9

Sabi niya ay ako ang magluluto ng almusal pero pagkagising ko ay may naaamoy na 'kong masarap mula sa kusina. Nakaawang ng kaunti ang pintuan ng kwarto kaya naman kita ko siya habang nagluluto. He's still wearing his hoodie from last night. Nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi ay malapad akong ngumiti.

"Pa-fall," bulong ko sa aking sarili bago tumayo at ayusin ang pinagtulugan namin. Habang pinapagpag ang malaking kumot ay nakita ko ang litrato ko mula kagabi. Sa sobrang abala namin sa picture niya ay nakalimutan ko na ang akin. Kinuha ko iyon pagkatapos ay nagtungo ako kay Ali na mukhang patapos na sa kanyang ginagawa.





"Oh, hi. Good morning. Breakfast's ready." He smiled the moment he saw me. I walked towards him and handed the old polaroid of me. "Sama mo sa picture mo no'ng bata ka para may kasama siya ro'n sa drawer mo." Ngiti ko saka ako naupo sa hapag. Ganoon din siya saka kami nagpatuloy sa almusal.

Mayroon kaming nakagawiang magkakapatid na kapag sumasapit ang Linggo ay tinuturing namin iyong family day. Tipong walang kahit anong gagawin kundi ang atensyon namin ay nasa bawat isa lamang. It's our way to never lose our bonds with each other lalo na noong nawala ang mga magulang namin.

Iyong panganay naming kapatid ang nagpasimuno no'n at dinala at ginamit niya rin kay Ali. Kaya naman tuwing Linggo ay nananatili kami sa condo, tinuturing naming rest day kahit wala kaming karaptan sa dami naming gawain.

"I'm going for a shoot today and I was wondering if you want to come," panimula ni Ali sa'kin.

"Shoot? Basketball? Artista?"

He chuckled before speaking again, "No. Shoot. Firing." He let his fingers form an L, kunwaring baril iyon. Saka ko lamang naintindihan kung saan ang agenda niya ngayon.

Guns aren't really my thing. I'm scared of it, but rather than staying here alone and bored, I agreed to come with him. Matapos naming kumain ay sabay na kaming nag-asikaso ng aming mga sarili. Itim na damit, pantalon, at white rubber shoes lang ang sinuot ko.




Pagkatapos kong mag-makeup ng kaunti ay lumabas na ako ng kwarto. And to my surprise, our clothes matched! Kita ko rin ang gulat sa mga mata ni Ali nang makita ako. "Oh, ano pang tinitingin-tingin mo? Halika na! Baka maubusan tayo ng bala ro'n!" Hinila ko na siya palabas ng condo.



⚖️

Habang naglalakad kami ay may iilang mga napapatingin sa'min, madalas babae. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa suot namin at nagmumukha kaming magjowa o dahil sa tangkad at gwapo nitong kasama ko.





Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa MEPSA Gun Club and Firing Range. May sasakyan siya pero mas pinili niyang mag-commute na lang kami. Katwiran niya? Para raw mas sulit ang pagsasama naming dalawa.





Anxiety started to creep in me when I saw people holding guns, busy shooting every target. Hindi ko rin maiwasan magulat sa tunog ng mga ito. We settled in one place and Ali started wearing his hearing protection and protective eyewear before picking up a gun and shoot.




A man, looking mid 40s, approached him after hitting bullseye. Hindi lang isa pero may tatlo pang sumunod. Mukhang madalas na si Ali rito dahil kilala na niya ang mga iyon. They're having a little chitchat habang ako ay abalang pinapakalma ang sarili.





Matapos nilang mag-usap ay bumalik ulit si Ali sa kanyang ginagawa. Kahit natatakot ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha kung paano niya matamaan ang lahat ng target sa malayo, and I think I want to see more of it. In order to face my fear, I walked towards him and curiously watched how he did it.





Kada babala siya ay napapahigpit ang hawak ko sa kanyang damit, hanggang sa malingon niya na lang din ako. "Are you okay?" and a soft voice spoke to me. Mabilis akong tumango bilang sagot.




"Gusto ko lang manood ng malapitan," I assured him. Mayamaya'y may kinuha siyang isa pang hearing at eyewear protection at sinuot sa'kin. "Safety first," aniya saka nagpatuloy ulit sa kanyang pagbala.





Habang pinapanood siya'y may kung anong pumasok sa utak ko. "Can I try?" sabi ko sa kanya dahilan upang mapatigil siya saglit sa pagbala. Parang may kung anong question mark akong nakikita sa ekspresyon niya nang tignan niya 'ko.




"Are you sure?"



"Minsan ko na rin namang tinutukan ka ng ganyan." Tawa ko saglit. "I want to learn how to do it." Regardless of how scared I am to hold one.





Tipid itong tumango at kinuha ang kamay ko para mapalapit sa kanya. He positioned me in front of him and let me get the angle to shoot. "Your hands are cold," he whispered behind me. Parang may kung anong kumiliti sa aking batok matapos niyang gawin iyon.






I'm trembling, I admit, but I swallowed the fear and distract my mind from the flashbacks I'm getting. "Deep breaths. It'll be okay," he whispered again. I closed my eyes and took a deep breath as he says.





Hawak niya ang dalawang braso ko't kamay para alalayan ako saka sinimulan na akong turuan. Sa bawat bala ay may kung anong galit ang lumalabas sa'kin. I might not be hitting the center of the target but it felt like I'm hitting something within me.




I want to learn this. I want to know how to defend myself. And Ali, if he's not around, I know how to save myself. Bukod pa ro'n, gusto kong labanan ang takot ko, and I see this as a first step.



⚖️

Pagkatapos namin sa firing range ay dumiretso na kami sa pagkain. Pagkatapos ay naglakad-lakad muli. Mayroon kaming nadaanang dagat at naisipang tumigil muna ro'n. "Thank you for today." Putol ko sa katahimikan naming dalawa habang pinagmamasdan na ang paglubog ng araw.




"You did great." He smiled. "Didn't know a lawyer can learn to shoot a bullet in a day despite her fears."




"Bakit? Akala mo ba pulis lang ang marunong? Bet this lawyer can drive a police car, too!"





"I'm looking forward to that." Gulo niya sa aking buhok. Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang dagat. "Ang ganda ng tandem natin, 'no? Abogada at pulis. Sabay nating patutumbahin ang mga masasamang elemento rito sa mundo!"




Tumango-tango naman siya habang nakangiti at nakatingin sa'kin. "Sounds a little childish question, but why do you want to become lawyer someday?"




"Too common answer, but yes, I want to be the voice of the voiceless. The voice of the innocents, to help those who are crying their hearts out for justice. Alam mo ba, matagal na 'to, eh, pero may nabasa ako sa internet isang beses na ang katarungan ay para lang daw sa mga mayaman. Then there, I realized, madalas mayayaman lang nga talaga ang pinapaboran. When in fact, everyone deserves justice. Everyone deserves protection. Hindi lang ang mga kayang lapagan ka ng libo. Hindi naman bulag ang katarungan para sa'kin. Sadyang may piring lang talaga ang mga tao, pinipiling magbulag-bulagan kaya nagiging kawawa ang mga nasa ibaba."




"I understand."



"And I don't want to witness innocent people dying again," mariin ngunit kalmado kong sambit. "If I can prevent it, I will. If there's hope to fight, I will. I will help them, if it's the last thing I do."





"You'll be a great lawyer, Lexi. And I can't wait to see you setting the bar high."




"And I can't wait for you to put bad people behind bars, Officer. We can team up." I saluted. 


⚖️


I was busy printing my new readings when someone, out of nowhere, in the middle of the day, rang the doorbell. Wala akong pasok ngayon pero si Ali ay mayro'n at hindi iyon umuuwi ng maaga. Well, unless they are dismissed early, though.

Iyon din naman agad ang aking naisip kaya dali-dali ko iyong pinagbuksan. Sakto nakaluto na rin ako ng tanghalian. "Ali, ang aga—" Ang malapad kong ngiti ay napawi agad at napalitan ng pagkunot ng noo nang may bumungad sa'king hindi ko inaasahan. Ganoon din siya at napataas unti-unti ang kanyang isang kilay.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Where's Ali?"

"Ano'ng kaylangan mo?"

Imbes na sagutin ang ilang tanong ko ay umakto siyang nagmamaang-maangan at dahan-dahang tinatapik-tapik ang kahon na hawak. Masama ko iyong tinignan, naiimagine na sinusupalpal ko iyon sa mukha ni Shira. Ah, now I get why she's here. That's obviously for Ali. Sumandal ako sa pader at humalukipkip.

Nang walang nagsasalita sa amin ay tinapunan niya na ako ulit ng tingin. "Are you aware that chocolates melt in hot weather? Ang init dito, eh. If Alistaire's not here, would you mind putting this in the fridge for him?" Abot niya sa'kin. "It's a little gift."

Nakatingin lang ako ro'n, hinahayaan siyang mangalay. Gusto kong itapon 'yon pero hindi naman ako ganoon kasamang tao. Padabog ko na lang iyon kinuha at isasara na sana ang pinto nang bigla niya iyon pigilan.




"Oo, hindi ko kakainin 'to kung iyon ang iniisip mo. Kaya kong bilhan ang sarili ko nito," mataray kong sabi.

"Wow, Lexi! By just looking at your expression and the way you speak, simply tells me you're jealous of me. Well, no wonder why." She looked at me from head to toe.

"Ang selos walang pinipili at natural lang 'yon dahil girlfriend ako." Huh?

"Excuse me?" She looked at me with so much disbelief in her eyes. Sarkastiko akong ngumiti at tuluyan nang isinara ang pinto. Halos malukot ko na ang kahon sa sobrang irita. Nagtungo na lang akong kusina upang ilagay 'yon sa ref. Bago ko isara ay sinamaan ko muna iyon ng tingin.

"Valentine's Day my ass." I scoffed, sabay bagsak ko na ng pinto.

⚖️

"Chug! Chug! Chug! Chug!" sambit naming lahat na nakapalibot kay Aleeza habang iniistraight ang cuervo. Nang matapos ay sabay-sabay kaming naghiyawan at binati siya ng happy birthday.






"Thank you, everyone! Happy Valentine's Day, girls!" May inabot si Aleeza sa aming bulaklak, tig-isa kami ni Fresia, at para rin sa iba niya pa naming kasama.



Nang makita ko ang mga katagang "happy valentine's day" ay naalala ko na naman ang chocolates na binigay ni Shira para kay Ali. Kinain niya kaya 'yon? Iyon din ang dahilan kung bakit ako umiinom ngayon, eh.




Mabuti na lang pala at saktong araw ng mga puso ang birthday ni Aleeza. At si ate mo, malakas naman sa alak pero umaktong na-tipsy agad nang makita si Kyvin na may bitbit ring bulaklak para sa kanya.





"Ang landi mo!" Pamamakyu sa kanya ni Fresia, medyo lasing na, nang ipulupot ni Kyvin ang kanyang braso sa bewang nito.





"Ulol! Ikaw rin!" Mayroon siyang tinuro sa likuran namin kaya sabay kaming napalingon ni Fresia ro'n. Bumungad si Dox at nang magtama ang mata namin ay sabay kaming nagkagulatan. Napatigil pa siya sa paglalakad at tinuro ako.





"Nasaan si Ali?!" Pagtaas ko ng boses dahil malakas ang tugtog sa paligid.





"Umuwi siya ng condo niyo! Gulat nga siya at wala ka raw ro'n! Kanina ka pa niya hinahanap! Nandito ka lang pala!" Ganoon din ang tono niya. Nanlaki lalo ang mata ko sa kanyang sinabi. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nang buksan iyon ay sunod-sunod na text at tawag ang tumambad sa aking screen.





"Bakit niya 'ko hinahanap? Hindi ba sila magdi-date ni Shira ngayon?! Valentine's day, ah!" Pataas muli ang boses ko.




"Ha?! Ano namang pakialam no'n kay Shira?!"



"M-may pinabibigay na tsokolate 'yong babae niya para sa kanya!"



"Ah, iyon ba?! Hindi niya raw ginalaw!" Tawa niya. Napakunot lang ang noo ko sa sinabi ni Dox. Halata namang ginagago lang ako nito. Napatingin ako muli sa aking phone dahil nag-vibrate iyon, showing a text message from him.




Hindi ko ulit iyon pinansin at pinagbilinan na lang si Dox na 'wag sabihing nandidito ako ngayon sa isang club bago siya magtungo kay Fresia. Wala naman akong gagawing masama rito, magsasaya lang!




Happy Valentine's Day sa aking walang pag-asa!


⚖️

"Ali..."


Kahit nahihilo na ay nagawa ko pa ring tuloy-tuloy ang pagsulat. I always carry a pen and paper with me just in case I need to do something. Hindi ko naman akalain na sa ganitong bagay ko siya gagamitin.




Sabi ng ilan ay mas lumuluwag ang pakiramdam kapag nasasabi mo ang mga bagay na gusto mong sabihin. Kahit sa sulat man lang. And here I am writing a confession letter inside a freaking cubicle and drunk. Well, thanks to the cuervo for giving me courage to let this feeling out.




"Alistaire, I like you and I don't know how it happened..."




Hindi ko namalayan. Basta isang araw bigla na lang akong pinaglaruan ng damdamin ko. At gusto ko na 'to matapos dahil alam ko rin namang wala 'tong patutunguhan. 





Napagpasiyahan ko nang lumabas ng cubicle matapos kong magsulat. "Anak ng teteng! Nandito ka lang pala! Akala namin na-kidnap ka na!" Bungad sa akin nila Aleeza at Fresia nang makapasok sila sa restroom. Pawis na pawis sila parehas, siguro kahahanap sa'kin. Naka-off ang phone ko kaya hindi nila ako ma-contact. Hindi rin ako nagpaalam. 




"Pinag-alala mo kami! Nakakaasar ka!" Yugyog sa akin ni Aleeza. Niyakap niya na rin ako.




"Ano 'yang hawak mo? May homework ba tayo?" Tingin ni Fresia sa aking kamay. Homework, amputa... Oo, homework ko 'to na kaylangan kong ipasa sa tropa ng bebe mo.
Hindi ako nagsasalita at hinayaan na lang kunin sa akin ni Aleeza 'yon. Ikukwento ko rin naman sa kanila 'to kaya wala na akong paki kung mabasa nila.






"Kung 'yong iba drunk chat ang ginagawa para mag-confess. Ikaw, traditional, ha? Lasing ka na pero nagawa mo pang magsulat para kay Ali. Ganyan pala maulol sa pag-ibig ang isang Alexia Diaz?!" Malakas na tawa ni Aleeza.





Hinablot ko na 'yon sa kanya. "Huy, hindi lang ako, ha. Nauulol ka na rin. Kung magyakapan kayo kanina sa dance floor 'kala mo wala ng bukas." Mahina kong hinila ang dulo ng kanyang buhok. "Ikaw rin, isa ka pa." Lipat ko ng tingin kay Fresia. "Quits na score nating tatlo. Pare- parehas na tayong ulol," dagdag ko pa.





Mayamaya'y napagdesisyunan na naming umuwi at nang makalabas kami sa club, mayroong pamilyar na sasakyan ang naka-park sa 'di kalayuan kaya napatigil ako. Naroon din ang may-ari kasama ang kanyang kaibigan na si Dox. Mukhang sinumbong ako nito, ah?





Nang malingon niya na ang gawi ko ay saka siya naglakad patungo sa'kin. At habang pinagmamasdan siyang papalapit ay unti-unti kong nilukot ang papel na hawak. "Get in the car and we're going to talk." Mahina niyang sambit sa akin. Dahan-dahan na lang akong tumango at nagtungo sa sasakyan.





Nagpaalam lang siya kanila Aleeza at Fresia bago sumunod. Ngayon ko lang din napansin na hindi kasama ni Aleeza si Kyvin. Well, anyway, not my business. Napaayos ako ng upo nang makatabi ko na si Alistaire. Parang natanggalan ako ng tama ng alak nang masilayan ko na kung gaano kagalit ang ekspresyon ng kanyang mukha.




"Uhm... Hi."



"Hi? You made me worried sick and you'll say hi? Matatanggal ba niyan ang pag-aalala ko?"






Mas lalo kong nalulukot ang papel.




"Why didn't you tell me you're going out?"





"Why? Do friends need to know every move? I bet not," I said, emphasizing the third word I mentioned.


"You know how dangerous it is out here especially at this hour. Lexi, you've been kidnapped once and I don't want that to happen again."




"My friends are with me."




"Aren't your friends with you too last time and it still happened?"



"What are you implying here? Hindi mo pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan ko?"



"It's not like that, Lexi."


"You don't trust me?"


"I trust you. What I don't trust is the things that could happen. Especially when I'm not with you."


"Why do you even care?"

"Because I..." he suddenly paused. "I am your friend and we're living under the same roof. Hindi ba dapat lang talaga ako mag-alala?"




Huh, friend. Psh. Natahimik ang pagitan naming dalawa. Talong-talo talaga ako ng salitang 'yon. "Look, if you can have a date without telling me, then I can celebrate a birthday without telling you either." I started to get a little irritated when I remembered Shira. Her and her stupid chocolates. "Bakit? Exclusive ba friendship natin?"




"What date?" Mas lalong kumunot ang kanyang noo, hindi pinansin ang huli kong mga sinabi.




"Maang-maangan pa. She even brought you a box of chocolates." Then there's me who just wrote on a plain sheet of paper.





"Those aren't from yours?" Kung kanina ay kunot ang noo, naguguluhan naman ngayon ang ekspresyon niya.





"Kay Shira galing 'yon. Kung akin 'yon, 'di lang chocolates 'yon." Pag-irap ko. Natahimik muli saglit ang pagitan namin at nang mapagtanto ko kung ano ang aking sinabi ay agad kong ibinaling ang atensyon sa labas. Wow, ano 'yon building?





Nadudulas ka na, Lexi! Feeling ko punit na 'tong papel sa sobrang pagkakalukot ko. Hindi ko pala kayang aminin sa kanya. Inilagay ko na lang iyon sa bag. Huwag na lang. Manahimik na lang tayo.





"I didn't eat it."




At doon ko lamang siya nalingon muli. So, hindi pala talaga ako pinagti-tripan ni Dox kanina? Hindi niya talaga 'yon kinain?





"Bakit?"


"Dahil hindi galing sa'yo?"




Bakit ba ang hilig niyang ibalik sa'kin ang tanong? At nang marinig ko ngayon 'yon mula sa kanya ay mas lalo lang akong binabaliw ng damdamin ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag, nagdadalawang-isip






Hanggang sa maging klaro na... Unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak ko. Napagdesisyunan ko nang huwag na lang talaga. Hindi na para pa. Ganito lang naman siya sa'kin dahil magkaibigan kami at pananagutan niya ako kapag may nangyaring masama sa'kin. At alam kong hanggang doon lang iyon.





Mainam na lang itago kaysa mawala ang kung anong mayro'n kami ngayon.




Hindi na. Hindi na ako aamin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top