CHAPTER ELEVEN
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Maingay ang gabi dahil sa tahol ng aso ng kapitbahay namin. At dahil sa ingay na ginawa ng asong yun ay nakisama na din ang ibang aso kaya mas naging maingay ang dapat sana'y tahimik na gabi ko. Nandito lang ako sa kwarto ko at nanonood ng videos sa YouTube. Currently, ang pinapanood ko ay hardest try not to cry challenge kaya badtrip ako sa mga asong ayaw makisama sa mood ko. Kung tahimik kasi ang paligid, mas sasarap ang pag e-emote ko kaso baliw ang mga aso sa paligid ng bahay namin.
"Bwesit." Sabi ko habang pinupunasan ang sipon ko.
Sinipon na kasi ako dahil kanina pa ako umiiyak. Alam kong try not to cry to pero iba talaga impact kapag malungkot ka tapos nanonood ka ng mga sad videos. Kulang na nga lang at magvideo ako tapos ipo-post ko sa YouTube, with a caption like "Reacting to hardest try not to cry challenge" tapos puro iyak lang makikita ng mga tao. Sisikat siguro ako non.
"Joana." Tawag ni mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ano?" Pagtatanong ko sa kung anong kailangan niya.
"Kakain na." Inform niya sakin.
"Sige ma, bababa na ako." Tugon ko naman sa kaniya. Wala nakong narinig kaya cue ko na yun para lumabas.
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Tahimik lang kami sa hapagkainan. Di din naman sila nagtanong kung bakit namugto mata ko. Di ko alam kung bakit pero good news na yun kasi tinatamad ako sumagot e. Ilang oras pa ang dumaan bago tumikhim si mama. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Seryoso ang mga mukha nito at di ko mawari kung anong sasabihin niya sa amin, o sa akin.
"Joana, ano kukunin mo sa college?" Tanong nito sa akin. Nilunok ko muna ang pagkain ko bago sumagot.
"Di ko pa po alam." Sagot ko sa kaniya. Napataas naman ang mga kilay nito.
"Anong hindi mo pa alam? Malapit ka na magcollege tapos undecided ka pa? Ano na mangyayari sa future mo? Baka makita na lang kitang nagmamalimos sa ate mo. Di ka na bata ha, ayusin mo plano mo sa buhay." Litanya ni mama saakin. Napabuntong hininga naman ako.
"Masama nga magbuntong-hininga sa harap ng hapagkainan. Ilang beses ko bang sasabihin iyan sayo ha!" Naiinis na sabi niya sakin.
Tahimik lang ako. Pinapakinggan ko naman mga sinasabi niya kaso kapag sumagot ako baka isipin na naman niyang suwail ako. Alam ko namang konti na ang oras ko kaya kailangan ko na pumili ng kurso kaso kapag may napili naman ako ay sasabihin lang niya na mas bagay sakin ang mag-pulis kahit hindi naman talaga ako suited sa ganoong trabaho. Mahina ang katawan ko at di ko kaya ang mga hard works.
"Magpulis ka." Sabi ni mama sakin. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Ma, di ako suited sa pagpupulis." Mahinahon kong pinaalam yun sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo jan. Suited ka kaya magpulis ka." Puna nito sa sinabi ko.
"Mahina katawan ko, ma." Sabi ko.
"Kaya mo pa din magpulis, di mo naman gagawin mga trabaho ng lalaki. Sa office ka lang i-assign."Inform ni mama sakin.
"Pero same lang ang babae at lalaki kapag training na. Nahihilo na nga ako kapag hardcore ang exercise. Ano pa kaya mangyayari kapag mas hardcore pa sa hardcore na tinutukoy ko ang exercise." Inform ko din kay mama.
"Mahina katawan mo kasi palagi kang nagseselpon. Di ka nag e-exercise kaya iyan tuloy. Basta, mag-pulis ka. End of discussion." Litanya nito sakin.
Di pa doon nagtapos ang litanya niya kasi natapos na lang kumain sila ate ay di pa din siya tapos sa pagsasabi sakin. Hindi na nga ako makakain ng maayos. Naste-stress na nga ako kasi di ko alam ang plano ko sa buhay at di ko pa nahahanap "calling" na tinatawag ng mga teachers ko. Dumadagdag pa talaga sa stress si mama. Hays, buhay nga naman.
"May kilala akong pulis na makakatulong sayo para makakapasok sa police academy." Inform nito sakin. Di ako sumagot.
"Bat ayaw mo sumagot ha. Pinalaki ba kitang ganiyan ha?" Galit sa sabi nito sakin.
"Ma, maya na po yan. Nasa hapagkainan tayo." Sabi ni ate KC. Napataas naman ang kilay ni mama.
"Ano naman kung nasa hapagkainan tayo? Gusto ko lang pag-usapan natin ngayon. Kasi kapag hindi, iiwasan lang ako nitong ni Joana." Reply niya sa sinabi ni ate kc.
"Alam kong nagte-tengang kawali ka Joana." Binaling nito ang atensyon sa akin ulit.
"Nakikinig naman po ako." Sagot ko.
"Nakikinig?! Sige, gather mo na bukas ang mga papeles na kailangan para maenroll na kita agad." Sabi nito sa naiinis na boses.
Naiiyak naman ako sa sinabi niyang iyon. Emotional na nga ako tas maglalagay pa siya ng sili sa mga mata ko. Stress na ko tapos mas lalo pa akong maste-stress dahil sa mga sinasabi niya. Kailangan ba talagang i-force niya para maintindihan ko ha. Alam ko namang matanda nako at kailangan ko na talagang mag-decision. Alam ko namang konti na ang oras ko. Alam ko naman na obligasyon kong sundin ang gusto niya. Masyado ba akong picky sa mga kurso ha? O di ko lang talaga gusto ang pagiging pulis o pagiging teacher. Alam ko namang wala akong karapatan maging picky sa mga kurso kasi wala akong plano sa buhay. Alam ko namang bobo ako kumpara kina ate na madami ng achievements na nagawa sa buhay. Kaya ba niya ako minamadali? Kaya ba niya ako tinutulak ng tinutulak sa kursong ayaw ko? Kaya ba niya palaging sinisita? Kaya niya ba ako palaging pinapagalitan, pinupuna, o inaaway? Kasi di niya ko mahal? Di ba ako mahal ni mama?
"Iiyak ka na naman. Malaki ka na Joana. May gana ka pang isipin ung ibang bagay, ung si Zadie na iniiyakan mo ha? Tsaka mo na isipin ang landi kapag may nagawa ka ng TAMA?!" Sigaw ni mama sakin. Dahil sa sinabi niya ay bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko. Kailangan niya ba talagang sabihin un.
"Sorry kasi wala po akong nagawang tama. Sorry dahil palagi akong behind, sinusubukan ko naman po palagi. Sorry kung di pa enough ung hardwork na binigay ko." Huling sinabi ko at nagwalk-out. Walk-out queen ako eh.
Umalis ako sa bahay at hinayaan kong maligaw ang mga paa ko. Sumakay nga ako ng tricycle at nakalimutan ko pang magbayad kay mamang driver. Dinala ako ng mga paa ko sa isang playground. Ito ung playground noong una kong nakilala sa Zadie. Sinabihan niya akong bobo noon. Well, totoo naman talaga na bobo ako. Di ko na ide-deny un. Hays, bobo na nga ako, emotional freak pa. May gana pa ko magwalk-out sa bahay. Kasalanan ko naman talaga pero nasaktan lang kasi ako sa sinabi ni mama. Totoo naman ang sinabi ni mama na wala akong ginawang tama sa buhay. Landi pa nga palagi kong iniisip. Kailangan ko na talaga mag mature at seryosohin ang buhay ko ngayon. Pero, di naman madali yun. Sarap siguro maging bata ulit, wala akong pinoproblemang problema. Naalala pa kaya nila Tenny at Zadie ang playground na ito? Siguro, hindi na. Ang bata pa kaya namin noon. Isang himala kung maalala pa nila ang lugar na ito.
"Gusto ko ulit maging bata." Nakabuntong-hiningang sabi ko.
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Third person POV
"Ma, ilang oras na nawawala si Joana." Sabi ni Ypril, ang nakakatandang-kapatid ni Joana. Lumingon naman ang ina ni Joana sa anak niya.
"Babalik din yun." Sagot nito kay Ypril.
"Di naman na bago ang pagwalk-out ni Joana. Dati niya pa ginagawa yan. Kailangan niya din ng space." Sabi naman ni Kc kay Ypril.
"Pero gabi ngayon, at may nabasa akong news dati na may nangunguha ngayon ng mga dalagang babae! Pano kung kunin siya ha?" Napalakas ang boses nito kaya nabigla si Kc.
"Totoo nga ang sinabi mo, i-report na lang natin sa police para matulongan tayo sa paghahanap." Suggest naman ng ina ni Joana.
"Police? Babalik din naman agad si Joana. Nasa paligid lang yun." Sabi naman ni Kc. Napalingon dito si Ypril.
"Di ka lang ba nag-aalala sa kaniya ha?" Sigaw nito kay Kc.
"Masyadong isip bata si Joana kaya kailangan niyang matuto na di tayo palaging available para ayusin ang mga maling ginawa niya." Sagot ni kc kay ypril.
"Kahit na, delikado pa din ang panahon ngayon." Ganti naman ni Ypril.
"Masyado kayong natataranta. Hayaan muna natin siya na mag-isip." Sabi ni Kc.
"Pano nga kung may mangyari sa kaniyang masama?!" Sigaw ni Ypril.
"Walang mangyayari sa kaniyang masama?!" Sigaw pabalik ni Kc.
"Pano mo nasasabing wala?!" Sigaw ni Ypril.
Dahil sa sigawan ng dalawang magkakapatid ay narinig iyon ng binatang si Zadie. Dadalawin niya sana si Joana para maghandog ng peace offering at dahil malapit na din siyang umalis sa bansa. Kumatok siya ng dahan-dahan. Agad namang narinig iyon ng mama ni Joana kaya binuksan niya ito sa pag-aakalang umuwi na si Joana.
"Jo-- Zadie?" Gulat na sambit nito sa pangalan ng binata.
"Magandang gabi po Tita." Bati niya sa ina ni Joana.
"Magandang gabi din sayo iho." Bati nito pabalik.
"Narinig ko po ang pinagtatalunan nila ate kc at ate ypril. Nawawala po si Joana?"Agad niyang tinanong ang mama ni Joana. Tumango lamang ito.
"Tutulong po ako sa paghahanap." Agad niyang inalok ang tulong niya.
"Sige iho, salamat." Sincere na pagpapasalamat ng mama ni joana kay zadie. Ngumiti ang binata at nagpaalam upang umalis na.
Sinimulan na nilang hanapin si joana. Kailangan kasing 24hrs ang pagkawala ng isang tao para mareport sa pulis. Kaya di din nakatulong ang sinuggest ng mama ni joana. Makalipas ang ilang oras. Sa may children's park. Nakaupo sa isang sulok ng puno si Joana. Iniisip nito kung tama ba ang naging desisyon nito na mag walk-out. Nilalamok na kasi siya. Iyak din siya ng iyak kasi iniisip niya na baka magkagusto ang kapre sa kaniya. May nangangamoy usok daw kasi.
"Tagal naman nila akong mahanap. Di naman siguro to gaano kalayo sa bahay e." Reklamo niya habang pinipisa ang mga lamok sa paligid niya.
"Bakit ganito? Naligo naman ako. Bakit may langaw pa? Gets ko ung lamok pero di ko gets ang langaw."dagdag pa nito.
"Ano ba namang sipon ito? Ayaw mawala. Bahing nako ng bahing." Patuloy lang sa pagrereklamo si Joana at umiyak ito ng napakalakas.
Narinig ni Zadie ang iyak ni Joana kaya nalaman niya ang kinaroroonan nito. Bakas din ang takot s amukha ng binata sa pag iisip na baka may nangyaring masama kay Joana. Kumaripas ito ng takbo papunta sa direction. Tinawag nito ang pangalan ni Joana ng paulit ulit. Narinig naman iyon ng dalaga kaya tuwang-tuwa siya.
"Zadieeee!!" Sigaw ni Joana.
"Joana!"Pabalik na sigaw ni Zadie.
Natagpuan niya si Joana sa isang children's playground. Nawala naman ang kabang nararamdaman ng binata kanina dahil nakita niya na okay lang naman pala si Joana. Muntik na niyang makalimutan na drama queen pala ang dalaga.
"Hinahanap ka na nila Auntie. Iuuwi na kita." Agad nitong bati kay Joana. Sumimangot naman si Joana.
"Wala man lang bang Hug?" Tanong ni Joana. Napaikot na lang si Zadie sa mga mata niya at niyakap ng mahigpit si Joana. Nagulat naman si Joana na akto ng binata. Di niya inexpect iyon. Akala niya tatanggi ang binata.
Ilang oras na ang dumaan pero nakayakap pa din ang dalawang bata sa isa't-isa. Tahimik lang ang gabi, tahimik lang ang paligid, at ang naririnig lang ng dalawa ay ang pagkabog ng puso nila para sa isa't-isa.
"Malungkot ako." Ani ni Joana sa binata. Tumikhim naman si Zadie at bumitaw na sa pagyakap.
"I know." Reply neto sa sinabi ni Joana. Ngumiti si Joana sa inakto ni Zadie.
"Sanaol sayo Zadie." Sabi ni Joana.
"What do you mean?" Tanong ni Zadie sa dalaga.
"Pupunta ka kaya sa ibang bansa para mag-aral. Wow, pangarap ko yun eh. Kaya sanaol sayo." Tugon ni Joana sa naging tanong ni Zadie sa kaniya. Ngumiti lang ang binata.
"Madaming gwapo sa ibang bansa. Madami ding magaganda." Dagdag pa ni joana sa naging tugon nya.
"I'm sorry." Biglang sabi ni Zadie. Nagulat naman si Joana dahil doon.
"Sorry para saan?" Tanong ni Joana. Umiling si Zadie at tumingin sa malayo.
"Because I'm a coward. Nalaman mo pa sa iba ang dapat mo malaman sakin." nakapikit na sagot ni Zadie. Nahalata ni Joana ang mga under eye ng binata kaya nalaman niyang stress ito lately.
"Okay lang. Gets ko namang di ako ganoon ka special. " Sabi ni Joana. Napakunot ang noo ni Zadie dahil doon.
"You are." Zadie said. Gulat na lumingon si Joana.
"Ha?"ang tanging naitugon ni Joana sa banat ni Zadie.
Tumingin ang binatang si Zadie sa dalagang si Joana. Ngumiti ito ng sincere. Gulat man sa nalaman at di pa naprocess ni Joana kung ano ang ibig sabihin ni Zadie.
"Ano ibig mong sab-" bago pa matapos ang sasabihin ni Joana ay naputol yun dahil sa isang tawag.
Ang pinanggalingan ng tunog ay sa selpon ni Zadie. Napatingin ang dalawa doon. Kinuha naman ni Zadie ang kaniyang selpon at tinignan kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nalaman ng binata na ang kaniyang ina pala ang tumatawag. Sinagot niya ito.
"Ma." Bungad ni Zadie sa ina.
"Kasama mo na ba si Joana? Nakita mo na ba? Nabalitaan ko kay Eve na nawawala daw." Agarang tanong ng ina sa binata.
"Yeah, she's with me. Pauwi na kami." Sabi ni Zadie sa ina. Napakalma naman nito ang ina sa balitang dala.
"Alright, ingat kayo." Sabi ng ina bago patayin ang tawag.
"Iuuwi na kita." Inform ni Zadie kay Joana. Napatango naman ang dalaga.
Tahimik na naglalakad ang dalawa papunta sa sakayan. Di naman mapakali si Joana. Gusto niya pang magtanong at gusto niya pang kulitin si Zadie sa kung ano ang ibig sabihin ng binata sa nasabi nyang "You are". Isip ng isip si Joana sa kung ano ang maaaring reason.
"Crush kita." Pag aamin ni Joana sa nararamdaman. Napahinto saglit si Zadie pero kinalaunan ay naglatuloy pa din sa paglalakad.
"I know." Tanging tugon ni Zadie. Disappointed man sa naging reply ni Zadie ay ngumiti pa din si Joana.
Naihatid na ni Zadie si Joana sa kanila. Agad namang napatakbo si Joana para yakapin ang pamilya niya. Napaiyak pa ito.
"Sorry Ma. Napakachildish ko pero di pa din ako magpupulis." Sabi ni Joana sa ina.
"Ikaw bahala." Tanging naisagot ng ina at kinurot sa tagiliran si Joana.
"Wag ka na mag walk out. Swerte ka at walang nangyari sayong masama ngayon. "Litanya ng ina kay Joana.
"Ma, mamaya na yan. Alam na ni Joana kung anong nagawa niyang kasalanan. Wag mo muna ipressure. Di ka din marunong magbasa ng atmosphere." Sabi ni Ypril sa ina. Tumango naman ang ina at ngumiti.
"Oo na. Salamat iho ha." Pagpapasalamat nito kay Zadie.
"Walang ano man po." Nakatangong sabi ni Zadie.
Nagwakas ang gabi ni Joana na magaan ang pakiramdam. Solve na ang problema niya sa pamilya niya. Feel niya ay gumaan ang bigat ng stress na dinadala niya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top