5

Bigat na bigat ang pakiramdam ko hanggang sa makarating na kami sa condo ni Ali. Nag-samgyupsal lang naman ako pero ang dami kong nalaman at parang doon pa ako nabusog. Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay tinignan ko agad ang Facebook ni Jaja. Tulad ng inaasahan ko, naka-deactivated na iyon. Kahit ang Instagram niya.





I tried to look at her Twitter account pero naka-locked na iyon. Nakakapagtaka lang dahil naka-unfollow na ako sa kanya, o kaming lahat ay inalis niya sa account niya? Tanging isang following at follower na lang ang naroon. I tried texting her so she can read it fast.




🗨️ To: Jajabells
Beeee

nandito na ko sa condo

paramdam ka naman oh

hindi ka na nagchachat samin
matapos ang birthday ni kei ah

ayos ka lang ba?


Pinunasan ko agad ang aking pisngi nang may pumatak na luha ro'n. Mabilis mag-reply si Jaja kahit kanino sa amin pero ngayon kahit tuldok ay wala akong natanggap. Kahit sa group chat namin ay hinahanap pa rin siya. Ang huling message niya pa ro'n ay iyong nakauwi na siya. That's it, no further details.


"Water?" Naalis ang mata ko sa phone nang alukin ako ni Ali ng maligamgam na tubig. "Hoping your friend will be fine." Naupo siya sa tabi ko. "It's getting late already. Hindi ka pa kumakain."


"Busog pa 'ko. Hindi pa tunaw ang samgyup na kinain ko, eh."




"Lexi."




Obviously, he don't believe me. Natahimik ang pagitan namin hanggang sa mapatakip na lang ako ng mukha dahil hindi ko na napigilan. Iniisip ko kung ano na ang sitwasyon ni Jaja ngayon knowing how bad her mom treats her.



"I'm sorry..." mahinang sambit ni Ali.




"P-pwede ba akong makisuyo?"



Tipid siyang tumango sa'kin.



"Pwedeng pakisabi kay Yvo, balitaan niya ako sa nangyayari?"



"Makakarating."




"S-salamat." Punas ko ulit sa aking pisngi. Pinapatahan ko na rin ang aking sarili.




"You, uhm... I'm not good at comforting..."




"Ayos lang."



"Do you want a h-hug?"




"Huh?" Napalingon ako sa kanya dahil sobrang hina ng kanyang pagkakasabi at hindi ko naintindihan o baka dahil mas nangingibabaw ang tunog ng sipon ko.




"I'm asking if you want a h-hug?"




"Totoo ba? Gagawin mo?" Well, he doesn't look affectionate to me to be honest.




"Kung gusto mo lang naman-" Hindi ko na siya pinatapos at inunahan ko na. Ako na kusang yumakap, at muli, bumagsak na naman ang aking luha. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa'kin, trying to comfort me.




Jacqueline, hope I can hug you, too, this time...



⚖️

Mabigat ang aking mata nang magising. Pangalawang umaga ko na ito sa condo niya. Una ay iyong iniligtas niya 'ko at dito ako pinatuloy ng isang gabi. "Morning," bati sa'kin ni Ali nang mapuntahan ko na siya sa kusina. I smiled at him as a respond.





Sabay kaming nag-almusal at nag-asikaso ng sarili. Nang maging okay na ang lahat ay hinatid niya na ako sa university. "Anong oras ang out mo?" tanong niya nang makalabas na 'ko ng sasakyan.





"7 p.m. tuwing Lunes."



"Okay."



"Susunduin mo 'ko?"


"Ayaw mo?"



Ngumiti na lang ako. Bakit pa ba 'ko nagtatanong na obvious naman ang sagot? "Sige, see you! Ingat ka! At galingan mo sa school!" Kumaway ako habang unti-unti nang tumataas ang bintana ng sasakyan niya.





"Hoy! Sino 'yon?!" Salubong sa akin ni Fresia nang makatapak na 'ko ng campus.



"Uh-"



"Naka-jackpot ka ng may car, ha! Perfect 'yan!" ani Aleeza, halatang kinikilig.




"Iyon ba 'yong nasa Instagram story mo?!" tanong muli ni Fresia.



"Hala, don't tell me, si Alistaire 'yon?! 'Di ba sabi mo, sa condo ka na niya pinatuloy?!" nagtanong na rin si Aleeza. "Kung ganoon, hindi na ko nagtatampo na mas pinili mong 'wag na sa dorm ko," dagdag niya pa.





"Nahanap mo na Facebook niya?" pangatlong tanong na ni Fresia.




"Teka, isa-isa lang!" Awat ko sa kanila. "Mamaya niyo na 'ko lunurin sa tanong, okay? Pumunta muna tayo ng library dahil may tatapusin akong readings," yaya ko sa kanila saka kami nagtungo ro'n. Ngunit imbis na makapagbasa ako ng maayos, I ended up being interviewed.





Ilang beses kaming sinaway ng librarian doon dahil sa hagikgikan namin. Hanggang sa mapagdesisyunan na naming sa classroom na lang mag-chikahan habang wala pang professor. Abala ang lahat sa pagbabasa ng mga cases dahil araw-araw kaming may surprise recitation. Pero itong dalawang kasama ko, wala lang, masaya lang.






"From Maddox Aurelious Heñarez..." Rinig kong basa ni Aleeza sa maliit na kahon na hawak ni Fresia. "Hoy, sino si Maddox?" maintrigang tanong niya na.




"Ah, w-wala. Kaibigan." Agad na iniwas ni Fresia ang hawak niya.




"Hindi ako naniniwala." Tawa ni Aleeza.



"Hindi kita pinipilit," sagot naman nitong isa.




"Two down, one to go ba 'to? One point para kay Lexi dahil mayroon siyang Alistaire. One point sa'yo dahil mayroon kang Maddox. So, ang akin ay sino? Ano? Kamote?" Sandal niya na sa kanyang upuan at huminga nang malalim.





"Sinasabi mo r'yan? Saka mo na kami dramahan kung jowa namin 'yong mga binanggit mo."





"Sus, Fresia! Doon na rin 'yon papunta!"




"Ingay, pota," awat ko na sa kanilang dalawa. Magbabangayan pa sana sila ulit nang saktong dumating na ang unang professor namin. Walang paligoy-ligoy at nagtawag agad siya. Parehas kaming gulat ni Fresia nang isa si Aleeza sa mga pinatayo.





Mabilis na sagutan ang nangyari sa kanilang dalawa ng strikto naming professor pero kahit na ganoon ay nanalo pa rin si Aleeza dahil na-depensahan niya agad ang kanyang sagot. Sa anim silang tinawag, siya ang unang nakaupo.





She flipped her hair when she sat down, obviously teasing us two. "Kaya walang nagtatangkang manligaw sa'yo, ang tapang mo." Tawa ni Fresia.




"Ay dapat lang talaga silang matakot sa'kin, 'no. Future judge 'to."




Kung sino man ang inilaan ni Lord para rito sa kaibigan ko ay dapat prepared ang utak mo dahil malulunod ka sa katalinuhan nito. Strauss Aleeza "hindi madadaan sa kumain ka na ba at hatid-sundo" Rolda.



⚖️

"Malapit na Christmas, and my family's inviting you to come over. Well, only if your calendar isn't fully booked yet," panimula ko habang nasa byahe na kami pauwi ni Ali.





"Sige," iyon lang ang sagot niya pero hindi ko alam kung saan siya sumisige.



"Huh? Anong sige? Sige saan?"




"I'll come over."



"Wala kang ibang ganap sa December 24 at 25 and so on? Hanggang New Year 'yon!"





Umiling siya. "May family gathering sila Dox, and I'm sure Yvo will be celebrating Christmas and New Years with your friend."





"Oh..." Bigla ko na namang naisip si Jaja. Tradisyon naming magkakaibigan na tuwing Christmas eve at New Year's day ay sa amin sila nagsi-celebrate. Maliban na lang talaga kung may lakad din sila kasama ang pamilya nila.





"We can visit her if you want to."



"I don't think it's a good idea."




"How come? It's the holidays. Isn't that the perfect occasion to visit someone?"





"Hindi ako sigurado kung gusto niya ba kaming makita o 'wag muna. Kasi kung gusto niya naman, baka ni-replayan niya na ang text ko kagabi."





"I see. How about your other friend? Iyong pumunta sa condo last time?"




"Si Keira?"



"If that was her name."




"Sa New Year lang siya makakasama dahil doon siya sa kuya niya magpapasko. Ay! Since we're talking about friends, you'll meet them soon! Hindi na rin naman sila magugulat kapag nakita ka na nila dahil naikwento na kita."





"Oh... I'm not good at socializing. Just a heads up."





"Mahiyain ka?"



Tumango siya.



"It's okay. They're harmless. They're also looking forward to meet you even. Saka maiintindihan ka naman nila kung nahihiya ka. It's normal during first meets," I assured him. Well, hoping most of them will show up, though...



⚖️

Wala akong pasok ngayon at bored na bored na ako kaka-scroll sa phone. Wala rin akong energy para magbasa-basa. Lumabas na lang ako ng kwarto at dumiretso ng kusina upang kumuha ng mangangata. Mabuti na lang at nakapag-grocery kami ni Ali no'ng isang gabi.





Hinanap ko siya at natagpuan sa sala. One of the usual views of mine of Alistaire Raegan, he is always in front of a book kung hindi man laptop. Sumandal ako sa pader kung nasaan nakasulat ang kanyang height measure at pinagmasdan siya.





Ilang linggo na ako rito pero wala pa ring progress ang friendship namin. Ang hirap niya pa rin kausapin. He doesn't look intimidating at all but there are times that I feel nervous approaching him.




"Anong binabasa mo?" Lapit ko na sa kanya. Napahawak siya nang mahigpit sa libro nang magulat ito sa aking boses. Parang muntik pa nga yata siyang tumalon mula sa kinauupuan.




"What do you want?" He glared at me.




"Wala naman. Bored lang." Saka ako naupo sa kanyang tabi. Ngunit bigla siyang naupo sa sahig, nakapatong na ang libro sa maliit na center table. Grabe! Para akong virus na iniwasan niya bigla ro'n, ah!





"Kalma, hindi kita kakainin," sabi ko na lang.




"Your food and drink might spill on my book and I'm not gonna let that happen," aniya, hindi na ako nilingon.




"Sungit mo naman. Hindi ka ba nabo-bored?" Itinabi ko saglit ang aking kinakain at dumapa sa couch. "Kain ka muna, boss," alok ko.




"No, thank you. Baka kulang pa sa'yo 'yan."




"Suit yourself." Tumihaya ako at nakatingin na ngayon sa kisame, pinagmamasdan ang chandelier habang maraming iniisip. I have so many random thoughts that I want to share with him. Nilingon ko ulit siya. Mukhang kapag nagsalita ako ulit ay ihahampas niya na sa'kin ang librong hawak niya. Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga.




"Can you breathe silently? Please?"




Inulit ko ang aking paghinga, pero mahina na. Masunurin naman ako.




"Thank you."




"Are you always like this with your friends?"




"Like what?"



"Masungit ka rin ba sa kanila?"



"Hindi."



"Sa akin lang? Masyado mo naman akong favorite. Iisipin kong gusto mo 'ko niyan," biro ko.




"I don't have plans on liking you."




"Hindi rin naman kita type." Dumapa ako muli.




"And so am I." Saka ito humarap sa'kin at gulat ko na lang nang makitang sobrang lapit na ng kanyang mukha sa'kin. Agad siyang umiwas nang mapagtanto ang posisyon namin. Nakatalikod na siya sa'kin ulit. Parang saglit na napatigil ang paghinga ko ro'n!






I sat properly and thought about something that would make the awkward silence between us go away. "Criminology? Magpu-pulis ka?" Nakita ko ang title ng libro niya at nagtanong na naman ako ng obvious na ang sagot. Of course, I know he's taking criminology! Nakikita ko ang uniporme niya araw-araw! Pero bahala na, hehe.





"Hindi, kriminal."



"Ay, gago ka pala."



I saw him laugh a little. Pinigilan niya pa iyon. O, 'di ba?! Kahit ang tanga ng dahilan ko, at least napaalis ko ang kakaibang hangin na namagitan sa'min. Mayamaya'y itinabi na niya ang libro saka tumayo upang kumuha ng helmet. Dalawa iyon at inabot niya sa'kin





"Saan tayo?"


"Bike."


"Ngayong gabi?"



"Bukas ng madaling-araw."




Natawa ako. Aba, aba! Marunong na siyang sumagot pabalik, ah! Nahahawaan ko na ba siya? Kung ganoon, edi may progress ang friendship namin! "Hindi ako marunong mag-bike!" Iyon na lang ang nasabi ko. Inaangkas lang ako palagi ni Keira noong bata kami.





"Is that so..." Napatingin siya sa may pintuan, mayroong dalawang bike doon. Isang itim, isang puti. Bike siguro nila 'yon ni Kuya Ethan. "Angkas ka sa'kin, may pupuntahan tayo, and to get rid of your boredom."





"Okay, tara!" Tumayo ako agad at sumunod sa kanya. Pinagsuot niya rin ako ng sapatos, pants at long sleeves for safety. As usual, tuwing lalabas siya ay palagi siyang naka-mask at nakasuot ng itim na damit. Itim pa ang kulay ng bike kaya lumilitaw ang baby pink kong suot.






"Sigurado ka na bang d'yan ka hahawak? Baka mamaya 'pag lingon ko sa'yo, wala ka na r'yan," aniya nang maupo na 'ko sa angkasan at doon din kumapit.





"Bakit? Mabilis ka ba magpedal?"



"Medyo."




"Ah, ayos lang ako rito. Mahigpit naman ang pagkakakapit ko." Nahihiya lang talaga ako humawak sa kanya! Tumango lang siya saka kami umandar. Hindi nga siya nagbibiro, mabilis nga. Nang may makasabay kaming truck ay saka ako napakapit sa kanyang bewang.





"S-siyam ba buhay mo?!" Mahigpit na ang kapit ko sa kanyang damit.




"Minsan."





Amputa... Hindi niya man lang ako pinadaanan ng orientation at sinabak niya 'ko agad dito! Mas nakakatakot siya mag-bike kaysa kay Keira! Mama!





Nakahinga lang ako ng maayos nang makarating na kami sa aming destinasyon. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran nang makababa ako sa angkasan. "Papatayin mo 'ko sa takot! Bwisit ka! Feeling pusa!"





Tumatawa lang siya habang hinahaplos ang parteng kinurot ko. Madulas ang kanyang damit kaya paniguradong hindi iyon masyadong masakit. Parang lumalaban na siya sa pang-aasar sa'kin, ah?





Inilibot ko na ang aking paligid at napagtantong nasa park kami. Sa hindi kalayuan ay mayroong perya. Agad ko siyang hinila papunta ro'n upang maglaro. "Two players, oh! 'Pag natalo ka, sasakay tayo ng ferris wheel," hamon ko sa kanya nang iabot ko ang isang baril na laruan.







Nakatayo na kami ngayon sa tapat ng shooting range kung saan maraming stuffed toys ang nakasabit sa paligid. Ang rule ng laro ay paramihan kami ng matatamaang maliliit na sundalo.




"And what if I don't lose?"



"Don't be so confident."



"You're challenging a criminology student on games like this?"





"Why? You think a law student can't shoot?" Taas-noo kong sambit saka niya ako nginisihan. "If you lose, we're going to ride that." Turo niya sa malaking barko na hindi ganoon kalayo sa ferris wheel.





"Game!" Tinanggap ko agad ang hamon niya saka kami nag-abot ng bayad. Mayroon kaming tig-tatlong minuto para matapos iyon. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Ali at ma-pressure nang makitang mabilis niya lang natamaan ang mga maliliit na laruan sa loob ng iilang segundo lamang.





"... and one," ani Ali sabay tumunog na ang timer. Binilang na ng nagbabantay kung nakailan kami. Alistaire took down 32 toy soldiers while I only took down 26. "Pwede na po kayong mamili, Sir. Paalala lang po, isang premyo lang kada panalo," sabi no'ng nagbabantay.




Tumango si Ali saka ako muling nilingon. "What do you like?"





"Huh? Ikaw ang nanalo, ah? Bakit ako ang tinatanong mo?"




"It's for you."





"Sure ka?" Pinaningkitan ko siya ng mata.





"Please, I'm not a fan of these... Though it's cute." He chuckled.




Okay, sabi niya, eh. Nagsimula na akong mamili hanggang sa makuha ng isang malaking husky na stuffed toy ang aking atensyon. "Cute no'n." Turo ko kung saan iyon nakasabit.




"You want that?"



Masaya akong tumango. Iyon ang itinuro ni Ali sa nagbabantay saka ito inabot sa'kin. Agad ko iyong niyakap ng mahigpit. "Thank you. Tara na't bumili ng dog food para sa bago nating anak." Hila ko na sa palayo sa shooting range.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top