talaga ng tupak ng babaeng ito. Okay ka lang ghurl? Bwesit, panira talaga ng araw itong si Gladez.
"Nanggigigil ako sayo, Gladez. Halika dito para mabatukan kita." sabi ni Queenzy. Nakangiti ito ngunit mahahalata mong naiinis ito.
"Heto naman si Gladez. Ang hilig magbiro." mahinahong sambit ni Monica. Tinagurian siyang sister kasi napakainosente nito. Ang bait-bait pa.
"Lagot ka sakin, Gladez. Isusumbong kita kay Cole." nakangising banta ni Neljan at agad naman namula si Gladez kasi crush nito si Cole.
"Ang lakas ng topak. Upakan kita diyan." biro ni Fritz.
"Subukan mo!" banta ni Gladez sabay pakita sa kamao nitong maliit at tumawa.
"Ehem." pagtitikhim ng isang boses na galing sa likod ni Gladez.
Nanlaki naman ang mata ko dahil nasa likod ni gladez si Ms. Shufangit. Hala, ghurl lagot ka ngayon. Nagkatinginan kami ni Tenny. Ngumisi naman ako kasi ang pangit talaga nitong bespren ko. Hindi katulad ko napakacute.
"Pangit." pabulong kong sabi. Kumunot naman ang noo nito kaya napatawa ako.
"Good morning class. Pick up the pieces of paper." sabi ni Ms. Shufangit.
Sinunod naman ng lahat ang sinabi ni Ms. Shufangit. Ay, katamad. Ayokong tumulong. Prinsesa kaya ako. Charness, baka pagalitan pa ako. Tinapon ko sa basurahan ang mga napunot kong papel. Ginaya naman ako nang ilan at tinapon na din ang mga napunot nila. Ano ba? Wala man lang originality. Ang famous ko naman para gayahin. Charness.
"That's enough. Take your seats." sabi nito kaya bumalik na ako sa upuan ko same as them. Nagsibalikan na sila.
"Our lesson for today are the five macro skills in learning." pagsisimula nito. Sinulat nito sa pisara ang katagang five macro skills.
"In learning, there are five macro skills yhat we must deal with in order to communicate effectively. Macro skills refer to the primary, key, main, and largest skill set relative to a particular context. It is commonly referred to in English language. Can someone here enumerate the five macro skills?" dagdag nito. Wala namang nagtaas ng kamay kasi obviously wala nakakaalam sa sagot including me.
"Come on class. Buhay pa ba talaga kayo? If only Mr. Sequeña is here. Siya lang naman talaga ang istudyante ko dito. Siya lang nag-aaral ng mabuti, siya lang nagte-take note sa mga sinasabi ko at siya lang nakikinig sa akin." pagsasabi nito sa amin. Bumuntong hininga naman ito." Wala ba talagang nakakaalam ng sagot sa inyo?" naiinis nitong tanong.
Bakit po ba kasi kayo nagtanong? Alam niyo naman pong bobo kami lahat dito diba? Obviously, walang nakakaalam ng sagot kaya kahit anong pagtatanong mo ay walang magtataas ng kamay or so I thought. Gaya ng iba ay nagulat din ako kasi nagtaas ng kamay si Tenny. First time in history. Hindi naman sa sinasabi kong bobo siya pero hindi lang talaga ito participative.
"Mr. Baclayu?" tawag ni Ms. Shufangit.
Tumawa naman kami lahat kasi we found it funny. The way she pronounced the surname of Tenny. Patanong pa talaga. Para siyang nagtatanong kung bakla ba si Tenny.
Tinignan ko naman si Tenny at nakatitig pala ito sa akin. Wait, bakit sa akin lang? Hindi lang naman ako ang tumawa ha. Ang mga bugok ko ring classmates. Grabe, ang sama naman nito makatingin.
"Mr. Tenny." pagtatawag ulit ni ma'am sa kanya. Natatawa na rin ito dahil baka narealize nito kung bakit kami tumawa.
"The five macro skills in learning are listening, speaking, reading, writing and viewing." parang robot nitong sabi at umupo agad. Pikunin talaga itong si Tenny.
"That's good. The five macro skills are listening, speaking, reading, writing and viewing." saglit itong huminto para isulat ito sa pisara. "Listening is a mental operation involving processing sound waves interpreting their meaning and storing their meaning in memory. Listening is a complex skill and why is that?" tanong nito at umikot ang paningin niya sa amin. Ginoo, huwag ako.
"Ms. Palaiyon." tawag nito sa apelyido ko. Ginoo, Bakit ako?
"Heh, uhm. Ako po?" pag-uulit ko sabay turo sa sarili ko. Tumango naman si ma'am.
Napakamot na lang ako sa batok at nagbuntong-hininga. Wala na talaga akong takas. Okay lang bobo yung pagsagot ko basta may maisagot ako. Tumayo na ako sa aking upuan.
"Listening is a complex skill kasi diba we find it hard to listen. For example, nagsasalita sa harap si Ms. Shufangit tapos hindi pumapasok sa utak natin ang mga sinasabi niya. Another example is sinsabihan tayo ng frenny natin na huwag siyang mahalin kasi masasaktan lang tayo pero minahal pa rin natin. Uhm, parang ganoon." nakangiwing pagsagot ko. Namalakpak naman ang kaklase ko. Charness, puno ng hugot ang buhay ko.
"Thank you for that unexpected answer Ms. Palaiyon." ma'am complemented me.
"So, since listening is a complex skill it requires attention and energy. There are three modes of listening these are the active, passive and competitive listening. The category you all belong to is passive." sabi nito. Passive? Wow, grabe pero totop naman talaga.
Nagpatuloy ang lesson ni maam about sa five macro skills. Listening is a complex skill, tapos yung three modes and then proceed sa speaking. How speaking can be an intimidating experience na minsan ay totoo naman talaga. Pagkatapos niyang mag-explain sa speaking ay reading naman and so on. Nakakapagod talagang makinig. Nakaupo lang naman ako pero pagod na agad.
"So that's all for today. Magkakaroon tayo ng quiz bukas. Study class kung ayaw niyong tumakbo ng paikot-ikot sa gymn." pagsasabi ni Ms. Shufangit. Ang tono niya ay parang nangbabanta. Totohanin kaya niya? Hindi naman siguro.
"Halika sa canteen friendship." pag-aya ni Dana sa akin. Ano na naman kaya ang chika nito sa akin?
"Bili tayo ng turon. Libre ko." nakangiting sabi ni Shane sa amin. Nagliwanag naman ang mata ko. Himala at manlilibre ang kuripot.
"Libre? Aba'y sama ako!" nakangiting asong sabat ni Tenny. Inakbayan pa talaga niya si Shane.
"Bumili ka ng sayo. Let's go girls." aya niya. Nalukot naman ang mukha ni Tenny. Mukhang payatot ang gago.
Ginoo, gusto kong makita si crush kaya sana ay gumawa kayo ng paraan para magkita kami. This time hindi na ako maghihimatay. Bakit pa ba kasi siya nagtake ng advance class. Noong first day of class ang saya ko dahil classmate kami pero kinabukasan nabalitaan ko na lang nagtake siya ng advance class. Why? Ang ganda ko tapos iiwasan niya ako. Wala naman akong nagawa sa kanya ah. Well, except sa pagstolen ng mga picture niya. Ginoo, bakit niya ako iniiwasan?
To be continued~
______________________________________
Note: Joana Palaiyon-(Jew/wa/na)
Zadie Sequeña-(Zey/die)
-(Se/ken/nya)
Tenny Baclayu-(Ten/ny)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top