A Hole on The Wall

Chapter 4: A Hole on The Wall

After that incident kagabi di ko na ikinuwento kahit kanino, both actually.. yung mystery guy and yung mga malalakas na yapak

I'm in the garden just sitting alone, sa same spot lang kung nasaan ako kagabi, near the fountain

Ang sarap ng hangin dito sa garden..

Masyado pang maaga actually, hindi pa ako naka pag breakfast, hindi lang talaga ako makatulog dahil sa mga nangyayari

Natigilan ako sa pag daydream nung may kumalabit sa akin, lumingon ako sa likuran ko at napangiti nalang nung nakitang may dala dalang siyang pagkain

"Ayaw mo ba yan kainin?" Katanungan ko sakanya, alam kong patay gutom si Lucas pero di naman nyang kailangan ibigay saakin ang mga pagkain nya

"Nakailang cakes na ako eh" he said while giving me a big smile

"Salamat" I said coldly as I accepted his piece of cake, mukhang masarap naman eh, may nakapatong na strawberry sa tuktok neto at mukhang malulunod ka sa syrup

"Bad mood? Again.." He raised a brow and sat next to me

"I don't wanna talk about it" walang ganang sabi ko, ayoko talagang ikwento pero he's my most trusted friend right?

"Sige naaaa kwento mo na kung anong nangyare kagabiii" naka puppy eyes nya pang sabi, argh di ko talaga mapigilan sarili ko sa kupal na toh eh

"Hays geh na nga" I turned my body towards Lucas, and huminga ng malalim

"Ok here it goes"

Ikinuwento ko lahat ng nangyare kagabi even though ayaw ko talagang sabihin kahit kanino, mukhang gulat na gulat nga si Lucas eh

"Uyyy may first kiss na sya" pagbibiro ni Lucas, tumingin sya sa leeg ko at pinagmasdan ang kumikinang na rose necklace

"Ito ba yun? Yung bigay nung lalaking yon?" Hinawakan nya ang necklace sa leeg ko, tumango lang ako

"Sus! Bakit kapag ibang tao ang namimigay susuotin mo? Pero pag ako ang namimigay ng mga gamit sayo ayaw mo" nagpout pa siya nung sinabi nya yun

"Ayoko sayo eh blehhh" labas dila ko pang tugon, mukhang nagalit nga sya eh?

"Kung ayaw mo ako, bakit ka ngumingiti tuwing ako ang kasama mo?" Nakataas ang kanyang isang kilay nung sinabi nya yon

Nagsnob lang ako, di mo ako makukuha sa ganyan ganyan mo Lucas, noon nga di kita pinapansin ngayon pa kaya?

"Bahala ka nga diyan Lucas, ang aga aga nakakapikon" tumayo na ako at naglakad palayo, gusto kong mag ikot ikot sa kingdom para makita kung anong mga ganap kaysa naman mag stay kasama ang kupal na yon

Habang naglalakad muntik na akong matumba nung may tumalon sa likuran ko

"Woohoo! Tumakbo ka Dorothy!" Sigaw ni Lucas na parang bata habang naka piggy back ride sa likuran ko

"Umalis ka nga dyan!" Sinubukan kong tumayo ng maayos para malaglag si Lucas but it was no use.. Ang bigat ni Lucas paano na?

"Ano ba Dorothy! Noon ikaw ang sumasakay saken ah? Ako naman ngayon" nagsimula na akong maglakad

"Yehey!" Parang batang sigaw ni Lucas

"Sige na nga lang Lucas kahit mabigat ka pagbibigyan kita, only this once ok?" Wika ko habang naglalakad

"I can't promise na last na toh" pang aasar pa nya

•••

Kanina pa kami umiikot sa buong kingdom, maraming tao na ang tumitingin saamin ni Lucas dahil karga karga ko sya..

Actually kahit nagtataka ang mga nadadaanan namin nakukuha parin nilang batiin kami ni Lucas

Yung iba nagbubulungan pero biglang titigil kapag titingnan sila ni Lucas ng masama, hays Lucas talaga paminsan may mapamandag na tingin

"Lucas pagod na ako.." Pinagpapawisan na talaga ako kakabuhat eh

Naramdaman kong tumalon paalis si Lucas sa likuran ko, nag stretching pa ako at may maririnig ka pang mga tunog ng mga buto ko na naiinat

Inakbayan naman ako ni Lucas

"Thankyou and sorry" nakangiti pa sya na naka labas ang mapuputing ngipin

"Pinagod at pinahiya mo ako, kupal ka talaga" I glared at him

"Sorry na nga eh"

"Okay.."

Habang kami ay naglalakad
Nagulat ako dahil may malakas na pagsabog kaming narinig..
Nagkatinginan kami ni Lucas

Naglakad kami ng mas mabilis but we weren't running

Habang naglalakad may nakita akong tumatakbong babae papunta saamin, babaeng umiiyak..

Oh god.. What the hell happened..

"Tulong po! May nagawang butas sa wall ang asawa ko!" Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi ng babaeng umiiyak

"P-paano?" Naguguluhan kong tanong habang nanginginig

"Just come and see" tumakbo na sya palayo at nagsign naman si Lucas na sundan ang babae

"Wag sana, wag sana, wag sana" paulit ulit kong wika habang mas binibilisan ang pagtakbo

"Relax ka lang Dorothy" pagpapatigil ni Lucas sa kaba ko pero its no use.. Ang wall? Nabutas.. Maaaring may lumabas o pumasok

Sa aming pagtakbo naaaninag ko na ang butas sa wall, shet.. Anong nangyare?

Nakarating na kami sa butas na parte ng wall, Sana walang lumabas at Sana walang nilalang na nakapasok..

"Anong nangyare!?" Malakas na sigaw ko na nagpagulat sa mga tao, kahit si Lucas mukhang natakot din eh

"P-prinsesa.. Ang asawa ko po kasi.. May dala dalang sigarilyo, nung nagluluto po kasi ako lumapit sya saakin at sa di inaasahang pagkakataon pumutok ang pinaglulutuan ko dahil sa sigarilyong kanyang ginagamit.." Naiiyak na paliwanag ng babae

"Wala bang sunog?" I asked

"Ginamit po ng asawa ko ang kapangyarihan sa kanyang bracelet na nagpatigil sa apoy" nakahinga naman ako ng mabuti dahil kahit papaano walang apoy

"May lumabas ba sainyo?" Hinawakan ko ang mga balikat nya at pinatahan sya sa pag iyak

Umiling lang sya.. Hay salamat walang nagtangkang lumabas

May napansin akong babae na buntis na nawawalan ng balanse sa tabi ng butas sa dingding

Tinakbuhan naman sya agad ni Lucas..

"Tawagin ang mga karpentero para ayusin ang butas sa dingding ngayon na!" Pag uutos ko at sadyang maraming tumakbo papalayo at tumawag ng mga karpentero

"Dorothy.." Pag tawag saakin ni Lucas, lumapit naman ako sakanilang dalawa ng babaeng buntis

"Anong meron may masakit ba sakanya?" I asked

"Wala naman daw pero.." Kinakabahang tugon ni Lucas

"Pero ano?" Naguguluhan kong tanong

"Tumakbo palabas ang kanyang anak" nanigas ako dahil sa aking narinig..

May lumabas.. Bata pa at walang alam kung anong meron sa labas ng wall..

I have to find that child! Alam kong delikado but I have to!

"Lalabas ako.." Nakatulalang sabi ko

''No Dorothy!" Pagsuway saakin ni Lucas sabay lapit saakin with an angry look

"I have to! I am the Princess, I have to save that child!" Malakas na sagot ko kay Lucas

"You don't have to risk your life Dorothy.. Wag na please" niyakap ako ni Lucas, sorry talaga Lucas pero kailangan kong gawin toh, ang nararapat...

"Ayaw kitang mawala ulit Dorothy, hindi na ulit.. Tinulungan kita noong nasa panganib ka at tutulungan parin kita" hindi parin sya umaalis sa pagkayakap saakin

"Sorry but I've made my decision" walang expression kong sabi

"Kung yun ang desisyon mo.. Sasama ako" umalis na sya sa pagkakayakap nya saakin at nasaktan naman ako kaagad nung nakita kong pinahid nya ang mga luha sa kanyang mga mata

Bakit ka ba umiiyak Lucas.. You're so childish..

"Hindi mo kailangang sumama Lucas" naglakad na ako palayo nung nakita kong parating na ang mga karpentero

Sinundan naman ako ni Lucas

"Hindi kita Prinsesa and I won't listen to you.. Kaibigan kita at gagawin ko kung anong ninanais ko" nagkibit balikat lang ako at tumango nalang

"Sige sasama ka.."









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top