CHAPTER FIVE
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Today is a new day because today is monday! Ngayon lang ako excited sa monday. During weekend ay nagplano talaga ako ng maigi sa kung ano ang gagawin ko para mainlove sa akin si Zadie.
Pumunta pa nga ako sa bahay ng lola niya upang isagawa ang aking survey. Nalaman ko na takot ito sa palaka kaya if ever na hindi gumana ang kamandag ko ay may pangblackmail ako sa kanya.
"Ano na ang plano mo?" salubong sa akin ni Shane.
To be honest ay wala akong exact na plano on how to make Zadie fall inlove sa akin. Ano ba ang magagawa ko kung kumakalawang na ang isip ko?
"Wala akong plano?" sagot ko sa kanya.
"Seriously?" reaksyon niya.
"Diba wala tayong klase sa first period?" paninigurado ko.
"Yes kaya nabigla ako sa iyo Joana. Himala at pumasok ka." panunukso ni Shane.
"Heh, pupunta muna ako sa classroom ni Zadie." paalam ko sa kanya.
"Sige. Goodluck sa iyo." wika niya.
Nandito na ako sa harap mg classroom ni Zadie kaya umupo ako sa isang bench kung saan kitang-kita ko si Zadie. I will disturb him. Gusto ko lang mangdisturbo sa kanya ngayon kasi pinaiyak niya ako kahapon.
Nakatitig lang ako kay Zadie ngayon habang sila ay nagkaklase. Mga ilang minuto na rin ako dito sa labas na walang ibang ginawa kundi ang titigan si Zadie na ngayon ay naiinis sa akin. Ayaw kasi akong lingunin. Narinig niya ata iniisip ko kasi nilingon niya ako kaya agad akong nagpacute sa harap niya.
"Nico nico ni." paggagaya ko sa isang cute na anime character.
Halata naman sa mukhang pinapakita niya na nandidiri ito at naiinis sa kalokohang ginagawa ko. Natatawa nga ako sa mukhang pinapakita niya sa akin. Hay naku Zadie! Bakit ba napakacute mo? Kamukha mo ang aso ni ate na shih tzu kasi pareho kayo na mukhang sh*t. Do not get me wrong alam ko ang tamang pronunciation ng word kaya lang when it comes to Zadie nagmumukhang T ang D. Joke, no hard feelings Zadie. I am just merely joking.
Lumabas na ang guro nila so meaning tapos na ang first period kaya kailangan ko ng tumakas kasi for all that I know. Pupunta dito ang galit na Zadie kaya I need to go.
"What the h*ck are you doing here?" tanong niya na may mura pang kasama.
"I am bored kaya gusto ko na mang bwesit ng tao ngayon." sagot ko.
Sometimes, I hated my mouth for being blunt. May times kasi na blunt ang mouth ko at may times din na hindi.
"At ako ang napili mo?" naiinis niya na tanong.
Is it not obvious Zadie? Kung iba ang taong napili kong bwesitin ede wala ako dito ngayon sa harap mo. Isip din Zadie. Gamitin utak, okay?
"Oo at tapos na kitang disturbohin kaya babalik na ako sa classroom." wika ko at tinakbo ang daan patungo sa classroom.
Nandito na ako sa classroom at wala pa ang teacher namin kaya ang ingay ng mga kaklase ko. Lumapit sa akin sina Shane, Dana at Tenny. Kumaway ako sa kanila.
"Hoy, ano ba ang plano mo?" bungad na tanong ni Shane pagkalapit ko sa kanila.
"Oo nga frenny. Share mo naman sa amin." sabi ni Dana Bhabe.
Nagtaka naman si Tenny kasi wala siya noong nakaraang araw . Nagcutting ang gago kaya namiss niya tuloy ang pangyayari.
"Ano ba iyang pinag-uusapan ninyo? What is with the 'anong plano? thing?" nakakunot-noong tanong ni Tenny.
"Nagcutting ka kasi noong nakaraang friday kaya hindi mo nalaman ang kaganapan." litanya sa kanya ni Shane.
"Ang boring kasi ng klase." pagdadahilan ni Tenny kaya nakatanggap siya ng batok kay Shane.
"Wala akong plano." sagot ko.
"Ano ang wala kang plano, frenny?" tanong ni Dana Bhabe.
"What do you mean, Joana?" singit ni Tenny.
"So, hindi ka pala nagbibiro kanina?" tanong ni Shane kaya tumango ako bilang sagot.
"Huh? Teka, ano ba ang nangyayari?" pasigaw na tanong ni Tenny. Natahimik naman kami kasi nainis lang siya bigla.
"Cutting pa more." pagtutukso ni Shane kay Tenny.
"Umamin si Joana kay Zadie." batid ni Dana kay Tenny. Saglit itong natigilan at tumawa nang napakalakas.
"Dana, bakit mo sinabi? Iyan tuloy pinagtawanan ako ng gorilla." wika ko.
"Huwag ka kasing lumiban sa klase para hindi ka mahuli sa balita." pagsasabi ni Shane kay Tenny.
"Ang boring nga kasi." Tenny reasoned out.
"Saan ka ba nagpunta kahapon?" tanong ni Shane kay Tenny.
"Sa computer shop." sagot ni Tenny. Aba ay bagay naman pala ang dalawang ito.
"Hala, napakalow class mo. Lumiban ka ng klase para manuod ng ganoong bagay." pagbibintang ni Shane.
"Naglaro lang ako, okay? Huwag ka ngang manudyo ng away." naiinis na tugon ni Tenny kay Shane.
Tignan mo ang dalawang ito parang sila lang dalawa ang tao sa mundong ito. May sariling mundo talaga at hindi kami sinali ni Dana. Speaking of, may gusto pala si Dana kay Tenny.
Tinignan ko si Dana and as expected ay nasasaktan ito.
"Hoy! Magsitigil na nga kayong dalawa." sita ko kay Shane at Tenny. That is the best I could do.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Guess what kung nasaan ako ngayon. Nandito ako sa likod ng puno at sinusundan si Zadie. Kanina pa nga siya nakaupo diyan sa bench. Kailan ba siya tatayo? Mahiwaga talaga ang utak ko kasi mukhang narinig niya ako at tumayo siya at naglakad paalis at heto ako ngayon nag mala-stalker ang dating ko.
Kanina pa kami palakad-lakad ni Zadie at feel ko nga anytime ay magsisimula na ang next subject. Si Miss Shufangit pa naman ang teacher. Bigla itong tumigil sa paglalakad kaya hindi ako nakahanap ng matataguan. Kinausap ko na lang halaman sa gilid ko.
"Hoy, alagaan mo ang sarili mo kasi importanti ka sa earth." sabi ko sa halaman.
Sinulyapan ko naman si Zadie at nakatitig ito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Hello."bati ko pero tinalikuran lang ako nito.
Nagsimula na siyang maglakad at kaya sinundan ko ulit siya. Nakarating kami sa canteen at bigla na naman siyang tumigil kaya nag-akto akong may bibilhin.
"Ate, pabili nga ng orange juice." sabi ko sa tindera.
"Nako, walang orange juice dito. Pumunta ka sa vending machine." pag-aalam sa akin ng tindera kaya napahiya naman ako ng konti.
Sinulyapan ko si Zadie at tumakbo pala ito kaya agad ko siyang hinabol. So, naghahabulan lang kami na parang isang aso. It brings back memories.
Naaalala ko tuloy noong bata pa kami ni Zadie ay mahilig kaming maghabulan. Ako iyong parating taya at palagi kong hinahabol si Zadie. Ang bilis nga niyang tumakbo kaya hindi ko siya mahuli kaya araw-araw na akong tumatakbo para sanayin ang katawan ko but he is still so fast. Pwede na siyang isali sa tract and field. Kidding aside, I have always dream about someday hindi na ang likuran niya ang makikita ko. I am always the one chasing after him.
Tumigil na ito sa pagtatakbo nang marating na namin ang classroom ko. Hindi ko napansin na umabot pa kami dito sa pagtatakbo. The best runner goes to Zadie Sequeña!
"Bakit mo ba ako sinusundan?" pasigaw niyang tanong. He is mad and I can feel it.
Humahangos pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa rin sanay ang katawan ko sa pagtatakbo. Nakikiusisa naman ang mga classmate ko nang mapansin nila kaming dalawa ni Zadie na nag-uusap.
"Bakit ka ba tumakbo? Alam mo naman na mabilis kang mapagod!" sigaw niya at naiinis na tinignan niya ako.
'Tumakbo ako kasi tumakbo ka.' I badly want to say that word pero hinahabol ko pa ang hininga ko.
"Ha...ha...ha.." paghahangos ko.
"Okay ka lang?" concern na tanong sa akin ni Zadie. Nahihirapan na akong huminga.
"Ha.....ha...ha." hangos ko ulit. Hinawakan niya ang noo ko at napadilat ang mata niya.
"Ang init mo. We need to go to the clinic now." wika niya. Hinawakan ko ang braso niya.
"Ha...ha...haaa.....haylabyo." humahangos kong wika.
Nabigla siya sa sinabi ko kasi hindi niya ito inaasahan. Naks, my mind is full of surprises kasi maski ako hindi ko inaasahan na sasabihin ko iyon. Ny mind might be crazy.
Ngumiti ako sa kanya. Napahawak naman ito sa kanyang ulo at umiling tsaka siya tumawa. Nabigla nga ako kasi isang Zadie Sequeña tumatawa sa harapan ko. I must be special. Ginoo, salamat sa himala pero naisip ko pa talagang lumandi sa sitwasyon ko ngayon ha. Nakakahinga na ako. This is much better.
"Pumunta na tayo sa clinic." pag-aaya ni Zadie.
"I am okay now." pagbibigay-alam ko sa kanya. Nakahinga naman ito ng maluwag.
"I will get going now. Pumasok ka na sa classroom mo." banggit niya at ginulo ang buhok. Tumalikod na ito sa akin.
"Zadie!" tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito sa akin kaya nagfinger heart ako sa kanya at tinira siya nang isang katerbang cuteness. Kumaway ako sa kanya nang nakangiti.
"Ehem." pagtitikhim ng isang boses sa likod ko kaya lumingon ako at nagflying kiss kay Miss Shufangit.
Nagsimula na ang klase ni Miss Shufangit. For your information, ang adviser pala ng section namin ay si Miss Shufangit kaya ganoon na lang takot namin sa kanya.
"Today, we will tackle about this poem by Francisco Petrarch entitled Love is Inconsistency." paninimula ni ma'am. "Who is Francisco Petrarch, Mister Jusay?" tanong ni Miss Shufangit kay Jover aka bata batuta na kasalukuyang natutulog.
"Hoy, Jover." paggigising ni Dana kay Jover. Magkatabi kasi sila ni bata batuta.
"Let him be. Why don't you answer the question instead Miss Pequilla?" tanong ni ma'am kay Dana Bhabe.
Ang gara ng apelyido ni Dana no? Hindi katulad sa akin, ang bansot. Pang mayaman talaga ang name na 'Dana Bhabe Pequilla.'
"Francisco Petrarch is an italian scholar, poet, and humanist whose poems addressed to Laura, an idealized beloved, contributed to the renaissance flowering of lyric poetry." sagot ni Dana.
"Thank you. Now, let us read the poem he wrote." sabi ni Miss Shufangit kaya binasa namin ang tula.
"In the poem that you read, what can you notice?" tanong ni maam pagkatapos naming basahin ang tula.
Tinignan ko ang tula pero wala naman akong napapansin. Ano ba ang dapit mapansin namin sa tula? Tinatamad pa naman akong mag-aral pero sinikapan kong makinig.
"Since, romanticist si Miss Palaiyon so why don't you answer my question?" tanong sa akin ni Miss Shufangit. Nabigla naman ako kasi bakit ako nadawit? At anong romanticist?
"Bakit ako?" tanong ko kay Miss Shufangit.
"Miss, what do you think the poem is all about?" tanong sa akin ni Miss.
Binasa ko ulit ang poem na nakasulat sa isang kartolina. Napakurap naman ako kasi hindi ko naiintindihan. Binasa ko ulit ito with feelings at feel ko naiintindihan ko na ng konti. Ngumiti naman ako kay Miss Shufangit.
"According to what Miss Pequilla had said earlier. Petrarch's poems are addressed to laura. So, in my conclusion in this poem he is explaining his sorrow and loss he feels for loving someone that cannot return the same feeling." I answered. Ngumiti naman si Miss Shufangit.
"Very good. What can you notice about this poem?" pahabol niyang tanong. Ako na naman?
"In this poem he uses figures of speech." sagot ko. Tumatango naman ito.
"And what are these?" tanong niya ulit. May galit ka siguro sa akin ma'am no? Bad mood ka ba at ako ang napili mong paglabasan ng sama ng loob?
" Personification and metaphor." sagot ko.
"What else?" tanong niya. Hala, meron pa?
"He also uses antithesis and iyan ang lesson natin. So what is antithesis, class?" pagsasalaysay niya sa aming lahat.
She called someone. Wala na akong planong makinig kasi my energy was drained sa kakaisip. Tinanong kasi ako ng isang katerbang tanong. Ako pa pinagbuntungan ng galit. Mabuti na lang may kaalaman ako ng kahit konti.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nag-uusap kami ng mga kaklase ko at pinupuri nila ako kasi daw ang talino ko. Naks, kumapal naman ang face ko. Natatawa nga ako sa mga sinasabi nila na hindi daw sila makapaniwala na seryoso na si Tenny sa pag-aaral.
"Ano kaya ang nangyari kay Tenny at nag-aaral na siya ng mabuti?" tanong ni Monica.
"Hindi ano kundi sino?" sabi ni Khamile.
"Nag-aaral ba siya nang mabuti? Nagliban nga sa klase noong nakaraang biyernes."banggit ni Shane.
"Mas better na siya ngayon kaysa noon na puro basketball, computer, at pumapasok sa klase upang matulog." pagtatanggil ni Dana kay Tenny. Napaghalataan ka babae na gustong-gusto mo ang bestfriend ko na si Tenny.
Nadawit ang tingin ko sa bintana at saktong-sakto kasi nakita ko na napadaan si Zadie sa classroom kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya.
"Bro, lumingon ka sa likod mo kasi may asong ulol na papunta dito." narinig kong sabi ni June kay Zadie. Anong asong ulol?
Lumingon si Zadie but he is too late kasi malapit na ako sa kanya at lulukso na ako sa likod niya. Tumawa naman ako na parang isang villain.
"Please accept my love!" sabi ko kay Zadie.
"Baba!" gulat na utos ni Zadie sa akin. Nakapout naman akong bumaba.
"God woman! You are so wild." komento niya.
"Alam ko." tugon ko sa kanya. Umiling naman ito.
"My answer is still no." He replied.
"Eh?" reaksyon ko.
Bumalik na lang ako sa classroom at agad na pumunta sa grupo ng kababaihan na nag-uusap tungkol sa issue na nangyari sa kabilang section. Lumapit ako kay Maika kasi alam kong matutulungan niya ako. May boyfriend kasi siya.
"Maika." tawag ko sa pangalan niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Paano mo naakit ang boyfriend mo?" seryoso kong tanong sa kanya. Tinawanan lang ako nito.
"Hindi ko siya inakit dahil siya mismo ang naakit. Nainlove lang siya sa akin." sagot niya. I do not understand.
"Huh?" reaksyon ko.
"Hindi ko maexplain. Tanong mo na lang sa iba." wika niya at tinaboy ako.
Akala ko pa naman ay matutulungan niya ako kasi siya at ng boyfriend niya ang may pinakamahabang relasyon sa classroom na ito.
Bumalik na lang ako sa grupo ng kababaihan. Makakatulong kaya ang mga ito sa akin kung paano ko makuha ang puso ni Zadie? I doubt it. I will just try.
"Kara, how to get a boy to like me." tanong ko sa kanya.
"Mag-ayos ka ka dahil dapat maganda ka sa harap ng crush mo." sagot niya. Tumango naman ako bilang sang-ayon.
"Huwag ipahalata, importante yun pero huwag na lang pala kasi umamin ka na." sabi ni Mikee. Nalungkot naman ako.
"Kaibiganin mo muna siya. For me, it is important kung magsisimula muna kayo as friends. 'Better relationship starts with friendship' ika nga ni Ginevie." wika ni Cody at binanggit ang pangalan ng pinakamatalinong babae sa school na kabatch lang namin.
"You think so?" I asked. Tumango naman ang lahat. So, they all think so.
"Friends na kami ni Zadie. Bata pa lang kami pero hindi pa rin naglevel up ang relationship namin." pagbibigay-alam ko sa kanila.
"Si Zadie ay matalino so I think na he prefers girls with class. So, dapat ipakita mong matalino ka." suggest ni Julia.
"Pero hindi ako matalino." sabi ko sa kaniya.
"Matalino ka kaso lang hindi mo inaaply sa life." sabi sa akin ni Julia.
"Sa mga nababasa kong romance book, boys prefer a frail woman. Weak and delicate kasi maiisip nila na gusto nila itong protektahan." suggest naman ni Melchora.
"Frail and delicate. I see." tumatangong sang-ayon ko sa sinabi ni Melchora.
"Let me give you a tip." singit ni Neljan sa girl talk namin.
"Ano?" tanong ko kay Neljan.
"Huwag mong sundin ang mga tip nila kasi hindi iyon effective." sabi niya at tumawa. Pinalo naman siya ng mga girls dahil sa sinabi niya.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Hapon na. Tapos na ang klase at kasalukuyan ako ngayong naglalakad patungong classroom ni Zadie. Hindi dahil sa bibisitahin ko siya dahil alam ko naman na wala na siya sa classroom nila kasi maggagabi na kundi nautusan ako ni Mister Cololot na ikuha ang mga files na naiwan niya sa desk. Naabutan ako ng dilim kasi naglilinis pa ako ng classroom.
Nakarating na ako sa classroom at grabe ang creepy parang anutime ay may lalabas na multo. Ginoo, guide me. Pinindot ko na ang ilaw at nabigla ako sa kung sinong nakita ko doon. Ang isang natutulog na Zadie Sequeña. He looked tired and I wonder why?
Kinuha ko na ang folder sa lamesa at aalis na sana kaso nagbago ang isip ko at kinuha ang cellphone ko. I won't miss the chance created by god. I will take millions of pictures of him sleeping para pang-wallpaper.
Namatay naman ang ilaw and I am supposed to be scared kaso nangingibabaw ang kalandian ko. Pagkatapos kong kumuha ng picture ay magnanakaw ako ng halik sa kanya. Humahagikhik pa talaga ako sa kalandiang iniisip ko. Nagmumukha akong witch. I was about to take a picture of him nang dumilat ang mga mata nito.
"Ah!" sabay naming sigaw.
Ako ay napasigaw sa gulat habang si Zadie ay napasigaw sa takot. Katakot-takot ba ang baby face ko? Diba, hindi naman.
"Wait, Joana?" tanong niya.
"Hoy, Zadie." awkward ko na bati sa kanya.
"I thought you were a ghost." komento niya.
"Ghost naman talaga ako kasi ghosto kita." panghaharot ko sa nakasimangot niyang mukha.
"What are you doing here?" tanong niya.
"Inutusan ako ni Mister Cololot na ikuha ang mga naiwan niyang files and I saw you sleeping."sagot ko.
"I see." tugon niya.
Kinuha niya ang bag niya at tumayo. Let us go together. Tumango naman ako bilang tugon.
Nang makarating na kami sa faculty office ay binigay ko na kay sir ang files at sabay naming tinungo ni Zadie ang main gate. I was hoping na ihahatid niya ako kagaya noon kaya lang bumungad sa akin ang nakakunot-noong si Tenny. Hinintay pala ako ng kumag. Ito ay isang himala pero panira siya ng moment kasi dahil may kasama na akong umuwi ay hindi na ako maihahatid ni Zadie.
"Nandito ka pa pala." bungad ko kay Tenny. He smirked at me.
"Nag-alala lang ako sa wala." sabi niya kaya nagtaka ako. I can not fathom what he said.
"It is good to know na may kasama ka ng umuwi." sabi sa akin ni Zadie. Tumawa lang ako.
"We all should get going now." pag-aya niya.
"We?" nakakunot-noong tanong ni Tenny kay Zadie.
"Yes, we kasi sasama ako." tugon ni Zadie na ikinabigla ko. Huh? Ano daw? Sasama siya? Bakit?
"Then we should get going now!" masaya kong wika sa kanilang dalawa.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang bus stop. Naks, kasama ko si Zadie. Salamat sa opportunity na binigay niyo sa akin Lord. I will not waste this chance.
To be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top