7

"So, how's your vacation, everyone?" tanong sa amin ng mabait naming professor. Sabay-sabay nagsalita ang mga kaklase ko at natigil lang nang mayroong kumatok.




"Sorry, I'm late." A guy entered the room. Halos lahat ay natahimik nang masilayan siya. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagkurot sa'kin ni Aleeza, kurot ng maharot na nakakita ng gwapo.






"Oh, hi, Mr. Padilla. I believe you got lost that's why you're late, isn't it?"




"Yes, Ma'am."



"It's okay, it usually happens to students like you who are new here," our professor assured him that she wasn't mad about it. "Everyone, I'd like you to meet Kyle Arvin Padilla," pagpapakilala niya pa.





Tipid itong kumaway sa aming lahat, mukhang nahihiya. Itinuro na rin ng professor namin ang bakanteng upuan sa tabi ko at doon siya pinaupo. Saglit ko siyang tinignan pagkatapos ay nilingon ko naman si Aleeza. "Gusto mo palit tayo?" bulong ko sa kanya, nagpipigil ng tawa.



"Kalma mo naman, sis. Kahit bukas na para hindi masyadong halatang type ko," bulong niya pabalik sabay tawanan namin. "Ikaw muna ang kumausap tapos pakilala mo 'ko."



Supportive ako kaya sige! "Transferee?" Lingon ko sa aking katabi. Napansin niya ako agad at tumango, ngumiti na rin. "You?" he asked.



"No, been loyal to MLQU since first year. I'm Lexi." I offered my hand for a shake.


"Kyvin. Nickname."


"Ito nga pala si Aleeza. Kaibigan ko." Agad kong inilipat ang atensyon niya sa kaliwa ko. Sumandal pa ako sa aking upuan para mas makita niya lalo ang napakaganda kong kaibigan. Nakipagkamayan si Aleeza habang abot tenga ang ngiti.



Niyaya na rin namin siya ni Aleeza nang mag-vacant. Mukhang wala pa rin siyang gaanong kilala sa campus kaya kami muna ang kasama niya. Saktong dumating si Fresia at gulat nang makita kung sino ang kausap ni Aleeza sa table.




Isang oras siyang late at hindi na nakapasok sa first subject. "Hayaan mo siyang humabol sa points natin," sabi ko kay Fresia nang hilahin ko siya palayo ro'n. Sa classroom na lang kami kumain at hinayaan ang dalawa ro'n.


⚖️


"Nand'yan na si Ali. Mauuna na 'kong umuwi. Ba-bye! Chat na lang!" paalam ko kanila Aleeza at Fresia matapos kong mabasa ang text ni Alistaire sa'kin. Kumaway ako sa kanila at tatawid na sana nang marinig ko bigla ang boses ni Kyvin sa likuran.




"Dito rin ba ang daan mo?" tanong nito.


"Oo, eh. Ikaw din ba?"



"Oo," tuwa niyang sagot sa akin. "Saan ka nakatira? I can give you a ride," alok nito sa'kin pero bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang boses ni Ali. "She's already had a ride home." He stood on the other side of mine, facing Kyvin while I'm stuck in the middle of their heights.




Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kyvin raised his two hands, surrending while Alistaire maintained his glare at him. "Oh, sorry. Wala naman akong masamang balak, Lexi," sabi na sa'kin ni Kyvin.




"You know him?" Ali glared at me. Para akong kakainin ng mga tingin niya. Dahan-dahan na lang akong tumango. "Oo, actually ngayon lang. Magkaklase kami," sagot ni Kyvin kaya mas lalong sumama ang tingin niya rito nang malingon niya ulit.





"You're not the one I'm asking," he said. Hinila niya na rin ako papuntang sasakyan niya. "M-magkakilala kayo?" tanong ko agad nang maupo na 'ko sa driver's seat.




"No," mabilis niyang sagot habang inaayos ang seatbelt ko. Kaya ko naman iyon pero hinayaan ko na lang dahil natatakot ako sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit siya galit ngayon. "I thought he was bothering you," dagdag niya.





Mahigpit siyang humawak sa manibela pagkatapos at huminga ng malalim. "I'm sorry for how I acted," kalma na ang boses niya.




"Bakit nga ba ganoon ang akto mo? Natakot ako, akala ko sasapakin mo siya bigla."




"You heard me, I thought he was bothering you. You're with me now, and some point of it, you're my responsibility. If anything happens to you—" Napatigil siya at humingang malalim ulit. "Pinagkatiwala ka sa'kin ng mga kapatid mo..."





Naintindihan ko naman agad ang gusto niyang iparating. Tama nga naman siya, nasa puder niya 'ko at kapag may nangyari sa'kin na hindi maganda ay maaari siyang sisihin. Tumango na lang ako sa kanya at umiwas ng tingin.





Dahil doon ay naging tahimik ang byahe namin. Kahit nang makarating na kami sa condo. Dire-diretso siya sa kanyang kwarto at hindi na ako pinansin. Takang-taka ako ro'n at nagsimula nang hindi mapakali kung bakit siya nagkagano'n.



⚖️


No one dared to cook for dinner and everybody's just busy with holding the highlighter and doing a school project. Kanina pa 'ko nagha-highlight sa binabasa ko but I kept on zoning out. I'm getting a little hungry, yet I don't want to eat all by myself and with an atmosphere like this.





Hindi na ako makatiis and took a paper to write something, then I folded it into a paper airplane at pinalipad iyon sa kanya. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya kaya hindi ko alam kung saan bumagsak ang papel.






I'm not expecting the paper plane to fly back, when after ten seconds, a crumpled paper landed on the table. Napatingin ako agad sa gawi niya pero abala na siya muli sa kanyang ginagawa. Binuklat ko iyon saka binasa ang reply niya sa sinulat ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumulat ulit. Muli ko iyong tinupi ng pa-eroplano at pinalipad sa kanya. Nakita kong bumagsak iyon sa project na ginagawa niya. Nang makitang binubuksan niya na ay umiwas ako muli ng tingin. Narinig ko ang paglukot ng papel at kagaya kanina, bumalik ito sa'kin.

Sumulat ako ulit at naging airport muli ang kinatatayuan niya. Naghintay ako na makabalik iyon sa'kin pero wala ng lukot na papel ang lumanding sa lamesa ko. Nang makita siyang pumasok sa kanyang kwarto ay dali-dali kong kinuha ang eroplanong papel.




"Grabe..." Napabuntong-hininga na lang ako at ako na ang nag-sulat ng sagot sa aking tanong.

"I'm not mad." Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran. Tumama rin ako sa kanyang dibdib. Hiningi niya sa'kin ang papel saka iyon sinulatan. Nilukot niya rin muna iyon bago ibigay sa'kin.


"No :)"

"Pero bakit hindi mo 'ko kinakausap magmula no'ng umuwi tayo?" tanong ko na matapos kong mabasa ang kulay pink niyang sagot.



"Akala ko galit ka rin sa'kin." Napakamot siya sa kanyang batok at umiwas ng tingin sa'kin habang ako ay hindi malaman ang magiging reaksyon. "H-huh?" Gulong-gulo ako. Sa dalawang oras na 'yon, iniisip niya rin palang galit ako?!



"I thought you were mad," pag-uulit niya pero english na.


"Bakit naman?"

"Well, I was rude to that guy. Whatever, whoever he is to you."



"Kyvin? He's a new friend. Besides, I don't have any interest in him. Kay Aleeza na 'yon. Niyaya niya akong sumabay na lang sa kanya dahil iisang daan lang yata kami pauwi pero bago pa ako makasagot ay dumating ka na. Saka kahit naman wala ka ro'n, hindi pa rin naman ako sasabay sa kanya," saad ko sa hindi malamang dahilan.




Ewan ko kung bakit pero ganoon ang nararamdaman ko — na dapat kong klaruhin ang lahat. "Why are you telling me if you're interested or not?" Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ba ang narinig niya?





"Eh, kasi..." Sinubukan kong labanan ang tingin niya pero wala pa yatang limang segundo ay umiwas na 'ko. "Wala," mabilis ko na lamang na sagot. Tipid lang siyang tumango at bumalik na sa kanyang pinagkakaabalahan kanina.




"Hindi ba talaga nagugutom? Anong oras na, 'oh? Kanina ka pa r'yan sa ginagawa mo.


"I will eat if I want to eat."

"Nagsungit na naman. Sabi hindi galit," I murmured.

"You're saying?" Lingon niya sa'kin muli. Sarkastiko na lang akong ngumiti at bumalik sa lamesa. Hindi na rin ako nakatiis at umorder na 'ko ng makakain. At dahil mabait naman ako, inorderan ko na rin siya. Hindi ako naniniwalang hindi siya gutom. Even immortals get hungry!

⚖️

I was busy cooking our lunch when the doorbell rang. We're expecting a visitor because Ali told me his friend will be checking their group project. "Dox, hindi pa luto-" Napatigil ako agad nang makitang hindi kaibigan ni Ali ang bumungad sa'kin nang buksan ko na ang pinto. I didn't expect the door would be revealing an unexpected gender.




"Hi, condo ni Ali?" panimula niya. Mahabang kulot na buhok, maldita tignan ang mukha kahit nakangiti siya sa'kin ngayon. We're the same height pero wala akong paki.

"Oo, sino ka?"

"Oh, sorry, my bad. I'm Shira Yu." She lent her hand. "And you— Oh, Ali!" Kumaway siya agad nang may makita na siya sa likuran ko. I heard his bedroom door closed so I turned around, too, already glaring.




I let the ugly-looking troll inside. Napairap na lang ako nang makitang tumakbo ito kay Ali at yumakap. Saka dumating ang pinakainaasahan kong bisita — si Dox. "Naaamoy ko na ang masarap na tanghalian, ah! Hi, Lexi!" bati nito sa'kin. Pilit akong ngumiti sa kanya.





Bumalik na lang ako sa kusina at tinapos ang niluluto ko. Sumabay ako sa kanila kahit ayoko. Rinding-rindi ako sa boses nitong Shira. Kinakausap niya naman ako but it sounded so plastic. Nararamdaman ko rin ang tingin ni Ali sa'kin kaya hindi ko siya magawang lingunin.




Si Dox ang naghugas ng plato habang ang dalawa ay abala na sa project nila — or should I say project lang nilang dalawa ni Dox. The girl wasn't a criminology student at all but from another department. Sumama lang kay Dox papunta rito dahil miss niya na raw si Ali. Iyon ang kwento sa'kin nitong isa.



Hindi nagtagal si Dox sa condo dahil may pupuntahan pa siya kaya sila Ali at Shira ang naiwan. Nasa kwarto ko na ako pero naririnig ko pa rin ang nakakairitang tunog malanding boses no'ng Shira. Naiinis din ako kay Alistaire ngayon dahil hindi niya sinabing may babae pala siyang kasama para tapusin ang project nila.



Nandito ako! Babae rin ako! Sinilip ko siya sa maliit na butas gawa ng nakaawang na pinto ng aking kwarto. Nag-iinit lalo ang ulo ko kapag nakikita kong humahawak si Shira sa kanya. I need to calm myself down so I decided to call Aleeza and Fresia. Mayroon na rin kaming group chat na kasama si Kyvin kaya kasama siya sa call.




I went to the balcony. Nang magtama ang tingin namin ni Ali nang makalabas ako ng kwarto ay inirapan ko siya. Nakakairita! Bakit ba ako nagkakaganito ngayon?!



[Aleeza: So, ayon na nga! Group study sa bahay, ah! Hindi kasi ako uuwing dorm, eh.]



[Fresia: Sus, Aleeza. Baka iba ang aralin mo.] Malakas kaming tumawa ni Fresia habang si Kyvin ay pangiti-ngiti lang sa kabilang linya. Mayamaya'y nagpaalam na rin ang dalawa, leaving only me and Kyvin on the call. Iyong isa lowbat na, iyong isa ay mag-aasikaso ay may pupuntahan.




[Kyvin: Pwede ba 'kong sumabay sa'yo sa pagpunta?]


"Uh—"

"Where exactly?" Sumulpot si Ali sa likuran ko. Napalingon ako agad sa gulat na para bang may pribado kaming pinag-uusapan ni Kyvin. Our call was so fun that I merely forgot about him and Shira.




"Bakit ka nandito? Hindi ba'y may ginagawa ka?" Nilingon ko ang gawi ni Shira na naiwan doon sa sala at nagse-selfie.




[Kyvin: Uh, Lexi, Kita na lang sa klase bukas. Bye, and hi to your boyfriend.] Kumaway siya saka tuluyan nang pinatay ang tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at muling binalik ang atensyon kay Ali.




"Ali!" malandi niyang tawag, lumapit sa pwesto namin. "I'm going home na. Hatid mo 'ko! Don't worry, sagot ko gas mo and snacks nat—"



"My car's flat, Shi, and I can't drive you home," putol agad ni Ali sa kanya kaya napalingon ako. "I also have house chores to do," he added.




"House chores?" Tinignan niya ako na para bang may pandidiri kaya napataas ako ng isang kilay habang nakahalukipkip.



"She needs some rest." Hawak ni Ali sa aking balikat kaya napatingin din ako ro'n. "Besides, you can commute, I believe."



Muli akong tinignan ni Neya. She looked irritatedly defeated. Pumeke siya ng ngiti sa'kin at ganoon din ako. I even escorted her to the door. "Sorry, hindi ko 'to napansin kanina pero familiar ka." Bago siya lumabas ay hinarap niya muna ako kahit na isang hakbang na lang ang gagawin niya.


"We never met."



"Oh, yes! I remembered! Kaibigan mo si Jacqueline Silva! Nakita kita noong pina-guidance niyo si Neya. Well, actually, damay ako ro'n after." She crossed her arms in front of her chest.




"Pina-guidance? Mali yata ang nasagap mong chismis, Ma'am. At ano ngayon kung magkaibigan kami ni Jacqueline?"




"Isa 'yon sa mga bida-bida sa room, eh. Oh, and by the way, I saw her last time. Is she pregnant? I think deserve. Pakarat naman siya." Pananaray niya.


Nanginginig na ang aking kamao at gusto na siyang sampalin nang maramdaman ko bigla ang paghawak ni Ali sa'kin. "Shira. That's enough. Please, leave. Now," he commanded in a very polite tone.





Napaawang pa ang kanyang labi nang sabihin iyon ni Alistaire sa kanya. Ang kapal ng mukha na parang siya pa ang na-offend! Samantalang siya itong tumitrigger sa'kin! Magkamali lang talaga ang dila nito ulit sa harap ko, sasampalin ko 'to.


"Hatid—"



"Wala ka bang paa?" singit ko na. Magpapa-bebe pa, ang sarap bigwasan.



"Excuse me? Bakit? Girlfriend ka ba?"


Napalunok ako ro'n, ah. Okay scores are tied up, I guess.




"Yes," sagot ni Ali na ikinagulat namin parehas. "You may go now." Dahan-dahan na niyang itinulak palabas ng pinto si Shira at isinara ito. "I'm sorry about that," aniya nang harapin niya na ako.




"Girlfriend?" Ngiwi ko.



"Please, I only said that for her to leave." Umiwas siya ng tingin sa'kin saka natahimik ang pagitan naming dalawa. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Nang hindi na talaga siya magsalita ay nagpakawala ako ng hininga at umirap at padabog na pumuntang kwarto.

Bahala siya 'ron! Naupo na lang ako sa sahig habang dinadama ang bawat inis at... At sakit. Bakit ba ganito? Ano ba 'to? Putangina, nagugustuhan ko na ba siya kaya ako nagkakaganito? Hindi ko na alam! It fucking frustrates me!

Yes?

No?

I don't know.

But one thing I'm only sure about today... I'm freaking hurting...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top