6

"Don't worry, I'm holding you." Alalay sa akin ni Ali habang sinusubukang mag-bike. Matapos namin sa ang mga extreme rides ay nagpaturo ako sa kanya nito.





"Bitaw ka nga ulit." I tried balancing on my own but ended up on the floor. Good thing I'm wearing pants and sleeves. Tinutulungan naman ako ni Ali tumayo. May kasamang tawa nga lang. "I'll buy you training wheels tomorrow," aniya habang inaayos ang aking helmet.






"Kapag ako natuto nito, makikipagkarera ako sa six wheeler truck." Sumakay na ako ulit, habang pilit pinagsasabay ang pagbalanse at pagpedal. Bunggo rito, bunggo ro'n. Kapag napapaandar ko ng paunti-unti ay para akong batang niregaluhan ng barbie doll sa tuwa.





"Lexi! Watch out!" Rinig ko sa boses niya nang humabol ito sa'kin dahil na-out of balance ako ulit, kamuntikan pang malaglag sa tubig. Kung hindi niya ako nahila agad ay baka sirena na 'ko ro'n. Dalawang oras ang tinagal sa bike lessons niya at pinagpahinga niya na rin ako.





At dahil natuto ako kahit kaunti, nilibre ko siya ng cotton candy saka kami tumambay sa maliit na tulay na kung saan sa ilalim no'n ay may tubig na muntik ko nang sisirin kanina. Pinagmamasdan na namin ang aming repleksyon at buwan doon.





"Smile!" Tutok ko ng camera sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti pero tinakpan niya ang kalahati ng kanyang mukha ng cotton candy kaya mata na lang ang kita sa picture. "Shy type mo, 'no? Mga ganyang poging mukha dapat hindi tinatago, eh!" biro ko.






Wala na ang harang sa mukha niya at nakita ko siyang tumawa kaya dali-dali ko siyang kinuhaan ulit. Pero mabilis lang din niyang binalik ang cotton candy at naging blurred iyon. "Ano ba 'yan!" Nguso ko.




"Tayong dalawa na lang," yaya niya sa'kin.




"Ayoko nga! Magmumukha na naman akong fan mo."




"I'm not going to wear my mask." He chuckled.




"Oh, ikaw ang humawak para sigurado." Abot ko sa kanya ng phone at wala na siyang nagawa ro'n. Muli, mata na naman niya ang kita kaya ginaya ko na lang siya. "Ang cute, hehe," sabi ko nang i-check ko na iyon sa gallery. Nasa Instagram story ko na rin agad.




@lexilinediaz: 🍍@staireraej




Saka ko itinago ang phone sa aking bulsa at ibinalik ang atensyon sa repleksyon ng buwan. Bigla kong naalala si Kuya Ethan. Thank you for letting me meet him.




⚖️

Sunod-sunod ang vibration ng aking phone nang makauwi na kaming condo dahil connected na agad sa wifi. Puro reply iyon sa story ko.




@keiradm: w0w


@gianuggets: mali ka ng emoji atty dapat ito ❤️



@solenefinity: ate lexi dalaga na hindi na lagot sa kuya



@yourarej: hacked ka ba




@justdcelestine: may potential kayo di to biro



@solanagrivera: kahit anong mangyari lexi wag kang aamin




Haha react lang lahat ng aking ni-reply saka ko tinignan ang group chat naming tatlo nila Aleeza at Fresia. Naroon ang screenshot ng picture namin ni Ali.




@aleezugh: sumusobra ka na


@z.estofresia: two points na siya habol ka




Reply niya kay Aleeza na nireplayan ko ng naka-all caps na tawa. Itinabi ko na ang aking phone at nilingon si Alistaire na abalang inaayos sa isang pwesto ang bike. Nang makatapos ay dumiretso ito sa kanyang kwarto. Ganoon din ako.





Ang printed papers agad ang aking inabot sa lamesa at bago pa ako makapagsimulang basahin iyon ay nag-vibrate na naman ang phone ko.



@staireraej: a pineapple?



He replied to my Instagram story.



@lexilinediaz: puro kasi mata ang pinapakita mo 👀




Matapos ko siyang replayan ay nag-send ako ng screenshot ng contact name niya sa'kin: Pinyaple. Mayamaya'y nag-send din siya sa'kin ng screenshot, showing my name in his contacts, too: Parrot.



@lexilinediaz: alam ko na ipapangalan ko sa anak natin




Obviously, I'm talking about the husky prize he gave me.




@staireraej: ano



@lexilinediaz: papin


@staireraej: ???



@lexilinediaz: mary papin
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA



@staireraej: heLp-




Malakas akong tumawa lalo. Last chat ko na ang haha react ulit at pinatay na ang phone ko para makapagbasa na. Sana makatulog siyang masaya dahil sa joke ko.


⚖️

Days has passed and we're finally heading back to my hometown to celebrate the holidays. As usual, sa tuwing bumibisita kami ay si Ali agad ang unang sinasalubong ni Liam. Naroon na rin ang mga kaibigan ko sa bahay. Only there are three missing.






Agad kong ibinaling sa ibang bagay ang aking atensyon. "Merry Christmas!" bati ko sa kanilang lahat. Inalok na rin kami nila Ate at Kuya ng handa habang isinasalansan namin ni Ali ang regalo namin sa kanila sa ilalim ng Christmas tree.






And before anything else, isa-isa ko na ring pinakilala ang mga kaibigan ko kay Ali. "Uhm, again, this is my family. Kuya Lei, Ate Liza, and Liam," sabi ko sa kanya na para bang ngayon ko lang siya dinala rito. "At itong mga bakulaw naman ang mga kaibigan ko." Turo ko sa kanila.





"This is Gianna," I started with her. Parehas silang nakabantay ni Gabby sa shanghai. "Hello po," bati niya habang masayang kumukuha ng pagkain.





"Nice to meet you. Eat well." Tango ni Ali sa kanya.




"Ito naman si Gabrielle. Cook namin 'to! Silang dalawa nga rin pala ni Ate ang nagluto ng handa ngayon sabi niya sa'kin sa chat kanina. Tawagin mo na lang siyang Gabby. Gabby siya kahit may araw," punchline ko kahit corny.





"Hi po! Gabrielle lang walang 'la' sa dulo at hindi Silang ang apelyido," sabi naman ni Gabby kay Ali.





"That is Deborah." Turo ko sa kanya na abalang nilalagyan ang plato ni Liam. "Future veterinarian namin siya. Sa kanya ko itatakbo si Papin kapag may sakit," seryoso kong sabi na para bang totoong aso ang tinutukoy ko.





"Papin? May alaga ka?" Kunot ang noo ni Debby nang tignan na niya ako.





"Oo, husky," seryoso kong sabi ulit. Nalingon ko si Ali at nagpipigil siya ng tawa. Ganoon din ako. "Talaga, Ate?" tuwang sambit naman ni Liam na tinanguan ko. "Naroon sa bag ko, tignan mo," sabi ko pa sa kanya at dali-dali siyang tumakbo ro'n habang may bitbit na stick na may hotdog at marshmallows.






"This one?" Balik ni Liam sa amin, looking so disappointed when he realized. Tumawa lang ako ulit. Gustong-gusto niya kasi kaming mag-alaga ng aso. We had one before but we need to give it away because he's allergic.




"Papin? Bakit Papin?" Nilingon ni Debby ang hawak ni Liam.




"Pinagsamang parrot at pinya. Papin!" I proudly said.





"Baliw ka talaga, Ate Lexi." Napailing-iling na lang si Debby. Binati niya na rin si Ali at inalok ng pagkain.




"At ang mga 'yon naman ay sila Jewel at Solene." Turo ko sa gawi nila. Namimili sila ng kanta para sa karaoke. "Iyong matangkad, si Jewel. Iyong may ribbon ay si Solene."





"06102. Ayan! Go on, go on!
Leave me breathless!" Pagkanta ni Solene saka niya nilingon si Ali. "Hello po, Kuya! Welcome to the fam po!" Kaway pa nito sa kanya at ganoon din ang ginawa ni Ali.





"Hello po! Sana kayanin mo kadaldalan ni Ate Lexi." Tawa ni Jewel nang malingon niya na rin si Ali. Matapos ko silang ipakilala ay nagsimula na ang selebrasyon ng pasko namin. Nang pumatak na ng alas dose ay saktong tumawag si Keira.





[Keira: MERRY CHRISTMAS!] bungad niya sa'min. Malakas ang tugtog mula sa kabilang linya, ganoon din dito kaya nagsisigawan kami para magkarinigan. Itinutok ko na rin kay Ali ang phone upang ipakilala sila sa isa't-isa sa pangawalang pagkakataon.



"Alam mo ba ang The Bar na alak?" sinimulan kong bumulong kay Ali. He leaned closer to me so he could hear. Tumango rin siya bilang sagot. "Kung alak si Keira, The Bar siya. Maganda pero nananapak." Tawanan namin ni Ali.





[Keira: Naririnig kita, gago ka. Anyway, Jewel!] Tawag nito kaya itinutok ko sa gawi nila ang camera. Lumapit naman ro'n si Jewel upang marinig siya. "Oh?!" malakas ang kanyang boses dahil sa mikroponong hawak.





[Keira: Enter mo nga: 'Di ko na mapipigilan by Sexbomb.]





Kinuha ni Jewel ang songbook at remote at inilagay nga iyon. Alam na alam na niya kung saan hahanapin kaya mabilis na lang. Nagkakantahan din sila Keira sa bahay ng Kuya niya kaya may hawak din siyang microphone. Itinutok ko siya sa TV nang magsimula na ang kanta niya. Grabe ba, ginawa akong monopod!






Sa ingay naming pamilya at magkakaibigan, ewan ko na lang kung hindi pa namin mapaalis mga masasamang espirito sa bahay. Habang naghihintay sa kanta ko ay naisipan ko munang magpahangin sa labas. "You okay?" Lapit ni Ali sa'kin na hindi ko namalayang nariyan na pala sa likod ko.




"Hmm-mm." Aking pagtango.




"You waited for her to call, didn't you?"





Ngumiti lang ako at nagpakawala ng malalim na paghinga. "Well, actually, Jacqueline isn't the only one I'm missing right now."




"There's another?"



Tumango ako. The eight of us will never forget about her, won't we?




"I will be glad to meet whoever it is."




Nang sabihin iyon ni Ali ay pumasok ako sa loob saglit upang sabihan sila na i-text ako kapag kanta ko na ang sunod. Mahaba naman ang pila kaya may oras kaming puntahan siya kahit saglit. Nagsuot na ako ng hoodie at niyaya si Ali. Hindi ganoon kalayo kung nasaan siya kaya nilakad lang namin.






Nang marating na namin ang puntod niya'y nag-alay ako ng pressed-flower; sunflower iyon dahil iyon ang paborito niya. "Michelle Gaile Morales." Basa ni Ali ro'n. Umupo na ako sa tapat nito at inalis ang alikabok.



"I'm sorry to ask but what happened?" Upo na rin ni Ali sa tabi ko.



"She died because of kidney failure four years ago. And she never dared to tell us she was sick. Nabalitaan na lang namin bigla na nasa ospital na siya at kritikal na ang kondisyon."




"There are nine of you?"



Tumango ako. "Ako, si Jaja, si Keira, si Gian, Gabby, siya, si Debby, si Jewel at Solene." I counted us on my fingers. Nine, it'll always be nine of us, always.
Tahimik ang pagitan namin ni Ali nang bigla niya akong haplusin sa likod.





"Mitch, ito si Ali. Nagkakilala kami no'ng niligtas niya 'ko sa mga masasamang kamay," I talked to the tombstone as if it will talk back. "Alam mo ba, sobrang tahimik niya. Sana kapag hindi siya okay ay magsabi siya sa'kin. Handa naman akong makinig. Kung may pinagdadaanan siya, pwede siyang lumapit sa'kin."





Nilingon ko si Ali, pero bago 'yon ay nakatingin na siya. "Sana maging komportable siya sa'kin."




Ngumiti lang siya nang magtama ang mata namin. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa'king likod kaya inihiga ko na ang aking ulo sa kanyang balikat. Doon na rin naman papunta ang posisyon namin. "Dahil kaibigan niya 'ko..." Pagpikit ko. May nakatakas na luha na agad ko ring pinunasan.




"Oo nga pala, Mitch! Ninang ka na!" I immediately distracted my thoughts. Inalis ko na rin ang ulo ko sa pagkakasandal sa balikat ni Ali.


"And my friend's taking good care of your friend, too," ani Ali. Mayamaya'y nag-text na sa'kin ang mga kaibigan ko dahil malapit na raw ang kanta ko sa karaoke. Tumayo na kami ni Ali at nagpagpag saka umuwi.






Mabilis lang kaming nakarating at nasa pinto pa lang ay naririnig ko na ang intro ng kakantahin ko. Kinuha ko agad ang mic kay Debby at sinimulan ang unang linya. "We were both young when I first saw you..." Agawin niyo na lahat ng kanta sa karaoke, 'wag lang ang Love Story ni Taylor Swift ko!






Tinodo ko ang pagkanta nang mag-chorus na at sinabayan nila ako. Nalingon ko rin si Ali na sumasabay ang ulo sa tugtog. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa'kin. Ganoon din ako. Parang may kung ano akong naramdaman matapos no'n.

⚖️

"Matulog ka na, Liam! Sige ka, kapag hindi ka natulog ngayong hapon, hindi ka magigising mamayang gabi para mapanood ang fireworks." Habol ko sa kanya at nang mapagod ay naupo na lang ako sa sofa. Pero hindi rin nagtagal nang may mag-doorbell.






"Happy new year!" Bungad sa akin ni Keira nang matapos siyang ihatid ng kuya niya rito. "Namiss kita! Kamusta ka?" Yakap ko sa kanya bago papasukin.






"Ah, ayon, maayos naman. Marami lang pinaghahandaan."






"Eh, ang trabaho mo?"






Ang tagal niya bago sumagot. "Okay din naman. Maayos naman ang boss ko," tunog alanganin pa siya ro'n pero hindi ko na pinansin. Naikwento niya rin sa amin ang tungkol kay Joaquin. Sikat na karerista pala 'yon. Hindi ko lang kilala dahil labas naman sa interes ko ang mga kotse-kotse.







I even told Alistaire about it and he knows him. Gulat ako ro'n dahil nagkita na sila isang beses pero parang wala man lang siyang reaksyon! He's even a fan! Kung ako 'yon, baka nagtatatalon na 'ko sa sobrang saya. He even knows Keira's brother, Kenzo Monteza, and yet wala siyang reaksyon nang makilala niya ang kapatid nito.








Hindi man lang din siya nagulat nang malamang magkaibigan kami! Iyong totoo? Robot ba 'to o tao? Ay, wala pala sa options. Pinya nga pala siya.





"Huy, Keira! Nandito ka na!" ani Gabby nang makabalik na sila ni Ate Liza galing palengke. Sila ulit ang magluluto ng handa para mamaya. Ang iba ay mamaya pa susunod dahil nag-aasikaso rin. "Grabe, miss na miss niyo ba 'ko? Isang holiday lang naman ako wala," mayabang na sambit ni Kei.






"Oo, miss ka namin! Sakto ikaw na ang nakatokang maghuhugas," sabi ko.




"Anong ako?!"




"Si Gian ang naghugas no'ng pasko, 'no! Alphabetical! Aranzado, Diaz, Dizon, Manzareno, Morales, Monteza! Oh!" Pinakita ko sa kanya ang aking mga daliri, kunyari na lang na nakasulat doon ang apelyido namin. Ganoon na talaga kami simula high school. Kapag bibisita kami, alphabetical kung sinong maghuhugas para walang away.






"Ate Liza, 'wag niyo po damihan ang pagkain!" ani Keira kanila ate na nasa kusina. Tumawa na lang ako at binalik ang atensyon kay Liam. Kung kanina ay hindi siya matigil katatakbo, nadatnan ko na lang siyang tulog sa ilalim ng Christmas tree. Kaya pala tumahimik.





Binuhat ko siya papuntang kwarto nila Kuya Lei at inayos ang higa ro'n. Doon na rin kami nagkwentuhan ni Keira at medyo nagugulat ako sa mga nalalaman ko. Hindi ako masyadong babad sa Facebook at Twitter kaya hindi ako updated sa issue nila no'ng Joaquin. May ganoon pala bago siya maging empleyado no'n!







"Kaya ka pala nawala no'ng nag-inuman, ah!" Hampas ko sa kanya ng unan. "Inuwi ka na pala sa mansyon!"





"Bakit?! Inuwi ka rin naman ng iba, ah! Meet the fam na nga ang status niyo!" Hampas niya sa'kin pabalik.






"Ibang usapan 'yong akin, tanga!" Hampas ko muli. Tapos ang tanga niya pa lalo! Nakapunta na siya ro'n isang beses pero hindi niya namukhaan ang lugar kaya no'ng nag-apply siya ro'n, halos manlumo siya sa katangahan niya! Late niya na lang na-realize. Pero at least, mabait ang boss niya. Ganda pa ng benefits, pinatira siya ro'n.





Naawat lang kami kakahampas ng unan sa isa't-isa nang pumasok si Gabby. "Nag-seen si Jaja sa group chat!" aniya.






"Talaga?! Anong sabi?!" Tumakbo ro'n si Keira upang tignan ang phone ni Gabby. "Ay, seen lang. Kahit private message sa'yo, wala?"






"Wala. Kahit no'ng Christmas wala rin siya, ah. Tinatawagan natin, ayaw mag-join sa call. Nakakatampo. Ayos lang ba siya?" Nahiga na lang si Gabby sa tabi ko habang ako ay nananahimik.







Gusto ko na sabihin sa kanila ang alam ko pero wala ako sa posisyon para gawin iyon. Mas mabuti na kay Jaja mismo manggagaling. Para maiwasang mapagusapan, niyaya ko na lang silang tumulong sa paghahanda para sa bagong taon. Isa-isa na ring dumating ang iba. Si Ali ay mamayang gabi pa dahil magkasama sila ni Dox. Ewan ko lang kay Yvo.





Mula umaga hanggang sa tuluyan nang mag-gabi, maingay ang buong paligid namin, kahit sa labas. Kahit hindi pa alas dose ay may nagpapaputok na rin. Habang inihahanda ang pasta para sa carbonara ay tumunog ang phone ko, showing Alistaire's text message. Hindi ko talaga maiwasang matawa kapag nakikita ko ang contact name niya.




💌 From Pinya:
Omw



🗨️ To: Pinya
Ingat miss ka na ni liam


💌 From Pinya:
Miss him too



🗨️ To: Pinya
Eh ako?

HAHAHAHAHA


💌 From Pinya:
:)




What? Iyon lang? Ngumuso ako at hindi na siya nireplayan. Hindi naman kasi iyon ka-reply-reply! Talong-talo ako kay Liam. Minsan kapag nagvi-video call sila, inaabot sila ng dalawang oras! Kuya Ethan, siya yata ang totoong kapatid rito, hindi ako!




⚖️

Nosi Ba Lasi, Sirena, Upuan, Into the Unknown, Let it go, at marami pang iba. Sunod-sunod agad iyon sa karaoke nang maupo na kaming lahat sa sala dahil tapos na ang paghahanda. Nangunguna si Keira at Jewel sa kantahan. Hati pa sila, rap part madalas ang kay Jewel. Sinusubukan naman ni Kei pero maigi nang huminga na lang siya ng matiwasay.






"Malapit na mag-alas dose!" sambit ni Gabby nang tignan niya ang orasan.






"Akyat na tayo sa rooftop niyo, Ate!" yaya na ni Gian. Nagtungo lang kami ro'n nang matapos na nila Keira at Jewel ang kanta nila. Mamaya na ko sasabak. Nang makaakyat kami sa rooftop ay inabutan kami ni Ate Liza ng lusis.






"Three minutes na lang!" sabi ni Gian.





"Hello! Happy new year!" Habol ni Solene sa amin. Ngayon lang din siya nakarating. "Baka sumaglit lang ako, ha! Tumakas lang ako, eh."





"Hala, bakit?" tanong ni Gabby.





"Papa mo, 'no?" hula ni Debby.





Saglit na natawa si Sol. "Oo, lasing na lasing na. Nagsisisigaw nga bago ako umalis. Hindi naman niya 'ko nakitang lumabas."





"Mapahamak ka pag-uwi mo," nag-aalalang sabi ni Keira.






"Hayaan niyo na. Ayoko rin naman mag-celebrate do'n dahil naroon siya. Papalipas muna ko ng oras dito. Oo nga pala, Ate Lexi, kasabay ko lang si Kuya Ali dumating," pag-iiba niya agad ng usapan. Nang sabihin iyon ni Sol ay saktong narinig ko na ang boses niya paakyat dito kasama si Kuya Lei.






Parang may kung anong gaan akong naramdaman nang makita na siya. Tumakbo ako agad sa kanya at inabutan siya ng lusis. "Akala ko hindi ka na makakaabot sa countdown."





"You missed me?" biro niya.





"Parang mali ka yata ng pinagtanungan. Kay Liam dapat 'yan." Hindi ko na siya pinagsalita pa't hinila na siya papuntang gitna at sinabayan ang ibang magbilang.






"10... 9... 8... 7... 6... 5... 4..."

Three... Two... One... "HAPPY NEW YEAR!" sabay-sabay naming sambit. Nagtunugan na ang mga torotot at kawali, nag-paagaw pa ng barya si Kuya Lei. Mas lalong lumakas ang tugtugan, at higit sa lahat, ang pinakainaantay ng lahat...






The colorful fireworks filled the night sky. I turned to Ali in the middle of watching it. Nang maramdaman ang tingin ko ay saka niya rin ako nilingon. "Happy new year, Lexi." Ngiti nito sa'kin. He even did a little fist bump with my hand.





"Happy new year, Art." There I finally said it. The nickname I thought of when I was looking at his height measurement at the condo. Art, short for Alistaire Raegan Tejeros, my mysterious, always a knight in black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top