CHAPTER FOUR
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Today is Wednesday. Nandito kami sa gymnasium para maglaro. Seryoso, we are here to play basketball. Iyan lang ang gagawin namin dito. I don't really like basketball kasi I do not know how to play. Kung pwede lang sana na tumunganga lang ako but unfortunately I need to play dahil nakasalalay ang grades ko dito.
Narinig ko ang sigawan ng mga kapwa ko istudyante dahil nakashoot na naman si Tenny. Naks, iyan ang best friend ko na si Tenny. Siya ay magaling sa basketball kaya may nahuhumaling din sa kanya at isa na doon si Dana Bhabe. Kung makatingin kay Tenny ay parang may nakitang shooting star.
"Here." wika ni Shane kuripot.
Binigay niya sa akin ang bola ng basketball. Tinanggap ko naman ito. Tinignan ko ang bola at hiniling na sana ay magcooperate ito.
Nagsimula na akong magshoot at gaya nang inaasahan ko ay hindi ito nakapasok sa ring. Napabuntong hininga na lang ako sabay kuha ng bola. Hmp, hindi man lang ito nakaabot sa ring.
"Okay lang iyan, Joana. Magpracticr ka na lang ng dribble." pangungumbinsi sa akin ni Shane.
"Paano ba magdribble?" tanong ko kay Shane.
"Hindi ko alam kung paano ito i-explain." ani niya sabay hawak ng chin.
"Ayokong magpractice nang dribble." pag-aamin ko sa kanya. Tumango naman ito.
"Magpractice ka na lang magshoot ng bola." sabi niya. Nasira naman ang mukha ko.
"Ayoko rin magpractice magshoot." I replied to her.
"Bakit naman?" tanong niya habang nagpa-practice mag dribble.
"Tinatamad ako." sagot ko sa kanya. Naiinis naman ako nito na tinignan.
"Bahala ka basta binalaan na kitang bababa ang grades mo sa Physical education." pagsasabi niya.
"Hindi nga ako fan ng basketball." sabi ko. Umiling lang ito sa akin
"Joana!" sigaw ni Shane.
Nabigla naman ako kasi bigla lang siyang sumigaw. Huli na nang malaman ko na may parating pala na isang flying ball sa akin and so, natamaan ako.
"P*ny*ta." pagmumura ko.
"Joana? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Tenny sa akin.
"Tanga! Sa tingin mo ba okay ako?" naiinis kong sigaw kay Tenny.
"Hindi. Nagdudugo nga ilong mo ngayon." Tenny replied.
Lumaki naman ang mata ko at hinawakan ang ilong ko na pinagsisihan ko naman kasi ang mas lalong sumakit. Tumingin ako sa kamay ko at tama nga si Tenny kasi may dugo doon. Napasigaw naman ako nang wala sa oras at pinalo si Tenny kasi siya iyong mas malapit sa akin.
"Maldita ka talaga." komento niya. Binuhat naman niya ako bigla.
"Dalhin mo na ako sa clinic, bilis!" natatarantang utos ko sa kanya.
Umiling naman ito at patakbong pumunta sa clinic. Naku, kung malaman ko kung sino ang nagbato sa akin ng flying ball ay itatapon ko talaga sa jupiter.
Nakarating na kami sa clinic at agad naman akong hiniga ni Tenny sa kama. Naiiyak na ako kasi hate na hate ko talaga ang dugo plus ang sakit pa ng ilong ko.
"Naku, anong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse kay Tenny.
"Natamaan ng bola."sagot naman ni Tenny.
"I see." reply ng nurse kay Tenny at kumuha ng isang spray sa kabinet.
"Huwag kang humiga Miss. Sit upright and lean forward." sabi sa akin ng Nurse. Agad ko namang sinunod ang sinabi niya.
"Bakit po?" tanong ni Tenny sa Nurse. Nagtanong pa talaga.
"Because by sitting upright you cam reduce blood pressure in the veins of your nose." the nurse answered the question of Tenny.
Tumango naman si Tenny. Bigyan ako ng nurse ng tissue paper kaya tinanggap ko ito.
"Gently blow your nose." utos sa akin ng nurse.
Kahit labag sa kalooban ko ay sinunod ko pa rin ito kasi it is for the best. By blowing my nose, I can clear out any clotted blood.
"This is a nasal decongenstant." pagpapaalam sa amin mg nurse. Hindi naman ako bobo para hindi malaman kung para saan iyan.
Winisikan ng nurse ang ilong ko para marelieve ang nasal congestion in the upper respiratory tract.
"Pinch your nose and apply pressure for five minutes." sabi ng nurse.
Nawalan naman ako mg kaluluwa sa katawan. Masakit mga tapos kukurutin ko pa.
"Sige na, Joana." wika ni Tenny.
Pinisil ko na ang ilong ko at kahit may kirot akong nararamdaman ay tiniis ko. Bwesit talaga ang may gawa sa akin nito. Matapunan sana sila ng tae sa mukha.
Makaraan ang limang minuto ay pinayuhan ako ng nurse na hindi muna tatanggalin ang nakasaksak na tissue paper sa ilong ko. Tumango lang ako bilang sagot at umalis na kami ni Tenny doon sa clinic.
"Sorry, hindi ka namin nasundan kasi hindi kami pinaalis ng teacher." pagpapaliwanag ni Dana. Naiintindihan ko naman kaya no need for explanation Dana Bhabe.
"Okay ka na ngayon?" tanong ni Shane. Tumango lang ako bilang sagot.
"Joana." tawag sa akin ni Tenny. Nabigla nga ako kasi magkasama pala sila ng dalawang unggoy.
"Zadie." nakangiti kong bati sa kanya.
"Good to know you are okay. Here." sabi niya sabay abot sa akin ng orange juice.
"Salamat." nakangiti kong pasasalamat sa kanya.
"I will get going now." paalam niya kaya tumango naman ako at kumaway.
"Asus, parang kanina lang ay parang mamamatay na tapos ngayon parang baliw." komento ni Shane. Panira talaga ng moment amg bruhang ito.
"Tara na nga." aya ko sa kanilang bumalik ng room.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Tahimik lang akong kumakain ng lunch together with my friends Shane and Dana nang patakbong lumapit sa amin si Khamile at Gladez.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Dana.
"Si Katrina." hinihingal na sabi ni Gladez.
"Huh?" reaksyon naming ni Shane, Dana and me.
"Umamin na si Katrina kay Zadie!" balita ni Khamile sa amin.
Nabitawan ko ang kutsara sa balita. This news is like a bomb to me. Ano kayang reply ni Zadie?
"Ano ang tugon ni Zadie ukol dito?" tanong ni Shane.
"No response pero tinanggap niya ang chocolate na binigay ni Katrina sa kanya." batid sa amin ni Khamile. Ginoo, tinanggap niya?
"Kailan lang ito nangyari?" tanong naman ni Dana.
"Kanina lang umaga." sagot ni Gladez.
"Ano? Kanina lang umaga tapos ngayon niyo lang sinabi?" sigaw ko. Oops, hindi ko sinadyang mapasigaw ha.
"Ngayon lang namin nalaman." sabi ni Gladez.
"At alam niyo ba. Pagkatapos umamin ni Katrina ay umamin din ang ilang may gusto kay Zadie." pagsasalaysay ni Khamile. Napaiyak naman ako bigla kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Ano ang nangyari sa iyo, Frenny?" nagtatakang tanong ni Dana Bhabe.
"Hindi pa nga Valentines tapos umain na sila." sabi ko.
"Frenny, hindi naman kasi required maghintay ng Valentine's day para umamin." pagsasabi sa akin ni Dana na agad nilang tinanguan.
"Kahit na!" ani ko.
"Umamin ka na rin kaya." suhestiyon ni Shane.
"You think so?" I asked her.
"Oo, umamin ka na para malaman mo kung may pag-asa ka ba o wala." sabi ni Shane. Ay, ang harsh ng bruha.
"Sige na nga. Aamin na ako pero bukas na lang." wika ko.
"Bakit bukas pa?" tanong ni Gladez.
"Kasi gagawa ako ng chocolate." sagot ko.
"Seriously? Huwag na Joana." tutol ni Shane.
"Bakit?" tanong ko. Making chocolate for someone is sweet.
"Magsasayang ka lang ng oras. Instead of making chocolate or cupcake, try writing some letters to him." suhestiyon ni Shane.
"Bakit?" tanong ko. She just rolled her eyes at me.
"Zadie likes books. In short, he likes reading and letters compliment that. Plus, you know that he is not the type to like sweets at all." she explained.
She is right. When Zadie and I are still kids, he mentioned it to me na he hates sweets. How could I forgot that? Aba ay may konting katalinuhan pala itong bruha ko.
"Thank you for telling me." nakangiti kong pasasalamat sa kanya.
"No problem." tugon niya.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Time is ticking and today is friday. Hindi ako nakaamin kahapon kasi dinumog ako ng mga fan girls niya. Nawala ko pa iyong letter na pinagpuyatan ko. Naapakan pa nga nila ang paa ko. Nadapa pa nga ako kaya nagasgasan ang tuhod ko tapps habang naglilinis ako sa comfort rooms ay nakakita pa ako ng tubol na lumulutang sa inodoro. Minalas ako kahapon kaya ngayong biyernes na lang ako aamin. I hope this goes well.
"Sigurado ba kayo na dadaan dito si Zadie?" nagdududa na tanong ko kay Dana at Shane.
"Dito nga siya dadaan, Frenny." sagot ni Dana Bhabe.
"Here comes Zadie."pag-aalam sa akin ni Shane.
"See? I told you na dito siya dadaan." sabi ni Dana.
"Lumabas ka na, Joana." wika ni Shane at tinulak ako.
"Joana?" tawag sa akin ni Zadie.
Naglakad na ako papunta kay Zadie. Nanginginig ang mga tuhod ko. I feel like anytime ay matutumba ako. I sighed as I feel this arrythmia. Not likely, it is just a word to describe this feeling.
Nagsimula ng mamula ang mukha ko. My heart is thumping faster than usual. Ganito naman talaga ang nararamdaman ko whenever Zadie is around. Ginoo, I wanna back out now. He is staring at me with that alluring eyes of him. Whenever I gaze at his eyes, it will seems like I fall into an abyss named love.
"Zadie!" sigaw ko sa pangalan niya.
Nagtataka niya akong tinignan.
"What do you want?" he sternly asked.
"I just wanna say." saglit akong tumigil para huminga. It is now or never Joana. Just say those words!
"What?" he asked me.
"Ashau nash-veh tu." I blurted out.
Ashau nash-veh tu means I love you in vulcan language. Nagsearch ako sa google ng scientific way to say I love you tapos lumabas iyan kaya napili ko ito kasi sabi ni google my friend na it is endearing to say those immortal words to the ones you love and since, matalino crush ko ay dapat smart din ako pagdating sa pagsabi ng I love you.
"Huh?" reaksyon ni Zadie.
Huh? Do not tell me hindi niya naiintindihan? Sayan effort ko magsearch kung wala namang effect.
Nakita ko namang nagbabasa siya ng The Hitchhikers Guide to the Galaxy by Douglas Adam. Ang genre ng book na ito ay science-fiction. In the series, a supercomputer is created to answer to the ultimate question of life, the universe and everything and the answer is 42. Naks, ang swerte ko naman kasi nasearch ko ang libro na iyan.
"Zadie, you are my forty-two." nakangiti kong sabi.
"You love me?" nakangiti niyang paninigurado. I nod shyly.
"Well, what are the odds. I love you too." pag-aamin niya. Hindi ko na napigilan ang kilig na nadarama ko kaya napatili ako.
"Ahh!" tili ko.
"Hey! Why are you shouting?" nagtataka niyang tanong.
Ay, ginoo! Imagination lang pala iyong kanina. Baliw ka talaga Joana. Sabihin mo na lang kaya. Bakit pa kasi ako nag-iimagine?
"Hey!" sigaw niya.
"Huh?" reaksyon ko. Ay, napaka-shunga mo Joana.
"Ano kako ang sasabihin mo?" naiinis niyang tanong. Nagmamadali siguro siya. Oh, sige heto na.
"Gu...gu..gusto kita!" pasigaw kong sabi sa kanya.
Nabigla naman si Zadie at seryosong tumingin sa akin. Umiwas siya ng tingin at napabuntong-hininga. His action are confusing me. Well, not likely. Guess, I am gonna be rejected.
"I am sorry. I do not like you." pag-amin niya at nagdadaling nilisan ang lugar.
Napahawak naman ako sa puso ko. I already anticipated his answer but still umasa pa rin ako. Ang sakit naman. I should really go to the clinic. Why is he so cruel? Wala naman siyang kasalanan tapos nagsorry pa siya. It is my fault dahil nagustuhan ko siya. Ang sikip naman ng uniform ko. Pakiramdam ko ay lumalaki na ang boobs ko. Mahipo nga para malaman kung lumaki nga ba.
"Hoy Joana! Ano iyang ginagawa mo?" Tanong ni Shane sa akin.
Ang mukha niya ay parang natatae na ewan. I wanna laugh at her face because it looks priceless.
"Okay ka lang, Frenny?" concern na tanong sa akin ni Dana. Nag-okay sign naman ako sa kanila.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nandito kami ngayon sa classroom and all eyes on me. Ang sikat ko naman. Bakit kaya sila nakatitig sa akin? Oo, alam ko na maganda ako kaya tama na please. Naiiyak ako dahil sa katititig niyo kaya ayon humagulgol na talaga ako.
"Tahan na Joana." pagsusumamo sa akin ni Monica.
"Marami naman ang pogi sa school kagaya ni Tenny at hindi lang si Zadie ang nag-iisa." sabi sa akin ni Ericka Grace.
"Si Tenny na lang kasi ang piliin mo." nabigla ako sa sinabi ni Anne at mas lalo pa akong nabigla noong tumango ang ilan.
"Bakit nadawit si Tenny?" nagtataka ko na tanong.
"Naku! Kung alam mo lang." wika ni Anne.
"Ano ang nangyari diyan?" tanong ni Angelo.
"Binusted ni Zadie." sagot ni Lei Anne.
Tumawa naman nang napakalakas ang mga boys. Hmp, why are they laughing at others misfortune? Mga walang feelings! Kung sabagay mga lalaki naman talaga ang mahilig maglaro sa feelings naming mga girls.
"Tahimik! Upakan ko kaya kayo diyan?" naiinis na sabi ni Kristine sa mga boys. Natahimik naman ang mga boys. Hmp, takot kay Kristine.
Tumayo ako at tumingin sa lahat ng kaklase ko. Huminga ako ng ilang beses at ngumiti. I am not the type na sumuko agad. Ay, I am the type pala pero this time ay magbabago na ako. Hindi ako susuko at ipararandam ko kay Zadie ay kamandag ng isang Joana Palaiyon!
"I have decided! I will make Zadie Sequeña fall for me." proud na proud kong sigaw sa kanila. Nakaani naman ako ng isang masigarbong palakpakan.
"Ang taas naman ng confidence mo Joana." komento ni Aura.
"Sumuko ka na lang kay Zadie." suhestiyon ni Joy.
"Ayoko dahil malay mo ang love story pala namin ni Zadie ay parehas sa Tokyo kiss: mischievous kiss. May mga story naman na ganito ang simula. Ayaw ng lalaki sa bidang babae pero kinalaunan ay nainlove siya at boom! They lived happily ever after. Malay niyo kami pala para sa isa't-isa." pagpapaunawa ko sa kanila. Binigyan ulit nila ako ng palakpak.
"Malay mo din na hindi pala kayo para sa isa't-isa." tugon ni Aura. Panira talaga ito ng moment.
"Bakit kontrabida ang dating mo ngayon ha? Nabusted ka rin ni Zadie? Ede, learn frome me. Gayahin mo ako because I do not care. Wala namang masama kung ikaw ay aasa. We will never know what the future lies ahead but kung mangyayari man iyang sinabi mo then atleast nagkaroon kami ng story." pangangatwiran ko.
Natahimik ang lahat kaya nagtaka ako. Tinignan ko sila at lahat sila ay nakangiti. Huh? Ano ang nangyari sa kanila? Mga baliw talaga itong classmates ko.
"I admire your confidence. We will cheer you from now on." sabi ni Shane.
Ngumiti naman ako sa kanilang lahat. I really love this section. Thank you classmates, thank you friends. I will do my very best para mainlove sa akin si Zadie. Thank you sa suporta.
To be continued......
_____________________________________
Note: I am sorry again sa mga wrong grammar at wrong spelling sa chapter na ito. Hindi ko pagmamay-ari ang mga picture na makikita niyo sa story na ito. Ang picture sa book cover is not mine. Just saying.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top