VIII
“Puso'y Alab ng Punit na Pangako”
Masaya tayong nagpapalitan ng salitang "mahal kita,"
Nangangarap na magkaroon pa rin ng tayo hanggang dulo,
Ngunit dumating ang panahon na ika'y bumitaw,
At tinupad mo ang iyong pangako na sana'y para sa'kin sa iyong bago.
Tibok ng puso na akala ko'y may ibig sabihin,
Ngunit hindi kailanman nagreresulta sa singsing,
Ang di-maiiwasang sakit na aking nadarama, pighati ng pusong nagdurusa.
Nais ko pa rin na maramdaman ang iyong mainit na yakap,
At wala nang luhang aagos sa aking mukha.
Ipinakita mo sa akin ang isang pag-ibig na parang hangin na humahangos,
Papunta rito at iniwan ako ng walang paramdam.
Ang mga alaala ay patuloy na bumabalik,
at gayon din ang lahat ng mga luha.
Sinabi mo na sa'kin na tayo'y nakatadhana,
At ang ating pag-ibig ay ang ating dakilang kapalaran.
Akala ko ito ay pag-ibig,
Ngunit sa huli—
pinaramdam mo'y pighati
sa sandaling pinili mong hindi manatili.
//
Author's Note:
Hi, this is the filipino version of Heart's Blaze of Broken Promises.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top