2

Apat na puting sulok na nakakaburyo tignan ang bumungad sa'kin nang tuluyan ko nang maimulat ang aking mga mata. Parang pakiramdam ko ay galing ako sa masamang panaginip. Agad akong napabalikwas nang makita ko ang buong paligid.




Shocks, p-patay na ba 'ko?!






"You're aw—"


"Ahh!" Nang may marinig akong boses ay agad kong kinuha ang lampshade sa side table at inihampas iyon sa ulo ng nagsalitang iyon. Nang masilayan kung sino ang aking nasaktan ay agad akong nag-sorry.





"Wow, good morning ha," sarkastikong sambit ni Alistaire.





"S-sorry. Nagulat lang ako! K-kanina ka pa ba r'yan?"





"Magdamag akong nasa tabi mo," sagot niya habang hinahaplos ang kanyang ulo dahil sa sakit ng aking pagkakahampas. I even checked the lampshade at mabuti na lang ay ayos pa.






"Lumabas lang ako saglit kanina at kababalik ko lang." Inayos niya ang kanyang buhok at huminga nang malalim. "Glad you're okay." May inilapag siyang supot sa side table.





"A-ano raw ang sakit ko?"




"Wala kang sakit. Malalim lang ang sugat mo gawa ng bubog."




Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig kong wala akong sakit. Pero agad na napawi nang mapagtanto ang kanyang huling binanggit. "Teka, bubog?"




Tumango siya.




"Bubog?!"



"Oo nga. Bingi ka ba?" kalmadong-naiinis niyang sagot. I pouted my lips at sumandal na sa headrest. Baka dahil 'yon sa sirang bintana na dinaanan ko kagabi. Iyon yata ang naramdaman kong daplis at sa sobrang abala ko sa pagtakas ay hindi ko na iyon pinansin. Mabuti na lang at hindi iyon tama ng bala.





"Kumain ka na." Saka ko lang nalingon muli si Alistaire nang ilapag niya na sa harap ko ang pagkain. Saka siya nahiga sa mahabang upuan na katabi lang din ng side table.







"Sabayan mo 'ko." Hindi niya 'ko pinansin kaya mahina kong ibinato siya ng unan. Hindi siya nagalit bagkus niyakap niya pa iyon.






"Hindi ka ba nagugutom?"




Hindi niya ako ulit pinansin.




"Alistaire—"



"Just call me Ali." Putol niya sa'kin. Sumuko na lang ako at bumuntong-hininga. "Sungit," bulong ko na lang sa aking sarili nang simulan ko na rin ang aking pagkain. Nilingon ko siya muli at mahimbing na siyang natutulog.
Mukhang pagod na pagod siya kababantay sa'kin.







I didn't eat all the food and left some fruits. Saktong may nakita akong papel at ballpen sa side table kaya sumulat ako . Pagkatapos ay inipit ko sa kanyang mga daliri ang maliit na papel. Wala na akong ibang magawa at nakatulala na lang, iniisip na kung paano ko tatanawin ang utang na loob sa kanya.





I don't have anything with me either. Nag-aalala na rin ako para sa mga kaibigan at pamilya ko dahil hindi pa rin ako nakakauwi sa'min. Gulong-gulo ako sa mga nangyari kagabi. Ginugulo rin ng babaeng iyon ang utak ko. Nakaramdam na naman ako ng takot habang naaalala ang kanyang mga sinabi.






Kasabay ng pagpikit ko ang pagtulo ng aking luha habang may dasal na kasama sa aking puso't isip, na sana ayos lang ang lahat. Na sana nga panaginip lang ang lahat ng iyon.



⚖️

"Welcome," ani Ali nang makarating na kami sa condo niya. Nilibot ko ang aking paningin. Ang aliwalas tignan ng paligid, colors of white, black, and blue. Mayroong mga libro, malaking TV, at iilang board games. Mayroon pang darts. Hm, he might be into games, I guess.


"Uhm, this is uh, your brother's condo," aniya muli dahilan para mabalik sa kanya ang aking atensyon.




"Condo ni Kuya Ethan?!" gulat kong sambit. I mean, alam kong may condo siya pero ni isang beses ay hindi ko pa iyon napuntahan. Ngayon lang! Sa sobrang daming inaasikaso ni Kuya sa trabaho ay hindi na niya kami maipasyal sa lugar niya. Ang tanging nakapunta lamang ay si Kuya Lei.




Tumango si Ali.




"Hindi niya pa kami nadadala rito bukod kay Kuya Lei. How come he didn't know you?"





"I asked Ethan not to tell anything about me."





"So... Sa tuwing pupunta rito si Kuya ay nagtatago ka?"




Tumango siya ulit. "O umaalis. Depende."






Muli kong inilibot ang aking paningin, kinikilala ang bawat parte o sulok ng lugar. "I'm curious, bakit ayaw mong ipakilala ang sarili mo—" Lingon ko muli kay Ali ngunit wala na siya sa pwesto niya kanina. Pero hindi rin naman nagtagal at bumalik siya, may dala ng damit. "Sorry, I don't have any women's clothes here."






"Don't worry, I'm going home soon."





"In that case?" He looked at me from head to toe. "I want to give you back to your family clean. Baka kapag isinauli kitang ganyan ay mapagbintangan akong may ginawa sa'yo."





"Ako ang bahal—"




"Please, take a shower." Abot niya pa sa'kin ng twalya. Dahan-dahan na lang akong tumayo at tinanggap ang inaabot niyang damit. At ganoon na nga ang nangyari, naligo na nga ako. Mukhang aabutin lang ng ilang oras dahil magpapatuyo ako ng bra at panty. Hindi ko naman hahayaang pati brief niya ay isusuot ko.






Nang makatapos ay pakiramdam kong para akong bagong tao. His shirt is too big yet comfortable to wear. Mukha nga lang akong sasabak sa liga. Dumiretso ako sa kusina at naabutan siyang nagluluto ro'n.





Nang maramdaman ang presensya ko'y nilingon niya 'ko. Tumaas lang ang aking dalawang kilay, hinihintay kung may sasabihin ba siya pero wala. Umiling lang siya at nag-focus muli sa kanyang ginagawa. Naupo na lang ako at nanahimik habang inililibot muli ang paningin.





Hanggang sa may mapansin akong mga sulat sa pader. It was Ali's height measure, how cute. Sa pinakatuktok ay may nakasulat na pangalan: Alistaire Raegan Tejeros. "Ang ganda ng pangalan mo," sabi ko, putol sa aming katahimikan pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Sungit talaga. Mapapanisan ako ng laway dito.





Sa pinakadulo ay may nakasulat ang pangalan ni Kuya: Measured by Ethan. "You have a very deep connection with my brother, aren't you?"




"Really."




"I want to know! Tell me more!" Umayos ako ng upo.





"Next time," malamig niya lang na sabi saka inilapag na ang pagkain sa hapag.




"Look, you know him, you know me, he saved you, you saved me. I think it's unfair that I didn't know anything even a single detail about my hero last night," I tried but he didn't budge at all.




"Just eat."




"Hindi mo 'ko ulit sasabayan?" 




"I have places to go."





Napanguso na lang ako. Ayokong maburyo rito. Kung iiwan niya lang din naman ako, at least leave me with something. Aha! "Can I, uhm..."





"Yes?" aniya nang bahagya niya akong lingunin.





"If you don't mind, can I borrow your phone? I just need to contact some people. Promise, I mean no harm." I raised my right palm. "I just need it to tell them that I'm okay." Iwas ko ng tingin.





Hindi naman ako umaasang pahihiramin niya talaga ako pero mayamaya lang ay may inilapag na siya sa harap ko kaya napatingala ako sa kanya.




"I won't be needing it. I don't bring phones with me when I'm out."





Malapad akong ngumiti sa kanya at sa sobrang tuwa ay muntik ko na siyang yakapin. Buti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Nag-shakehands na lang kami bago siya umalis. Nang i-online ko na sa browser ang aking account ay bumungad agad sa'kin ang 100+ messages.





Una kong nireplayan ang group chat naming magkakapatid, sunod kay Keira. Pinaalam ko lang kung nasaan ako. Matapos no'n ay itinabi ko na rin ang phone at kumain.





⚖️

Hindi nagtagal sa labas si Alistaire at nakauwi rin agad. Sa sobrang wala akong magawa kanina ay naabutan niya akong naglalaro ng scrabble. "Hi! May tira pang ulam!" Bati ko sa kanya habang tipid lang siyang ngumiti sa'kin. Dapat na siguro akong masanay.






"Uh, ipapaalam ko lang sana. Pupunta nga pala ang kai—" Hindi ko pa tapos ang aking sasabihin nang may mag-doorbell na. Nagmadali akong buksan iyon saka bumungad sa'kin si Keira. Parang halos maalog ang utak ko dahil sa pagyugyog niya.






Napatigil lang siya nang mapansin niya si Ali sa loob. "Uh,  Ali, si Keira, kaibigan ko. At si..." Tingin ko sa kanyang kasama. Parang nakita ko na iyon isang beses.






"Sorry, I'm Joaquin." Nakipagkamayan siya sa'kin. Saka ako muling napatingin kay Keira, gulong-gulo. "Ano mo?" I mouthed.





"Wala," she mouthed back. Nakatingin pa rin ako sa kanya, hindi naniniwala pero sige na lang. Saka ako nagpatuloy. Pinapasok na rin sila ni Ali sa loob. Kaming dalawa ni Keira ay nakatambay sa balcony at doon ko kinuwento ang lahat tungkol sa nangyari sa'kin habang ang dalawang lalaki ay nasa sala.






Nang sumapit ang alas otso ng gabi ay nagpaalam na rin siya sa'kin. Hindi raw siya pwedeng magtagal. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil bakas na sa mukha niyang nagmamadali siya at kinakabahan.





Naiwan kami muli ni Ali, nagpapanisan ng laway. Kanina pa siya nagbabasa ro'n at ayaw ko naman siyang istorbohin kaya nagtungo na lang ako sa maliit niyang library.




Wala akong magawa at hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong kumuha na lang ng libro. Ang mga gusto kong basahin ay nasa pinakataas ng shelf. Kumuha ako ng upuan ngunit hindi sapat ang taas no'n. I tipped-toed and let my right arms reach for it habang ang kaliwang kamay ay nakaalalay sa'kin. Nangalay na lang at hindi ko pa rin naaabot.





Nang bumitaw ako sa pagkakahawak ay bumagsak ako sa sahig. I went out of balance. May mga iilang libro ring nalaglag dahil nahila ko ng kaunti ang shelf. Later that I knew, Alistaire's already standing at the door. "What happened?" tanong niya sa kalmadong tono.






Tumayo ako agad. "Uh, s-sorry. Hindi ko kasi maabot, eh."





"Why didn't you ask for help?"





"I don't want to disturb you with your reading."





"A little minute getting a book for someone won't hurt my time." Lumapit siya sa'kin at sinuri ang katawan ko. "A-ayos lang ako," sabi ko na lang kahit medyo masakit ang aking siko at likod.




"You got bruised." Hawak niya sa'king braso.



"Ayos lang. Mawawala rin naman 'to."




"We'll put ice on it later. So, what book do you like?" Tingin niya na sa pinakataas ng shelf. I pointed at the romance book and he effortlessly reached for it and gave it to me. Hindi ko alam kung ilan ang height niya pero sakto lang ako sa dibdib niya.






Nang maging okay na ay naupo na ako sa isang tabi. Lumabas siya saglit at nang makabalik ay may bitbit na siyang ice pack. He asked for my arm. Nang idampi na niya 'yon ay napaiwas ako agad dahil sa lamig. "Just stay still," aniya sa hindi tunog masungit. Muli kong inilahad ang braso ko at tiniis ang lamig.





Tahimik na muli ang paligid naming dalawa. Kapag nakakatapos ako ng isa o dalawang sentence ay sumusulyap ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko maiwasan na pati sa kanya rin. Kapag napapatingin siya sa'kin ay ibinabalik ko ang atensyon sa libro.





I tried reading again pero ang totoo ay wala akong maintindihan kahit hindi ko pa nakakalahati ang chapter one. Steel-blue eyes, dark hair, a strong jaw, sakto ang kapal ng kilay, at ang mga labi niya, mapang-akit.





"So, how's the book?"




"Ang pog— posibleng happy ending sila," I panicked! Agad kong ibinalik ang sarili sa wisyo. Nang marinig ko siyang tumawa saglit ay saka ko siya tuluyang tinignan ng diretso, kunot ang noo. "Bakit?" tanong ko.





"They didn't end up together. It's tragic," pang-iispoil niya sa'kin.





"Bakit mo naman sinabi sa'kin?! Wala na! Hindi na thrilling basahin." I closed the book.





"Oh, I thought you're already done reading because you keep glancing at me," he teased.




Nanlaki ang aking mga mata ro'n. "I-I'm not! Feeling!" Umiwas na ako muli ng tingin at iniharang ang buhok sa aking mukha. Huli, Lexi! Bakit ko nga ba kasi siya tinitignan?!






"Feeling?" He scoffed. "Kitang-kita ko kayang nagnanakaw ka ng tingin. Everything you say will be used against you." He laughed.






"Oh, eh, bakit mo rin ako nakikitang tinitignan ka kung gano'n? Tinitignan mo rin ako, 'no? Guilty!" Hindi tayo dapat magpapatalo!






"Ewan ko sa'yo. Ayan, mukhang okay na 'yong pasa mo." Saka siya tumayo. Inabutan niya pa ako ng panyo para ipamunas sa basa kong braso. Palabas na siya ng mini library pero bago 'yon ay tumigil pa siya sa pinto kaya nagtaka ako.





"Ang ganda mo," iyon na ang huli niyang sinasabi bago ako tuluyang iwan. Nagulat ako ro'n at napakagat sa panyong hawak at hindi malaman kung bakit ako natutuwa ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top