CHAPTER EIGHT
Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nakaupo ako ngayon sa may bintana ng art room. Damang-dama ko ang simoy ng hangin at ang huni ng mga ibon. Tahimik lang ang aking kapaligiran kaya ako ay napangiti kaso agad rin itong nawala ng nangawit na ang aking katawan.
Sumasakit na ang aking leeg dahil mag-iisang oras ng ganito ang posisyon ko. Magkakaroon siguro ako nito ng stiff neck. Bwesit lang. Ginalaw ko ng konti ang katawan ko.
"Don't move." sita sa akin ng guro.
Bakit ko ba kasi ginawa ang kalokohang ito? Kung nagtataka kayo kung bakit ako nahantong sa kalagayang ito ay....
------------------------------------------------------
Flashback~
Wala na naman akong klase sa first period kaya naisipan kong dalawin ang classroom ni Zadie.
Sa oras na makarating ako ay nakita ko ang teacher nila sa arts class kayabumati ako dito. Nahihirapan ito sa pagdala ng napakaraming art materials kaya nag-alok ako ng tulong.
"Iha, wala ka bang klase ngayon?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Pwede bang maging modelo ka sa art class namin ngayon?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango.
Iniisip ko kasi na oras-oras akong tititigan ni Zadie kapag ako ang naging model nila. Kaya walang pag-alinlangan akong tumango.
End of flashback
-------------------------------------------------------
So that's it agad kong pinagsisihan ang desisyon ko. Hindi ko na nga magalaw ang leeg ko. Hindi na ako comfortable sa posisyon ko. Hay nako!
Dumaan ang ilang oras at tapos na sila sa pagguhit kaya dahan-dahan akong tumayo. Sumakit bigla ang leeg ko kaya napaiyak ako in silence.
"Okay ka lang?" tanong ni Zadie. Nag-okay sign lang ako bilang sagot.
Hindi naman talaga ako okay. Nakakahiya kasing sabihin na hindi ako okay at pinagsisihan kong ginawa ko ang bagay na ito.
"Patingin." sabi ko sa kanya.
"Here." wika niya at inabot sa akin ang drawing pad niya.
Tinignan ko ito at agad akong nagtaka kasi silhouette ko lang ang ginuhit niya. Napakurap ako ng ilang beses kaso iyon pa rin talaga ang nakikita ko.
"Patingin." sabi ko kay Katrina at dinaklot sa kaniya ang drawing pad niya.
Tinignan ko ito ng maigi at silhouette rin ang nakita ko. Pareho lang sila ni Zadie ng iginuhit. Huh? Anong nangyayari? I can't believe this.
Inilibot ko ang drawing pad ng iilan at silweta ko lang ang ginuhit nila plus ang background. Yauah! Don't tell me na silweta ko lang ang kailangan? Naiiyak kong tinignan si Zadie pero tumawa lang ang kwago.
"Bakit silweta ko lang?" pagmamaktol ko.
"Mr. Junriz told us na silweta lang ang kailangan." he answered.
"Bwesit. Ang sama niyo!" Umiiyak kong sabi sa kanila.
Hindi ko na nga halos magalaw ang leeg ko tapos silweta ko lang pala ang kailangan. Mga yauah!
"Hey!" tawag nito sa akin nang lumakad na ako palayo.
"Babalik na ako sa classroom." sabi ko sa kaniya.
"Samahan na kita." pag-aalok niya.
Wala akong imik at nagpatuloy lang sa paglalakad. Makalipas ang ilang oras ay hindi ko talagang matiis na ideadma si Zadie.
"Ikaw ang pambato sa quiz bee diba?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah." sagot niya.
"Kailan ba gaganapin ang quiz bee competition?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Bukas." sagot niya. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Bukas? May pasok bukas. Does that mean na hindi kita masasamahan?" hindi makapanewalang tanong ko. Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.
"What time ba magsisimula?" tanong ko sa kaniya.
"2pm." tugon niya. Napatango naman ako.
"Okay." sabi ko. Lumingon naman ito sa akin.
"Anong okay?" nagtataka niyang tanong.
"Nandito na pala tayo sa classroom ko! Bye." I exclaimed ignoring his question. Just you wait Zadie.
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Nandito kaming tatlo ni Shane, Dana and me sa likod ng iskwelahan. Guess what we are planning right now. The thought of it excites me.
"Bilisan mo Shane." Utos ni Dana kay Shane.
"Wag ka ngang maingay Dana." sita ni Shane kay Dana.
"Why am I doing this?" naguguluhang tanong ni Dana sa sarili.
"Si Joana nakaisip nito." sabi ni Shane.
"Bilisan niyo na lang." wika ko sa kanila.
"Oh no, we are going to get caught." natatakot na sabi ni Dana.
Nakaakyat na ako sa bakod at tatalin na ako para marating ang kabila kaso hindi pa rin nakaakyat si Dana. Dana is the new drama queen.
"Ayaw mong magcutting?" tanong ko kay Dana.
"Kayo na lang. I'm going back to the classroom. Ako ang magiging alibi niyo." representa niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"Babye." I waved my hands at tumalon na.
Nandito na kami ni Shane sa location ng quiz bee competition. Napaaga ata kami kasi hindi pa ito nagsisimula but it is already 2pm.
Naghanap kami mg mauupuan ni Shane nang bigla akong naiihi kaya nagpaalam muna ako sa kanya na magba-banyo lang ako.
"Bilisan mo ha." wika ni Shane.
"Yeah." tugon ko at tinahak na ang daan papuntang banyo.
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Tapos na akong magbanyo. Pabalik na sana ako ng mabangga ko ang isang matipunong tao. Tumingala ako para makita ang pagmumukha ng lalaki. Agad akong naghingi ng paumanhin.
"Sorry po." sabi ko and I bowed my head.
"It's okay." tugon niya.
"Sorry po talaga." paghihingi ko ng pasensya.
"By the way. I'm Vince Capuso. Hindi kapamilya o kapatid kundi Capuso." pagpapakilala niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa waley niyang joke o tatawa na lang ako kasi baka mapahiya siya. And so, tumawa ako para hindi soya mapahiya.
"I'm Joana." pagpapakilala ko rin sa sarili ko.
"Nice to meet you, Joana." wika niya at nag-alok ng kamay.
"Nice to meet you too, Vince."tugon ko and we shaked hands.
"So, what brings you here?" tanong niya.
"Para manuod ng quiz bee competition?" I answered him. Speaking of I need to go back kasi baka nagsimula na.
"Oh, what school are you from?" tanong niya.
"I need to go. Excuse me." paalam ko sa kaniya. Nadismaya naman ang mukha nito.
"Sagutin mo muna ang tanong ko." wika niya at nagpacute sa harapan ko.
"Ah. I really need to go. Bye!" paalam ko sa kaniya at tinakbuhan siya.
Pagkarating ko ay tama nga ang hinala ko dahil nagsimula na ang quiz bee. According to Shane malapit na itong matapos. Tie ang score ni Zadie at noong isang lalaki sa kabilang school.
"And for the final question. Why are stars not visible during the dayl ?" tanong ng mc. Naunang pumindot si Zadie.
"Sun is the star that is nearest to the earth. During the day, the sun's light is so bright that we cannot see the light of other stars. Thus, they are not visible during the day." sagot niya.
And that ends the program with Zadie winning the competition. May iba pa ngang nagrereklamo kasi napakaeasy daw ng question na iyon. Mapapasanaol ka na lang sa katalinuhan nila.
I started walking towards him. Marami ding girls ang sumalubong sa kaniya kaya ang resulta nadapa ako and worst naapakan pa nila ang kamay ko. Awtsu!
"Found you." ani ng isang boses. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Vince.
"Yow." bati ko.
Umalok siya ng kamay kaya I gladly accept it. Tinulungan niya akong tumayo. Pinagpagan ko ang saya ko para mawala na ang dust.
"Thank you." pasasalamat ko.
"So, taga Saint Joseph ka pala." paninimula niya.
"Paano mo nalaman?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"So tama nga ako! My guess is right after all." masaya niyang wika.
"Guess mo lang pala iyon? " sabi ko and I sneered at him.
"Yep, just a guess." tugon niya.
"Then, aalis na ako."paalam ko sa kanya.
I turn around but pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko. I look at him. What's the problem with this guy?
"Wait. Let us chat for a minute." wika niya.
"Uhm, no thank you. Hahanapin ko pa kaibigan ko."I said.
"I will help you then." he said.
"Huwag na. Nakakahiya naman." pagtatanggi ko sa tulong niya pero sadyang matigas lang talaga ulo niya.
"I insist." pamimilit niya.
"Joana!" tawag ni Zadue sa pangalan ko.
"Zadie!" bati ko sa kanya.
"Sino ka?" bati niya kay Vince.
"Vince." sagot ni vince.
So, nagtitigan session silang dalawa at binalewala lang ako sa harap nila kaya mas mabuti pang umalis na lang at hanapin ang nawawalang kuripot.
"Where are you going?" tanong ni Zadie.
"I am going to look for Shane." tugon ko sa tanong ni Zadie.
"Okay." he said.
Nasaan na ba ang kuripot na iyon? Bigla-bigla na lang nawawala. Though, I am partly at fault kasi I got excited at naiwan ko siya doon sa pwesto namin.
There I see her. Standing there across the way habang nakangisi sa akin. Nilapitan ko siya.
"Hoy." bati ni Shane sa akin.
"Yauah. Saan ka nanggaling girl?" I asked her.
"Hala, ikaw kaya itong nang-iwan bigla." sabi niya sa akin.
"Bakit hindi mo ako sinundan?" i asked her.
"Sinubukan ko pero maraming tao kaya hindi na lang kita sinundan." she answered. Kaloka itong babaeng ito.
"Let's go home." alok ko sa kaniya. Tumango naman ito.
To be continued......
___________________________________
Note: hindi ko pagmamay-ari ang mga photos dito. Sorry sa mga typos, grammatical error at wrong spelling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top