A Place in Time (6)

Chapter Six

Ang malas ko nga naman talaga. Sa dinami-rami naman kasi ng mawawalan ng date sa sabado, bakit ako pa? Isa pa, saan ako kukuha ng P500 'di ba? Eh baon ko na iyon sa isang buong linggo eh. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain. Hindi naman yata tama yun.

Ayoko rin namang sabihin kay Mama. Buntis yun. Baka sigawan ako eh makasama pa dun sa pinagbubuntis niya. Kay Papa hindi ko rin masabi na kailangan ko ng pera, kapag sinabi ko na dahil wala akong date sa sabado kaya ako magbabayad ng 500 eh baka mahigh-blood yun. Hindi pa kasi niya ako naririnig na nag-boyfriend, niligawan, o nag-date man lang.

Si Tjay lang talaga ang pag-asa ko na magpahiram sa akin ng pera. Tutal siya naman ang nagpasimula nito, siya naman dapat tumulong sa akin na bayaran yun. Dapat nga wala akong bayaran eh. Nakikisakay lang naman ako.

Teka lang. May nag-IM sa akin...

darkcrazy_vampire: hoy

Nung makita ko na si Terrence yun, hindi ko sana sasagutin eh. Kaya lang nag-type na rin ako. Ang babaw ko naman kung magalit pa ako tungkol doon sa salamin ko.

daisies_23: Hoy ka rin.

Sumagot naman siya kaagad. Ang bilis nga eh. Nakakapanibago lang.

darkcrazy_vampire: sumagot ah... himala.

daisies_23: ano bang drama mo quintero?

darkcrazy_vampire: ako wala. si tjay siguro, si mama at si papa baka meron.

Pilosopo masyado. Pilosopo na may halong nakakainis ang dating. Yun si Terrence.

darkcrazy_vampire: ready ka na bukas?

Naitype ko na yung 'hindi pa' kaya lang hindi ko maisend sa kanya. Syempre tiyak malalaman niya 'di ba? Kaya sinagot ko na lang eh...

daisies_23: you'll see.

darkcrazy_vampire: OA niyong mga babae. para yun lang.

daisies_23: eh ganun talaga. iba kami.

Nag-open ako ng isa pang browser para mag-check ng kung anu-ano sa net. Kaya lang nung nakita ko na nakalight-up yung IM box ni Terrence, inuna ko na naman yun.

darkcrazy_vampire: bye.

As in yun lang. Nag-bye na siya. Ni-wala man lang, 'matutulog na ako ah, bye.' o kaya naman simpleng,'Pagod na ko. Bye.' eh bigla na lang.. 'Bye'. Ano yun?!?

I swear kailangan talagang magpa-DNA test ng magkapatid na yun. Baka kasi may nagkapalit na anak or something sa hospital.

Nag-check lang ako ng mail ko. Nag-stay pa ako for another 30 minutes at naglalaro lang ako ng online game. Kaya nga nung napagod na yung mata ko kakalaro, naisipan kong matulog na. Past-9 na rin kasi nun.

Nung papatayin ko na yung PC, oddly, yung last box na sinara ko eh IM box ni Terrence.

***

Nakahiga ako nun sa kama ko. Lagpas na ng ala-1 at nakahiga pa rin ako at wala akong ginagawa. Si Tjay bihis na bihis na at si Carlo, yung date niya na sinet-up ng pinsan niya, ay nasa baba at naghihintay sa amin at malamang siguro eh nakikinig sa mga kwento ng nanay ko na buntis. Ganun naman kapag buntis at may hormonal imbalance, kung hindi ka magsusuka, maghahanap ng certain na pagkain, ayaw mo ng amoy nito, ayaw mo ng ayos ng ganyan, sabi ni ganito, at sabi ni ganyan, eh malamang baka mabaliw ka kapag may buntis sa bahay niyo. Sabi nila may wonders daw kapag buntis ka. Then I realized, seriously, nasaan ang wonder sa nanay ko? Ang tanging wonder lang na nag-cross sa isipan ko eh kung magiging ganyan din ako balang araw.

I hope I won’t be that complicated.

Si Tjay eh panay ang hila ng damit sa closet ko. Ako talaga nagmamatigas, ayoko talagang tumayo.

"Hindi na nga ako sasama eh! Willing na akong magbayad ng 500 kay Arwyn o kay Terrence. Kung sino man sa kanila.” Katwiran ko kay Tjay sa hindi ko pagtayo, “pero hindi ako sasama dahil lahat kayo may dates tapos ako tatayo lang doon at walang kasama! Mukha naman akong ewan nun."

Halungkat pa rin siya ng halungkat ng damit ko. Actually, pinakamarami sa damit ko eh skirt considering madalas nga ako sa simbahan. Ayaw nga ni Mama yung mga damit ko na iyonngayon dahil daw maiikli. Eh nung hindi siya buntis eh sabi niya ang cute daw ng mga skirts ko.

I can't wait when my mother's not pregnant anymore.

"Sumama ka na! Wala namang ganyanan Shay! Ayokong pumunta doon ng ako lang! Hello? Unang date ko ‘to. Tapos wala ka.” tingnan mo ito, kinokonsensiya pa ako, “What if may nangyaring nakakahiya. Please sumama ka na! At least, may kasama ako 'di ba?"

Tinalikuran ko si Tjay. Naligo na ako kanina pa, pero wala talaga akong balak magbihis.

"Hindi mo naman naiintindihan eh. Tatayo lang ako doon.” kung may date lang ba ako,  sino naman bang hindi gusting sumama? “Si Arwyn saka yung kuya mo sabi nila magdadala sila ng date, ikaw meron, ako lang talaga ang wala. Bakit pa ako pupunta?"

"I'll keep you company! Tatlo tayo nila Carlo.” excited na pagkakasabi ni Tjay, “Tingin ko naman maiintindihan niya eh. Mabait naman si Carlo. Isa pa alam niya hindi nakahanap ng date sa iyo di ba? Baka nga flattered pa siya na dalawa yung ka-date niya."

Mga idea talaga nito ni Tjay, "Tangek! Flattered ka diyan! Bankrupt kamo dalawa tayo."

Dahil kaka-kulit sa akin ni Tjay, saglit lang eh nakita ko na yung sarili ko na naka-skirt at pink na blouse at naka sandals ang ako ng puti na may lining lang ng pink. Sinabi ko sa kanya kapag nagmukha talaga akong ewan doon, uuwi talaga ako. Pero nag-promise siya na hindi daw niya ako hahayaang maging poste doon.

So ayun, bumaba na kami at nakabihis na kami parehas ng makita ko si Carlo na nakaupo doon sa sofa at kung hindi pa naman pangha-harass ang ginagawa ng nanay kong buntis sa kanya, ewan ko na. Hawak kasi ni Carlo yung remote at sabi ni Mama eh ilipat daw sa cooking channel. Tapos wala pang 5 seconds eh ipapalipat niya doon sa HBO, o sa movies na Tagalog. Panay ang lipat ng ni Carlo. Tawa nga lang siya ng tawa eh. Mukhang hindi naman naiinis.

Nagtataka na talaga ako. Bakit yung ibang buntis hindi naman ganyan kakulit? Nanay ko lang ba talaga?

Sinabi ko kay Mama na tigilan na niya yung pangungulit kay Carlo at nagpaalam na kami na aalis na kami. Nung naglalakad na kami, napansin ni Carlo na wala nga kaming kasama. Imi-meet kasi namin sila Terrence sa may sakayan malapit sa school dahil susunduin daw nila yung dates nila. Tapos simula doon, aalis na kami at kung saan na kami mapadpad.

Malapit lang yung school namin sa bahay namin kaya nilalakad lang namin ni Tjay. Kaya etong si Carlo dahil taga ibang school, panay ang tanong tungkol sa school namin.

"Ok ba turo sa school niyo?"tanong ni Carlo ng mahina lang.

"Ayos naman. Hindi naman masama. Well, at least ma-alam naman kami." tumawa kami ni Tjay nun, "Sa inyo alam namin okay na okay. Madalas namin makalaban mga taga sa inyo eh."

Private school kasi sila. At super mahal ng tuition fee. Tapos pili lang yung students na nandun sa kanila. Either malaki ang sweldo ng parents mo para paaralin ka doon, or scholar ka. Pero pretty much, hindi naman pang rich school ang school niya. Private lang kaya mahal ang tuition.

Nagtanaong naman si Tjay kay Carlo, "Hindi ba may closed gym kayo? Tapos carpeted yung sa cheerers?"

"Oh yeah. Papalitan nga yata nila yung carpet eh. May stains na kasi."

Wow. I wonder kailan kami magkakaron nun. Kailan naman kaya mangyayari na ang problema lang ng school eh stains ng carpet?

Anyway.. lakad lang kami ng lakad nun. Nung nakarating na kami sa school, nakita ko na nakatayo na si Arwyn doon sa tapat ng sakayan at may kasama siyang babae. Syempre alam ko na yun na yung date niya.

Nakita na niya kami at ngumiti siya. Tapos nag-hi siya kay Carlo.

"Hi Pare, Arwyn nga pala." Si Carlo eh nag-pakilala lang din naman. Tinuro niya si Carlo sabay sabing... "Date mo si..."

Nagtinginan kami ni Tjay nun. Ako na lang tuloy ang sumagot para kay Carlo,  "Date ni Tjay." kahit na ayokong i-admit, sige na nga.

"San date mo Jimenez?" parang nakakahalata na siya kasi wala akong kasama.

Si Tjay naman ang sumingit. Siya na ang sumagot para sa akin.

"Nag out of town. Nag-sorry nga eh. Nagpadala na lang ng flowers kay Shay. Hindi daw niya sinasadya."

This time, tumingin kami ni Carlo sa kanya. As in, saan na naman galing yun?

"Oh yeah... nandun ako eh." dagdag naman ni Carlo pero seryoso siya.

"Uhmmm.. yeah. What she said." napalunok naman ako nun.

"Pare excuse lang ah, kausapin ko lang itong dalawa na ito in private.." sabi niya tapos hinila niya kami sa gilid, "Usapan, kailangan may date kayo dito. Magbabayad pa rin kayo."

Magre-react na sana ako doon sa bayaran nung dumating naman si Terrence nun. May hawak siya na keychain at nilalaro-laro niya sa may kamay niya. Bigla na lang siyang sumingit gaya ng habit niya lagi, "May meeting kayo 'di niyo ko sinasali???"

Tumawa ng tumawa si Arwyn nun tapos tinuro ako, "Walang date si Jimenez."

Ngumiti si Terrence ng nakakaloko nun. As in yung nakakabwisit talaga.

"Paano ba yan, 500 namin." Inilabas niya yung palad niya na parang nanghihingi talaga siya ng bayad doon sa pustahan.

Ito namang si Tjay, hindi naman papatalo doon sa Kuya niya.

"Nakakatawa Kuya!" sabi ni Tjay na parang nagtataray pa, "May date ako. Which means babayaran niyo rin dapat ako. Ibig sabihin, even tayong lahat. Walang magbabayad! Ha! Ano ka ngayon!"

Teka.. oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun? Ang utak din ni Tjay eh.

"Okay okay.. sige na.. we get your point. Ituloy na lang natin to.” mabilis na sagot ni Terrence, “Nakabihis naman na tayong lahat saka may inimbita pa tayong ibang tao… nakakahiya sa kanila."

Parang ayoko na. Makikita ko na mangyayari eh. Sama-sama silang lahat na couples. Tapos ako, sa likod lang maglalakad mag-isa! Waah! Kawawa naman ako nun.

"Sige una na kayo. Hindi na ako sasama." sabi ko na lang dahil nagbago yung isip ko.

"Shay ano ka ba! Di ba napag-usapan natin na ano--" naputol yung sasabihin ni Tjay.

"Bakit naman Jimenez? Dahil wala kang date?" tumawa na naman si Arwyn. Sa totoo lang, gusto ko na siyang sabunutan. Kung pwede lang. "Huwag ka na umuwi, ayos lang yan. Yung iba nga diyan yung date may chicken pox!" tapos tinignan niya si Terrence.

"Shut up Arwyn!" ang sungit ng itsura niya nun. Humarap sa akin si Terrence nun. Napatingala nga ako ng konti lang naman kasi hindi nman nagkakalayo ang height namin. "May sakit yung date ko eh..." sabi niya ng mahinahon sa akin, "Ako na lang date mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top