Friend
Chapter 2: Friend
Nasa Rose tower ako ngayon, nagmamasid sa buong kagubatan na nasa labas ng wall
Ang rose tower ang pinakamataas na building among all the sights here, ito ay mas mataas pa sa wall na nakapalibot sa kingdom
Ang rose tower ay nasa pinakagitnang bahagi ng kingdom,within the rose tower may isang higanteng bell, it is used to alarm the citizens that danger is coming
Kanina pa ako nagmumuni muni sa lugar na toh..
I'm watching birds glide through the air.. I wish ganyan din lahat ng mga tao, walang problema at namumuhay ng malaya't masaya
[Sana ol]
-Naj ❤
I suddenly heard foot steps from behind me, di rin ako gumalaw dahil alam ko kung sino ang lumalapit saakin
"Hey Lucas, what brings you here?" Walang ganang sabi ko
Lucas is a friend of mine, parati kaming nagbibiruan, he's the only one that makes me smile, I know he's all about nonsense but he's the guy I trust the most...
"Wala lang, angal ka?" Pilosopong wika nya, Tsk pinipikon talaga ako ng kupal na toh eh
Lumingon ako sakanya sabay taas ng isang kilay
"Biro lang naman eh, Taray mo talaga" saad nya sabay gulo ng buhok ko
"Don't touch my hair, Lucas grr" I groaned
"Ok ok chill Princess" nilagyan nya pa ng tono yung pagkakasabi ng Princess sabay bow kumbaga may palda pa sya
"Congrats nga pala Dorothy" naglakad sya sa tabi ko at sumandal sa railing ng rose tower, sinamahan nya akong pagmasdan ang himpapawid
"Thanks Lucas" mahinang sabi ko habang nagsmirk ng konte
"Ano bang gusto mo sa tower na toh?" He asked as he turned his head to face me
"It just feels nice... Atsaka nakikita ko kung may mga nilalang sa forest na nasa labas ng wall".
"Ang hirap mong sundan dito, ilang hakbang ang inaakyat ko para lang mapuntahan ka dito" kinurot kurot pa nya ang pisngi ko habang gumagawa ng kakaibang mga mukha
"Stop it!" Natatawa kong sabi, nakakainis naman tong kaibigan ko eh..
"Gusto lang kita pangitiin, seryoso ka palagi eh" tumingin siyang muli sa himpapawid at pinagmasdan ito gaya ko
"Being a part of the throne is a big responsibility, kailangan kong mag seryoso" seryosong sabi ko as always
"Tara gutom na ako.." Hinila nya ang kamay ko at sabay kaming bumaba ng rose tower
Hayst si Lucas talaga gutom parati
Ilang hakbang sa hagdan na paikot sa tower ay naka baba na kami sa wakas
"Ayun oh! Donuts!" Masayang sigaw nya sabay turo sa isang stall na punong puno nga sa iba't ibang klase ng donuts
Hinila nya akong muli papunta sa stall at saka sya lumamon ng napakadaming donuts
Mga bata palang kami ni Lucas mag kaibigan na kami, pero bago kami naging mag kaibigan di ko sya kinakausap, ilang beses nya akong niyayayang kumain pero umaayaw ako
Ang taba taba nya dati..
bago ko sya pinansin ay dumaan pa sya sa madaming mga pagsubok
I'm hard to get eh, he tried a lot just to get my attention, but only one moment caught it
He was crying kasi naghiwalay ang parents nya.. I was the only one with him, ako lang ang kasama nya sa mga oras na yun
Kaya di na ako nag dalawang isip na kausapin sya at ang unang salita na lumabas sa bunganga ko ay Kupal
My exact words were Kupal ayos ka lang?
Natatawa ako tuwing naalala ko ang mga panahong iyon
"Huy kanina ka pa jan, ito oh donut"
Di ko namalayan na naglalakad na pala kami pabalik sa palace, kanina pa siguro ako nag iisip ng childhood memories namin ni Lucas
"Ayaw mo? Akin nalang ah" binawi nya ang kanyang alok na mag bigay ng donut
"Teka.. Akin na nga yan!" Inagaw ko sakanya ang donut at kinain ko naman ito agad
"Tsk pwede mo naman sabihin. Wag yung nang aagaw ka" sumubo sya ulit ng donut habang nakatingin saakin
"Sorry~~" pacute na sabi ko
"Oo naaaa" ang cute talaga namin dalawa ah no?
Pero there's no time for cuteness when you're a Princess
tsk wag masyadong mag pakasaya Dorothy you have a kingdom to rule, dapat nag papatrol ka ng kingdom, and you're here eating donuts with an idiot
Habang naglalakad kami ay may napansin akong matandang lalaki na nakahiga sa daan, mukhang namimilipit ito sa sakit, anong nangyayare?
"L-lucas!" Tinuro ko ang matandang lalaki, kilala ko ang lalaking iyon.. Importante siya kay Lucas..
Nagulat si Lucas at tumakbo sya ng mabilis papunta sa matandang lakaki, lumuhod sya agad at inilabas nya ang kanyang bracelet..
That bracelet is called the Diah's Bracelet, ito ay ibinibigay sa lahat ng mga tao ng Dynasty, it holds a special ability only given to you, actually it was a special gift from the kingdom of Diah
Ang bracelet na meron si Lucas ay isang bracelet of healing, "Lolo teka lang gagamutin kita" kinakabahang saad ni Lucas habang inilagay nya ang kanyang kamay sa ibabaw ng dibdib ng kanyang Lolo
Umilaw yung bracelet ni Lucas at ang dibdib rin ng kanyang Lolo
Nakahinga kami ng maluwang nung nakitang nakakahinga na ng maayos ang Lolo ni Lucas...
"Lolo naman eh! Sabi sayo wag kang lumabas ng bahay" pagsusuway ni Lucas sa kanyang Lolo, tinayo ni Lucas ang kanyang Lolo
"Oh ija kamusta ka na?" Napatawa nalang kami ng malakas dahil sa inaasal ng Lolo ni Lucas, kahit mukhang namimilipit na ito sa sakit kanina kaya parin nyang magbiro, parang wala lang yung nangyare sakanya kanina
"Ayos lang naman po Lolo Archie" yun nga pala ang pangalan ng Lolo ni Lucas, nung mga bata palang kami ay parati siyang may mga dala na prutas kapag bibisitahin nya si Lucas
Kaya ako na itinuturing best friend ni Lucas nadadamay sa pagkain ng mga prutas ni Lolo Archie
I miss those moments.. Sana maging okay parin ang lahat, maslalo na dahil Prinsesa na ako ng Dynasty..
Naglakad si Lucas papasok ng isang eskinita, dun nakatira si Lucas.. Mahirap lang sila, at ako naman kung turihin ay mala prinsesa, actually I am
"Mag hintay ka lang muna dito Dorothy ah" inaakay nya pa ang Lolo nya papasok sa eskinita, tumango lang ako sa kanyang mga sinabi
May nakita akong malaking bato at umupo ako, nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at nag isip isip lang ng kung ano ano
Tinangay ng hangin ang suot suot ko na cloak, I don't wear gowns or any princessy stuff, pati ang korona ko di ko din sinusuot...
I just a normal vigilant girl...
Napatalon naman ako sa gulat nung may tumulak sa likod ko, Psh si Lucas talaga pabida! Grrr Rawr
"Ikaw ah! Di na nakakatuwa!" Nakakibit balikat ko pang sabi, kumukulo ang dugo ko sayo Lucas wag mo akong simulan
"Ang seryoso mo kasi eh, kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot" sabay kamot ulo niyang sabi, sa sunod sana wag manggulat eh..
Nag snob lang ako sakanya, nakakapikon eh, tumalikod ako sakanya at kunwareng galit
"Wag ka nang magalet Dorothy, Sorry naaa" pacute nya pang sabi, natigilan ako nung niyakap nya ako mula sa likuran
"Hoy anong ginagawa mo kupal!" Nagpupumiglas ako dahil ang higpit naman yumakap ng unggoy na toh
"Sabihin mo munang tinatanggap mo sorry ko" Tsk this dork is intruding my personal space!
"Oo na! Bitawan mo ako palaka!" Hay salamat nakatakas na ako mula sa pagkakayakap nya, toh talagang kupal, nagtataka nga ako kung paano ko toh naging kaibigan
"Wag naman palaka, dami mo nang tinatawag saakin wag lang palaka" naka sad face pa niyang sabi
"Sorry naaa" ang nakasimangot kong labi naging smile na, Ewan ko bah sa lalaking toh, ang galing magpangiti
"Hahahaha geh Okay na tayo" ginulo nanaman nya ang buhok ko, argh sabing wag gagalawin ang buhok ko eh..
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag na wag hahawakan ang buhok ko! Grr Palaka!" Natawa naman sya sa sinabi ko, akala ko ba ayaw nyang tinatawag syang palaka
"Geh na nga, di na ako magagalit kapag tatawagin mo akong palaka" nagsimula na siyang maglakad, sinundan ko naman siya, habang naglalakad ay nakatingin kami sa kalangitan, mag gagabi na, sunset na...
"Naaalala mo ba yung mga panahong gusto kong kainin ang araw?" Natawa kaming dalawa sa sinabi nya, oo nga dati tuwing nakikita namin dalawa ang araw bigla lang syang magsasabi na gusto niya kainin ito
Wierdo talaga tong kaibigan ko
"Oo nga naaalala ko yun, naaalala mo ba na mataba ka?" Napalingon ako sakanya at napangiti saka tumakbo nang napakabilis, ayaw talaga niyang tinatawag syang mataba, ayaw nya talaga yun dahil dati tuwing sinasabihan sya ng mataba umiiyak sya
"Ikaw ah! Humanda ka kapag nahuli kita!" Naghabulan kami hanggang napagod na rin
Another happy day because of this bastard with me...
_______________________________________
Author's note:
Hi guys! Sorry kung may mga typos man sa chapter na toh, hindi ako perfectionist pero kung kayo oo... Edi alis na! Ay charot joke lang naman eh
Hahahaha
Sana po suportahan nyo rin ang unang story ko na Isabella thanks po sa mga nagbabasa kung meron man..
Mwah
-Naj ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top